You are on page 1of 49

Ang Sining ng

maikling kwento
Aralin 7
Depinisyon at Sanligan ng
Maikling Kuwento
ANG MAIKLING KUWENTO TINATAWAG
DING MAIKLING KATHA AY ISANG
SALAYSAY NA GINAGAMITAN NG PILING-
PILING MGA SALITA SA PAGLALARAWAN
NG ISANG PANGYAYARI UPANG
MAKALIKHA NG KAISAHANG-BISA.
Ayon kay Edgar Allan Poe, Amerikanong
kuwentista, makata, at kritiko na
nagpakilala sa mundo ng estetika ng
maikling kuwento noong dekada 1840,
malilikha ang "unity of effect" o kaisahang-
bisa sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang kasintipid ng sa tulang liriko
Sa kanyang pagtataya, ideyal ang haba ng malikhaing
katha mas maikli kaysa nobela at mababasa sa isang
upuan lamang. Nakita niya sa mga anyong prosa na
angkop na angkop ang maikling kuwento upang
paggamitan ng napakayaman o napakataas na talino sa
sining ng pagsasalaysay ito ay upang makalikha ng
"isang magtig at matagang impresyon" at ng
panandaliang "pagdiriwang kaluluwa sa mambabasa"
ito'y maaaring mabasa sa loob ng kalahati o
hanggang dalawang oras kung makinilyado naman sa
karaniwang sukat ng papel at doble espasyo, mga
hanggang 25 pahina gaya ng kalingian sa ilang
pambansang timpalak pampanitikan. Sa ilang
komersiyal na magasin, mga 7 hanggang 10 pahina.
Ngunit kung kuwe pambata mga 5 hanggang 10
pahina lamang.
Sa panahong hindi pa naimbento ang mga imprenta,
nagsimula ang maikling kuwento sa tradisyong
pasalita. Ang mga iyon ay nasa anyon alamat,
kuwentong-bayan, mito, pabula, anekdota, at
karaniwang salaysay. Dekada 1900, lumitaw sa mga
pahayagang El Renacimiento (sa seksiyong Tagalog
nito), Democracia, Ang Mithi, at Taliba ang "dagli o
maikling salaysay. Naging daan ang pagkakakatha ng
mga dagli sa pagbuo ng pamantayan ng maikling
kuwentong isinusulat
noong huling dako ng 1920 ay lumitaw na ang
tradisyonal na anyo ng maikling kuwento-ang
mga kathang may banghay (plot) at may isang
kakintalan gaya ng ilang akda ni Deogracias A.
Rosario-na nang dakong huli'y kinilalang "Ama
ng Maikling Kuwentong Tagalog."umiral ang
tatlong grupo ng mga manunulat ang mga
kapisanang "Aklatang Bayan" "Ilaw at Panitik,"
at "Panitikan."
Sa pagtatapos ng dekada 20 at sa mga unang taon ng
dekada 30, ang pagkritika at pamimili ng mga
pangunahing maikling kuwento nina Clodualdo del
Mundo at Alejandro G. Abadilla ay naging
tagapagmulat at hámon sa mga manunulat. kabilang
man sa nakatatandang mga miyembro ng "Aklatang
Bayan," "Ilaw at Panitik," sa nakababatang mga
miyembro ng "Panitikan." Ginawa nila ang pagkritika
at pamimili sa pamamagitan ng kani-kaniyang kolum-
sa "Parolang Ginto" ni del Mundo at "Talaang Bughaw
ni Abadilla.
Bago nagsimula ng kanyang kolum, galing si
Abadilla sa Estados Unidos. Ilang taon siyang
tumigil doon bilang manggagawa, at mahihinuhang
dala niya sa pag- uwi ang masagap na mga teorya sa
Alejandro G. makabagong panitikan. Pinuna niya ang mga
Abdilla kathang moralista at eskapista, ang pamamalasak ng
paksang "pag-ibig at pag ibigan (madalas ay ng
isang mahirap at ng isang mayaman)... kung
paanong ang panahong nakaraan ng Aklatang Bayan'
ay pinamayanihan ng sentimentalismo, at ng
mabulaklak at maindayog na pananagalog."
Tinamaan ng mga batikos ang mga kampo ng
manunulat, kabilang ang "Panitikan" na si Abadilla
mismo ang nagtatag. Ngunit nagbunga nang mabuti
clodualdo ang gayong mga puna. Sumigla ang malikhaing
del mundo pagsulat at nakita ang mga pagbabago sa mga akda
sa huling bahagi ng dekada 30 hanggang sa
dekadang 40."Panitikan" na si Abadilla mismo ang
nagtatag.
Noong dekada 60, pinag-aralan ni E. San Juan, Jr. ang
panitikang Pilipino at sinuri ang mga antolohiya ng maikling
kuwento partikular ang Ang 25 Pinakamabuting Maikling
Kathang Pilipino ng 1943. Isang pangunahing makata. Antiko,
kuwentista, at mandudulang nagtapos ng doktorado sa Ingles sa
Harvard University, inilahad ni San Juan, Jr. na ang maikling
kuwentong Pilipino ay sumapit na sa panahon ng
pagkamakabago.
sinabi niyang ang mga kuwentista'y nagpapakita ng
kahusayan at birtusidad sa paghawak ng mga kagamitang
retorikal, mga punto-de-bista, daloy-ng-kamalayan (stream
of consciousness), at iba pang makasining na paraan upang
matamo ang nilalayong kaisahang-bisa." Tinukoy niya ang
partikular na katangian ng ilang manunulat sa antolohiya.
•1960 at 1970-ay naghudyat ng pagyabong ng
panitikang Pilipino. Lumawak ang kamalayang pang-
estetika ng mga kabataang manunulat sa mga
paaralan at tumaas ang kanilang kamulatang sosyo-
politikal kaalinsabay ng malalaking isyung
internasyonal at lokal.
•Noong 1964. lumabas ang Mga Agos sa Disyerto, isang
antolohiya ng mga makabagong maikling kuwentong
binubuo ng mga akda nina Efren R. Abueg. Dominador B.
Mirasol, Rogelio L. Ordoñez, Edgardo M. Reyes, Eduardo
B. Bautista, at Rogelio R. Sikat. Unang mapapansin sa
kanilang mga katha ang malakas na hawak sa wika,
pagiging matipid sa paggamit ng mga salita (hindi
mabulaklak) bilang tugon sa mahigpit na kahingian ng
sining, kamalayang panlipunan, at makintal na
pagwawakas. Masasabing ang mga akdang ito ay pasuway
na reaksiyon awtor sa komersiyal o eskapistang katangian
ng marami.
•Noon namang 1972, pagkaraan ng makasaysayang Unang
Sigwa ng 1970, lumabas ang Sigwa: Antolohiya ng
Maiikling Kuwento. Gaya ng mahihiwatigan sa titulo ng
koleksiyon, ayon naman sa paglalarawan ni Bienvenido A.
Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan),
ito'y "mga kuwentong hangad magtanghal ng mga
halimbawa ng pag-akdang ginagabayan ng politika...
kaakibat ng kilusang pambansa-demokratiko bilang tugon
sa panawagang "Panitikan mula sa masa, tungo sa masa."
Kabilang sa mga awtor ng nasabing antolohiya sina E San
Juan, Jr. Efren Abueg, Norma Miraflor, Ricardo Lee,
Wilfrido Virtucio, at Fanny Garcia.
•Sa kasalukuyan, sa kabila ng paghina ng ilang tradisyonal
na publikasyon, patuloy sa pagsigla ang kilusan sa
maikling kuwento dahil sa pagtangkilik sa panitikan ng
mga piling unibersidad tulad ng Ateneo de Manila
University, University of the Philippines, University of
Santo Tomas, De La Salle University, gayundin sa
pagtataguyod ng mga institusyong tulad ng Palanca,
National Book Development Board (NBDB), National
Commission on Culture and the Arts (NCCA), at iba pa.
Bukod dito, malaking alternatibo ang Internet. Ang bilang
ng nararating o nakababasa ng ilang artikulo o libro,
ngayo'y maaaring daang libo, o milyon na.
Mga Elemento ng Maikling
Kuwento
•BAWAT MAIKLING KUWENTO AY
NAGTATAGLAY NG MAHAHALAGANG
ELEMENTO O SANGKAP. KUNG WALA ANG
ISA NITO, O ITO'Y HINDI GAANONG NA-
DEVELOP, HINDI KATAKA- TAKANG HINDI
MAKALILIKHA ANG AKDA NG ISANG
KAKINTALAN O KAISAHANG-BISA.
Mahalaga ring mulat ang isang kuwentista hinggil sa
mga kahingiang elemento ng kanyang katha upang sa
mga sandali ng kanyang pagbasa, pagsuri, at pagrebisa
sa antas na borador ng kanyang obra, matutukoy
kaagad niya kung ano ang dapat niyang gawin upang
mapagbuti pa ang akda. Makatutulong din ang gayong
kaalaman sa mga nais sumuri at magpahalaga sa akda
ng manunulat. Maaaring doo'y makilatis nila ang isang
bagong pamamaraan ng pagsasalaysay, malalim o
nababagong insight, at orihinalidad sa ilang aspekto ng
akda.
1. Tauhan (character)
TAUHAN ANG PINAKAMAHALAGANG ELEMENTO SA ISANG
MAIKLING KUWENTO. WALANG KUWENTO KUNG WALANG
MGA TAUHAN. KAUNTING TAUHAN LAMANG ANG
KAILANGAN SA ANYONG ITO NG PANITIKAN. ISA SA MGA
TAUHAN, ANG BIDA TINATAWAG DING PROTAGONISTA, ANG
SENTRO AT INIIKUTAN NG KUWENTO. ANG KASALUNGAT
NAMAN NG BIDA AY ANG KONTRABIDA O ANTAGONISTA.
ANG IBANG MGA TAUHAN DITO AY PANTULONG LAMANG SA
PAG-USAD NG KUWENTO AT SA PAGLALARAWAN NG
PANGUNAHING TAUHAN, TUWIRAN MAN O DI TUWIRAN.
Kailangang maging makatotohanan ang mga
tauhan upang maging kapani-paniwala sa mga
mambabasa at maging isang batayan ng interes
ng mga ito. Ang malinaw na paglalarawan sa
bawat tauhan ay naisasagawa ng awtor sa iba't
ibang paaran.
Una'y maaaring ilarawan ng awtor mismo ang pisikal na
anyo ng pangunahing tauhan, o ng mga tauhan;
pangalawa'y ipakita kung paano siya kumilos, magsalita, at
mag-isip, ano ang mga gusto at di gusto, hinahangad
maaaring sa salita mismo ng protagonista. o ng ibang mga
tauhan o ng awtor; at kung ano ang reaksiyon ng ibang
mga tauhan tungkol sa kanyang sinasabi, balak gawin, at
ginagawa. Lalong magiging kawili-wili sa mga mambabasa
kung sa pagsulong ng kuwento ay nahihiwatigan nila sa
lumalim at lalong lumilinaw na paglalarawan ang pagkatao
at buhay ng protagnista.
2. Tagpuan (setting)
ALUGAR AT PANAHONG PINANGYARIHAN NG KUWENTO ANG
TINATAWAG NA BAGAMA'T MAHALAGA ANG MALINAW O BISWAL
NA PAGLALARAWAN HINDI KAILANGAN ANG PAGLULUNOY NA
DESKRIPSIYON DITO ANG KUWENTO, AT SA URI NG PANANALITA
NG MGA TAUHAN, MAHIHIWATIGAN PINANGYARIHANG PANAHON.
KARANIWANG NANGANGAILANGAN NG MARAMING MAIKLING
KUWENTO. PARA SA ILANG BATIKANG KUWENTISTA,
PAGKAKATAONG SAPAT NA ANG ISA O DALAWANG TAGPUAN SA
ISANG ISTORYA. GAYUNMAN, SA PAGTAKBO NG ISTORYA'Y
NATURAL LAMANG NA MAGKAROON DITO NG PAGPAPALIT NG
ILANG TAGPO O EKSENA, TULAD SA ISANG DULA.
3. Banghay (plot)
TInatawag na banghay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayan at
mga aksiyon ng mga tauhan kaugnay ng pangunahing suliranin o
tunggalian (conflict) sa isang kuwento. Sa tradisyonal na pamamaraan
na nagbibigay-diin sa banghay upang makalikha ng kaisalang-bisa,
kronolohiko ang sumuran ng mga pangyayari.
Panimula
SA PANIMULA NG KUWENTO AY INILALARAWAN NG
AWTOR ANG TAGPUAN AT IPINAKILALA NIYA ANG
PROTAGONISTA AT ILANG PANTULONG NA TAUHAN
Tunggalian
ANG TUNGGALIAN AY SALUNGATAN NG MGA
PUWERSA NA MADARAMA SA SUNOD-SUNOD NA MGA
AKSIYON O TAGPONG NAGIGING MASALIMUOT AT
PAPAIGTING TUNGO SA KASUKDULAN.
Sa kasukdulan naman madarama ang rurok ng kawilihan. Sa
yugtong ito, gustong-gustong mabatid ng mambabasa kung
ano ang mangyayari sa bida, kung ano ang maipapasiya nito,
o ano ang magiging resulta ng suliranin.
ANG EPISODIKONG BANGHAY AY YAONG BINUBUO
NG ISANG SERYE NG MAGKAKAUGNAY NA MGA
PANGYAYARI O EPISODYO SA KUWENTO. TEMA,
HINDI PANGYAYARI, ANG TUMUTUHOG O NAG-
UUGNAY SA MGA EPISODYO, NGUNIT MAYROON DIN
ITONG KAAYUSAN SAPAGKAT MAYROON NGANG
ELEMENTONG NAG-UUGNAY SA MGA TAGPO. ANG
SILBI NG EPISODIKONG BANGHAY AY ANG
PAGKAKATAONG NAGAGALUGAD NA MABUTI NG
AWTOR ANG MGA PERSONALIDAD NG MGA PILING
TAUHAN, GAYUNDIN ANG KANILANG PINAGMULAN
AT PANAHON.
pat
aas
na
aks
iyo
n
kasukdulan 1

pat
aas
na
aks
iyo
n
kasukdulan 2

pat
aas
na
aks
iyo
n
kasukdulan 3
SA MAKABAGONG PAMAMARAAN, IPINAKIKITA NG MGA
KUWENTISTA NA ANG PAGLIKHA NG KAISAHANG-BISA AY
MAGAGAWA SA IBA'T IBANG PARAAN NANG HINDI
DUMEDEPEND LAMANG SA BANGHAY ISANG PARAAN
DITO AY ANG PAGGAMIT NG FLASHBACK. ISA ITONG
EKSENA NA NAGPAPATIGIL SA KASALUKUYANG AKSIYON
UPANG IPAKITA ANG MGA NAGDAANG PANGYAYARI
BAGO NAGSIMULA ANG KUWENTO. PANGUNAHING SILBI
NITO ANG PAGBIBIGAY NG MAHALAGANG
IMPORMASYON PARA SA PAG-UNAWA SA ISA O ILANG
TAUHAN.

Higit sa isang flashback ang maaaring magamit sa isang kuwento


4. Tunggalian (conflict)
ANG tunggalian ay ang salungatan ng dalawa o higit pang mga tauhan o
puwersa sa kuwento. Habang tumitindi ang tensiyon dahil sa tunggalian,
sumisidhi naman ang interes o kawilihan ng mambabasa kung ano ang
mangyayari sa bida-kung ano ang magiging wakas ng kuwento. Kung walang
tunggalian, walang kuwento ang kuwento, wala ring dula ang dula walang
buhay o sigla ang banghay. Kumikilos lamang ang kuwento dahil sa tunggalian
ng mga puwersa. Ang tunggalian ay hindi nangangahulugan lamang ng labanan
ng lakas at lakas o ng labanan lamang sa salita, kundi ng alinman o iba't ibang
suliraning kinakaharap ng protagonista sa maikling kuwento
URI NG TUNGGALIAN:
A).TAUHAN LABAN SA TAUHAN (PROTAGONISTA
LABAN SA ANTAGONISTA)

Madaling makilala ang ganitong tunggalian sa alinmang maikling


katha. Maaaring katunggali ng pangunahing tauhan ang antagonista
sa layunin, sa puwesto ng kapangyarihan, sa pag-ibig, ari-arian o
ibang propiyedad, at iba pa.
B.) TAUHAN LABAN SA KALIKASAN

May pangyayaring ang pangunahing suliranin ay kung paano


malalabanan o maaalpasan ng tauhan ang kalikasan, tulad ng
bagyo, baha, mababangis na hayop, gayundin ang kalamidad o
peste, upang mailigtas ang kanyang mahal sa buhay, mga kapwa, o
upang matupad ang isang partikular na layunin.
ANG GAYONG PANANAW AY MAY TATLONG PANAUHAN:

a. Unang panauhan. Ang bida mismo ang nagsasalaysay sa mga


pangyayari kaya gumagamit siya ng mga panghalip na ako, ko,
akin, namin. kami, natin. at iba pa.
D. TAUHAN LABAN SA SARILI

May uri naman ng kuwento na ang tunggalian ay sa pangunahing


tauhan laban sa kanyang sarili. Ang suliranin ay maaaring sikolohikal
o pandamdamin. Sa isang kuwento'y maaaring nagtatalo ang loob at
isip ng tauhan kung tuluyan niyang pakakasalan ang isang babaeng
may ibang relihiyon at nagtutulak sa kanyang itakwil ang sariling
pananampalataya. Sa iba naman, maaaring ang problema'y ang pag-
usig sa sarili dahil sa malaking pagkukulang sa pamilya, samahan, o sa
sariling bayang nasa yugto ng pakikipagtunggali, o iba pa.
E. TAUHAN LABAN SA SUPERNATURAL

May tauhan namang ang mga katunggali ay


kinabibilangan ng mga multo, mangkukulam, kapre,
tiyanak, higanteng robot, o iba pa.
5. Punto de vista (point of view).

Ang punto de vista o pananaw ay ang perspektiba, distansiya, o agwat


ng awtor na nagsasalaysay tungkol sa mga tauhan at mga pangyayari sa
isang kuwento.
A. UNANG PANAUHAN.

ANG BIDA MISMO ANG NAGSASALAYSAY SA MGA


PANGYAYARI KAYA GUMAGAMIT SIYA NG MGA
PANGHALIP NA AKO, KO, AKIN, NAMIN. KAMI,
NATIN. AT IBA PA. MAY MGA PAGKAKATAONG
UPANG MAILARAWAN O MATUKOY ANG IBA PANG
TAUHAN O MGA TAUHAN, ANG NAGSASALAYSAY
AY GUMAGAMIT NG MGA PANGHALIP NA NIYA,
KANYA, NILA, AT KANILA. MAPAPANSIN NG
MAMBABASA ANG UNANG PANAUHANG
PANIMULA PA LAMANG NG KUWENTO.
B. IKALAWANG PANAUHAN

GINAGAMIT SA PANANAW NA ITO ANG MGA


PANGHALIP NA IKAW, KA, MO, IYO, NINYO, AT IBA PA
SA TUWIRANG PAGKAUSAP SA MGA MAMBABASA SA
MGA PANGUNGUSAP NA PAUTOS O IMPERATIVE MOOD.
BIHIRANG-BIHIRANG GAMITIN ITO SA MAIIKLING
KATHA, AT MAHIHINUHANG HINDI POPULAR SA MGA
KUWENTISTA AT MGA MAMBABASA. MAS
MAGAGAMIT ITO SA ILANG URI NG SANAYSAY,
TEKNIKAL NA PAGSULAT, SELF-HELP NA MGA LIBRO,
(PAGBIBIGAY NG INSTRUKSIYON O PATNUBAY SA
PAGGAWA NG ISANG BAGAY), ARTIKULO SA
C. IKATLONG PANAUHAN

HINDI TULAD SA UNANG PANAUHAN, ANG


NAGSASALAYSAY O NAGKUKUWENTO RITO
AY GUMAGAMIT NG MGA PANGHALIP NA
SIVA, NIYA, KANYA, KANILA, AT IBA
PA.HINDI ITO MAKAGAGAMIT NG MGA
PANGHALIP NA AKO, KO, AKIN, NAMIN
SAPAGKAT HINDI SIYA KASANGKOT SA MGA
NARITO ANG TATLONG URI NG ESTILO NG
PANANAW NA MAAARING PAMILIAN NG
AWTOR SA PAGGAMIT NG IKATLONG
PANAUHAN:

•OMNISYENTE O BATID LAHAT


BATID NG NAGSASALAYSAY ANG MGA
KAISIPAN AT DAMDAMIN NG LAHAT NG
TAUHAN SA KUWENTO.
•IMITADONG OMNISYENTE. MGA KAISIPAN AT
DAMDAMIN NG ISANG TAUHAN NG BIDA, ANG BATID
NG NAGSASALAYSAY SA GANITONG ESTILO NG
PANANAW.

•OBHETIBO O OBJECTIVE. HINDI SINASABI NG


NAGSASALAYSAY KUNG ANO ANG INIISIP AT
NADARAMA NG MGA TAUHAN. ISINASALAYSAY O
LAMANG NIYA NANG OBHETIBO O WALANG PAKILING
ANG MGA NANGYAYARI, PAGKILOS, PANANALITA, AT
TAKBO NG USAPAN AT MULA ROO'Y MAHIHIWATIGAN
6. Ironiya
PAGGAMIT ITO NG MGA SALITANG ANG KAHULUGAN AY
KABALIGTARAN EPEKTONG NG GUSTONG SABIHIN NG
NAGSASALITA. KARANIWANG GINAGAMIT ITO NANG MAY
TONONG SARKASTIKO, PASARING, NANG-UUYAM, O KAYA'Y
PARA SA NAKATATAWA O RETORIKAL. NAGAGAMIT DITO ANG
MGA SIMILE AT METAPORA ANG MGA PAGHAHAMBING AT
PAGTATAMBIS, NA NAKATUTULONG SA PAGPAPALINAW O
PAGIGING KONGKRETO NG PAHAYAG. MAHALAGA ANG
TIYEMPO AT KONTEKSTO KUNG KAILAN GAGAMITIN ANG
IRONIYA UPANG HIGIT NA MAGING EPEKTIBO ANG PAHAYAG.
MAY TATLONG URI ANG IRONIYA:

BERBAL NA IRONIYA

Intensiyonal na ginagamit ng nagsasalita ang mga katagang may


naiiba o kabaligtarang kahulugan.
ILANG HALIMBAWA:
A. "ANG TULOG NIYA'Y KASINTAHIMIK NG PUSANG
NAGLALAMPONG."

b. "Ang galing ng pacing ng kanyang bagong pelikulang


napanood namin kagabi," sabi ni Rico, "wala pa sa kalagitnaan,
tulog na ako."

c. "Hindi tayo marinip sa paghihintay sa kanya," sabi ni Ben sa


mga kaharap. "tulad lang naman ng pagong kung siya'y
maglakad.”
SITWASYON NA IRONYAL:

SA BUONG BANGHAY NG KUWENTO


NAKALATAG ANG SITWASYONAL NA IRONIYA.
MAKIKITA RITO ANG HINDI PAGKAKATUGMA
NG INAASAHANG PANGYAYARI SA AKTUWAL O
INAASAHANG MANGYAYARI. .
DRAMATIKONG IRONIYA
NAKAPAGPAPATINDI NG KAWILIHAN NG MGA MAMBABASA ANG
URING ITO HABANG NALILIKHA ANG PAGKAKAIBA NG KALAGAYAN
NG MGA TAUHAN SA SUMUSUNOD NA MGA TAGPO. DALAL SA
MAAGA O NASA TIYEMPONG PAGKABATID NG MGA MAMBABASA
SA ILANG MAHALAGANG BAGAY SA PANGYAYARI NA HINDI ALAM
NG MGA TAUHAN, PARTIKULAR NG PROTAGONISTA, NAKUKUHA
ANG KAMLANG SIMPATIYA, NAKAPAGBUBUO NG PANANABIK O
PANGAMBA SA KUNG PAANONG HAHARAPIN NG MGA ITO ANG
BUBULAGANG KATOTOHANAN KARANIWANG NAGAGAMIT ANG
PARAANG ITO SA MGA KATHANG MAY SERYOSONG HUMIG, NGUNIT
HINDI KATAKA-TAKA KUNG MAYROON DING AWTOR NA GUMAMIT
NITO SA AKDA NAMANG MAY HIMIG NA MASAYA O KOMIKAL.
7. Tema
Ang tema ay ang pangunahing ideya, buod, o kaluluwa ng isang
kuwento. Naisusulat ito sa anyo ng pangungusap na paturol o
indikatibo. Maaaring mahiwatigan ang tema sa mga kaisipan at
damdamin ng protagonista, sa usapan ng mga tauhan, o sa mga aksiyon
sa kuwento. Pagkatapos mabasa ang isang kuwento, maaaring
makagagap dito ng aral, dramatikong saligan, at kabatiran o insight.
A.ARAL
ITO ANG LEKSIYONG MAAARING MAPULOT SA ISANG
SALAYSAY. ISANG HALIMBAWA NG PABULA NA MAY HATID
NA ARAL ANG "ANG LANGGAM AT ANG TIPAKLONG" NI
ESOPO (AESOP).

B. DRAMATIKONG SALIGAN (DRUMATIC PREMISE)


ITO RIN ANG PUNONG IDEYA, ANG TATAKBUHIN O
TUNGUHIN NG KUWENTO NGUNIT HINDI TULAD SA ARAL NA
LITAW ANG PAGIGING LEKSIYON, ANG SALIGAN (PREMISE)
AY MAISASAAD SA ISANG PANGUNGUSAP NA
NAGLALARAWAN NG ESENSIYA NG KUWENTO NG ISANG
C. KABATIRAN (INSIGHT)

May mga pagkakataong hindi malinaw ang dahilan sa naging aksiyon


ng mga tauhan, partikular ng protagonista. Gayunman, kapag
pinagtagni-tagni ang mga piling sinabi ng tauhan at ang mga piling
bahagi ng mga tagpo, mahihiwatigan ng mambabasa ang katotohanan
na maaaring nakakubli sa mismong mga salita. Ang pagkabatid sa
katotohanang iyon ay magpapalalim ng kanyang simpatiya sa tauhan at
ng kanyang pag-unawa sa kalikasan ng tao.
Thank
You

You might also like