Professional Documents
Culture Documents
KABANATA 1
WIKA
KATANGIAN:
1. Ang wika ay tunog - nagsisimula ang isang wika sa mga tunog na nagsisilbing berbal na mga
3. Ang wika ay masistema - ang anumang wika ay may sinusunod na organisasyon at may taglay
na istruktura (ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at pragmatiks).
sapagkat ang bawat wika ay may sariling kakanyahang kultural. Ibigsabihin, hinuhubog ng
wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika (Sapir at Whorf, w.p.)
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-
bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o
lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng
pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang
ang layo ng koneksiyong sa isa't isa.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang
suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan
ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng
pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng
Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan,
ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan
at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga
bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito
ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing
insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa
panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.
Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong
ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha
ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa
bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog.
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit.
Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch!
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng
tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag
tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o
kapag ang mga ina ay nanganganak?
Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-
ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
Sing-song
Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang
wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din
itong teoryang kontak.
Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya
ng tunog ng mga matatanda.
Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng
tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
Hocus Pocus
Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno
ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at
naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).
La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga
ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang
ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na
kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Mama
Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika
na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang
kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't ibang tungkulin
nito sa kaniyang buhay.
Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa
paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng
tao ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao.
Jose Rizal
Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao
Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination
of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng
wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of
Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa
kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.
Wikang Aramean
Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria.
May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng
mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia.
Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
Haring Psammatichos
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si
Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang
pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang
salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang dalawang bata na ang ibig
sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang
pinanghahawakan ng teoryang ito.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag
sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit na ang
isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay
may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang ating paniwalaan
o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa
pinagmulan ng wika.
KAHALAGAHAN NG WIKA
Mahalaga ang wika sa tao sapagkat ito ang pinakapangunahing kailangan upang
maipahayag natin ang damdamin, saloobin kaisipan at iba pa.
Wikang Filipino
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay ang wikang Filipino ito ay may taglay na malalim,
malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating magagamit ito sa
ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng
kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman
ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at
puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina.
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon
1. Ginagamit ang wikang Filipino bilang isang midyum para makasulat, makabasa at
makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat matutunan at malaman. Kung walang wika
ay hindi matututo ang isang mag-aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman, hindi rin
magkakaintindihan ang bawat isa.
2. Ang wikang Filipino ang susi sa maayos at mabilis na komunikasyon ng bawat isa, ito ay
ginagamit upang magkaunawaan at magkaintidihan ang sinasabi ng mga mag-aaral. Kaya
napakahalaga ng pakikinig dahil sa ganitong paraan natututo ang bawat isa.
3. Ang wikang Filipino ang gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at sa pagtuturo sa iba.
Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay kakayahan nito sa pagsasalin ng mga natutunan
sa ibang tao.
4. Ang wikang Filipino ay instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang bayan
o bansa.
Samakatuwid, napakahalaga ng wikang Filipino sa larangan ng edukasyon sapagkat ito
ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura,
kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng
kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na
nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa
labas ng bansa. Wikang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, ang karunungan nito ang susi sa
pambansang pag-unlad sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing tagumpay.
2. Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-
alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan
ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na
ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha
at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at
pag- abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.
Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring
nagaganap.
Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin
at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.
kinagawian (presented way). Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging
malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon.
Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.
Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay,
pagtanggap, atbp.
5. Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat
isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga
tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng
marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang
kanilang sasabihin. Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng
pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa anyo ng mga padamdam,
pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita.
Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin.
Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi ng
paumanhin.
Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa
gamit na ito, nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika,
ang isipan, ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad.
6. Heuristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-
unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig.
Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga
bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp. Ang gamit na ito ang batayan ng
kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong
magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na pinananahanan nila at bumuo ng
mga posibleng sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng
wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong
nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang
kailangan sa paglikha ang simbolismo ng metalanguage – isang wikang ginagamit sa
pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig,
kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan
ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan
Ang wika ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan. Ito ang ginagamit natin sa
pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ayon kay Tumangan (1986), “ang wika ay
mahalagang bahagi ng lipunan sa dahilang ito ang kasangkapang kailangan sa
pakikipagtalastasan.”
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa
kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan
at okasyong dinadaluhan.
Ito ang may pinakamayamang uri. Ginagamit ang salita sa ibang kahulugan. Mayaman sa
paggamit ng idyoma, tayutay. Ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at mananaliksik. Ito
ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan
Halimbawa: Mabulaklak ang dila, Di-maliparang uwak, Kaututang dila, Balat sibuyas,Taingang
kawali Nagbukas ng dibdib, Kahati sa buhay, Bunga ng pag-ibig, at Pusod ng
pagmamahalan.
Impormal- Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito
sa kakaibang tono o punto.
Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
gaya ng Cebuano, Bicolano, Batangueno at iba pa na may tatak –lalawiganin sa
kanilang pagsasalita. isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?), Nakain ka na? (Kumain ka na?), Buang! (Baliw!)
Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.
May katumbas itong slang sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Singaw
ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita. Ito ang nagpapatunay ng