You are on page 1of 12

Ang Filipino Sa Kurikulum ng

Edukasyong Sekundarya
RENE BENDAL·THURSDAY, MAY 17, 2018·READING TIME: 12 MINUTES

Kabilang sa mga layuning panglahat na Filipino sa SEDP ang mga sumusunod: -Linangin
ang kasanayan at kaalaman sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan
- Linangin ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri, at pagbibigay-
halaga sa mga paksa
- Linangin ang kaalaman sa kasanayan at pagpapahalaga sa Panitikang Filipino
-Linangin ang kakayahan at kasanayan sa pagkilala at paglikha ng iba't ibang uri ng
panitikan
- Paunlarin ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsasaling wika at sa pag-aaral at
pananaliksik

Ang sistema ng edukasyon sa ating bansa ay nakabatay sa tatlong batayan o saligan:


batayang pilosopikal, batayang sosyolohikal, at batayang sikolohikal.

Ang layunin sa pagtuturo ay nahahati sa tatlong domeyn:


1. Pangkabatiran - ito ang pinaka-karaniwang layunin dahil marahil sa pagtuturo ay
karaniwang nakatuon sa paglipat ng kabatiran o kasanayan. Ito ay nahahati sa dalawa:
a. Pagkalap ng kabatiran - ukol sa pagkatuto ng batayang kabatiran.
b. Paggamit sa kabatiran o impormasyon - ukol sa manipulasyon at proseso ng paggamit
ng kabatiran. Ito ay may anim na antas: kaalaman, pag-unawa, aplikasyon, pagsusuri,
paglilinaw, at ebalwasyon.
2. Pandamdamin - ang mga layunin sa domeyn na ito ay nahihinggil sa mga saloobin,
emosyon, kawilihan, at pagpapahalaga. Ito ay may limang kategorya: pagtanggap,
pagtugon, pagpapahalaga, pag-organisa, at karakterisasyon.
3. Saykomotor - ito ay nahihinggil sa mga kasanayang manipulatibo. Sa ilalim ng
domeyn na ito, nilalayon ng guro ang paglinang sa kakayahang pisikal.
Ang mabuting pamaraan:
Ito ay may mga sumusunod na katangian
- Payak at madaling isagawa.
- Nagsasangkot ng lahat ng mga nagsasangkot ng mga mag-aaral sa mahahalagang
gawain
- Nagbibigay ng mabuting bunga kaya at kahihinatnan
- Naghuhubog sa mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag-aaral
- Nakatutulong sa paglinang ng maraming kakayahan ng mag-aaral
- Humahamon sa kakayahan ng mag-aral
- Nakatuon sa mga sa mga mag-aaral at hindi sa guro
- Umaalinsunod sa mga simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo sikolohiyang
edukasyonal

Pinagsanib na paraan sa pagtuturo ng wika at panitikan


Narito ang mga hakbang sa pamaraang ito:

1.Panimula
a. Pagganyak - paggising sa kawilihan ng mga mag-aaral
b. Paghahawan ng balakid at pag-aaral ng mahihirap na salita
c. Pag-uusap sa buhay ng may akda

2. Pagtalakay sa maikling katha

3. Pagbasa

4. Pagsasanib ng aralin sa balarila

Paraang patuklas (discovery approach) - ang pamaraang ito ay nagbibigay ng pagkataon


sa mga mag-aaral na siyang makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain, at
paglalahat. Ang guro ay gumaganap ng tungkulin bilang tagasubaybay na namamatnubay
sa mga gawain sa loob ng silid-aralan.

Process approach - ito ay ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura sa agham. Ito'y isang
pagdulog na ang binibigyang diin ay hindi ang pagkakamit ng mag-aaral ng maraming
kabatirang ipasasaulo sa kanya kundi manapa'y ang pag-aangkin na mag-aaral ng mga
batayang kasanayan intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto. Ito ay may mga
batayang kasanayan intelektwal: pagmamasid, pag-uuri (pagsama-sama ng mga
magkakatulad na katangian), paggamit ng pamilang, pagsukat, relasyong ispasyo
(panahon), komunikasyon, panghuhula (pagkilala sa inaasahang bunga), at pagbubuo ng
haka (paggawa ng pansamantalang palagay)

Pagdulog konseptwal - ito ay iniuugnay sa pagtuturo ng aralin/agham panlipunan. Ito ay


nakatutulong sa pagbuo at pagkatuto kung paano matuto. Ang diin ng pag-aaral ay hindi
sa pagkalap ng katakut-takot na kaalaman na kailangan ipasaulo sa mag-aaral

Pamamaraang microwave sa pagtuturo ng wika - ito ay ang pagpapaunawang pasalita


tulad ng paraang padula-dulaan. Gumagamit ito ng mga siklo o cycles. Ito ay may tatlong
dimensyon sa panimulang batayan sa pagpapaliwanag ng pormal nito:
a. Pagsasaugaling pangkaalaman - bahaging pagsasanay sa wastong bigkas ng tanong at
sagot na kasama ng balangkas pangkayarian
b. Kalinawan - nauukol sa wastong pagpapakahulugan ng mag-aaral sa hulwaran
c. Pananagutan - sumasaklaw sa kakayahan ng mag-aaral na magamit ang natutuhang
hulwaran sa iba't ibang sitwasyon.

Lubusang pagkatuto (mastery learning) - isang estratehiya na nagdudulot sa mga mag-


aaral ng matagumpay at lubos na pagkabatid sa mga araling inilahad sa isang maayos at
lohikal na pagkakabuo ng nilalayong matulungan ang mga mag-aaral sa ikapagtatamo
niya mula sa 70 hanggang 90% ng pananagumpay. Ang pamaraang ito ay nakatuon sa
magiging bunga ng pagkatuto.
IS-OSA ( In-School Off School approach) - ito ay isang katugunan sa sama-samang
suliranin ng edukasyon na kung paano mapataas ang pamantayan ng pagtuturo sa
elementarya, paano mapababa ang halaga ng edukasyon at kung paano ang halaga ng
edukasyon at kung paano malulunasan ang kakulangan ng guro at silid-aralan.

Pagdulog sa pagtuturo ng wika:


a. Pagdulog gramatikal - binibigyang pansin ang kayarian ng wika at mga hulwarang
gramatikal
b. Pagdulog sitwasyonal - isasaalang-alang kung anong kayariang pangwika at aspektong
gramatikal ang angkop gamitin sa isang partikular na sitwasyon.
c. Pagdulog nosyunal - ito ay batay sa simulaing paglinang ng kakayahan ng mag-aaral sa
pagpapahayag ng kanyang nais na ipahatid na mensahe o ideya at kaisipan na kaugnay ng
gamit ng wika. Ang limang lawak ng gamit ng wika ay personal, interpersonal, direktibo,
reperensyal, at imahinatibo.
d. Pagdulog komunikatibo- batay sa paniniwalang kakayahang komunikatibo ay hindi
lamang ang kaalaman sa wika kundi ang kakayahan sa paggamit ng wika, ang
makapagpapahayag ng kaisipan sa pananalitang wasto sa aspektong pambalarila

Pagdulog sa pagtuturo ng panitikan:


a. Pagdulog pormalistiko - pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aaralan ay
ang mga elementong bumubuo sa katha
b. Pagdulog moralistiko - pinag-aaralan ang panitikan at may pagtatangkang gamitin ito
bilang ng pagbabago ng tao at ng lipunan
c. Pagdulog sosyolohikal - mainam gamitin sa pag-aaral pagsusuri ng panitikan o akdang
pumakasa sa mga karanasan ng tao nasa iba't ibang kalagayang panlipunan, pampulitika,
pangkultura, at pangkabuhayan
d. Pagdulog sikolohikal - angkop na gamitin sa pag-aaral at pagsusuri ng mga akdang
may kaligirang sikolohikal. Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa
mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagdakila, gayundin ang mga negatibong
damdamin.
Pamamaraang pabuod - Angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin
o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization. Sinasabing ito'y nagsisimula sa
nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Ito'y tinatawag ding "egrule" (example-rule) na
pamaraan. Ito ay may limang hakbang: paghahanda - inihahanda ng guro ang kaisipan ng
mag-aaral para sa aralinng tatalakayin; paglalahad - inilalahad ang aralin; paghahambing
at paghalaw; paglalahat - pagbubuo ng tuntunin; at paggamit - pagsubok

Pamamaraang pasaklaw (deductive method) - kabaliktaran ito ng pamaraang pabuod.


Ito'y nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa.
Sinasabi na ito'y nagsisimula sa hindi nalalaman patungo sa nalalaman. Ito'y tinatawag
ding "ruleg" (rule-example) na pamaraan. Ito ay may limang hakbang: panimula -
pagbabalik-aral; pagbibigay ng tuntunin o katuturan - pagbibigay o pagpapabasa ng
tuntunin; pagpapaliwanag ng tuntunin; pagbibigay ng halimbawa; at pagsubok

Pamaraang pabalak (project method) - angkop itong gamitin sa pagtuturo ng anumang


asignatura na may layuning magsagawa ng proyekto. Nalilinang nito ang kakayahan sa
mabuting pakikipagtulungan sa mga kapangkat at kakayahan sa pagtanggap ng puna.
May apat na hakbang ito: paglalayon - pag-usapan ang nilalayong gawain; pagbabalak -
pagbubuo ng balak; pagsasagawa - sisimulan na ang katuparan; at pagpapasiya -
nagbibigay-halaga sa natapos na proyekto

Araling pagpapahalaga - ito ay pamaraang ginagamit sa layuning mapahalagahan ng mga


mag-aaral ang ganda ng isang tula, kuwento, o anumang akdang pampanitikan. Ito ay
may mga sumusunod na hakbang:
a. paghahanda - pagganyak; unang basa; pagtalakay pangkaisipan - pag-uusapan ang
nilalaman ng akda;
b. pagtalakay pangkagandahan - pag-uusapan ang kagandahan ng akda;
c. ikalawang pagbasa - pagbibigkas muli ng akda;
d. ikatlong pagbasa;
e. paglalapat ng himig - (para sa tula), at
f. pagsasaulo ng tula

Pagtuturo ng pagbasa - nilalayon ng guro ang pagkakaunawa ng mag-aaral sa kwento,


ang pagpapahalaga nila sa kwento at ang kanyang sariling palagay. Ito'y may sumusunod
na hakbang:
a. paghahanda - pagganyak, paghawan ng sagabal, pagbasa ng mga tanong na sasagutin,
b. pag-alaala sa pamantayan sa pagbasa nang matahimik;
c. pagbasa ng tahimik;
d. pagsagot sa tanong, pagganyak at iba pang mga tanong;
e. Ginanyak na pagbasang malakas

Ang pagsusulit - ito ay may ibat-ibang uri:


1. Diagnostic test - naglalayong tuklasin ang kahusayan o kahinaan ng mga mag-aaral sa
partikular na aralin o asignaturang kinukuha
2. Aptitude test - naglalayong tiyakin ang kahandaan ng mga mag-aaral sa kukuning
kurso
3. Discrete point - isa lamang kasanayan ang sinusukat ng bawat item
4. Achievement test -layuning sukatin ang kaalamang natamo sa isang aralin, asignatura o
kurso
5. Proficiency test - naglalayong malaman ang kakayahan sa isang partikular na larangan
.
6. Criterion referenced test - pagsusulit na may itinakdang pamantayang maabot ang
mag-aaral upang masabing naipasa nya ang pagsusulit
7. Norm-referenced test- inihahambing ang bawat mag-aaral sa kapwa mag-aaral
8. Cloze test - sumusukat ng pangkalahatang kasanayan, gayun din sa kaalamang
linggwistika at kaalaman sa kaugnayan sa salitang kinaltas sa talata sa buong teksto.

1. Ito ay tulang may sukat at tugma at ang layunin nito'y para awitin
2. Ito'y isang tulang may 14 na taludtod
3. Ito'y isang tulang nagpapahayag ng panimdim at pagkalumbay dahil sa isang
minamahal na namatay
4. Ito ay isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay
5. Ito'y isang tulang nauukol sa kabayanihan
6. Ito'y isang tulang pasalaysay na may payak na kayarian na naglalahad ng isang
pangyayari
7. Ito ay isang tula na nagbibigay papuri sa Diyos o Birheng Maria
8. Ito'y isang tula na binubuo ng12 na pantig
9. Ito ay isang tula na binubuo ng 8 na pantig
10. Ito isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
11. Ito'y isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda upang mangaral at
akayin ng mga kabataan sa mabuting asal
12. Ito'y isang anyong tuluyan na gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng
kalutasan sa isang suliranin
13. Ito'y sa awit sa paggaod
14. Ito'y awit sa pamamangka
15. Ito'y awit sa panliligaw
16. Ito'y awit sa pagpapakasal
17. Ito'y awit sa pagpapatulog ng bata
18. Ito'y awit sa pakikidigma
19. Ito'y awit sa pananagumpay
20. Ito'y awit sa pag ibig
21. Ito'y awit sa pagpapatigil sa pag-iyak ng bata
22. Ito'y awit sa naulila
23. Ito'y awit sa mananahi
24. Ito'y awit sa mga kaibigan at mga kamag-anak
25. Ito'y awit kapag may namatay
26. Ito'y awit na mga santo
27. Ito'y mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata
28. Ito'y maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang araw-araw na buhay na
may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan
29. Ito'y isang uri ng panitikan ang layunin ay itanghal sa entablado
30. Ito'y isang dulang may malungkot na pangyayari
31. Ito'y isang dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan
32. Ito'y isang dulang nagtatapos sa kamatayan ng pangunahing tauhan
33. Ito'y isang dulang may malungkot na pangyayari
34. Sa kwentong, ito ang binibigyang-diin ay ang kapaligiran at ang uri ng pamumuhay at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook
35. Sa kwentong ito ay binibigyan diin ang mga mahalagang kasindak-sindak at mga
pambihirang pangyayari na nakapagpapabago sa mga tauhan
36. Ito ay isang dula na ang layunin ay magpatawa ngunit may pangyayari ay karaniwan
lamang
37. Ito ay isang uri ng tuluyan na ang mga pangyayari ay likhang isip lamang at hindi
totoo sa tunay na buhay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
38. Ito'y isang kwento ng mga hayop
39. Ito'y isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari
40. Ito'y isang tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao
41. Ito'y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan,
sakuna at ibang mga pangyayaring may kaugnayan sa bansa
42. Ito'y isang akdang pampanitikan na ang layunin ay para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig
43. Ito'y isang akdang may may aral at talinghaga na hango sa bibliya
44. Ito'y isang uri ng dula na ginagampanan ng mga ginupit-gupit na mga papel
45. Ito'y isang pagtatalong patula ng mga Maranao
46. Ito'y isang awit ng pag-ibig ng mga Ilokano
47. Ito'y ang pagdalaw ng mga magulang ng binata sa bahay ng mapapangasawa ng
dalaga
48. Ito ay isang tulang panambitan ng mga Ilokano sa piling ng bangkay ng anak, asawa,
magulang
49. Ito ay isang tradisyon ng mga taga-Gitnang Luzon, isinasagawa ito pagkaraan ng
pagtatanim ng palay at mga magsasaka ay gumagawa ng dumara at tumana
50. Ito ay isang tradisyonal na kultura ng mga Tausug, ito'y isang ritwal na nag-aanyaya
sa mga manunuod na umaawit habang ang magsing-irog ay sumasayaw
51. Ito'y isang dulang makarelihiyon na kinatatampukan ng mga Kristiyano at Muslim
52. Ito ay isang pagsasadula ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo
53. Ito ay ginaganap tuwing Pasko Ng Pagkabuhay
54. Ito'y tinatawag na walang labis walang kulang na panggagaya kay Hesus
55. Ito'y isang dulang itinatanghal ng mga manggagawang Tsino sa Pilipinas ang mga
tauhan nito'y may mga pigurang kahawig ng mga manyika
56. Ito'y ginagawa tuwing Mahal na Araw sa Mindoro
57. Ito'y isang dula isinasagawa tuwing bisperas ng pasko
58. Ito ay isang dula tungkol sa paghahanap ng isang krus ni Jesus
59. Ito'y isang musikal-drama o melodrama na may tatlong tagpo
60. Ito'y isang paligsahan ng sagutang tungkol sa isyu o paksa sa paraang patula
61. Ito'y ginagawa sa paraang patula bilang parangal sa napiling reyna o prinsesa ng
kapistahan
62. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at nagpapahayag ng katotohanan at
nagpapakilala ng gawin ugali ng isang tao
63. Ito'y isang awit sa paghaharana ng mga bisaya
64. Ito ay isang awit sa mga taong hindi inaanyayahan sa kainan
65. Ito ay isang awit ng mga bata kung nagtutuksuhan
66. Ito'y isang awit sa araw ng mga patay
67. Ito'y isang awit laban sa mga babae masasagwa
68. Ito'y isang awit ng mga binata sa dalagang pinipintuho
Alamat, Awit, Balagtasan, Balita, Balitaw, Ballad, Bayok/Embayoka, Bugtong, Collado,
Dalit, Daling-daling, Dallot, Diona, Dula, Dung-aw, Duplo, Elihiya, Holohoo, Hugas-
kalawang, Kantahin, Karagatan, Karilyo, Kasayatan, Komedya, Kumintang, Kundiman,
Kwento ng katutubong kulay, Kwento ng madulang pangyayari, Maikling kwento,
Melodrama, Talumpati, Moriones, Moro-moro, Oda, Umbay, Sambitan, Panunuluyan,
Pabula, Palaisipan, Pamamanhikan, Pananapatan, Pangaluluwa, Panunukso, Panunuligsa,
Papuri/Putong, Parabula, Parsa, Penitensiya, Puteje, Salawikain, Salubong, Sanaysay,
Sarswela, Sawikain, Salubong, Sinakulo, Soliranin, Soneto, Tagulaylay, Talambuhay,
Talindaw, Tibag, Trahedya, Umbay, Umiguing, Epiko, Nobela, Sambotani, Oyayi

Huseng sisiw
Laong Laan at Dimasalang
Plaridel, Dolores manapat, Pupdoh, Piping dilat
Tikbalang, Kalipulako, Naning
Ama ng demokrasyang Pilipino
Utak ng himagsikan
Utak ng katipunan
Crisalidas - kalipunan ng mga tulang kanyang binuo
Batikuling
Lola Basyang
Ama ng pambansang wika
Makata ng manggagawa
Ama ng panitikang Ilokano
Prinsipe ng bukanegan
Ama ng klasikong tuluyang Tagalog
Sya unang manunulat na Pilipino nakalaya sa sensura ng panitikan
Ama ng pahayagan
Editor ng College Folio - unang pahayagang lumabas sa pamantasan ng Pilipinas
Editor ng Manila tribune
Ang kauna-unahang nakilalang mandudulang Pilipino
Ang karanasan niya sa pagkasundalo ang ginamit niyang mga paksa sa mga akdang
himagsikan kagaya ng Sapote at ang Unang Sigaw
Ka Moheng
Kintin kulirat
Kinilalang pinakamabuting makata sa liriko
Obra-maestra ang lumang simbahan
Ama ng panitikang Pampango
Ama ng panitikang Bisaya
Unang nanalo sa palanca award "Ang Kwento ni Mabuti
Apo ng mga manunulat na Tagalog: Banaag at Sikat
Reyna ng sarswelang Pilipino

Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Pedro Bucaneg, Florentino Collantes,
Eriberto Gumban, Jose Corazon De Jesus, Apolinario Mabini, Maximo Kalaw, Juan
Crisostomo Soto, Hermogenes Ilagan, Valeriano H. Palma, Peon Pichay, Genoveva
Edroza, Pascual Poblete, Jose Maria Panganiban, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,
Amado Hernandez, Severino Reyes, Fernando Maria Guerrero, Fernando Maramag,
Julian Cruz Balmaceda, Modesto De Castro, Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan, Jesus
Balmori, Atang dela Rama

Epiko ng mga sumusunod na tribo ng Pilipinas:


Muslim -bantugan
Maguindanao -Indarapatra at Sulayman
Malay -Bisidari
Sulu - Parang Sabir
Samar Leyte - Haraya at Lagda
Negros - Hari sa Bukid
Palawan - Dagoy at Subsod, Kudaman
Tagalog- Kumintang
Bagobo - Tatuang
Ilokano - Biag ni Lam-ang
Ifugao - Hudhud at Alim
Bicol - Ibalon at Aslon, Hadion
Panay - Hinilawod
Bisaya - Maragtas
Iloilo - Labaw Dunggon
Kuyonin -Ronsay
Manobo - Ulangiyen at Seleh
Ibaloy - Kabunian at Bendian

You might also like