You are on page 1of 1

TALUMPATI  2.

Katawan - nakasaad dito ang paksang


tatalakayin ng mananalumpati.
- “speech”, buod ng kaisipan o opinyon ng isang  3. Katapusan - ang pagwawakas ang
tao na pinababatid sa pamamagitan ng pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat nakalahad ang pinakamalakas na katibayan,
ng mga tao. paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng
 Layunin -humikayat, tumugon, mangatwiran, pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng
magbigay ng kaalaman o impormasyon at talumpati.
maglahad ng isang paniniwala.
 Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na  PARAAN SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas  1.Isinaulong Talumpati - karaniwang binibigkas
sa harap ng mga tagapakinig. sa mga timpalak sa pananalumpati. Ang
nilalaman ay maaaring hindi gawa ng nagsalita.
 URI NG TALUMPATI  2.Binasang Talumpati- ang talumpating
 May anim (6) na uri ng talumpati o binabasa ay maaring gawa o di-gawa ng
pananalumpati: nagsasalita. Habang binabasa ito sa harap ng
 1. Pampalibang - ang mananalumpati ay madla, kinailangan ipadama sa madla ang
nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o katotohanang nilalaman niyon sa paraang
maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas maliwanag at natural.
pagkatapos ng isang salu-salo.  3.Talumpating Extemporaneous- ito ay
 2. Nagpapakilala - kilala rin ito sa tawag na talumpating hindi pinaghandaan sapagkat hindi
panimulang talumpati at karaniwan lamang na isinulat ng nagtatalumpati bago bigkasin sa
maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na madla. Sa isipan lamang biubuo ng nagsasalita
o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang ang kabuuan ng talumpati upang maayos
mga tagapakinig at pukawin ang kanilang niyang maihanay ang kaisipang nais niyang
atensyon sa husay ng kanilang magiging paratingin sa nakikinig.
tagapagsalita.  4.Talumpating Impromptu - ito ay halos katulad
 3. Pangkabatiran - ito ang gamit sa mga ng extemporaneous na talumpati sapagkat
panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong walang paghahanda. Ni sa isipan ay hindi siya
pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang nakabubuo ng balangkas sapagkat ang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang ganitong talumpati kinakailangang tunay na
larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang malawak ang kaalaman o karanasan ng
makatutulong para lalong maliwanagan at nagsasalita upang hindi siya mag-apuhap o
maunawaan ang paksang tinatalakay. mangapa sa sasabihin ng madla.
 4. Nagbibigay-galang – ginagamit ito sa
pagbibigay galang at pagsalubong sa isang  PAANO GUMAWA NG TALUMPATI
panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa  Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.
kasamahang mawawalay o aalis.  1. Pumili ng magandang paksa.
 5. Nagpaparangal - layunin nito na bigyang  2. Tipunin ang mga materyales na maaring
parangal ang isang tao o kaya magbigay ng pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling
papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o
okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit karanasan o kaya ay mga 6 babasahin na may
ang ganitong uri ng talumpati. kaugnayan sa paksang gagamitin.
 a. Paggawad ng karangalan sa mga  3. Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at
nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan
 b. Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi at katapusan.
 c. Pamamaalam sa isang yumao  4. Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na
 d. Parangal sa natatanging ambag ng isang tao pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at
o grupo pansariling kapakinabangan.
 6. Pampasigla - pumupukaw ng damdamin at  5. Iwasan din naman na maging “boring” ang
impresyon ng mga tagapakinig kung saan iyong pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon
kalimitang binibigkas ito ng: ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng
 a. isang Coach sa kanyang pangkat ng mga talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig.
manlalaro  https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati
 b. isang Lider ng samahan sa mga
manggagawa o myembro
 c. isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga
kawani

 BAHAGI NG TALUMPATI
 1.Simula - inilalahad ang layunin ng talumpati,
kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang
atensiyon ng madla.

You might also like