You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

PAMANTASANG BAYAN NG MINDANAO


Lungsod ng Marawi

Pangalan: Asmeenah C. Mohammad Petsa: April 24, 2022


Asignatura: FIL182 - Cc

MGA BATAS SA PAGKATUTO

1. Paano magiging epektibo ang isang guro? Ano-ano dapat niyang


taglayin?
Ang pagiging epektibong guro ay hindi lamang nasusukat sa kaalamang taglay
nito o sa haba ng karanasan nito sa pagtuturo. Upang maging epektibong guro,
dapat taglayin ng isang guro ang mga katangiang tulad ng mga sumusunod:
1. Walang itinatangi. Ang isang epektibong guro ay walang kinikilingan o
itinatanging mag-aaral. Bilang isang guro dapat ika’y patas sa pagtuturo,
pagtrato at maging sa paglalapat ng grado sa iyong mga mag-aaral.

2. May positibong ugali. Ang isang epektibong ay may positibong pag-uugali


kung saan kinikilala niya ang anumang tagumpay o paghusay ng kanyang mag-
aaral sa positibong paraan.

3. May kahandaan. Ang epektibong guro ay mas kahusayan sa kanyang


propesyon. May kaalamang higit pa sa kaalamang taglay ng kanyang mag-
aaral.

4. May haplos-personal. Ang epektibong guro ay ay yaong marunong making


sa kanyang mag-aaral. Ang pagiging guro ay hindi lamang nakasentro sa
pagtuturo. Bilang isang guro ikaw ay tumatayong magulang din ng iyong mga
mag-aaral kaya mahalaga na ikaw ay mag personal na pagkilala sa kanila hindi
lamang bilang iyong mag-aaral kundi bilang isang anak.

5. Masayahin. Ang pagtuturo ay isang seryoso at propesyunal na trabaho subalit


upang maging isang epektibong guro, huwag kalimutang maging masaya sa
trabong iyong tinatahak. Huwag lagging maging seryoso at nakasimangot sa
harap ng iyong mga mag-aaral. Mas tumatatak sa isipan ng mga bata ang isang
gurong palangiti at masayahin.

6. Malikhain. Upang maging epektibong guro, dapat ikaw ay malikhain sa


pagtuturo. Mahalaga ang pagiging matalino sa isang guro subalit gaano ka man
katalino kung nababagot ang iyong mga mag-aaral sa paraan mo ng pagtuturo
ay wala rin itong magandang epekto sa mga mag-aaral. Upang maging
epektibong guro, maging malikhain sa pagtuturo tulad na lamang ng paggawa
ng iyong mga kagamitang panturo. Maging malikhain din sa paggawa ng
aktibidad at ebalwasyon para sa iyong mga mag-aaral.

7. Marunong tumanggap ng kamalian. Walang taong hindi nagkakamali. Ikaw


man ay isang guro, tao ka rin na nagkakamali. Ikaw man ay isang guro dapat
marunong kang tumanggap ng pagkakamali. Ang mahalaga ay alam kong
paano itatama ang pagkakamlaing iyong nagawa.

8. Mapagpatawad. Marami talagang mag-aaral na likas nang makukulit at


pasaway. Bilang isang guro, subukan mong suwain ang kanilang maling kilos at
maging mapagpatawad sa anumang pagkakamaling kanilang nagagawa.

9. May respeto. Ikaw man ay guro, mahalaga na may respeto ka rin sa iyong
mga mag-aaral. Sa simpleng paglihim sa mga personal na kalagayan ng mag-
aaral, mapamabuti man ito o masama, ay isa na itong paraan ng pagrespeto.

10. May mataas na ekspektasyon. Bilang isang guro ay dapat mas mataas ang
iyong pamantayan kaysa iyong mag-aaral. Ikaw bilang isang guro ang tinitingala
at sinusunod ng iyong mga mag-aaral kung kaya’t nararapat lamang na higit na
mataas ang ekpektasyon sakanila.

11. Mapagmahal. Maging mapagmahal sa sa iyong mag-aaral. Mahalaga ang


pagiging mapagmahal upang maging isang epektibong mag-aaral. Ito ay isang
napakainam na paraan upang makuha mo bilang isang guro ang tiwala at
pagmamahal ng iyong mga mag-aaral.

12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral. Upang maging epektibong


guro, huwag mong mamaliitin o ititaas kung sino mang mag-araal ang nanaissin
mo. Magkakaiba man ang pinagmulan, relihiyon, kasarian, o maging paniniwala
ng iyong mga mag-aaral ay dapat iparamdam mo sakanila na sila ay kabilang
sa iyong klase.
2. Tatlong batas ng pagkatuto ni Edward Thorndike (Batay sa iniulat sa klase)
Ang tatlong batas ng pagkatuto ni Edward Thorndike ay ang Law of
Readiness, Law of Exercise at ang Law of Effect. Nakasaad sa Law of Readiness
na ang mag-aaral ay kinakailangang nasa tamang kondisyon at handa sa
kanyang pagkatuto upang ganap nitong matamo ang karunungang
kinakailangan nito. Nakasaad naman sa Law of Exercise na kinakailangan ng
malimit na pag-aaral upang lalong humusay pa ang mag-aaral. Nakasaad
naman sa huling batas na tinawag na Law of Effect na matututo ang mag-aaral
kung ang kanyang pinag-aaralan ang may magandang epekto sa kanya o may
magandang kahihinatnan.

3. Bakit isang marangal na propesyon ang pagtuturo?


Ang propesyon ng pagtuturo napakamarangal dahil ito ay labis na
iginagalang ng marami. Napakalaking responsibilidad ng propesyong ito. Ang
propesyong ito ang huhubog sa ating hinaharap. Nakasalalay sa propesyong ito
ang kahihitnan ng ating mundo. Ang propesyong ito ay sadyang
napakamarangal dahil sa kabila ng napakaraming pagbabago sa mundo dulot
ng teknolohiya ay patuloy pa rin ang buhay ng mga guro kung saan patuloy rin
silang naghahanap ng malilikhaing paraan upang maihatid sa atin ang
karunungang kinakailangan natin. Ang pagtuturo ay napakarangal na
propesyon dahil hinuhubog nito ang isipan ng isang bata na maaring magdulot
sa bata ng mahusay na hinaharap at makalikha ng iba pang propesyon sa
hinaharap.

You might also like