You are on page 1of 49

Yunit 3.

KABATAAN BILANG PANUNTUNAN NG


KULTURANG POPULAR

Buksan natin ang kaalaman ng Yunit 3

Ang mga impluwensyang idinulot at idinudulot ng kulturang popular ay


nagpapatuloy kung kaya makikita sa gawi at ugali ng ating kabataan sa
kasalukyuan ang mga epekto nito. Malayo na ang narating ng kulturang
popular sa sarili nating kultura. Halos sa lahat ng aspekto ng ating buhay,
naging bunga ng kulturang popular. Sa ating pagkain, pananamit, at
kinahihiligan saklaw ng impluwensyang ito. Hindi na natin ito mapipigilan,
magpapatuloy ito hanggang sa ang modernisasyon at ang paggamit ng
teknolohiya ay umuunlad sa buong mundo.
Ang mga araling tatalayin sa yunit na ito, ay magdadala sa iyo ng
paghihinuha at pagpapasya sa kung hanggang saan lamang umabot ang
impluwensyang idudulot pa ng kulturang popular. Nararapat lamang nap ag-
aralang mabuti ang saklaw sa iyong pagkatao.
Ang Yunit na ito ay may apat na aralin:
Ang Unang Aralin ay tungkol sa kinahiligang pagkain ng mga Filipino.
Susunod ay ang Aralin 2, ang kinahiligang pananamit ng Filipino.
Ang Ikatlong Aralin ay tungkol sa kinahiligang pinapanood ng mga
Filipino.
Ang Aralin 4 ay hinggil sa kinahihiligan ng karamihan sa ating mga
Filipino sa musika at mobile games.

Matutuhan mo ang sumusunod:

Pagkatapos mong mapag-aralan ang Yunit 3 inaasahang ikaw ay:


1.nakapagbahagi ng makabuluhang punto sa pamamagitan ng
pagsulat ng reaksyon papel;
2. nakapagsuri ng mga awiting popular na kaugnay ng pagpapalakas
ng komersyo sa Pilipinas;
3. nakapagtalakay sa impluwensya at epektong dulot ng videoke bilang
uri ng aliw kaugnay sa araw-araw na pamumuhay ng mga Filipino;
4. napalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag
ng mga Filipino sa iba’t ibang anyo ng mass media;
5.nakapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t
ibang porma ng midya;
6. naisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-ideya.

52
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Aralin 1. Pagkain

Pag-aralan sa araling 1 ,ang mga pagkaing naging bahagi ng kulturang


popular ng ating bansa. Ngayon naman ay babasahin mo ang teksto tungkol
sa mga pagkaing Pinoy, mula sa mga pagkaing niluto ng mga katutubo
hanggang mga pagkaing dala ng mangangalakal na Tsino at mga
mananakop na mga Espanyol at Amerikano. Inaasahang matugunan mo ang
mga sumusunod na layunin:
1. nababatid mo ang iba’t ibang uri ng pagkaing inihahanda
sa hapagkainan ng pamilyang Filipino,
2. natatalakay ang impluwensya ng mga dayuhan sa mga
pagkaing Filipino at
3. nauunawaan kung bakit ang pagkain ang pinakapopular sa kulturang
Pinoy.

Paliparin

1Reddit. (2008,January 25).I ate Filipino lechon. Niretrib sa;


https://www.reddit.com/r/food/comments/bvra5m/i_ate_filipino_lechon/

Likas sa ating mga Filipino ang pagkahilig sa mga pagkain.


Naghahanda tayo ng masasarap na pagkain sa tuwing nagsasama-sama
ang pamilya at reunion ng magkamag-anak, magkaklase at magkakaibigan.
Hindi buo ang mahahalagang okasyon, tulad ng Pasko, binyag, kasal, Pasko
ng Pagkabuhay, anibersaryo at pasasalamat kung walang naihandang
pagkain sa hapag. Kaya ang pagkain ay masasabing bahagi na ng kultura
natin. Ang paghahanda ay tunay na pinagplanuhan, mula sa pangunahin
(main dish) at pandagdag (sidedish) na mga ulam, hanggang sa mga inumin,
pampagana at panghimagas.
Kaya, sama na, maglakbay tayo sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas,
galugarin at tikman ang mga natatangi at masasarap nilang pagkain.

53
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Galugarin

Google.(2020).Agricultural products. Niretrib sa:


https://www.google.com/search?hl=fil&tbs=simg:CAESiAEJsBPCrCjM5LcafQsQsIynCBphCl8IAxIn1hbYFmnXFuILzRbZFtUW2hbaA9s33Df
eN7MyjyKbINg3jiKNIto3GjAmXnrhARLouaY-T_1KS-jTmJlwdA4MkGQtfzSztNg85xTCHmgPI-
QCus3B9sxtm6OcgBAwLEI6u_1ggaCgoICAESBA4mbrgM&sxsrf=ALeKk02b-
xRbe20DE5EiAlyOCthWAc6swQ:1596356393255&q=agricultural+products&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjFxYT-
ivzqAhVvx4sBHeZCCA8Qsw56BAgIEAE&biw=1422&bih=666

Pagkain

Ayon sa Wikipedia (2017), Pagkain ang tawag sa anumang kinakain o


iniinom ng anumang buhay na organismo, hayop man o halaman . Ang
pagkain ay may literal na kahulugan sa mga wikang Ebreo at Griyego tulad
ng bagay na kinakain, sustansiya, tinapay, karne, o laman .
Ang ating bansa ay may mayamang kalikasan. Biniyayaan tayo ng
mga isla na pinalilibutan ng tubig at sagana sa mga lamang dagat, tulad ng
mga isda, kabibe at halamang dagat. Ang mga kapatagan, burol, at mga
lambak ay may mayamang lupa na kahit anong halaman ay tutubo at lalago.
Maaari rin tayong makapag-alaga ng mga hayop, tulad ng baka, kalabaw,
manok, iitik, pato, kambing at iba na mapagkukunan ng ulam sa bukid.
Nakikilala kung saang rehiyon o pangkat etniko tayo galing sa uri ng
pagkaing ating niluluto. Mula sa karaniwang kainan hanggang sa iba’t ibang
uri ng okasyon.Gaya ng nakasulat sa isang blog na “Eating is more fun in
the Philippines“ (Jdennise, 2017).
Ayon kay Fernadez ( 2016), ang pagkain ay nilikha ng buong
sambayanan, sang-ayon sa kanilang panlasa, para sa kanilang pag-apruba,
para sa pang-araw-araw nilang gamit, at inaasahan para sa kanilang
kasiyahan. Idinagdag pa niya na ang pagkain ang pangunahing laman ng
kamalayang Filipino noon at magpahanggang ngayon. Naglalarawan ito ng
identidad nating mga Filipino.
Pangunahing produktong pagkain ng bansa ay ang palay, sinundan ito
ng mais, niyog at mga ugat pananim tulad ng kamote,mani, patatas,
kamoteng kahoy, ube, gabi at iba pa. Dahil walang lasa ang kanin,
nakakapaglikha ang mga ninuno natin ng iba’t ibang ulam upang pamares
dito. Nakalilikha rin ang mga Filipino ng mga kakanin mula sa bigas at mga
ugat pananim, tulad ng puto, bibingka, kutsinta at iba pa…
Sinabi rin ni Fernandez ( 2016), nakapagluluto rin ng putahe mula sa
mga inaalagang hayop tulad ng manok, baboy, baka at kambing at iba pa.

54
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Maging di- pangkaraniwang sa iba-ibang rehiyon tulad ng ahas, bayawak,
batang pugita, kuhol, tamilok at iba pa.
Bawat pangkat-etniko ay may mga katutubong pagkain gaya ng
laswa, KBL at dinuguan ng mga Ilonggo, pinakbet ng mga Pampango, Kare-
kare ng mga tagalog, laing at bicol express ng mga Bikolano, nailayawang
manok ng mga aeta sa Pampanga, dinengdeng ng mga Ilokano, Pinikpikan
ng mga Ifugao, Chicken Piaparan ng mga Maranao at marami pang iba.

Dennise, J. (2017, January 22). Pagkaing Pinoy. Niretrib sa:


https://jdennise.wordpress.com/2017/01/22/pagkaing-pinoy

Mga mangangalakal na Tsino ay nandito na sa ating bansa bago pa


man ang pananakop ng mga Espanyol. Kaya hindi kailangan na naibigan na
ring kainin ng mga katutubo.
Makikita rin sa mga putaheng Pinoy ang impluwensya ng mga
Espanyol. Ang mga putaheng ito ay pangmaykaya o pagkaing principalia na
karaniwang ginigisa gamit ang bawang, sibuyas at kamatis. Ang mga
putaheng ito ay mas maluho kaysa mga pagkaing katutubo. Madalas itong
niluluto sa mga handaan at fiesta
Impluwensya naman ng mga Amerikano ang mga pagkaing madaling
ihanda o iluto gaya ng burger, timpladong manok, sandwich, pie, at iba pa.

The Toritilla Guy. (2007, August 20).History Of Food And


Drink.https://ifood.tv/facts/12585-history-of-food-and-drink

Bukod pa sa mga pangunahing putahe (main dishes), marami pang


masasarap na pagkain ang bawat bayan, probinsya at rehiyon sa bansa.
Karamihan sa mga ito ay ginagawang merienda tulad ng mga kakanin,
panghimagas at pampagana.

55
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Panlasang Pinoy Recipe. (2015, April 17).Top 10 Kakanin Recipes. Niretrib sa:
https://www.panlasangpinoyrecipes.com/top-10-kakanin-recipes/

Sa kasalukuyan, tinatangkilik na rin ng mga Filipino ang iba pang mga


kilalang putahe o cuisine mula sa mga karatig bansa sa Asya tulad ng
Korean, Japanese, Thai, Vietnames at iba pa, kaya ganoon na lamang ang
pagsulputan ng mga restawrant sa mga pangunahing lungsod ng bansa.
Subalit nangingibabaw pa rin ang mga pagkaing Pinoy natin.

Natuwa ka ba sa tekstong iyong nabasa at nasarapan sa mga


larawang iyong nakita? Upang lubos na maunawain ang teksto samahan mo
ako sa susunod na bahagi ng araling ito ang pagtalakay.

56
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

A. Ang mga sumusunod ay mga pagkaing Pinoy na matatagpuan sa ating


bansa. Klasipikahin mo sa talahanayan ang mga pagkaing ito kung saan ito
matatagpuan. Lagyan ng tsek kung inihahanda itong ulam, panghimagas,
minindal o pampagana.
Chicken Piaparan Pinakbet Kare-Kare Laing Sanz Rival
Bandi Baye-baye Pinikpikan Suman Moron Durian Candy KBL
Ulam Minindal Panghimagas Pampagana

LUZON

VISAYAS
Hal. Baye-
/ /
baye

MINDANAO

B. Kung ikaw ay tapos na sa pagsagot sa unang gawain, dadako tayo sa


ikalawang gawain. Sa pamamagitan ng mga kahon sa ibaba ay ilalarawan
mo ang mga pagkaing Tsino, Espanyol at Amerikano. Mga salita o parirala
lang ang isulat sa kahon.
Tsino Espanyol Amerikano

57
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Upang mas lalo pang mapalawak ang iyong kaalaman hinggil


sa Pagkaing Pinoy, punan ng iyong paliwanag ang dayalogong kahon.
(10 pts)

Sagot:

Bakit mahilig sa mga


pagkaing may gata at
maanghang ang mga
Bicolano?

Sagot:
Ba’t
gustong-
gusto ng mga
Ilonggo ang
mga gulay na
madulas

58
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Marahil ay nauwaan mo nang mabuti ang araling ito. Kaya, sagutin ang
inihanda kong maikling pagsubok. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
___1. Alin ang totoo?
A. Mayaman sa mga lutong kakanin ang mga Pilipino
sapagkat tinuruan tayong mga Tsino sa pagluluto nito?
B. Agrikultural na bansa ang Pilipinas at ang pangunahing produkto
ay Palay, kaya nakalilikha ang mga Filipino ng mga kakanin.
C. Maraming mais, saging, at mga lamang ugat pananim, tulad ng ube,
kamote at kamoteng kahoy na mapagkukunan upang gawing kakanin.
D. B at C

___ 2. Ang mga sumusunod ay Ilonggo delicacies maliban sa isa.


A. Biscocho B. Baye-baye C. Piaya D. Pinasugbo

___ 3. Ang Guimaras ay kilala sa jelly, jam, marmalade, , mango pizza at


mango dried candy nabibilang sa mga halimbawa ng
A. pampagana B. panghimagas C.palaman sa tinapay D. Sawsawan

___ 4. Ang brazos de mercedez ay impluwensya ng


A. Mehiko B. Pransis C. Espanyol D. Brazil

___ 5. Sinabi rin ni Fernandez ( 2016), nakapagluluto ang mga Pinoy ng mga
putaheng mula sa mga inaalagang hayop tulad ng manok, baboy,
baka at kambing at iba pa. Ang salitang nakapahilis ay
A. katutubo B. hiram sa Espanyol C. likhang salita D. salitang Intsik

___ 6. Ang mga sumusunod ay pagkaing impluwensya ng mga Espanyol,


maliban sa isa.
A. Afritada, Sarciado at Valenciana C. Bijon at Sotanghon Guisado
B. Paella, Imbotido at Kaldereta D. Pochero at Menudo

___ 7. Pagkaing impluwensya ng Tsino at dinadayo ng mga turista sa mga


sikat na restawrant sa Lunsod ng Iloilo.
A. Mami B. Bachoy C. Pancit Molo D. B and C

___ 8. Pagkaing karaniwang inihahanda upang makuha ang umay sa


mga mamantikaing niluluto natin.
A. Panghimagas B. Pampagana C. Katas ng prutas D. walang sagot

59
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
___9. Natutuhan sa kanila ang pagbabalot ng iba-ibang kombinasyon ng
gulay, hipon, at karne sa manipis na pambalot na gawa sa bigas tulad
ng pancit molo at lumpiya.
A. Tsino B. Amerikano C. Espanyol D. Italyano

___10. Ang pagkain ng tinapay tulad ng pandesal tuwing


umaga’y impluwensya ng mga
A. Espanyol B. Amerikano C. Tsino D. Pranses

60
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Aralin 2. Pananamit (fashion,ukay-ukay)

Paliparin

Ang paksa sa aralin 2 ay tungkol sa pagtangkilik ng ukay-ukay na


itinuturing na mga second hand na mga gamit na nabibili. Tinitiyak kong
matatamo mo ang mga sumusunod na layunin:
1. nababatid mo ang kahulugan ng ukay-ukay batay sa etimolohiya
at pagpapakahulugan ng iba’t ibang awtor,
2. napag-aaralan mo ang kasaysayan ng Ukay-ukay sa bansa at
3. nauunawan mo ang ugnayan nito sa kulturang popular ng mga Filipino .

Galugarin

UKAY-UKAY
Etimolohiya
Ang ukay-ukay ay salitang Bisaya na nangangahulugang
maghalungkat sa mga damit na itinumpok sa mesa, itinambak sa kahon, o
ikinalat sa nakalatag na sako.
Konektado ito sa salitang Tagalog na hukay (dig) na parang
naghahalukay ng lupa ang mga mamimiling naghahanap ng
makukursunadahang damit.
Ang ukay-ukay ay tinatawag din sa pangalang “wagwagan” kung saan
kailangan munang pagpagin upang matanggal ang mga alikabok at makita ng
tuluyan ang isang produkto.
Ang ukay-ukay ay halo-halo, walang ayos at bunton-bunton lalo na ang
mga tinitinda sa bangketa tindahan sa mga bayan-bayan. Subalit nakatupi at
nakahanger na sa mga mall at shopping complex. Tinitinda rin ito sa mga garahe
ng mga bahay na ng mga may-ari upang makatipid sa renta ng pwesto.
Ang ukay-ukay ay itinuturing din na “magandang alternatibo para sa
mga mas mahal na bilihin” (Abueg, 2005). Dahilan upang mas tangkilikin ito
kaysa sa mga bago ngunit mas mahal na produkto.

61
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Kasaysayan

Hongkong
Ayon kay de Castro (2001), ang mga ukay-ukay
ay kadalasang nanggagaling sa Hong Kong-based
Salvation Army’s rummage sale sites at sa United
States na kadalasang galing sa mga garage sale at
ipinapadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga
balikbayan boxes. Sa pagdating ng mga kagamitan
sa bansang Pilipinas, ibinebenta na ito sa mas
murang halaga, kadalasan, naibebenta ito sa Finance as a market research. (2020, July
24).NEW INNOVATIVE REPORT ON SHIP TO
kalahati ng orihinal na presyo nito. Ayon kay SHORE CRANES MARKET SWOT ANALYSIS
& STRATEGIC ASSESSMENT 2020-2027|
Cabreza (2001), ang pagbebenta ng mga ANUPAM INDUSTRIES LIMITED,,MAC PORT
MACCHINE OPERATRICI PORTUALI S.R.L.
kagamitang ito sa murang halaga ay dahil hindi na Niretrib sa: https://primefeed.in/covid-19-
industry-impact/721861/new-innovative-report-
ito bago at nababawasan ang kalidad nito ng on-ship-to-shore-cranes-market-swot-analysis-
strategic-assessment-2020-2027-anupam-
kaunting porsyento. industries-limitedmac-port-macchine-operatrici-
portuali-s-r-l/

Sa Baguio
Ang ukay-ukay ay mistulang mall. Ang
lumang mga gusali ay nilusob ng ukay-ukay at
lumawak ang teritoryong sakop nito. Kung
noon tumutukoy ito sa mga segundamanong
damit, ngayon tumutukoy ito sa lahat ng klase
ng bag, stuffed toys at iba pang laruan,
sapatos, tsinelas, sinturon, kumot, kubrekama
at punda ng unan, mga gamit sa kusina,
kurtina, baseball caps, Christmas décor at pati
bookmarks na galing sa Ehipto at Turkiya.
Leonido, J., Atuan , C.,Magsisi, M., Mendoza, A., at Reyes, C. (2018, October 23). Kulturang Fiipino sa Ukay-ukay.
Niretrib sa: https://1a12.home.blog/2018/10/23/kulturang-fiipino-sa-ukay-ukay/

Napakalaki ng potensiyal ng salitang ukay-ukay kaya natural lamang


na lumawak pa ang kahulugan nito. Para mga sikat na fashion designer na
tulad nina Rajo Laurel, ginagamit ngayon ang ukay-ukay para tukuyin ang
“vintage fashion.” Dahil sa ukay-ukay, naging “in” ang mga lumang damit na
ngayon ay nire-recycle at ginagamit sa paglikha ng mga makabagong
kasuotan na kinatutuwaan ng mga fashionista. Dahil sa koneksiyon nito sa
mga bagay na luma o gamit na, ang ukay-ukay ay nagamit na rin bilang
katumbas ng “archive,” tulad halimbawa ng paggamit ng UP Film Institute sa
salitang ito para tukuyin ang archive ng sineng Filipino na dapat halukayin
upang mahanap ang mga lumang pelikula na nabaon na sa limot.
Kinakatawan ng salitang ukay-ukay ang kultura at lipunang Filipino sa
kontemporanyong panahon (Tolentino,2004). Nakakaya ng mahihirap na bumili
ng damit sa murang halaga at sunod pa sa moda. Ang kalakasan ng ukay-ukay
ay ang halos bagsak presyo na halaga ng mga produkto kung ikukumpara sa
mga malalaking pamilihan. Kung sa mga mall ay nagtataasan ang mga presyo,
sa ukay-ukay, kahit hindi panahon ng sale ay sobrang baba ng mga presyo ng
mga damit. Nang dahil sa bagsak presyong mga produkto, mas tinatangkilik ng
62
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
masa ang mga ibinebenta dito. Karamihan sa mga Filipinong mamimili ay
nahihilig sa pagbili ng mga mura ngunit dekalidad na produkto.

Kwento sa Ukay-ukay
May mga kwento ang ukay-ukay noon, tulad ng mga damit at gamit ng
mga patay o maysakit at donasyon ng ibang bansa para sa mga biktima ng
sakuna sa Pilipinas, subalit pinabulaanan ito ng pag-aaral ni Abueg (2005),
ang mga produktong ibinebenta sa ukay ukay ay mula pa sa ibang bansa na
iniimport sa atin bilang donasyon o pasalubong at ibinebenta ito sa murang
halaga. Idinagdag pa niya na may posibilidad din na makasira sa kalagayan
ng isang tao o maaaring magdulot ng sakit sapagkat ayon kay Dr. Dana Ruiz,
na isang dermatologist, ang mga kagamitan galing sa isang ukay-ukay ay
puwedeng magdulot ng skin disease, allergy, at Atopic Dermatitis lalo na
kung ang immune system ng isang tao ay mahina dahil wala namang
kasiguraduhan na lahat ng binibili sa ukay-ukay ay tiyak na malinis.

Ugnayan ng Ukay-ukay sa Kulturang Filipino


Mayroong kaugnayan ang ukay-ukay sa kulturang Filipino dahil
nasasalamin ang pagiging matipid ng mga Filipino sa konsepto ng pagtawad
sa mga bilihin at pagtangkilik sa mga gamit na mababa ang presyo.
Nasasalamin din ang pagiging mapamaraan ng mga Filipino dahil
nakahahanap sila ng mas mura at alternatibong paraan upang magkaroon ng
mga damit na sikat ang disenyo. Sa pagtangkilik ng mga damit mula sa ukay-
ukay, makikita rin ang hilig nating mga Filipino sa pagtangkilik sa mga
produktong hindi naman sariling atin.
Marahil ay natamo mo na ang mga layunin ng pagbasa sa tekstong ito.
Ngayon ay sasagutin mo ang inihanda kong mga katanungan sa talakay.

63
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

1. Ano ang Ukay-ukay? Sagutin ito gamit ang modelo ni Frayer. (12 pts.)
Sariling Depinisyon Depinisyon ng ibang awtor

Katangian Mga halimbawa

2. Bakit tinatangkilik ng mga Filipino ang ukay-ukay? Ilimita ang sagot sa


20 salita. (2 pts.)
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________.
3. Gamit ang talahanayan sa ibaba, ano-ano ang mabubuti at di
mabubuting naidudulot ng patuloy na pagtangkilik ng mga Filipino sa ukay-
ukay? Magbigay ng tigtatatlo bawat isa. (6 pts.)
` Mabubuti Di-mabubuti

64
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Sa kabila ng Batas Republika Blg. 4653 na nagbabawal ng


importasyon ng mga segunda manong damit upang ipagbenta sapagkat
mapanganib ito sa kalusugan at patuloy na namayagpag ang negosyo ng
ukay-ukay sa buong bansa. Bilang isang mag-aaral sumasang-ayon ka ba
na gawing legal ang ganitong uri ng negosyo sa bansa? Oo o Hindi?
Ipaliwanag ang iyong sagot. Magbigay ng dalawang dahilan. (10 pts.)
Sagot: __________
Dahilan 1:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________.
Dahilan 2 :
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________.

Subukin
Alam kong marami ka nang natutunan tungkol sa paksang ukay-
ukay, subukin mong punan ng tamang salita ang patlang sa bawat
pangungusap.
1. Sa bansang ito nagsimula ang negosyong ukay-ukay.
_____________________
2. Sa lungsod na ito unang ibinenta ang ukay-ukay, at nang maglaon balak
pa itong ngalanan ni Pang. Arroyo na Ukay-ukay Kapital ng bansa.
____________________
3. Ayon sa pag-aaral ni Luisito Abueg noong 2005, ang ukay-ukay ay
kumakatawan sa kultura at lipunang Filipino sa __________________
panahon.
4. Sa wikang __________ galing ang salitang ukay-ukay na
nangangahulugang maghalungkat sa mga damit na itinumpok sa
mesa, itinambak sa kahon, o ikinalat sa nakalatag na sako.

5. Ang pagtangkilik ng mga produktong imported ay pinananiwalaang may


masamang epekto sa ating ekonomiya at sa mga lokal na mga
negosyante. Ito ay tinatawag na isang ________________ na pag-iisip.

65
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Aralin 3. Kinahiligan: Panonood ng Koreanovela
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang
1. naisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-ideya.
2. nasuri ang impluwensyang hatid ng banyagang palabas sa kultura
3. nailahad ang komparatibong analisis sa teleserye ng Pilipinas at
Koreanovela

Paliparin

Tunay ngang hindi mapapasubalian ang paglaganap ng Koreanovela sa


ating bansa. Nahuhumaling ang mga Filipino sa mga drama ng Korea na
talaga namang nakakaimpluwensya ang kanilang kultura. Masasalamin sa
kabataan o nang maging matatanda ang pagkaaliw sa mga palabas na ito.
Ang Koreanovela o Korean Dramas ay mga panoorin sa telebisyon na
nagmula sa SouthKorea at ipinapalabas din dito sa Pilipinas. Taong 2003
nang unang ipakilala ang mga ito ng iba’t ibang TV Networks sa bansa.
Ngunit dahil na rin sa makabagong teknolohiya ngayon ay napapanood na rin
ng mga Pinoy ang mga Koreanovela sa Internet.
Inihalintulad ni M. Marvida, et. al (2008) sa isang napalakas na bagyo ang
pagdating ng Koreanovela sa bansa. Sinasalamin ng kanilang telenobela ang
tunay na drama at aksyon sa totoong buhay ng bawat isa sa atin.
Ayon kay Elora Joselle F. Cangco (2013), pinaibig ng hallyu o Korean wave
ang mga Filipino hindi lamang sa kanilang mga kanta, mga pananamit, mga
pagkain kundi pati na rin sa kanilang mga telenovela. Halos lahat ng telenovela
sa mula sa bansang Korea ay naging patok sa panlasa ng mga Filipino.
Karamihan sa mga Koreanovela ay nahahati sa dalawang genre. Ang
Trendy o napapanahon at Family drama. Ang mga ito ay may temang
pagmamahal na pumupukaw lalo na sa mga kababaihang manonood(Fang-
Chih at I. Yang ,2008).
Sa pag-aaral ni Leung (2004), nakakatulong ang Koreanovela sa pag-
unlad ng ekonomiya ng ating bansa dahil ito ay nagpapakita ng pag-usbong
ng modernisasyon sa Asya.

66
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Galugarin

Kasaysayan ng Koreanovela sa Pilipinas


Ang Koreanovela ay mas kilala ding K-drama, ay tumutukoy sa
mga teleserye na gumagamit ng wikang Koreano at nilikha sa Timog
Korea.
Naging bantog ang mga Koreanovela sa buong mundo, at naging
laganap ang kulturang Koreano , na malawakang presensya sa pamamagitan
ng mga serbisyo ng streaming na kadalasang may mga subtitulo sa mga iba't
ibang wika. Marami na ang mga nahangong Koreanovela sa iba't ibang mga
bansa at nagkaroon din ng mga epekto sa mga manonood nito.Bilang
halimbawa, naipalabas ang Jewel in the Palace (2003) sa 91 bansa.
Nakatawag-pansin ang mga Koreanovela para sa kani-kanilang moda, istlo,
at kultura sa buong mundo. Humantong ang lumalagong popularidad ng mga
Koreanovela sa malaking pampasigla ng linya ng moda.
Ayon sa blog ni Fabular, noong 2003, nakita sa telebisyon sa Pilipinas
ang isang makabuluhang pagbabago ng focus sa serye at palabas mula sa
ibang bansa na mas malapit sa Pilipinas tulad ng Taiwan at South Korea.
Samakatuwid, ang "Asianovelas" o Asian soap operas ay ipinakilala, simula
sa hit Taiwanese drama series, "Meteor Garden" na ipinalabas noong Mayo
ng taong 2003. Sa parehong taon, ang pagtaas ng Hallyu o Korean Wave ay
kinuha din ang bansa na parang bagyo. Simula noon, ang Asianovela craze
ay lumalaki at naging popular lalo na sa pagpapakilala ng Korean dramas sa
Philippine TV.
Naka dubbed man ito sa Filipino o pinanood na may subtitle na Ingles,
ang mga Filipino ay nakaaantig sa mga superstar ng Chinese at Korean na
may magandang pagmumukha at hindi maikakaila na charisma. Sa kabila ng
pagkakaroon ng aming sariling "teleseryes" o serye sa TV, mga drama at
antolohiya , ang mga Filipino ay hindi maiwasang mahulog ang puso sa K-
Drama at K-Pop na musika. Sa katunayan, ang ebolusyon ng K-Pop at K-
Drama sa Pilipinas ay naabot na ngayon sa online realm kung saan ang
maraming grupo ng mga Filipino fan base ay nakatuon sa mga partikular na
Korean artist o drama.
Maging makasaysayang dramas o mga nakabatay sa manga o comic
book, flower boy o supernatural dramas, o drama drama ng pag-ibig,
maraming nag-aabang na Filipino kapag ito ay ipinabalabas sa telebisyon.
Bakit ba mahal ng mga Filipino ang mga K-Drama at K-Pop na musika? Ano
ang nasa kanila at bakit tayo nabibihag dito?
Batay sa isang artikulo mula sa M2.0, ang unang bagay kung bakit
popular ang mga Korean drama sa maraming Filipino ay dahil sa tema nito.
Ang karamihan sa mga Korean drama ay naglalaman ng mga family-friendly
na mga tema na karaniwan na nakasanayan ng mga Filipino. Ang romansa,
pagkakaibigan, relasyon sa pamilya at kasaysayan ay ilan sa mga tema na
maraming Korean dramas na inilalarawan at ang mga ito ay parehong mga
mahahalagang kaugalian o tradisyon na pinahahalagahan din natin.

67
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Kabilang sa iba pang kadahilanan ang storyline, na hindi madaling hulaan at
ang balangkas ng drama ay nakatuon sa isang mabilis na tulin. Ang mga
madaling hulaan na balangkas at wakas ay hindi rin nire-recycle o paulit-ulit.
Ang disenyo ng produksyon, characterisasyon - na nangangahulugan ng
paghahanap ng tamang aktor o artista para sa drama na iyon at ang Hallyu
phenomenon- na literal na nangangahulugang "Flow ng Korea" at tumutukoy
sa pagtaas ng katanyagan ng kultura ng South Korea sa buong mundo ay
kabilang sa iba pang mga dahilan kung bakit tayo ay nabighani sa K-Drama.
Bukod sa bagong storylines at magandang cinematography, ang K-
Dramas ay nakakuha ng pansin ng mga Filipino sa lahat ng edad. Bagaman
karaniwan sa serye ng telebisyon ang Filipino upang mag-apela sa masa, ang
mga K-Drama ay tinatangkilik ng mga kabataan, may edad at kahit mga
matatanda.

68
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

1. Sa iyong palagay, ano ang naging impluwensya ng mga


koreanovela sa kultura ng mga Filipino? Isulat ang iyong sagot sa ibaba
nang hindi lalagpas ng 40-50 mga salita.

__________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________.
2. Magbigay ng isang Koreanovelang napanood at ilahad ang mga
katangian ng koreanovelang ito na iyong nagustuhan at hindi
nagustuhan.

Pamagat

Nagustuhan Hindi Nagustuhan

Katangian

69
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Ihambing ang mga katangian ng teleserye ng mga Filipino sa


koreanovela ng mga Koreano. Pagkatapos ilagay ang iyong sariling
konklusyon sa isinagawang paghahambing.
PINOY TELESERYE KOREANOVELA

Konklusyon:
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________.

70
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Panuto: Magpanayam ng apat na taong alam mong


tumatangkilik ng mga Koreanovela at apat na taong hindi nanonood ng
Koreanovela. Isa lamang ang tanong para sa kanila. “Bakit ka
nononood/hindi nanonood ng Koreanovela?”
Nanonood ng Koreanovela Kanilang sagot
1. Mag-aaral

2. Tambay

3. Propesyonal

4. Senior Citizen

Hindi nanononood ng Koreanovela Kanilang sagot


1. Mag-aaral

2. Tambay

3. Propesyonal

4. Senior Citizen

71
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Aralin 4. Kinahihiligan -Musika: Videoke

Ang Aralin 4 ay makatutulong sa iyo para masuri at


maunawaan mo kung bakit ang mga kinahihiligan ng mga Filipino
ay may kinalaman sa epekto ng kulturang popular.
Narito ang mga layunin sa iyong pagkatuto. Ikaw ay inaasahang:
1. nakapaghahambing at nakapagkokontrast ng sinaunang paraan at
layunin ng pag-awit sa kasalukuyan ng mga awiting kinahihiligan ng
karamihan sa ating mga Filipino;
2. masusing nakapagtatalakay ng mga dahilan ng pag-usbong ng
videoke sa Pilipinas;
3. nakapagpapahalaga ng sanhi at bunga ng pag-usbong ng videoke
sa bansa sa pamamagitan ng pagsulat ng isang repleksyon.

Kaya, ihanda mo na ang iyong sarili dahil sisimulan na natin ang


iyong paglalakbay.

Paliparin

May hilig ka ba sa musika? Ang araling ito ay pagtahak mo sa isa


sa mga kinahihiligan ng mga Filipino, ang pag-awit. Alamin natin kung
pamilyar at kilala mo ang mga mang-aawit na nasa larawan. Magbigay ng
isang pamagat ng kanyang awiting pinasikat ng nasabing mang-aawit at
isang linya ng awiting paborito mong bahagi ng nasabing awiting pinasikat.
Mang-aawit:
______________________________________
Awitin:
______________________________________
Linya ng Awitin:
Wharton, D. (2019,January 7).Sharon
Cuneta Shares Her Birthday Celebration At
Home With Family. Niretrib sa: ______________________________________
https://feistymomma.com/2019/01/07/sharon
-cuneta-shares-her-birthday-celebration-at-
home-with-family/ ______________________________________
Mang-aawit:
______________________________________
Awitin:
______________________________________
Linya ng Awitin:
______________________________________

WikiWand.(2020). Regine Velasquez. Niretrib sa: https://www.wikiwand.com/en/Regine_Velasquez


72
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Mang-aawit:
______________________________________
Awitin:
______________________________________
Linya ng Awitin:
______________________________________
______________________________________
Banzon, G. (2013, July 2).5 Reasons
Bamboo Rocks Our World. Niretrib sa:
https://www.cosmo.ph/entertainment/5-
reasons-bamboo-rocks-our-world

Mang-aawit:
_______________________________________
Awitin:
_______________________________________
Linya ng Awitin:
_______________________________________
_______________________________________
Facebook. (2018, October 3). Imelda Papin Official. Niretrib sa: https://www.facebook.com/imeldapapinofficial/

Mang-aawit:
_______________________________________
Awitin:
_______________________________________
Linya ng Awitin:
________________________________________
________________________________________
Ramos, R. (2019).Sarah Geronimo admitted she was hesitant to do ‘Unified’ concert with Regine Velasquez.Niretrib
sa:https://latestchika.com/sarah-geronimo-admitted-she-was-hesitant-to-do-unified-concert-with-regine-

Mukhang nawili ka sa unang gawain natin. Nakilala mo ba agad ang


mga mang-aawit? Nakatutuwa bang kantahin ang kanilang mga awitin?
Madalas mo bang naririnig ang kanilang mga awitin sa radyo? O hindi kaya
ay sa videokehan? Sila ang mga kilalang mang-aawit at madalas na
kinahuhumalingang kantahin natin ang kanilang mga awitin lalo na sa
videoke.
Basahing mabuti at alamin ang lawak at lalim ng kasaysayan nito
sa ating bansa. Iyong unawain ang tunay na mukha ng kinahihiligan ng
mga Filipino, ang videoke.

73
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Galugarin

Videoke

Ayon sa Kasaysayan

Ayon kay Tolentino (2015), hilig ng mga Filipino


ang pag-awit dahil ito ay bahagi ng kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay. Halimbawa
nito ay pag-awit habang nagtatrabaho sa
taniman, naghahabi ng basket, paghehele at
iba pa. Narito sa ibaba ang halimbawa nito.
Halimbawa:
Ili-Ili Tulog Anay Yetyet_bm. (2020). Ili-ili Tulog anay.
Niretrib sa:
Visayan Song https://www.smule.com/song/visaya
n-song-ili-ili-tulog-anay-karaoke-
lyrics/174093258_3180203/arrange
ment
Ili-ili tulog anay,
Wala diri imong nanay.
Kadto tienda bakal papay.
Ili-ili tulog anay.

Layunin ayon sa Kasaysayan

Ang pagkahilig ng ating mga ninuno sa pag-awit ay nagsilbing


pagtatakda sa kaayusan sa buong komunidad. Pagsisiguro ito ng patuloy na
pag-iral ng buhay-komunidad kaya naging mahusay ang pagtatrabaho,
napapadali ang pagtuturo, pagsasalin ng karunungan at higit sa lahat
nagbubuklod ng mga mamamayan.
Nagagawa ito dahil ang mga kaalamang kinakailangan para sa
patuloy na pag-iral ng komunidad ay nakapaloob sa mga epiko na
karaniwang inaawit. Ang pag-awit ng ating mga ninuno bilang pang-aliw ay
funksyonal at lahat ay nakikinabang.
Sa paglipas ng panahon marami na sa ating mga Filipinong mang-
aawit ay nagbigay ng karangalan sa bansa. Maging sa pamamaraang
pampubliko o pribadong palabas o pagtitipon na may awitan bilang bahagi
ng programa, ang awitin ay hindi nawawala. May talento o wala karamihan
sa ating mga Filipino ay may hilig sa pag-awit sa pamamagitan ng VIDEOKE
sa kasalukuyan…

74
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pagdadalumat sa Aliw

Sinabi ni Francisco Tolentino(2015), narito ang mga dahilan


ng madalas na pagkahilig sa pag-awit ng mga Filipino.

Laging naghahanap ng aliw


Konsepto ng pampalubag-loob o
konsolasyon


Paghahanap ng ginhawa at
paglilibang


kaugnay ito sa paghahanap ng
dibersyon o pagtakas sa isang aba o
Videoke Pichirap.(2020).Niretrib sa:
https://www.worthpoint.com/worthopedia/megatouch- malungkot na sitwasyon
touch-screen-upright-arcade-game 

Konsepto ng aliw sa kasalukuyan ay
– May pera
Uri ng Aliw sa Videoke
A. Teknolohiya, Modernisasyon at Sosyalisasyon
Sa pagdaan ng panahon, nagkakaroon ng pagbabago sa konteksto ng
pag-awit. Tulad sa kasalukuyan, ang pagvivideoke ay isang uri ng
sosyalisasyon. Sa pamamagitan nito, pinagbubuklod ang pagkakaibigan,
grupong nagkukuwentuhan, nagbibidahan, nagsasabihan ng problema o
simpleng nagbibiruan.
B. Ang Pantasya ng Tagumpay at Pagkapanalo
Madalas ang pagvivideoke ng karamihan sa ating mga Filipino ay dahil
para sa kanila ito ay:
 
Ang aliw na dulot ng videoke ay bilang laro
Makikita sa videokehan ang nag-uunahan sa paghawak ng mikropono
o pagpili ng awit sa songbook o pagkakantiyawan ng magkakaibigan o
magkakapamilya sa isang pagtitipon.
 
Maaaring isang sugal
Ito ay nagiging instrumento sa pagkamit ng mabilisang pera gaya nang kung
may paligsahan dito.
 
Ihinalintulad ito sa panonood ng sine o teleserye
Ang itinataya ay hindi materyal na bagay kundi inaasahang galing sa
pag-aanalisa at panghuhula kung ano ang magiging iskor sa huli ng taong
kumanta.
C. Naratibo ng Seks at Relasyon sa Videoke
Madalas ang imahen sa iskrin sa videoke ay larawan ng magaganda,
seksi at nakabikining babae lalo na sa pagtitipon sa inuman maging sa mga
bar; ganito ang ipinapakita sa iskrin bilang imahen habang umaawit.
75
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
D. Mapang-akit na pose at mapanuksong nagsasayaw
Sa iba, tungkol naman sa pakikipagrelasyon ang laman ng iskrin (na
parang telenovela). Likas sa mga Filipino na magkaroon ng kaugnayan sa
iba, sekswal man o hindi higit sa mga urban na komunidad na nagkakaroon
ng panandaliang relasyon lamang.
Dahil sa hilig natin sa pagvivideoke, hindi natin namamalayan
nagkakaroon ng sublimasyon sa pamamagitan ng videoke. Maiugnay rin na
ang pagiging meta-fiction ng videoke kung tutuusin, iniuugnay ng mang-aawit
ang kanyang buhay sa naratibo ng awitin. Nadadama niya ang mensahe na
hatid ng awitin at inilalagay niya ang kanyang sarili sa kuwento ng awitin.
Sa kasalukuyan, ang mga awiting popular ay tungkol sa
pakikipagrelasyon. Ang idinudulot ng pagvivideoke ay isang inspirasyon o
aliw. Parang katuparan ng imposibleng kahilingan o pangarap sa antas
pantasya ng mga taong nahuhumaling dito.
Habang sa mga videoke bar, naging instrumento ito ng foreplay, ito ay
pakikipagkita ng mga babae sa gusto nilang lalake. Kaya nauuwi sa kasawian
o panandaliang relasyon lamang.

E. Ekstensyon ng Neo-Kolonyal na Pananakop


Hindi natin inaalintana ang mga awiting mayroon
sa videoke, karamihan ay nasa Ingles, mapalokal o
hindi man. Ang pinakamadalas na maririnig sa mga
inaawit ay ang awiting My Way at maraming beses na
naging ugat ito ng gulo.
Sa isang banda, ang mga awiting Bisaya naman
ay bihira lamang at pagpapatawa o pinagtatawanan
bilang bakya o baduy ito kung inaawit.
SingKing. (2019,November 14). Frank Sinatra - My Way (Karaoke Version).Niretrib
sa: https://www.youtube.com/watch?v=tAEek8nO11c

Mapapansing ang mga awitin nating OPM (Original Filipino Music) ay


nasa kanluranin din naman ang tono at nilalaman. Kung makikita sa iskrin
bilang tauhan sa videoke ay puti at kung Asyano nagtatangkang
magmukhang puti sapagkat, ang konseptong kanluranin ukol sa pagiging
maganda at guwapo ang ating laging pamantayan.
Sa pangkalahatan, ang pagvivideoke para sa mga Filipino ay:

 Paglalaro

 Pagsusugal

 Nagbibigay excitement (kawalan ng kasiguraduhan ng pagkapanalo) 

 Katuparan ng hiling o pagnanasa hindi sa eksaktong gusto 

 Instrumento ng panandaliang ugnayang tao 

Pagkahilig sa kanluraning bagay at ideya (colonial mentality/
kolonyal na mentalidad)

76
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Videoke Bilang Instrumento ng Gahum
Mula sa kuwento sa mito, ugali ng mga Filipino ang pagiging matiisin,
pagkamartir at puno ng pakikibaka. Kung ano mang hirap na dinadanas nila,
ipasalangit na lang ang kalutasan ng problema madalas ito ang bukambibig,
“bahala na” o “Bathala na”. Ang paniniwalang ito ay impluwensya ng
Katolisismo mula sa Espanya.
Tanong: Bakit walang ginagawa ang mga Filipino sa kasalukuyang
nagaganap sa bansa kahit lantaran ang korapsyon? (nanonood na lamang ng
balita at naghihintay sa mangyayari)
Ang dahilan ay ang papasok ng gahum ng mga nasa poder.
Pumapaloob ito sa negosasyon at nagbibigay ng konsesyon ang may
kapangyarihan sa kanilang nasasakupan. Kahit dama ang hikahos
nagagawang huwag pansinin ito ng mga Filipino. Kung kaya, naglalagay ang
mga nasa poder ng mga bagay na magpapalimot sa mga Filipino

Kaya hinayaan natin maulit muli ang pagkakamali. 
Ayon sa Freudian na pananaw, narito ang tatlong dahilan bakit
malungkot ang tao (Thurschwell, 2000, sa Tolentino, 2015).
1. Dahil sa superyor na kapangyarihan ng kalikasan
2. Ang kahinaan ng katawan laban sa kalikasan
3. Kawalan ng mga regulasyon na magsasaayos sa magandang ugnayan
ng mga tao sa pamilya, estado at lipunan

Sa katunayan, naghihirap ang mga tao sa mga eksternal na


restriksyon at napipilitang magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami o
ng lipunan. Gayon na lamang na pinagsumikapan niyang harapin at lutasin ito
sa pagtuon sa ibang gawain. Batay sa paniniwala ni Freud, ito ay instinct ng
tao: pleasure at preserbasyon sa sarili.
Kaya nagbubunsod sa karaniwang mga Filipino, ang pagvivideoke.
Karamihan sa nahihilig at tumatangkilik sa pagvideoke ay mahihirap. Makikita
sa mga nag-iinuman at nagvivideokehan pagkatapos ng trabaho. Minsan,
nagsisipag sa trabaho upang makapaglibang. Paraan ito upang mapanatili
ang kanilang bait sa sarili habang hinihintay at pinagsisikapang maabot ang
kanilang layunin. Kaya ang gawain ng paggamit ng videoke ang madalas na
hingahan nila para maantala ang pleasure para sa kabutihan ng lipunan.
Ang pagvivideoke ay isa ring instrumentong politikal dahil masusuri natin
ang mga awitin sa ngayon ay may pare-parehong tono, melodiya at nilalaman.
Ito ay dahil sa may sinusunod na istardardisasyon. Layunin nitong
magkaroon ng iisang reaksyon ang mga nakikinig at hindi masasanay ang
konsumer na maging kritikal at mapanuri. Hindi nito itinatago sa mga bagay
sa kulturang popular (videoke) ,ang hirap ng kalagayan. Samakatuwid, dinidiin
nito ang ideya na walang kapangyarihan ang tao na baguhin ang kanyang
kalagayan.

77
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Ito ay tinatawag na pseudo- indibidwalisasyon. Layunin nitong maukit
ang ganitong reaksyon dulot ng istandardisasyon at tinatakpan nito ang
katotohanang walang kapangyarihan ang mga tao. Saka nagbubunga ito ng
tinatawag na mistipikasyon. Pinapalabo nito ang realidad at nagbibigay
kalituhan sa mga tao. Sa kapangyarihan nitong, nagagamit ang
pagsisinungaling upang umayon sa isang interes.
Ano ang lugar at gamit ng videoke sa mga Filipino?
Ito ay isang simulacrum sapagkat, mahihiwatigan sa videoke ang
ugali ng mga Filipino.
Mahilig ang mga Filipino:
◍ Magsugal
◍ Maglaro
◍ Magkaroon ng madaling pera
◍ Makakalimutin sa kasaysayan
◍ Pasibo
◍ Sekswal

Bunga ito ng:


 A woman singing in a videoke. (2019). Niretrib sa:
  ng Kulturang
Mistipikasyon https://cnnphilippines.com/news/2018/03/13/videoke-
Popular karaoke-house-bill-1035.html
 
Maaaring likas na rin

Maaaring iniaangkop ang mga ugaling ito sa kultura, binigyan ng ibang

kahulugan at ipinatanggap bilang katotohanan… isang realidad na
hindi umiiral…

Malayo ba sa inaasahan mo ang kaalamang nabasa mo tungkol sa


videoke? Ano ang damdamin mo nang mabasa mo ito? May alinlangan ba?
May pagninilay ka ba? May malalim na pag-iisip? Dahil ba sa binasa mo, may
nagbago ba sa iyong persepsyon tungkol sa videoke bilang libangan ng
karamihan sa mga Filipino? Hindi mo ba akalaing ito ang dahilan ng pag-
usbong ng videoke na kinahuhumalingan ng halos lahat sa atin? Para
malaman natin ang iyong pag-unlad sa pagkatuto, sagutin ang mga gawain
na inihanda para sa iyo.

78
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Naging malalim ba ang iyong pag-iisip sa iyong nabasa? Sa gawaing


ito, ihambing at ikontrast mo ang noon at ngayon bilang tungkulin at gamit ng
pag-awit na karaniwang kinahihiligan nating mga Filipino.

Sa iyong pagsagot nito, isusulat lamang ang mga susing salita o parirala
sa loob ng kahon batay sa hinihingi ng venn diagram sa ibaba. Sa pagkontrast,
kailangang nakaparalel ang bawat panig. Kung ang pinag-uukulan mo ay sa
pamumuhay, nararapat na itimbang mo bilang pagkakaiba sa kabilang panig.
Magbigay ng lima sa pagkakaiba ng Noon at Ngayon at lima na rin sa
Pagkakapareho ng dalawa. Gawing payak at direkta ang nais tukuyin.

NOON (Pagkakaiba)

Pagkakapareho NGAYON (Pagkakaiba)

79
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Alam kong hanggang sa ngayon ay iniisip mo pa ang mga


impormasyong nahinuha mo sa iyong binasa. Matutulungan kang masuri pa
ang mahahalagang detalye mula sa binasa mo sa ating gawain. Sa
pamamagitan ng discussion web, mapagtimbang mo ang mga dahilan at
iyong kongklusyon sa iyong nabasa. Mula sa iyong pagsagot, matatalakay mo
nang husto ang konteksto ng videoke sa ating lipunan.
Makikita ang dalawang panig, ang negatibo at positibo. Isulat sa bawat
kahon ang mga dahilan ng videoke kung ano ang tungkulin at gamit nito sa
araw-araw na pamumuhay nating mga Filipino. Magbigay ng lima sa hindi at
ganoon din sa oo. Gawing payak at mga susing salita o parirala lamang ng
isusulat sa bawat panig.
Pagkatapos ay isulat ang buong kongklusyon mo ukol sa nalaman mo
sa videoke. Isulat naman ito sa patlang nang may 40 – 50 na mga salita
lamang.

Mga Dahilan

Negatibo Positibo
VIDEOKE

Kongklusyon

________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

80
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Kumusta ang iyong pagsagot sa ating mga gawain? Alam kong


malawak ang sakop at malalim ang epekto ng videoke sa ating lipunan higit
sa ating mga araw-araw na ginagawa. Pagtibayin pa ang iyong pagkaunawa
at persepsyon sa susunod nating gawain.

Pagnilayan ang mga kalagayan sa larawan sa ibaba saka sagutin mo


ang tanong na ito bilang isang repleksyon mo. Isulat sa patlang ang iyong
sagot na hindi hihigit sa 40 - 50 na mga salita lamang.
Tanong: Tunay bang naibsan ang mga panimdim at pinagdaaang krisis
sa buhay nating mga Filipino sa pamamagitan ng
pagkahumaling natin sa videoke?

Cerrudo, A. (2020,May 14). Out of Sim, D. (2014, November 7). Typhoon FFE Tech News Staff. (2014, February
job jeepney drivers in Manila turn to Haiyan Anniversary: 40 Powerful Photos of 1). What does Google say about the
begging amid ECQ. Niretrib sa: the Storm that Devastated the Philippines?.Niretrib sa:
https://ph.news.yahoo.com/job- Philippines.Niretrib sa: http://ffemagazine.com/google-say-
jeepney-drivers-manila-turn- https://www.ibtimes.co.uk/typhoon-haiyan- philippines/
112841390.html anniversary-40-powerful-photos-storm-that-
devastated-philippines-1473294

Sagot:
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________.

81
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Kinahihiligan- Musika: Novelty song

Ang Aralin 4 ay magbibigay sa iyo ng mga impormasyon


tungkol sa awiting pinakatinatangkilik ng karamihan sa mga Pilipino.
Narito ang mga layunin sa iyong pagkatuto; ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga katangian at gamit ng awitin sa bansa batay
sa kasaysayan sa bawat panahon;
2. nasusuri ang kahulugang nakatago bilang dobleng kahulugan sa
mga awitin ng novelty song;
3. masusing maisa-isa ang kaugnayan ng mga liriko sa aspektong
kultural, sosyal at politikal upang masuri ang kontekstong dala ng
novelty song;
4. nakasusulat ng sariling reaksyon sa pangkalahatang pananaw
tungkol sa novelty song.

Paliparin

Tingnan natin ang iyong galing sa paghula ng mga awitin. May


mga larawan akong ipapakita sa iyo at tuklasin sa pamamagitan ng mga
sinisimbolo ng mga larawan ang magiging pamagat ng awitin at ibigay kung
sino ang umawit at alamin kung anong taon sumikat ang nasabing awiting
hinulaan. Tara na at tayo ay magsisimula na.

Business News Philippines. (2017). Starting a rice and palay business.Niretrib sa:
https://www.businessnews.com.ph/starting-a-rice-and-palay-business-20171216/

1) Pamagat
ng
Awitin:
Mang-aawit: ___________________________________________
Taong Sumikat ang Awitin: ___________________

2) Pamagat
ng Awitin:

The fitmum formula.(2017, August 23). The Candida Diet


– Could It Work For You?. Niretrib sa:
https://www.thefitmumformula.com/blog/candida-diet-
work/

Mang-aawit: ______________________________________
Taong Sumikat ang Awitin: _________________
82
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
School Clipart. (2020). Niretrib sa :https://schools.clipart.com/search/close-
up?oid=5046531&q=athlete&s=1&a=d

3) Pamagat ng Awitin:
Mang-aawit: _____________________________________________
Taong Sumikat ang Awitin: __________________

Clipart vector Image. (2015). Niretrib sa:


https://www.clipartmax.com/middle/m2i8i8b1G6Z5i8d3_aerial-
clipart-wireless-signal-clipart/

4) Pamagat ng Awitin:
Mang-aawit: ___________________________________________
Taong Sumikat ang Awitin: _________________

Clipart vector Image. (2015). Niretrib


sa: https://pngtree.com/freepng/hand-
palm-logo-icon-design-template-
vector_3643754.html

5) Pamagat ng
Awitin:
Mang-aawit: ____________________________________________
Taong Sumikat ang Awitin: ___________________

Nasiyahan ka ba sa ating paghuhula? Naging mahirap ba sa iyo ang


hulaan ito? O madali lamang? Ang mga awiting hinulaan mo ay mauri
bilang novelty songs. Paano ito naging bahagi ng kulturang popular? Sige,
alamin natin ang tungkol sa novelty song.

83
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Galugarin

Novelty song

Ang musika ay isang sining na bahagi ng kultura ng bawat tao o pangkat


ng tao. Nasa anyo ng pagkanta ng mga himig at liriko at o pagtugtog ng musikal
na instrumento na lumilikha ng tunog at himig dito nagsimula ang musika.
Ayon sa Kasaysayan

Sa Pilipinas, masasabing ang musika ay siyang sumasalamin sa


mayamang kulturang nag-uugat pareho sa katutubong pinagmulan at sa
impluwensya mula sa labas, at gayundin sa resulta ng pag-aangkop dito
at pagsasanib ng mga ito (Besa, 1998).
Nauri ni Besa (1998) ang musika sa Pilipinas
sa tatlo:
(1) ang katutubo,
(2) ang may impluwensyang Espansyol, at
(3) ang may impluwensyang Amerikano
Sa panahong Pre-kolonyal, umiral na uri ngLaurellee.(2016). Painitng.Niretrib sa:
https://www.givinity.com/painting-of-
kanta ay yaong mga ukol sa mga tipikal na gawain. the-week-wool-patterns/

Nariyan ang pag-awit habang nagtatrabaho sa taniman at naghahabi ngtela o


naglalala ng basket. Nariyan rin ang pag-awit ng matatanda sa mga bata o
kaya’y buong komunidad at iba pa (Torralba, 2006).
Sa kolonyal na Pilipinas sa ilalim ng mga Espanyol, umiral ang kantang
patungkol sa pag-ibig, ang Kundiman (Totanes, 1998) at mga kantang may
kinalaman sa relihiyong Katoliko at Katolisismong pamumuhay at paniniwala
(CCP, 1994).

Nauso ang “popular music,” gaya ng kantang Jazz, kaalinsabay


ng Kundiman, sa panahon sa ilalim ng mga Amerikano (Foronda, 1975).

Matapos ang kolonyal na panahon, lalo noong


dekada ’70, mga “Filipinized” ang popular na
musika—pinoy rock, pinoy ballad, pinoy, pinoy pop,
pinoy folk.
Ang “NOVELTY SONG” na itinuturing na
“another trending pinoy pop” ay nagsimula
matapos ang kolonyal na panahon (CCP,1994).
Kagaya na lamang ng novelty song na
nakatawid mula dekada’70 hanggang kasalukuyan at
Amazon Music.(2016).The Best of maituturing na ring bilang isa sa mahahalagang
Yoyoy Villame, Vol. 1. Niretrib sa:
https://www.amazon.com/Best-Yoyoy- representasyon ng musika sa Pilipinas matapos ang
Villame-Vol/dp/B01714502A
kolonyal na panahon hanggang sa kasalukuyan.
84
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Lumitaw ang novelty song sa kasaysayan ng musika sa Pilipinas noong
dekada ’70 sa pangunguna ng novelty song singer na si Yoyoy Villame.
Lumabas ang kanyang kanta na “Buchikik”at “Mag-Exercise Tayo”
noong 1972 na itinuturing bilang patok na kanta nang mga panahong iyon.
Si Villame ay tumanggap ng parangal para sa kanyang mga awiting
bilang “Best Novelty” sa Awit Awards noong 1993 (Lucas, 1994) at tinagurian
din bilang ‘King of Filipino Novelty Songs’ (Jorge, 2007).

Bakit nga ba kumakanta ang mga tao?


Sagot: May “aliw” sa pagkanta
Ayon sa aklat na, “Aliw: Selected Essays on Popular Culture” ni
Soledad Reyes (2000),may iba’t ibang klase rin ng aliw:

(1)“aliw” bilang “acto consolar”o isang gawaing tumutulong upang


maibsan ang hirap at sakit;
(2)“aliw” bilang “kondisyon ng kalayaan;” at
(3) “aliw” bilang “paglilibang” na karaniwang nakakabit sa konsepto ng
“pahinga.”


Ang novelty
 song ay kategorisado sa ilalim ng tinatawag na “kulturang
 popular.”

Ang kulturang popular ay tumutukoy sa anyong kultural (at nilalaman
nito) na ipinakilala mula sa labas bago ito naging asimilisado patungo
  ng pagpapahalaga ng mga tao [mga nasa
sa sensibilidad at sistema
loob] (Lumbera, 1984).
  
Sa mga katangian ng kulturang popular sa kalahatan na ibinigay ni
Rolando Tolentino sa kanyang aklat na “Sa Loob at Labas ng Mall kong
 Sawi” (2001), halos lahat sa mga ito’y makikita sa isang novelty song.

Aniya, ang kulturang popular ay ginagawa para sa kita; ipinalalaganap

sa pamamagitan ng teknolohiya; nanggagaling, pangunahin, sa sentro,
at iba.
Mula Dekada ’90 hanggang kasalukuyan, mas kilala ang kanta ni
Lito Camo bilang mga novelty song.

Ang mga liriko ng novelty songs na pinasikat nina
Willie Revillame, Bayani Agbayani, Angelica Jones, Ya
Chang, grupong Sexbomb, Viva Hot Babes, JaBoom
Twins, K and the Boxers,  Maskulados, at iba pa ay
kadalasang nilikha ni Camo.
Itinuturing siyang “King of Novelty Songs” ng
kasalukuyang panahon dahil na rin sa pagsikat ng
bawat partikular niyang gawa ang kantang “Otso-
Taruc, N. (2008). Star Records.
Niretrib sa: https://www.yellow- Otso,”bilang “pambansang awit” na ito sa kalipunan ng
pages.ph/business/star-recording-
incorporated/photos mga batang Filipino (Ramos, 2005).

85
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Ang bandang Parokya ni Edgar at Kamikaze ay itinuturing ding
tagapagtaguyod ng mga nakatatawang kanta na pinasimulan ni Yoyoy
Villame (Jorge, 2007).
Ang Novelty Song sa Pilipinas ay madalas nating napapanood/
napapakinggan sa telebisyon. Ang novelty songs na ito ay naipaparating sa
pagsasanib-pwersa ng teknolohiya at industriya ng broadcasting.
Narito ang talahanayan upang makita mo ang impluwensiya at epekto
ng novelty song sa ating kultura.
Novelty songs
Sa konteksto ng kulturang • Ginagawa para sa kita (bakit
popular ginagawa) Ipinapalaganap sa
(Rolando Tolentino) pamamagitan ng teknolohiya
(paano nakukuha)

Sa konteksto ng kulturang • Nanggagaling mula sa sentro


popular (saan nanggagaling) Popular,
(Rolando Tolentino) sumasaklaw sa pinakamaraming
bilang ng mga tao (sinong
tumatangkilik)
Sa konteksto ng kulturang • Popular, tinatanggap ng
popular, Pilipinas (Imelda de mayorya [masa o mga
Castro) mahihirap]
• May hindi pangkaraniwan,
kakaibang elemento
Sa konteksto ng kulturang Nakakapaghatid ng katuwaan
popular, (sa mga tagapakinig)
Pilipinas (Imelda de Castro)
Sa konteksto ng kulturang • Nakakapagdulot ng katanyagan
popular, Pilipinas (Imelda de (sa mga gumagawa)
Castro)  May dalang kabastusan
 May double meaning
(sa mga liriko, nilalaman)
Novelty song, Pilipinas, liriko • Kadalasang may “Taglish”
(Pascua) (wikang gamit)
• Batay sa napapanahong bagay o
pangyayari (lirikong gamit)

Gamit ng novelty songs


(1) novelty song bilang pinanggagalingan ng kita,
(2) novelty song bilang tagapaghatid ng katuwaan, at
(3) novelty song bilang tagapagbigay katanyagan

Ang kontemporaryong panahon ay panahon nga ng paglaya, panahon


ng globalisasyon at kaabalahan, bagamat panahon din ng pagbangon ng
kahirapan.

86
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Dahil dito, ayon na rin kay Reyes (2000), nais ng mga Filipino ang
magpahinga (sa dami ng ginagawa at o lumiban man lang sa kahirapan kahit
pansamantala — isang uring paglaya) at maglibang (gagawin para makuha
ang pahinga o paglaya).
Halimbawang Novelty Songs 1970s’
Yoyoy Villame Fred Panopio
“Philippine Geography” “Ang Kawawang Cowboy”
“Butsekik” “Pitong Gatang”
“Mag-exercise Tayo”

Halimbawang Novelty Songs 1970-80s’


Tito, Vic and Joey (legendary disco group VST & Company)
“OPM Department”
“BBB Department”
“Manila Sound Department”
“Upakan (Dialogo)”

Halimbawang Novelty Songs 1990s’


Andrew E (classic hiphop novelty)
“Humanap Ka Ng Panget”
Michael V
“Maganda Ang Piliin – Ayoko ng
Panget” Facebook. (2018,December 18). Humanap ka ng

Panget. Niretrib sa:


https://www.facebook.com/363972647741716/phot
os/a.363972691075045/364030657735915/

Halimbawang Novelty Songs 1990s’


Jolina Magdangal Parokya ni Edgar
“Chuva Choo Choo” Dayang Dayang – papirit na
papirit
Star Music Rewind.(2019, May 13).Jolina Magdangal - Laging Tapat. Niretrib
sa:chttps://www.youtube.com/watch?v=BI5yPyhjYFo

Halimbawang Novelty Songs 1990s’


April Boy
April Boy Regino (Pinoy Pop Rock) Music.(2014).
Niretrib sa:
https://www.201tub

“Di Ko Kayang Tanggapin” , “Honey, e.tv/rev/april+boy+r


egino+best+songs
My Love”, “Umiiyak ang Puso”

87
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Halimbawang Novelty Songs 2000s’
Bayani Agbayani Sexbomb Girls
“Otso Otso” “Ispageti Song”
“Halukay Ube”
“Bakit Papa?” Napster.(2019).Ito Gusto Mo (Minus One). Niretrib sa:
https://us.napster.com/artist/bayani-agbayani/album/ito-gusto-
mo-minus-one

Vhong Navarro Sandara Park VIVA Hot Babes


“Pamela” “In or Out” “Kikay”
“Don Romantiko” “Bulalak”
“Totoy Bibbo” “Basketbol”

Masculados K & The Boxers Willie Revillame


“Jumbo Hotdog” “Sasakyan Kita” “Pito-Pito”
“Sana Mama” “Sundo’t Hatid” “Beep Beep Ang Sabi ng Jeep”
“Boom Tarat Tarat”

Joey De Leon Michael V ASAP Songs


“Itaktak Mo” DJ Bumbay”, “Joy in My Heart” “Kembot” ni Marcus
Davis
“Kagat Labi” “Dulce Tirah Tirah”
Halimbawang Novelty Songs 2010
Vice Ganda
“Push Mo Yan Te”
“Boom Panes”
“Karakaraka”

ABS-CBN Star Music. (2014,December 17).


#PushMoYanTe - Vice Ganda ft. Regine Velasquez-Alcasid
(Lyrics).Niretrib sa:
https://www.youtube.com/watch?list=RDuryXFfaBaGQ&v=
uryXFfaBaGQ

Eat Bulaga Dabarkads songs


“Shembot”, “Jump Brother” - Jose &
Wally
“Cha Cha Dabarkads” at “Look Up” -
Dabarkads Ryzza Mae Dizon The Filipino Times.(2019, September 19). Eat Bulaga

“Bastelicious” - Sebastian Baste headed to Dubai this November 2019. Niretrib


sa:https://filipinotimes.net/entertainment/2019/09/19/eat-
bulaga-headed-dubai-november-2019/
Granfon

88
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Halimbawang Novelty Songs 2011- 2020s’
Donnalyn Bartolome Ex-Battalion DJ Khaled Matthaios
“Kakaibabe” “Hayaan Mo Sila” “I’m The One” Catriona

Buod at Kongklusyon

Ang musika ay isang sining na karaniwan nang bahagi ng buhay ng


mga Filipino. May iba’t ibang uri ng musika mang umiiral sa bawat panahon,
napananaigan man ang ating musika ng mga impluwensya mula sa labas ng
bayan sa madalas na pagkakataon dahil na rin sa proseso ng kolonisasyon,
ang mahalagang tanong ngayon ay paano ang naging tugon ng mga Filipino
sa kolonisasyon? Kadalasan napagkakamalan tayong walang sariling kultura,
walang sariling musika dahil sa mga impluwensya. Totoo na pagdating sa
kultura hindi madaling isa-isahing pulutin ang hibla ng ating pagkakakilanlan
sa karagatan ng mga impluwensya, gayunpaman, ang paglayang politikal ay
sinikap ding masabayan ng paglayang kultural, isang paraan ay ang muling
pagbabalik at pagpapalakas ng Filipinong identidad sa musika (Pascua, 2017,
pp. 70 – 71).
Napaawit ka ba sa mga halimbawang awitin sa bawat panahon? Ang
saya, hindi ba? Ang balikan ang mga awiting iyong dating narinig sa radyo.
Kahit hindi mo ito panahon, napapakanta ka pa rin dahil nga ang mga awiting
ito ay popular, isang novelty song. Para matiyak ko ang iyong pag-unawa sa
binasa, gawin mo ang susunod na gawain.

89
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Nakatutuwang balikan ang mga awiting nakapagpaindak sa karamihan


sa atin sa tuwing naririnig ito sa radyo. Isa ito sa nagpapagaan ng
pakiramdam sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, ang pagkanta. Ang gawain
ngayon ay tungkol sa mga katangian at gamit o layunin ng katangian ng
novelty song sa bawat panahon.

Makikita sa ibaba ang limguhit ng kunwaring isang sukat sa isang


awitin. Sa bawat limguhit o linya, isusulat ang dalawang gamit o layunin ng
novelty song sa hinihinging panahon at sa nota naman na nasa linya nito ay
punan mo ng dalawang pinakakatangian nito subalit sa huling panahon ay
apat ang ibigay. Isulat lamang ang mga susing salita. Handa ka na bang
umawit sa gawain? Sundan ang mga nota sa limguhit nito.

Panahon

Pre- kolonyal__________________________________________________

Español______________________________________________________

90
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Amerikano____________________________________________________

Dekada ‘70____________________________________________________

Dekada ’90 – kasalukuyan________________________________________

Nawili ka ba sa paglagay ng iyong mga sagot sa mga nota? Ang


sunod na gawain ay mismong pagpili mo na ng novelty song na iyong
pahapyaw na susuriin.

91
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Madalas sa mga katulad nitong novelty song ay may dalawang


kahulugan. Sabi nga ni Castro, may dalang kabastusan at double meaning
ang mga liriko ng novelty songs. Kaya sa gawain mo, pipili ka ng isang awitin
sa ibaba at suriin ito batay hinihiling.

Narito ang mga pagpipiliang novelty songs sa ibaba. Pagkatapos ng


iyong pagpili, punan ang pormat.

Otso-otso (Lito Camo) – Bayani Agbayani Catriona (Matthaios)


Boom Panes (Vice Ganda) Jumbo Hotdog (Masculados)
Bulaklak (Viva Hot Babes) Sasakyan Kita (Karthik, The Boxers)

• Pamagat ng Awitin:
______________________________________________
• Awtor/ Artist:
___________________________________________________________
• Paksa/ Tema ng awitin: _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

• Nagsasalita sa loob ng tula (awitin) bilang Persona: ________________


• Pinatutungkulan ng awitin: ____________________________________
• Mensahe: : ________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Matapos mong ibigay ang mga impormasyon tungkol sa awiting iyong


pinili bilang dagdag na gawain natin, pipili ka naman ng dalawang saknong sa
awitin na may dobleng kahulugan. Ibigay ang denotasyon (literal) at
konotasyong kahulugan nito.

92
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Mga Saknong na may Kahulugan
Dobleng Kahulugan
Saknong 1 Denotasyon:

Konotasyon:
(Pagpapakahulugan sa saknong)

Saknong 2 Denotasyon:

Konotasyon:
(Pagpapakahulugan sa saknong)

Tunay ngang iba ang kahulugan ng mga liriko sa kung ano ang
mababaw na ibig pakahulugan nito. Maging maingat tayo sa mga awitin na sa
palagay lamang natin na dahil ay uso ito, sinusunod na lang natin na walang
pag-aalintana sa kahulugan nito. Subukin natin ang masisining pagsusuri mo
sa awiting pinili mo. Sundan ang susunod na gawain.

93
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Para sa iyong huling gawain sa araling ito, matapos mong awitin ang
kantang pinili upang makuha ang kahulugan nito, ang susunod ay pagsusuri
mo naman sa aspektong tinatalakay ng awitin.
Sa ating categories organizer, may tatlong aspektong hinihingi. Pumili ng
tig-isang saknong na akmang may kinalaman sa nasabing aspekto. Ipaliwanag
mo kung paano nagpapakita ang saknong na iyong pinili sa tinukoy mong
aspekto nito. Gawing tiyak at direkta ang sagot sa nais mong sabihin.
KULTURAL SOSYAL POLITIKAL
Saknong Saknong Saknong

Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag:

94
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Ang araling ito ay nagbigay ba sa iyo ng hinuha at realisasyon? Sa iyong
pagpatuloy, magbigay ka ng maikling pangkalahatang reaksyon sa konsepto at
konteksto hinggil sa novelty song na may 50 – 70 na mga salita lamang.

REAKSYON KO

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Ang iyong reaksyon sa kabuuang pagkatuto mo sa araling ito ay


magtatakda at susukat ng iyong paghinuha sa lalim ng kahulugan ng novelty
song.
Natutuwa ako at iyong natapos ang mga gawaing inihanda para sa
iyong pag-unlad at pagkatuto. Maging mapagmasid at maingat sa kung ano
ang maaaring epekto at impluwensyang dulot ng kulturang popular sa
iyong buhay. Ang aking pagbati sa iyo.

95
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Mga Kinahiligan- Mobile Games
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
1. nasuri ang impluwensyang dulot ng larong mobile at epekto
nito sa kultura
2. naanalisa ang pagbabagong sosyal dulot ng kinahiligang laro

Paliparin
A larong mobile o mobile games ay nilalaro gamit ang mga
gadget katulad ng smartphone. PDA, tablet computer, portable media player
o maging sa calculator. Hindi dito kasama ang mga larong handheld video
games system katulad ng Nintendo 3DS o PlayStation. Ang kauna-unahang
laro sa mobile phone ay ang Tetris sa Hagenuk MT-2000 device noong 1994.
Matapos ang tatlong taon inilunsad ng Nokia ang larong Snake sa mga piling
model noong 1997. Ang larong snake at ang mga kauri nito ang pinaka-
naging popular sa mga nilalarong video games na umabot ng 350 milyong
devices sa buong mundo.
Dahil sa karamihan sa mga mobile devices ay maroon lamang limitadong
sistemang mapagkukunan, ang mga tampok nito ay hindi kasingdami ng mga
larong dinesensyo para sa PC’s o mga larong pang-aliw. Halimbawa ay isang
mobile device (noong 2011)- Ang Sony Ericsson Xperia PLAy- ay ang tanging
may kontrol sa gamit ng laro na kung saan tanging may tampok na pagkontrol
ng laro.
Ang mga augmented reality games ay ang pinakabagong laro na talaga
namang naging popular ngayon. Ang mga programang ito ay kumbinasyon ng
mga totoong nararanasan sa kapaligiran na may grapikong kompyuter upang
maghatid ng pinalawak na realidad. Isang halimbawa ay ang Sky Siege, kung
saan ang manlalaro ay tatamaan ang birtuwal na helicopter na makikitang
lumilipad sa loob ng silid. Sa aktuwal, ang buhay na imahe sa loob ng silid ng
manlalaro ay nakuha sa kamera at makikita sa iskren na kalalabasan na
makakatotohanan sa mata ng manlalaro.
Epekto ng Mobile Games

Hindi na nga mabilang ang mga balitang negatibo tungkol sa mga mobile
games. Ayon sa mga pag-aaral, nagiging sanhi ang mga paglalaro nito sa
mga mababang markang nakukuha ng mga mag-aaral. Ang pagkahumaling
sa mobiles games ay may malaking epekto sa kalusugan lalo pa’t ito ay
kinakailangan nang matinding pagpupuyat at hindi pagkain nang wasto at
tama sa oras.
Galugarin

Ang Mobile Legends o ML

Marahil naiinis ka na sa iyong boyfriend kung nawawalan na siya ng oras


upang itext ka, tumawag, o mag-chat man lang kaya sayo lalo pa’t alam mo na
ito ay walang pinagkakaabalahan kundi ang paglalaro ng ML.Maaari din naman
96
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
na napakahirap utusan ng nakababata mong kapatid dahil mas pokus siya sa
paglalaro ng ML kesa sundin ang utos mo. O di kaya ikaw mismo ay
nahuhumaling na sa larong ito kaya nahihirapan ka nang bumawi sa eskwela
sanhi ng marami mong pagliban na resulta nang pagbagsak mo sa mga
asignatura. Subalit ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng mobile legends o
ML sa pinaiksing tawag dito?

Ang mobile legends ay isang pangmaramihang paglalaro kung saan ang


mga manlaalro ay nakikipagtunggali sa pamamagitan ng online o multiplayer
online battle arena (MOBA) para sa iOS at Android devices na dinevelop at
inilathala ng Shanghai Moonton Technology ang kompanya na lumilikha ng mga
laro na nakabase sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ito ay inilunsad taong 2016.

Ang larong ito ay naiulat na may pinaka-angat sa lahat ng larong online dahil
sa limang daang (500) milyong pagdownload nito at may pitumpu’t limang
(75) milyong aktibong manlalaro mula nang ito ay inilunsad. Ang Pilipinas
halimbawa, ay mayroon na ring sariling liga ng larong mobile legends na
tinawag na MLBB Proffesional League (Rappler.com).

Paano ito nilalaro?

Ang larong Mobile Legends ay nilalaro sa pagitan ng dalawang


koponan na mayroong tigli-limang karakter sa bawat panig. Sa pag-uumpisa
ng laro, ang bawat manlalaro ay kailangan munang pumili ng kanyang bayani
(hero) ang bawat bayani ay may kakaibang kakayahan at kasanayan. Sa
kasalukuyan ay mayroon itong siyamnapu’t dalawang mga bayani,
Pinapapangkat sa anim na may kanya-kanyang papel na gagampanan sa
laro. Sila ang tank, fighter, assassin, marksman, support at mage. Ang bawat
tungkuling kanilang gagampanan ay magtutukoy sa kung anong
responsibilidad ang kanilang gagawin para sa kani-kanilang pangkat (team).
Ang mga support heroes halimbawa ay maaaring umatake o di kaya naman
ay magpagaling sa kanilang pangkat. Kaya kinakailangang manatili sila sa
kanilang koponan upang manatili silang buhay. Kinakailangang gumawa ng
estratehiya ang manlalaro upang maunang mawasak ang tatlong tore at ang
base ng kalaban. Ang tamang pagpili ng karakter ng bawat miyembro at
pagtutulungan nang magkakasama ay nagbibigay nang malaking
pagkakataon upang mapagtagumpayan ang nasabing laro.
Tunay nga namang nakakalibang ang mobile games. Ika nga, pampalipas
oras lalong-lalo na sa kabataan. Subalit kinakailangang, may kontrol o may limit
ka lamang sa paglalaro nito dahil ito ay nagbubunga nang masamang epekto sa
iyong kalusugan. Tandaan na ang bawat kalabisan ay hindi nakakabuti.

97
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

1. Isulat sa tsart ang positibo at negatibong dulot ng paglalaro ng


mobile games.

NEGATIBO POSITIBO

2. Sa iyong palagay bakit sa dinami-dami nang naiuulat na masamang


epekto sa kalusugan ng mga larong mobile ay patuloy pa rin ang pagtangkilik
dito?
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________________________________.

3. Magbigay ng isang karakter (hero) ng Mobile Legends at ang kanyang


tungkuling ginagampanan. Pagkatapos ay iugnay mo ang kanyang
kakayahan sa taong sa palagay mo ay maituturing mong bayani sa
iyong buhay.
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________.
98
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Bukod sa mobile legends at iba pang mga larong mobiles,


magbigay ng isang larong iyong kinahiligan at ibigay ang iyong dahilan
kung bakit ito ay gustong-gusto mo.

Pangalan ng Laro

Paano ito nilalaro?

Dahilan

99
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Magsaliksik ng tatlong laro noong unang panahon at isulat ang


mekaniks kung paano ito isinasagawa at ang mabuting naidudulot nito sa
kalusugan.
Mga laro Mabuting Naidudulot sa Kalusugan

2. Bilang kabataan, ano ang iyong maipapayo sa iyong kapwa na


naghuhumaling sa mga larong mobiles. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa
ibaba nang hindi lalagpas sa tatlumpong (30) salita.
_______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________________.

Binabati kita! Nawa’y may natutunan ka sa araling ito at magamit mo


araw-araw sa pakikisalamuha sa kapwa. Maaari ka nang magpatuloy sa
susunod na aralin.

100
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.

You might also like