You are on page 1of 6

ROMBLON STATE UNIVERSITY

Main Campus
College of Education
Introduksiyon sa Pag-aaral ng Wika
A.Y. 2021-2022

SAGUTANG PAPEL 3

PANGALAN: LEA AMOR F. MERZA PETSA NG PAGPASA: SEPTEMBER 11,2021

BLOCK: 7

GAWAIN 1: Pagpapaliwanag
GAWAIN 1: Ipaliwanag ang Descriptive at Prescriptive Grammar sa paraang payak at
hindi paliguy-ligoy.

Descriptive Grammar

Paglalarawan kung paano ginagamit ng tao ang wika. Hindi masasabing mali ang
pagkakagamit ng wika hanggat naiintindihan ng kausap (receiver) ang sinasabi ng
tagasalita (sender).

Prescriptive Grammar

Pamantayan kung paano dapat ginagamit ang mga salita/wika. Nasusukat kung
tama o mali ang paggamit ng wika.

FIL 101: Introduksiyon


sa Pag-aaral ng Wika
GAWAIN 2: Paglalahad
GAWAIN 2: Panuto: Ilahad ang inyong pagkaunawa at pananaw sa mga dulog teoritikal gamit
ang grapikong pantulong.

Naniniwala ang mga behaviorist na ang pagkatuto ng wika ay


bunga ng panggagaya o pag-uulit sa mga salitang naririnig sa
paligid. Kadalasang ginagaya ng mga bata ang salitang bago at
BEHAVIORISM
kaakit-akit sa kanila. Ang pagbibigay ng motibasyon at
gantimpala sa mga bagay na nagawa ng tama ng mga bata ay
isang halimbawa.

Pinagbatayan ng teoryang innatism ang paniniwalang ang


mga bata ay isinilang na may “likas na talino” sa pagkatuto ng
wika. Nakatakda ng matuto ng wika ang isang indibidwal
INNATISM
kagaya ng paggapang, pagtayo ,pagtakbo at iba pang mga
natural na debelopment na pang biyolohikal.

Sa teoryang cognitive, ang pagtamo sa pagkatuto ng wika ay


kinakailangan ng pag-iisip, pag-aaral at pagtuklas.
COGNITIVE Kinakailangan ng pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto
upang mapabilis ang pagkatuto sa wika.

Ang paniniwala ng teoryang makatao ay mahalagang salik ng


MAKATAO pagkatuto ng wika ang damdamin, emosyon at saloobin.
Kaangkupan at kaayusan ng paligid ay kaakibat ng pagtamo sa
pagkatuto ng wika.

Matatamo ang pagkatuto sa wika sa pamamagitan ng


INTERACTIONIST pakikipag-usap kung saan nadedebelop ang kaalaman at
kakayahan ng isang individwal. Mahalaga ang ginagmapanang
papel ng mga taong nasa paligid sa paglinang at pagkatuto.

FIL 101: Introduksiyon


sa Pag-aaral ng Wika
GAWAIN 3: Pagtatasa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang titik na inyong sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Naniniwala ang teoryang ito na nagagawang gayahin ng mga bata ang mga tunog at mga pardon ng
wikang kanilang naririnig sa kanilang paligid at kagyat na inaangkupan ng positibong
panghihikayat o pabuya nang sa gayon ay matagumpay nilang maisagawa ang mga gawaing
pangwika. Anong teorya ito?
A. Teoryang Behaviorism C. Teoryang cognitive
B. Teoryang Innatism D. Teoryang Interactionist
2. Ang lahat ng bata ay Biologically Programmed. Ito ay ayon kay __________.
A. Vygotsky B. Piaget C. Chomsky D. Krashen
3. Pinanghahawakan ng teoryang ito ang paniniwalang maituturing na mahalagang salik sa pagtatamo
at pagkatuto ng wika ang damdamin, emosyon at saloobin.
A. Teoryang Cognitive C. Teoryang Innatism
B. Teoryang Makatao D. Teoryang Interaction
4. Aling teorya ang nagsasabing ipinanganak ang bata na may kakayahan na siya sa pagkatuto ng
wika.
A. CognitivistB. Behaviorist C. Inativist D. Makatao
5. Naniniwala ang teoryang ito na nagagawang gayahin ng mga bata ang mga tunog at mga pardon ng
wikang kanilang naririnig sa kanilang paligid at kagyat na inaangkupan ng positibong
panghihikayat o pabuya nang sa gayon ay matagumpay nilang maisagawa ang mga gawaing
pangwika. Anong teorya ito
A. Behaviorism B. cognitive C. Innatism D.Interactionist
6. Pangunahing pinanghahawakan ng teoryang ____________ ang paniniwalang matutuhan ang isang
indibidwal na wika sa kanyang kapaligiran nang walang sinumang nagtuturo rito dahil sa likas
nitong katangiang taglay.
A. Behaviorism B. Innatism C. kognitibo D. Makatao

FIL 101: Introduksiyon


sa Pag-aaral ng Wika
7.Naniniwala ang mga ____________ na ang paglinang at pagkatuto ng wika ay bunga ng kompleks
na pakikipag-ugnayan ng indibidwal sa kapaligiran kung saan siya nadedebelop
A. Behaviorist B. Cognitivist C. Innatist D. Interactionist

8. Ipinanukala ni Chomsky ang Language Acquisation Device na itinuturing na isang likha isip na
aparato na sumasagot ng mga impormasyon sa kapaligiran na nasa anyo ng wika. Para sa kanya, ano
raw ang kinakailangan upang gumana ang LAD?
A. Mga awtentikong halimbawa ng wikang sinasalita
B. Mga kinabisang pahayag na narinig sa kapaligirang kinabibilangan
C. Mga tuntunin ng wika na matatagpuan sa mga usapang naririnig sa komunidad
D. Mga artipisyal na input pangwika o language input

9. Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawanbilang isang likhang-isip o black box na


matatagpuan sa may dako ng ating utak.
A. ALM o Audio-Lingual Method C. LAD o Language Acquisition Device
B. GTM o Grammar Translation Method D. ALD o Acquisition Learning Device

10. Si Chomsky na pangunahing tagapagtaguyod ng teoryang innatism ay naniniwalang ang lahat


ng bata ay biologically programmed sa pagkatuto ng wika. Bakit ganito na lamang ang kanyang
paniniwala?
A. Pagkat kusa na nalilinang ang kaalaman sa wika katulad nang kung paano nililinang
ang iba pang tunguhing bayolohikal ng tao.
B. Sa kadahilanang ang pagkatuto ng wika ay nakasalalay sa panggagad, pagsasanay at
paghubog ng kagawian.
C. Sapagkat may espesyal na abilidad ang indibidwal na tuklasin sa kanilang sarili ang
nakapaloob na tuntunin sa isang sistema ng wika
D. Lahat ng pagpipilian

SAGOT:
1. A 6. B
2. C 7. D
3. B 8. B
4. C 9. C
5. A 10. A

FIL 101: Introduksiyon


sa Pag-aaral ng Wika
GAWAIN 4: Pagbuo

GAWAIN 4:

Panuto: Bumuo ng sariling dulog pangwika batay sa kung paano natatamo ang pagkatuto ng wika.
Gawing batayan ang mga teorya nina Chomsky, Piaget, Vygotsky at iba pa.

INTELIGENCIA

Tinitingnan ng teoryang ito ang intellectual capability ng isang indibidwal na makasabay sa paligid.
Ito ay pandagdag sa ideyang may “likas na talino” ang isang tao na matuto ng wika. Mabilis na
nadedebelop ang speech ability ng isang batang may mataas na IQ. May kaso din na ang mas
mabagal o delay na matuto ng wika ang may mataas na IQ. Ang kilalang siyentista na si Albert
Einstein dahil sa kanyang kakaibang talino ay isang late talker. Hindi siya nakapagsalita ng buong
pangungusap hanggang siya'y maging limang taon. Sa pangkalahatan, ang mga bata ay
nagsisimulang magsalita mula sa edad na anim na buwan at sinasabi ang kanilang unang mga salita
sa pagitan ng sampu at 15 na buwan (karamihan ay nagsisimulang magsalita ng halos 12 buwan).
Sinimulan nilang kunin ang pagtaas ng bilang ng mga salita at simulang pagsamahin ang mga ito sa
mga simpleng pangungusap pagkatapos ng humigit-kumulang na 18 buwan. Samakatuwid, hindi
normal ang pagkatuto sa wika ni Einstein. Nakakaapekto ang kahandaan ng kaisipan na makasunod
sa kapaligiran.

FIL 101: Introduksiyon


sa Pag-aaral ng Wika
GAWAIN 5: Repleksiyon

PANUTO: Bumuo ng repleksiyon tungkol sa inyong pag-unawa at natutunan sa modyul 3

Matapos kong mabasa at masagutan ang mga aktibiti sa Modyul na ito, napagtanto ko ang mga
aspeto o salik na nakakaapekto at tumutulong sa pagkatuto ng wika. Nagkaroon ako ng malalim na
pag-iisip sa paggawa ng sarili kong dulog pangwika. Nagbalik tanaw ako sa aking kabataan kung paano
ko nga ba natutunan ang wika. Gumawa din ako ng pagsisiyasat at paghahanap ng impormasyon sa
internet na susuporta sa ideyang aking naisip.

Ang pagkakaiba ng gamit ng descriptive at prescriptive grammar ay di ko lubusang naintindihan sa


paliwanag na nakasulat sa modyul marahil sa paggamit ng malawak at malalim na mga sa salita dito.
Nanuod ako ng mga paliwanag at leksyon sa YouTube patungkol sa topic na ito at mula sa mga ito
natutunan ko na ang pagkakaiba ng nito.

GODbless!

FIL 101: Introduksiyon


sa Pag-aaral ng Wika

You might also like