You are on page 1of 22

ARALIN 4:

ANG BATAYANG
KURIKULUM, MGA
MAKRONG KASANAYAN AT
MGA ISTRATEHIYANG
PAMPAGTUTURO
BATAYANG KURIKULUM
KURIKULUM
 Tawag sa lahat ng mga Gawain, kagamitan, paksa at
mga layuning isinasama sa pagtuturo ng mga
asignaturo sa paaralan.
 Nilalaman ng batayang kurikulum
• Pamantayan ng Programa
• Pamantayan ng bawat Yugto
• Pamantayan ng bawat Bilang
• Pamantayang pang nilalaman
4 NA MAKRONG KASANAYAN
 PAKIKINIG
Aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sesoring pandinig at pag-
iisip.
 PAGSASALITA
Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kaniyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng wikang nauunawaan ng kaniyang kausap.
 PAGBASA
Interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan sa nakatitik na
sagisag ng mga kaisipan.
 PAGSULAT
Paraan ng pagpapahayag sa kaisipan ng isang tao sa pamamagitan ng mga simbolo.
MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO
NG PAKIKINIG
SA
ELEMENTARYA AT SEKUNDARYA
Ayon kina Wolvin at Coakley (Tompkins, 1998),
tatlo ang hakbang sa proseso ng pakikinig:
1)pagtanggap
2) pagbibigay atensyon at
3) pagbibigay- kahulugan.
1. KOMPREHENSIV NA PAKIKINIG
Istratehiya Gawaing Pang-elementarya Gawaing Pansekundarya
Guguhit ang mag-aaral ng paglalarawan ng kapares Gagawa ng simbolong representasyon o larawan ng
Paglikha ng imahe pangkalahatang senaryo na ugnay sa narinig na
niya
balita o drama

Bubuo ng pangkat ang mga mag-aaral at ikakategorya ang Itatala ng bawat mag-aaral ang mga impormasyon at
Pagkakategorya mga maririnig na impormasyon ikakategorya sa grapikong
pantulong

Pagtatanong hinggil sa di-


Pagtatanong sa sarili upang i-monitor ang
Pagtatanong malinaw na impormasyon sariling pag-unawa

Pakikinig sa mensaheng naka- teyp at pag-aayos ng Pakikinig sa aktwal na demonstrasyon sa paraan ng


Pag-oorganisa
tekstong napakinggan ayon sa ibinigay na palatandaan; paggawa at pag-oorganisa ng mahahalagang kaisipan
mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunud- sunod, sanhi
at bunga at paghahambing

Pagtatala ng mahahalagang detalye sa balitang Pagtatala ng mahahalagang detalye sa aktwal


Pagkuha ng Tala
binasa ng guro o kamag-aaral na panayam

Pagbibigay-pansin Pagtatala ng biswal at berbal na hudyat mula sa Pagpapakahulugan sa itinalang biswal at berbal
tagapagsalita na hudyat mula sa tagapagsalita
2. PINATNUBAYANG PAKIKINIG PARA SA
ELEMENTARAYA AT SEKUNDARYA

 TATLONG HAKBANG
1.Bago Makinig
2.Habang Nakikinig
3.Pagkatapos Makinig
3. KRITIKAL O MAPANURING PAKIKINIG

Elementarya Sekundarya
   
 Pakikinig sa komersyal upang  Pakikinig sa mga tekstong propaganda ng

suriin ang: mga simulain upang:


 Uri ng material na ginamit  Masuri ang mga salitang may laman
 Epekto ng napakinggan (pinabuti, nakahihigit ng 100%, atbp)
 Pagkiling ng impormasyon  Makilala ang mapanlinlang na mga salita
 Layunin ng patalastas (eupemismo, iperbole at may dalawang
 Pamamayani ng opinyon kahulugan)
4. MAPAGPAHALAGNG PAKIKINIG SA PANITIKAN

Elementarya Sekundarya

 Pagsasadula  Pagsasadula
 Pagsasatao  Pagsulat ng ibang
 Pakikilahok sa katapusan/wakas ng kuwento
pagkukuwento  Pagsulat ng reaksyong papel
 Pagsulat ng buod  Sabayang bigkas
 Pagguhit  Debate
 Paglalapat ng musika at
interpretasyon sa sayaw
KASANAYANG PAGSASALITA
 Anu-ano ang layunin ng pagtuturo ng pagsasalita sa elementarya at sekundarya?
Dalawang pangunahing tungkulin ng wika: transaksyunal at interaksyunal.
1. TRANSAKSYUNAL- Nakatala sa tungkuling transaksyunal ang paghahatid ng
mensahe, pagbibigay at pagsunod sa direksyon, pagtatanong at pagbibigay impormasyon
bilang sagot sa tanong. Nasa tungkuling estetiko ang pagkukuwento at pagbigkas ng
tula. Naka pokus sa mensahe ang ang tungkulin nito. Maaaring may layon ang
nagsasalita na maghatid ng impormasyon o magbigay ng ebalwasyon.
2. INTERAKSYUNAL- Nakatala sa Tungkuling Interaksyunal ang pagtanggap at
paggawa ng tawag sa telepono, pakikipag-usap sa mga kontekstong sosyal at
pagpapahayag ng saloobin at opinion. Layunin ng na wika ang pagpapanatili ng
magandang ugnayang sosyal.
Uri ng Pagsasalita Gawain/ Pamamaraan
Pangkatang talakayan Pagbabahagi ng

Pakikipag-usap karanasan Pagtatanong


Paglilinaw Pagpapalawak ng usapan

Pagtalakay ng literatura Pagkukuwento


Estetikong pakikipag-usap Pagpili ng Iskrip

Pagbibigay ng presentasyon Paglalahad ng

Akademik na Talakayan rebyu Pagsali sa debate Pagsasagawa ng


panayam

Pagsasadula

Mga Gawaing Dramatik Pagsali sa papet na palabas Pagsulat ng


iskrip
Pagbuo ng kuwento
Mga hakbang o pamamaraan na makalilinang ng
kakayahan ng mga mag-aaral na magsalita.
 Pagsasalaysay
 Readers Theater 
 Mga Istratehiya sa Pagtatanong
 KWL na Tsart 
 Talakayan
 Web ng Talakayan
 Iba Pang Gawaing Maisasagawa
-Interbyu 
-Debate
-Pag-uulat
-Pagsasadula
KASANAYANG
PAGBASA
Ang Pagtuturo ng Pagbasa
 Sa iba’t ibang antas ng pag-aaral, ang pananagumpay ng mag-aaral ay
nakasalalay sa kanyang masteri ng mga kasanayan sa pagbasa.
Ang mga layunin sa pagtuturo ng Pagbasa sa Elementarya at Sekundarya?
 Sa elementarya inaasahang magsisimula ng mekanikal na pagkilala ng mga
salita ang mga mag-aaral tungo sa maunawaang pagbasa ng mga lipon ng
salita, pagpapakahulugan ng papahirap na talasalitaan, pagkilala ng iba’t
ibang uri ng ugnayan, matalinghagang pananalita, mga kasanayang
pampag-aaral at paggamit ng mga sanggunian.
 Sa antas sekundarya naman inaasahang malilinang ang pagsusuring
pangnilalamang nagbibigay-tuon sa pangunahing kaisipan, opinyon, atbp.
Lilinangin din ang pagsusuri sa mga katangian ng teksto tulad ng tono,
layon, paraan ng pagkasulat, pananaw at relasyon ng sumulat sa
mambabasa. Gagamit ng iba’t ibang uri ng teksto, akademik man o
pampanitikan, sa paglinang ng mga aralin.
Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa

 Yugto ng Pagbasa
1. Paghahanda-Pagpili ng teksto, pag-uugnay sa karanasan, paghahawan ng
mga balakid, pagbibigay ng layon sa pagbasa
2. Pagbasa-Pagbasang Pabigkas, pinatnubayang pagbasa at pag-iisip at
malayang pagbasa
3. Pagtugon-Pagsulat sa mga log at pagtatalakayan
4. Pagpapalawak-Muling pagbasa upang gumawa ng pag-uugnay, palalimin
ang interpretasyon at suriin ang kahusayan ng awtor
5. Ekstensyon-Pagbubuo ng mga proyektong tulad ng drama, pagguhit,
paglikha ng awit, atbp., bilang pagpapalalim ng interpretasyon
Panimulang Pagbasa
 Dalawa ang larangan ng pagkilala ng salita na kung tawagin ay
kasanayan sa pag-decode (Morrow, 1993). Ang isa ay pagkilala ng
mga titik na kaugnay ng tunog (phonics/phonemic awareness) at ang
isa ay istruktural na analisis. Sa istruktural na analisis ay kinikilala
ang anyo at pagkakabuo ng titik na simbolo ng tunog. Sa kamalayang
ponemika ay iniuugnay ang titik sa mahalagang tunog. Ang mga
hakbang sa pagtuturo nito ay:
 Panimula-Pagpapaliwanag ng pag-aaralan
 Pagtuturo-Pagkilala ng tunog at pag-uugnay ng tunog sa simbolo
 Pinatnubayang pagsasanay-Pagkilala ng nakalimbag na tunog sa mga salita
 Paglalagom, Paglalahat sa natutunan at paano magagamit.
Mga Istratehiya sa Paglinang ng Komprehensyon

1. Pag-iisip na Pabigkas o Think-Aloud (Pang-elementarya)


2. Pagsusuri ng Kayarian ng Kuwento o Story Grammar
3. KWL (Known, Want to Know, Learned) o ANNA (Alam na, Nais
Malaman, Nabatid)
4. Ugnayang Tanong-Sagot
5. Pinatnubayang Pagbabasa-Pag-iisip (Directed Reading-Thinking
Activity)
6. Pinatnubayang Pagbasa o Directed Reading Activity (DRA)
7. Group Mapping Activity
Mga Pagdulog sa Pagtuturo ng Panitikan (Pansekundarya)
 Pagdulog Historikal
 Pagdulog Sosyolohikal
 Pagdulog Moralistik
 Pagdulog Istaylistiko
 Pagdulog Peminismo
 Klasisismo
 Romantisismo
 Moral-Filosopikal
 Formalistik
 Sikolohikal
 Historikal-Biografikal
Ang Pagtuturo sa
Kasanayang Pagsulat
Ang mga kasanayan sa pagsulat na lilinangin sa Elementarya at Sekundarya

 ELEMENTARYA -panimulang kasanayan sa pagsulat ng mga titik,


- pagsulat nang kabit-kabit
- wastong bantas
- paggawa ng mga patalastas, anunsyo, poster, liham at babala,
- pagsulat ng maikling komposisyon
-paglikha ng mga sulating pampahayagan at pagbuo ng iskrip, paglalarawan, talumpati at
editoryal.
 SEKUNDARYA - malilinang ang kakayahan ng mag-aaral na gumamit ng mga
pamamaraang panretorika sa malikhaing pagsulat ng paglalahad
- pagpapaliwanag, pagsasalaysay at panghihikayat
- Inaasahan ding magagamit nila ang mga batayang kaalamang teknikal sa
pagsulat ng mga liham pangangalakal, reaksyong papel, bibliyograpi, rebyu at mga
talang pampananaliksik.
Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Pagsulat

 Panimulang Pagsulat
 Kontroladong Komposisyon
 Pinatnubayang Pagsulat
Balangkas ng Pinatnubayang
Komposisyon
I. Panimula
II.Paglalarawan
III.Pangwakas
Pagtuturo ng Proseso ng Pagsulat o Process Writing
Naririto ang mga hakbang sa pagtuturo ng proseso ng pagsulat (Lalunio, 1999).
 Panimula–talakayin ang layunin sa pagsulat, uri ng komposisyon o sulatin at ang
target na mambabasa ng susulatin.
 Pagsulat ng Burador–higit na binibigyan ng pansin ang nilalaman kaysa mga
sangkap sa pagsulat.
 Rebisyon–muling ipinababasa ang sinulat sa mag-aaral, kamag-aaral o mga
kagrupo upang gawan ng kaukulang rebisyon.
 Pag-edit–ginagawan ng kaukulang pagwawasto sa mga sangkap ng pagsulat ng
komposisyon.
 Paglalathala–ibinabahagi ng sumulat sa iba ang kanyang isinulat sa pamamagitan
ng pagpapaskil sa paskilan, pagsasama sa album, pagbasa ng komposisyon sa
klase o paglalathala sa pahayagang pampaaralan.

You might also like