Professional Documents
Culture Documents
INC
Paz Village Sub., Brgy. 24A, Gingoog City
College of Education
PANIMULANG LINGGWISTIKA
Semester of A.Y. 2021- 2022
DESKRIPSYON NG KURSO
A. Matutuhan ang proseso o interaksyong umiiral sa mga salik na kailangan upang makapagsalita ang tao.
B. Matutuhan ang pangkalahatang paraan sa pagbubuo ng salita.
C. Mapahalagahan ang mga tuntunin sa tamang pagbubuo ng mga salita at pangungusap.
D. Mapahalagahan ang mga bahagi ng katawan na kasangkot sa pananalita.
E. Makapagsalita nang mabisa sa lahat ng pagkakataon.
F. Makapagpahayag ng damdamin sa maayos at epektibong pamamaraan.
1|Page
COURSE MODULE
DETALYE NG KURSO:ARALIN I & 2
PANIMULANG RASYONALE
Ang wika ay kakambal nito ang kultura bilang pagkakakilanlan ng tao. Ayon nga sa Marxistang
pananaw na ang nalalaman ng wika ay ang larawan ng lipunan at kultura; at ang larawan ng lipunan at
kultura ay nasisinag sa wika.
PANGHIMOK NA GAWAIN
WIKA:
ay isang larawang isinasaletra’t isinasabokal, isang hulugan, taguan, imbakan, deposito ng kaalaman ng
isang bansa, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito.
KATANGIAN NG WIKA
2|Page
COURSE MODULE
misa tila uso
maestro maestra
abugado abugada
b. Pagbubuo ng mga salitang nagtataglay ng kahulugan batay sa uri ng mga panlaping ikinakabit sa
salitang-ugat.
Halimbawa:
ma + tubig = matubig
kahulugan, maraming tubig
ma+ putik = maputik
kahulugan, puni ng putik
ma + galang = magalang
ma+daldal = madaldal
kahulugan, nagsasaad ng katangian
tinda + han = tindahan
(lugar ng pamilihan)
c. Kaanyuan ng salita
Halimbawa:
3|Page
COURSE MODULE
Halimbawa: Nanonood ng sine sa SM Megamall sina Adrian at Jomax.
e. Mga morpemang may kahulugang pangkayarian - sa uring ito kapag nag-iisa ay walang kahulgang
ipinapahayag.
Halimbawa: ng, sa, ang mga – Ang mga ito ay walang tiyak na kahulugan.
Ito’y nagagawa sa pamamagitan ng mga sagkap sa pananalita gaya ng labi, dila, ngalangala tinig at iba
pa. Sinasalita natin ang wika at pagsulat ay isang paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng mensaheng nais
nating sabihin.
Halimbawa :
Ingles : star
Tagalog : bituin
Sebwano/Cebuano : bituon
Modelo ni Aristotle
4|Page
COURSE MODULE
Halimbawa:
Halimbawa : mga salitang “po” “opo” “oho” ay pag –aari ng mga Pilipino.
May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. May pagkakaiba man a g mga wika, wala naming
maituturing na superior o imperyor na wika (Santos, et.al.2008)
Ibig sabihin, nasa wika ang tanging paraan upang maipahayag ang kaalaman, karanasan at alaala ng
isang lahi/lipi/lipunan sa iba.
Ito ang nagdadala sa atin upang panaigin ang paggamit ng wikang may kakayanang pag-isahin ang
mga tao at hindi ang papaghiwalayin sila dulot ng grupong etniko, kulay ng balat at lahi.
TUNGKULIN NG WIKA
5|Page
COURSE MODULE
1. Pangheuristiko – tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa pagksang
pinag-aaralan.
6. Instrumental – tungkulin na tumugon sa pangangailangan ng tao gaya ng: pakikipag-usap sa iba lalo na
kung may mga katanungan na kailangan sagutin.
KAHALAGAHAN NG WIKA
6|Page
COURSE MODULE
Applied linguistic –uri ng linggwistikang maaari nating pakinabangan bilang mga guro sa
pagtuturo ng wika.
Theoritical linguistic
Proseso ng Linggwistika
a. Pagmamasid – unang hakbang na karaniwang isinasagawa ng isang linggwista na maaaring
tungkol sa mga katangian ng wika mismo.
c. Pagklasipika – Ang isang kalipunan ng mga datos, kung walang sinusunod na sistema ng
pagkakaayos, ay tulad ng isang direktoryo ng telepono na hindi inayos nang paabakada ang
pangalan ng mga tao, kaya’t hindi mapakikinabangan nang maayos.
d. Paglalahat – Ito’y pagbuo ng mga hipotesis, ng mga teorya at prinsipyo, ng mga tuntunin o
‘batas’.
7|Page
COURSE MODULE
Ang Linggwistika sa Paglinang sa Wikang Pilipino
PAGSASANAY - I
Panuto: Gumawa ng Komikstrip na nagsasaad ng larawan ng kolektibong kaban ng karanasan ng tao sa ngalan
ng kasaysayan.
8|Page
COURSE MODULE
PAGSASANAY 2
Panuto : Manaliksik at talakayin ang mga sumusunod:
9|Page
COURSE MODULE
PAGSASANAY 3
Panuto: Magpakita ng halimbawa ng patalastas ukol sa iba’t ibang produkto.
10 | P a g e
COURSE MODULE
PAGTATASA
Panuto: Sumulat ng isang akdang pampanitikan at ilarawan ang imaheng nakaukit sa iyong balintataw.
Rubrik : Nilalaman – 25
Kalinawan at Kalinisan – 15
Orihinalidad – 10
___________________________
KABUUAN : 50 pts.
11 | P a g e
COURSE MODULE
KARAGDAGANG BABASAHIN
https://www.slideshare.net/shielamaegutierrez12/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-sintaks
https://www.google.com/search?
q=history+essay+graphic&tbm=isch&ved=2ahUKEwi13dz8nfzsAhWJG6YKHZCzBXEQ2-
cCegQIABAA&oq=history+essay+graphic&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA6BggAEAUQHjo
GCAAQCBAeOgYIABAHEB46BAgAEEM6BAgAEBg6BQgAELEDOgcIABCxAxBDUMS
6AVjdwQRgusoEaAFwAHgAgAG-
A4gB1ymSAQkxOC4yOC40LTGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img
&ei=z8KsX_W5MIm3mAWQ55aIBw&bih=610&biw=1280#imgrc=x-OURzitOohQgM
https://www.slideshare.net/airezmhist143/istruktura-ng-wikang-filipino
12 | P a g e
COURSE MODULE
PANGHMOK NA GAWAIN
Sa
pamamagitan ng pagpapakita ng isang maikling bidyu tungkol sa wika,
pagkatapos nito ay isa-isang tatanungin ang mga mag-aaral sa mga sumusunod
na katanungan:
Panahon ng Katutubo
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga
bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng
Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang
panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos
lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang
13 | P a g e
COURSE MODULE
Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897,
itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas
Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung
taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa
Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral
ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang
panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha
ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Tungkulin ng SWP: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino man lamang; 2. Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto; 3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino;
Tungkulin ng SWP: 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa
na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at
ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng
Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog
ng Batas Komonwelt Blg. 333
Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang Samar) –
Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier
14 | P a g e
COURSE MODULE
(Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad Felix S. Rodriquez (Visayang
Hiligaynon) – Kagawad Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad Mga
Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro
Abad ( Visayang Cebu)
Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg.
184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang
Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”,
kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.
Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng
Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y
hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di- Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng
Pilipino sa ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan 48.2% sa Cebuano 46.6% sa Hiligaynon 49.5% sa Bikol 31.3% sa Ilokano 9 to
10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa pangunahing
wika natin
Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1.
pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang
Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga
Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong
tinatawag na “purista”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at
hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang
nabanggit.
Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa
konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga
Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang
15 | P a g e
COURSE MODULE
kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla ng pamahalaang
Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang ingles ang gumamit ng
Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa.
Sa Panahon ng Pagsasarili
Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940. Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi
Napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang
pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay. Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay
ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa
Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa
Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19. (bilang paggunita sa kaarawan
ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”. Agosto 13, 1959
Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang
gagamitin.
Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa
Pilipino. Marso 27, 1968 Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum
Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos din ng
sirkular na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay
sa Pilipino gagawin.
Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang
Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong
16 | P a g e
COURSE MODULE
pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.
Sa Kasalukuyang Panahon…
Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7
nasasaad ang mga sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
1996 Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana
ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa
deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Hulyo, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng
mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino – unang
tawag sa pambansang wika ng Pilipinas Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles
(1987)
KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA
• Masasabing nagsimula ang maagham napag-aaral sa wika mula nang magtanung-tanong ang tao ng
ganito: Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng tao? Papaano nalikha ang unang
salita? Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito? Bakit ganito o gayon ang
tawag sa ganito o ganiyong bagay? … atbp.
17 | P a g e
COURSE MODULE
• Mga Teologo(Theologians) Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong katanungan.
Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika. Sinasabing ang pagkakaroon ng iba‘t- ibang wika sa daigdig
ay parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao (gaya ng natalakay sa kabanata I).
• Subalit ang mga palaaral nang unangpanahon, tulad nina Plato at Socrates, ay hindinasiyahan sa mga
ganong paliwanag ngsimbahan.• Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika.• Sa kanilang mga sinulat
ay mababakas angkanilang halos walang katapusang pagtatalu-talo tungkol sa pinagmulan at
kakanyahan ngwika.
Nang panahong iyon, naniniwala ang mgatao na wika ng Diyos ang ginamit samatatandang banal na
himno ng Ebreo. Mahabang panahong hindi nila ginalaw angistilo ng lenggwahe ng nasabing mga
himnokahit nakaiwanan na ng panahon sapaniniwalang paglapastangan sa gawa ngDiyos ang anumang
isasagawang pagbabagodito.
• Subalit nagpunyagi ang mga palaaral naHindu. Sinuri nila ang matandang wikangginamit sa nasabing
mga himno—sapalatunugan, palabuuan, palaugnayan, salayuning makatulong sa pagpaliwanag ngdiwa
ng halos di maunawaang mga himno.
• Sa mga wikang Griyego at Latin,unang nagkaanyo ang wika sa tunay nakahulugan nito, sapagkat ang
mgawikang ito ang dalawang magkasunodna wikang unang nalinang atlumaganap nang puspusan sa
Europang panahong iyon.
• Mapapansing kung saan unang nalinang angsibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo angkauna-
unahang maagham na pagsusuri sa wika. Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics Ilan lang sa mga
linggwistang laging nababanggit nang mga panahong yaon. Itinuturing na syang nagsipanguna sa
larangan ng agham –wika.
Panahon ng Kalagitnaang Siglo (Middle Ages) Hindi gaanong umunlad ang agham-wika sapagkat
ang napagtuunang-pansin ng mga palaaral noon ay kung papaanong mapapanatili ang Latin bilang
18 | P a g e
COURSE MODULE
wika ng simbahan.
Ang pag-aaral sa mga wikang Griyego at Latin aynakaimpluwensya sa iba‘t-ibang wika sa Europa.
Wikang Ebreo orihinal na wikang kinasusulatan ng MatandangTipan. pinaniniwalaang siyang wikang
‗sinasalita sa paraiso‘ kaya‘t inakalang lahat ng wika‘y dito nag-ugat, pati na ang Griyego at Latin na
syang unang mga wikang kinasalinan ng nasabing Bibliya.
• Ang mga linggwistang ito‘y sinundan ng marami pang iba tulad nina: • Rappf •Madvig • Bredsdorff
•Muller • Schleicher •Whitney • Curtios •at marami pang iba.• Tinangka nilang ihambing ang mga
wikang tulad ng Sanskrito, Griyego, Latin, Italyano, Espanyol, Pranses, atbp. sa wikang Ebreo na
itinuturing ngang pinakasimula ng lahat ng wika sa daigdig ng mga panahong iyon.
• Ang mga pananaliksik sa larangan nglinggwistika sa teknikal na kahulugan nito,ay alam nating
karakarakang nauunawaan ngmga hindi linggwista. (1860-75) nagsikap na maging payak ang
pagtalakay sa mga prinsipyo at simulain at agham na ito upang mapakinabangan ng mga paaralan.
19 | P a g e
COURSE MODULE
Klasikang Arabiko at Intsik.
• Sumunod kay Blumentritt ang iba panglinggwistang tulad nina: Otto Dempwolf, Otto Scheerer,
Frank Blake, C. Douglas Chretien, Carlos Conant, Harold Conklin, Isidore Dyen, Richard Howard
McKaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas. (cf. Gonzales, et. al., 1973)
Ang gayong dami ng simbolo ay naging suliraninhindi lamang sa mga dalubwika kundi gayundin
sabumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik. Nagsimulang umisip ang mga dalubwika
kungpapaano nila magagawang payak ang kanilangisinasagawang paglalarawan sa mga
wikangkanilang sinusuri.
20 | P a g e
COURSE MODULE
• Ponema
Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes)na naging palasak na palasak hanggang
sakasalukuyan. Sa pamamagitan ng ponema ay naging payak angpaglalarawan sa palatunugan ng
isang wika sapagkatkakaunting simbolo na lamang ang ginagamit.
• Ayon kay Constantino (1972; tingnan din ang Asuncion-Lande 1970: Ang pag-aaral sa mga wika ay
mapapangkat sa tatlong panahon: Panahon ng mga Kastila Panahon ng mga Amerikano Panahon
ng Kalayaan o Kasalukuyang Panahon
Nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong ika-19 na daantaon. Ayon kay Scheerer, ang
pag-aaral sa mga wika ay isinagawa ng mga misyonerong Kastila na karamihan ay mga paring Heswita
at Dominikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa dakong ito ng
daigdig. Napatunayan ng mga misyonerong Kastila na higit na madali na sila ang mag-aral sa mga
22 | P a g e
COURSE MODULE
katutubong wika kaysa ang mga ‗Indios‘ ang turuan ng wikang Kastila. Ganito ang naging karanasan
ng mga misyonerong Kastila sa Timog at Hilagang Amerika. (c.f. Phelan 1955). Kaya‘t nang
dumating sa Cebu noong Pebrero 13, 1965ang 6 na paring Augustinian na kasama ni Adelantado
MiguelLopez de Legaspi, ay gayon nga ang kanilang isinagawa sapagpapalaganap ng relihiyong
Katoliko Romano.
Ang sabi ni Phelan: ―The friars had learned the necessity of preaching the Gospel to the natives in
their own tongues. Only thus could the message of Christianity could reach the Indian‘s hearts. The
natives were to be asked to repudiate their pagan cults but not their mother tongues. In 1582, the
Ecclesiastical Junta extended this axiom of Spanish missionary procedure to the Philippines.
• Ang mga pag-aaral sa wika na isinagawa ng mga prayle,kung sabagay, ay mga pag-aaral na hindi
sopistikado.• Natural lamang na magkagayon sapagkat ang linggwistikaay hindi pa gaanong nalilinang
ng mga panahong iyon, bukod samga prayleng nagsagawa ng mga pag-aaral ay hindi nagkaroonng
pormal na pagsasanay sa larangan ng aghamwika.• Gayunpaman, ang isinagawang pag-aaral ng mga
prayle ay maituturing na napakahalaga bilang mga panimulang pag- aaral sa ating mga katutubong
wika.
Nauukol sa Gramatika
Arte y Vocabulaŕio de la Lengua Tagala‟ ni Pari Juan de Quiñones. Nilimbag noong 1951.
Maraming naniniwala na ito ang kauna- unahang pananaliksik na isinagawa ng mga prayle ukol sa
wikang Tagalog. (cf. Phelan 1955)2. „Arte y Reglas de la Lengua Tagala‟ ni Pari Francisco Balancas
de San Jose, O. P. Nilimbag ni Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino) noong 1610.
Arte de la Lengua Tagala‟ ni Pari Gaspar de San Agustin. Nalathala nong 1703 at muling nilimbag
noong 1787.4. „Nueva Gramatica Tagalog‟ ni Pari Juan Coria (1872).5. „Ensayo de Gramatica
Hispano-Tagala (1878) ni Pari Toribio Minguella6. Pari San Juan Plasencia Sumulat ng isang
gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa Tagalog, at isang katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng
Ecclesiastical Junta noong 1852.
23 | P a g e
COURSE MODULE
Nauukol sa Talasalitaan
Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala‟ ni Pari Balancas de San Jose (1605)2.
„Compendio del Arte de la Lengua Tagala‟ ni Gaspar de San Agustin (1703)3. „Arte de la Lengua
Tagala y Manual Tagalog‟ ni Sebastian de Totanes (1745)4. „Sobre La Nueva Ortografia de la
Lengua Tagala‟ ni Dr. Jose Rizal (1889)
• Ang itinuturing na pinakadahilan kungbakit napabilis ang pag-aaral sa mgawikang katutubo noong
panahon ng Kastilaay ang pagkakahati-hati ng kapuluan saapat na Orden noong 1594, bilangpagsunod
sa kautusan ni Haring Felipe II.
Ang mga Intsik at ang mga lalawigan ng Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican.
• Sapagkat nagkaroon ng kanya-kanyang tiyak napangangalagaan ang bawat Orden, nagkaroon ngsigla
ang pag-aaral sa mga katutubong wika nahumantong sa paglilimbag ng mga gramatika atdiksyunaryo.•
24 | P a g e
COURSE MODULE
Ngunit kapansin-pansin na sinadya man o hindiay napakaraming naisagawang pag-aaral saTagalog.
• Ayon kay Phelan: hindi kukulangin sa 24 na aklat ang nalimbag tungkol sa wikang Tagalog,
Samantalang 5 lamang sa mga wikang Bisaya. Ang dahilan marahil ay sapagkat Tagalog ang wikang
ginagamit sa Maynila na siyang pinakasentro ng pamahalaan.
Ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging sanhi ng panibagong pagtingin sa pag-aaral
sa mga wikang laganap sa kapuluan. Ang mga linggwistang paring Kastila‘y napalitan ng mga
linggwistang sundalong Amerikano.
Ano ba ang pinagkaiba nglayunin ng mga Kastila sa pag-aaral ng ating wika, sa layuninng mga
Amerikano?
• Ang naging suliranin ng mga prayleng Kastila at ngmga sundalong Amerikano ay iisa: Ang
kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang maisakatuparan ang kani-
kanilang layunin.
• At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mgaAmerikanong higit na madali kung sila ang mag-aral
ngmga pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilanghintayin na matuto ng Ingles ang nakararaming
Pilipino.
• Isa pa, inisip din ng mga Amerikano na higit namagiging madali ang pagtuturo ng Ingles sa
mgaPilipino kung mauunawaan ng mga guro angpagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles sa iba‘t-ibang
wika sa kapuluan.
• Ilan sa mga isinagawang pag-aaral noon ang mgass: ―Handbook and Grammar in Tagalog” ni
MacKinlay (1905) isang “Grammar of Ilocano” ni Henry Swift (1909) at isang ―Primer and
Vocabulary of Maguindanao‖ ni R. S. Porter (1903).
25 | P a g e
COURSE MODULE
• May ilan ding pagsasaling-wika na isinagawa noontulad ng: pagsasalin ni C. C. Smith (1906) sa
Ingles ng isang aklat sa gramatika ng wikang Magindanao na sinulat sa Kastila ni J. Juanmarti, at ang
pagsasalin ni O. T. Mason sa Ingles ng isang pananaliksik na sinulat ni F. Blumentritt sa wikang
Aleman noong 1899 tungkol sa mga tribo sa kapuluan at ang kani-kanilang wikang sinasalita. (c.f.
Constantino 1972)
• Ngunit hindi lubhang lumawig ang pagsusuring-wika naisinagawa ng mga dalubwikang sundalong
Amerikanodahil sa pagkakapalit ng pamahalaang sibil sapamahalaang militar noong 1901.• Pumalit sa
mga sundalong Amerikano ang mgadalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sapagsusuring-
wika dahil karamihan sa mga ito‘y propesorsa mga unibersidad sa Estados Unidos at saUnibersidad ng
Pilipinas na itinatag noong 1908.
• Sina Conant, Costenoble, at Scheerer angkinilala sa disiplinang historikal.• Ngunit ang higit na kilala
ay si Conant.• Kung sabagay, hindi lamang sa larangan nglinggwistang historikal nakilala si Conant.
Isa rinsya sa mga unang nagsasagawa ng pag-aaral sapagpapangkat-pangkat ng mga wika sa kapuluan.
• Ang totoo, ang itinuturing na una nyang artikulo salinggwistika ay tungkol sa mga tunog na f atv sa
mgawika sa Pilipinas.• Sinabi nyang karamihan sa mga wika sa Pilipinas aywalang f atv, mga tunog na
karaniwan sa wikangMalay.• Ganunpaman ay nakatagpo sya ng kataliwasan nito.
• Sinabi nyang ang mga wika sa dulong timog at hilaga ngkapuluan, tulad ng: Ibanag (at mga
diyalekto nitong Itawis), mga wika ng Igorot sa Bontoc at Benguet. sa gawing Timog, at ng
Tiruray, Bilaan at Tagakaolo sa gawing hilaga … ay nagtataglay ng mga tunog na f at v. Ito, anya,
ay naiiba sa sinabi ni Brandstetter na ang wikang Malay lamang ang nagtataglay ng f sa mga wikang
kanluranin ng Malayo-Polinesyo. (cf. Conant 1908);
• Conant
26 | P a g e
COURSE MODULE
• ngunit ang pinakakilala sa kanyang mga pananaliksik ay ang kanyang ―The RGH Law in Philippine
Languages‖ (1910) at
• Ang mga wika sa Pilipinas, (maliban sa Chavacano, lumaganap sa Cavite, Zamboanga, at Ermita,
buhat sa wikang Espanyol ng Angkang Romance) ay sinasabing nagmula sa wikang Indonesyo.
• Sa mga wikang ito ng Pilipinas na tinanatayang hindi kukulangin sa 80 (hindi kabilang ang mga
diyalekto), ay higit na kilala ang Tagalog, Bisaya, at Iloco.
• Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamitng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mgawika
sa Pilipinas noong mga unang panahon ngating pagkabansa.
27 | P a g e
COURSE MODULE
nabuhat sa inang-wika na Malayo-Polinesyo ay nagkakaiba-ibana sa mga wikang kaangkan nito.
• H. N. van der Tuuk - isang iskolar na Ulandes na syangunang nakapansin at napag-aralan ang mga
pagbabago sa mgawikang ito. – sinundan sya ng iba pang mga palaaralat dalubwikang tulad nina:
Brandes
Kern
Adriani
Brandstetter
Conant
Dempwolff at
Dyen
• Halimabawa:Tingnan ang isang tunog na sa inang wikang Malayo-Polinesyoay may tunog na *R.
(mula rito ay tatawagin nating tunog naproto ang lahat ng tunog na may tandang asteriko. Ang ibig
sabihin ng tunog na proto ay ang tunog na ipinalalagay ng dalubwikang nagsusuri, na syang orihinal na
tunog sa pinakainang Malayo-Polinesyo.)
Halimbawa: vein (‘nerve, o sinew’) urat ugat uhat oya(Malay) (Tagalog) (Dakya) (Lampong)
Nangyayari rin na kung minsan ay nawawala ang *R, tulad sa uat ng Javanese.
• Naniniwala ang mga dalubwika na ang mga salitangurat, ugat, uhat, at oya, pati na rin ang uat ay
buhatlahat sa iisang salitang Malayo-Polinesyo.
• Nagkaroon lamang ng pagbabago ang mga ito sapagdaraan ng panahon dahil sa pagkakawatak-
watakng mga taong gumagamit nito.
28 | P a g e
COURSE MODULE
Ayon kay Conant, (nanatili sya sa Pilipinas mulanoong 1903 hanggang 1936 bilang
tagapagsalingwikang pamahalaan), ang mga wika sa Pilipinas ay maytunog na g sa RGH na katinig, na
ang ibig sabihin aynagiging g sa karamihan ng mga wika sa Pilipinas angPMP* R, bagama‘t ang ilan
ay nagiging r, l, o kaya‘y y.
• Kaya‘t ang ginawa ni Conant ay pinangkat nya angmga wika sa Pilipinas ayon sa kinauwian ng RGH
nakatinig.
• Ang mga ss. ay ang ibinigay nahalimbawang patibay ni Conant naipinakikita ang kinauwian ng RGH
nakatinig sa mga pusisyong inisyal,medyal, at pinal:
• Mga Wikang G Inisyal Medyal Pinal Tagalog gamót ugát íkog Bisaya gamút ugát íkog Bicol gamót
ugát íkog Ibanag gamút ugát (niúg‘coconut) Magindanao gamút ugát íkug Sulu gamút ugát íkog
Bagobo ramót ugát íkog
• Mga Wikang RIloco ramút urát bibír ‗lip)Tiruray Irohok ‗rib‘ urat igor
• Mga Wikang LPangasinan lamót ulát íkolKankanai lamót uwátInibaloi damót ulát íkolBontoc lamót
(darála ‗girl‘) (bibíl ‗lip)
• Mga Wikang Y Inisyal Medyal Pinal Pampango yamút uyát íki? Ivatan yamót úyat (itiói ‗egg)
Sambal (yábi ‗night‘) búyas (‗rice‘) (tolói ‗sleep‘)
• Sa mga halimbawa sa Ibanag na gamut at ugat,ang t sa posisyong pinal ay hindi binibigkas, tuladdin
naman ng iba pang walang boses na istap na k atp na pawang napapalitan ng tunog na impit o
glotalstap.
• Ngunit lumilitaw ang mga ito kapag ang mgasalitang nagtatapos sa alinman sa ganitong mgatunog ay
hinuhulapian.
29 | P a g e
COURSE MODULE
• Hal. yubú? /‘ask‘, ngunit nagiging yubutan
• Sa pagtunton sa pinagmulan ng tunog na g sa mga wikasa Pilipinas ay sinuri naman ni Conant ang
mga tunog na r-l-d-g na nagmula sa tunog na j sa Proto-Austronesian.
• Pagkatapos ay muli na naman niyang pinangkat angnasabing 17 wika ayon sa tunog na kinauwian ng
isa‘t-isa.
• Ang Waray at Bicol ay mga wikang r , gayundin angTirurai, Ibatan, Cuyonon; ang Tagalog,
Kapampangan,Cebuano at Hiligaynon ay l, kasama na ang Tausog atMagindanao; ang Ilocano at
Pangasinan ay g , gayundin angIbanag.
• Kinuha nya ang kanyang mga dataps sa 34 nawika sa Pilipinas at higit sa 10 wikangAustronesian.•
Ang ebolusyon ng patinig na pepet (Proto-Austronesian - ə) ay tinunton ni Conant sa 7 uring kaligiran,
tulad ng mga ss: (1) AP-class (mga salitang may ə sa unang pantig ng dadalawahing pantig na salita at
ang ikalawang pantinig ay pepet, e.g. atəp)
PA-class (mga salitang may pepet sa unangpantig at a sa ikalawang pantig; e.g. bəgas)(3) IP-class
(mga salitang may I sa unang pantig atpepet sa ikalawang pantig, e.g. ngipən)(4) PI-class, e.g. bəli,(5)
UP-class, e.g. pusəd).(6) PU-class, e.g. pənu), at PP-class, e.g. ləbəng(cf. Conant 1912)
• Pagkatapos ay pinangkat nya ang mga wika ayonsa kinauwian ng patinig na pepet.
• Lumabas sa kanyang pagsusuri na ang Tagalog,halimbawa: wikang i; ang Ilocano at Pangasinan ayə;
ang Kapampangan ay a; at ang mga wikangBisaya at Bicol ay u.
• Pansinin ang mga ss. na halimbawa: Tag. –atip; Iilk. & Png. -atəp, Kap. – atap; Bicol (at karamihan
ng wikang Bisaya- atup.
• Blake
• Sa pag-aakala ng mga Amerikanong ang Pilipinas aymananatiling isang kolonya ng Amerika, noong
1900,ay sinimulan sa Unibersidad ng John Hopkins angpagsusuri at pag-aaral sa iba‘t-ibang wika sa
Pilipinas.• Si Blake, nagtapos sa nasabing unibersidad aynaatasang magsagawa ng pagsusuri sa mga
wika saPilipinas sa pamamagitan ng mga impormante upangituro sa mga Amerikanong may balak
magtungo saPilipinas.
• Noong aralang-taong 1901-1902 ay sinimulan nya angpagtuturo ng Tagalog sa isang klase na may 8
mag-aaral.
• Ayon pa rin kay Constantino, sa pagitan ng 1902at 1950, ay nakasulat si Blake ng hindi kukulanginsa
27 artikulo tungkol sa iba‘t-ibang wika saPilipinas.• Ang ilang halimbawa ay ang mga ss: (1) Ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya (2) Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
wikang Bisaya at ng Tagalog (3) Ang mga salitang hiram ng Tagalog sa Sanskrito
(4) Ang pag-aaral na isinasagawa ng Unibersidad ngJohn Hopkins tungkol sa iba‘t-ibang wika
saPilipinas.(5) Ang tungkulin ng pamahalaan ng Estados Unidossa paglinang ng aghamwika sa
Pilipinas sa wika(6) Pagsusuring-basa sa pagsusuring isinagawa niBloomfield tungkol sa Tagalog(7)
Pagtitipon ng mga pagsusuring isinagawa sa mgawika sa Pilipnas
(8) Isang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog(9) Isang monograp tungkol sa sistema ng mga diin
saTagalog.
• Pinangkat din ni Blake sa tatlo ang mga wika sa Pilipinas: Pangkat Timog, na kinasasamahan ng
Ilocano at Pangasinan Pangkat Sentral, na kinasasamahan ng Tagalog, Bicol at mga wikang Bisaya.
Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito. Sa Pangkat Hilaga ay kasama ang
Magindanaw at Maranaw
31 | P a g e
COURSE MODULE
ngTagalog ay malinaw na makikita ang impluwensya ngmga pinakamahusay na mambababalarilang
Kastila,tulad ni Totanes (1865).
• Sinabi nyang ‗The verbalizing power of Tagalog andgenerally speaking of other Philippine langages,
andindeed of Malayo-Polynesian languages in general has soto speak run wild.‘
• Ngunit hindi sang-ayon dito si Constantino, sa dahilang angkonklusyon ni Blake ay hindi salig sa
masusing pananaliksik.
• Sinabi ni Constantino na hindi lahat ng salita sa Tagalog o saalinmang salita sa Pilipinas ay maaaring
kabitan ng makadiwangpanlapi.
Bloomfield.
• Ang pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sagramatika ng Tagalog ang higit na kilala hanggangsa
kasalukuyan.
• Ang totoo, may mga palaaral, tulad nina Lopez atConstantino, ang naniniwala na hanggang sa
ngayonay hindi pa nahihigitan ang pagsusuring isinagawani Bloomfield sa Tagalog.
32 | P a g e
COURSE MODULE
angnaging dahilan upang ang pamamaraan ni Bloomfielday gamiting modelo ng mga ss. na palaaral sa
wika.
• Ang gramatika ni Bloomfield ay naiiba kay Blakehindi sa lawak kundi sa paraan ng pagkakaayos
ngmga yunit panggramatika, gayundin ang mgakaisipang ginamit.
• Halimbawa:
Sa seksyon ng ponemika ay inilarawan ni Bloomfield ang mga makahulugang tunog ng Tagalog, ang
pagpapantig at ang sistem ng diin. Sinabi nya na ang mga tunog na i at e, gayundin ang o at u ay hindi
maituturing na ponema, maliban sa mga salitang hiram. Inilarawan nya ang dalawang uri ng diin,
malakas at mahina, sa mga salitang Tagalog, na hindi matatagpuan sa magkatulad na kaligiran, maliban
sa ilang salita na maaaring bigkasin sa dalawang paraan. Inilarawan din nya ang pagtaas ng tono at ang
paghaba ng patinig na nagpapalangkap sa bawat diin.
• Pinangkat nya ang kanyang talakay sa apat:(1) Sentence and Word,(2) Subject and Predicate,(3)
Attribute at(4) Serial Relation
33 | P a g e
COURSE MODULE
nagbubunga ng (1) Mga salitang waring GERUND na tinawag nyang ‗ABSTRACTS OF ACTION,‘ o
(2) Mga NOMINALS na tinawag nyang ‗SPECIAL STATIC WORDS‘
Lopez Kinilalang kauna-unahang linggwistang Pilipino. Noong 1970 ay kinilala sya at pinarangalan
ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino bilang ―AMA NG LINGGWISTIKANG
PILIPINO.‖ At noong 1975 lumabas ang isang Festschrift na may pamagat na Parangal kay Lopez na
handog ng Linguistic Society of the Philippines bilang pagkilala sa kanya sa larangan ng linggwistika.
Nagsimula bilang isang mag-aaral ni Scheerer sa Unibersidad ng Pilipinas.
Mula roon ay ipinadala sya sa Unibersidad ngHamburg. Sa nasabing unibersidad nya natapos nya
angkanyang titulo sa pagkadoktorado sa linggwistikanoong 1928. Ang kanyang disertasyon ay
tungkol sapahambing na pagsusuri ng Tagalog at Ilocano sapamamatnubay ni Dempwolff.
Ang talakay ni Lopez sa sintaksis ng Tagalog ay makabagoat higit na masusi sa ginawang talakay ni
Bloomfield. Sa mga sinulat ni Lopez na nalathala bago matapos angIkalawang Digmaang Pandaigdig
34 | P a g e
COURSE MODULE
ay mababanggit ang mga ss.:(1) Pagsusuring sikolohikal sa morpolohiya ng Tagalog,(2) Pahambing na
pagsusuri sa mga leksikograpiya ng Tagalog at ng Malay (1939),(3) Isang artikulong nasusulat sa
wikang Aleman tungkol sa pagkakaugnayan ng Tagalog at ng Malay (1930), at(4) Isang artikulong
tumatalakay sa kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas(1931).
Panahon ng Kalayaan
• Sa panahong ito ay masasabing dumami na nangdumami ang pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas (cf.
Constantino1972)
• Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng aghamwika saPilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdigay naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagangpangyayari:
(1) Ang una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng ‗SummerInstitute of Linguistics‘ noong 1953.
(2) Mula noon ay marami nang mga linggwistang misyonerona kasapi sa nasabing organisasyon
ang nagtungo rito saPilipinas at nagsagawa ng mga pagsusuri sa mga iba‘t-ibang wika at wikain
sa kapuluan.
(3) Ginamit ng mga linggwistang ito ang kanilang natutuhansa mahigit na maunlad na paaralan ng
linggwistika saEstados Unidos.
(4) Ang ikalawa ay ang paggamit ng makalinggwistikangpamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa
mga Pilipino nalumikha ng malaganap na pagnanais upang suriin angmga wika sa kapuluan.•
Ang ganitong interes ay humantong sa pagtatagnoong 1957 ng ‗Philippine Center for
Language Study‘sa ilalim ng pangangasiwa ng Departamento ngEdukasyon ng Pilipinas at ng
Unibersidad ng Californiasa LA.
35 | P a g e
COURSE MODULE
• Ang ikatlo ay ang gradwal na pagdami ng mgalinggwistang Pilipino, lalo na pagkaraan ng 1960.•
Masasabi hanggang noong matapos ang 1950 ay iisaang Pilipinong maituturing na linggwista sa tunay
nakahulugan nito.• Ngunit pagkaraan ng ilang taon dahil sa patuloy nanagiging impluwensya ng
Amerika sa Pilipinas aynaragdagan na nang naragdagan ang mga linggwista sakapuluan.
• Ang mga linggwistang Pilipinong ito ay mahahatisa dalawang pangkat:(1) Mga nagsipagtapos sa mga
unibersidad ng EstadosUnidos at ng Canada. Mababanggit dito ang ilangkilalang mga linggwista sa
kasalukuyan, tulad ninaConstantino at Casambre ng UP, Sibayan at Otanes ngPNC, Gonzales ng De la
Salle, Llamzon at Pascasio ngAteneo, Natividad ng DEC, atbp.;
Ang pinakamalaki at pinakamalaganap sa mga ito ay ang sangay sa Pilipinas ng ‗Summer Institute of
Linguistics‘.
• Masasabing higit na pinag-uukulan ng pansin ngpangkat na ito ang mga wikang di gaanong
malaganap.
• Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing pangkatang Bibliya at iba pang babasahing panrelihiyon.
• Nagbigay ng konklusyon si McKaughan na isa sa mgakatangian ng Maranao (at ng iba pang wika sa
angkang Malayo-Polinesyo) ay ito: o Ang binabanghay na pandiwa ay nagsasaad hindi lamang ng
panahon, uri ng kilos, at iniisip na sikolohikal ng nagsasalita kundi pati na rin ng relasyong gramatikal
ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap; na ang relasyong gramatikal ng aktor, layon, di tuwirang
layon at gamit ay nakikilala sa Maranaw sa pamamagitan ng katagang o, sa at ko.
36 | P a g e
COURSE MODULE
• Sa bahaging ito‘y masasabing malaki ang nagingkontribusyon niya sa pagkakatuklas ng
ngayo‘ypalasak na palasak nang pokus sa Pilipino.
Ang isa pang pangkat ng mga linggwista sa Pilipinasay matatagpuan sa Departamento ng Wikang
Oryentalat Lingwistika sa Unibersidad ng Pilipinas.
• Mababanggit dito ang isinasagawang proyekto ngnasabing pangkat sa huling limang taon-
angpagtitipon ng mga datos na leksikal at gramatikalmula sa lahat ng wika at wikain sa kapuluan
upanggamitin sa pahambing na pagsusuri sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis ng nasabing mga
wika.
• Maaari ring magamit ang matitipong mga datossa pagsulat ng mga diksyunaryo sa bawat wika.
Ang iba pang pangkat ng mga linggwista aymatatagpuan sa ‗Language Study Center‘ ngDalubhasang
Normal ng Pilipinas, sa Ateneo deManila, sa De la Salle, sa Unibersidad ng San Carlos,at sa
‗Interchurch Language School‘.• Ang ‗New Tribes Mission‘ sa Pilipinas ay may isa omga dalawang
linggwista.
• Taun-taon ay nagpapadala ang UCLA ng mga linggwistaupang makatulong sa mga proyekto ng LSC.
• Sa mga naipadala na ng UCLA ay mababanggit angpangalan nina Dr.Tommy Ray Anderson (S. L.
N.),Dr.Richard Tucker, Dr. Henry Feenstra, at Dr. RobertGardner.
• Nag-aanyaya rin ang LSC ng mga kilalang linggwistangtulad nina Isidore Dyen, Eugene Nida,
Howard McKaughan,Clifford Prator, Donald J. Bowen, atb. upang magbigay ngpanayam sa mga mag-
37 | P a g e
COURSE MODULE
aaral at guro sa linggwistika.
• Bukod dito ay nagpapadala pa rin ang LSC ng mgaiskolar sa Estados Unidos at sa Canada
upangmagpakadalubhasa sa aghamwika.
• Ang aklatan ng LSC ay masasabing isa sa pinakamayamansa mga aklat panlinggwistika sa buong
kapuluan.
• Masasabi rin na ang mga isinasagawang pag-aaral sa wika ay mauuri sa tatlo:(1) pag-aaral na nauukol
sa pagkaklasipika ng mga wika sa Pilipinas, at(2) mga pagsusuring historikal, at(3) mga pagsusuring
palarawan.
Isa sa kanyang mga artikulo ay tinalakay nya ang kanyang teorya na ang D ng Proto- Austronesian ay
naging d sa Tagalog sa mga pusisyong inisyal at kapag pinangungunahan ng katinig, at hindi nagiging l
na tulad ng sabi ni Dempwolff.
• Masasabi ring karamihan sa mga pag-aaral naisinagawa noon ay nakalundo sa ponolohiya ng isang
wika.
38 | P a g e
COURSE MODULE
• Ngunit nang mga dakong 1960 ay dumami na nangdumami ang mga pagsusuring tumutugon sa
gramatika osintaksis ng isang wika.
• Tagalog -masasabing higit na napagtutuunan ng mga linggwista, gaya rin ng nangyari noong panahon
ng Kastila.
• Kaunti lamang kung mayroon mang mahahalagang naisasagawang pag-aaral sa ibang pangunahing
wika.
• Pinangkat ni Constantino ang mga pangungusapna predikatibo (predicative sentences) ayon samga
balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri:1. Definite2. Indefinite3. Situational
• Hindi kukulangin sa tatlo ang naisagawa nangpagsusuri sa ponolohiya ng Tagalog simula nang
mataposang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.(1) Ang sinulat ni Remedios Cayari noong 1596. Hindi
kinilala ni Cayari na magkaibang ponema ang /e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/ sa Tagalog kahit na may
mga salitang hiram o katutubo sa Tagalog na magagamit upang ikontrast ang mga ito. Ang Matandang
Tagalog ay walang mga tunog na /e/at /o/. Ang mga ito‘y hiram lang natin sa Kastila.
Ang dalawa pang pag-aaral saponolohiya ay ang kina Robert Stockwell (1957)at Teodoro Liam-zon
(1966).
• Sa dalawang pag-aaral nito ay kinilala ng mga awtor ang pagkakaiba ng mga ponemang /e/ at /i/,
gayundin ng /o/ at /u/ sa Tagalog, gayundin ang mga klaster at mga padron ng intonasyon ng Tagalog.
Ang pinakahuling pagsusuring isinagawa tungkol sapalatunugan ng Pilipino ay ang kay Andrew
Gonzalez(Acoustic Correlates of Accent, Rhythm and Intonationin Tagalog) na nalathala sa
PHONETICA. Sinuri ni Gonzales ang diin, ritmo, at intonasyon ng Tagalog sa pamamagitan ng
paggamit ng makabagong instrumentong pangwika sa Unibersidad ng California, Berkeley, California,
tulad ng ‗Linc-8 Computer, Trans-Pitchmeter, Kay Sanograph, at Pitch Extractor.‘
• Lumitaw sa pag-aaral ni Gonzales na angtono, lakas, at haba ay hindi nagiging resultalamang ng diin
o ‗stress‘ at hindi ng haba o‗length‘ na tulad ng lumabas sa pagsusuri ninaSchachter at Otanes (cf.
‗Tagalog ReferenceGrammar‘ 1973).
• ‗Restatement of Tagalog Grammar‘ niElmer Wolfenden ng SIL (1961) Isa sa mga isinagawang
pag-aaral sa gramatika. Ayon kay Wolfenden, dalawa ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng
40 | P a g e
COURSE MODULE
nasabing pag-aaral: (1) ‗To realign Bloomfield‘s gramatical categories, esp. the verbal ones; and (2)
To modify Bloomfield‘s nomenclature.‘
• Pineda – Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa ( cf. Pineda 1972), - Sumulat ng ―An
Introduction to Tagalog Transformational Syntax‖. - Ginamit nya sa sintaksis ng Tagalog ang
modelong 1957 ni Chomsky. -
• Ang dalawa rito (cf. Stockwell 1957; Castelo 1964) ay naglalahadng isang pagsusuri sa Tagalog na
masasabing kahawig dinng kay Bloomfield.
• Ang huling dalawa ay ang disertasyon nina EmyPascasio (1960) at Fe Otanes (1966).
• Cebuano. Si Anderson, sa kanyang disertasyon sa pagdodoktorado noong 1965, ay nagsagawa rin
ng paghahambing sa pagsusuri sa Cebuano at Ingles na ginamitan naman ng ‗transformational model‘
ni Chomsky. Si John Wolff, (1966 at 1967), ay magkasunod na nagpalathala ng dalawang bolyum ng
mga aralin sa Cebuano. Ang gramatika ng Cebuano ay inilarawan nya ayon sa modelo ni Bloomfield.
• Ilocano. Ang unang deskripsyong isinagawa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandagdig sa mga
41 | P a g e
COURSE MODULE
gramatika ng Ilocano ay inilahad sa ‗Intensive Course‘ nina H. McKaughan at J. Forster (1952). Ang
nasabing gramatika ay inihanda upang magsilbing patnubay o modelo sa paghahanda ng katulad na
mga gramatika sa ibang wika sa Pilipinas sa darating na mga taon. Ibinatay ito sa ‗Outline of Ilocano
Syntax‘ ni Bloomfield.
Isa namang ‗transformational-generative grammar‘ ng Ilocano ang sinulat ni Constantino (1959) para
sa kanyang disertasyon sa Ph. D.Ang modelong ginamit dito ay ang gramatikang inilahad ni
Chomsky sa kanyang ‗Syntactic Structures‘.B. Sibayan- nagsagawa ng isang pahambing na
pagsusuri sa mga ponemang segmental ng Ilocano at ng Ingles noong 1961 sa kanyang disertasyon sa
Ph. D.,
• Pangasinan. Ang Pangasinan ay sinuri ni Schachter noong 1959 sa kanyang disertasyon sa Ph. D. at
pagkatapos ay inihambing niya sa Ingles. Ang paglalahad sa disertasyong ito ay batay sa modelong
transpormasyonal ni Chomsky sa kanyang ‗Static Structures‘ . Hinati ni Schachter ang kanyang pag-
aaral sa dalawang antas: (1) Ponolohiya (2) Gramatika Binansagan ni Schachter ang kanyang gawa
ng ―From Pangasinan to English‖ sapagkat nilalayon ng pag- aaral na matulungan ang mga mag-aaral
na Pangasinan sa pag-aaral ng Ingles.
• Waray. Sina J. at I. Wolff noong 1967 ay sumulat ng isang aklat, ―Beginning Waray-waray‖.
Batay din sa modelo ni Bloomfield ang kanilang pagkakasuri sa nasabing wika.
• At nitong mga huling araw, gaya na ng nasabi saumpisa, ay masasabing may kasiglahan ang kilusan
salinggwistika sa Pilipinas.• Tatlong pambansang samahang pangwika angnakatutulong nang malaki sa
pagpapaunlad ngdisiplinang ito – Linguistic Society of the Philippines Pambansang Samahan sa
42 | P a g e
COURSE MODULE
Linggwistikang Pilipino Philippine Association for Language Teaching
• Ang tatlong samahang ito‘y patuloy sa pagdaraos ng mga seminar pangwika at pagpapalathala ng
kani- kanilang journal na nagiging daluyan ng mga pag- aaral at pananaliksik na isinasagawa sa
larangan ng wika.• Ang pagkakaroon ng Consortium for a Ph. D. in Linguistics ng Ateneo de Manila at
Philippine Normal College ay isa pa rin sa mga salik na nakapagpapasigla sa kilusang
panglinggwistika.
• Mga Nakapagtapos sa Consortium for a Ph. D. inLinggwistika at ang kanilang mga paksa: Bautista,
Ma. Lourdes S. ―The Filipino Bilingual‘sCompetence: A Model Based on an Analysis of Tagalog-
English Code Switching.‖ Inilarawan ni Bautista ang paglilipat-lipat ng mga nagsasalita sa Ingles at
Tagalog. Nagbigay sya ng mga tuntuning tinatawag na ―phrase structure and transformational rules‖
batay sa modelong 1965 ni Chomsky. Lumabas sa kanyang pag-aaral na ang ―Code- Switching‖ ay
nagaganap sa iba‘t ibang antas ng wika- salita, parirala, sugnay at pangungusap.
Chan-Yap, Gloria. ―Hokien Chinese Loanwords in Tagalog.‖ 1975. Sinuri nya ang mga salita
saTagalog at inalam nya ang mga salitang mula sa Hokkien Chinese. Inilarawan nya ang naganap na
pagbabago sa tunog at sa kahulugan ng mga salita sa Tagalog na hiram sa Hokkien
Chinese.Soberano, Rosa P. ―The Dialect of Marinduque Tagalog.‖ 1976. Isa sa kanyang mga
layunin ay upang alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Tagalog-Marinduque sa Tagalog-Maynila.
Vergara, Elvira C. ―Subcategorization and Selectional Restrictions of English Words‖. 1975. Sinuri
ni Vergara ang mga pandiwang iisahing salita na nakasama sa General Service List ni West (1965).
Ginamit nya ang Case Grammar Matrix ni Cook sa subkategorisasyon ng mga pandiwa. Lumabas sa
pagsusuri na ang mga pandiwang iisahang salita ay mapapangkat ayon sa basic, experimental,
benefactive, at locative; at mapapangkat pa sa 16 na uri ng subkategorisasyon ayon sa kaligiran ng
kaukulan o ‗case‘.
Luzares, Casilda. ―The Morphology of SelectedCebuano Verbs: A Case Analysis .‖ 1975 . Ginamit
ni Luzares ang modelong 1968 at 1970 ni Fillmore ngunit pinasukan nya ng pagbabago ang mga ito.
Lumabas sa pag-aaral nya na ang morpolohiya hindi hiwalay sa sintaksis at semantika.
43 | P a g e
COURSE MODULE
prohibitives.
BUOD:
44 | P a g e
COURSE MODULE
• PADRE MIGUEL RUIZ (Dominicano) – “Vocabulario Tagala” (1587).
• PADRE DOMINGO de los SANTOS – “Vocabulario de la Lengua Tagala”, itinuring na
isang dakilang bokabulaaryo na nailimbag 1754.
• FRANCISCO LOPEZ – “Vocabulario de la Lengua Iloca” (1630)
• DIEGO BERGANO – “Vocabulario de la Lengua Pampanga” (1732)
• MARCOS LISBOSA - “Vocabulario de la Lengua Bicol” (1754)
• JACINTO JUAN MARTI – “Diccionario Moro o Maguindanaw-Espanyol” (1982)
• Ayon kay Bienvenido Lumbera – nagging mabilis ang paglaganap ng Ingles sa Pilipinas.
• Naging suliranin ng mga sundalong Amerikano ang kawalan ng isang wikang magiging
daluyan ng komunikasyon upang maisakatuparan ang kani-kanilang layunin.
Pag-aaral/Aklat/Pagsasaling-Wika Mananaliksik/Tagasalin
45 | P a g e
COURSE MODULE
5. Pagsasalin; mga tribo sa kapuluan at mga F. Blumentritt isinalin sa Ingles ni O.T
wikang sinasalita (Isinalin sa wikang Aleman) Mason (1899)
ponetika morpolohiya
CECELIO
LOPEZ
sintaksis
Ponetika –
Morpolohiya –
Sintaksis –
FRANK BLAKE
46 | P a g e
COURSE MODULE
Ang mga salitang hiram ng Tagalog sa Sanskrito
Ang pag-aaral na isinagawa sa Unibersidad ng John Hopkins tungkol sa iba’t ibang wika sa
Pilipinas.
Ang tungkulin ng pamahalaan ng Estados Unidos sa paglinang ng agham wika sa Pilipinas.
Pagsusuring-basa sa pagsusuring ginawa ni Bloomfield tungkol ds Tagalog.
Pagtitipon ng mga Pagsusuring isinagawa sa mga wika sa Pilipinas.
Isang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog.
Isang mimograph sa mga diin sa Tagalog.
Leonard Bloomfield
PANAHON NG KALAYAAN
• Ayon kay Ernesto Constantino (1979), dumami ang mga pagsususri sa wika sa Pilipinas noong
panahon ng kalayaan.
• Nagsimula ang panahon ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nakamit ng
47 | P a g e
COURSE MODULE
Pilipinas ang kalayaan noong 1946)
ISTRUKTURA NG WIKA
1. Ponolohiya - makaagham na pag-aaral ng ponema Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano binubuo
ang mga salita Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap Semantika - ang pag-aaral ng
mga pagpapakahulugan ng isang wika YUNIT III: ISTRUKTURA AT KALIKASAN NG WIKANG
FILIPINO
PONEMA - makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog
ay pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita. Halimbawa: maestro- maestra abogado – abogada
tindero – tindera Angelito – Angelita
2 uri ng Ponema
1. Ponemang Segmental
15 katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ, w, ˀ / / ˀ / -pasara/impit na tunog o saglit na
pagpigil sa hangin / ŋ / - kumakatawan sa titik na /ng / Ang Filipino ay may… 21 Ponemang
Segmental 5 patinig - /a, e, i, o, u/
2 . Ponemang Suprasegmental
1. TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita. Halimbawa:
Ikaw. – (may katiyakan) Ikaw? –(hindi sigurado/nagtatanong) 3 Uri
2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita. Halimbawa: BUkas - buKAS PIto
48 | P a g e
COURSE MODULE
- piTO SAya - saYA Upo - uPO
3. ANTALA - ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang
kaisipang ipinahahayag. Halimbawa: Bigkasin at huminto kapag nakita ang / .
Halimbawa: Hindi siya si Jomar // Hindi / siya si Jomar // Hindi siya / si Jomar // Hindi ako ang
gumawa. // Hindi / Ako ang gumawa. //
alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. - ang mga
diptonggo sa Filipino ay /y/ - ay, ey, oy, uy /w/ - aw, ew, iw, ow, uw
DIPTONGGO
Halimbawa: /aw / agaw dalaw ibabaw lugaw ginaw kalabaw nakaw sabaw takaw dilaw halimaw
palayaw anahaw hikaw sabaw tanaw apaw galaw hilaw sitaw araw bughaw langaw ayaw ihaw sigaw
tunaw ikaw ligaw uhaw ginaw ilaw litawhataw kalabaw
Halimbawa: /ay / bahay buhay tulay sabay palay tunay gulay kulay away bagay itay/inay panday alay
akbay patnubay paypay hukay lagay saklay pilay tangay tibay pantay lakbay husay sampay patay
Halimbawa: /oy / kahoy tuloy langoy daloy abuloy baboy kasoy palaboy taboy apoy simoy tukoy amoy
langoy unggoy biloy
49 | P a g e
COURSE MODULE
Kaluluwa nati’t buhay Sa Diyos natin iaalay
Hal : (Kambal-Katinig / Klaster Unahan Gitna Hulihan drama iskwater rekord blusa eskwela tayp klerk
biskwit nars krema kongklusyon kart gripo sumbrero beys dyaryo klima kard plano pilantropo relaks
Pares - Minimal - pares ng salitang magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang
pinagkaiba ng kanilang kahulugan. - ginagamit ito upang maipakita ang pagkakaiba ng mga tunog na
magkakahawig ngunit magkaiba ang ponem at kahulugan.
Halimbawa: Pares-Minimal misa – mesa tila – tela oso – uso titik – titig Selya – silya Pepe – pipi ilog –
irog iwan- ewan
Ponemang Malayang Nagpapalitan - ito ang mga ponemang e, i, o, u na maaaring magkapalit ng gamit
ngunit walang nagbabago sa kahulugan.
Halimbawa: Ponemang Malayang Nagpapalitan e – i o - u babae – babai uso - usu lalake – lalaki guro
– guru bibe – bibi baso – basu bobo – bobu pito – pitu sampo – sampu
MORPOLOHIYA - pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika. - pag-aaral ng
50 | P a g e
COURSE MODULE
morpema /morfim
1. Binubuo ng isang ponema. Ang ponemang a ay nauukol sa babae. Gayundin, ang ponemang o ay
nauukol sa lalaki. Ang morpema ay maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa
ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.
Halimbawa: doktor–doktora senador- senadora dekano- dekana senyorito – senyorita Taliwas: ang mga
ito ay para sa babae o lalaki: artista bata manggagawa manghuhula
2. Binubuo ng salitang-ugat. -ito ay mga salitang payak gaya ng ganda, buhay, isa. Ito ay tinatawag
ding malayang morpema sapagkat may sariling kahulugan at makatatayong mag- isa. -mga payak itong
salita dahil walang panlapi.
3. Binubuo ng panlapi. -maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. -ang mga panlapi ay may sariling kahulugan
kayat bawat isa ay isang morfim /morpema.
Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginagamit sa mga sumusunod na halimbawa: minata, matahin,
mapangmata nagpayong, nagpayungan, pinayungan pagurin, ikinapagod, napagod tumaas, taasan
batuhin, nagbatuhan, binato
1. May Kahulugang Leksikal – kung ang salita ay pang nilalaman Halimbawa: Pangngalan: aso, tao,
sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag); (mosque, Tausug) Panghalip: ako,
ikaw, siya, kayo, tayo, kami, sila
Pandiwa: mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin, umalis Pang-uri: banal, maligaya,
palaaway, balat-sibuyas, marami, makapal, masipag, mapagmahal Pang- abay: kahapon, kanina, doon,
diyan, madalas, araw – araw, bukas, madaling araw, takipsilim
51 | P a g e
COURSE MODULE
Wastong Gamit ng mga Salita
1. may- ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nasa pangngalan Hal. May kompyuter sa kanilang
bahay. *ginagamit din sa pandiwa Hal. May naglilinis sa labas. *ginagamit din sa panghalip na
paari (akin, kanila) Hal. May lalaking naghihintay sa akin sa labas. 1. may / mayroon
2. Ng / Nang ng (of) – gamit bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa Halimbawa: Ang dahon ng kahoy
ay malago. Nagsipilyo siya ng ngipin bago matulog.
Ginagamit na pang-ukol na tagaganap ng pandiwa Halimbawa: Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa
kanilang bahay.
3. nang- “when” Hal: Kumakain kami ng hapunan nang dumating ang mga panauhin. Katumbas na
so that o in order to sa Ingles Hal: Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo ay makapasa Magsikap ka
nang ang buhay mo ay guminhawa.
4. Na + ng / nang Hal: Kumain na ng lugaw ang batang maysakit. Kapag napapagitnaan ng dalawang
magkatulad na pandiwa Hal: takbo nang takbo ; sulat nang sulat, kain nang kain
5. daw/din at raw/rin daw/din – kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa
malapatinig ma (y at w). Hal: May pangarap daw siyang makapagtrabaho sa Canada.
6. raw/rin -kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at (y at w). Hal: Sasakay raw sila sa
eroplano. Buhay raw ng asawa niya ang nakasalalay dito.
kong – panghalip na panao Hal : Gusto kong manood ng sine. Pangarap kong makapagtapos ng pag-
aaral.
52 | P a g e
COURSE MODULE
8. Pahiran/Pahirin Pahiran – lagyan Hal: Pahiran mo ng langis ang kanyang paa. Pahirin - alisin o
tanggalin (wipe off) Hal: Pahirin mo ang mga luha sa iyong mata.
9. Operahan / Operahin Operahan – tumutukoy sa tao hindi sa bahagi ng katawan Hal: Siya ay
ooperahan sa paggamutan. Operahin - tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan Hal: Ang bukol sa
kanyang dibdib ay ooperahin.
10. Subukan/ Subukin Subukan- malihim na pag- oobserba (to see secretly) Hal: Subukan nating
tikman ang kanilang pagkain. Subukin- pagsisiyasat sa lakas (to test or try) Hal: Subukin mong gamitin
ang kutsilyong iyan kung matalas.
11. Walisan/Walisin Walisan- lugar Hal: Walisan natin ang ating silid-aralan. Walisin - tumutukoy sa
bagay na aalisin Hal: Walisin mo ang alikabok.
12. Binasag/ Nabasag Binasag - sinadya Hal: Binasag niya ang baso sa sobrang galit. Nabasag - di
sinasadya Hal: Nabasag ang salamin dahil sa away nila.
13. Pinto/ Pintuan Pinto – “door” Hal: May kumakatok sa pinto. Pintuan – “doorway” Hal: Huwag
kayong magsisiksikan sa pintuan.
Sintaksis / Sintaks / Palaugnayan -pagsasama- sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng
pangungusap. -pag-aaral ng palatanungan, palabuuan at talasalitaan; -mga pagsasanay tungkol sa
pagpili ng maayos na pangungusap, na may isa lamang maliwanag na kahulugan.
3. Pautos / Imperative - pangungusap na nag-uutos upang gawin ang isang bagay. Ito ay may dalawang
53 | P a g e
COURSE MODULE
uri. Hal: Pedro, tawagin mo si Nene. Samahan mo si Lea, Pat.
Ang ikalawang uri ng pangungusap na pautos ay yaong nakikiusap na gawin ang isang bagay. Ang uri
ng pauos na ito’y karaniwang gumagamit ng panlaping ipaki at ng salitang maaari. Hal: Pakibigay mo
nga ang litratong ito kay Kathy. Maaari bang buksan mo ang pinto, Nelia?
1.Pangungusap na Eksistensyal - nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba
pa.Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Hal: May mga turista ngayon sa Baguio.
2. Pangungusap na Pahanga -nagpapahayag ng damdamin ng paghanga. Hal: Kay gara ng bago mong
damit. Ang bait mo pala.
4. Mga Pangungusap na Pamanahon - nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Hal: alas-tres malamig
ngayon umaaraw tanghali na
PAGSASANAY 1
Panuto: Magtala ng ilang mga salitang Kastila at gamitin sa pangungusap. Isalin ang mga naturang
pangungusap sa wikang Filipino.
54 | P a g e
COURSE MODULE
Salitang Pangungusap sa Pagsasalin sa wikang Filipino
Kastila Kastila
1.
2.
3.
4.
5.
PAGSASANAY 2
55 | P a g e
COURSE MODULE
PAGSASANAY 3
CECELIO LOPEZ
56 | P a g e
COURSE MODULE
LEONARD
BLOOMFIELD
FRANK
BLAKE
PAGTATASA
Panuto: Talakayin ang kahalagahan ng linggwistika sa guro ng wika. Gumawa ng paghahambing
57 | P a g e
COURSE MODULE
KARAGDAGANG BABASAHIN
https://psyc.net.apa.org>aging&interference
https://prezi.com>kasaysayan ng wika
https://balangkas.wordpress.com>univeral-grammar.theory
https:// slideshare.com>kasaysayan ng linggwistika
58 | P a g e
COURSE MODULE
PANIMULA/RATIONALE Maraming
faktor ang nakakaimpluwensya sa wika na nagbubunga ng iba’t
ibang Varayti nito. Sa tulong ng mga teorya na siyang nagging modelo sa
pag-aaral ng wika ay lalong mapapaunlad ang paggamit ng wika sa
pamamagitan ng linggwistika.
Magbigay ng
PANGHIMOK NA GAWAIN
limang taong
may naiambag sap ag-unlad ng ating pambansang
Wika at ipaliwanag kung papaano sila nakatulong sa pag-unlad nito.
59 | P a g e
COURSE MODULE
matuto ng wika. Iyon din ang kanilang magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga pangungusap sa kadahilang
may nakabaong gramatika sa kanilang isipan.
Isang prosesong mental. May unibersal nagramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na
katangiang linggwistik
”Mula sa naging pahayag ng manunulat na si Chomsky tungkol sa wika,makikita namalalim ang ibinigay
niyang kahulugan dito. Nabatid niya na ito ay "isang prosesongmental", kaya't masasabing ang wika ay
ginagamitan ng utak at pag-iisip. Bago natinsambitin ang mga salita ay tumatakbo muna ito sa ating isipan.
Sa kabila ng ating pagkakaibang wika sa buong mundo na umaabot ng 5000 hanggang 6000, may
pagkakatulad pa rin tayo sa pagbuo ng pangungusap. Pinaniniwalaan ng mga linggwista, ito’y isang
“universal grammar” na likas at nakaimbak sa utak ng tao.
Generative grammar ay isang teorya ng wika na nagbabala sa gramatika bilang isang sistema ng mga
patakaran na bumubuo ng eksaktong mga kumbinasyon ng mga salita na bumubuo ng mga
gramatikong pangungusap sa isang wika.
Transitional Figure Example:
Pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap pagsasama- sama ng mga salita para makabuo ng mga
parirala o mga pangungusap may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na batayan
sa pagbuo ng pangungusap Sintaks
Malikhain at sistematiko ang sintaks ng isang gramar. Nakapagsasama- sama ang mga ispiker ng isang
wika ng mga salita para makabuo ng mga pangungusap.
Tamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap *Kung hindi ayon sa
pamantayang pang- gramatika ang isang kombinasyon ng mga salita, hindi ito grammatical. Sinasabing
gramatikal ang anumang nasasabi kapag tinatanggap ng mga taal na ispiker na tama ito sa wika nila.
60 | P a g e
COURSE MODULE
Pamantayang pang- gramatika
Suriin:
Walang nilabag na pamantayan sa gramatika ang una, pero hindi ito katanggap- tanggap sa sinumang
taal na ispiker dahil wala itong kabuluhan.
Bagama’t may saysay at maaaring maintindihan ang ikalawa, may nilabag naman itong pamantayan sa
gramatika.
Kung gayon, ang ikatlong pahayag lamang ang tinatanggap ng taal na ispiker ng Tagalog. *bagay- Ang
*pandiwa- panlaping i-, hindi - um-
Halimbawa: Tumira nang matagal sina Ramon sa Amerika. Sa Amerika tumira sina Ramon nang
matagal. Amerika tumira sa Ramon matagal sina nang
Bagama’t magkahawig ang una at ikalawa, may pagkakaiba ang mga ito sa puntong gusto nitong
bigyan ng diin.
Hindi gramatikal ang ikatlo kahit binubuo ito ng mga salitang mayroon sa unang dalawang pahayag.
Wala itong linggwistik na kahulugan.
Kahit sunud- sunod na mga morpema/ salita ang pangungusap, hindi pangungusap ang lahat ng
mga sunud- sunod ng mga morpema.
Itinatakda ng mga pamantayan ng sintaks o gramar kung paano nagsasama ang mga morpema/
salita upang magpahayag ng isang partikular na kahulugan.
Kapag alam natin ang isang wika, alam natin kung aling mga kombinasyon ng mga morpema/ salita
ang sumusunod sa mga sintaktik na pamantayan nito at kung alin ang mga hindi.
Ang mga string, mga pinagsusunod- sunod na salita, na hindi lumalabag sa mga sintaktik na
pamantayan ng isang wika. *** hindi naman gramatikal ang pangungusap kung lumalabag sa mga
61 | P a g e
COURSE MODULE
pamantayan. Gramatikal na pangungusap
Ang mga pangungusap ay hindi lang mga sunud- sunod na string ng mga salita/ morpema dahil
sumusunod ang mga ito sa mga partikular na anyo na itinakda ng mga sintaktik na pamantayan ng
wika.
Bahagi ng kakayahang pang- linggwistika ng taal na tagapagsalita ang kakayahang bumuo at
kumilala ng mga tamang pangungusap at masasabing ang sintaks ay deskripsyon ng sintaktik na
kakayahan ng taal na tagapagsalita.
Transpormasyon ng mga sintaks Ito ang pinakapopular at pinakakilalang dulog sa pag- aanalisa ng
sintaks sa kasalukuyan. Bagama’t hindi nagkakasundo ang maraming linggwist tungkol sa iba’t ibang
anyo ng dulog na ito, laganap itong ginagamit sa linggwistiks, gayundin sa ibang disiplinang may
kinalaman sa wika.
62 | P a g e
COURSE MODULE
PAGSASANAY 1
Panuto: Ibuod ang tungkol sa “Kasaysayan ng Linggwistika” gamit ang “History Essay Graphic
Organizer.”
PAGSASANAY 2
Panuto: Manaliksik ng isang Linggwista at ipaliwanag ang kanyang pag-aaral tungkol sa wika sa pamamagitan
ng “trivia".
63 | P a g e
COURSE MODULE
KARAGDAGANG BABASAHIN
https://www.slideshare.net/jhengcute/kasaysayan-ng-linggwistika-1
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wikang_Malayo-Polinesyo
https://www.slideshare.net/shielamaegutierrez12/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-
64 | P a g e