You are on page 1of 18

Kabanata 4

Mga Kinalabasan

Ang kabanatang ito ay nahahati sa dalawang bahagi; (1)

Palarawang Pagsusuri ng mga Datos at Inferensyal na

Paglalahad ng mga Datos.

Unang bahagi, Palarawang pagsusuri ng mga Datos,

naglalahad ng kalikasan ng mga natuklasang datos sa

pananaliksik na ito. Ang mga datos sa survey correlational

ay natamo sa pamamagitan ng epekto ng panonood ng

pelikulang Pilipino sa pagpapahalagang moral ng mga mag-

aaral sa Senior High School.Isinama sa instrumentong

ginamit ang personal na katangian ng mga kalahok.

Ikalawang bahagi, Inferensyal na Paglalahad ng mga

Datos, naglalahad ng mga natuklasang datos sa pananaliksik

gamit ang mga kagamitang pang- istadistika sa computer

process statistics katulad ng Frequency count, percentage

mean, standard deviation, T-test at ang Pearson’s r, ang

0.5 alpha level ng kahalagahan ang siyang ginamit na

krayteryon sa pagtanggap ng datos.


65

Palarawang Pagsusuri ng mga Datos

Uri at Dalas ng Panonood ng Pelikulang


Pilipino ng mga Mag-aaral

Ipinapakita sa talahanayan 2 ang uri at dalas ng

panonood ng pelikulang Pilipino ng mga mag-aaral. Sa

kabuuan ang resulta ay nagpapakita n “ Comedy” at “Malimit”

na may ( M=4.00, SD- 1.17).

Talahanayan 2

Mean at Standard Deviation ng Uri at Dalas ng Panonood ng


Pelikulang Pilipino
Baryabol Mean Deskripsyon SD
Comedy 4.00 Malimit 1.17
Action-Comedy 3.85 Malimit 1.16
Drama 3.74 Malimit 1.03
Love Story 3.71 Malimit 1.14
Action 3.70 Malimit 1.21
Drama-Romance 3.51 Malimit 1.21
Horror-Comedy 3.49 Malimit 1.24
Comedy-Romance 3.38 Bihira 1.23
Horror 3.08 Bihira 1.30
Historical 2.99 Bihira 1.16
Romance 2.99 Bihira 1.22
Science Fiction 2.94 Bihira 1.19
Indie Film 2.68 Bihira 1.26
Legenda:

Iskala Deskripsyon
4.21-5.00 Palagi
3.41-4.20 Malimit
2.61-3.40 Bihira
1.81-2.60 Minsan
1.00-1.80 Hindi kailanman

Naging “ Malimit” ang resulta ng panonood ng

pelikulang “ “Comedy”. Marahil ay pinipili ng mga kabataan

ang mga pelikulang may temang patok sa kanilang panlasa at


66

may kaugnayan sa kanilang damdamin. Nangunguna sa

pinanonood ng mga mag-aaral ang “ Comedy”, nagpapakita

lamang ito na mahilig ang mga Pilipino sa mga pelikulang

nakaaliw dahil mapapaiyak sila sa tawa at panandaliang

makalimutan ang kalungkutan dulot ng mga problema. Bilang

tin-edyer mas patok sa kanila ang mga pelikulang nagbibigay

sa kanila ng magkahalong damdamin, kahit tigib ng aksyon

ang pelikula at nakaagaw hininga ang mga eksena napapatawa

pa rin sila sa mga pelikulang “ Action- Comedy.” At

maaaring gusto nilang sumigaw sa takot at tuwa ng sabay sa

panonood ng “ Horror- Comedy”. Kaya ito marahil ang

dahilan nangunguna sa takilya ang mga pelikulang, tulad ng

“ Praybeyt Benjamin na isa sa itinuturing na “ top grossing

Filipino movies of all times”. Samantala, malimit ding

paanoorin ng mga mag-aaral ang mga pelikulang “ Drama at

Love Story”, marahil naiuugnay nila ang kanilang buhay tin-

edyer sa mga ganitong uri ng mga pelikula. Naiuugnay nila

ang kanilang karanasan sa buhay lalo na sa pag-ibig sa mga

eksena sa pelikula dahil karaniwang tema sa pelikula ay

tungkol sa pang-araw araw na buhay ng mga tin-edyer. Mas

nadadagdagan pa ang kanilang pananabik dahil sa kilig na

hatid ng mga sikat na loveteam sa pelikula. Katulad ng “

Barcelona: A Love Untold”,“ Love You to the Moon and Back”

at “ Second Chance” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo


67

at Daniel Padilla, Julia Baretto at Joshua Garcia at John

Loyd Cruz at Bea Alonzo. Dagdag pa, maaaring madalas

panoorin ng mga mag-aaral ang ganitong uri ng pelikula

dahil sa kasalukuyan sinisikap ng mga direktor na gumawa ng

mga pelikula na ang tema ay may kaugnayan sa buhay ng mga

tin-edyer upang magiging swak sa kanilang panlasa na siyang

humahatak sa mga kabataan upang panoorin ang naturang mga

pelikula.

Sinasang-ayunan naman ito ng pag-aaral ni

Lacunio(2007), na nagsasabing dahil sa malaking populasyon

ng kabataan sa Pilipinas, ang karaniwang nagiging tema ng

pelikula ay tungkol sa pang araw-araw at kadalasang

pangyayaring nagaganap sa mga tin- edyer. Ang mga ganitong

uri ng pelikula ang siguradong papatok sa masa at magiging

mabenta sa mga kabataan. Tulad na lamang ng mga pelikulang

When I Met You, You Changed My Life, at When There Was You

na pinagbibidahan ng sikat na sikat na loveteams nina Sarah

Geronimo at John Lloyd Cruz, KC Concepcion at Richard

Gutierrez.

Dagdag pa ni Karney (2009),Marahil ang “uso” ang isa

sa mga makapangyarihang salita na makapaglalarawan sa

anumang anyo ng midya na tinatangkilik ng mga tao sa isang

partikular na panahon. Magkakaiba ang haba ng panahon ng

pagiging popular ng anumang nauuso. Maaaring ang


68

pagtangkilik sa isang bagay ay maging isang penomena na

nagtatagal ng ilang taon. Subalit kadalasan, ang mga usong

ito ay unti-unting nawawala, nakalilimutan at napapalitan.

Ang pinakamasaklap na maaaring mangyari, ang itinuturing na

uso sa mga panahon na ito ay maaaring maging katawa-tawa o

kakutya-kutya sa mga sumusunod na henerasyon. Subalit isa

lamang ang sigurado, hindi maitatanggi ang impluwensiya ng

globalisasyon sa pagtatakda ng kung ano ang uso at kung ano

ang laos. Sa panahon ng CNN, ESPN, MTV at Hollywood, sino

ang makapagtatatuwang pati ang ating lokal na kulturang

popular ay nasakop na rin ng kanluraning (o maka-Amerikang)

pag-iisip.

Antas ng Epekto ng Panonood


Ng Pelikulang Pilipino sa
Pagpapahalagang Moral ng mga mag-aaral.

Ang mga datos sa talahanayan 3 ay nagpapakita ng antas

ng epekto ng panonood ng pelikulang Pilipino sa

pagpapahalagang moral ayon sa pagpapakatao at kasapi ng

pamilya, pakikipagkapwa –tao, pagmamahal sa bansa at

pakikibahagi sa pandaigdigang pagkakaisa at pagkamaka-

Diyos at preperensiya sa kabutihan ng mga mag-aaral. Sa

kabuuan ay lumabas na “pinakamakabuluhan” na may ( M=4.34,

SD-0,51). Sa pagpapakatao at kasapi ng pamilya

“pinakamakabuluhan” na may ( M=4.36, SD- 0.54),


69

pakikipagkapwa “ pinakamakabuluhan” na may ( M=4.35, SD-

0.66), pagmamahal sa bansa at pakikibahai sa pandaigdigang

pagkakaisa “pinakamakanuluhan” na may ( M=4.26,SD-0.61) at

pagkamaka- Diyos at preperensiya sa kabutihan

“pinakamabuluhan” na may ( M=4.40, SD- 0.64).

Talahanayan 3
Mean at Standard Deviation ng Epekto ng Panonood ng
Pelikulang Pilipino sa Pagpapahalagang Moral ng mag-aaral

Baryabol Mean Deskripsyon SD


Pagkamaka-Diyos at 4.40 Pinakamakabuluhan 0.64
preperensiya sa kabutihan
Pagpapakatao at Kasapi ng 4.36 Pinakamakabuluhan 0.54
Pamilya
Pakikipagkapwa-tao 4.35 Pinakamakabuluhan 0.66
Pagmamahal sa bansa at
pakikibahagi sa 4.26 Pinakamakabuluhan 0.61
pandaigdigang pagkakaisa
Kabuuan 4.34 Pinakamakabuluhan 0.51
Legenda:

Iskala Deskripsyon
4.21-5.00 Pinakamakabuluhan
3.41-4.20 Mas makabuluhan
2.61-3.40 Makabuluhan
1.81-2.60 Medyo makabuluhan
1.00-1.80 Walang kabuluhan

Nagpapakita lamang ito na ang pelikulang pinanonood ng

mga mag-aaral ay nakaaapekto sa lahat ng aspeto ng kanilang

pagpapahalagang moral. Naging bukas sila sa pagtanggap ng

mga ideyang hinahatid ng pelikula Pilipino. Madali nilang

maisasabuhay ang pagpapahalagang ito dahil may kaugnayan sa

mga nangyayari sa kanilang buhay. Marahil nagkaroon ng


70

bigat sa kanila ang mga linya sa pelikula na tumatak sa

manonood. Sa pagsasaulo ng mga linyang ito, natutunan ng

mga kabataan na isabuhay ang mga ideyang napapaloob dito.

Kaya di mapapasubalian na kahit sa loob ng silid-aralan,

anuman ka seryoso ang talakayan, maririnig mo ang mga

tinatawag na “ hugot at pick-up lines” na karaniwang

nakukuha at natutunan ng mga kabataan mula sa mga pelikula.

Nagpapakita lamang ito na madali nilang matandaan ang mga

linyang binibitawan ng mga bida sa pelikula na maaaring

magpakilos sa kanila at maging basehan ng kanilang

pagpapahalagang moral. Sa mga napanood nila maaaring

magbago ang kanilang personalidad at mga pananaw sa buhay.

Sinasang-ayunan ito ng pahayag ni Hernandez,(2009) na

ang pagiging tin-edyer—kahit na sa pinakamabubuting

kalagayan—ay maaaring maging isang maligalig na panahon. Sa

panahon ng pagbibinata o pagdadalaga, ang mga kabataan ay

binabagabag ng bagong mga damdamin at emosyon. Araw-araw

silang napapaharap sa mga panggigipit ng kanilang mga guro

at iba pang kabataan. Nakahantad sila sa walang-tigil na

impluwensiya ng TV, mga pelikula, industriya ng musika, at

Internet. Kaya naman inilalarawan ng isang ulat ng United

Nations ang pagiging tin-edyer bilang “isang yugto ng

pagbabago na karaniwan nang maigting at nakababalisa.


71

Sa pag-aaral ni Bulquerin (2004), inilahad niya na sa

pagtuklas ng pelikula ang siyang naghayag ng mga tagong

buhay ng mga akdang pampanitikan. Binuhay, pinakilos at

pinagalaw ang lahat; lalo na ang mga tauhan, Nagsilbing

tunay na realidad ang ating napanood, at naging isang

matagumpay ang imbensyong ito, sa pagpapakilos ng

imahinasyon ng mga Pilipino. Dagdag pa niya,sa makulay na

mundong ating ginagalawan, ang impluwensiya ng pelikula ay

naging matimbang at mabisa. Nagiging higit na makabuluhan

at makahulugan ang pang-araw-araw na gawain ng tao dahil sa

mga mensahe, aral na makukuha sa panonood ng pelikula.

Samantala, ang antas ng epekto ng panonood ng

pelikulang Pilipino sa pagpapahalagang moral ng mga mag-

aaral ayon sa pagkamaka- Diyos at preperensiya sa kabutihan

ay “pinakamakabuluhan”. Nangangahulugan lamang ito na

naiimpluwensiyahan ng pelikulang Pilipino ang

pananampalataya at pananalig sa Diyos ng mga mag-aaral.

Marahil, ang bawat pelikula na pinapanonood nila ay

nagtataglay ng kulturang Pilipino tungkol sa

pananampalataya. Anuman ang sitwasyon, masaya man o nasa

gitna nang kalungkutan hindi nakalilimutan ng mga Pilipino

ang tumawag sa Panginoon. Lubos nilang pinapahalagahan ang

kanilang relihiyon at mataas ang kanilang pagpapahalaga sa

pamantayang moral ng Diyos.


72

Gayundin, “ Pinakamakabuluhan” ang antas ng epekto ng

panonood ng pelikulang Pilipino sa pagpapahalagang moral

ng mga mag-aaral ayon pagpapakatao at kasapi ng pamilya.

Ang pelikulang Pilipino ay sinasabing “kwento ng buhay mo”

kaya sa bawat kwentong ito nandoon ang pamilya at

binibigyang diin dito ang natatanging katangian ng bida.

Kaya marahil ang mga mag-aaral ay nakakareleyt sa

pelikulang napapanood nila. Dito nasasalamin ang sariling

kwento ng buhay nila kung paano mapapaunlad at mapapabuti

pa ang pagkatao at maging isang responsableng kasapi ng

pamilya. Makikita sa kulturang Pilipino ang pagpapahalaga

sa pamilya, kaya malamang mabilis na tinanggap ng mga

manonood ang mga ideyang ito. Tulad na lamang ng pelikulang

“ Ang Tanging Ina niyong Lahat” na nagpapakita ng

kahalagahan ng paglalaan ng oras sa pamilya higit sa

anumang materyal na bagay. Samantala, may mga pelikulang

binago na ang imahe ng pamilyang Pilipino tulad ng pagiging

solong magulang. Kaya, marahil natutunan ng kabataan na

timbangin ang positibo at negatibong dulot nito. Malamang

nagbago na rin ang kanilang konsepto ng isang buong

pamilya. Halimbawa ng pelikulang, naglalahad ng ideyang

mag-isang tinaguyod ng ina ang kaniyang mga anak dahil mas

pinili niyang hiwalayan ang asawa dahil sa pagiging

iresponsableng ama.Sa kabila nito nagtagumpay pa rin ang


73

ina dahil sa pagmamahalan at suporta ng bawat kasapi ng

pamilya. Marahil ang mga ideyang ito ay isa rin sa

pinaniniwalaan na ng mga kabataan.

Gayunpaman ang antas ng epekto ng panonood ng

pelikulang Pilipino sa pagpapahalagang moral ng mga mag-

aaral ayon sa pakikipagkapwa –tao ay “pinakamakabuluhan”

pinapakita lamang nito na naiimpluwensiyahan rin ang

moralidad ng mga mag-aaral sa pakikipagkapwa ng mga

pelikulang napapanood nila. Marahil naiimpluwensiyahan sila

ng pelikula kung paano pakitunguhan ang kapwa dahil likas

sa kultura ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa kapwa.

Halimbawa na lamang ng pelikula ni Vice Ganda na “ The

Unkabogable: Praybeyt Benjamin”, kahit ito’y isang comedy

ngunit malinaw na ipinarating sa manonood ang

pagpapahalaga, pagpapakita ng respeto at dignidad sa kapwa

sa kabila ng kaniyang katangian.

Ang antas ng epekto ng panonood ng pelikulang

Pilipino sa pagpapahalagang moral ng mga mag-aaral ayon sa

pagmamahal sa bansa at pakikibahagi sa pandaigdigang

pagkakaisa ay “pinakamakabuluhan”. Nangangahulugan lamang

ito na tanggap ng mga mag-aaral ang kamalayang panlipunan

na hatid ng pelikula. Marahil sa mga napapanood nilang

pelikula, namulat sila sa tunay na pangyayari sa lipunan na

kanilang ginagalawan. Naging totoo sa kanila ang mga


74

pangyayari sa pelikula kaya naging bukas sila sa pagtanggap

ng mga ideya kung paano kumilos bilang isang responsable at

mapanugatang mamamayan na nakakaapekto sa kanilang

pagpapahalagang moral.

Inferensyal na Pagsusuri ng Datos

Pagkakaiba sa Uri at Dalas ng


Panonood ng Pelikulang Pilipino

Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng resulta ng t-test

sa pagkakaiba ng uri at dalas ng panonood ng pelikulang

Pilipino sa pagitan ng kasarian. Ipinapakita na ang uri at

dalas ng panonood ay may “ makabuluhang pagkakaiba”.

Talahanayan 4
t-test ng Uri at Dalas ng Panonood ng Pelikulang Pilipino sa
Pagitan ng Kasarian

Uri at Dalas
ng Panonood Kasarian Mean SD t df Sig
Lalaki 3.36 1.10 (-)5.31* 238 .000
Drama
Babae 4.04 0.87
Lalaki 3.21 1.18 (-)6.50* 238 .000
Love Story
Babae 4.10 0.95
Lalaki 3.13 1.29 0.61 238 .541
Horror
Babae 3.03 1.32
Lalaki 3.96 1.20 -0.44 238 .657
Comedy
Babae 4.03 1.15
Lalaki 4.00 1.19 3.52* 238 .001
Action
Babae 3.46 1.17
Lalaki 2.95 1.25 -0.44 238 .660
Romance
Babae 3.02 1.19
Science Lalaki 3.00 1.26 0.67 238 .505
Fiction Babae 2.90 1.14
Historical Lalaki 3.10 1.25 1.33 238 .184
75

Babae 2.90 1.08


Horror- Lalaki 3.52 1.18 0.35 238 .723
Comedy Babae 3.47 1.29
Drama- Lalaki 3.32 1.20 (-)2.15* 238 .033
Romance Babae 3.66 1.20
Action- Lalaki 3.93 1.19 0.93 238 .354
Comedy Babae 3.79 1.15
Comedy- Lalaki 3.48 1.21 1.03 238 .303
Romance Babae 3.31 1.24
Lalaki 2.74 1.35 0.69 238 .490
Indie Film
Babae 2.63 1.18
*p<0.05 makabuluhan sa 5% alpa lebel
p>0.05 hindi makabuluhan sa 5% alpa lebel

Ang mag-aaral babae man o lalaki ay may iba’t ibang

hilig sa panonood ng pelikula. Lubos na kinahihiligan ng

mga babaeng mag-aaral ang Drama, Romance, Love Story at

Drama- romance. Samantala ang mga lalaki ay mahilig sa

pelikulang Action. Marahil may kinalaman dito ang

personalidad ng bawat kasarian. Ang mga kababaihan kilala

sa pagiging emosyonal kaya mas naiuugnay nila ang

ekspresyon ng kanilang sarili sa panonood ng pelikulang mas

mabibigat ang daloy ng kwento. Samantala, ang kalakihan

malamang nakikita nila ang kanilang pagiging malakas at

matatag sa panonood na pelikulang tigib ng aksyon. Kaya

bawat pelikulang panonoorin nila, mas tintangkilik ng mga

kabataan ang uri na may kaugnagyan sa kanilang sarili. Sa

kabilang banda, ang mga pelikulang “ Comedy, Horror,Science

Fiction, Horror- comedy, Action-Comedy, Comedy-romance at


76

Indie Film” ay pareho ang uri at dalas ng panonood ng

pelikulang Pilipino.

Sang-ayon ito sa pahayag ni Arnett(2007)na mayroong

lumalaganap na pagkahilig sa mga lokal na media na patok

pati na rin sa mga kabataang may mas mataas na kalagayan sa

buhay. Ito ay nagsasaad na ang mga kabataan ngayon ay

nagkakaroon ng pagkakapare-parehong kagustuhan sa mga

naibibigay ng media. Ang pinakapatok sa mga kabataan ay ang

mga komedy, variety shows,romansa at mga drama. Ang mga

karaniwang nanonood ng mga ito ay ang mga kababaihan na sa

siyudad nakatira (Arnett, 2009).

Kaya ang ipotesis na walang makabuluhang pagkakaiba

ang uri at dalas ng panonood ng pelikulang Pilipino ng mga

mag-aaral kapag sila’y papangkatin ayon sa kasarian ay

dapat iwaksi.

Pagkakaiba sa Epekto ng Panonood ng


Pelikulang Pilipino sa Pagpapahalagang
Moral ng mga mag-aaral sa Pagitan ng kasarian.

Ang talahanayan 5 ay nagpapakita ng pagkakaiba sa

epekto ng panonood ng Pelikulang Pilipino sa pagitan ng

kasarian.

Ipinapakita ng resulta ng t-test na “ walang

makabuluhang pagkakaiba” ang epekto ng panonood ng

pelikulang Pilipino sa mga mag-aaral ayon sa kasarian.


77

Talahanayan 5
t-test ng Epekto ng Panonood ng Pelikulang Pilipino sa
Pagpapahalagang Moral ng Mag-aaral sa Pagitan ng Kasarian
Epekto ng
Pagpapahalagang Kasari
Moral an Mean SD t df Sig
Lalaki 4.34 0.57 - 238 .638
Pagpapakatao at 0.47
Kasapi ng Pamilya Babae 4.37 0.51
Lalaki 4.28 0.65 - 238 .171
Pakikipagkapwa-tao 1.37
Babae 4.40 0.66
Pagmamahal sa bansa Lalaki 4.28 0.56 0.38 238 .704
at pakikibahagi sa Babae 4.25 0.65
pandaigdigang
pagkakaisa
Pagkamaka-Diyos at Lalaki 4.40 0.62 0.09 238 .930
preperensiya sa Babae 4.40 0.66
kabutihan
*p<0.05 makabuluhan sa 5% alpa lebel
p>0.05 hindi makabuluhan sa 5% alpa lebel

Marahil, sa panonood ng pelikulang Pilipino, parehong

naiimpluwensiyahan ang pagpapahalagang moral ng bawat

kasarian. Sa pamamagitan ng panonood ng pelikulang Pilipino

maaaring magkaroon sila ng pag-unawa ng konsepto sa iba’t

ibang aspeto ng pagpahalagang moral. Iba-iba man ang paraan

ng paglalahad ng konsepto ng pelikula ngunit iisa pa rin

ang kulturang Pilipino na napapaloob dito at may kinalaman

ito sa kung paano kumilos ang bawat indibidwal sa lipunang

kaniyang kinabibilangan. Kapwa itong tinanggap ng mga

manonood. Maaaring maging batayan ito ng kanilang pagpili

at pagpapasya sa buhay kung paano ipakita ang pagpapakatao

at kasapi ng pamilya, pakikipagkapwa, pagmamahal sa bansa


78

at pakikibahagi sa pandaigdigang pagkakaisa at pagkamaka-

Diyos at preperensiya sa kabutihan.

Pinatutunayan naman ito sa pananaliksik ni Reyes

(2009), ang bisa ng realidad sa pelikula ay katulad ng

realidad ng tao. Maaaring makahawa at makasakit ang

pelikula, ngunit nakadadala ang drama sa isang pelikula,

iba ang timbang ng realidad nito kung ihahambing sa

realidad ng tao.Dagdag pa ni Reyes, ang pelikula ay

nagkakabuhay lamang sa tulong ng imahinasyon ng mga

manonood. Ang daigdig nito ay umiikot sa pagkukunwari. Ang

bagay na imposible sa totoong buhay ay maaaring posible sa

mundo ng pelikula. Halimbawa, ang tao maaaring lumipad sa

tulong ng special effects. Ang bidang tadtad ng bala ay

maaaring mabuhay upang lalong madagdagan ang kasabikan ng

manonood. Ang bisa nito ay nakasalalay sa pagtanggap ng

publiko.

Ang ipotesis na walang makabuluhang pagkakaiba sa

epekto ng panonood ng pelikulang Pilipino sa

pagpapahalagang moral ng mag-aaral kapag sila’y papangkatin

ayon sa kasarian ay dapat tanggapin.


79

Kaugnayan sa Uri at Dalas ng Panonood


ng Pelikulang Pilipino at Epekto ng
Panonood ng Pelikulang Pilipino sa
Pagpapahalagang moral ng mga mag-aaral.

Ang talahanayan 6 ay nagpapakita ng kaugnayan ng uri

at dalas at epekto ng panonood ng pelikulang Pilipino sa

pagppahalagang moral ng mga mag-aaral.

Ang resulta ng Pearson’r ay nagpapakita na may

“makabuluhang kaugnayan” ( r=.222, p,< 0.5)sa pagitan ng

uri at dalas at epekto ng panonood ng pelikulang Pilipino.

Ito’y nangangahulugan na ang dalawang baryabol ay

naiimpluwensiyahan ang bawat isa at mayroong positibong

kaugnayan.

Talahanayan 6
Person' r sa Pagitan ng Uri at Dalas at Epekto ng Panonood ng
Pelikulang Pilipino sa Pagpapahalagang Moral ng Mag-aaral

r Sig
Uri at Dalas ng Panonood ng Pelikulang Pilipino
at Pagpapahalagang Moral .222* .001
*p<0.05 makabuluhan sa 5% alpa lebel
p>0.05 hindi makabuluhan sa 5% alpa lebel

Kung ang mag-aaral ay madalas manood ng pelikula ayon

sa uri na kinahihiligan nila ay higit na naiimpluwensiyahan

din ang kanilang pagpapahalagang moral. Maaaring ang bawat

ideyang inilahad ng pelikula ay tinatanggap ng mga mag-

aaral. Ang bawat pelikula ay naglalayong magbigay ng aral

ngunit magkaiba ang paraan ng pagsasabuhay nito, kaya’t


80

kung anong ideya ang inilahad ng pelikulang pinanonood,

iyon din ang karaniwang tinatanggap. At kung gaano rin ito

kadalas panoorin mas lalong paniniwalaan ng manonood ang

ideyang ito. Halimbawa, kung ang palaging pinanonood ng

kabataan ay ang pelikulang love story na naglalahad ng

ideyang handang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit

tutol ang kanilang mga magulang. Kung gayon, maaaring

maging kapani-paniwala ito sa kanila. Maging sa paraan ng

pakikitungo at pagtanggap sa iba, halimbawa may mga mag-

aaral na tanggap na ang “LGBT” dahil ito ang sinasabi ng

pelikulang pinanood nila, sa kabilang banda maaaring mali

ito sa iba dahil iba rin ang naging impluwensiya sa kanila

ng pelikulang napanood nila. May mga pelikula ring

nagpapakita na hindi mali ang magnakaw kung ginagamit mo

naman ito sa kabutihan, maaaring maging tama ito sa

palaging nanonood ngunit mali naman sa mga nanood ng

pelikulang naglalahad ng kabaliktarang ideya. Ang pelikula

bilang isang uri ng panitikan ay salamin ng buhay kaya

maaaring nakikita ng mga kabataan sa pelikulang pinapanood

nila ang repleksiyon ng kanilang sarili. Ngunit taliwas sa

tunay na repleksiyon sa salamin, sa pelikula maari nilang

piliin ang kanilang repleksiyon. Kung ano ang uri ng

pelikulang pinapanood nila maaaring iyon ang buhay na sana


81

minsan maranasan din nila.Kaya bawat pelikula ay nag-iiwan

ng kakintalan sa manononood.

Ayon sa pag-aaral ni Hendrikz na binanggit ni

Bulquerin(2004), ang tao ay isang moral na nilalang na kung

saan ito ay may kakayahang mamili tumanggap at mamuhay nang

naaayon sa kanyang paniniwala o prinsipyo sa buhay. At

dahil sa katotohan na ang tao ay isang moral na nilalang

siya ay may katangian na makapamili kung ano ang tama sa

sarili.

Ipinahayag pa ni Bulquiren na binanggit ni Amarillo

(2010) na kung susuriin ang ipinapalabas sa isang

pelikula;mababatid ang iba’t ibang uri ng tao;masama,

mabuti, may moral, walang moral, duwag matapang at iba pa.

Kapag naging masama ang reaksiyon ng mga manonood, nagiging

masama o lason ang pelikula kahit hindi ito ang layunin ng

gumawa.

Kaya ang ipotesis na walang makabuluhang kaugnayan ang

uri at dalas ng panonood ng pelikulang Pilipino sa epekto

ng panonood ng pelikulang Pilipino sa pagpapahalagang moral

ng mag-aaral ay dapat na iwaksi.

You might also like