You are on page 1of 6

MODYUL 1: ANYONG PATULA

KABANATA-1

Unang Bahagi: Panulaan

Mga Layuning Pampagkatuto

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

= Masusuri ang kahalagahan ng tula.

= Matutukoy ang iba’t ibang uri ng tula.
= Magagamit ang kaalaman sa pagsulat ng isang tula.

AKTIBIDAD:

Panuto: Sumulat ng malayang tula na may tatlong saknong, ang tula ay

Nauukol sa Pandemya pagkatapos basahin ito at ipaliwanag ang
Nagawang tula.

_________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

Ang anyong patula

Ang panulaan ay isang bahagi ng panitikan na naglalahad ng isang piling

Kaisipang malimit ay sa pamamagitan ng salitang may suka at tugma at
Kung minsan ay walang sukat at tugma.
Ang tulang walang sinusunod na tuntunin ng sukat at tugma na ang tulang
tinatawag na malayang taludturan o free verse (Sebastian at Nicasio 1965)

Ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay isang paglalarawan ng buhay

hinago sa guniguni, na ipinararating sa ating damdamin at ipinapahayag sa
pananalitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may
sukat at tugma ang taludturan.

Ang kahulugan ng tula ay “likha” at ang makata ay isang manlilikha (Alejandro at

Pineda, 1950) Nagpapahayag ang tula ay isang ideya o damdamin sa isang
wikang matalinghaga (Rubin at Casanova, 2001)

Panulaan

1.Denotasyon at Konotasyon- Mahalaga sa pag-unawa ng tula ang

interpretasyon o pagbibigay-kahulugan. Ang aktwal na kahulugan o kahulugang
pandiksyonaryo ay tinatawag na denotasyon samantala ang konotasyon ay
kahulugang ipinapahiwatig ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang salita.

Hal.
Bata kappa kaya huwag ka munang sumama sa kaniala
(di pa matanda, denotatibo)

Siya ay pinagkakatiwalaang bata ng senador.

(alalay, konotatibong kahulugan)

2.Diksyon ng tula- Ang tawag sa mga salitang pinipili para gamitin ng makata o
kahit sinong manunulat hindi dapat ipagkamali ang diksyon ng tula sa diksyon
ng karaniwang pananalita.

3. Poetic license- Tinatawag na poetic license ang karapatan ng makatang

umiiwas sa anumang pamantayan at mga tuntunin upang magkaroon ng bisa o
epekto. Maaari niyang gamitin ang isang pangngalan na maging pang-uri o isang
pandiwa gaya ng linis (pangngalan), maglinis (pandiwa), at malinis (pang-uri).
Malaya rin ang makata sa palaugnayan (syntax) at sa pag-aayos ng mga salita sa
pangungusap.

May mga tula minsan na binubuo lamang ng mga salita at parirala sa halip na
mga kumpletong pangungusap. Nakasalalay ito sa estilo o porma ng tula.

Halimbawa:
Sana
Dumating na nga
Sana
Hindi masayang
Ang pangarap
Na inaadhika.

4.Persona- Mga dapat tandaan

a.Ang persona ay nagsasalita sa loob ng tula.
b.Ang persona at ang makata ay maaaring pareho o iisa ngunit
hindi dapat ipagkamali na ang makata at ang persona ay lagging
iisa.
c.Ang persona ay maaaring may buhay o wala. Maaaring magsalita
ang anumang bagay o taong may buhay.
d.May mga persona na ispesipiko at agarang matutukoy.
May mga persona naming hindi ispesipiko at maging ang kausap
ay hindi rin matukoy.

Halimbawa:
Gusto ko siyang saktan gaya
Ng sakit na nadarama ko.
Gusto ko siyang saktan
Ng higit pa sa hapding nadarama niya.
Sa mga sugat na nakabalatay
sa buo niyang katawan
Pero di ko magawa.
Bago pa man ako makaamba,
Siya’y lugmok na
Pagkat tunay na mahina.
5.Paggamit ng simbolo- Ang simbolo sa sining ng pagtula ay pagpapahiwatig
O paglalahad ng mga bagay, pangyayari, tao kaisipan o katangian sa pama-
magitan ng mga pananda (sign) at ang mga sagisag. Sa simbolo may naka-
kubling kahulugang ipinapahiwatig lamang ng makata sa halip na tahasang
ipahayag.

PAGSUSURI:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod

Konotasyon
______________________________________________
______________________________________________
Denotasyon
______________________________________________
______________________________________________
Persona
___________________________________________________
_____________________________________________

Diksyon ng tula
______________________________________________
______________________________________________
Paggamit ng simbolo
__________________________________________
__________________________________________

PAGLALAPAT:
PAGSUBOK BILANG 1

Pangalan:__________________ Kurso at Taon:_____________________________

Petsa:_____________________ Iskor:________________________________

Direksyon: Sumulat ng tula na may apat na saknong, maaring gamitin ang

Tulang may denotasyong kahulugan.

__________________________________________________________

SANGGUNIAN

Cruz, I, AT Reyes, S. (1984) An gating panitikan, Manila: Goodwill

Trading Co., Inc.

INIHANDA NI G. YUSOP J. SABDANI

Guro sa Filipino

You might also like