You are on page 1of 59

FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

YUNIT I
RETORIKA: SUSI SA MABISANG PAHAYAG

INTRODUKSYON
Bilang isang indibidwal na nakikisalamuha sa kapwa mahalaga na mabatid
nating kinakailangang masigurong makapagpapahayag tayo sa paraang kanais-nais
sa ating tagapakinig at mambabasa upang makamit natin ang ating mga kaisipan,
damdamin at lunggati.

ARALIN 1.1 RETORIKA (Susi sa Mabisang Pagpapahayag)

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Naibibigay ang malalim na kahulugan ng retorika
b. Naipaliliwanag ang ugnayan ng gramatika at retorika
c. Nailalahad at naibibigay ang kahalagahan ng retorika

BASAHIN

A. Kahulugan ng Retorika
➢ Nagmula sa salitang Griyego – Rhetor, na ang ibig sabihin ay guro, magaling
na orador o mananalumpati.
➢ Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at
epektibong pagsasalita o pagsulat.
➢ Ito ay mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinutukoy
kung maganda o kaakit-akit ang pagsusulat at pagsasalita. (Sebastian, 1967)
➢ Sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang
maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.
(Panganiban)
➢ Mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa
wastong paggamit ng wika.
➢ Isang mabisang lapit ng pagsasaayos ng mga salita sa pagbuo ng diwang may
kahulugan, kabuluhan, lalim at kariktan.

B. Layunin at Simulain ng Retorika

❖ Layunin ng retorika na tayo’y makapagpahayag nang mahusay, pasulat man


o pasalita. Nililinang nito ang kakayahan sa pagkakaroon ng isipang
mapanuri, makabuo ng mga makabuluhang ideya, at makapamahala sa
angking kakayahan.

1
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

❖ Ang mga prinsipyo ng mabisang pagpapahayag upang matamo ang layunin


ng retorika: Kaisahan, Pagkakaugnay-ugnay o Kohirens, Diin o Empasis, at
Paggawa ng Balangkas.
❖ Binanggit ni Propesor Frank L. Lucas ang mga sumusunod na dapat taglayin
ng isang pagpapahayag:
1. Maging matapat. Huwag baguhin ang ideya. Huwag tangkaing
pagandahin o pasamain ang mga pahayag.
2. Maging malinaw. Huwag lituhin ang mga mambabasa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalye na magdadala sa mga
mambabasa o tagapakinig sa kung saan-saan.
3. Maging tiyak, matipid sa sasabihin. Huwag paligoy-ligoy. Banggitin
agad ang kaisipang isinusulong.
4. Sikaping magkaroon ng barayti. Magiging kabagot-bagot ang
pahayag na walang pag-iiba sa paraan ng pagpapahayag.
5. Langkapan ng pagpapatawa (humor), talino, sigla at
imahinasyon. Nakadadagdag din ang mga ito sa mas mahusay na
pagpapahayag.
C. Sangkap ng Retorika
1. Ang kaisipang gustong ipahayag – Ito ang pangunahing sangkap ng retorika,
ang ideyang nais ipahayag.
2. Ang pagbuo o organisasyon – Ang kaayusan at lohika ng paraan ng
pagpapahayag na nagbibigay ng sining at bisa ng ipinapahayag na kaisipan.
3. Ang estilo ng pagpapahayag – May sariling paraan o estilo ang manunulat
sa pagpapahayag upang maakit ang kaniyang tagapakinig o mambabasa.
D. Kahalagahan ng Retorika

1. Kahalagahang panrelihiyon – sa pamamagitan ng mabisang panghihikayat


ay napananatili ng mga samahan ang kanilang mga miyembro at
nakahihikayat din ng iba pang tagapakinig at sumang-ayon sa kanilang
pinaniniwalaan.
2. Kahalagahang pampanitikan – nakapagpapalutang ang mga manunulat ng
kanilang layunin na mapahalagahan ng idibidwal ang kanilang karanasan.
Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng manunulat ng retorika ay
napapasok ng panitikan ang kamalayan ng bawat nilalang.
3. Kahalagahang pang-ekonomiya – nakatutulong nang malaki ang retorika sa
paghikayat sa mga mamumuhunan at maging ang mga tagabili upang
mapalago ang anumang negosyo o anumang usaping nauugnay sa
ekonomiya.
4. Kahalagahang pampulitika – mahalagang maiparating nang mabisa ng mga
pulitiko ang anumang programa at plataporma na kanilang ihahain sa madla.

E. Saklaw ng Retorika

• Wika – Wika ang pangunahing behikulong ginagamit sa pagpapahayag


ng nararamdaman at naiisip.
• Lipunan – Nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin
sa lipunan. Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya
maiiwasang magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa mundong
kaniyang ginagalawan.

2
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

• Sining – Ang nagpapahayag ay gumagamit ng simbolo at imahinasyon


upang bigyan-buhay ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o
mambabasa
• Pilosopiya – Gumagamit ng retorika ang isang nagpapahayag upang
ipakita na ang mga argumento niya ay padron ng sensibilidad at
katwiran upang maunawaan ng iba.

WIKA

PILOSOPIYA RETORIKA LIPUNAN

SINING

F. Dalawang Anyo ng Pagpapahayag

1. Pagsulat
➢ Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t
ibang layunin.
➢ Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa
papel, o sa pagpindot ng mga keys ng typewriter o ng keyboard ng
kompyuter.
➢ Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng
writing output kahit pa ito ay sulat-kamay lamang o rehistro ng
kompyuter o print-out na.
➢ Mental na aktibi sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng
mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng pag-unlad at pattern ng
organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naayon sa mga tuntunin
ng wikang ginagamit.
➢ Ayon kay William Strunk at E.B White, ang pagsulat ang bumubuhay
at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.
➢ Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman,
ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng
pag-iisip. (Kellogg)

Proseso ng Pagsulat

• Pre-writing – Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng


impormasyon, pag-iisip ng mga ideya, pagtukoy ng estratehiya ng pagsulat

3
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

at pag-oorganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay


nakapaloob sa yugtong ito.
• Ang Unang Burador – Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang
maisalin sa bersyong preliminary ng iyong dokumento na maaari mong
irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan. Sa
pagsulat nito, iminumungkahing sundin ang iyong balangkas ng bawat
seksyon. Palawagin ang iyong mga parirala sa pangungusap. Mahalaga na
hindi mawala ang momentum sa pagsulat.
• Revising – Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang
makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng
dokumento.
• Editing – Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng
mga salita, ispeling, grammar, gamit at pagbabantas. Ito ang pinakahuling
yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.

2. Pagsasalita
➢ “Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao
ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.”
➢ “Ang pagsasalita sa harap ng pulitiko ay hindi naiiba sa pakikipag-
usap nang pribado sa isang tao.”
➢ “Ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga
positibong pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad kundi
maging sa iyong buhay.”
➢ “Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga
kalahok nito. Kung gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang
pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.”
➢ “Upang maging isang epektib na tagapagsalita, kailangang may sapat
kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.

Mga Aytem sa Mabisang Pagsasalita:


• Tinig
• Pagbigkas
• Tindig
• Kumpas
• Kilos

G. Paglalangkap ng Gramatika at Retorika


Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, mayroong dalawang sangay ng karunungan
ang sangkot sa pag-aaral ng wika: Ang gramatika at ang retorika.

Gramatika o Balarila
➢ Tumutukoy sa pag-aaral ng anyo, uri ng mga salita, tamang gamit ng
mga salita at tamang pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag
upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa.
➢ Isang agham sa paggamit ng salita at kanilang pagkakaugnay-ugnay.
➢ Isinasaalang-alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa
isang pangungusap.

Retorika
➢ Ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na tumutukoy sa
kasiningan ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat upang
maunawaan, makahikayat at kaluguran ng mga nakikinig o
bumabasa.

4
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

➢ Ang masining ma pagpapahayag ay hindi sinusukat sa haba, hindi rin


sa pagiging maligoy kundi sa bisa nito sa mambabasa o tagapakinig.

Sanggunian
• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag. Wiseman’s
Books Trading, Inc.
• https://www.slideshare.net/sjbians/proseso-atyugtongpagsulat
• https://www.scribd.com/presentation/357958401/Module-1-Kalikasan-at-
Simulain-Ng-Retorika

PAGSUSULIT

Panuto: Gawin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Ano ang retorika? Ipaliwanag sa sariling pangungusap.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang ugnayan ng gramatika at retorika.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN

Panuto: Talakayin ang kahalagahan ng retorika. Magbigay ng halimbawa o


sitwasyon na nagpapakita ng kahalagan ng retorika.

a. Kahalagahang panrelihiyon
b. Kahalagahang pampanitikan
c. Kahalagahang pang-ekonomiya
d. Kahalagahang pampulitika

5
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 1.2 WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Nakikilala ang mga angkop o wastong salitang dapat gamitin sa
pahayag
b. Mapalawak ang kaalaman at maisagawa ang mga kasanayan sa
wastong gamit ng salita
c. Mapabuti at maiangat ang kakayahang komunikatibo sa pamamagitan
ng pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay-halaga sa
tamang gamit ng mga salita
d. Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamaraang wasto,
malinaw at mabisa

BASAHIN

A. Mga Salitang Kalimitang Nagpapalit ng Gamit

1. Nang at Ng

Gamit ng Nang
a. Katumbas ng salitang “when” sa Ingles.
Hal. Nang pumutok ang bulkan, marami ang nagbago.

b. Tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan.


Hal. Tumakbo siya nang matulin.

c. Tagapagpakilala ng pang-abay na pamanahon.


Hal. Umalis siya nang maaga.

d. Tagapag-ugnay ng pandiwang inuulit.


Hal. Magsanay nang magsanay upang gumaling.

e. Katumbas ng “so that”, “in order to” sa Ingles


Hal. Magsaya nang hindi agad tumanda.

f. Pinagsamang pang-abay na NA at pang-akop na NG.


Hal. Tapos nang magturo ang guro.

Gamit ng Ng
a. Katumbas ng “of” sa Ingles.
Hal. Maliwanag ang sinag ng araw.

b. Tagapagpakilala ng tagaganap ng pandiwa.


Hal. Ginamot ng bata ang sugatang aso.

6
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

c. Tagapagpakilala ng layon ng pandiwa.


Hal. Namitas ng bulaklak ang mga hardinero.

d. Pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”.


Hal. Umuuwi ako ng probinsya tuwing katapusan.

2. May at Mayroon

Gamit ng May
a. Gamitin ang may kapag susundan ng sumusunod:
Pangalan – May aklat sa ilalim ng mesa.
Pandiwa – May kumakatok sa pinto kagabi.
Pang-uri – May mahalimuyak na amoy.
Pang-abay – May tatalong taon na siyang nawawala.
Panghalip:
Panao na paari – Naroon siya sa may kaniyang silid.
Pantukoy na mga – May mga araw na makulilim.
Gamit ng Mayroon
a. Gamitin ang mayroon kapag susundan ng mga sumusunod:
Kataga – Mayroon na bang sweldo si Gleemore?
Panghalip na panao na palagyo – Mayroon ka ba nito?
Panghalip pamatlig – Mayroon iyang binabalak gawin.
Pang-abay na panlunan – Mayroon sa bundok ang ganyan.

b. Panagot sa katanungan.
Hal. “may proyekto ka na ba?” “Mayroon”

c. Bilang pangngalan na nangangahulugang mayaman.


Hal. Sa kilos pa lang makikilala na kung sino ang mayroon.

3. Kung at Kong

• Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. “if” sa Ingles.


Hal. Kung uuwi ka na ay sabihan mo ako.

• Ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari.


Hal. Ang pinakamamahal kong aso ay pumanaw na.

4. Daw/Din at Raw/Rin

• Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos


sa katinig.
Hal. May labanan daw ng salita ang mag-asawang artista.

• Ginagamit ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos


sa patinig.
Hal. May engkwentro raw sa basilan kamakailan.

5. Pinto at Pintuan

• Pinto ang inilalapat sa puwang upang hindi ito madaanan.


Hal. Gusto ko ang bagong kulay mg pinto.

7
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

• Pintuan ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.


Hal. Huwag kang tumayo diyan sa pintuan.

6. Hagdan at Hagdanan

• Hagdan ang inaakyatan at binababaan


Hal. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdan.

• Hagdanan ang kinalalagyan ng hagdan


Hal. Inaalis tuwing gabi ang hagdanan ng kubo.

7. Bitiw at Bitiwan
• Ang salitang bitiw/bitiwan (pandiwa) ay ang pagkawala o pag-alis sa
pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari
Hal. Huwag kang bumitiw para hindi.

• Ang salitang bitaw (pangngalan) ay nauukol sa pagsasanay ng


sasabunging manok
Hal. Sa pula ang bitaw ni Mang gusting kaya siya natalo.

• Ang bitawan ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng


salpukan ng manok ng walang tari
Hal. May nakita akong pulitiko sa bitawan ng manok.

8. Ikit at Ikot

• Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas
patungo sa loob patungo sa loob
Hal. Nakadaming ikit kami bago nakapasok sa kuweba

• Ang ikot naman ay kilos mula sa loob patungo sa labas


Hal. Nakailang ikot muna bago kami nakalabas ng parke.

9. Imik at Kibo

• Ang imik ay ginagamit sa pagsasalita o pangungusap


Hal. Hindi siya nakaimik sa tanong ng ama.

• Ang kibo ay ginagamit sa pagkilos


Hal. Hindi siya kumikibong nakaupo sa gilid.

• Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo


Hal. Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak sa puntod.

10. Kata at Kita

• Ang kata ay ikaw at ako


Hal. Kailan kata magkasamang luluwas ng probinsya?

• Ang kita ay ikaw


Hal. Pangarap kong makasama kita sa aking pag-uwi.

8
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

11. Kina at Kila

• Ang kina ay maramihan ng kay at panandang pangkayarian sa


pangngalan. Walang salitang kila.
Hal. Pakidala ang mga aklat kina Sheila at Fatima.

12. Taga at Tiga

• Taga ang dapat gamitin. Walang unlaping tiga.


• Gumamit ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi
Hal. Taga-Tacloban ang bisita ng aming kapit-bahay.
Ako ang tagalaba tuwing Sabado at Linggo.

• Naiiba naman ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga


pambilang: tig-isa, tigalawa, tigatlo, tig-apat, atbp.

B. Mga Pang-ugnay na Pinagpalit

1. Kapag at Kung

• Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak


Hal. Umuuwi siya sa probinsya kapag bakasyon niya.

• Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan.


Hal. Hindi niya tiyak kung sa Sabado o Linggo siya uuwi.

2. Kung di at Kundi

• Ang kung di ay galing sa salitang “kung hindi” o “if not”


Hal. Wala ka na sanang maaabutan kung di ka pa dumating.

• Ang kundi naman ay “except”.


Hal. Walang sinuman ang makagagawa nito kundi siya lamang.

3. Habang at Samantalang

• Ginagamit ang habang sa kalagayang walang tiyak na hangganan o


“mahaba”
Hal. Magtiis mamaluktot habang maiksi ang kumot.

• Ginagamit naman ang samantalang sa kalagayang may taning. O


“pansamantala”
Hal. Makikita muna ako sa bahay nina kuya samantalang wala pa
akong tawag mula sa bago kong amo.

• Samantala rin ang ginagamit sa tambisan ng dalawang kalagayan


Hal. Si Neil ang pumunta samantalang si Mark naman ang tinawag ng
dalaga.
4. Dahil, Dahil sa/Dahil kay at Dahilan

• Ang dahil ay pangatnig


Hal. Hindi siya nakasama dahil sumakit ang tiyan niya.

9
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

• Ang dahil sa o dahil kay ay pang-ukol


Hal. Hindi siya nakasaman dahil sa sakit ng tiyan niya.

• Ang dahilan ay pangngalan


Hal. Sakit sa tiyan ang dahilan ng pagkaospital niya.

• Mali ang dahilan sa, pang-ukol o pangngalan man

C. Mga Pandiwang Magkapareho ang Ugat ngunit Magkaiba ang mga Panlapi.

1. Abutan at Abutin

• Abutin ang isang bagay


Hal. Abutin mo ang iyong pangarap.

• Abutan ng isang bagay


Hal. Abutan mo ng tulong ang kapatid mo.

2. Agawin at Agawan

• Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop


Hal. Huwag mong agawin ang tanging kaligayahan niya.

• Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop


Hal. Ibig agawan ng laruan ni Charies si Armando.

3. Bilhin at Bilhan

• Bilhin ang isang bagay


Hal. Bilhin natin ang pangarap na regalo ni Mica.

• Bilhan ng isang bagay


• Bilhan natin ng regalo si nanay at tatay.

4. Bumili at Magbili

• Ang bumili ay “to buy”


Hal. Mainam bumili ng sariwang strawberry sa La Trinidad.

• Ang magbili ay “to sell” o magbenta


Hal. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Benguet ay magbili
ng sarili nilang tanim na gulay.

5. Hatiin at Hatian

• Ang hatiin ay partihan o “to divide”


Hal. Hatiin mo sa sampung bahagi ang pizza.

• Ang hatian ay o ibahagi “to share” sa Ingles


Hal. Hatian natin ang lahat, maging ang mga wala ngayon.

10
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

6. Hinagis at Inihagis

• Hinagis ng isang bagay


Hal. Hinagis ni Daniel ng tinapay si Irene.

• Inihagis ang isang bagay


Hal. Inihagis ni Donie ang bola nang malakas kay Danny.

7. Ibayad at Ipagbayad

• Ang ibayad ay pagbibigay ng bagay bilang kabayaran


Hal. Paglalaba ang ibabayad ko sa hiniram kong pera.

• Ang ipagbayad ay pagbabayad para sa ibang tao


Hal. Ipagbayad mo nga muna ako sa aking check-up.

8. Kumuha at Manguha

• Ang kumuha ay “to get”


Hal. Kumuha siya nmga aklat na babasahin sa biyahe.

• Ang manguha ay “to gather, to collect”


Hal. Mangunguha muna kami ng datos mula sa barangay para sa
aming ginagawang papel bago kami magbakasyon.

9. Linisin/Linisan

• Linisin ang isang bagay na maaring tanggalin


Hal. Linisin ninyo ang kalat bago pa man may madulas.

• Linisan ang pook o lugar


Hal. Linisan ninyo ang bahay at darating na ang may-ari.

10. Magsakay/Sumakay

• Ang magsakay ay magkarga “to load”


Hal. Nagsakay ng sampung basket ng patatas ang Pajero.

• Ang sumakay ay “to ride”


Hal. Sumakay na tayo sa anumang daraang bus.

11. Napakasal/Nagpakasal

• Ang napakasal ay “got married”


Hal. Napakasal ang kapitan sa kaniyang sekretarya.

• Ang nagpakasal ay “caused the wedding”


Hal. Ang mayor ang nagpakasal sa dalawang empleyado.

12. Operahin at Operahan

• Ang operahin ay para sa tiyak na bahagi ng katawan na titistisin


Hal. Ooperahin bukas ang bukol sa dibdib ni Charlie.

11
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

• Ang operahan ay tumutukoy sa tao


Hal. Inoperahan si Clem sa tainga noong nakaraang taon.

13. Pahirin/Pahiran

• Ang pahirin ay pag aalis o “to wipe off”


Hal. Pahirin mo ang dungis sa mukha ng bata.

• Ang pahiran ay paglalagay o “to apply something”


Hal. Pahiran mo ng langis ang likod niya pagkaligo niya.

14. Subukin/Subukan

• Ang subukan ay pagtingin nang palihim


Hal. Ayaw kong subukan ang ginagawa nila pag wala ako.

• Ang subukin pagtikim at pagkilatis


Hal. Subukin mo ang tatag ng kaniyang pananampalataya.
Subukin natin ang kaibhan ng bagong produkto nila.

15. Sukalyin at Suklayan

• Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba


Hal. Suklayin mo nga nang maayos ang buhok mo, Roselyn.

• Suklayan ng buhok ang ibang tao


Hal. Suklayan mo nga Rose ng buhok si lola pagkaligo niya.

16. Walisin/Walisan

• Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis


Hal. Walisin nga ninyo ang mga tuyong dahon sa bakuran.

• Walisan ang pook o lugar


Hal. Sana ay mawalisan ang aklatan dahil maalikabok na.

17. Sundin/Sundan

• Ang sundin ay sumunod sa payo o pangaral


Hal. Sundin mo ang lagi kong inihahabilin sa iyo upang hindi nka
mapahamak.

• Ang sundan ay tularan ang ginagawa o pumunta sa pinuntahan ng iba


Hal. Sundan mo agad ang kaibigan mo at baka tuluyan na iyong
magtampo.

Sanggunian

• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag. Wiseman’s


Books Trading, Inc.
• https://www.academia.edu/37760651/MODYUL_SA_TAMA_AT_ANGKOP_NA_
GAMIT__NG_MGA_SALITA_SANDY_MAGANA

12
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag.

1. Mag-ingat ka anak (kapag, kung) nagmamaneho ka.


2. Huwag kang humarang sa (pintuan, pinto) at (ng, nang)
maisara na ang (pintuan, pinto).
3. Akyat-panaog ang ama sa (hagdanan, hagdan) (habang,
samatalang) hinihintay ang paglabas ng panganay nila.
4. Hindi siya nakapasok kahapon sa trabaho (dahil sa, dahil)
sumakit ang kanyang ulo.
5. (Bitiwan, Bitawan) mo ako (kundi, kung di) ay sisigaw ako.
6. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng mabigat na salita sa kapwa.
7. (Umikut-ikot, Umikit-ikit) muna sila sa loob ng tunnel bago nila
nahanap ang daan palabas.
8. Wala siyang (kaimik-imik, kakibu-kibo) kung matulog.
9. (Kumibo, umimik) (nang, ng) bahagya ang apoy ng kandila.
10. Iniibig (kata, kita) (nang, ng) walang hanggan.
11. Papunta kami (kina, kila) MJ at Chris.
12. (Tiga-Manila, Taga- Manila) ang kapit-bahay naming (tag-
isang, tig-isang) sasakyan.
13. Siya ang (tagaluto, tigaluto,taga-luto) sa kanilang kampo.
14. (Abutan, abutin) ng lingap ang mga nangangailangan.
15. Ibig (agawan, agawin) ng China ang isa sa mga isla ng
Pilipinas.
16. Trabaho niya (bumili, magbili) ng gulay sa Baguio at (bumili,
magbili) pagkababa sa Maynila.
17. (Hinagis, Inihagis) ni Manny ng twalya si Mark.
18. Di alam ng mga nars (linisin, linisan) ang tiyan ng bata.
19. (Subukin, Subukan) natin ang kakayahan niya.
20. (pakipahiran, pakipahirin) ang langis sa mesa.

13
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

GAWAIN

I. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap.

1. Gusto kong pahiran ka ng lotion.


___________________________________________________________________________

2. Punasin mo ang alikabok sa ibabaw ng radio.


___________________________________________________________________________

3. Iwanan mo ng pera ang mga anak mo nang hindi sila magutom.


___________________________________________________________________________

4. Sa isang araw na ooperahin ang puso ng kanyang kapatid.


___________________________________________________________________________

5. Subukin mong magbasa tuwing umaga at baka mas tumaas ang iskor mo sa
darating na pagsusulit.
___________________________________________________________________________

6. Walisan mo ang hagdan.


___________________________________________________________________________

7. Walang ibang hinangad ang mga magulang kundi ang kapakanan ng


kanilang mga anak kaya dapat na sundin ang kanilang mga payo at
pangaral.
___________________________________________________________________________

8. Si Linda ay nagpakasal kay Carlo.


___________________________________________________________________________

9. Ang paborito kong asignatura ay Filipino.


___________________________________________________________________________

10. Pupunta ako kina Ana mamaya upang gawin ang proyekto naming.
___________________________________________________________________________

II. Panuto: Ibigay ang kahulugan o gamit ng mga sumusunod na salita.


Gamitin ang mga salitang ito sa pangungusap.

1. Magbili
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

2. Magsakay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Pahiran
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Hatiin
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Manguha
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

III. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung


tama ang nakasalungguhit na salitang ginamit sa pahayag at M kung mali at
sa tapat nito, isulat ang salitang sa dapat na ipalit.

Halimabawa:
M- Subukin 1. Subukan mo ang bagong labas na pabango at baka
____________
magustuhan mo.

____________ 1. Matapos ang tatlong taong pagiging magkasintahan,


nagpakasal na rin sila.

____________ 2. Subukan nating gamitin ang abgong labas na shampoo.

____________ 3. Ibig niyang pahirin ang luha sa iyong pisngi.

____________ 4. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka.

____________ 5. Taga-Palo ang pumunta sa amin kahapon.

____________ 6. Sa pagmamadali pagbaba ng hagdanan ay muntik na akong


madulas.

____________ 7. Ooperahin na rin ang tumor niya sa utak.

____________ 8. Pagkatapos mong gawin ay walisan mo naman ang sahig.

____________ 9. Sundan mo ang humahagibis na dyip na iyon.

____________ 10. Ang padalang sapatos ng kanyang ama ay kinuha niya kina
Ramil.

15
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

YUNIT II
MGA ANYO NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG

INTRODUKSYON

Mahalagang bigyan ng tuon ang mga bagay na dapat matutunan upang mas
maging epektibo ang ating isinasagawang pagpapahayag gamit ang iba’t ibang anyo
ng masining na pagpapahayag.

ARALIN 1.3 MGA KATUTUBONG PAGPAPAHAYAG

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Natutukoy at nakikilala ang katangian ng mga katutubong pahayag
b. Nakasusulat o nakalilikha ng sariling halimbawa ng mga katutubong
pahayag

BASAHIN

Sa mga katutubong pahayag na ito ay mababakas ang mga kaugalian, asal,


gawi, at katangian na tanging atin lamang. Ito’y mga kaban ng yaman ng lahing
kayumanggi.

A. Salawikain

➢ Ito ay mga kaisipang nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at


tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno.
➢ Ito’y parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral.

Katangian ng Salawikain:

1. Maikling pangungusap
2. Payak
3. Karaniwang mga pananalita
4. Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
5. May tugma ang karamihan
6. Pag-uulit ng mga salita

Halimbawa:
1. Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago.
2. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
3. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
4. Hamak mang basahan, may panahong kailangan.
5. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

16
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

B. Kawikaan

➢ Ang mga kawikaan ay paalala na may dalang mensahe at aral na


kadalasan ay hango sa Bibliya.
➢ Kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay
ng aral sa buhay.

Halimbawa:
1. Ang taong matiyaga anuman ay nagagawa.
2. Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
3. Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.
4. Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar; at sa Diyos ang sa Diyos
5. Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw.

C. Sawikain

➢ Ito ay mga katutubong pahayag na walang natatagong kahulugan.


➢ Ito ay mga patalinghagang pananalita. Ito ay isang paraan ng
pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng tao.
➢ Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.

Halimbawa:
1. Daig ng maagap ang taong masipag
2. Ang sakit kapag naagapan madaling malunasan
3. Ang mabigat ay gumagaan kung pinagtutulungan
4. Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan
5. Walang mahirap na gawa pagdinaan sa tiyaga

D. Kasabihan

➢ Ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na


nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin na tinatanggap ng bayan
sa pagdaraan ng panahon.
➢ Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa
Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes.
➢ Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang
isinasaad na kahulugan.

Halimbawa:
1. Putak ng putak batabg duwag, matapang ka’t nasa pugad
2. Ang hipong tulog, tinatangay ng agos.
3. Pili nang pili, nauwi sa bungi
4. Sa taong may hiya, ang salita ay panunumpa
5. Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising

Sanggunian

• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag. Wiseman’s


Books Trading, Inc.
• https://www.slideshare.net/mga-karunungang-bayan-at-kantahing-bayan-
87834924

17
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang


hinihingi sa bawat bilang.

__________ 1. Bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na


nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin.

__________ 2. Paalala na may dalang mensahe at aral na kadalasan ay hango sa


bibliya.

__________ 3. Kaisipang nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin


ng kagandahang asal ng ating mga ninuno.

__________ 4. Katutubong pahayag na walang nakatagong kahulugan.

__________ 5. Mababakas ang mga kaugalian, asal, gawi at katangian na tanging


atin lamang.

GAWAIN
Panuto: Gumawa ng sariling halimbawa ng sawikain. Maaaring gamiting
padron ang ilang naibigay na.

Halimbawa:

Ika’y hinubog maging pinuno


Gampanan mo ito nang matino
ni Margie Sorita

Ang pinunong mapagpakumbaba


Sa lipunan siya’y tinitingala
ni Cdt Anneb

a. ___________________________________________________
___________________________________________________

b. ___________________________________________________
___________________________________________________

c. ___________________________________________________
___________________________________________________

d. ___________________________________________________
___________________________________________________

e. ___________________________________________________
___________________________________________________

18
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 1.4 IDYOMA O PASAWIKAING PAHAYAG

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Natutukoy at nakikilala ang kahulugan ng mga idyoma
b. Naibibigay ang kahulugan ng mga idyoma batay sa pagkakagamit sa
pangungusap
c. Nailalahad ang mga kahulugan ng mga idyoma at nagagamit nang
tama sa pangungusap

BASAHIN

Ang mga pasawikaing pahayag ay nagbibigay ng kulay, nagbibigay ng bisa at


ginagawang mas makabuluhan ang mga pahayag.

A. Mga idyoma o pasawikaing pahayag

➢ Ang idyoma (idioms/idiomatic expressions) ay salita o mga salita na


may sariling kahulugan wari’y lihis sa tuntunin ng gramatika.
➢ Ang kahulugan ng mga idyomatikong pahayag ay hindi matatanto sa
mga salita na bumubuo nito dahil may sarili itong kahulugan.

Narito ang mga ilang idyomatikong pahayag.

1. Anghel ng tahanan – mga batang tampulan ng kagalakan


2. Alilang-kanin – utusang walang sweldo pagkain lang
3. Anak-dalita – mahirap
4. Anak-pawis – magsasaka; manggagawa
5. Balitang kutsero – balitang hindi totoo
6. Bantay salakay – taong nagbabait-baitan
7. Bungang-araw – sakit sa balat
8. Bungang-tulog - panaginip
9. Biyernes santo ang mukha – malungkot na malungkot
10. Bukang-bibig – lasing sinasabi
11. Bulanggugo – gastador
12. Bulaklak ng dila – pagpapalabis sa katotohanan
13. Daga sa dibdib – takot, duwag
14. Dalawa ang bibig – mabunganga, madaldal
15. Di-mahulugang karayom – punong-puno ng tao
16. Durugin ang puso – pasakitan ang kalooban
17. Gintong-asal – may mabuti at marangal na ugali
18. Hasang-hasa – sanay na sanay
19. Haling ang bituka – salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng
tao
20. Ibangon ang puri – pakasalan ang babaeng nagalaw
21. Ibayong dagat – ibang lupain
22. Ibuhos ang isip – isipin nang taimtim, pakalihimin
23. Ikapitong langit – malaking katuwaan

19
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

24. Iluwag ang loob – ipanatag ang damdamin


25. Isinugal ang huling baraha – ginawa ang huling paraan
26. Kadaupang-palad – kaibigan; kabungguang balikat
27. Kahig nang kahig – walang humpay sa paghahanap-buhay
28. Kalapating mababa ang lipad – babaeng nagbibili ng sarili
29. Kaututang dila - katsismisan
30. Kumakain ng pangaral – nakikinig at sumusunod
31. Kumukulo ang dugo – galit na galit
32. Kusang palo – sariling sipag
33. Likaw ng bituka – lihim o sekreto sa buhay
34. Lumalaki ang ulo – nagiging mayabang
35. Mababaw ang luha – madaling umiyak
36. Mabulaklak na landas – kabuhayang maginhawa
37. Magaan ang dugo – mabuting palagay o pagtingin
38. Magburo na lamang – manatiling walang asawa
39. Magmamahabang – dulang magpapakasal
40. Masagap ng alimuon – magpagtanggap ng balita
41. Mahaba ang kamay – magnanakaw
42. Makapal ang bulsa – maraming pera
43. Makapal ang mukha – hindi marunong mahiya
44. Makati ang kamay – magnanakaw
45. Malikot ag kamay – kumukuha ng hindi kanya
46. Maluwag ang kuwerdas – sira ang isip; luko-luko
47. Magaan ang dugo – madaling makapalagayan ng loob
48. May oud sa katawan – malikot o di mapalagay
49. May tali sa ilong – sunud-sunuran
50. Matalas ang dila – masakit mangusap
51. Matigas ang ulo – ayaw sumunod
52. Matigas ang buto - malakas
53. Nagbubuhat ng sariling bangko – pinupuri ang sarili
54. Naghalo ang balat sa tinalupan – nagkagulo; nag-away
55. Naghalukipkip ng kamay – nagpabaya o nagwalang-bahala
56. Nagkrus ang landas – nagtagpo
57. Namamangka sa dalawang ilog – nagtataksil
58. Nagmumurang kamyas – may edad na nag-aasal bata
59. Nagsunog ng kilay – nag-aaral na mabuti
60. Namuti ang mata – nainip sa kahihintay matagal nang naghihintay
61. Nakadikit sa balintataw – lagging laman ng guni-guni
62. Nilubugan ng araw – nilipasan nan g araw
63. Patabaing baboy – tamad
64. Sampay-bakod – hindi tunay
65. Sampid-bakod – nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
66. Sanga-sangang dila – sinungaling, bulaan
67. Tatlo ang mata – maraming nakikita, mapaghanap ng mali
68. Tiklop tuhod – nagmamakaawa
69. Umaalog ang tuhod – matanda na
70. Walang preno ang bibig – matabil

Sanggunian

• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag. Wiseman’s


Books Trading, Inc.
• https://www.seasite.niu.edu/Tagalog_idioms.html

20
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PAGSUSULIT

Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga kahulugan ng mga idyomang nasa


hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Hanap sa tubig a. Pinakamagarang damit


2. Lagot ang pisi b. Kararating lang
3. Basa na ang papel c. Matanda na
4. Nakadikit sa balintataw d. Kaibigan
5. Sapin ng baul e. Mabagal, makupad
6. Paa’t kamay f. Dinaya ang resulta
7. Nakikipagbulungan sa g. Mahina ang loob
bulate h. Hindi matalino
8. Mahaba ang kamay i. Laging laman ng
9. Bagong-ahon guniguni
10. Ahas na tulog j. Mahalagang katulong
11. Alog na ang baba k. Naubos ang salapi
12. Kahiramang suklay l. Magnanakaw
13. Isip-lamok m. Nalibing na
14. Lutong-makaw n. Masama ang record
15. Bahag ang buntot o. Kapalarang nakuha sa di
magandang paraan

GAWAIN

I. Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga idyoma batay sa


pagkakagamit sa pangungusap.

1. Ahas na tulog - _____________________________________________________


Maiibigan ba ni Jona ang nanliligaw na ahas na tulog?

2. Alog na ang baba - __________________________________________________


Kahit alog na ang baba ni Mang Junie ay nakakasayaw pa siya
ng gangnam.

3. Asal-hudas - ________________________________________________________
Asal-hudas ang taong iyan, kaya’t hindi siya pinagkakatiwalaan
ng kanyang pinuno.

4. Babaha ng dugo - __________________________________________________


Kailan kaya hihinto ang pagbaha ng dugo sa Mindanao?

5. Bagong-ahon - _____________________________________________________
Kinakapanayam ng mga kadete ang mga bagong ahon mula sa
PNPA.

21
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

6. Balat-kalabaw - ____________________________________________________
Kailan niyang maging balat-kalabaw upang makatagal sa
matatalim na pananalita ng kanyang amo.

7. Binuksan ang dibdib - _______________________________________________


Binuksan ni Maria ang kanyang dibdib sa guro pagkatapos
umiyak nang malakas.

8. Sapin ng baul - ____________________________________________________


Sapin ng baul ang perang pinahiram niya sa kaniyang kaibigan.

9. Dagok ng kapalaran - _______________________________________________


Sa kanyang pagwawalang-bahala sa pag-aaral, ngayo’y
tumatanggap siya ng matinding dagok ng kapalaran.

10. Di-mahapayang gatang - ___________________________________________


Di-mahapayang gatang kung umasta ang karamihan sa mga
asawa ng pulitiko.

11. Halang ang bituka - ________________________________________________


Nakakatakot makatagpo ng taong halang ang bituka.

12. Hanap sa tubig - ___________________________________________________


Ang kayamanang hanap sa tubig ay nauuwi sa wala.

13. Isip-lamok - ________________________________________________________


Kailangang unawain ang mga taong isip-lamok.

14. Labas-masok - _____________________________________________________


Labas masok sa limang libo sa sandaan ang pera ko.

15. Lagot ang pisi - _____________________________________________________


Lagot ang pisi ni Juancho pagkagaling sa sugalan.

16. Mabigat ang dibdib - ________________________________________________


Mabigat ang dibdib ni Isabela na nagpaalam sa kanyang lola.

17. Makitid ang noo - ___________________________________________________


Mahirap kausapin ang taong makitid ang noo.

18. Nikikipagbulungan sa bulate - ______________________________________


Halos isang taon bago nalaman ni Juan na ang kanyang
kasintahan ay nakikipagbulungan na sa bulate.

19. Paa’t kamay - ______________________________________________________


Hindi siya sumama sa mga lakad ng kaniyang mga kaibigan
dahil siya ang paa’t kamay sa kanilang tahanan.

20. Kahiramang-suklay - ______________________________________________


Kahiramang-suklay ng gobernador ang mayor kaya’t madali
silang nakakaintindihan.

22
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

II. Panuto: Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na idyoma.


Pagkatapos ay sumulat ng pangungusap gamit ang mga idyoma sa bawat
aytem.

1. Halang ang bituka - _______________________________________


____________________________________________________________________

2. May pakpak ang balita - _______________________________________


____________________________________________________________________

3. Hawak sa tainga - _______________________________________


____________________________________________________________________

4. Basang sisiw - _______________________________________


____________________________________________________________________

5. Lumang tugtugin - _______________________________________


____________________________________________________________________

6. Ipakita ang tunay na kulay - _______________________________________


____________________________________________________________________

7. Buwaya sa katihan - _______________________________________


____________________________________________________________________

8. Pinitpit na luya - _______________________________________


____________________________________________________________________

9. Ikuros sa noo - _______________________________________


____________________________________________________________________

10. Magdilat ng mata - _______________________________________


____________________________________________________________________

11. Sumigla sa ningas - _______________________________________


____________________________________________________________________

12. Napasakan ang bibig - _______________________________________


____________________________________________________________________

13. Pampataba ng puso - _______________________________________


____________________________________________________________________

14. Sumama sa agos - _______________________________________


____________________________________________________________________

15. Walang ilaw ang mga mata - _______________________________________


____________________________________________________________________

23
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 1.5 PAGTATAYUTAY

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Natutukoy ang uri ng tayutay na ginagamit sa mga pahayag
b. Naibabahagi ang kaalaman sa pagkilala ng mga tayutay sa isang tula

BASAHIN

Kawili-wiling pakinggan ang patayutay na pananalita. Nakapanghamong-isip.


Kailangan unawaing mabuti at basahin sa pagitan ng mga taludtod para
mahiwatigan ang diwang di-tuwirang tinutukoy ng pahayag.

Tayutay

➢ Isang masining na paraan na pagpapahayag o paglalarawan na


sadyang layo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang lalong
madaling maunawaan, maging mabisa at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
➢ Tinawag ding patalinghagang pagpapahayag. Sa pagtatayutay, sadyang
lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita
upang magawang higit na maganda at kaakit-akit ang kanyang
sinsasbi.
➢ Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng talinghaga at di-
karaniwang salita upang bigyan diin ang saloobin.

Mga Karaniwang Uri ng Tayutay

1. Simile o Pagtutulad

➢ Ito’y paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring bagay, tao,


kaisipan, pangyayari, at iba pa sa hayagang pamamaraan.
➢ Ginagamit na pamamaraang pahambing, gumagamit: para, tulad, gaya,
kaparis, kawangis, animo, tila, unlaping “ga” at iba pa sa pagkukumpura
ng katangian o anyo ng tao, bagay gayop at pangyayari.
Halimbawa:
a. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
b. Gabundok ang aking labahin.
c. Parang pulburang madaling magsiklab ang guro.
d. Ang paghahabi ng tela ay gay ng paghihirap ng tao.

2. Metapora o Pagwawangis

➢ Paghahambing ngunit hindi ginagamitan ng pangatnig o pariralang


pantulad.
➢ Direkta nang ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan.

24
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Halimbawa:
a. Siya’y langit na di kayang abutin kahit nino man.
b. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng
buhay.
c. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit.
d. Ang iyong balita’y punyal sa aking dibdib.

3. Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan

➢ Ang mga walang buhay ay binibigyan ng buhay at pinagtataglay ng


katangiang pantao, sa pamamagitan ng mga salitang nagsasaad ng
kilos.
➢ Ikinakapit ang mga katangiang pantao sa mga hayop, halaman, at
walang buhay na mga bagay.

Halimbawa:
a. Hayu’t nagagalit ang araw ng silangan.
b. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng
buhay.
c. Lumuluha ang panahon sa araw ng kamatayan ng bayani.
d. Ang buong Pilipinas ay nagimbal sa balitang pagtanggal sa PMA.

4. Pagmamalabis (Hyperbole)

➢ Pinalalabis o maaari ding pinakukulang sa tunay na kalagayan ng tao,


bagay o pangyayari sa tayutay na ito.
➢ Ginagamitan ng eksaherasyon.

Halimbawa:
a. Pilit kong binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay
aking makamtan.
b. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang
katotohanan.
c. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
d. Nakamamatay ang tingin ng dalaga sa lalaki.

5. Pagtawag o Apostrope

➢ Isang panawagan o pakiusap sa isang taong hindi kaharap, malayo o


kaya’y patay na o sa kaisipan at mga bagay na binibigyang-katauhan.

Halimbawa:
a. O tukso, layuan mo ako!
b. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
c. Liwanag, pakita ka sa akin at tanglawan mo ng liwanag ang silid
ng nadirimlan kong isipan.
d. Ano ka ba, kabaitan? Ikaw ba’y isang pangalang walang
kabuluhan.

6. Pagtatanong (Rhetorical Question)

➢ Ito’y katanungang hindi nangangailangan ng kasagutan dahil nasa


mga pahayag na rin ang katugunan ng katanungan

25
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

➢ Isang masining na pagatatanong na hindi nangangailangan ng


kasagutan

Halimbawa:
a. Kung hindi tayo kikilos ngayon, sino pa ang kikilos? Kung hindi
ngayon, Kailan pa?
b. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pag-ibig sa tinubuang lupa?
c. Malilimot ba kita kung alay sa’yo ang bawat paghinga?
d. Ano pa kaya ang hindi natin nahihiling sa Diyos?

7. Pag-uyam o Ironya

➢ Sa pagpapahayag ng pagpuri ay may paglibak, o pagtudyo.


➢ Nararamdaman ang tunay na kahulugan nito sa diin ng pagsasalita at
bukas ng mukha ng nagsasabi.

Halimbawa:
a. Mahusay magpalaki ng anak ang mag-asawang guro.
Walang nakapagtapos sa kanilang mga anak.
b. Magaling siyang magtago ng katotohanan.
c. Sa ganda ng pagkakaayos ay hindi na makita ang kariktan ng
mga bulaklak.
d. Mahusay siyang magdala ng mga bagay na wala na sa panahon.

8. Pagpapalit-tawag o Metonomiya

➢ Ang pangalan ng isang bagay na tinutukoy ay hinahalinhinan ng iba-


ibang katawagan na may kaugnayan sa salitang pinapalitan.
➢ Pinapalitan ang salita o mga salita ng isa pang salita o mga salita na
may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:
a. Kapag ginawan ka ng masama, gantihan mo ng tinapay.
b. Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang bata sa katauhan ni
Angel.
c. Inilipat na sa kapatid ng Prinsipe ang korona.
d. Maraming mababangis na leon ang nagiging maamo sa
panahon ng pangangampanya.

9. Paglilipat-wika o Transferred Epithets

➢ Katulad ito ng tayutay na pagbibigay-katauhan na ginagamitan ng mga


katangiang pantao ang mga bagay na walang buhay, subalit sa tayutay
na ito ay hindi lamang pandiwa kundi ginagamitan din ng pang-uri.

Halimbawa:
a. Nagbunyag ng lihim ang tahimik na aklatan.
b. Tuluyan nang iniwan ni Mekai ang malungkot na bahay.
c. Nagpatapang na naman ang dakilang espada.
d. Nakatanaw lagi ang palalong buwan.

26
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

10. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke

➢ Ito’y pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat ng


kabuuan o kabuuan sa isang bahagi

Halimbawa:
a. Kailan ko kaya muling masisilayan ang mapupungay niyang
mata.
b. Siya na nga ang itinitibok niya ring puso.
c. Ilan pa kayang maliliit na paa ang tatakbo dahil sa takot sa
digmaan.
d. Di mabilang na gulong ang matuling dumaan.

11. Pagtatambis o Oksimoron

➢ Pinagsasama o pinag-uugnay ang dalawang bagay na magkasalungat


upang mangibabaw lalo ang katangiang ipinapahayag.

Halimbawa:
a. Ang kawal ay namatay upang mabuhay.
b. Araw-gabi ay lakad-takbo ang buhay niya sa lansangan.
c. Umuunlad ang daigdig sa katamaran ng tao.
d. Mamatay-mabuhay ang liwanag ang ilawang tinghoy.

12. Pagsalungat o Antitesis o Epigram

➢ Gaya ng pagtatambis, pinagsasama rito ang magkasalungat na salita


o kaisipan, nagkakaiba lamang sa paglalaban ng magkakasalungat
sa halip pinag-uugnay.

Halimbawa:
a. Sa ngayon, sa akin ay puti’t itim ang kulay ng buhay.
b. Tandaang hindi lahat ng kaligayahan ay natatamo sa tagumpay
dahil may tagumpay rin sa kabiguan.
c. “Layo ay lapit ng budhi’t isip”
d. Nasa karuwagan ang katapangan.

13. Paghihimig o Onomatopeya

➢ Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan

Halimbawa:
a. Ang lagaslas nitong batis, langitngit ng kawayan, halumigmig
nitong hangin ay bulong ng kalikasan.
b. Humalinghing sya sa sakit ng hagupit ng tadhana na kanyang
naranasan.
c. Nakailan ding kiriring ang kabilang kawad bago ito nasagot ng
may-ari.
d. Nasira ang aking pamamahinga sa malakas na pagngingiyaw
ng pusa.

27
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

14. Pagsusukdol o Klaymaks

➢ Isinasaayos ang tindi o halaga ng mga salita mula sa mababa


hanggang mataas na antas

Halimbawa:
a. Ano ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan na
nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga.
b. Pasan na sa pagkakabugbog ang mga ulap sa alapaap, duguan
na sa pagkakabugbog ang dalampasigan, sumambulat na ang
mga dahon sa lansangan.
c. O…nakapaninindig balahibo ang tengang kaliglig! nakapam-
bubuntunghininga ang saglit na kulog!...nakapamimikit mata
ang bingit ng bangin!
d. Hanggang nagyo’y may karapatan nang kumilos, lumakad,
manahanan, mabuhay na hindi sinasasala.

15. Antiklaymaks

➢ Dito naman ay pababa ang pagsusunod-sunod ng kaisipan, mula


panlahat hanggang ispesipik.

Halimbawa:
a. Sa paglisan ng kanyang kabiyak ay hirap niyang tanggaping
hindi na niya makakasama habang buhay… namatay siyang
maaga dahil nagkasakit siya.
b. Ang tao ay di maaaring mag-isa. Kailangan niya ng katamba,
katulong, kawaksi, ng kaisa.
c. Nabunyag din ang katotohanan. Ngayo’y maaari na siyang
lumantad sa madla.
d. Gumising siyang masigla mula sa isang mahaba-habang
pamamahinga pagkatapos ng kaniyang paglalaro.

16. Pagtanggi o Parelepsis o Litotes

➢ “Hindi” ang pangunahing hudyat na pagsalungat, pagpigil, di-


pagsang-ayon, ngunit ang paghindi sa tayutay ay nagpapahiwatig ng
pagtulot.

Halimbawa:
a. Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na, sana
naman ay tigilan mo na ang mga gawaing bata.
b. Hindi marahil kalabisang banggitin na ang PMA ang
nangunguna pa ring institusyong pangmilitar sa Asya.
c. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo, kaya
lamang ay bihira na ang nagtatagumpay na hindi nakapag-
aral.
d. Hindi mo man madama ang aking pagmamahal ngunit
pakatandaan mong ikaw lamang ang yaring nasa puso ko.

28
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sanggunian

• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag. Wiseman’s


Books Trading, Inc.
• https://www.slideshare.net/Pagtatayutay
• https://www.slideshare.net/ibat-ibang-uri-ng-tayutay

PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa mga pahayag.

_______________ 1. Ang paalala ng magulang ay liwanag na tumatangalaw sa


madilim na pamumuhay ng mga anak.

_______________ 2. Dapat paraiso ang bawat tahanan.

_______________ 3. Natunaw ang dilag sa matinding kahihiyang natamo.

_______________ 4. Nagliliyab ang mga mata ng matanda sa katitingin sa


babaing maganda.

_______________ 5. Matinding bagyo ang dumaan kagabi. Malakas ang


dagundong at haginit ng hangin na naramdaman.

_______________ 6. Mahirap tanggaping wala na siya.


Hanggang ngayo’y di ako makapaniwala subalit wala
akong magagawa.

_______________ 7. Hindi mo man sabihin, sa mga mata mo’y masisilip ang


tunay na damdamin.

_______________ 8. Ang mabigat ay gumagaan, ang magaan ay bumigat sa


kaparusahang ipinataw.

_______________ 9. Apat na mapupulang mata ang bumulaga sa kanya.

_______________ 10. Masarap kaulayaw ang mahinhing tubig sa batis.

_______________ 11. Lumuha ang langit nang masawi ang kanyang lola.

_______________ 12. Dalawang mapagpalang kamay ang humubog sa pagkatao


ng batang iyan.

_______________ 13. Namuti ang kanyang buhok kakahintay sayo.

_______________ 14. Ang ugali ng batang iyon ay katulad ng panahon,


madaling magbago.

_______________ 15. Ang kamay ng ama ay bakal sa tigas.

_______________ 16. Tukso! Layuan mo ako!

29
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

_______________ 17. Hindi niya magagawang magsinungaling sa panahon ng


kagipitan.

_______________ 18. Ang kawal ay namatay upang mabuhay.

_______________ 19. Napakalinis sa ilog na iyon walang isdang nabubuhay.

_______________ 20. Maraming mababangis na leon ang nagiging maamo sa


panahon ng pangangampanya.

GAWAIN

Panuto: Humanap ng tulang kakikitaan o nagtataglay ng iba’t ibang uri ng


tayutay. Isulat ang pamagat at tukuyin kung anong tayutay ang nakapaloob.
Pagkatapos ay isulat ang linya ng tula na nagpapahayag o nagtataglay ng
tayutay na napili. Ipaliwanag kung bakit ang napiling tayutay ang sa tingin
mo’y ginamit ng may-akda sa paglalahad ng kanyang tula.

Halimbawa:
Pamagat: Ang tinig ng Ligaw na Gansa
Tayutay: Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan
Linya ng Tula:
Ang tinig ng ligaw na gansa
Nahuli sa pain, umiyak

Pagpapaliwanag:
➢ Ang tayutay sa tulang ito ay personipikasyon sapagkat ikinakapit ang
mga katangiang pantao sa hayop na inilalarawan sa tula.

1. Pamagat: ______________________
Tayutay: __________________________________

Linya ng Tula: ______________________________________________


______________________________________________

Pagapapaliwanag: ____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Pamagat: ______________________
Tayutay: __________________________________

Linya ng Tula: _______________________________________________


_______________________________________________

Pagapapaliwanag: ____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

30
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 1.6 PANULAANG FILIPINO

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Nasusuri ang mga mahahalagang sangkap ng isang tula
b. Nakasusulat ng iba’t ibang uri ng tula na isinasaalang-alang ang mga
katangiang taglay ng isang tula

BASAHIN

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang


paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.

Kahulugan ng Tula

➢ Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong


karikatang makikita sa silong ng alinmang langit. (Inigo Ed Regalado)
➢ Ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng
pagguhit, paglililok at pagtatanghal. (Fernando Monleon)
➢ Ayon kay Alejandro G. Badilla ang tula ay kamalayang nagpapasagisag.
➢ Ang tula ay pagsasatitik ng kamalayan ng may-akda hinggil sa paksa
na kakanti sa kaniyang interes. Sa pagbigkas nito ay nabibigyang
buhay ang kaisipang nahimlay sa mga titik ng tula.

Sangkap ng Tula

1. Sukat
➢ Tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

Halimbawa:
Isda – Is-da (may dalawang pantig)
Isda ko sa Mariveles – (May walong pantig)

➢ Ang karaniwang gamitin na sukat ay ang mga sumusunod:


• aapating pantig
• wawaluhing pantig
• lalabindalawahing pantig
• lalabin-animing pantig
• dadalamwanpuhi’t apat na pantig
• lilimahing pantig
• aaniming pantig
• pipituhing pantig
• sisiyaming pantig
• sasampuhing pantig
• lalabin-apating pantig
• lalabingwaluhing pantig

31
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Mga halimbawa:

May sukat na May sukat na lima May sukat na


May sukat na pito (7)
apat (4) (5) anim (6)

Tayo’y umalis
Ang pag-ibig dito sa libis
Kung nasang lumigaya
na mapait ng kanyang bukid
Kung ano ang buhay, Gumawa kang mag-isa;
ay di nais kata’y lumigpit
Siyang kamatayan Huwag kang umasa pa
nitong dibdib doon sa langit
Sa pangako ng iba.
na may hapis ng panagip

2. Tugma

➢ Ito ay ang pagkakasintunugan ng huling pantig sa bawat taludtod

a. Tugmaang patinig

Hal.
Mahirap sumaya
Ang taong may sala

b. Tugmaang Katinig

Hal.
Ay saying na saying, saying na pag-ibig
Sayang na singsing kong nahulog sa tubig

3. Makabuluhang diwa

➢ Ito ang pangkahalatang tema o kaisipan na ipinapahayag ng tula

4. Kagandahang Kariktan

➢ Makakamit ang kagandahan ng tula sa tulong ng sangkap ng tula


na lalong nagpapalutang sa kagandahan ng pagpapahayag.
➢ Ang tula ay nagtataglay ng maririkit na salita
➢ Pumupukaw sa damdamin at kawilihan ng mambabasa

a. Talinghaga – mga salitang pahiwatig

b. Larawang-diwa (imagery) – salitang pumupukaw sa mga


pandama ng mga mambabasa.

c. Simbolo – mga salitang may kinatawan maliban sa literal na


pagpapakahulugan

d. Pagsalungat – may diwang nagsasalangutan na lalong


nagpapalutang sa lalim ng tula

32
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

➢ Sesura – saglit na pagtigil sa pagbasa o pagbigkas sa


kalagitnaan ng bawat taludturan, pagkatapos ng ikaanim na
pantig.

Uri ng Tula

1. Karaniwang Anyo

➢ Tulang may sinusunod na sukat at tugma. Karaniwang iisang sukat at


iisang tugmaan ang sinusunod sa buong tula.

Halimbawa:

KABAYANIHAN
Lope K. Santos

Ang kahulugan mo’y / isang paglilingkod


Na walang paupa / sa hirap at pagod
Minsan sa anyaya, / minsan kusang-loob
Pag-ibig sa kapwa / ang lagi mong diyos

Natatalastas mo / sa iyong pananim


Iba ang aani’t / iba ang kakain
Datapwat sa iyo’y / ligaya na’t aliw
Ang magpakasakit / nang sa iba dahil

Pawis, yaman, dunong, / landas, dugo’t buhay


Pinupuhunan mo / at iniaalay
Kapagka ibig mong / sa kaalipinan
Ay makatubos ka / ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging / maalwan ang dukha,


Sa turo mo’y naging / mulat ang tulala
Tapang mo’y sa duwag / naging halimbawa
Ang kamatayan mo / ay buhay ng madla

Tikis na nga lamang / na ang mga tao’y


Mapagwalang –turing / sa mga tulong mo;
Ang kadalasan pang / iganti sa iyo
Ay ang limutin ka / kung di paglililo.

2. Malayang Taludturan

➢ Tulang malaya sa sukat at tugma lamang. Hindi na binibilang ang


pantig sa bawat linya at hindi na kailangang may tugmaan subalit
taglay pa rin nito ang ibang sangkap ng tula.

➢ Itinuturing na pinakamodernong anyo ng panulaang Filipino.

33
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Halimbawa:

ANG KUBRADOR
Rosario Torres- Yu

May katok sa pinto, “sino yan?” paungol


Nagtanong sa loob. “ito ho’y kubrador.”
Wala nang tumugon…

Inulit ang katok hanggang sa ang pinto’y


Marahang mabuksan…anang tinig “tuloy”
Nasok ang kubrador ngunit napaigtad,
Umurong na mandi’y natuka ng ahas:
Ang mata’y lumundag
Ang tangang resibo’y sa sahig nalaglag-
Siya’y sinalubong ng babaeng hubad.

3. Haiku

➢ Tulang maikli ngunit nagtataglay ng masaklaw at matalinghagang


kahulugan.
➢ Nagmula ito sa mga Hapones.
➢ Binubuo ito ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
➢ Karaniwan ay may istrukturang 5-7-5 pantig ang taludturan.
➢ Maliban sa istruktura, ang haiku ay nagtataglay din ng iba pang
katangian tulad ng sansaglit na napaparam, imahe, at kaisahan ng
salungatan.

Mga Halimbawa:

Mangmang Walang Klase Araw ng Kalayaan


Sa mata’y dilim Sabado, umaga Sigawan, bukirin
at hindi po liwanag ang mga batang kalye Bakasyon, parada
ang tumatabing ay maaga talumpatian

4. Tanaga

➢ Maikling tulang binubuo ng apat na linya.


➢ Bawat taludtod ay may sukat na pipituhing pantig.
➢ Karaniwang nagtataglay ng gintong-aral.

Mga Halimbawa:

Tanaga Palay Tag-init


May pito itong pantig Palay siyang matino Alipatong lumapag
Sa bawat taludturan Nang humangi’y yumuko Sa lupa’y nagkabitak
Apat naman ang linya Ngunit muling tumayo Sa kaho’y naglugayak
Tawag diya’y tanaga Nagkabunga ng ginto Sa puso’y naglagablab

34
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

5. Cinquain

➢ Tulang nauso sa America noong 1900.


➢ Ang orihinal na istruktura ay binubuo ng 22 pantig at nahahati sa
limang taludtod.
➢ Nang maglaon na’y nagkaroon ng iba-ibang istruktura.

Unang Istruktura Halimbawa:


Unang linya: dalawang pantig Ako
Pangalawang linya: apat na pantig Pilipino
Pangatlong linya: anim na pantig Makabayan ako
Pang-apat na linya: walong pantig Kabayanihan sulong ko
Panglimang linya: dalawang pantig Ikaw?
nmbbendalan

Pangalawang Istruktura
Unang linya: isang salita – paksa
Pangalawang linya: dalawang salita – pang-uri
Pangatlong linya: tatlong salita – pandiwa
Pang-apat na linya: apat na salita – pagpapahayag ng damdamin
Panglimang linya: isang salita – katumbas ng paksa

Halimbawa:
Unang linya: Guro
Pangalawang linya: mapagmahal, mapag-aruga
Pangatlong linya: nagtuturo, kumakalinga, gumagabay
Pang-apat na linya: ang pagtulong ay walang hanggan
Panglimang linya: Bayani

nmbbendalan
Pangatlong Istruktura
Unang linya: Bagay/Tao/Lugar (pangngalan)
Pangalawang linya: Tatlong pang-uri para sa paksa
Pangatlong linya: Tatlong pandiwa para sa paksa
Pang-apat na linya: Isang parirala o pangungusap para sa paksa
Panglimang linya: Isang salita para sa paksa

Halimbawa:
Unang linya: Kadete
Pangalawang linya: matapang, magiting, makabayan
Pangatlong linya: nag-aaral, nagpapakasipag, nagsasakripisyo
Pang-apat na linya: Inialay ang buhay sa bayan
Panglimang linya: sundalo
nmbbendalan

Sanggunian

• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag. Wiseman’s


Books Trading, Inc.

35
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PAGSUSULIT

Panuto: Gumawa ng sariling tula sa mga iba’t ibang uri ng tula. Isaalang-
alang ang katangiang taglay ng bawat uri ng tula.

a. Haiku

_________________________
Pamagat

________________________________________
________________________________________
________________________________________

b. Tanaga

_________________________
Pamagat

________________________________________
________________________________________
________________________________________

c. Cinquain

Unang Istruktura
Unang linya: _________________________________________
Pangalawang linya: _________________________________________
Pangatlong linya: _________________________________________
Pang-apat na linya: _________________________________________
Panglimang linya: _________________________________________

Pangalawang Istruktura
Unang linya: _________________________________________
Pangalawang linya: _________________________________________
Pangatlong linya: _________________________________________
Pang-apat na linya: _________________________________________
Panglimang linya: _________________________________________

Pangatlong Istruktura
Unang linya: _________________________________________
Pangalawang linya: _________________________________________
Pangatlong linya: _________________________________________
Pang-apat na linya: _________________________________________
Panglimang linya: _________________________________________

36
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

GAWAIN

Panuto: Basahin ang tulang nasa ibaba. Bigyang pansin ang sesura upang
madama ang indayog at ali-iw habang binabasa ang tula. Suriin ang tula
batay sa mga sumusunod na sangkap ng tula.

AYAW KO NANG LUMUHA PA


Ni Balagtas (Galing kay Selya)

Minsan na akong umibig, umibig ng ubod tapat


At minsan kong naranasan, matamis nga ang pagliyag
Minsan din akong lumuha, lumuha nganong saklap
Pagkat ako ay nabigo, kabiguang walang tulad

Pinilit kong maiwaglit, maiwaglit at limutin


Talikuran ang pag-ibig, mga lalaki’y sumpain
Ngunit ako’y tao lamang, mayroong puso’t damdamin
Pinukaw ng pag-ibig mo, ang puso kong nahihimbing.

Labis akong natatakot, natatakot magpabaya


Di ko lubos na nabatid, kung ikaw ri’y mandaraya
Baka kong matutuhan, kong umibig at magtiwala
Ako’y iyong talikuran, at iwanang lumuluha.

Ayaw ko nang lumuha pa, lumuha at maghingapis


Di koi big na sugatan, at wakasin yaring dibdib
Yaring pinto ng puso ko’y malaon nang nakapinid
Upang di na muling buksan, mga tawag ng pag-ibig.

Salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo’t mga sumpa


Iya’y di ko matatanggap, sapagkat ako’y nadala na
Ang sugat na naghilom na’t, di ko nais manariwa
Ayaw ko nang magtiwala, ayaw na ngan lumuha.

1. Sukat - ________________________________________________________________

2. Tugmaan - ____________________________________________________________

3. Makabuluhang diwa - __________________________________________________

4. Talinghaga - ___________________________________________________________

5. Larawang diwa - _______________________________________________________

6. Simbolo - ______________________________________________________________

7. Pagsalungat - __________________________________________________________

***

37
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

BIBILIOGRAPI

Aklat
Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag. Wiseman’s
Books Trading, Inc.

Internet

https://www.slideshare.net/sjbians/proseso-atyugtongpagsulat

https://www.scribd.com/presenation/357958401/Module-1-Kalikasan-at-
Simulain-Ng-Retorika

https://www.academia.edu/37760651/MODYUL_SA_TAMA_AT_ANGKOP_N
A_GAMIT__NG_MGA_SALITA_SANDY_MAGANA

https://www.slideshare.net/mga-karunungang-bayan-at-kantahing-bayan-
87834924

https://www.seasite.niu.edu/Tagalog_idioms.html

https://www.slideshare.net/Pagtatayutay

https://www.slideshare.net/ibat-ibang-uri-ng-tayutay

38
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

YUNIT III
ANG SINING NG PAGSASALING-WIKA

INTRODUKSYON
Isang mahalagang gawaing pang-akademiko ang pagsasaling-wika. Maraming
magaganda at mahahalagang kaalaman ang nasusulat sa ibang wika na kailangang
maisalin sa ating sariling wika upang higit na maunawaan ang nilalaman at taglay
na mensahe nito.

ARALIN 2.1 Ang Pagsasaling-wika

MGA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:
d. Natutukoy ang saling-wika ng mga salitang nakasulat sa ibang wika.
e. Naisasalin ang isang awit o tula sa ibang pang wika.

BASAHIN

KAHULUGAN NG PAGSASALING-WIKA
➢ Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat mula sa wika sa isa pang wika.
(English Tagalog Dictionary ni Fr. Leo James)
➢ Ito’y paglilipat ng isang teksto mula sa isang wika tungo sa teksto ng isa pang
wika. ( “A Linguistic Theory of transaltion” ni J. Clifford)
➢ Ito’y ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinalin. (“Dr. Alfonso Santiago sa
kanyang “Sining ng Pagsasaling-wika)

MGA PARAAN NG PAGSASALIN

1. Sansalita-bawat-sansalita – Ito ang tinatawag sa ingles na word-for-word


translation. Isa-sa-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita. Maganda itong
gawin bago gawan ng pinal na pagsasalin lalo na sa mga mahirap unawaing
teksto.

Orihinal:
Each citizen must aim at personal perfection and social justice through
education. (Quezon)

Salin:
Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at
panlipunan katarungan sa pamamagitan edukasyon.

39
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

2. Literal - Sa pagsasaling literal ang pahayag ay isinalin sa pinakamalapit na


gramatikal na pagkakabuo sa pinagsasalinang wika. Kung minsan, nagiging
masalita ito at nagiging mahaba ang pahayag. Tulad ng unang paraan, labas
sa konteksto at literal na isinalin ang salita. Maaari ring gamiting panimulang
hakbang o pre-translation process.

Orihinal:
Father bought Pedro a new car.
Salin:
Ang tatay ay ibinili si Pedro ng isang bagong kotse.

3. Adaptasyon – Ang saling adaptasyon ay itinuturing na pinakamalayang anyo


ng salin. Madalas gamitin sa salin ng dula at tula, na kung minsan ay tila
malayo na sa orihinal.

Orihinal:
Ah, woe! Celestial King
Who mortal from dost keep,
Would rather than be sovereign
Be shepherd of Thy sheep?
(salin ni Leon Ma. Guerero ng “Al Nino Jesus” ni Rizal)
Salin:
Kay lungkot! O hari ng Sangkalangitan,
Nagkatawang-tao’t sa lupay tumahan,
Hindi mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol naming na kawan Mong mahal?
(Rufino Alejandro)

4. Malaya – Gaya sa taguri nito, malaya ito at walang kontrol na parang hindi
na isang salin.

Orihinal:
For the last twenty years since he burrowed into this one-room
apartment near Baclaran Church, Franciso Buda often strolled to the seawall
and down the stone breakwater which stretched from a sandy bar into the
murky and oil-tinted bay. (F. Sionil Jose, mula sa “The Drowning”)

Salin:
Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment
na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang
sa breakwater na mabuhangin at malangis. (Wilfreda Jorge-Legaspi, mula sa
kanyang masteral tesis, PNU, 1990)

5. Matapat – Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na


kahulugang kontekstuwal ng orihinal bagaman may suliranin sa
estrukturang gramatikal na nagsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng
eksaktong kahulugan kontekstuwal.

Orihinal:
And like the old soldier of that ballad, I now close my military career
and just fade away, an old soldier who tried to do this duty. (Gen. Mac Arthur)

40
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Salin:
At tulad ng matandang kawal sa kwentong-awit na iyon, itiniklop ko
na ang aklat ng aking pagiging lingkod sa hukbo, upang mawalang dahan-
dahan, isang matandang kawal na sumubok manuparan ng kanyang
tungkulin. (Rufino Alejandro)

6. Idyomatikong Salin – Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na teksto ang


isinasalin. Hindi nakatali sa anyo, ayos o estruktura ng isinasalin bagkus
iniaangkop ang bagong teksto sa normal at natural na anyo ng
pinagsasalinan.

Orihinal:
Still wet behind the ears
Salin:
May gatas pa sa labi

7. Saling Semantiko – Sa paraang ito ng pagsasalin ay pinagtutuunan nang


higit ang aesthetic value o halagang estetiko, gaya ng maganda at natural na
tunog, at iniiwasan ang anumang masakit sa taingang pag-uulit ng salita o
pantig sa pagsasaling ito.

Orihinal:
O Divine Master,
Grant that I may not so much seek
To be understood as to understand:
To be loved as to love;
(Prayerof St. Francis of Assissi)
Salin:
O Bathalang Panginoon
Itulot mong naisin ko pa ang umaliw kaysa aliwin
Umunawa kaysa unawain;
Magmahal kaysa mahalin;
(Rufino Alejendro)

8. Komunikasyong salin – Sa komunikatibong salin, isinasalin ang eksaktong


kontekstuwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at
madaling maunawaan.

Orihinal:
All things bright and beautiful
All creatures great and small
All things wise and wonderful
The Lord God made them all.

Salin:
Ang lahat ng bagay, maganda’t makinang
Lahat ng nilikhang dakila’t hamak man
May angking talino at dapat hangaan
Lahat ay nilikha ng Poong Maykapal.

41
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

A. Mga Panuntunan sa Pagsasalin


Ang mga sumusunod na simulain at paalala sa pagsasaling-wika ay itinala
ni Dr. Alfonso Santiago sa libro niyang “Sining ng Pagsasaling-wika”

1. Bawat wika ay may kani-kaniyang natatanging kakanyahan. Ang Filipino


at Ingles ay di-magkaangkang wika kaya Malaki ang pagkakaiba ng mga
ito:

➢ Sa pagbuo ng mga salita – sa Ingles ay maraming idiomatic expressions;


sa Filipino, mayaman sa panlapi (may infix sa Filipino ngunit wala sa
Ingles).
➢ Sa Filipino, lahat ng pangngalan (noun) ay nagagawang pandiwa:
tsinelas = tsitsinelasin; mata = minata; mamatahin.
➢ Sa pangungusap na Ingles, karaniwang nauuna ang subject sa
predicate; sa Filipinong pangungusap, karaniwang nauuna ang panaguri
(predicate) sa simuno (subject)

2. Kaugnay sa unang nabanggit, hindi dapat paalipin ang tagapagsalin sa


balangkas ng wikang isinasalin upang hindi mawala ang kaisipan ng
orihinal.

Halimbawa:
Ingles – We watch the show on television
• Pinanood namin ang palabas sa telebisyon. (Malabo)
✓ Pinanood namin sa telebisyon ang palabas. (Maliwanag)

3. Nakatali sa kultura ng mga taong gumagamit nito ang bawat wika.

Halimbawa:
“as white as snow” – kapag isinalin ito sa Filipino ay maaaring:
a. “simputi ng niyebe”
b. “simputi ng yelo”
c. “simputi ng bulak”

Subalit ang pinakamainam na sagot ay c dahil hindi likas sa atin ang


niyebe o yelo kayat mas maninam gamitin ang bulak dahil ito’y atin.

➢ Kaugnay pa rin ng kultura, ang isang diwang ipinapahayag nang


tahasan sa Ingles ay ginagamitan ng eupemistikong salita sa Filipino.

Halimbawa:
Ipinamamalit natin sa mga tahas na salitang katumbas ang mga ito:
magsiping, dumi, nanubig, palikuran, mayroon, ari, kabahagi

➢ Ganun din sa pagpapakilala ng pamimitagan, hindi lamang po/ho ang


ating ginagamit. Bagaman isang tao lamang ang kinakausap, ginagamit
din natin ang panghalip na sila, kayo at atin, ginagamit upang ipakilala
ang paggalang.

Halimbawa:
Ma’am, may katanungan po ba sila sa aking pag-uulat?
Mayroon po ba kayong hinahanap?
Ano po ba ang atin?

42
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

4. Ang isang salita ay nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag ito’y


ginamit na sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:

✓ Salitang Magulang

Mabait ang aking mga magulang – parents


Magulang ang pinsan ko – selfish
Magulang na ang puno – matured
Magulang na ang mga turista – posses more years of age.

✓ Salitang Run

Run over a page – pasadahan ang pahina


Be run over by a vehicle – masagasaan ng sasakyan
Vine running over the wall – baging na gumagapang
Run across – makatagpo
Run about – Magpalibut-libot

5. Gamitin ang uri ng Filipino na kasalukuyang ginagamit ng bayan. Piliin


ang mga salitang higit na gamitin. Ang mga salitang ipropos, idebelop,
inaprubahan, sipnayan-mathematics; saksisid-submarine; hatinig-
telephone; agsikapan-engineering ang ginagamit na rin sa kasalukuyan.

Halimbawa:
Lalawiganin – “Nakain ka ba ng litson?”
Mas angkop – Kumakain ka ba ng litson?

6. Laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita.

Halimbawa:
Orihinal: Tell the children to return to their seats.
Salin: Sabihan ang mga bata na magsibalik na sa kanilang upuan.
(Masalita)
Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan. (Mas Matipid)

7. Ang ekspresyong idyomatiko ay hindi dapat isalin na literal; higit na


mabutimg ihanap ito ng katapat na idyoma sa Filipino.

Halimbawa: deadline
• Hindi “patay na linya”
✓ Kundi takdang panahon/huling araw.

8. Hindi maiiwasan ang pagpapakahulugan, kung sakaling magkaroon ng


ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, umisip ng ibang maaaring ipalit
dito.

Halimbawa: They moved to another place.


• Sila ay gumalaw sa ibang lugar.
✓ Sila ay lumipat sa ibang lugar. (wasto)

43
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

9. Isaalang-alang ang kaisahan sa porma ng mga salitang hinihiram sa ibang


wika.

Halimbawa:
solid and liquid
✓ Solido at likido
✓ Solid at likwid
• Hindi solido at likwid

10. May mga salitang magkakasingkahulugan. Alin man sa mga ito ang
maaaring gamitin subalit kailangang iangkop ang salita sa sinasalinang
teksto.

Halimbawa:
Ang salitang asul at bughaw ay magkasingkahulugan. Kulay asul ang
baro niya o kaya ay maaaring kulay bughaw ang baro niya. Subalit hindi
maaaring pagpalitin sa pahayag ang sumusunod:

Ingles:
he belongs to the royal blood
✓ Siya’y nabibilang sa dugong bughaw (tamang salita)
• Siyang nabibilang sa dugong asul (hindi ginagamit)

11. Ang mga daglat, akronim, pormula na masasabing unibersal na ay hindi


kailangang baguhin sa baybay.

PTA hindi SMG dahil Samahan ng mga Magulang at Guro


PNU hindi PNP dahil Pamantasang Normal ng Pilipinas
UP hindi PP dahil Pamatasan ng Pilipinas
Cm hindi sm dahil sentimo
CA hindi Ka dahil Kalsyum

Ang mga sumusunod ay ginagamit na rin:


Ng umaga – n.u.
Ng hapon – n.h.
Ng tanghali – n.t.
Ng gabi – n.g.

12. Kapag ang pamagat ay may kahirapang isalin, bigyan ito ng katumbas
pagkatapos maisalin ang buong nilalaman ng materyales na isinasalin.
Malaya ang tagasalin na huwag sundin ang pamagat ng orihinal, lalo na
at ang isinasalin ay mauuring literary o pampanitikan.

13. Kung walang maitutumbas na salita sa isang salitang isinalin, maaring


gawin ang alinman sa mga ito:

a. Hiramin ang salitang isinasalin at baybayin sa palabaybayang Filipino


b. Alamin ang kasingkahulugan nito at baka mas madaling tumbasan
iyon.
c. Alamin ang katumbas sa Kastila at baka mas madaling hiramin.
d. Lumikha ng salita.

44
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

B. Gabay sa pagsasalin ng mga Tayutay, Tula, at Idyomatikong Pahayag

❖ Pagsasalin ng Tayutay

1. Isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin


na matayutay ay dapat maging payak sa wikang pinagsasalinan.

Halimbawa
Orihinal: The Philippines elected national officials in 2006
Salin: Ang mga mamamayang Filipino ay naghalal pambansang
pamunuan noong 2006.

2. Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng


kahulugan upang pasidhiin ang damdamin. Nangyayari ito, kadalasan
sa panulaan.

Halimbawa
Orihinal: He drank 3 bottles
Salin: uminom siya ng tatlong boteng serbesa

3. Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang


isinasalin. Ang matayutay na wikang isinasalin ay tinutumbasan din
ng matayutay na wikang pinagsasalinan.

Halimbawa
Orihinal: Don’t hurt his good name
Salin: Huwag dungisan ang malinis niyang pangalan.

❖ Pagsasalin ng Tula

1. Mainam na panuntunan ang pagsasalin sa diwa ng mga


taludtod/saknong kaysa sa literal na pagsasalin ng mga salita sa salita.
Kailangang makita ang isipang taglay ng talata/saknong at ito ang
ilapat sa kasasalinang taludtod/saknong.

2. Maaaring pagbagu-baguhin ang ayos ng mga salita sa taludtod o ng


mga taludtod sa saknong, ngunit huwag babaguhin ang isipan.

3. Hangga’t magagawa, ang ginamit na pang-uri, pangngalan, pandiwa,


at pang-abay ay mapasama sa pagsasalin.

4. Ang pagsasalin ay kailangang maging siyang pianakamatapat sa diwa


at damdaming taglay ng orihinal.

5. Sa mga translator, higit na marami ang nagsasabi na ang dapat na


isalin nang patula ang tula at hindi sa prosa o tuluyan. Kung hindi ito
magawa, gawin na lamang free verse ang tula.

6. Makatutulong na isalin muna ang tula sa tuluyan upang matiyak ang


sasabihin at pagkatapos ay saka pa lamang ayusin ito nang patula.

45
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

❖ Pagsasalin ng Idyomatikong Pahayag

1. Tandaan na ang mga ekspresyong idyomatiko ay maaaring may


kahulugang literal. Samakatwid, maaaring literal ang itumbas depende
sa konteksto. Kung minsan, nagkakataon din na ang ekspresyong
idyomatiko sa isang wika ay may katapat na katapat na ekspresyon sa
ibang wika.

Halimbawa:
Snake in the grass = ahas sa damo
Over my dead body = sa ibabaw ng aking bangkay

2. Maaaring ihanap ng kapwa ekspresyong idyomatiko.

Halimbawa:
Dressed to kill = nakapamburol
Fight to the death = hanggang sa huling patak ng dugo
Poetaster = makatang sampay bakud
Off the rocker = maluwag ang turnilyo
Fishwives’ tales = kuwentong kutsero
To live from hand to mouth = isang kahig isang tuka

✓ Ngunit tandaan din na may mga ekspresyon sa Ingles na kahawig ng ekspresyon


sa Filipino ngunit magkaiba ng kahulugan. Halimbawa nito ay ang idyomang
sitting duck (na nangangahulugan naming “pipitsugin” o “mahinang klase”).

3. Tumbasan ang kahulugan ng ekspresyong idyomatiko sa paraang


idyomatiko.

Halimbawa:
Starve to death = mamatay nang gutom
Hindi: Nagutom hanggang mamatay

Hacked to death = napatay sa taga


Hindi: tinaga hanggang sa mamatay

Heavy traffic = buhol-buhol na mga sasakyan


Hindi: Mabigat na trapiko

C. Pagsasalin ng Pandiwang-pang-ukol (prepositional expressions)

Call = tawagin
Call up = tawagan sa Telepono
Call off = huwag nang ituloy
Call back = tawagan ang isang tumawag

Run after = habulin


Run away = tumakas
Run away with = itakbo
Run out = maubusan
Run over = masagasaan
Run down = masira

46
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Run into = masalubong

Look about = magpalinga-linga


Look after = alagaan
Look at = tingnan
Look away = ibaling ang tingin
Look back = lumingon
Look down on = hamakin
Look out = magbantay (upang tiyaking walang panganib)
Look up = tumingala, tingalain (ang isang tao). Ituring na
isang modelo (ang isang tao)

Full moon = buwang kabilugan/kabilugan ng buwan


Full of water = puno ng tubig
Full after a meal = busog (matapos kumain)

Sanggunian
• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag). Wiseman’s
Books Trading, Inc.

PAGSUSULIT

Panuto: Hanapin sa hanay B ang salin ng mga salitang nasa hanay A.

Hanay A Hanay B

Salitang Close:
__________ 1. Close the mouth a. isara o itigil ang negosyo
__________ 2. Close the deal b. huwag nang pag-usapan
__________ 3. Close down the business c. malapit sa akin
__________ 4. Close to my heart d. tapusin ang kasunduan
__________ 5. Close the topic e. tumigil sa pagsasalita

Salitang Turn:
__________ 6. Turn to the left a. buksan ang pahina
__________ 7. Turn to one’s shoulders b. kumakaliwa
__________ 8. Turn around c. magpaawa sa iba
__________ 9. Turn the page d. pagkakataon mo na
__________10. It is your turn e. umiikot

Salitang Go:
__________ 11. Go after a. alamin ang paraan
__________ 12. Go broke b. bumaba
__________ 13. Go down c. habulin
__________ 14. Go about d. namulubi
__________ 15. Go away e. umalis

47
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

GAWAIN
GUMAWA NG VIDEO!

PANGKABUUANG PANUTO: Gumawa ng Video na umaawit o kaya ay tumutula


(spoken word poetry). Pumili lamang ng isang gagawin kung ito ba ay pag-awit o
kaya ay pagtula.

Mga Panuto:
✓ AWIT:
➢ Pumili ng isang awit nasusulat sa Ingles, Filipino o Waray na malapit
sa iyong puso at isalin ito sa wikang Filipino o Waray.
➢ Pagkatapos maisalin ang awit, kunan ang sarili ng video na inaawit
ito.
➢ Maaaring magpatulong sa iyong kamag-anak sa paggitara o kaya sa
paghahanda ng video o pagkuha ng video.
➢ Siguraduhing ikaw ang magsasalin at aawit ng napiling kanta.
➢ Maaring pumili ng lenggwaheng pagsasalinan ng napiling kanta;
Halimbawa:
Ingles > Filipino/Waray
Filipino > Waray
Waray > Filipino
✓ TULA/SPOKEN WORD POETRY
➢ Pumili ng isang tula na nasusulat sa Ingles, Filipino, o Waray na
malapit sa iyong puso at isalin ito sa ibang wikang alam mo kagaya
ng Filipino at Waray.
➢ Pagkatapos maisalin ang tula, kunan ang sarili ng video na tumutula.
➢ Maaaring magpatulong sa iyong kamag-anak sa pagseset-up ng video
o pagkuha ng video, maaari mo ring lagyan ng background music ang
iyong pagtula.
➢ Siguraduhing ikaw ang magsasalin at tutula sa napiling piyesa.
➢ Maaring pumili ng lenggwaheng pagsasalinan ng napiling tula;
Halimbawa:
Ingles > Filipino/Waray
Filipino > Waray
Waray > Filipino

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA sa TULA/AWIT

NILALAMAN (kabuluhang hatid ng tula/awit,


bigat ng diwang nakapaloob, kaangkupan
ng pagsasalin) - 20
DRAMATIKONG KAANGKUPAN
(paraan ng pagbibigay-kahulugan sa tula/awit
at istilong ginamit) - 15

PISIKAL NA KAANYUAN
(tindig, kasuotan, tingin, rehistro sa Camera) - 10

Boses (lakas at hina, bilis at bagal,


intonasyon at tamang pagbigkas/pagkanta) - 10

HIKAYAT SA MADLA - 5
60 puntos

48
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

YUNIT IV
ANG PAGSASALAYSAY (ANYO NG DISKURSO)

ARALIN 2.2 PAGSASALAYSAY

MGA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:
e. Natutukoy at nakikilala ang mga kathang pasalaysay o uri ng
pagsasalaysay.

BASAHIN

A. KAHULUGAN NG PAGSASALAYSAY

➢ Ito ay isang diskurso na binubuo ng mga talatang nagpapahayag ng mga


kawing-kawing na pangyayari.
➢ Ibinibilang itong pinakamatandang uri ng pagpapahayag.
➢ Nagsimula ito sa alamat, epiko at kwentong bayan.

➢ Nagiging mabisa ang pagsasalaysay kung ginagamitan ng malinaw na salita


upang maipahayag nang mainam ang nilalaman ng isip at damdamin at
paggamit ng makahulugan at malikhaing pananalita. Layunin ng
pagsasalaysay na mapagalaw ang isip ng bumabasa at nakikinig.

B. MGA MAAARING MAISALAYSAY

1. Sariling Karanasan
➢ Bawat tao ay may karanasang ikukuwento. Sa buhay natin ay may
karanasang dinanas at napaglabanan. Maaaring ang mga ito’y
karanasang di malilimutan na hanggang ngayon ay nagpapaalala
sa isang kahapon, malungkot o masaya man ito.

2. Napakinggan at narinig
➢ Mula sa bibig ng isang tao o ng iba pang tao, sinusulat natin at
isinasalaysay ang kwento ng iba. Kung minsan ang ano mang
narinig sa radio ay ating ginagawan ng kwento.

3. Nabasa
➢ Anumang nabasa ay maaari ring isalaysay. Maaaring bahagi
lamang ng nabasa ang gawan ng kwento.

4. Likhang-isip
➢ Lahat ng bunga ng imahinasyon ng tao ay maaari ding gawan ng
kwento.

49
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

C. KATANGIAN NG ISANG EPEKTIBO AT MAHUSAY NA PAGSASALAYSAY

1. Maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahong pamagat.

2. Mahalaga ang paksa o diwa


➢ Maaaring gasgas ang paksa subalit binigyan ng bagong hugis, at
istilo sa pagkukwento upang ito’y maging makabuluhan.

3. Hindi maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


➢ Sa pagsasalaysay ay dapat mauuna ang A bago ang B hanggangg Z.
Iwasan ang kung saan-saan napupunta ang kwento. Iwasan ang
kung saan-saan napupunta ang kwento. Alisin ang mga
pangyayaring ‘di na dapat pang isama.

4. Kaakit-akit ang simula


➢ Sa simula pa lamang ay dapat may “appeal” o “it” na ang dating.
Dapat magayuma sa simula pa lamang ang nakikinig o mambabasa
upang ipagpatuloy ang pakikinig o pagbabasa ng kwento.

5. Kasiya-siya ang wakas


➢ Ang wakas ay kailangang may maiiwang kakintalan sa isip.
Maaaring ito ay aral, mensahe o impresyon na maiiwan sa
kakintalan at kamalayan. Ang wakas ay dapat na iniisip at
pinananabikan kaya hahanap-hanapin ang kuwento.

C. MGA URI NG PAGSASALAYSAY

1. Maikling kwento – ang pinakapalasak sa lahat ng pagsasalaysay.

2. Tulang pasalaysay o epiko – tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari.

3. Dulang pandulaan – nagpapakita ng galaw at kilos ng pangyayari sa


tanghalan.

4. Nobela – binubuo ng mga kabanata at hitik na hitik sa mga pangyayari.

5. Anekdota – isang masayang pangyayari sa buhay ng tao.

6. Alamat – ang kwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.

7. Talambuhay – ang kwento ng buhay ng isang tao.

8. Kasaysayan – ang historikal na kwento ng isang mahalagang pangyayari.

9. Talang Paglalakbay – Isang kronolohikal na pagsasalaysay ng isang


paglalakbay.

Sanggunian

• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag). Wiseman’s


Books Trading, Inc.

50
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa


kahon ang letra ng salitang tumutukoy sa bawat isa. Isulat sa hiwalay na
papel ang iyong sagot.

Nobela Pagsasalaysay Likhang-isip

Epiko Sariling Karanasan Anekdota

Maikling Kwento Dulang Pandulaan Alamat

Nabasa Kasaysayan Talambuhay

__________ 1. Bunga ng imahinasyon ng tao na maaari ding gawan ng kwento.

__________ 2. Isang masayang pangyayari sa buhay ng tao.

__________ 3. Ang pinakapalasak sa lahat ng pagsasalaysay.

__________ 4. Ibinibilang itong pinakamatandang uri ng pagpapahayag.

__________ 5. Binubuo ng mga kabanata at hitik na hitik sa mga pangyayari.

__________ 6. Ang historical na kwento ng isang mahalagang pangyayari.

__________ 7. Ang kwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.

__________ 8. Ang mga ito’y karanasang di malilimutan na hanggang ngayon ay


nagpapaalala sa isang kahapon, malungkot o masaya man ito.

__________ 9. Tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari.

__________ 10. Ang kwento ng buhay ng isang tao.

51
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 2.3 ANG MAIKLING KATHA O KWENTO

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Nakikilala ang mga maikling kwento, katangian, at uri nito
b. Naipapakita ang pagiging malikhain sa pagsulat ng talambuhay

BASAHIN
ANG MAIKLING KATHA/KWENTO

➢ Ang maikling katha o maikling kwento, gaya ng karaniwang tawag dito, ay


sangay ng salaysay (narration) na may isang kakintalan (single impression)

➢ Ito ay hindi pinaikling nobela. Hindi rin ito buod ng isang nobela o ng
isang kwento.

A. KATANGIAN NG MAIKLING KATHA/KWENTO

1. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay,

2. Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin, at iba pang ilang


tauhan.

3. Isang mahalagang tagpo

4. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling


sinusundan ng wakas.

5. IIsang kakintalan.

B. MGA URI NG MAIIKLING KATHA

1. Pangkatauhan
➢ Pinakamahalagang nangingibabaw sa kathang katauhan

2. Makabanghay
➢ Ang mahalaga’y ang pagkakabuo ng mga pangyayari

3. Pangkapaligiran
➢ Ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani,

4. Pangkatutubong kulay
➢ Ang pamumuhay at kalakaran sa isang pook ang binibigyang-diin

5. Pangkaisipan
➢ Ang paksa, diwa o isipan ng isang katha ang pinakamahalaga

52
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

C. MAHALAGANG SANGKAP NG MAIKLING KATHA/KWENTO

1. Paksa
➢ Dapat higit nating nauunawaan ang buhay matapos itong
matunghayan ang paksa sa isang kwento.

2. Banghay
➢ Ito ang nagtataglay ng pagkakabuhol-buhol ng mga pangyayari na
kinakailangang lutasin ng mga tauhan.

3. Mga tauhan
➢ Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa
kwento. Kailangang ang bawat tauhan ay nagpapamalas ng buong
katauhan ng tauhan na gustong ilarawan ng may-akada at
kailangang sila’y larawan ng mga tunay na tao sa tunay na buhay.

4. Tagpuan
➢ Ito ang lugar at panahong pinangyayarihan ng kwento. Sa
pamamagitan ng tagpuan ay nagiging makatotohanan ang kwento.

5. Simbolismo
➢ Ito’y isang salita, parirala, yugto o pangyayari na tumutukoy sa
isang bagay subalit nagpapahiwatig ng isang kaisipan.

6. Ang Dayalog o Usapan


➢ Sa isang kwento, kailangan ng dayalog o usapan sa isang kwento
upang magkaroon ito ng buhay.

7. Tunggalian
➢ Ito ang labanan sa kwento. Maging ito ay tao laban sa sarili, tao
laban sa kapwa tao o kaya ay tao laban sa kalikasan.

8. Mga Imahen
➢ Ang kwento ay gumagamit ng mga pahiwatig sa pamamagitan ng
mga imahen na lalong nagbibigay ng kahiwagaan ng kwento. Sa
pamamagitan ng imahen ay napapaigting ang interes sa kwento.
Halimbawa ng imahen ay bundok para sa kadakilaan, kuwintas
para sa alaala ng isang ina, o kaya naman ang buwan na
nagtatakda ng kapalaran.

• Isang maikling kathang pangkaisipan
Halimbawa: “Ang Pag-uwi” ni Genoveva Edroza Matute

• Isang maikling kathang pangkatutubong-buhay


Halimbawa: “Hudhud ni Aliguyon” Alamat ni Aliguyon
“Mga Patak ng Luha” ni Nilda B. Bendalan
• Talambuhay
Halimbawa: “Talambuhay ni Adolf Hitler”

• Talambuhay ng sumulat ng paksa (autobiography)


Halimbawa: “Ang aking Talambuhay” Jerry Bryan DJ Abaniel
July 2008

53
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ang salitang talambuhay ay galing sa dalawang salitang tala at buhay, kung


kaya nauukol sa kasaysayan ng isang tao. Ito ay ang ating panumbas sa salitang
ingles na biography. Ang pagsasalaysay tungkol sa taong pinapaksa ay puwedeng
isagawa ng ibang tao o kaya’y ng may katawan na rin.

DALAWANG URI NG TALAMBUHAY

A. Talambuhay ng ibang tao (biography)

➢ Ang talambuhay ng ibang tao (biography) ay kasaysayan o kuwento


ng buhay, pangarap, mithiin at karanasan ng isang tao na isinulat ng
iba. Tulad ng pansariling talambuhay, ito ay nagbibigay rin ng mga
impormasyon ukol sa tao, di malilimutang bahagi ng kanyang buhay,
mga plano, mithiin, karanasan (kung ang taong ito ay nabubuhay pa)
o sa panahon ng kanyang kamatayan.
➢ Ang mga impormasyong ito tungkol sa buhay ay makatutulong
upang maging mas makatotohanan ang isang talambuhay. Mas
magkakaroon ng kurot sa mambabasa kung babanggitin ang mga
karanasang tunay na naiiba o natatangi ng pinapaksang tao. Mga
karanasang kapupulutan ng aral o inspirasyon sa buhay.
B. Talambuhay na pansarili (autobiography)

➢ Ang ikawalang uri ng talambuhay ay tinatawag na talambuhay na


pansarili (autobiography). Ang awtor mismo ang sumulat ng
kanyang sariling buhay, mga pangarap, hangarin at mga
karanasang di malilimutan na maaaring masaya o may
kalungkutan.
Mga dapat taglayin ng talambuhay na pansarili

✓ Pangalan mo
✓ Petsa at Lugar ng iyong Kapangakan
✓ Pangalan ng iyong mga magulang
✓ Pang-ilan sa inyong magkakapatid?
✓ Mga pangarap at balak sa hinaharap.
✓ Paniniwala ukol sa buhay?

➢ Ang mga detalyeng ito ay makatutulong upang maging


malaman at may sinasabi ang iyong talambuhay.
➢ Kailangan mo ring pag-aralan ang paggawa ng balangkas o outline.
Makatutulong ito sa iyo upang maging maayos ang daloy ng
kaisipan ng iyong isusulat na pansariling talambuhay.

Balangkas o Outline

➢ Ang balangkas ay ang magsisilbi mong patnubay sa pagsulat mo


ng talambuhay. Tulad ng isang bahay bago ito itayo, kailangan
nito ang maayos na plano na susundan o babasahin ng arkitekto.
Ganito rin ang gamit ng balangkas. Ito ang plano kung paano mo
ilalahad ang mahahalagang impormasyon sa isang talambuhay.
Makatutulong ito upang magkaroon ng kaisahan ang iyong
isusulat na talumpati.

54
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pag-aralan mong mabuti ang halimbawa ng balangkas sa ibaba.

BALANGKAS NG TALAMBUHAY NG IBA

MARCELO H. DEL PILAR

I. Mahahalagang Impormasyon Tungkol kay del Pilar


a. Petsa at Lugar ng Kapanganakan
b. Mga Magulang
c. Natatangi niyang mga Talento
II. Pangarap ni Del Pilar
a. Pagtatayo ng Paaralan
III. Mga Pagsubok ni del Pilar
a. Pagtugis sa kanya ng mga Kastila
b. Paglisan niya ng Pilipinas
IV. Mga Karanasan ni del Pilar sa Barcelona
a. Pangangasiwa niya sa La Solidaridad
b. Paghihirap ni del Pilar sa Barcelona
V. Si del Pilar sa Panahon ng Rebolusyon
a. Pagkakasundo ni del Pilar at Bonifacio Ukol sa Himagdikan
b. Pagnanais na Umuwi ni del Pilar
VI. Huling Bahagi ng Buhay ni del Pilar
a. Petsa at Lugar ng kanyang Kamatayan

Halimbawa:
TALAMBUHAY NI MARCELO H. DEL PILAR

“Ipagtanggol mo ang matuwid at huwag mong alalahanin ang pananalo o ang


pagkatalo.”

Si Marcelo H. del Pilar ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto ng 1850


sa Kupang, Bulakan, Bulakan. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid
na anak ni Don Julian H. del Pilar at Donya Blasa Gatmaitan. Nag-aaral
siya hanggang magtapos sa pagkamanananggol.
Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong
tumugtog ng piyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing.
Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin
sa biyolin tuwing Flores de Mayo.
Nais ni del Pilar ang pagtatatag ng mga paaralan upang ang
masasamang bunga ng kamangmangan ay maputol, kung hindi man
lubusang mapawi.
Ipinalagay ng mga Kastila na si del Pilar ay kalaban ng Espanya dahil
sa kanyang mga hinihinging ito kaya’t tinangkang siya ay ipahuli at ipapiit.
Ang mga kamag-anak ni del Pilar na madaling nakaalam ng balak na
pagpapahuli ay dali-daling humikayat sa kanya na umalis at iligtas ang
kanyang buhay.

55
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Dahil sa paliwanag na ito, si del Pilar ay umalis ng Bulakan isang gabi.


Tumungo siya sa Maynila at nanuluyan sa bahay ng isang kaibigan. Matapos
ang mga ilang araw na paninirahan sa Maynila, lumulan siya sa unang bapor
na patungong Espanya. Mabigat sa kanyang loob ang lumisan. Hindi niya
halos matitigan ang pasigan ng kanyang bayang lilisanin ngunit palibhasa’y
lalaki at may pagmamahal sa bayan, ang lahat ay tiniis at binata ang lungkot
ng paglayo.
Sa Espanya ay pinangasiwaan ni del Pilar ang pahayagang La
Solidaridad. Sa pahayagang ito ay nakuha niyang maipakilala sa España ang
mga Pilipino at ang lunggati ng bayang Pilipinas. Isiniwalat niya ang hindi
mabuting ginagawa ng mga taong dito ay ipinadala upang mamuno at dahil
dito’y hiningi niyang ang ipadala rito’y mga tunay na ginoo na marunong
dumama sa tunay na damdaming bayan.
Si del Pilar ay naghirap at namulubi. Ang kanyang mga kababayan ay
hindi makapagpadala sa kanya ng abuloy ibigin mang gawin ang gayon,
sapagkat lubhang napakahirap magpadala ng tulong sa mga kababayang
nasa malayong España. Paniniwalaan ba ninyong halos wala siyang maibili
ng pagkain? Gayon ma’y tiniis niya ang lahat sa pag-asang kaalakbay ng
kanyang mga hirap ang pagsikat ng araw ng tagumpay at ang kanyang bayan
ay mapadadalhan ng mga taong katugon ng ating damdamin.
Si del Pilar ay katulad ni Bonifacio sa paniniwala. Ibig niya ang
maghimagsik, ngunit si Dr. Rizal ay kalaban sa ganitong balak. Si Rizal ay
naniniwalang hindi pa handa ang bayan sa isang himagsikan.
Nang umabot sa kaalaman ni del Pilar ang balitang pagbangon ng
kanyang bayan sa pamumuno ni Bonifacio, tinangka niya ang umuwi sa
Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio.
Datapwat ang kanyang balak na pagbabalik sa tinubuang lupa ay
nabigo. Sa Barcelona ay dinapuan siya ng sakit na kanyang ikinamatay,
nang hindi man lang nakita ang kanyang mga anak at asawang minamahal.
Pumanaw siya noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, España sa sakit na
tuberkulosis. Ngunit nagpatuloy na mabuhay ang kanyang kabayanihan sa
puso ng mga Pilipino at ng bayang kanyang iniibig.

✓ Ang balangkas na ipinakita ko ay parang buto o kalansay lamang, iyo


itong lalagyan ng laman sa proseso ng iyong pagsulat. Dahil sa
balangkas na ito, makatatayo bilang isang maayos na talambuhay ang
iyong akda.

BALANGKAS NG TALAMBUHAY NA PANSARILI

MUNTING PANGARAP

I. Panimula
II. Mga Personal na Impormasyon
a. Pangalan
b. Petsa at Lugar na Kapanganakan
c. Bilang ng Magkakapatid
d. Mga Magulang
III. Pamilya
a. Mahirap na Pamilya

56
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

b. Maagang Pagtatrabaho
IV. Eskwelahan
a. Pagsisikap na Maging Mahusay
b. Pagtatamo ng Karangalan
V. Buhay Kolehiyo
a. Panibagong Hamon
b. Pagtulong ng mga Kapatid at Kaibigan
VI. Pagtuklas sa Talento
a. Pagsulat
b. Parangal na Nakamit
VII. Kasalukuyan
VIII. Wakas

Halimbawa:
MUNTING PANGARAP
Nagsimula lamang ang lahat bilang munting pangarap. Nais kong
makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng isang magandang trabaho.
Ako si Genaro R. Gojo Cruz. Ako ay ipinanganak at lumaki sa San
Jose del Monte, Bulacan noong ika-16 ng Disyembre 1976. Bunso sa siyam
na magkakapatid. Ang aking mga magulang ay sina Dominga Ruiz at Thomas
Gojo Cruz na kapwa namayapa na.
Mahirap ang aming pamilya, kung kaya ang aking mga kapatid at
maging ako ay namulat sa mga gawain at maagang pagtatrabaho.
Natatandaan ko, lagi akong umaakyat sa mga puno noon upang manguha ng
mga bungang-kahoy, tulad ng santol, mangga, sinigwelas, sampalok, at iba
pa na maaaring pagkakitaan at ipagbili. Hindi ko na hinihingi sa aking mga
magulang ang aking ibinabaon sa eswkelahan. Ayokong maging pabigat sa
kanila.
Sa eskwelahan, sinisikap kong maging mahusay. Bagamat hindi ako
matalino, nagtitiyaga akong matuto. Ito ang natutunan ko sa aking Tatay, na
kailangang magsikap at magtiyaga upang magtagumpay. Nakatapos ako ng
hayskul dahil sa sarili kong pagsisikap at pagtitiyaga. Alam kong tuwang-
tuwa rin si Nanay nang ako’y nakatapos. Siya ang nagsabit sa akin ng
parangal bilang pinakamasipag na mag-aaral.

Sa kolehiyo, panibagong hamon ang aking hinarap. Hindi na ito biro


dahil kailangan kong mag-Maynila upang mag-aral. Matinding pagtitipid ang
aking ginawa. Pero sa tulong ng aking mga kapatid at ng mga taong handang
tumulong at mga kaibigang nakauunawa sa aking kalagayan, matagumpay
rin akong nakatapos ng aking pag-aaral sa Kolehiyo. Nagtapos ako ng
pagkaguro sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Sa aking pag-aaral sa kolehiyo, natuklasan ko ang isang talento na
magiging dahilan pala upang ako’y makilala – ang pagsusulat. Ginamit ko
ang aking mga sariling karanasan sa buhay sa aking pagsusulat. Mahilig
akong magsulat ng tula at maikling-kuwentong pambata. Sa katunayan, ang
kuwento kong “Ang Lumang Aparador” ay nagwagi ng unang gantimpala sa
2002 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literture. Isang karangalan
itong tunay kong ipinagmamalaki.

57
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sa kasalukuyan, ako ay nagtuturo sa Pamantasang De La Salle –


Maynila at Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Ngayon sa tuwing maiisip ko ang aking mga pinagdaanan sa buhay,
lagi akong nangingiti at nagpapasalamat dahil lalo akong naging matatag.
Siyempre, naaalala ko rin ang aking mga kapatid at mga kaibigang tumulong
upang ako ay magtagumpay.
Sa mga karanasan ko, napatunayan kong lahat ng tagumpay sa buhay
ay nagsisimula sa munting pangarap lamang.

✓ Sa pagsulat mo ng talambuhay ng ibang tao o maging ng iyong sariling


talambuhay, nakadaragdag sa kasiningan nito kung magbibigay ka ng
panimula o ng maikling introduksyon. Nakatutulong ito upang
maihanda ang mambabasa at hindi sila mabigla. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng wakas dahil nakatutulong ito upang may maiwan at
tumatak sa isipan ng mambabasa.

Sanggunian

• Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag). Wiseman’s


Books Trading, Inc.
• http://Kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-5.pdf

GAWAIN
Panuto: Sumulat ng isang talambuhay na pansarili (autobiography). Gawing
gabay ang mga natalakay na konsepto kaugnay ng masining na pagsulat nito.

Pamatayan sa Pagmamarka:

Nilalaman
(Kawastuhan ng pagkakasunod-sunod
ng pangyayari o detalye at kaisipan) - 25

Pagkamalikhain
(Sining ng pagkwekwento) - 15

Wastong gamit ng bantas at


tamang baybay ng mga salita - 10

50 puntos

58
FILIPINO_3 RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

BIBLIOGRAPI

Aklat
Bendalan, N. (2013). Retorika: Susi sa Mabisang Pagpapahayag). Wiseman’s
Books Trading, Inc.

Internet
http://Kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-5.pdf

59

You might also like