You are on page 1of 4

ANG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN

            Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang


nagging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may
kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng
mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at
pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa
mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na
pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang
Gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng
pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak
para maging isang doctor o isang abugado. Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang
ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring “Magaling.” “Tama ang sagot
mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige, ipagpatuloy mo.”
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng
mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual
Method (ALM) na nagging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa
teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba.
·         Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
·         Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
·         Paggamit lamang ng target na wika;
·         Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
·         Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
·         Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN


            Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata ay
ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong
nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
            Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa
pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang
ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang
gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon
bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.
            Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition
Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip
na ‘black box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag
na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal
Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga
bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

TEORYANG COGNITIVE
            Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang
mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon,
alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng
orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang
palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang
iwinawasto.
            Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa
pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw na kabaligtaran ng
dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa
patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay
nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang
teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong ito’y
maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa
kanilang dating kaalaman.
            Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming
aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (page at
pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang
bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo
ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na
magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

TEORYANG MAKATAO
            Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga
salik na pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng
isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung
saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at
nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
            Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong
tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent
Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.

MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO


NG WIKA
            Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang
paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay
malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na VerbalBehavior (1957). Samantala,
noong 1959, sa isang matinding rebyuna isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner,
pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng
pagpaptibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang
pag-unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni
Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan
ang wika.
            Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika,
ang Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa
pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May
tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa
kasalukuyan.
·         Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng
pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
·         Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito
ay katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.
·         Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang
kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman
at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos
ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng
wika.

ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL (TRANSFORMATIONAL


GRAMMAR)
            Anng mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig
na ang isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na
nalalamman at nagagamit ng isang tao sa kanyang pang-araw araw na
pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na maipaliwanag at
mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.
            Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng
wika perse, malaki ang naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.

MONITOR MODEL NI KRASHEN


            May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa pagtatamo ng
pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng
mga proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. May limang haypoteses na
nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen: ang acquisition learning hypothesis, na
nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto (na
sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika); ang natural order hypothesis,
nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay natatamo sa isang mahuhulaang
pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na nagpapalagay na may isang paraan
ng pag-iisip para   sa pagtatamo ng katatasan; ang input hypothesis, nagpapahayag din
na ang unawa sa mga mensahe; at ang affective filter hypothesis, na nagpapaliwanag
hinggil sa mga sagabal na pang-isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo
ng wika.
            Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan
naman ito ng isang matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki
ang impluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika.
            Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng
haypotesis na ito na ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na
proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.
            Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning
pangwika na mas naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang
may likas na sinusunod sa natural na order ang bata sa pagtatamo ng wika.
            Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang
ugnayan ng pagtatamo at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni
Krashen, napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng
paglalaan ng isang language-rich environment na makapagpapadali sa natural o likas
na pagkatuto nito.
            Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay
natatamo sa isang prosesong payak at totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan
natin ang mga mensahe. Ang kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin
ang mga sinasabi ni Krashen na comprehensible input. Ipinagpapalagay ni Krashen na
ito ay input na maaaring ihalintulad sa “caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa
mga batang bago pa lamang nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver.
Ang caretaker speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan, kontrolado ang
bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa komunikasyon.
            Ang affective filter hypothesis. Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa
mga baryabol na pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa
sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil nagagawa ng mga ito na mahadlangan
ang mga input para gisingin ang Language Acquisition Device (LAD). Kung
mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa mga comprehensible input, maaaring
kaunting input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang
kontekstong affective at positibo ay nakapagpapataa

You might also like