You are on page 1of 23

Ang Pagtuturo at

Paglinang ng
Talasalitaan
Celee Ann Kris A.
Mamon
• Ano ang Talasalitaan?
Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa
ng isang wika ay ang kabuuang talasalitaan ng
wikang ito. Ayon sa mga Anglo-Saxon ang
talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na
dapat angkinin at mahalagahin. Sa mga Instsik
naman, ito’y isang malawak na dagat ng mga
salita na dapat hulihin. Alin sa dalawang
kaisipang ito ang inyong higit na sinasang-
ayunan?
• Gumamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag
ng ating naiisip at nadarama. At dapat isaisip
na mahalaga ang wastong paggamit ng mga
salita sa ating pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Ngunit dapat din nating
mabatid na ang ganap na kawastuhan at
kaliwanagan ng isang mensahe ay nakabatay
sa mga salitang ating pinipili. Ang mga salita
bilang pinakamahalagang sangkap ng wika ay
mauuri natin sa dalawang pangkat: mga
salitang pangnilalaman (content words) at
mga salitang pangkayarian (function words).
• Mga Salitang Pangnilalaman. Ito ay mga salitang
may isang tiyak na kahulugan at nagsisilbing
mahahalagang salita sa loob ng pangungusap.
Ang mga salitang ito’y maaaring tumukoy sa isang
tao, halimbawa, titser; isang bagay- lapis; kilos o
galaw- tumayo, lumundag, katangian- maganda o
dikaya’y isang kalagayan- matiwasay. Ang mga
salitang ito’y may taglay nang sariling kahulugan
kahit hindi pa isama sa ibang salita. Kabilang sa
mga salitang pangnilalaman ay ang mga
pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay.
• Mga Salitang Pangkayarian. Ito ay mga salita o
kataga na nagkakaroon lamang ng tiyak na
kahulugan kapag nasa pangungusap at
tungkulin nito na mapagsama-sama at mapag-
ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman,
upang makabuo ng pangungusap. Kabilang sa
mga salitang pangnilalaman ang mga
pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy
at pangawing.
• Ang Paglinang ng Talasalitaan
Ang pagtatamo ng mga salita ay maaring
bunga ng isang paglinang ng talasalitaan. Ayon
kay Channell (1988), ang isang bagong
talasalitaan ay maaangkin lamang ng mag-
aaral kung maibibigay niya ang kahulugan
alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng
isang konteksto at magagamit din niya ito
nang buong husay sa pakikipagtalastasan.
• Ano ang ibig sabihin ng pag-alam sa kahulugan
ng isang salita?
Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang
katangian ng isang salita ang mag-aaral bago
lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito.
Dapat may kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan
nito sa kasalukuyang konteksto; ang pagkakatulad
at pagkakaiba nito sa ibang salita na may
kahulugan; ang ibang kahulugan na maaari itong
taglayin; ang ibang anyo nitong panggramatika;
paano ginamit ang salita at mga sitwasyong
pinaggagamitan nito.
• Halimbawa: Pansinin ang iba;t ibang kahulugan ng mga
salitang iisa ang baybay ngunit magkakaiba ng bigkas.
– tubo
• maaaring kahulugan:
• tubó - isang uri ng pananim
• tubo - bakal na pandaluyan ng tubig
• tubò - pakinabang sa isang negosyo
• tubô - sumibol na
– paso
• maaaring kahulugan:
• pasó - lipas na
• paso - makitid na daan
• pasò - nalapnos dahil sa init
• pasô - taniman ng halaman

Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng
Talasalitaan.
May ilang salik na nakaaapekto sa paglinang ng
talasalitaan ng mga mag-aaral. May mga pag-
aaral na nagpapatunay na ang mga salitang
natutuhan sa pamamagitan ng aktibong paggamit
nito ay higit na natatandaan kaysa sa mga salitang
naririnig lamang o nababasa kaya. Ang pag-uulit
at malimit na paggamit ng mga salita ay mahalaga
para sa pagtatamo nito. Ang sampung minutong
pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan araw-
araw ay mas mabisa kaysa sa minsanang
limampung minutong pagkaklase.
• Mga Talasalitaang Aktib at Pasib
• Aktibo at pasibong nagagamit ng isang taal na
tagapagsalita ng wika ang mga salita o
talasalitaan.
• Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga
salita kapag siya’y nagtatalumpati o di kaya’y
nagsusulat.
• Pasibong nagagamit ang mga salita sa
pakikinig at pagbasa. Ito’y tumutukoy sa
kakayahan ng isang tao na maunawaan ang
mga salitang ginamit sa pagsasalita at
pagsulat ng ibang tao.
• Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga Salita
Tinatayang maraming salita ang nauunawaan ng
isang tao kaysa sa mga salitang aktibo niyang
ginagamit. Ayon kina Richards et.al (1985).. ,
ang isang taal na tagapagsalita ng wika ay
maaaring magtaglay ng mahigit sa 100,000
pasibong talasalitaan ngunit ang taglay niyang
aktibong talasalitaan ay maaaring nasa
pagitan lamang ng 10,000 hanggang 20,000
salita.
• Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, dapat
pagpasiyahan ng guro ang mga salitang sa
palagay niya’y karapat-dapat na ituro para sa
aktibong gamit at aling salita ang mahalagang
nakikilala o natutukoy ng mga mag-aaral kapg
sila’y nakikinig o nagbabasa. Kaya sa pagtuturo
ng talasalitaan, hindi kailangang bigyan ng
magkakaparehong diin ang mga salitang
nililinang. Upang lubusang malinang ang
aktibong talasalitaan ng mga mag-aaral,
kailangang maglaan ang guro ng mahaba-habang
panahon para sa pagbibigay ng mga halimbawa,
pagbibigay ng mga tanong at paglikha ng mga
pagsasanay kung saan magagamit ng mga mag-
aaral ang natutuhang mga bagong salita.
• Madaling maituro ang mga pasibong talasalitaan.
Halimbawa, maaaring himukin ang mga mag-
aaral na hulaan ang kahulugan ng isang salita
ayon sa pagkakamit nito sa pangungusap. Dapat
ding ipabatid sa mga mag-aaral na hindi nila
kailangang alaming lahat ang kahulugan ng mga
salitang makakaharap nila sa araw-araw. Sa halip,
kinakailangang marunong silang pumili ng mga
salitang sa palagat nila’y kapaki-panibang. Higit
pa sa rito, malamang na makatagpo ang mga
mag-aaral ng mga salitang sa palagay nila’y
mahalaga para sa kanilang personal na
pangangailangan, ituro man ito o hindi ng guro.

• Ang mga Salita at Pagpapakahulugan sa mga
ito
Maraming dapat alamin ang guro tungkol
sa kalikasan at katangian ng mga salita kung
nais niyang maituto nang mahusay ang
talasalitaan.
• Denotasyon
Kung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa
isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang
kahulugan nitong konseptwal, iyong kahulugang
nag-uugnay dito sa isang bagay, tao, lugar o
pangyayri. Ito ang tinatawag nating kahulugang
denotatib. Halimbawa, ang denotasyon ng
salitang bahay ay isang tirahan- isang gusali na
itinayo para tirahan ng tao. Nananatili ang
kahulugang ito kahit na sa ibat-ibang konteksto.
Ang denotatibong kahulugan ay ipinalalagay na
sentral o pangunahing kahulugan ng isang
talasalitaan.
• Konotasyon
Bukod sa kahulugang denotibo, ang isang salita
ay maaaring magtaglay ng pahiwatig na
emosyunal o pansaloobin. May mga salitang
nagtaglay ng posibo o negatibong
konotasyon . samantalang ang iba’y maaaring
neutral ang kahulugan. Suriin natin ang mga
salitang panukala at pakana na parehong
nangangahulugan ng isang proyekto o
proposisyon. Kung ang panukala ay may
positibong konotasyon, negatib naman ang
pahiwatig ng salitang pakana.
• Ang pagpapakahulugang konotibo ay maaaring
mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at
sitwasyon ng isang tao. Halimbawa, ang salitang
dagat ay maaaring magkaroon ng iba-ibang
pakahulugan tulad ng malawak, tahimik,
masungit, mapanganib, atb.
• Mayroon ding pagpapakahulugang kontibo na
kaugnay sa sosyo-kultural na kaligiran na
ikinakapait ng isang pangkat ng tao sa isang
aytem na leksikal. Ang kulay pula, halimbawa, ay
may konotasyon na kasaganaan at magandang
kapalaran para sa mga Instsik, samantalang sa
ibang tao, ito’y maaring maghudyat ng panganib
o di kaya’y pagsalakay.
• Salita na maraming kahulugan (Polysemy)
May mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng
dalaw o mahigit pang kahulugan. Polysemous ang tag
sa mga salitang ito. Kung babasahin o di kaya’y
maririnig natin ang salitang kamay, agad na
pumapasok sa ating isipan na ito’y bahagi ng katawan.
Ngunit maari rin itong magtaglay ng iba-ibang
kahulgan gaya ng mga sumusunod na halimbawa:
kamay na bakal, mahabang kamay, malikot na kamay
atb. Samakatuwid, hindi sapat na masabi ng mag-aaral
ang kahulugan ng salita ayon sa pagkakamait sa
pangugusap. Dapat ding talakayin ang lawak ng gamit
nito na magpapakita ng isang dimension ng
kakayahang komunikatibo ng mag-aaral.
• Mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan
– Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)

• Mauunawaan ng isang mag-aaral ang isang


salita sa pamamagitan ng pagsusuri ng
kayarian nito sa salitang-ugat, mga panlapi,
paraan ng pagkakabuo ng salita tulad ng
payak, maylapi, inuulit at tambalan.
• Halimbawa:
Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa
panlaping ginamit o paraan ng pahkatuto.
• ligaya → ___________________
• kaligayahan → ___________________
• maligaya → ___________________
• kahoy → ___________________
• makahoy → ___________________
• kahuyin → ___________________
• kamoteng-kahoy→ ___________________
– Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-
kahulugan (Context Clues)
• Ang mga palatandaan o pahiwatig na makikita
sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay
ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa
di-kilalang salita. Nasa ibaba ang iba’t ibang
paraan ng pagpapakahulugan ng mga salita sa
tulong ng mga pahiwatig.
• Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na
napapaloob sa pangungusap.
• Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng mga
salita.
• Sa pamamagitan ng ng katuturan o kahulugan ng salita.
• Pag-uugnay sa sariling karanasan
• Ayon sa sitwasyong pinaggagamitan ng salita
• Sa pamamagitan ng ng buod o lagom ng binasa
• Sa pamamagitan ng ng pagbibigay ng halimbawa
• Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita
• Sa pamamagitan ng paglalarawan
• Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin
• Ang Pag-uugnay ng mga Salita (Word
Association)

You might also like