You are on page 1of 38

Diocese of San Jose de Nueva Ecija

Apo Jose Catholic Educational System Foundation

Holy Family Academy of Quezon, N.E, Inc


Tomas Joson Ave. Brgy II, Quezon, Nueva Ecija

MGA SALIK SA PAGKAWALA NG PORMAL NA PARAAN NG

PAKIKIPAGTALASTASAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA PILING GURO AT

MAG-AARAL NG HOLY FAMILY ACADEMY OF QUEZON, NUEVA ECIJA INC.

TAONG 2016-2017

_______________________________

Isang Pananaliksik na Iniharap kay Bb. Maria Camille L.

Villanueva sa Asignaturang Filipino 11

(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik)

________________________________

Nina

Victor Dave M. Joson Iv

Jeffrey Calaranan

Mike Jude Serrano

Marso 2017
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa

pagkumpleto ng mga kailngan para sa asignaturang Filipino

(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik), ang proyektong ito ay pinamagatang MGA SALIK

SA PAGKAWALA NG PORMAL NA PARAAN NG PAKIKIPAGTALASTASAN NG

WIKANG FILIPINO SA MGA PILING GURO AT MAG-AARAL NG HOLY

FAMILY ACADEMY OF QUEZON, NUEVA ECIJA INC. TAONG 2016-2017

ay inihanda nina Victor Dave Joson Iv, Jeffrey Calaranan, at

Mike Jude Serrano.

___________________ __________________

Bb. Maria Camille L. Villanueva G. Leonard C. Corilla

Guro Guro

_______________________

Bb. Jennefer Herrero

Guro

___________

Tinanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa

pagkumpleto ng mga kailngan para sa asignaturang Filipino 11

(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik)
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng paksang “MGA SALIK SA PAGKAWALA

NG PORMAL NA PARAAN NG PAKIKIPAGTALASTASAN NG WIKANG FILIPINO SA

MGA PILING GURO AT MAG-AARAL NG HOLY FAMILY ACADEMY OF QUEZON,

NUEVA ECIJA INC. TAONG 2016-2017” ay taos pusong ipininaabot

ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong,

nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng

pamanahong papel na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga

sumusunod:

 Sa aming mga Magulang, na binigay ang buong tulong at

suporta upang maging matagumpay an gaming pag-aaral at

pananaliksik

 Kay Binibing Maria Camille L. Villanueva, ang aming

matyagang guro na sumusuporta at nagtitiyagang magturo

sa amin upang lubusang namin maintindihan ang aming

asignatura.

 Sa aming mga respondentes na nagbigay ng kanilang

maayos at makabuluhang na mga kasagutan at ideya para

sa aming pananaliksik.

 Sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya

at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik.


 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa

aming mga dalangin, sa mga pagpapala at sa pagbibigay

sa amin ng kalakasan.

i
PAGHAHANDOG

Lubos ang pagpapasalamat ng aming grupo sa mga

sumuporta at naging bahagi ng pananaliksik na ito. Kaya ito

ay aming inihahandog sa mga taong naging aming inspirasyon

sa paggawa nito.

Sa aming mga magulang

Guro

Mga kaibigan

Mga kamag-aaral

Kaeskwela

sa mga susunod na gagamit ng proyektong ito

at higit sa lahat sa

Poong Maykapal.

ii
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat . . . . . . . . . . i

Paghahandog . . . . . . . . . . ii

Kabanata 1

Panimula . . . . . . . . . . . 1

Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . 2

Kahalagahan ng Pananaliksik . . . . . . 3

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . . 3

Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino . . . . 4

Kabanata 2

Lokal na Literatura . . . . . . . . 5

Dayuhang Literatura . . . . . . . . 6

Kabanata 3

Disenyo ng Pananaliksik

Paraan ng Pananaliksik . . . . . . . . 8

Mga Pokus ng Pag-aaral . . . . . . . 8

Mga Instrumentong Pananaliksik . . . . . . .9

Tritment ng mga Datos . . . . . . . . . 9

Kabanata 4

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos . . 11


Kabanata 5

Lagom . . . . . . . . . . 13

Konklusyon . . . . . . . . . . 14

Rekomendasyon . . . . . . . . . . 14

Larawan ng Grupo . . . . . . . . . 15

Kurikulum Bitey . . . . . . . . 16
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ay ang

wika. Ito ang instrumentong magbubuklod sa iisang lahing may

matibay na panangga gamit ang sariling wika. Ito rin ang

magagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan at ito rin ang

daan upang tayo ay magkaintindihan at magkaunawaan. Ang wika

ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo sa pagkakaisa

ng mga mamamayan. Ang wikang Filipino ay sumasalamin sa

tradisyon at kultura ng mga Pilipino, sapagkat ipinaglaban

nila ito upang tayo ay mag buklod-buklod at may magamit sa

araw-araw na pakikipagtalastasan gamit ito. Nang ipaglaban

ito ng mga bayani, ang wikang Pilipino noon ay masasabing

puro at pantay, sapagkat ni minsan hindi sumibol sa panahong

ito ang mga salitang galing sa media na nadidinig at

nakikita natin ngayon.

Ang Wikang Filipino ay maraming pinagdaanang proseso

bago ito maipatupad bilang wikang pambansa andiyan

pagdesisyunan at pagtalunan ng mga tao noon kung ito ba ang


magiging wikang pambansa. Ang Wikang Filipino ngayon ay

masasabing mayaman, mayabong at malago sapagkat sa panahong

ito maraming mga wika ang sumibol tulad ng Gaylingo at

Jejemon at mga gawa ng makabagong teknolohiya.

Maraming mga pagbabago ngayon sa ating wika lalo na sa

pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggamit ng telepono

at maging ng internet, hindi tulad ng dati na gumagamit pa

ng sulat maipahayag lang ang sariling damdamin. Kung hindi

ito mamasamain, bigyan natin ng pansin at balikan ang wikang

Filipino noon sapagkat ito lang ang tanging sagot sa mga

tanong na kinahaharap natin ngayon sapagkat masusuri natin

ang puno’t dulo ng wika na pwedeng ibahagi at pag aralan ng

bawat isa at upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol

sa wika kung papaano ito napasaatin at nag-simula.

Kung pag-aaralan ang wikang pambansa kailangan gumamit

tayo ng pangangalap ng datos (research) at panayam

(interview) upang makakuha tayo ng impormasyon at ideya. Ang

paggamit ng wika ng mga Pilipino ay makikita sa

pakikipagtalastasan, sa panahon ngayon ang

pakikipagtalastasan ay maraming uri, pakikipagtalastasan

gamit ang kumpas ng kamay at emosyon, pakikipagtalastasan

gamit ay gadgets tulad ng telepono, pakikipagtalastasan


gamit ang iba’t ibang wika at higit sa lahat

pakikipagtalstasan na may halong katawa-tawang at bulgar na

salita.

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa pagpapalit-palit

ng wikang ginagamit natin ngayon na inihalintulad sa wikang

ginagamit noon. Nagbabago ang ating wika dahil sa mga

nauusong mga bagong salita sa bansa. Malaki ang naging dulot

nito sa mga tao sapagkat patuloy ang pag-iiba ng wikang

ginagamit, unting unti tayong hindi nagkaka-intindihan.

Kaya’t bilang tugon sa kurso ng mga mag-aaral ng ika-11

baitang ay bumuo sila ng pag-aaral nito ay naglalagay maging

instrumento namin para maibalik ang dating kaayusan ng ating

sariling wika. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay

patuloy na umuunlad at nagbabago lalo na sa

pakikipagtalastasan. Ang ibang tao ay gumagamit ng iba’t

ibang pagpapalawak ng bokubolaryo na nakakaepekto sa rin sa

kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya. Ang wika

ay dinamiko. Nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon

at pandaigidig na pagbabago. Ito ay dumedepende sa ating

karanasan at pamumuhay. Kasama natin sa mga masusukal at

maliligayang pinagdaanan sa buhay ang wika.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang makita kung ano

ang nangyaring pagbabago sa pormal na paggamit ng Wikang

Filipino sa pakikipagtalastasan sa mga piling guro at mag-

aaral ng paaralan ng Holy Family Academy. Ipapakita rin dito

kung ano ang sanhi at dahilan ng pagbabago ng wikang

Filipino sa nasabing Bayan.

1.Sang-ayon ka ba sa wastong paggamit ng Wikang Filipino?

2.Para sa iyo, Nakakatulong ba sa maayos na pakikipagtalasatan ang

Wastong paggamit ng wika?

3.Mahalaga ba ang Wika?

4.Gumagamit ka ba ng ibang wika sa pakikipagtalastasan sa ibang tao?

5.Nakakatulong ba sa inyong paaralan ang pagkakaroon ng ibang wika?

6.Ano ang mas makakatulong, Pormal o Di Pormal na paggamit ng wika?

7.Nakakaimpluwensiya ba sa ibang tao ang di wastong paggamit ng wika?

8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa

ating wika?

9.Bilang mag-aaral/guro, nagagamit mo ba ang Wikang Filipino sa iyong

Pag-aaral/pagtuturo?

10.Epektibo ba ang wastong paggamit ng Wika sa pakikipagtalastasan?

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Napakahalaga ng pakikipagtalastasan sa buhay ng isang

tao. Sa lahat ng larangan ng buhay, kailangan ang

pakikipagtalastasan. Wika ang ginagamit natin sa

pakikipagtalastasan at pakikipag-unawaan sa kapwa. Hindi

dapat na ipagkamali na ang wika ay pagsasalita lamang. Kaya

ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga

sumusunod:

• Para sa mga mag-aaral- Maipapakita sa mga mag-aaral kung

paano mapapanatili ang pormal na pamamaraan sa

pakikipagtalastasan at maipapakita sa kanila kung paano ito

papahalagahan, mamahalin, at iagagalang. Ito rin ay para

maipakita sa kanila kung gaano kahalaga ang ating Wikang

Pambansa.

• Para sa mga mamamayan- Ang kahalagahan ng aming pag-aaral

ay matututo ang bawat mamamayan na ibalik ang pagpapahalaga

nila sa layunin ng Wikang Filipino. Ang aming pag-aaral ay

makakatulong sa kanila upang isabuhay ang Wikang Pambansa.

• Para sa mga mananaliksik- Makakatulong ito sa mga

mananaliksik na mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa

pagkakaiba ng wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan noon


at ngayon. Makakatulong rin ang kahulugan ng maing pag-aaral

upang masuri at mabigyang pansin ang mga pagbabago sa wika

at pakikipagtalastasan.

• Para sa mga guro- Ang kahulugan ng aming pag-aaral ay

madagdagan pa ang ideya at impormasyon ng guro sa wika na

pwede ng wikang panturo at ibahagi sa iba lalo na sa mga

mag-aaral upang kanilang malaman ang mga pagbabago sa wika

at pakikipagtalastasan.

• Para sa mga Edukadong Tao- Ang aming pag-aaral ay siyang

magpapabalik tanaw upang hikayatin ang mga taong edukado na

kahit iba pa ang kanilang propesyon na balikan at upang ang

kanilang kaalaman sa wika natin ngayon ay madagdagan at

mapalawak.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang aming pag-aaral ay nais naming isagawa sa mga

piling guro at mag-aaral ng Holy Family Academy na naaayon

sa bawat lugar na kanilang tinitirhan at may sapat na

kaalaman sa wika at sa pakikipagtalastasan na may bilang na

hindi lalagpas sa limampung mamamayan. Walang pamantayan ang

aming pag-aaral sa pagpili ng mga respondents.

Mga lugar sa Quezon, Nueva Bilang ng respondents sa

Ecija bawat Barangay

Brgy. Dulong Bayan 10

Brgy. Doña Lucia 10

Brgy.Sta Clara 10

Brgy.Sto Cristo 5

Brgy. I 5

Brgy.II 10

DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO


Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito,

ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

 Wika – Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika

bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao

sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa

isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at

matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

 Komunikasyon– Ang komunikasyon ay isang proseso ng

pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa

pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang

araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya

na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang

interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

 Pakikipagtalastasan– Ang pakikipagtalastasan ay isang

uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng ideya at

koro koro ang mga taong nagtatalakayan. Mahalaga ito

dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o

anumang iniisip na may kinalaman sa paksang

tinatalakay.

 Mamamayan- Mga taong naninirahan sa isang lipunan,

bayan o bansa.
 Internet- Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga

computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa

buong mundo. Naipápadala ang mga datos sa pamamagitan

ng packet switching na gámit ang inayunang pamantayan

na Internet Protocol (IP).

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


LOKAL NA LITERATURA

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito

ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito

ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat

etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga

kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa

pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng

Filipinas."

Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit

na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo

14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang

tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang

pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."

(Art. 14, Sek. 3)

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang

Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang

pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik,

gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng

wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging

tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili

nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."


Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan

ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa

pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang

pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang

Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng

Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.

Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa

lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim

Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang

opisyal na tawag sa wikang pambansa.

Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na

si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15

Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng

mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng

pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang

batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang

opisyal ng Pilipinas."

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa

ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang

Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14


Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay

Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa

iba pang mga wika."

Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa

pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang

anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga

letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging

baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng

pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng

Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio

Almario sa kaniyang librong Filipino ng mga Filipino: Mga

Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang

Pambansa.

DAYUHANG LITERATURA

Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra, ang wika ay tulay

na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang


minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating

ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.

Ginagamit ng tao ang wikasa kanyang pag-iisip, sa kanyang

pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging

sa pakikipag-usap sa sarili.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr isang lingguwista at

propesor emeritus sa University of Toronto, ang wika ay

masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa

pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang

sa isang kultura.

Binigyan pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang

wika sa ganitong paraan: ito ay isang sistemang ng

komunikasyon nagtataglay ng mga tunog, salita, at

gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga

mamamayanan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.

Si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang

sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o

ng pagsusulat. Hindi rind raw ito tunay na likas sapagkat

ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago

matutuhan.
KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng survey sa mga guro

at mag-aaral ayon sa lugar ng kanilang tinitirhan na

nakasaad sa itaas. Matutugunan ang mga suliranin sa

pamamagitan ng pangangalap ng datos sa paaralan ng Holy

Family Academy. Walang pamantayan ang mga taong magiging

respondents ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ang

magbibigay ng ilang katanungan ukol sa sulirinan o pag-aaral

na sinasagawa ng mga mananaliksik. Ang makukuhang

impormasyon ng mga mananaliksik ay gagamitin upang magkaroon

ng o makapagbigay sila ng solusyon tungkol sa suliranin na

nabanggit.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng

pamamaraang deskriptibo-analitik na pamamaraan. Tatangkaing

ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang pagkawala ng Pormal na

paggamit ng Wikang Filipino sa pakikipagtalastasan sa Bayan ng

Quezon.

PARAAAN NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa papamagitan ng

pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey

kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman

ang mga salik sa pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong

panahon. Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyong ang

mga mananaliksik sa iba-t ibang hanguan, sa aklatan tulad ng mga

aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din ang

mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

MGA POKUS NG PAG-AARAL

Ang mga pipiliing mga respondentes sa pag-aaral na ito ay ang

mga piling mag-aaral ng Holy Family Academy ng Quezon, Nueva

Ecija. Walang pamantayan sa aming mga magiging respondentes

  Sa kasalukuyan ay may limampung respondentes kaming kinuha na

kung saan ang mga mananaliksik ay gagamit ng quota sampling. Ang

mga mabibigyan ng talatanungan ang aming magiging respondents sa

aming pananaliksik.

MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK


Ang talatanungan ay ginamit upang maipakita ang mga

datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay

pinasagot sa mga guro at mag-aaral ng Holy Family Academy.

PAGSUSURI NG DATOS

Ang pagtatally at pagtototal ng mga nakuhang sagot mula sa

sarbey-kwestyuner upang makuha ang porsiyento ng mga sagot mula sa

mga respondents. Ang mga kasagutan ang magiging batayan sa pag-

aaral at pananaliksik.

Diocese of San Jose de Nueva Ecija


Apo Jose Catholic Educational System Foundation
Holy Family Academy of Quezon, N.E, Inc
Tomas Joson Ave. Brgy II, Quezon, Nueva Ecija

Kami ang mga mag-aaral ng Holy Family Academy of


Quezon, Inc. ay naglalayong gumawa ng isang pananaliksik
ukol sa “MGA SALIK SA PAGKAWALA NG PORMAL NA PARAAN NG
PAKIKIPAGTALASTASAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA PILING GURO AT
MAG-AARAL NG HOLY FAMILY ACADEMY OF QUEZON, NUEVA ECIJA
INC.TAONG 2016-2017”.Kami ay narito upang hingin ang inyong
mga kasagutan sa ilang mga tanong batay sa aming paksa.
Name:____________________ Sex:___________
Date:___________
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong napiling
sagot.
1. Sang-ayon ka ba sa wastong paggamit ng Wikang
Filipino?
Oo Hindi
2. Para sa iyo, Nakakatulong ba sa maayos na
pakikipagtalasatan ang Wastong paggamit ng wika?
Oo Hindi
3. Mahalaga ba ang Wika?
Oo Hindi
4. Nakakatulong ba sainyong paaralan ang paggamit ng ibang
wika?
Oo Hindi
5. Gumagamit ka ba ng ibang wika sa pakikipagtalastasan
sa ibang tao?
Oo Hindi
6. Ano ang mas makakatulong, Pormal o Di Pormal na
paggamit ng Wikang Filipino?
Pormal Di-Pormal
7. Nakakaimpluwensiya ba sa ibang tao ang Di wastong
paggamit ng wika?
Oo Hindi
8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating
minana mula sa ating mga ninuno?
Oo Hindi

Diocese of San Jose de Nueva Ecija


Apo Jose Catholic Educational System Foundation
Holy Family Academy of Quezon, N.E, Inc
Tomas Joson Ave. Brgy II, Quezon, Nueva Ecija

9.Bilang mag-aaral/guro,nagagamit mo ba ang Wikang


Filipino sa iyong Pag-aaral/pagtuturo?
Oo Hindi
10.Epektibo ba ang wastong paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan?
Oo Hindi

KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap

mula sa mga guro at mag-aaral ng Holy Family Academy tungkol

sa pagkawala ng pormal na paggamit ng Wikang Filipino sa

pakikipagtalastasan.

1. Sang-ayon ka ba sa wastong paggamit ng Wikang


Filipino?
Table 1
Mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wika Filipino

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 46 92%
Di sumang-
4 8%
ayon

Ipinakkita ng table 1 na sang-ayon ang karamihan sa wastong

paggamit ng Wikang Filipino. Ito ay sinang-ayunan ng 46 na

repondente o 92% ng kabuuan ng respondent. Samantalang, 4

ang hindi sumang-ayon o 4% ng kabuuan ng respondente.

2. Para sa iyo, Nakakatulong ba sa maayos na


pakikipagtalasatan ang Wastong paggamit ng wika?
Table 2
Kasagutan Respondente Bahagdan%
Sumang-
45 90%
ayon
Di sumang-
5 10%
ayon

Ipinakikita ng table 2 na sang-ayon ang karamihan na

nakatutulong sa maayos na pakikipagtalastasan ang wastong


paggamit ng wika. Ito ay sinang-ayunan ng 45 respondente o

90% nang kabuuan ng respondente. Samantalang, 5 ang hindi sumang-

ayon o 5% ng kabuuan ng respondente.

3. Mahalaga ba ang Wika?


Table 3

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 46 92%
Di sumang-
4 8%
ayon

Ayon sa table 3, malinaw na ang lahat ay pabor sa

mahalaga ang wika. Ito ay sinang-ayunan ng 46 respondente o

92% nang kabuuan ng respondente. Habang 4 o 8% ang hindi sumang-

ayon sa kahalagahan ng wika.

4. Nakatutulong ba sainyong paaralan ang paggamit ng ibang

wika?

Table 4

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 36 72%
Di sumang-
14 28%
ayon

Ayon sa table 4, nakikita na higit mas marami ang

sumang-ayon na makakatulong sa paaralan ang paggamit ng


ibang wika. Ito ay sinang-ayunan ng 36 respondente o 72%

nang kabuuan ng respondente. Habang 14 o 28% ang hindi

sumang-ayon sa paggamit ng ibang wika sa paaralan.

5.Gumagamit ka ba ng ibang wika sa pakikipagtalastasan sa

ibang tao?

Table 5

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 36 72%
Di sumang-
14 28%
ayon

Ayon sa table 5, nakikita na higit mas marami ang

sumang-ayon na gumagamit sila ng ibang wika sa

pakikipagtalastasan. Ito ay sinang-ayunan ng 36 respondente

o 72% nang kabuuan ng respondente. Habang 14 o 28% ang hindi

sumang-ayon.

6.Ano ang mas makatutulong, Pormal o Di Pormal na paggamit

ng Wika?
Table 6

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Pormal 35 70%
Di-Pormal 15 30%

Ayon sa table 6, na mas makatutulong ang paggamit ng

pormal na paraan na paggamit ng Wikang Filipino. 35

respondente o 70% nang kabuuan ng respondente ang pumili ng

Pormal na pamamaraan. Habang 15 o 30% ang pumili ng Di-

Pormal na paraan.

7.Nakakaimpluwensiya bas a ibang tao ang Di-wastong paggamit

ng wika?

Table 7

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 40 80%
Di sumang-
10 20%
ayon

Ayon sa table 7, ito ay nagpapakita na ang karamihan

ang sang-ayon na nakakaimpluwensiya sa ibang tao ang

paggamit ng di-wastong pamamaraan sa paggamit ng wika.

Ito ay sinang-ayunan ng 40 respondente o 80% nang kabuuan

ng respondente. Habang 10 o 20% ang hindi sumang-ayon.


8.Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating

minana mula sa ating mga ninuno?

Table 8

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 4 8%
Di sumang-
46 92%
ayon

Ayon sa table 8, makikita dito na halos mas malaki ang

hindi sumang-ayon na kalimutan ang mga lumang salita na

minana mula sa mga ninuno. Ito ay sinang-ayunan ng 4

respondente o 8% nang kabuuan ng respondente. Habang 46 o

92% ang hindi sumang-ayon na kalimutan ang mga salitang

minana mula sa mga ninuno.

9.Bilang mag-aaral/guro, nagagamit mo ba ang Wikang Filipino

sa iyong Pag-aaral/Pagtuturo?

Table 9

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 46 92%
Di sumang-
4 8%
ayon

Ayon sa table 9, ito ay nagsasaad na nagagamit ang

wikang Filipino sa pag-aaral at pagtuturo sa paaralan ng


Holy Famly Academy. Ito ay sinang-ayunan ng 46 respondente

o 92% nang kabuuan ng respondente. Habang 4 o 8% ang hindi

sumang-ayon.

10.Epektibo ba ang wastong paggamit ng wika sa

pakikipagtalastasan?

Table 10

Kasagutan Respondente Bahagdan %


Sumang-ayon 47 94%
Di sumang-
3 6%
ayon

Ayon sa table 10, na epektibo ang wastong paggamit ng

wika sa pakikipagtalastasan. Ito ay sinang-ayunan ng 47

respondente o 94% nang kabuuan ng respondente. Habang 3 o

6% ang hindi sumang-ayon.

KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral

at ang konklusyon at rekomendasyon para sa solusyon sa

problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay.

LAGOM

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Pagkawala ng

Pormal na paggamit ng Wikang Filipino ng mga guro at mag-

aaral sa Holy Family Academy. Limampung respondente ang

sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay. At ang resulta

ay ang mga sumusunod:

1. Karamihan sa mga respondente ay sang-ayon sa

wastong paggamit ng Wikang Filipino. Ito ay

nakakakuha 92 porsyento mula sa mga respondente.

2. Karamihan sa mga respondente ay inilathala na

nakatutulong sa maayos na pakikipagtalastasan ang

wastong paggamit ng wika. Ito ay nakakuha ng 90

porsyento.

3. Mas malinaw na halos lahat ay sang-ayon na

mahalaga ang wika. Ito ay nakakuha ng 92

porsyento sa mga sagot.

4. Pinapakita na nakakatulong sa paaralan ang

paggamit ng ibang wika. Ito ay nakakuha ng 72

porsyento sa mga kasagutan ng mga respondente.


5. Karamihan sa bawat isa ay gumagamit ng ibang wika

sa pakikipagtalastasan sa ibang tao. Ito ay

nakalikom ng 72 porsyento.

6. Pinapakita na mas marami pa rin ang gumagamit ng

Pormal na paggamit ng Wikang Filipino. Nakakuha

ito ng 70 porsyento.

7. Karamihan ay nagsabi na nakaiimpluwensiya ang sa

ibang tao ang Di wastong paggamit ng wika. Ito ay

nakukuha ng 80 porsyento.

8. Halos lahat ay Di sumang-ayon na kalimutan ang

mga lumang salita na ating minana mula sa ating

mga ninuno. Ito ay nakakakuha 92 porsyento ng mga

kasagutan.

9. Karamihan ay sumang-ayon na nagagamit nila ang

Wikang Filipino sa kanilang Pag-aaral at

Pagtuturo. Ito ay nakakuha ng 92 porsyento.

10. Marami ang sumang-ayon na epektibo ang

wastong paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan.

Ito ay nakakuha ng 94 porsyento.

KONKLUSYON
Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay

nakita.

1. Makikita sa pag-aaral na madalang at ilan-ilan

lang ang hindi wastong gumagamit ng Wikang

Filipino.

2. Isinasaad sa pananaliksik na nangingibabaw pa rin

ang wastong paggamit ng mga mag-aaral at guro ng

wastong paggamit ng wika subalit may iba na rin

ang gumagamit ng di wastong paggamit ng wika.

3. Karamihan sa mga respondente ay nagsabi na

mahalaga ang wika sa pakikipagtalastasan sa ibang

tao.

4. Pinapakita sa pananaliksik na nakakatulong ang

maayos na paggamit ng wika. Ang mga respondente ay

naniniwala na ang wika ang dahilan ng maayos

interaksiyon.

5. Ayon sa pag-aaral, nagsasaad ito na hindi dapat

kalimutan ang mga lumang salita at pamana sa atin

ng ating mga ninuo. Ito ay nagpapakita ng

pagpapahalaga sa mga nakaraan.

REKOMENDASYON
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos

nabuo ng mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.

1. Sa paggamit ng ating sariling wika sa paaralan,

mas mapapaayos ang pag-aaral at pagtuturo ng mga

mag-aaral at mga guro.

2. Maaaring maging dahilan rin ito ng maayos ng

interaksiyon ng mga mag-aaral sa isa’t isa gayun

din sa mga guro. Ito ang magsisilbing daan ng

wastong paggamit ng Wikang Filipino sa mga mag-

aaral at guro ng paaralan.

3. Dapat nating bigyang halaga ang ating sariling

wika, lalo na sa paggamit nito sa iba’t ibang

estado. Mas magiging mabilis at maayos ang pag-

aangat ng edukasyon sa mga paaralan.

4. Kahit nasaan pa man tayo dapat nating mahalin at

ipagmalaki ang ating sariling wika, dahil bukod sa

ito na ang ating kinagisnan, ito rin ang magiging

daan para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad

nga ng sinami ni Gat Jose Rizal: ang hindi

magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at

malansang isda.

You might also like