You are on page 1of 2

NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS

PHILIPPINE CULTURAL EDUCATION PROGRAM


BULACAN ARTS AND CULTURE AND HISTORY INSTITUTE
LA CONSOLACION UNIVERSITY PHILIPPINES

Subject: CULED 205 Philippine Arts Date: May 9, 2019


Name: Gene Edrick E. Castro GDCE Level I

ANO ANG DULA?

-Ito ay hango sa salitang griyego na “drama” nangangahulugang gawin o ikilos.

Iba pang kahulugan:

 isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan
ng may-akda.
 isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa
madudulang bahaging buhay.
 Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na
kanyang pinagtagumpayan o kinasawian.
 Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita nito
ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos at isinasaad.

MGA ELEMENTO NG DULA

Iskrip o nakasulat na dula - Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isasaalang-alang sa dula at
nararapat na naaayon sa isang iskrip. Walang dula kapag walang iskrip.

Gumaganap o Aktor - Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigkas ng
dayalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula.

Tanghalan - Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Tanghalan din
ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula o ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

Tagadirehe o Direktor - Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

Manonood - Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hind ito napanood ng ibang tao. Hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o manood.

Tema - tinatawag din itong paksa ng dula. Ito ang pinaka ideya ng isang dula.

URI NG DULA

Trahedya - isinasadula ng trahedya ang pagkakasalungat ng kasiglahan ng isang buhay laban sa batas o hanggahan ng
buhay at ang di pagtatagumpay ng unang tauhan sa salungatang ito. Bagamat maikli ang buhay, sa uring ito'y dumaranas
ng mga pagpapakasakit ang pangunahing tauhan dahil siya'y nasa gipit na kalagayan.

Komedya - may masayang paksa. Ang layunin nito ay libakin ang karaniwang pagkakamali at mga bisyo sa lipunan at
makapagpapatawa sa mga manonood.

Melodrama - ito ay may malungkot na sangkap datapwat nagwawakas nang kasiya-siya at masaya para sa mga
mabubuting tauhan ng dula. Mga lagpas na pananalita at damdamin ang karaniwang tatak ng melodrama.

Parsa - ito ay nagpapatawa sa pamamagitan ng kawili-wili at katawa-tawang bukambibig. Kadalasan ang paksa at layon
nito ay malayo sa sukat mangyari, gayon pa man, namumuna rin ito.
LIMANG URI NG DULANG PANG ENTABLADO/PANGTANGHALAN

1) Senakulo(Cenaculo) - isinadulang buhay ni Hesukristo.


2) Tibag - isang pagsasadula kung saan tinitibag ang bundok upang hanapin ang krus na kinamatayan ni Hesus.
3) Panunuluyan - ipinapakita rito ang mag-asawang Birheng Maria at San Jose sa paghahanap ng kanilang matutuluyan.
4) Comedia o Moro-moro - isang uri ito ng maikling dula na may dramatikong elemento na nakasulat sa orihinal na
Kastila na may elemtong panrelihiyon, may sukat na pito o walo okaya sa labing-apat na pantig.
5) Sarsuwela - ang sarsuwelay walang tiyak na anyo, ang pagkantay malaya at imahitibo.

Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at
pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang
ginaganap ito sa lansangan o kayay sa bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan
ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay
ginagad sa suot ng mga kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay. Ang mga
manonood naman ay may baong sariling upuan at pagkain upang hindi sila mainip sa panonood. Karaniwan ding makikita
ang ibat ibang tindahan na nakapaligid sa pinagdarausan ng senakulo. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao ay
madali pa ring masundan ang takbo ng pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga eksena.

Ito ay tumutukoy sa paghahanap ng krus, sa kalagitnaan ng ikalawang pandaigdigang digmaan (WORLD WAR II).
Ito ay itinaguyod ng mga Kastila noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap ito ng mga katutubo sa ilang bahagi ng Luzon.
Lumaganap din ito sa ibat ibang rehiyon ng Visayas at Mindanao, sa pamamagitan ng pagpapakalap ng Kristyanismo. Ito
ay patuloy na lumaganap at ginagamit bilang tradisyon sa kasalukuyan.

Ang Panunuluyan ay dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang


tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem. Ang mga bahay ang mistulang dinudulugan ng mag-asawa, na humihingi
ng silid upang makapagpahinga, lalot kagampan si Maria. Sari-saring adaptasyon ang binuo hinggil dito, mulang iskrip
hanggang kasuotan. Karaniwang ginagawang makatotohanan ang pagsasadula at palamuti sa mga bahay. Bawat bahay na
dalawin nina Maria at Jose ay naghahandog ng pagkain, kakanin, kendi, at iba pang bagay sa mga taong nanonood.
Magwawakas ang dula sa harap ng simbahan o kapilya, at doon isisilang ni Maria si Hesus na nakatakda namang maging
tagapagligtas ng daigdig.

Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ang moro-
moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa
Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama
sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa
pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang
ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga
Pilipinong Muslim na nasa Timog.

Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at
nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ito rin
ay tinatawag na zarzuela, sarsuela, dulang inawitan, dulang hinonihan, drama-lirico at operetta.

Dulang Panradyo ito ay isang uri ng dula na isinasagawa o isinasadula sa radyo. Dito ang boses lamang ng mga tauhan
sa isang dula ang ang maririnig mo at at mga mga ibat-ibang tunog katulad ng yabag ng mga tauhan, kalansing o tunog ng
mga kagamitan kanilang hinahawakan at iba pa.

Dulang Pang Telebisyon at Pampelikula ay binubuo ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog na lumilikha
ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa katotohanan na tinatawag na de kahong libangan. Ang paksa ng mga ito ay
karaniwang malapit sa tunay na karanasan at pangyayari sa buhay ng tao at sa lipunang kinabibilangan niya, na mabisang
nailalalrawan sa tulong ng taglay nitong natatanging element.

You might also like