You are on page 1of 5

KABANATA II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa bahaging ito ng pananaliksik ay tutukuyin ng mga mananaliksik ang may mga

kaugnay na literatura at pag-aaral sa kasalukuyang pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Ang pagsulat ay isa sa mga bagay na mahalagang malaman at taglayin ng isang

tao, totoong napakahirap nitong matutunan, subalit maraming paraan upang makamit

ang kahusayan sa pagbuo nito. Kinakailangan dito ng mataas at wastong pag-iisip

upang sa gayon ay maipahayag ng maayos ang totoong layunin at nilalaman nito sa

mga mambabasa. Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay may prosesong dapat

sundin, dahil ito ay dapat na may maayos na pagkakasunod-sunod na hindi mababago

sapagkat isa sa mga pangunahing katangian nito angpagiging obhetibo. Upang

mapalawig at mapagtibay pa ang kasalukuyang pag-aaral ay ilalahad ng mga

mananaliksik ang mga may kaugnayang literatura sa kasalukuyang pag-aaral.

Sinabi ni Villafuerte, et.al. (2005), ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip,

nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao.

Mahalagang malaman muna sa simula palang ng pananaliksik ang Kahulugan ng

Pagsulat, na ito ay mabisang paraan upang maipahayag at maibahagi ang mga ideyang

iniisip, mga nararamdaaman, nilalayon o plano para sa hinaharap at mga pangarap na

susubukang makamtan ng isang tao. Ang kaisipang ito ay may malaking gampanin

upang maayos na maisagawa at maipagpatuloy ang pag-aaral na ito.

Ayon naman kay Maderazo (2017), mahalagang malaman ang kalikasan, layunin

at paraan ng pagsulat ng akademikong sulatin dahil ito ay ikinukunsidera bilang


mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Ang kalikasan ay tumutulong upang

madaling maunawaan ng mga mambabasa ang mga impormasyong nakasaad sa

partikular na sulatin.

May kaugnayan ang literaturang ito sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat

nabanggit sa pahayag na ito na ang akademikong sulatin ay ikinukunsidera bilang

mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Nangangahulugan lamang na isa ito sa mga

hakbang na kailangan pagdaanan ng mga mag aaral upang malinang ang kanilang

kakakyahan sa pagsulat.

Ayon kay Emery, et.at., (2014), ang pagsulat ay isang epektibong larangan ng

karunungan ng isang tao gamit ang mga isinatitik na salita. Ito ay isang kasanayang

nahuhubog sa kadalubhasaanng manunulat ng pagtatangkang ilahad ang kanyang

kaisipan, paniniwala at layunin ng iba’t ibang ayos ng mga pangungusap sa bawat

talata tungo sa pagbuo ng mga sulatin.

Ang literaturang ito ay may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral

sapagkat nagpapatunay ito na ang paghubog ng kakayahan sa pagsulat ng mga sulatin

ay nagsisimula sa pag papaunlad ng karunungang dapat taglayin ng mga mag aaral.Sa

madaling salita,ang pagsulat ay may mahalagang gampanin sa paghubog ng

karunungan at kakayahan na nagiging kasangkapan sa pagbuo ng ano mang uri ng

sulatin.

Sinabi naman ni Badayos (2014), na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay

isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa

unang wika o pangalawang wika man. Ito ay mangyayari sa kabila ng maraming

taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. Sa pagkakataong ito, maaari

nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo.


Subalit mayroon tayong magagawa na pag-aaralan nang wasto at epektibo na

pagsulat.

Ang pag-aaral na ito ay may mahalagang gampanin sa kasalukuyang pananaliksik

sapagkat sinasabi dito na ang pagsulat ay mahirap matutunan at kailangan ng

matinding konsentrsyon para ganap na matutunan.sinasabi rin dito na ang pagsulat ay

isang pagsusulat na kailangang pagtagumpayan ng sa gayon ay mapaunlad ang ng

isang indibidwal ang knyang kakayahan o karunungan na magagamit upang maging

sanay pa sa pagsulat ng ano mang sulatin.Kaagapay ang unang wika o pangalawang

wika na kinagisnan. Nangangahulugan na ang pagsulat ay isa sa mga hakbang na

nagiging daan sa pag-unlad ng kakayahan ng bawat indibidwal.

Kaugnay na Pag-aaral

Sa bahaging ito ng pananaliksik ay ilalahad ng mga mananaliksik ang mga may

kaugnayang pag-aaral sa kasalukyang pananaliksik.

Ayon sa pag-aaral ni Cato (2014), ang gabay sa pagtatamo ng mataas na antas sa

akademikong pagsulat ay nakasalig sa limang elemento/salik na kailangan upang

matamo ang kahusayan sa kakayahan sa akademikong pagsulat.

Ang pag-aaral na ito ay may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik

sapagkat tumutukoy ito sa kung paano matatamo ang mataas na antas sa pagsulat ng

mga akademikong sulatin. Katulad ng kasalukuyang pag-aaral na pumapaksa sa

pagtukoy sa antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga akademikong

sulatin batay sa nilalaman at layunin nito, napakahalagang alamin at taglayin ng isang

tao ang elemento ng isang bagay na dapat gawin, sapagkat ito ang bubuo o

kukumpleto sa isang gawain. Ang pagsasagawa ng isang gawain o pagsulat ay

masasabi lamang na epektibo, kung ito ay may magandang layunin o nilalaman para
sa mga mambabasa.

Ayon naman sa pag-aaral ni Manalo (2014), ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pagbuo ng isang papel pananaliksik ay nakasalalay sa kanilang mga guro, gayundin sa

mga mag-aaral. Mahalagang malaman ng bawat isa lalo na ng mga tagapagturo, ang

mga mabisa at angkop na paraan ng pagtuturo. Ang kakaiba’t kawili-wiling paraan ay

nakapagbubukas ng pagkakataon sa mga mag-aaral na matuto. Kaugnay nito,

tinuturuan at natututo ang mga mag-aaral ng kasanayang kinakailangan, hindi lamang

sa pagbuo ng isang papel pananaliksik pati narin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang pananaliksik na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat

inilahad dito ang mga bagay kung saan nakasalalay ang pagkatuto ng mga mag-aaral

upang maging handa sa pagbuo ng akademikong sulatin. Naglalaman din ito ng mga

paraan para sa mabisa at angkop na paraan sa pagtuturo. Ang mga ideyang ito ay

makatutulong sa mga mananaliksik upang ipagpatuloy ng maayos ang pag-aaral. Ito

din ay patungkol sa pagbuo ng papel pananaliksik na isang uri ng akademikong

sulatin.
LEADERS:

Jeric N. Layson

Micah P. Gapos

Angelo M. Cabral

MEMBERS:

Ronalyn L. Sosa- 22

Nichole E. Magboo- 23

Jazzille E. Estocado- 23

Agie F. De Leon- 20

Gino M. Padios- 20

You might also like