You are on page 1of 28

Pulitika ng wika, wika ng

pulitika
By Tomas U. Santos November 17, 2008

https://varsitarian.net/filipino/20081117/pulitika_ng_wika_wika_ng_pulitika

ISA SA mga pangunahing pagkakaiba ng tao sa hayop ang kakayahan niyang


makapagsalita. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipapahayag niya ang
kanyang mga ideya at saloobin. Subalit pwede ring maging makapangyarihang
sandata ang wika upang wasakin ang kanyang kapwa.

Sa isang seminar, “Pulitika ng Wika: Dekonstruksyon, Ilusyon, Imahinasyon,”


noong Agosto 19 sa St. Raymund’s Building, tinalakay ni Dr. Pamela Constantino,
isang tanyag na linggwista at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, ang halaga
ng wika sa lipunan.

Binigyang-diin ni Constantino na hindi maikakailang hindi ginagamit na midyum


ang Filipino sa pagtuturo at mga transaksyon sa negosyo bagaman ito ang
pambansang wika.

Ayon kay Constantino, “Sagisag ang pagturing sa wikang pambansa habang


lisensiya naman ang turing sa wikang dayuhan.”

Ipinaliwanag ni Constantino na mas madalas gamitin ang Pambansang Wika sa


mga usaping pulitikal gaya ng pangangampanya tuwing eleksyon at talumpati
ng Pangulo sa mga mahahalagang okasyon. Sa mga ganitong sitwasyon, mas
kinakailangan ng mga pulitiko na maunawaan ng masang Pilipino ang kanilang
mga sinasabi.

“Nasa wika ang mga konsepto o kaisipan na bumubuo sa lawak ng gawaing


pulitikal kaya naman ginagamit ito para magkaroon ng political control,” ani
Constantino.
Dahil sa wikang ginagamit ng mga pulitiko, nagkaroon ng kamalayan ang mga
Pilipino sa mga nagaganap sa gobyerno. Maririnig sa anumang lugar ang mga
nagbabagang isyu tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga pulitiko. Sa radyo,
telebisyon at kahit na sa mga mumunting tindahan, iisa ang bukambibig ng mga
tao—pulitika.

“Talamak ang pulitika sa’ting bansa. Tila nasa dugo na ng mga Pilipino ang pag-
usapan ang mga isyung may kinalaman sa’ting gobyerno,” sabi ni Constantino.

Taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa


pakikipag-ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaaring magbago.
Maaari ring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ang mga salita depende sa
pagkakagamit nito.

“Ang anumang kapangyarihan o puwersa ng wika ay itinalaga ng institusyong


sosyal,” ani Constantino.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong kahulugan sa isang salita o pag-


uugnay nito sa isang isyu, nagkakaroon ito ng kabuluhan sa lipunan.

“Natatago ang katotohanan sa salita,” ani Constantino. “Nagagawang kutyain


ng mga Pilipino ang mga pulitiko sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng
mga pangalang akma sa kanilang pagkatao.”

Isang halimbawang binigay ni Constantino ang “Philippines 2000”. Nang


tinanong niya ang mga Tomasino hinggil dito, maraming mga mag-aaral na agad
ikinabit ang terminolohiya kay dating Pangulong Ramos dahil sa naging
programa niya ito noong panahon ng kanyang panunungkulan. Ngunit, lingid sa
kaalaman ng nakararami, industrialization ang tunay na kahulugan ng
“Philippines 2000” ayon kay Constantino.
Pagpapatunay lamang ito na mas matindi pa sa tunay na sandata ang wika.
Kaya nitong sumugat ng damdamin, bumago ng mga paniniwala at itago ang
katotohanan.

Sa ngayon, marami pang mga salitang maririnig na nagtataglay ng malalalim na


kahulugan. Kakabit na ng wika ang kapangyarihang kontrolin ang isipan ng mga
tao kaya hindi na maiaalis ang paggamit nito upang itago ang katotohanan at
bigyan ng iba’t ibang kahulugan ang mga salita. Hawak ng tao ang susi kung
papaano mapabuti ang lipunan—ang wika.

KULTURA: kaugnayan sa wika, lipunan at mamamayan


Ang kultura ay siyang nagbubunsod upang ang isang tao ay kumilos ng ayon sa kanyang
ginagawa at tuloy nagbibigkis sa mga miyembro ng lipunan. Sinasabi na ang kultura at lipunan
ay magkaugnay sapagkat hindi maaaring lumitaw ang isa kung wala yaong isa pa.

Marami pang kaugnayan ang kultura tulad na lamang ng wika kung saan ang wikang simboliko
ay ang pundasyon ng kultura ng tao. Masasabi kong pundasyon sapagkat sa pamamagitan ng
wika, ang kultura ay naisasalin ng isang tao sa kanyang kapwa tao o ng isang henerasyon sa
susunod na henerasyon.

Ano nga ba ang kultura? Ano nga ba ang kaugnayan nito sa mga tao? Masasabi kong
napakahalaga ng kultura sapagkat kaakibat nito ang lahat. Nakadikit na ito sa wika, lipunan at
mga mamamayan. Kung walang kultura, hindi makukumpleto ang mga ito sapagkat dahil sa
kultura nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bawat lipunan kaya gayon na lamang kaimportante
ang kultura sa lipunan at sa iba pang bagay.

Ang kultura ay nagbabago. Nagbabago sa paraan na umaasenso o mas humihigit pa, kung
tawagin nga’y “ nag-improve” ito. Sapagkat umaagapay ito sa pagbabago ng panahon, unti-unti
itong nagiging moderno at ang dating kultura ay malimit na lamang nagagamit pero ng dahil sa
dating kultura at makabago na rin ay nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang lipunan at
napaggbubuklod nito ang mga mamamayan.

Ngunit kung hindi natin magagamit ang pinagmamalaking kultura para saan pa para gawin itong
modernisado, hindi rin naman ito magagamit sa pagkakakilanlan at pagbubuklod ng mga
mamamyan , sa halip baka ito pa ang maging dahilan para tuluyan maglahong imahen ng
kultura

Pamagat ng Kurso:Wika, Kultura at Lipunan


Deskripsyon ng Kurso:Pagsusuri sa ugnayan ng wika, kultura, at
lipunan.Pangkalahatang LayuninNakapag-iisip sa wikang Filipino bilang
pananaw mundo at nasusuri ang ugnayan ng wikang Filipino sa kultura at
lipunan sa konteksto ng mga pagbabagong lokal at global.

Mga Tiyak naLayunin ng Kurso:


1.Nakapagpapaliwanag ng konsepto, kasaysayan, at halaga ng wikang Filipino
2.Nakapagsusuri ng iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng wika at kultura tungo
sa paglikha ng diskurso at pagbuo ng pananaw-mundo
3.Nakalilikha ng proyekto o pag-aaral sa iba’t ibang disiplina gamit ang lawak
at lalim ng wikang Filipino
4.Nakabubuo ng indibidwal o kolektibong pagsusuri, pagpapasya,
pagpaplano, at pagkilos para sa pag-uswag ng wikang Filipino1

eskripsyon:Maunawaan ang masalimuot na relasyon ng wika sa kultura at


lipunang Pilipino.Layunin:
1. Mapag-aralan ang kahalagahan ng wika bilang panlipunang penomenon.
2. Masuri ang mga ugnayan ng wika sa iba’t ibang institusyong panlipunan.
3. Matutunan ang mga konsepto, teorya at kaisipan sa wika, kultura at
lipunan nang may pokus sa kritikal na pag-unawa.
4. Makagawa ng kritikal na pag-aaral sa isang isyu kaugnay ng wika sa
kontexto nito sa kultura at lipunang Pilipino.

Pangkalahatang layunin ng Filipino 40


Pagpaunawa sa wikang Filipino at pagiging Pinoy sa mapanuri, malikhain at kawili-wiling paraan.
Mga tiyak na layunin ng Filipino 40
1. Matiyak ang kalikasan at kaalaman sa konsepto ng wikang Filipino bilang nasyunal na linggwa
frangka at wikang pambansa.
2. Mailahad ang bisa ng wikang Filipino sa edukasyon, midya, batas, IT, relihiyon, pamahalaan,
kalakalan, at iba pang panlipunang institusyon.
3. Magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa elemento ng kritikal na sanaysay .
4. Makagawa ng pag-aaral sa isang napapanahong paksa sa ugnayan ng wika sa kultura at lipunang
Filipino.
Pangkalahatang balangkas ng kurso*
I. Pangkalahatang pananaw at oryentasyon sa kurso
II. II. Kalikasan ng wika at wikang Filipino
III. III. Wika sa Kultura at Lipunang Filipino
IV. IV. Wikang Filipino sa mga Panlipunang Institusyon
V. V. Sintesis
VI. *papaloob sa balangkas na ito ang ating mga piling babasahin
VII. Kahingian ng kurso
VIII. 2 kritikal na papel at 1 malikhaing papel
IX. Midterms

Wika. Kultura. Lipunan


Posted by Alvin De Guzman Santos
Ang Wika ba ay nakakaapekto sa kultura at lipunan. At ang kultura at lipunan ba ay
nakakaapekto sa wika.
Ang Wika ba ay nakakaapekto sa kultura at lipunan. At ang kultura at lipunan ba ay
nakakaapekto sa wika.

Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at lipunan ay ang wika. Samantala ang wika ay nabuo para
sa tao at lipunan. Ayon sa isang linggwista na si Henry Gleason, “Ang wika ay tumutukoy sa
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na
ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.” Sa lipunan, wika ang
tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga tao sa isa’t-isa, ito rin ay mahalaga sa
lipunan sapagkat gaya nga ng sabi nila, “No man is an island.” Samakatuwid, walang sinuman
ang maaaring mabuhay na para sa sarili niya lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at ang
lipunan ay nabuo dahil sa wika, kaya nakakaapekto ang wika sa lipunan na ginagalawan ng tao.

Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat matutukoy o makikilala natin ang isang tao sa
kung ano ang wikang kanyang ginagamit, gayun din malalaman natin kung ano ang kultura o
etnikong kanyang pinagmulan. Hindi maitatangging, hindi mapaghihiwalay and wika at kultura,
dahil sumasalamin sa kultura ng isang tao ang kanyang ginagamit na wika, may mga salita din
kasing pag-aari lamang ng isang bansa. Halimbawa na lang nito ay sa pilipinas, dito lang sa atin
ang may salitang “Po”,”Opo” at “Oho” na naglalarawan sa kaugalian ng mga plipino bilang sa
pagiging magalang. Sa ibang probinsiya naman gumagamit sila ng “Manong” at “Manang” kapag
mas nakakatanda sa kanila ang isang tao na sa ibang lugar partikular sa mga taga maynila, ay
hindi na ito ginagamit o paminsan-minsan na lang ginagamit dahil para sa karamihan hindi ito
maganda pakinggan.

Dinamiko ang wika, ito ay buhay na patuloy ring nag-iiba ang kahulugan, pagbigkas at tunog sa
paglipas ng panahon. Ang malaking nakakaapekto dito ay ang lipunan na ating kinagagalawan.
Sa kadahilanang marami nang naiimbentong salita katulad na lamang ng mga salita sa gay
linggo (o salita ng mga bading) at ang iba pang mga bagong salitang nabubuo sa lipunan. Taon-
taon maraming nadidiskubre na wika dahil masyadong matalino na ang mga tao, kung kaya’t
mabilis na naiimpluwensiya ng mga ito ang wikang gagamitin sa isang partikular na lipunan.

May mga kanya-kanyang lahi ang bawat isa, dito sa asya halos iisa lamang nag hulma ng
mukha ang mga tao kung kaya’t nakakalito tukuyin kung saang bansa ito nanggaling o ano ang
kultura nito kaya sa wikang gamit ng isang tao maaring makilala natin kung saang bansa galling
ito. Mahalaga talaga na magkaroon ng pambansang wika ang isang bansa upang mas madaling
matukoy ang isang tao sa kung saan siya galing at dito rin nagkakaroon o makikita ang
pagkakaisa ng isang bansa gaya na lamang sa kultura ng korea, parte ng kultura nila na hindi
maaring magturo ng ingles sa lugar nila kung kaya’t kinakailangan pa nilang pumunta sa ibang
bansa para matuto ng salitang ingles, kapag marunong ka mag ingles at nasa korea ka mataas
na ang tingin nila sa’yo dahil bihira lang ang marunong mag-ingles sa kanila. Sa kultura ng mga
taga korea, makikita natin kung gaano nakakaimpluwensya ang wika sa kanila. Gaya din ito ng
bansang Tsina at Japan kung saan kahit na hindi sila marunong mag-ingles, maunlad ang bansa
nila.

Gaya ng nabasa ko “Kahit na ang ingles ang ating “Lingua franca” sa buong mundo,
kailangan pa rin natin ng pambansang wika” Kultura din sa ating mga Pilipino na kapag
magaling mag-ingles ang isang tao o nakakapagsalita siya ng banyagang wika, andun yung
pag-iisip natin na mas matalino o mas magaling ang taong iyon kaysa sa atin kaya kung minsan
mas napapamahal tayo sa lenggwahe ng iba at hindi sa sarili nating wika. Sadyang
nakakaapekto ang kultura sa wika lalo na kapag naimpluwensyihan ng lipunan na
kinagagawalan nito.
Sa kabuuan, apektado ang wika sa kultura ng isang tao at sa lipunan ng partikular lugar at
gayun din nakakaapekto ang kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Sadyang hindi
maipaghihiwalay ang dalawa, ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa kultura ang lipunan
dahil kung walang lipunan walang mabubuong kultura, at kung walang kultura maaarin may sari-
sariling paniniwala ang tao sa isang lipunan. Mahalaga ang wika kaya’t mahalaga ring mahalin
ito

https://adsantosapokalips.blogspot.com/2014/08/wika-kultura-lipunan.html

A ng wika ay napakaimportante sa buhay ng bawat tao. Isipin mo ang isang lipunan


o pamayanan na walang wikang gamit. Hindi ba’t ang mga mamamayan ay
magmimistulang mga hayop na nagsisipag-iyakan lamang. Bahagi ng paghubog at
paglinang ng ating pagkatao ang wika.
Wika ang siyang unang lumabas sa ating bibig mula ng tayo ay unang magka-isip. Sa
paglipas ng mga panahon at pagsibol ng iba’t-ibang uri ng henerasyon, ang wika ay
nananatiling parte ng kasaysayan kultura at pamumuhay ng bawat indibidwal.

Ang Halaga Ng Wika


Napakahalaga ng wika sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Bata, matanda, lalaki
o babae, lahat ay may karapatang sibil upang maipahayag ang kani-kanilang mga
saloobin. Wika ang siyang ating paraan para masabi natin kung gaano natin iniirog ang
ating mga mahal sa buhay. Gamit din natin ito sa pakikipagsalamuha sa kapwa, sa
kapaligiran at sa buong lipunang nasasakupan ng alta sosyedad.
Sa larangan ng musika, sining, at iba pang pagbibigay aliw sa kapwa, ang wika ang
ating ginagamit na instrumento upang maipaabot ang ating mensahe para sa
nakararami. Sa pagbibigay balita at impormasyon, wika rin ang ating gamit sa anumang
larangan ng pang interaksyong sosyal.

Mundo man ito ng telebisyon, radyo, sosyal medya at maging ang mga pahayagan, ito ang
ating natatanging lenggwahe ng pagkakaintindihan. Ang ugnayang pangkomunikasyon ay
nagiging di imposible saang lugar ka man mapadpad.

Gabay natin ang wika ano mang antas at uri ng kinatatayuan mo sa buhay. Sa
paaralan, tayo ay nagtatalastasan at nagpapalitan ng mga kuro-kuro gamit ang wika. Sa
pagkamit ng hustisya at pagtatanggol sa karapatang pantao, wika rin ang ating armas
upang ito ay ating makamtan.

Sa paghikayat ng turismo, negosyo at komersiyo ito rin ang ating panghalina mapalokal
man o mapadayuhan. Wika ang ating gamit para ilarawan natin ang kagandahan ng
ating kapaligiran.
Sa gitna ng digmaan na kung saan ang armas ay baril, kanyon, bomba at iba pa, wika
pa rin ang pinakamalakas na sandata. Napahuhupa ang maingay, napakakalma ang di
mapakali at napagkakaaayos ang mga may hidwaan. Simpleng away man o gusot,
mayaman man o mahirap, walang bagay na hindi nadadaan sa mabubuting usapan.
Instrumento ngang tunay ang wika, maging sa pinakamasalimuot man o
pinakamasayang kaganapang nangyayari sa ating buhay.

Magkaroon man ng iba’t-ibang dimensiyon, uri at barayti ang ating wika, habang buhay
itong magiging simbolo at tatak ng ating pagkatao na laging magpapaalala na lahat tayo
ay pantay sa pag-gamit ng ating wika.

https://takdangaralin.ph/gamit-ng-wika-sa-lipunan/

https://prezi.com/7n6xvujyplzs/wika-at-lipunan/

Wika at Lipunan sa Pilipinas


1 Pambungad

Ang Pilipinong lipunan ay may isang tanging palagay sa mga wika na lubusang
humiwalay sa palagay sa wikang nasa ibang mga bansa. Alinsunod sa batas, may
dalawang opisyal na wika ang bansa; at tinatawag itong may-dalawang-
wika (bilingual). May isang pambansang wikang Filipino at pati Inggles bilang
wikang ginagamit sa pamahalaan, pagtuturo at kalakalan. Mahirap unawahin ang
tunay na mga katayuan, at madalang ang mga pagsusuring tungkol dito. Sa maraming
bansa, may away na pampulitiko at pangunahin tungkol sa mga katanungan pangwika.
Sa paksang ito, hindi namumukod ang Pilipinas sa ibang bansa. Maliban sa ilang
magtatalong pampulitiko at makapukaw-damdamin, halos walang pagtalakay na
walang-pinapanigan sa mga katanungan kung anong tungkulin ang dapat at puwedeng
isagawa ng aling wika sa Pilipinas upang likhain at patibayin ang nararapat na
katayuang ekonomiko at pangkalinangan sa panahon ng makabagong daigdig.

Nasasabing pinapagaan, ito ang suliranin ng karaniwang Pilipino: Mahilig siyang


magsalita ng Inggles pero hindi kaya nito siyang magsalita; dahil dito kailangan siya
ng wikang-inang inaayawan niya.

Hanggang ngayon, nagkabisa sa diwa at gawa ng mga Pilipino ang nakaraang mga
panahong kolonyal. Pagkatapos nang pagdating ng mga Espanyol noong 1521, ang
Pilipinas ay naging kolonya nila hanggang sa tapusan ng ikalabinsiyam na dantaon.
Noong 1898 sila ay naging kolonya ng Estados Unidos; noong 1946 ay tinanggap nila
ang pormal na kalayaan. Ngayon mayroon pang malakas na mga pagkakaugnay na
ekonomiko, pangkalinangan at pampulitiko sa Estados Unidos ang Pilipinas.

Hindi kailanman pa bumalangkas ang Pilipinas ng malinaw at makakatotohanang mga


balak para sa kanilang pinabukasan at pupuntahan sa makabagong daigdig. Sa halip
nito maraming di-maliwanag at di-makatotohanang mga larawang may bahagya lang
na pagkakaugnay sa tunay na mundo; kalimitan iniwas ang isang dahan-dahang
pagsusuri nito. Dahil dito, wala pang tahasang at may-layon na pag-unlad ng bansa.
Maraming di-hayag, di-maliwanag at di-sinasadyang pagpatuloy nasa daan ng
Pilipinas.

Sa Pilipinas, halos lahat na pagtalakay sa wika ang iniuugnay sa dayuhang wika.


Pinapaliit ang diwa at tungkulin ng wika; kasangkapan lamang ito para sa pakikipag-
usap at pagsasalin. Dahil sa pagpapakipot na ito, pinapakulangan ang tunay na dahilan
ng wika: "Kakayahang maging pagkakahayag ng pag-iisip ang mga tunog", sa Aleman
ito'y sinulat ni Wilhelm v. Humboldt noong 1826 ( 'den artikulierten Laut zum Ausdruck des
Gedanken fähig zu machen') {21K-101}. Gusto naming tapusin ang Pambungad na ito na
magpahiwatig ng panumbas sa wika at pagkatao. Gusto namin ulit na sipiin ang
pantas na Humboldt:

"Nagkukusang lumabas sa dibdib ang mga salita - walang kailangan o balak. Kahit
saan sa kasukalan ay may mga awit ang liping lumalakad doon. Sapagkat umaawit na
nilikha ang tao - bilang uri ng hayop; ngunit ang isang nilikhang nag-uugma ng isip sa
tunog."
'Die Worte entquillen freiwillig, ohne Not und Absicht, der Brust, und es mag wohl in keiner Einöde eine
wandernde Horde gegeben haben, die nicht schon ihre Lieder besessen hätte. Denn der Mensch, als
Tiergattung, ist ein singendes Geschöpf, aber Gedanken mit den Tönen verbindend.'

Alinsunod sa pag-iisip na ito, mahilig na kumakantang nilikha ang mga Pilipino;


mahilig silang mag-ugma ang diwa sa tugtug; ngunit baka nakalimutan nila ang ibang
pagkaka-ugma ng diwa sa wika.

2 Mga wika sa panahong bago dumating ang Espanyol at sa panahong Espanyol

Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, sa Pilipinas ay sinalita ang iba't ibang
wika ng pangkanluran-austronesiang angkan ng wika. Kasapi ng angkang ito ang mga
wika sa Madagaskar, Malaysia, Indonesia, Pilipinas at iba pang wika. Naging
pambansang wika ang Bahasa Melayu at Bahasa Indonesia.

Binubuo ng higit sa pitong libong pulo ang kapuluang Pilipino at higit sa isa't
kalahating libong kilometro ang agwat mula sa hilaga hanggang sa timog ng
kapuluan. Noon, mahina ang kakayahang ng paglalakbay at pakikipagtalastasan; dahil
dito ay maraming magkakaibang wika. Sa panahong bago padating ng Espanyol,
ginamit ang isang pagsulat na pampantig (Baybayin).

Sa ilalim ng kapangyarihang kolonyal ng Espanyol (buhat noong ikalabing-anim na


dantaoon) pinaunlad nang kakaunti lamang ang kalakalan at kalinangan. Kataliwasan
nito ay pinagawing Katoliko ang mga mamamayan; maaga ang simula nito at
matagumpay ito. Hinayaang malayo sa Espanya ang Pilipinas, gusto ng mga Espanyol
na maging "amo" lamang ng mga Pilipio. Dahil dito, walang pagsisikap na Espanyol
upang turuin ang wika at kalinangan nila sa mga bagong sakop nila. Baka inisip
nilang malala sa kanilang kapangyarihan kung nauunawahan ng mga sakop ang wika
at diwa nila. Gayunman malaki ang pangkalinangang pagkamabisang Espanyol
sapagkat ginaya ng mamayamang Pilipino ang mga Espanyol at kalimitang pinadala
ang anak nila sa Espanya upang mag-aral doon. Gusto naming banggitin ang
pambansang bayaning J. Rizal (binaril ng mga Espanyol noong 1896); nagsumikap
siyang tamuin ng mga Pilipino ang karapatan katulad ng Espanyol; hindi niya
ipaglaban sa paghihiwalay ng Pilipinas sa korona ng Espanya.

Ipinalagay ng mga Espanyol - lalo na mga paring Katoliko - na pangunahing


tungkulin nila ang pagpapagawang Katoliko ng mga bagong sakop nila, pero hindi
ang pagtuturo sa kanila ng wikang Espanyol. Dahil dito ay inaral ng mga pari ang
katutubong wika; at saka tinuro nila ang relihiyong Katoliko nang ginamit ang mga
wikang katutubo. Ipinasok nila ang salitang Espanyol lamang para sa bagong bagay sa
relihiyo, pang-araw-araw na buhay at kalinangan.

Nagsumikap na mag-aral at magsuri nang mabuti ng mga katutubong wika (Tagalog


higit sa iba) ang ilan sa mga Espanyol na pari. Noong 1593 ipinalathala ang isang
may-dalawang-wikang Doctrina Christiana; ito ang unang aklat na inilimbag sa
Pilipinas { DC}. Noong simula ng ikalabimpitong dantaon ay pumuri sa wikang
Tagalog si paring Pedro Chirino {21K-201}. Sa gayon ay nalikom at sinuri ang mga
katutubong wika at ang panitikan nito, tulad ng bugtong, talinhaga at awitin. Sa
kabilang dako, maaaring unawaing hindi magsagawa ang Espanyol ng hakbang upang
tulungan ang mga sakop nila sa pag-unlad ng isang wikang sarili. Espanyol na pari
lang ang nagsusuri ng mga wikang katutubo.

Gusto naming banggitin ang paggamit ng wika bago dumating ang himagsikang
Pilipino (bago mag-1898). Ginamit ng Kilusang Propaganda ni J. Rizal ang wikang
Espanyol sa kanilang mga aklat, sanaysay at talumpating panghimagsik. Hindi lang
ang pahayagang La Solaridad, kundi pati ang mga aklat ni J. Rizal ay sinulat sa
Espanyol. Sa Tagalog naman ang madalas na sulat ng kilusang Katipunan ni A.
Bonifacio.
Ito ang larawan bago dumating ang mga Amerikano noong tapusan ng ikalabinsiyam
dantaon: Nagsasalita sa Espanyol ang mga Espanyol bilang wikang opisyal at pang-
araw-araw. Ang pang-itaas at mayayamang Pilipino ay marunong na magsalita ng
Espanyol bilang dayuhang wika, ngunit pinatili nilang bilang wikang-ina ang
katutubong wika. Nagsalita ang karamihan ng mga Pilipino ng katutubong wika o
wikain na may mga salitang hiram sa wikang Espanyol.

3 Mga wika sa Pilipinas sa panahon ng kapangyarihang Amerikano

3.1 Pinapanigang pagkakaugnay sa kapangyarihang kolonyal

Noong mga 1880, namalayan ang ilang taong nasa pamahalaan ng Estados Unidos ng
kahalagahan ng Pilipinas para sa daang-dagat mula sa Estados Unidos hanggang sa
Asia. Sa panahon ng mga bapor, mahalaga ang isang kadena ng himpilan mula sa
Kalifornya, saka sa Hawai, Guam at Pilipinas patungong Hongkong at ibang bansang
nasa Asia. Dahil dito, lubhang pinansin ng Estados Unidos ang Pilipinas; at kung
lumiit ang lakas ng Espanya, natamo ng Estados Unidos ang Pilipinas at kinuha ang
kapangyarihang kolonyal sa Pilipinas.

Noong 1898, sinakop ni Amerikanong Commodore Dewey ang bansa (sa wastong
pagsasalita: ang punonglunsod at ang palibot nito); sa Kasulatan ng Paris, bumili ng
Pilipinas ang Estados Unidos mula sa Espanya. Hindi pinagisipan at nauwana sa
Washington ang kahalagahan ng pagkuha ng kapangyarihan sa isa sa malaking lahi ng
Asia. Nagtakang silang maging nang bigla may-ari ng mga angaw na taong maliliit at
kayumanggi.

Para sa Amerikano, mahalaga ang pangkayarihan sa Pilipinas: Nais nilang kamitin ito
sa pamamagitan ng kanilang Amerikanong mga paraang "mabuti at makatao". Gusto
nilang binigyan ng maraming Amerikanong kuru-kuro at balak ang bagong mga sakop
nila. Wala silang karanasan kung paano pakitunguhan ang mga tao ng ibang lahi; noon
kaunti lang ang alam ng mga Amerikano tungkol sa daigdig na nasa labas ng kanilang
sariling bansa, sa ibang bansa at lahi. Dahil dito, wala silang alinlangan na dapat na
turuan ang mga sakop nila upang silang maging "maliliit na Amerikano", at marahil -
kung masunurin at masikap sila - maaaring silang maging "tunay na Amerikano".

Sa isip ng Espanyol, bale-wala ang mga Pilipino. Dahil dito, makakaakit sa mga
Pilipino ang kuru-kurong maging "maliliit na Amerikano". Noon ang panahon ng
pagsilang ng Estados Unidos bilang isa sa napakangyayaring bansa sa daigdig.
Maraming bagay na makabago noong simula ng ikadalawampung dantaon ang dinala
ng Amerikano sa Pilipinas. Dahil dito, iniisip ng mga Pilipino na galing nasa Amerika
ang lahat ng makabago at maganda. Gumuhit ang mga Pilipino ng kanilang sariling
larawan ng daigdig: May "malaking Tiyong Sam" sa Estados Unidos at may "maliliit
na pamangkin" sa Pilipinas at wala pang iba sa daigdig. Pinapanigan ang pagpansin
ng mga Pilipino sa daigdig {21K-311}.

Kung ganito ang larawan ng daigdig ko, walang alinglangan na may isa lang magaling
at tunay na wikang nasa buong daigdig, ito ang Amerikanong Inggles ng "malaking
tiyo". Hanggang ngayon, halos walang pagbago ng pag-isip sa Pilipinas; ngayon pa
ang tangi, mahalaga at pangunahing wika sa Pilipinas ang Inggles; dahil dito walang
kailangang mag-aral nang mabuti ng kahit anong wika (hindi rin ang pag-aaral ng
sariling wikang-ina). Minamahal ang wikang Inggles, dahil ito ang wika ng "malaking
tiyo". Tinutulungan ang pag-isip na ito dahil sa maraming kamag-anak na kumikita ng
mahahalagang US-dollar doon sa bansang may wikang Inggles. Galing doon ang
panustos ng maraming "maliit na pamangkin" sa Pilipinas, at dahil dito magaling ang
wika ng dolar.

May isa pang pananaw. Noon, hindi pinakisamahan ng Espanyol ng wika nila ang
mga Pilipino. Dumating na ang mga Amerikano; hindi lang pinahintulutan nilang ang
mga Pilipino ng paggamit ng wika nila, kundi pati tinuruan nito sila. Dahil dito,
mayroong na isa sa mga American value ang Pilipino, may papahalaga na sarili na
siya; gusto niyang gamitin ang wikang Inggles bilang tanda ng papahalaga.

http://germanlipa.de/text/lipon_f.htm

Filipino 40: Wika, Kultura at Lipunan mykel andrada | sirmykelandrada@gmail.com |


www.sirmykel.wordpress.com | facebook: Aklat Andrada

LAYUNIN
1.

BALANGKAS NG KURSO
A. Introduksyon at Oryentasyon
1. Kahalagahan ng kurso sa Revitalized General Education Program (RGEP)
2. Dayagnostik 1 – Boka-bokabularyo
3. Dayagnostik 2 – Psycholinguistics
4. Mga Seatwork, Assignment, at iba pang Inisyal na Gawain
5. Ano ang wika, kultura at lipunan 6. Kasaysayan at wika (Letras y figuras atbp)

B. Kasaysayan at Kairalan ng Wika


1. Pitong Batayang Katangian ng Wika (tunog, kalikasan at lipunan, ispesipiko sa kultura, hindi
hiwalay sa kaisipan, dinamiko, sosyo-politikal, at pilosopikal at sikolohikal)
2. Kolonyalismo at wika (letras y figuras atbp)
3. Tatlong Uri o Dimensiyon ng Wika (dayalek, sosyolek, idyolek)
C. Mga Teorya sa Wika
1. Reader-Response Theory
2. Teksto at Konteksto (history, politics, society, economics, class, culture, race & ethnicity,
gender)
3. Three Levels of Reading a Text (perception, interpretation, analysis)
4. Register o dating, at ang Misreading
5. Seven Functions of Language ayon kay MAK Halliday
6. Pilosopiya ng Wika 1 – Valentin Volosinov
7. Pilosopiya ng Wika 2 – Mikhail Bakhtin

D. Wika at mga Diskursong Pangkultura at Panlipunan


1. Wika at Ideolohiya
2. Wika at Uring Panlipunan
3. Wika at Nasyonalismo
4. Wika at Kasarian
5. Wika at Kapangyarihan

E. Wika at mga Institusyong Pilipino (Mga Ulat)


1. Wika at Kulturang Popular
2. Wika at Politika
3. Wika at Kababaihan
4. Wika at LGBTQIs
5. Wika at Relihiyon
6. Wika at Sports

Mga Kahingian: Asaynment, Seatwork, Quiz, Partisipasyon 25


Mga Panahunang Papel at Ulat 25
Pinal na Eksam 25
Pinal na Papel o Proyekto
WIKANG FILIPINO BILANG KASANGKAPAN SA PAGLINANG NG PAMBANSANG KULTURA
TUNGO SA PAGKAKAKILANLAN (Sanaysay)PA
Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? Ang wika ay
nalilinang dahil sa kultura, ang kultura ay nalilinang dahil
sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin
itong ituring bilang batayang gabay sa matibay na
kaugnayan ng wika at kultura bilang mabisang
kasangkapan sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating
mga Pilipino.Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura.
Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi abstraktong
nilikha ng mga nakapag-aral o ng bumubuo ng
diksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa
mga gawa, pangangailangan, kaligayahan, panlasa ng
mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at nagtataglay
ito ng malawak na batayang makamasa (Peña et. al
2012). Malinaw na ang wika ay nalilinang at napagtitibay
sapagkat ang kultura ang nagbibigay katuturan sa
ipinapahayag na kaisipan ng wika. Ginagamit ang wika
dahil ito ay daluyan ng komunikasyon upang
magpasimula ng isang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito
rin ay pangangailangan ng tao sa pakikipag-ugnayan
sapagkat siya ay itinuturing na may pangangailangang
sosyal. Ang wika ay nakapagpapahayag din ng iba’t ibang
damdamin at natutukoy din dito ang pananaw sa iba’t
ibang bagay napagpapasiyahan kung ano ang magiging
kalugod-lugod sa atin, ang pagpapasiyang mayroong
impluwensiya mula sa ating kapuwa at ng kabuuan ng
lipunang ating kinabibilangan.Gayunpaman, maari ring
sabihin na ang kultura ay nalilinang at napagtitibay din
ng wika. Binigyang kahulugan ni Virgilio Almario ang wika
bilang katutubong halagahan o value para sa marangal
na buhay ng ating mga ninuno, isang dakilang
pamantayang nararapat sundin saanman at kailanman
tungo sa wastong pakikipagkapuwa-tao, isang banal na
tuntuning kailangang tupdin upang hindi ‘maligaw ng
landas’. Hindi mapasusubalian na ang ating sariling wika
ang siyang midyum na ginamit ng ating mga ninuno sa
pagpapahayag ng mga itinakdang batas at pamantayan
sa lipunan pasalita man o pasulat. Sa batas ni Maragtas
at Kalantiaw, malinaw na nakapaloob sa kaisipang
ipinapahayag ng wikang ginamit ang pamantayang
itinakda ng batas na ito na siya namang pinagbabatayan
ng pamumuhay at pagkilos ng isang mamamayang
Pilipino sa lipunan na kaniyang kinabibilangan.
Matagumpay ding naipabatid at naipasa sa bawat
henerasyon ang mga paniniwala at pamamaraang Pilipino
bunga ng sabi-sabi o ‘word of mouth’. Samakatuwid,
natutukoy ang mga pamantayan gayon na rin ang kultura
ng lipunang Pilipino gamit ang wika sa diskursong
pasalita at pasulat.Ang kultura ay nalilinang dahil sa wika.
Ang wika ay daluyan ng komunikasyon at sa pagkakaroon
ng komunikasyon ay naisasakatuparan ang ugnayan ng
isang tao sa kaniyang kapuwa. Sa pagkakaroon naman ng
ugnayan ay maaring bumuo ng pagkakasunduan at dahil
ang tao ay tunay na isang sosyal na nilalang, ang
pagkakasunduang ito ang maghahantong upang
magpasya upang makisama sa kapuwa at ang
pagkakabigkis na ito ay nagkakaloob sa mga tao upang
magtaguyod ng isang lipunan. Ang isang lipunan ay may
tiyak na kultura na nakasalig naman sa
napagkasunduang katotohanan. Ito ay nabuo sapagkat
may pagkakasundo bunga ng komunikasyon na mauugat
naman sa katangian ng wikang maging daan na nag-
uugnay ng mga kaisipan. Ang isang partikular na kaisipan
na bahagi ng kultura ay ganap na nagiging bahagi ng
kultura kung ito ay naipakikilala at naitataguyod. Kung
wala ang wika bilang panuluyan ng mga ideyang
bumubuo sa kultura tungo sa kaisipan ng mga tao sa
isang lipunan ay magiging imposible ito. Sapagkat ayon
sa Encyclopedic Supplement, Living Webster Dictionary
of the English Language, ang mga ideya ay nabubuhay
dahil sa wika, ito ay katulad ng pagbibigay-katawan sa
kaluluwa (Bernales et. al 2011). Kaugnay nito, maaring
bigyang patotoo na may kakanyahan ang wika na maging
ina ng karunungan ayon kay Krank Kruas (Peña et. al
2012) Samakatuwid, pinangatwiranan ng librong Social
Dimensions of Education, ang pagkatuto ng isang kultura
ay sa pamamagitan ng wika. Mula dito ay nagkakaroon
tayo ng kolektibong alaala tulad ng mga alamat, pabula,
salawikain at iba pa na naaayon sa ating kaalaman sa
kultura, gayundin ang pagsulat, sining, at kung anu-ano
pang mga midya na humuhubog sa kamalayan at
makapag-ipon at makapagbahagi ng kaalaman Ang wika
ay ang kultura mismo. Kung pagbabatayan naman natin
ang winika ng karakter na si Simoun ng El Filibustersimo
ni Dr. Jose Rizal na ang wika ay paraan ng pag-iisip ng
tao, samakatuwid tinatanggap natin na ang wika ay ang
kultura mismo. Dahil nga ang kultura ay pamamaraan ng
pagkilos at pamumuhay ng isang tao ay nakabatay sa
kaniyang pag-iisip, ito ang pangunahing pinagmumulan
ng kaisipan ng kultura.
Paano nga ba magagamit ang wika upang malinang ang
pambansang kultura?
Ang wika ay may kakayahan upang sumisid sa
pinakamalalim na kaalamang bayan, liparin ang
pinakamatayog na karanasan upang maibalik sa lupa at
maipatalas ng ibayong talastasan at praktikang
panlipunan (Bernales, et al. 2011). Ang ating wika ang
nagkanlong at nagtago ng hiwaga, kasaysayan, at
mayamang kaalaman ng ating bayan kung saan nahubog
ang katauhan ng ating lahi na bumubuo sa ating
pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Nakapaloob sa
kaalamang ito ang dakilang nagawa ng magigiting nating
mga ninuno. Sa paggamit ng wika ay mapagtitibay ang
mga kaalamang ito sa kaisipan na isang mabisang
sangkap upang maiwaksi ang kolonisadong pag-iisip
sapagkat natatamnan ito dahil sa pagpapatibay ng
pamamaraang Pilipino. Binigyang-diin nga ni Samuel
Johnson na ang wika ang nagdadamit sa ating
kamalayan, samakatuwid ito ang magbibihis sa atin ng
pagkakakilanlan, ang magkakaloob ng isang tatak na
siyang tatak ng ating lahi.Hindi nagtatapos sa paglikha ng
bagong pananaw ang paglilinang ng wikang Filipino tungo
sa paglinang din ng pambansang kultura tungo sa
pagkakakilanlan, o hindi nga maaring sang-ayunan pa
ang paglikha lamang ng isang bago at wastong pananaw
bagkus ang pagsasangkot ng sariling wika sa pagkilos ng
sariling dila. Ang wika ay maari ring itulad sa isang
pirasong papel na ang kabilang mukha ay ang kaisipan at
ang kabila ay ang tunog ayon kay Ferdinand de Saussure.
Hindi maaring sa paggupit ng papel, mahahati ang
kaisipan at ang tunog. Anumang bahagi ng putol,
magtataglay kapuwa ang mga ito ng kaisipan at tunog. At
ang pagtataglay ng wika na kaisipan at tunog ay
kakanyahan nito (Peña et. al 2012). Bigyan ng higit na
pansin na ang kaisipan at tunog ay hindi mapaghihiwalay
sa wika. Kung nakapaloob sa wika ang kaisipan ng kultura
at ang wika ay mamumutawi sa ating dila, hindi ba’t
mamumutawi rin naman ang kultura sa atin at sa
pagkaalam ng kultura ay matutukoy natin ang ating
pagkakakilanlan? Kaya naman, nararapat na ang wikang
Filipino ay higit na nararapat maunawaan higit sa
mababaw na pagkaunawa lamang upang nararapat na
magkaroon tayo ng kritikal na pag-unawa sa ating
kultura.
Walang anumang pagsasanay ang makalilikha ng
pinakamainam at pinaka-epektibong pagkatuto at pag-
unawa ng isang wika kung hindi ang mismong paggamit
at pagpapadaloy nito sa sariling dila. Pinapatotohanan ng
aklat na Social Dimensions Of Education na ang wika ng
isang nilalang ay ang repleksyon ng kaniyang pagkatao at
ang pamamaraan at pagkilos na inaasahang aasalin niya.
Dagdag pa, ang wika ay ang susi sa tagumpay ng pag-
usbong ng isang lahi sa paglikha at pagpapanatili ng
kultura sapagkat kung walang wika, ang kakayahan
upang makabuo ng mga kaisipan at tradisyon ay hindi
makatotohanan.

Mga Sanggunian
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Bernales,
Rolando A.; et. al. 2011.)Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (Bernales, Rolando A.; et. al. 2012.)Retorika at
Masining na Pagpapahayag (Peña, Romeo S.; et. al.
2012.)
https://satuitomaharanimarta.wordpress.com/2014/02/09/wikang-filipino-bilang-kasangkapan-sa-
paglinang-ng-pambansang-kultura-tungo-sa-pagkakakilanlan-sanaysay/

Ano ang kahulugan ng kultura?


Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa
kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng mga kaugalian,
nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa. Maaring ang mga pananaw na ito ay
pamana pa ng mga naunang henerasyon na naisalin hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Ito ay tumutukoy din sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Nagbibigay ito ng
kahulugan at paglalarawan sa lipunang kanyang ginagalawan. Dagdag pa,
nagsisilbi rin itong batayan ng mga kilos at gawi ng mga tao. Sa isang lipunan o
kumunidad, tumutulong ang kultura sa pagbibigay ng katwiran kung ano nga ba
ang kaibahan ng tama sa mali, at mabuti sa masama.
Ang kultura ay nagsisilbi ring pagkakakilanlan ng isang lugar. Nabubuo ang kultura
upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal sa isang partikular
na lugar. Dahil bawat rehiyon ay mayroong sariling pangangailangan, nag-iiba ang
mga kilos at gawi nila kumpara sa iba pa.
Dahil bawat tao ay nabibilang sa lipunan, ibig sabihin, nabibilang din tayo sa kultura
nito. Hinuhubog nito ang bawat indibidwal para magampanan ang kanilang papel
sa lipunan sa kanais-nais na paraan. Sa tulong nito, mas nagkakaroon ng kabuluhan
ang buhay ng isang tao at mas nabubuo ang kanilang pagkatao.

Wika - katuturan, kahalagahan, katangian at antas


Katuturan

Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog
ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama
upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel
na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos
na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Katangian ng wika

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga


makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang
sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang
mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay


tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika.
Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung
pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang
[lumipat].

b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay


tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang
wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat,
panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor,


dentista

Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han

Fonema = a

*tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng


mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang
paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang
sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.

The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang


pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay
bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw
ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.

Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip


ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang].
Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng
[umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya]
ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-
ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha
ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga


gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang
tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay
at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi
naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika,
nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan.
Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang
sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng


palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang
isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang
natatangi sa bawat wika.

Halimbawa

Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)

Wikang Filipino – Opo, po


Wikang Subanon – gmangga (mangga)

Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)

Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)

Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita


lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang
ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang
paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga
fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang
pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang
ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug
naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos
na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging
sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang


wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman
sa leksikon ng wika.

Halimbawa: BOMBA

Kahulugan

a. Pampasabog

b. Igipan ng tubig mula sa lupa

c. Kagamitan sa palalagay ng hangin

d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at


pelikula

e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema


mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano,
binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang
Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.


Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang
wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa
isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang
patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog
sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang
/lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang
paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa
bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa


komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga
kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang
katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng


alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’
ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.

Antas ng wika

A. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-


edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o
nakatatanda
B. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas
ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
C. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng
Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang
paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito
ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
D. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito.
Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang
pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
E. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at
may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla –
halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.
F. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at
pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal
Malawakang Paggamit ng Social Media, Wikang Filipino ang
Nasisira
Hilig ng mga Pilipino ang makihalubilo sa kung ano ang mga patok na patok at
kinasasang-ayunan ngayon ng madla lalo na’t na sa estado na tayo ng
modernisasyon sa kasalukuyang ating ginagalawan. Talamak sa ating isipan na ang
wika ay isang mahalagang aspeto sa ating kultura. Ito ang nagsisilbing susi sa hindi
pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat tao. Ngunit, lingid ba sa inyong kaalaman
ang pagbabagong nagaganap sa ating wika sa ating lipunan? May pagkakaisa pa rin
bang nai-uugnay ang bawat Pilipino sa isa’t-isa, kasabay nang pagyabong ng
makabagong teknolohiya? Ano ba ang makabagong teknolohiya sa atin? Gabay
tungo sa kaunlaran o isang hadlang upang tayo’y ‘di magkaunawaan?
Sa ating ikadalawampu’t isang siglo, higit na umusbong ang makabagong
teknolohiya na tila ba ay kada taon ay may mga papatok sa social media. Nang
umusbong ang mga uri ng social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at
Youtube, tila ba’y halos lahat ng mga Pilipino ang nakatutok dito lalong-lalo na ang
mga kabataan. Dulot nito, unti-unti na nating nakakalimutan ang ating kultura at
kaugaliang Pilipino at ang labis na naapektuhan ay ang ating Wikang Filipino.
Jejemon, bekimon, balbal, kolokyal, at mga salitang kalye, iilan lamang ito sa
mga nakakaapekto sa ating wika na dulot ng pag-usbong ng teknolohiya. Taong
2010, umusbong ang mga cellphone kasabay ng pagsilang ng jejemon. Ngunit, tila
ba’y hanggang ngayon marami pa ring jejemon ang naiwanan na ng panahon dahil
sa mga kabataan na patuloy pa ring tumatangkilik dito.

Bilang kabataang mapagmahal sa ating wika at kultura, sana naman ay huwag


nating hayaang tuluyan nang lamunin ng sistema ng modernisasyon ang ating
kulturang kinagisnan. Sapagkat, ang kultura ay isang napakagandang handog mula
sa ating Poong Maykapal dahil sinasalamin nito ang ating wika at nagsisilbing
pundasyon ng ating bansa.
Huwag na huwag nating pakahayahan na dumating ang panahon na
kilalanin natin muli ang ating sariling pagkakakilanlan. Hindi pa huli ang lahat,
sapagkat may magagawa pa tayo. Gamitin natin ang konsepto ng modernisasyon sa
mabuting paraan upang muli nating maibalik ang ganda at halaga ng wika at
kulturang minsan nang naibaon sa limot dulot ng labis na pagkahumaling sa
makabagong teknolohiya.

https://cjcb20.blogspot.com/2016/09/hilig-ng-mgapilipino-ang-makihalubilo.html

Pagsilang ng mga Makabagong Wika, Dulot ay Pagkalimot sa Kultura


KALIGIRAN/PANIMULA

Iyo pa bang ginagamit ang nakagisnang wika? O tuluyan mo na itong


binalewala? Ang sariling wika ay sumasalamin sa kulturang ating kinagisnan. Sa
pamamagitan ng wika nakikilala ang kultura ng isang bansa. Dahilan sa ito ang nagbibigay ng
titulo , katawagan o paglalarawan sa kulturang mayroon tayo. Ngunit sa pagbabago ng
panahon, nagkakaroon din ng pagbabago sa wikang kinagisnan na maaaring magdulot ng
paglimot sa kulturang iningatan ng ating mga ninuno.

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa


pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa
pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at iba pa.
Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring
karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri
ng media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng
bansa. Ito rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita na hindi
nararapat na mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan.
Dahilan sa kagustuhan ng mga Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang tao
kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”. Ang pagnanais na makisabay sa kung
ano ang uso at pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ng grupo ay nagdudulot
upang mabuo ang mga salitang pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop, mga
ginawang bagong terminolohiya sa mga malalalim na salita, tulad ng “beki” na ang
ibig sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”. Mabilis itong
kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa bansa.

Ang isyung ito ang lubhang makakaapekto sa kulturang kinagisnan sa oras na hindi
natin gamitin ang sariling wika. Sa pagsilang ng makabagong wika hindi na
napagtutuunan ng pansin ang wikang Pilipino halimbawa na lamang ang mga wika sa
mga literaturang Ibong Adarna kung susuriin marahil wala pa sa kalhati ng mga
salitang naroon ang alam natin ang ibig sabihin. Ito ay dahil nasakop na ang ating
isipan ng makamodernong salita. Ang isyung ito magdudulot ng kalituhan sa ating
pagkakakilanlan sa oras na ibaon natin ang wikang kinagisnan.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN


Pagsilang ng maka modernong wika, dulot ay paglimot sa kultura. Ito ay kahalintulad lamang
ng Wikang Pilipino; tangkilikin o limutin? Sa pagsilang ng makabagong wika natatabunan nito
ang kultura ng bansa. Nawawalan na ng pagkakakilanlan sa ating sarili. Nasakop na tayo ng
makamodernong mundo kaya’t nalilimutan na natin ang mga bagay na mayroon tayo. Ang
mungkahing titulo ay nagsasad lamang kung hahayaan ba nating ibaon na lang sa limot ang
kulturang pinaghirapang ingatan at pagyamanin ng ating mga ninuno. Mananatili na lamang
ba itong bahagi ng sinaunang kasaysayan o tatangkilin natin ito at pagyayamanin upang ang
kulturang kinagisnan ay hindi malimutan?

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN


Sa panahon ngayon, samu’t saring salita ang umiiral sa bansa dahilan sa modernong
panahon, na nagdudulot ng kalituhan sa mga tao ukol sa orihinal na ibig sabihin ng salita. Laganap sa
iba’t ibang uri ng media gaya ng mass media , social networking sites at iba pa ang mga salitang na
kung tawagin ay terminong kabataan na tila palaisipan para sa mga matatanda kung anu ang mga ito.
Ang mga salitang ito ay hindi pormal. At nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
taong hindi gumagamit ng modernong wika. Dahilan dito ang kulturang Pilipino ay tila natatabunan
na. Lahat ng ito ay dahil sa modernong salita, na kung hindi mabibigyang pansin ay magiging harang
upang ang kulturang kinagisnan ay mapayabong pa. Kung kaya’t nararapat lamang na mapag usapan
ang epekto ng modernong salita sa kultura upang mabigyang solusyon ito.

Ang payak na mithiin ng koseptong papel na ito ay ang matulak ang mga Pilipino na buksang
muli ang pag iisip at gamitin ang wikang kinagisnan. Ang pagnanais na lubusang mabigyan ng linaw
ang kahalagahan ng Wikang Pilipino at ang ugnayan nito sa pagpapayaman ng kultura ng bansa. At
minimithi nitong makuha ang sagot sa mga katanungang nabubuo sa isipan ng tao ukol sa
modernong wika.

Ang papel na ito ay may pangkalahatang layunin na, malaman ang naidudulot ng
pagkakaroon ng modernong salita sa kulturang kinagisnan. Sinasaklaw nito ang mga tiyak na layunin.
Una, Malaman ang mga kadahilanan ng paglaganap ng mga modernong salita. Pangalwa,
ang mabatid ang mga konkretong epekto o naidudulot nito sa kulturang Pilipino at pangatlo,
ang makapagbigay ng solusyon ukol sa isyu.

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA


Ang pagbabago ay lubusang nakakaapekto sa isang bagay. Pagbabagong hatid ay positibo o
di kaya’y negatibo. Sa panahong ang mundo ay gumagalaw na sa mga makabagong instrumento ng
teknolohiya gaya ng media aktibo na ang mga kabataan sa makamodernong wika. Anong epekto ang
madudulot nito? Diba pagkakaroon ng kaibahan sa kulturang kinagisnan o di kaya’y tuluyang paglimot
sa kultura. Kung kaya’t ang konseptong papel na ito ay naglalayong mapagtibay ang aming napiling
isyu patungkol sa pagbabago ng wika. Nais naming maipahayag kung ano ang mga pagbabagong
nagaganap sa ating lipunan na higit na nakakaapekto sa ating wika. Ang pag-aaral na aming
gagawin ay gagawin sa pamamaraang deskripto-analitik. Bibigyang kahulugan nito o
ilalarawan at suriin ang pagbabagong nagaganap sa wika sa makamodernong panahon at
ang epekto nito sa kultura. Upang pagtibayin ang gagawing pag aaral ang papel na ito ay
isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng
isang sarbey kwenstyuner upang makahanap ng mga datos na maglalaman ng mga sanhi
ng pagkalap ng makamodernong wika. Hindi lang ditto iikot ang pagkalap ng impormasyon
magsasagawa din ng pananaliksik sa iba·tibang sa mga aklat, dyaryo, magasin, at
pamanahunang papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang datos o impormasyon
gamit ang internet. Ang mga salitang gagamitin ay pormal at hindi ganoon kalalalim upang
mas madaling maintindihan ng mambabasa. Ito ay gagawing tuwiran at direkta lalo na’t ang
magsisilbing pokus ng pag aaral ay para sa mga kabataan.

https://d1apagsilangngmakabagongwika.blogspot.com/2015/09/pagsilang-ng-mga-makabagong-wika-
dulot.html

You might also like