You are on page 1of 16

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
TUNGKOL SA
WIKA , POLITIKA AT EKONOMIYA
ANG WIKANG KATUTUBO AT ANG KAMALAYANG FILIPINO

INIHANDA NI
GAMIER, JUDY ANN M.
2-A3 BSED MEDYOR SA FILIPINO
PANGKALAHATANG LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Maunawaan ang kahulugan ng wika, politika at ekonomiya
Masusuri ang ugnayan ng wika at iba’t ibang institusyong panlipunan
Maipapaliwag ang kaugnayan ng wika sa politika at ekonomiya
PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
Aralin: Wika, Politika at Ekonomiya, Ang wikang katutubo at ang kamalayang Filipino
Kagamitang Panturo: PowerPoint presentation, Telepono at Laptop
Daloy:
A. Panalangin:
Mateo 23:13
Mali ka man o tama, mas mabuting yumuko ka na lang at magpakumbaba.
Dahil mas tahimik ang buhay pag marunong kang umunawa.

Sa Ngalan ng ama ,ng anak, at ng Espiritu Santo. Amen.


Panginoon kami po ay humihiling ng Iyong biyaya at gabay sa aming
pangaraw-araw na pag-aaral. Ituro Mo po sa amin ang tamang landas ng
karunungan at kabutihan. Bigyan Mo rin po kami ng lakas ng loob na harapin
ang mga hamon ng buhay. Ipanalangin ko po ang aming mga guro, magulang,
at lahat ng mga nagmamahal sa amin. Nawa’y maging mabunga ang aming
pag-aaral at magdulot ito ng mabuting pagbabago sa aming sarili.Ito lamang
po ang aming samo at dalangin sa Matamis na Pangalan ni Hesus na aming
Panginoon. Amen.
B. Pagbati:
Magandang umaga, mga mandirigma ng karunungan! Tayo’y magsama-sama
para sa isang araw na puno ng kaharian ng kaalaman.
Ako si Judy Ann Gamier , Ang inyong taga pag ulat sa araw na ito, inaasahan ko po
Ang inyong kooperasyon at pakiki isa .

C. Pagtatala ng liban: Sa pagtatala ng liban, tatawagin isa-isa ang pangalan ng mga mag-
aaral at kapag natawag ang pangalan ay tatayo at kailangan na bumanggit ng Filipino
memes .
Halimbawa:
Mag pupulis na lang ako tutal maraming sumusuko sakin.

D. Pagbabalik-aral: Ang pagbabalik-aral ay tatawag ang taga pag – ulat ng tatlo at sila
ang mag babahagi ng kanilang natutunan sa nagdaang aralin.
E. Pagganyak: Ang tagapag-ulat ay may inihandang mga katanungan , na kailangang
bigyan ng sagot kung sino ang mahihintuan ng kahon na may laman na mga
katanungan.

F. Paghahawan ng Balakid: Isasagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pag papaikot


ng kahon sa klase.
 Ano ang kahulugan ng wika?

-Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.


Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
 Paano mailalarawan ang kalikasan ng politika?

Ang kalikasan ng politika ay ang proseso ng pamamahala at pagpapasya sa


isang lipunan, kung saan ang mga tao o grupo ng mga tao ay nakikipag-
ugnayan upang mangalaga at magtakda ng mga patakaran, batas, at
regulasyon na nagtutok sa pag-organisa at pagpapatakbo ng isang bansa o
komunidad
 Paano mo mailalarawan ang ugnayan ng wika at politika

Sa politika, ang mga lider ay gumagamit ng kanilang mga wika upang


mangampanya, makipag-ugnayan sa kanilang mga tagasuporta, at
magpahayag ng kanilang mga adhikain. Ipinapakita nito kung paano ang wika
ay isang instrumento para sa pagkuha at pagpapalakas ng kapangyarihan.

G. Pagtalakay:
WIKA AT POLITIKA

Ayon kay Heywood (2013),politics in its broader sense, is the activity through which,
the people make, preserve and ammend the general rules under which they live.

KALIKASAN NG POLITIKA

Inilarawan nina Mooney at Evans (2015) ang politika: …’politics’ is much broader than
you might think. Certainly politics includes policy planning and legislation and the
discussions of these processes. It is also means discussions of social issues by
politicians. In this sense, politics is the process by which members of a community
discuss and decide about how they are governed. These discussions are clearly
connected to power including who is in power, how they are using these powers and
wether they should continue to be in power – we must remember that politics is
everywhere.

Tinalakay naman ni Heywood (2013) ang kalikasan ng politika. Inilarawan niya ito
bilang isang sining ng gobyerno, bilang publikong ugnayan, bilang kompromiso at
konsensus, at bilang kapangyarihan

1 . Politika bilang sining ng gobyerno

Ito ang tradisyonal na pananaw sa disiplinang ito na sinasalamin ng tendensiya ng


mga akademikong pag-aaral nito na magpokus sa mga tao at makinarya ng gobyerno.

2.Politika publikong ugnayan

Sinabi ni Aristotle (sa Heywood, 2013) na man is by nature a political animal, Ibig
sabihin, sa loob na politikal na komunidad nakasusumpong ang tao ng mabuting
buhay. Batay sa puntong ito, ang politika ay isang etikal na aktibidad na konsern sa
paglikha ng makatarungang lipunan.

3. Politika bilang kompromiso at konsensus

Ang ikatlong konsepsyon ay kaugnay sa paraan ng paggawa ng mga desisyon kung


saan tinitingnan ang politika bilang isang partikular na paraan ng pagreresolba ng mga
tunggalian sa pamamagitan ng kompromiso, konsilasyon at negosasyon, sa halip na
sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan.

4.Politika bilang kapangyarihan

Ang pinakamalawak at pinakaradikal. Sa halip na ikulong ang politika sa sa isang


partikular na kahon (ng gobyerno, ng estado o ng publikong lawak), tinitingnan ang
politoka sa pananaw na ito na may gana sa lahat ng gawaing panlipunan sa bawat
sulok ng pantaong ekssitens.

UGNAYANG WIKA- POLITIKA

May wika sa politika, halimbawa na lamang dito ang pangungumpanya at talumpati ng


politiko, at higit sa lahat ang pagpapalaganap ng kamalayang pampolitika.
Kapangyarihan ang nag-uugnay sa wika at politika, kung ang politika’ y kapangyarihan
ang bunga ng mabisang paggamit ng wika, sa wika nama’ y kapangyarihan ang
dahilan ng impluwensiya ng wika sa ibang tao. Kung gayon, bawat gumagamit ng wika
ay isang politiko.

Bagama’t napagtagumpayan na natin ang Konstitusyon ng 1987 ang pagtanghal sa


Filipino bilang wikang pambansa, marami pa rin ang pagsubok nito kalakip ng politika.

1. Western World
 Hegemony at racism

 May instensiyong supermacist ang pagdidikta ng kasapian sa western


world at ang pag-aasayn nila ng termino sa kanilang sarili.

2. First World
Bansang mauunlad na nabibilang din sa western world na ang eksepsyong bansa
ay Japan dahil sa kanyang istatus bilang pangalawa sa pinakamaunlad na
ekonomia sa mundo.

3. Developing Nations
Ito ang tawag sa mga bansang hindi nabibilang sa western or first world pero kung
tutuusin lahat ng bansa sa daigdig ay developing.

4. Coloured Race
Ito naman ang tawag sa mga lahing itim at kayumanggi.

Sinabi naman ni Ramos (2016) na . . .may politika sa paggamit ng wika o kahit na nga
sa pagpili ng wika bunga ng pagnanasang ang mga uri ng salita, pangungusap o
diskurso ay mabisang magagamit na instrumento sa pagkontrol ng usapan sa
alinmmang mga akademiko—edukasyonal, ekonimiko-politikal at sosyo-kultural na
transaksyon

ANG WIKANG KATUTUBO AT ANG KAMALAYANG FILIPINO

Bienvenido L. Lumbera

Sino nga ba si Bienvenido Lumbera?

Si Bienvenido Lumbera at Pinanganak ng Abril 11, 1932 . Siya ay Pambansang


Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa
Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing Komunikasyon. Nanalo siya ng maraming
gawad pampanitikan, kabilang ang mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa
Pambansang Pundasyon sa Aklat, at ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca
para sa Panitikan.

May tatlong salik dito na nagbibigay ng timbang sa prsosesong ito:

1.salita

2 .makata bilang taga-ayos ng mga salita para sa kanyang nais na ipabatid; at

3 .madla o tagabasa bilang tagatanggap ng mensahe ng panitikan.

WALA SA SALITA ANG KAPANGYARIHANG PUMUKAW SA KAMALAYAN NG


MAMBABASA O TAGAPAKINIG.

 Hindi likas sa salita ang kakakayahang kumatok sa kamalayan ng isang tao


upang mapalabas ang damdamin o kaisipang naroon lamang at naghihintay
sa sugong salita.

ANG MANUNULAT AY NATATANGING TAO NA MAY KAKAYAHANG BUMUO NG


AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA WALA,

 ANG PAGLIKHA NG AKDA AY SA PAGITAN LAMANG NG AWTOR AT MGA


SALITA. ITINUTURING NITO ANG MADLA BILANG SISIDLANG WALANG
LAMAN AT MGA TAONG NAKAABANG LAMANG NA DATNAN NG AKDA.

ANG MADLA AY MAY BUHAY

 Ang madla ay may sariling pandama at pag-iisip at may kakayahang mamili


kung aling akda ang kanilang pahahalagahan.

TATLONG AKDA NA SINURI NI BIENVENIDO LUMBERA


 Jocelynang Baliwag
 Florante at Laura
 Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan

JOCELYNANG BALIWAG
Napukaw ang mga Pilipinong Rebolusyonaryo ng 1896, ang awit na “Jocelynang
Baliwag” (orihinal na awit para sa isang dalaga sa Baliwag, Bulacan) kaya’t
hinirang nila ito na Kundiman ng kanilang pakikipaglaban. Nagtugma ang kanilang
sariling kamalayan, danas at pananaw-mundo sa awit na ito.

FLORANTE AT LAURA
Sa tulang awit ng pag-ibig na Florante at Laura ni Francisco Balagtas, nang nabasa ito
ni Rizal, ay nagkaroon ito ng isa pang pagpapakahulugan. Sa kanyang malay na
pagbasa, ang kasawian sa pag-ibig ng dalawang nag-iibigan ay naiugnay sa
malungkot na kundisyon noon ng mga Pilipino. Marahil ang intensyon ni Balagtas ay
mapatunayang kaya ng isang Pilipino na pumantay sa mga bantog na makata sa
Europa, subalit sa pagbabago-bago ng panahon ng konteksto ng kanyang akda,
umaayon din ang kahulugan nito sa pagbabago ng kamalayan ng mga taong
bumabasa.

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN


Ang tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan’ ni Amado V. Hernandez ay
naging sentral na akdang pumukaw sa mga kabataang aktibista na Kabataang
Makabayan (KM) ng dekada 60-70, gayong isinulat ito ng lumaban bilang pagtuligsa
sa balatkayo at imperyalistang pamumuno ng mga Amerikano noong 1930.

Ikaw na mahal ko, katulad ka ng sampaga,


Malinis, maganda, bukal na ang daloy ay nagpapaligaya;
Paraiso kang tirahan ng galak
At tuwa ay agad nakakapagpahalimuyak.

Ang kahulugan ng tula ni Balagtas ay umayon sa pagbabago ng kamalayan ng mga


tao noong panahon ng himagsikan

• Ito ay tinawag na Mga anak ng bayan

• At ang Florante at Laura ni Balagtas ay napalitan na nina Rizal at Mabini

• Araw na tinawag ng mga Amerikano na Occupation Day

• Nagpapahiwatig na ang mga Filipino kinupkop na ng pwersang Admiral Dewey

• Taong 1930
• Peryodistang si Amado V Hernandez ay naglabas ng kolum ng isang tula na
nagpapahiwatig ng kalumbayan ng bayang Pilipinas.

Panahon ng Amerikano

• Tinanggap ng maraming pilipino ang paggunita ni Hernandez ang pag bagsak ng


Maynila.

• Ito ang naniniwala sa pamumunuan ng unang Republika

• Ang bisa ng mga tulang ito sa kamalayang Filipino ng nanunungkulan sa


adminastrasyong kolonyal 1930 ay hindi kayang alamin

• Nakaranas din ang Pilipinas ng kaalwanan nagbigay ng tunay na kapatid ng


“brown brothers” ay mga putting mananakop.

• Sinalungat ng tula ni Hernandez na malayang taong nakalimot sa Republikang


saglit ang naging buhay.

Panahon ng Komonwelt

• Dumating ang mga Hapon sa Pilipinas

• Nabuo muli ang puwersa ni Mc Arthur na ng bigay kasarinlan sa mga Pilipino.

• Maraming tula ang natabunan

• Tulad ng tula ni Hernandez na “Kung Tuyo na ang Luha Mo, aking Bayan”

• Pati ang wikang Ingles ng mga manunulat ng administrasyong Quirino noong


1950.

• Si Hernandez ay makalaya taong 1956

• Nakapaglimbag agad siya ng tula ng pinamagatang “Isang Dipang Langit” noong


1961 pati ang pagtutol niya sa padiriwang ng Occupation Day

• Nagsimula makabuo ng kilusang makabayan na pinamumunuan ng kabataang


mag-aaral kasapi ang kabataang makabayan.
• Mga estudyanteng buong yumakap sa mga kaisipang pambansa- demokrasya

• Sa pagbalik ng mga ito ang kasaysayan ng Pilipinas natagpuan nila ang palabag
sa tula ni Hernandez.

Kamalayan ng Kabataan

• Kaisipan ni Claro M Recto

• Dekada 50 ng naglahad ng patakarang panlabas ng gobyernong Filipino

• Ang pag-angkin ng pinunong Amerikano bilang teritoryo ng Estados Unidos.

• Isa pa ang pagbulusok ng ekonomiya ng bayan habang naruruon ang dayuhan sa


Pilipinas.

• Ganun din ang tulang Ka Amado ang pumukaw sa mga ito.

H. TANONG-SAGOT
 Paano nakakaapekto ang paggamit ng iba’t ibang wika sa kampanya ng mga
politiko sa Pilipinas sa kanilang tagumpay sa halalan?

Ang paggamit ng iba’t ibang wika sa kampanya ng mga politiko ay maaaring


makatulong sa kanila na makabuo ng mas malawak na suporta mula sa iba’t ibang
sektor ng lipunan. Halimbawa, ang paggamit ng mga diyalekto ay maaaring
makapagbigay-diin sa pagiging kaugnay at maka-masa ng isang kandidato.

 Ano ang kahalagahan ng wika sa politika? Paano ito nagiging instrumento para sa
mga politiko?

Ang wika ay mahalaga sa politika dahil ito ang pangunahing kasangkapan ng mga
politiko sa kanilang kampanya at talumpati upang makaakit ng mga botante.
Ginagamit nila ito para maipahayag ang kanilang mga plataporma at mensahe sa
publiko.

 Paano naging mahalaga ang papel ng mga makata at manunulat sa


pagpapalaganap ng kamalayang makabayan sa panahon ng himagsikan?

Ang mga makata at manunulat ay naging mahalaga sa pagpapalaganap ng


kamalayang makabayan sa panahon ng himagsikan sa pamamagitan ng kanilang
mga tula at akda. Sila ang nagdala ng mga mensahe ng pagmamahal sa bayan at
pagtutol sa dayuhan sa kanilang mga likha. Ang mga ito ay nagbigay-inspirasyon
at nag-udyok sa mga tao na sumapi sa himagsikan at itaguyod ang kalayaan ng
Pilipinas.
I. INDIBIDWAL NAGAWAIN

Panuto: Bumuo ng isang slogan na may malalim na kahulugan at nag


papakita ng kaugnayan ng wika at politika. Ito’y di dapat lumagpas sa labinlimang
salita . Mamarkahan ang bawat isa base sa rubrik.

RUBRIK SA PAGBUO NG SLOGAN

PAMANTAYAN 10 PUNTOS 8 NA PUNTOS 5 PUNTOS


Nilalaman Mabisang Di gaanong Walang maayos
naipakita ang naipakita ang na pagpapakita ng
mensahe. mensahe. mensahe
Pagka- malikhain Sobrang ganda at Maganda at Hindi gaanong
linaw ng malinaw ang malinaw ang
pagkakasulat ng pakakasulat ng pagkakasulat ng
titik. titik mga titik
Kaangkupan May malaking May kaunting Hindi malinaw ang
kaugnayan sa kugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang islogan paksa an islogan paksa ng islogan
Kalinisan at Malinis na malinis Malinis ang Hindi gaanong
Kaayusan ang pagkakabuo pakakabuo. Malinis ang
pakakabuo .

J. PAGTATAYA:

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1.Ano ang layunin ng politika ayon kay Heywood (2013)?


a) Magkaroon ng mas maraming eleksyon
b) Gumawa, mapanatili, at baguhin ang mga Pangkalahatang patakaran ng lipunan
c) Mangarap ng mas mataas na katayuan sa Lipunan
d) Sumali sa mga rally

2.Ano ang ibig sabihin ng ng “gobyerno politika bilang sining”?


a. Ang politika ay isang paraan ng pagsasalaysay ng kwento
b. Ito ang pag-aaral ng mga sining ng gobyerno tulad ng sining ng pagsulat
c. Tradisyonal na pananaw na nakatuon sa mga tao at makinarya ng gobyerno
d. Ang politika ay walang kinalaman sa sining
3.Sino ang nagsabi na “man is by nature a Political animal”?
a. Socrates
b. Aristotle
c. Plato
d. Confuciu
4.Ano ang ibig sabihin ng “politika bilang Kompromiso at konsensus”?
A .Ito ay tungkol sa pag-aaway at hidwaan ng mga pulitiko
B. Ang politika ay tungkol sa pagtutol sa lahat Ng oras
C. Ito ay tungkol sa pagresolba ng mga Tunggalian sa pamamagitan ng kompromiso
At negosasyon
D. Ang politika ay tungkol sa pagsusulong ng Personal na agenda
5.Sino ang nagsabi na may politika sa paggamit Ng wika?
a. Jose Rizal
b. Andres Bonifacio
c. Ferdinand Marcos
d. Walang kilalang tao ang nagsabi nito
6.Ano ang ibig sabihin ng “Western World” sa Konteksto ng politically charged na
salita?
a. Mga bansa sa Silangang Asya
b. Mga bansa sa Kanlurang Europa at Amerika
c. Mga bansa sa Timog Amerika
d. Mga bansa sa Timog-silangang Asya
7.Ano ang ibig sabihin ng “Developing Nations sa politically charged na salita?
a. Mga bansa na may mataas na antas ng Pag-unlad
b. Mga bansa na nasa estado ng pag-unlad
c. Mga bansa na may kakulangan sa pag-unlad
d. Mga bansa na walang kaugnayan sa pag-unlad
8.Ano ang ibig sabihin ng “politika bilang Publikong ugnayan” ayon kay Aristotle, at
bakit ito mahalaga sa lipunan?
a. Ito ay tungkol sa pagtutol sa lahat ng oras, at Hindi ito mahalaga sa lipunan.
b) Ito ay tungkol sa pagtutulungan ng mga mamamayan sa paggawa ng sining.
c) Ito ay tungkol sa proseso kung paano ang mga miyembro ng komunidad ay nag-
uusap at nagdedesisyon kung paano sila pamamahalaan, at ito ay mahalaga dahil
nagbibigay ito ng partisipasyon sa pamahalaan.
9.Ano ang politically charged na salitang nauugnay sa mga bansang mas mataas ang
ekonomiya at antas ng buhay kaysa sa ibang bansa?
a. “Developing Nations”
b. “Global South”
c. First World”
d. “Eastern Bloc”
10.Bakit importante ang pagkakaroon ng kaalaman sa politically charged na mga salita
Sa wika?
a. Dahil ang mga salitang ito ay nakaka-Engganyo sa mga tao na maging mas aktibo
sa Politika.
b. Dahil ang mga ito ay nakakatulong sa Pagpapahayag ng mga ideya ng mga
pulitiko.
c. Dahil ang mga salitang ito ay maaaring Magdulot ng di-pagkakaunawaan o maling
pag-unawa sa mga isyu sa lipunan.
d. Dahil ito ay nagpapababa ng lebel ng Pagiging makabayan ng isang tao.
11.Sino ang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na nakatanggap ng Gawad
Ramon Magsaysay?
a. Francisco Balagtas
b. Amado V. Hernandez
c. Bienvenido Lumbera
d. Jose Rizal
12.Ano ang tatlong salik na nagbibigay timbang sa proseso ng pagkakaroon ng
kamalayan Ayon kay Bienvenido Lumbera?
a. Wika, Panitikan, Aksyon
b. Salita, Makata, Madla
c. Agham, Sining, Kultura
d. Politika, Ekonomiya, Lipunan
13.Ano ang naging iba’t-ibang pagpapakahulugan ng tulang “Florante at Laura ni
Francisco Balagtas noong panahon ni Jose Rizal?
a. Simbolo ng pag-ibig
b. Alegorya ng kolonyalismo
c. Pampatunay ng kasaysayan
d. Lahat ng nabanggit
14. Paano naging kundiman ng himagsikan ang tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo,
Aking Bayan ni Amado V. Hernandez?
a. Dahil sa pagtutol nito sa balatkayo ng mga Amerikano
b. Dahil sa pag-angkin ng Pilipinas ng mga Amerikano
c. Dahil sa pagyakap nito sa kasaysayan ng bayan
d. Lahat ng nabanggit
15. Kung wala sa salita ang kapangyarihan, saan ito mahahanap?
a. Sa aksyon at pagkilos ng tao
b. Sa likas na yaman ng bansa
c. Sa ekonomiya ng lipunan
d. d.Sa kasaysayan ng kultura
16. Paano napukaw ng “Jocelynang Baliwag” ang damdamin at diwang
mapanghimagsik noong rebolusyong 1896?
a. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng tula kay Jose Rizal
b. Sa pagpapakita ng pag-ibig sa bayan sa pamamagitan ng tula
c. Sa pagtukoy sa pagbabago ng kamalayan ng mga tao
d.Lahat ng nabanggit

17.Ano ang tinawag na “Occupation Day” ng mga Amerikano noong panahon ng


kolonyalismo?
a. Araw ng Kalayaan
b. Araw ng Paggunita
c. Araw ng Pag-aakias
d. Araw ng Pag-aangkin

18.Sa anong panahon naging sentral ang mga Tula ni Amado V. Hernandez sa
kamalayan ng mga Pilipino?
a. Panahon ng Espanyol
b. Panahon ng Amerikano
c. Panahon ng Hapon
d. Panahon ng Komonwelt
19.Ano ang naging epekto ng pag-angkin ng mga Amerikano sa Pilipinas sa
kamalayan ng mga Filipino?
a. Pag-usbong ng makabayan at demokratikong kilusang kabataan
b. Pagkawala ng pag-asa sa kalayaan
c. Pag-usbong ng ekonomiya ng bansa
d. Lahat ng nabanggit
20.Sino ang sumulat ng tula na “Isang Dipang Langit” noong 1961?
a. Jose Rizal
b. Amado V. Hernandez
c. Claro M. Recto
d. Francisco Balagtas
21.Ano ang ginawa ng mga kabataang mag-aaral Na kasapi ng Kabataang
Makabayan (KM) noong dekada 60-70
a. Sumali sa mga komunista
b. Sumiklab ng digmaan
c. Nakibahagi sa kilusang makabayan
d. Itinatag ang isang bagong gobyerno
22.Ano ang ginamit na pamagat ni Amado V. Hernandez sa kanyang tula na
nagpapahiwatig ng kalumbayan ng bayang Pilipinas?
a. “Ang Bayan Kong Sawi
b. “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”
c. “Isang Dipang Langit”
d. “Jocelynang Baliwag”
23.Ano ang pangunahing layunin ng mga tula ni Amado V. Hernandez noong dekada
30?
a. Magbigay-puri sa mga Amerikano
b. Itaguyod ang kolonyalismo
c. Mag-udyok ng kamalayan ng makabayan
d. Lahat ng nabanggit

24.Ano ang naging epekto ng pagdating ng mga Hapon sa Pilipinas sa mga tula ng
mga Manunulat?
a.Nabawasan ang pagsusulat ng tula
b.Mas lalong nag-usbong ang pagtutula
. c. Nawala ang pagkakakilanlan ng mga manunulat
d. Lahat ng nabanggit
25.Sino ang naglabas ng kolum ng tula na Nagpapahiwatig ng kalumbayan ng bayang
Pilipinas noong 1950?
a. Bienvenido Lumbera
b. Jose Rizal
c. Amado V. Hernandez
d. Claro M. Recto

K. SUSING SAGOT

1. B 6. B 11. C 16. C 21. C


2. C 7. C 12. B 17. B 22. B
3. B 8. C 13. D 18. B 23. C
4. C 9. C 14. A 19. A 24. B
5. D 10. C 15. A 20. B 25. D

L. SANGGUNIAN
a. Modyul -WIKA , POLITIKA AT EKONOMIYA
ANG WIKANG KATUTUBO AT ANG KAMALAYANG FILIPINO

TAGAPAG ULAT (PROPAYL


Pangalan: Judy Ann M. Gamier

Edad: 19

Kaarawan: November 13,2003

Tirahan: Ilag, San Teodoro

Email: gamierjudyann@gmail.com

You might also like