You are on page 1of 24

PAGSUSURI NG TULA

ISANG
PUNONGKAHOY
JOSE CORAZON DE JESUS
KAHULUGAN

► Ang akda ay paglalarawan sa isang taong


naghihinagpis para sa kaniyangbuhay at
naisin, ito‟y paghahambing din sa isang
Punong Kahoy at sa Buhayng Tao.
Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak
na minamahal dahil sa kaniyang
pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan
ay mga alaala na magbabalik at
alalahanin ng mga tao napamahal at
napamahal din sa kaniyang mga nilikha.
MAY AKDA

► Si Jose Corazon De Jesus ay ipinanganak


noong Nobyembre 22,1894 sa Purok
Trindad, Sta. Cruz Maynila. Ikalawang anak
nila Dr. Vicente de Jesus at Gng. Susana
Pangilinan. Siya ay nagtapos ng pag aaral
ng abogasya sa Eseuela de Dereeho sa
taong 1919. Siya rin ang sumulat ng Florante
at laura at San Raymundo.
AKDANG PINAGKUHANAN

► https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-ti
mes-by-various-authors-isang-punongkahoy-ni-jose-corazon-de-jesus
_1069.html
BUOD
Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose
Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa
kanya sa isang punong kahoy. Ang unang
saknong ay naglalarawan sa may akda na
nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa malayong
pook”. Ito’y nangangahulugang ang may
akda ay nagsimulang nagguni-guni. Sa
kanyang guni-guni ay inilalarawan niya ang
kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong
Diyos.
Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya
ang posibling mangyayari kung nasa lamay na
siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay
nangangahulugan na naririnig sa kanyang
lamayan ang mga musikang tinutugtug din sa
simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat
na taludtud ay naglalarawan sa kanyang
lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa
mga tanod na nag-aabang sa kanyang
lamay.
Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay
nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay may
isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa
kanyang paanan, malamang nalulungkot sa
kanyang pagkamatay kaya doon ay may patuloy
na umiiyak at umaagos ang luha, at sabi pa na
hanggang maghapon at magdamag na walang
tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat
na taludtud ay inilalarawan ng may akda ang
kanyang kabaong na inihahalintulad sa sanga. Sa
kanyang kabaong ay may nakasabit na pangalan
ng kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya.
Sa ikaapat na saknong ay
nangangahulugan na ang
pag-iyak ng mga nagmamahal sa
kanya ay totoo. Nalaman niya na
may tunay o totoong
nagmamahal at nagmamalasakit
sa kanya. Kaya nang nalaman
niya ito, ay naging masaya siya at
tanggap na niya.
Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na
ang kampana ng simbaha ay tumunog bago
ialis ang kabaong. Ito’y nagpapatunay na
malapit na syang ihatid sa kanyang huling
hantungan. At ang mga taong nagmamahal
sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak
sa kanyang kabaong. At may tao pa rin na
patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan
ng kanyang kabaong.
Ibig sabihin sa ikaanim na saknong
yaong naihatid na siya sa kanyang
huling hantungan at nang
matabunan ng lupa ay nawala
lahat ang kanyang kaligayahan,
nararamdaman ang kalungkutan
at nag-iisa sa dilim. Sa puntod na
yaon ay wala nang nagbabantay
sa kanya.
Sa ikapitong saknong, ay
naalimpungatan na siya sa kanyang
pagguni-guni nang napagtanto niya na
ang kanyang mga guni-guni ay hindi
nakakatuwa.
Sa huling saknong naman, ay
nagmuni-muni siya sa panahon ng
kanyang kabataan, inaasahan niya at
kanyang inilaan na ang kanyang mga
gawa ay maging inspirasyon sa
kapwa.
MGA
PAGSUSURI
URING PAMPANITIKAN

► Ito ay isang uri ng tula na mayroong isang


tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay;
na sa ibang pananalita, ito ay isang
maguniguning paglalarawan, na
nakakalupkupan ng kariktan sa
pamamagitan ng mga sukat ng taludtod,
na tahasang nadarama, dinaramdam,
iniisip, o ginagawa ng tao.
ISTILO NG PAGLALAHAD
► Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa
sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-akda sa
buhay, at kilala ang may-akda sa taguring “ Makata ng
Pag-ibig  kaya naman mababakas ang kaniyang
pagiging sentimental sa mga salitang kaniyang ginamit.
Katulad ng batis ng luha na ang damdaming umiyak
dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng persona
sa tula. Ang tulang ay gumamit ng mga
matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang
sining ng pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa
kabila na itoy isang Elehiya at paghihinagpis. Ang Tula ay
nasusulat sa tradisyonal na labindalawang pantig ang
sukat at nasa ganap na tugma.
PANAHONG KINABIBILANGAN

► Naisulat ang “Isang


Punongkahoy” ni Jose
Corazon De Jesus noong
taong 1932 panahon ng
mga Amerikano
(1898-1935)
TEORYANG PAMPANITIKAN

► Toryang Realismo
► Ang mga talata ay nag papakita sa naging
kalagayan ng punong kahoy matapos siyang
mabuwal sa lupa na kahit ang ibon at tao’y
hindi natuwa. Kasasalamin ng pahayag na ito
ang ugali ng mga tao sa totoong buhay. May
tao sa kasalukuyang panahon na matapos
kang mawalan ng halaga ay kinakalimutan ka
at hindi na naalala ang mga nagawa mong
mabuti at naitulong mo sa kanila.
TAYUTAY
► Kung tatanawin mo sa malayong pook
► Ako’y tila isang nakadipang kurus;
► Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na
nauugnay sa mga pighati na kanyang nadarama bilang
isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita ay
tila Malabo ang kahulugan nang unang taludtod kaysa
pangalawa.. Nangangahulugan ng isang lugar kung
saan siya naroroon. Samantala pagdurusa naman ang
mensahe ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya
ang kanyang mga karanasan at paniniwala na
pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa kanyang
pagiging makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na
mula sa kanyang sarili na pinagyaman ng kanyang
isipang namulaklak ng karunungan.
GINTONG KAISIPAN
► Sa ating buhay, maraming mga
pangyayari talaga ang maaari nating
pagsisihan pagdating ng araw. Mga oras
na hindi na natin kailanman maibabalik
kaya habang tayo ay humihinga pa,
marapat lamang na gawin natin ang mga
bagay na sa tingin natin ay tama at
nakakapagpasaya sa atin para hindi tayo
magsisi sa huli.
SARILING REAKSYON
► Ang tulang ito ay tungkol sa gunu-guni ng tao kung ano ba ang mangyari
kapag dumating na ang araw ng kanyang pagpanaw. Maraming umiiyak dahil
na rin sa kalungkutan at dahil na rin dito batid niya ang tunay na pagmamahal
at malasakit ng mga taong naging parte na ng kanyang buhay, kayat nang
nalalaman niya ito naging masaya at tanggap na niya ang kanyang
pagpanaw. Ngunit sa kabila ng lahat ng kasiyahang nadama, maramdaman
din niya ang kalungkutan at nag-iisa sa dilim ng naihatid sa kanyang huling
hantungan. Pagkatapos ng iyon tila nagising siya sa kanyang guni-guni na yaon
pala ay hindi nakakatuwa kayat noong siyay nagmuni-muni siya sa panahon
ng kanyang kabataan na sana’y hindi malimutan at sana yung kangyang mga
ginagawa ay maging inspirayon sa kangyang kapwa.
► Ang tula ay naglalayon na tayo ay mas maging mabuting tao at tumingin lagi
sa tamang landas ng buhay ng sa gayon kapag dumating ang araw ng ating
pagkawala sa mundo ay hindi natin pagsisihan ang bagay na ating gagawin.
► Marapat lamang, na ating pagtimbang-timbangin ang mga bagay-bagay
bago natin ito iasagawa upang hindi tayo mapahamak sa huli.
SARILING PUNA
► Masasabi ko na sa pag buo ng isang tula,
kinakailangan talaga na may kasangkapan tayo.
Hindi lamang sa karunungan kundi kasangkapan
sa mga karanasan sa buhay. Dahil sa mga
karanasan makalilikha tayo ng mga iba’t ibang uri
ng damdamin na siyang mag huhudyat sa atin
upang maipalabas natin ito sa maining na
pamaamraan. An gating pag katao, ang
kalikasan, ang pakikipagkapwa ay mga salaik
upang pag yamanin ang ating mga sarili sa mga
karanasan sa mundo na ating kinabibilangan.
MGA MUNGKAHI

► Bagamat ang mensahe ng awtor


ay madaling matukoy, may mga
salitang siyang ginamit na may
malalim na kahulugan at
maaaring hindi maintindihan ng
isang mambabasa sa
kasalukuyan maging sa
hinaharap.
WAKAS O
IPAGPAPATULOY???

You might also like