You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Cotabato Division
PRESIDENT ROXAS MEMORIAL INSTITUTE OF COTABATO,
INC.
Arca St., Poblacion, President Roxas, Cotabato
School ID: 405639
SECOND QUARTER EXAMINATION
October 18-19, 2018

FILIPINO 7

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.

I. Tukuyin ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na idyoma sa bawat pangungusap.


1. Pabalat-bunga ang kanilang mga sinabi tungkol sa akin.
a. Nabigo c. galit na galit
b. hindi totoo d. pawang katotohanan
2. Umuusok ang tuktok ng guro sa kaniyang mga estudyante.
a. Tuwang-tuwa c. Pinalayas siya sa kanyang kaharian.
b. Hangang-hanga d. Pinaalis sya sa kanyang trono.
3. Ang mga pulitiko ay pawang mga mahal na tao kung pagmasdan.
a. Kamahal-mahal c. kapuri-puri
b. Kagalang-galang d. kaakit-akit
4. Ang mga guro talaga ay sadyang mahaba ang pisi.
a. magaling c. mapagbigay
b. pasensiyoso d. mapagmahal
5. Mahilig magkibit-balikat sa lahat ng problema si Anton.
a. Tumawa c. magwalambahala
b. Sumeryoso d. magalit
6. Para hindi tayo makaranas magdildil ng asin, dapat ay magsikap sa buhay.
a. Magtiis c. maghirap
b. Mabigo d. malungkot
7. Ang mga taong nagbibilang ng poste, ay ang mga taong hindi umaasenso.
a. Nagsisikap sa buhay c. walang trabaho
b. Nagtitiyaga d. walang pag-asa
8. Matuto kayong magbatak ng buto upang umasenso.
a. Magsikap c. magtrabaho
b. Magtiyaga d. magtiis
9. Nawalan ng pag-asa si Jona dahil lumalylay ang balikat niya sa pag-abot ng kanyang pangarap.
a. Nabigo c. natisod
b. natalo d. naapi
10. nalagot ang pisi ni Dave noong pumunta siya sa Manila para magbakasyon.
a. Naubos ang pasensya. c. Naubusan ng pera.
b. Nainis ang loob d. nawalan ng pag-asa.
11. Kukulu-kulo ang tiyan ng mga taong nakatira sa lansangan.
a. Umasenso c. Nagkakasakit
b. Umuunlad d. Naghihirap.
12. Mayroong ikapitong langit ang pinuntahan naming pagdiriwang.
a. Malaking kainan c. malaking pagdiriwang
b. Malaking handaan d. Malaking katuwaan
13. Inihatid na sa huling hantungan ang lolong namatay.
a. Libingan c. Pahingahan
b. Bakasyunan d. Tulugan
14. Buto’t balat na ang bata dahil hindi kumakain.
a. Maganda ang katawan c. Matipuno ang katawan
b. Payat na payat ang katawan d. Maliit ang katawan
15. Buo ang loob ni Josh na hinarap ang mga magulang ni Lani.
a. Matapang c. Masigasig
b. Malakas d. Determinado
16. Awiting-bayan sa pagpapatulog ng sanggol.
a. Talindaw c. Soliranin
b. Oyayi d. sambotani
17. Awit sa panliligaw.
a. kundiman b. kumintang c. Diona d. oyayi
18. Awit sa tagumpay.
a. Kundiman b. kumintang c. Sambotani d. oyayi
19. Awit sa pakikidigma.
a. Kumintang b. Diona c. kundiman d. soliranin
20. Awit sa pamamangka.
a. sambotani b. soliranin c. oyayi d. Talindaw

II. Tukuyin ang kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap.

21. Nadurog ang aking puso noong ako ay iniwan mo.


a. Pagtatanong b. Pagmamalabis c. Personipikasyon d. Pagtutulad
22. Ang iyong mukha ay tulad sa isang anghel na bumaba sa langit.
a. Pagmamalabis b. Pagwawangis c. Pagtutulad d. Pagtatanong
23. Ang mga puno sa harden ay sumasayaw kasabay ng hangin.
a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Personipikasyon d. Pagmamalabis
24. Kailan pa kaya matatapos ang paghihirap natin?
a. Pagmamalabis b. Pagtutulad c. Pagwawangis d. Pagtatanong
25. Ang kamay ng bata ay bakal sa tigas.
a. Pagmamalabis b. Pagtatanong c. Pagwawangis d. Personipikasyon
26. Umulan ng apoy sa aming lugar.
a. Personipikasyon b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Pagtatanong

27. Ang iyong mga mata ay tulad ng isang bulaklak, kaakit-akit.


a. Pagtatanong b. Pagtutulad c. pagwawangis d. Personipikasyon
28. Kumakanta ang mga ibon habang lumilipad.
a. Pagwawangis b. pagtutulad c. Pagtatanong d. Personipikasyon
29. Magtatagumpay pa kaya tayo sa pakikibaka dito sa mundong puno ng panghuhusga?
a. Pagmamalabis b. Pagtatanong c. Pagwawangis d. Personipikasyon
30. Ang hitsura ng bata ay anghel sa ganda.
a. Pagtatanong b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Pagtutulad
31. Isa sa mga katangian ng kasabihan ay isinusulat ito sa patulang paraan. Alin sa mga sumusunod ang
elemento ng tula na kailangan Makita sa paggawa ng kasabihan?
a. Sukat c. Sukat at Tugma
b. Tugma d. Idyoma
32. Sagutan ang bilang 42-45. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng salawikain?
a. Ang di-lamang natitiis c. Anak na di paluhain
Ay ang di pa sumasapit. Ina ang patatangisin.

b. Ang pag-ibig sa kaaway d. Buto’t balat lumilipad?


ang tunay na katapangan.

33.
a. Ang lihim na katapangan c. Tubig ka ba?
Siyang pinakikinabangan. Kasi hindi ako mabubuhay kung wala ka.

b. Ang maniwala sa sabi-sabi d. Ang hanap ni bathala


Walang bait sa sarili. Hindi ang salita, kundi ang gawa.

34.
a. Iwasto ang kamalian c. Aanhin pa ang kabayo
Sa halip na tawanan. Kung patay na ang kabayo.

b. Ang naglakakad nang matulin d. Andito na si kaka


Kung matinik ay malalim. Bubuka-bukaka.

35.
a. Ang pag-aanak ay walang kabuluhan, c. Password ka ba?
Kung palalabuyin lamang. Di kasi kita makalimutan.

b. Ang bahay mo man ay bato, d. Anak na di paluhain


Kung ang nakatira’y kuwago, Ina ang patatangisin.
Mabuti pa ang sa kubo,
Na ang nakatira’y tao.

36. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng maikling-kuwento?


a. May iisang kakintalan.
b. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
c. Ito ay nababasa sa isang tagpuan lamang.
d. Ito ay pinaikling nobela.
37. Sino ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento”?
a. Deogracias Rosario c. Francisco Balagtas
b. Edgar Allan Poe d. Jose Dela Cruz
38. Sino naman ang Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas?
a. Edgar Allan Poe c. Jose Dela Cruz
b. Francisco Balagtas d. Deogracias Rosario
39. Sa bahaging ito ng maikling kuwento nangyayari o sumusulpot ang mga suliranin o pagsuboksa buhay
ng pangunahing tauhan.
a. Kasukdulan c. Tunggalian
b. Panimula d. Wakas
40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kasali sa pagpapakahulugan ni Edgar Allan Poe sa
maikling kuwento?
a. May kapayakan at kakuntian ang mga tauhan.
b. Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
c. Nakakapukaw ng damdamin.
d. Hindi hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
41. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan sa maikling kuwento. Alin ang hindi kasali?
a. Ang maikling kuwento ay isang panitikang likha ng guni-guni.
b. Ang maikling kuwento ay hango sa isang tunay na pangyayari.
c. Ang maikling ay nababasa sa isang tagpuan lamang.
d. Ang maikling kuwento ay walang kaisahan ang diwa at damdamin.
42. Bakit hindi maituturing na isang pinaikling nobela ang maikling kuwento?
a. Sapagkat ang maikling kuwento mas maganda kaysa sa nobela.
b. Sapagkat ang nobela ay higit na nakakaaliw basahin.
c. Sapagkat ang ang maikling kuwento ay may sariling katangian na ikinaiba nito sa nobela.
d. Lahat ng nabanggit.
43. Uri ng maikling-kuwento na ang diwa ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang
katambal na tauhan.
a. Kuwento ng katatakutan c. kuwento ng katatawanan
b. Kuwento ng pag-ibig d. kuwento ng kababalaghan
44. Kung nangingibabaw sa kuwento ay tungkol sa paniniwala, ugali at pananamit ng mga tauhan, anong
uri ng kuwento ang tinutukoy?
a. Kuwento ng Katutubong Kulay c. Kuwentong Kababalaghan
b. Kuwentong katatakutan d. Kuwento ng Pag-ibig
45. Sa kuwentong ito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala.
a. Kuwento ng katatawanan c. Kuwento ng katatakutan
b. Kuwentong kababalaghan d. kuwento ng pag-ibig
46. Ang kuwentong ito naman ay nagbibigay aliw at nagpapasaya sa mga mambabasa.
a. Kuwento ng pag-ibig c. kuwentong katatawanan
b. Kuwentong katatakutan d. kuwentong katutubong kulay.
47. Ito ay kuwentong tungkol sa mga pangyayaring kasindak-sindak.
a. Kuwentong katatakutan. c. kuwentong katatawanan
b. Kuwentong kababalaghan. d. kuwento ng katutubong kulay
48. Sangkap ng maikling kuwento na tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
a. Tauhan b. banghay c. tagpuan d. tema
49. Sila ang nagbibigay buhay sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. tema/paksa d. tagpuan
50. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. tema/paksa d. Banghay
51. Uri ng tauhan na hindi nagbabago ang katauhan sa loob ng kuwento?
a. Tauhang dinamiko c. tauhang tuwiran
b. Tauhang istatiko d. tauhang di-tuwiran
52. Kung ang tauhan ay nagbabago ang katauhan sa loob ng kuwento, anong uri ito ng tauhan?
a. Tauhang tuwiran c. tauhang dinamiko
b. Tauhang istatiko d. tauhang di-tuwiran
53. Anong paraan ng paglalarawan ng tagpuan ang tinutukoy kung ang paglalarawan ay naging matimpi o
di-tahasan.
a. Pahiwatig b. tiyak c. tuwiran d. di-tuwiran
54. Kung ang paraan ng paglalarawan sa tagpuan ay tahasan o lantaran, anong paraan ang tinutukoy?
a. Pahiwatig b. tuwiran c. tiyak d. di-tuwiran
55. Tukuyin ang mga posibleng maging tagpuan ng kuwento base sa mga na tauhan. BUWAYA.
a. Ilog b. bundok c. kagubatan d. palengke
56. ISDA.
a. Dagat b. gubat c. bahay d. parke
57. UNGGOY.
a. Lawa b. ilog c. sapa d. gubat
58. DIWATA.
a. Kagubatan b. palengke c. simbahan d. paaralan
59. Si Ana ay mayaman sa simula ng kuwento, ngunit siya naghirap sa wakas ng kuwento. Anong uri ng
tauhan si Ana?
a. Dinamiko b. istatiko c. tuwiran d. di-tuwiran
60. Bakit mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng tagpuan sa kuwento?
a. Dahil nagbibigay ito ng kapaligirang tumutulong sa klase ng emosyong gusting palutangin sa
salaysay at pukawin ng mambabasa.
b. Dahil ang tagpuan ang nagbibigay buhay sa kuwento.
c. Dahil tagpuan ang nagpapaganda sa kuwento.
d. Dahil ipinapakita ng tagpuan ang totoong mangyayari sa kuwento.

Good Luck and God Bless!

Prepared by: ROSE ANN S. RODRIGUEZ

You might also like