You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON

Taysan High School


and Child Development Center
Taysan, Batangas

Banghay- Aralin sa Filipino Baitang 9

Agosto 16-20, 2021

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng talakayan ay inaasahan ang mga magaaral na;

1. Matukoy ang nilalaman ng maikling kuwento na pinamagatang Aanhin


Ninyo Yan? ni Villas Manwat
2. Nalilinang sa sarili ang pagiging mabuti sa kapwa;
3. Makapagsagawa ng gawain na may kaugnmayan sa kwentong binasa at
tinalakay.

II. Nilalaman:

A. Paksa: Aanhin Ninyo Yan? Ni Villas Manwat


B. Sanggunian: Sikhay 9 p.15
C. Kagamitan sa Pagtuturo: Powerpoint, Laptop

III. Procedure:

A. Activity
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng uri ng tao, maaaring ito ay mayaman,
mahirap at mga payak na pamumuhay ng tao.

B. Analysis
1. Magtatanong ang guro patungkol sa mga larawan na ipinakita sa kanila.
2. Ipapakita ng guro ang may -akda ng maikling kuwento mula sa Thailand at ang
nagsalin nito sa Filipino.
3. Igaganyak ng guro ang talakayan sa araw na ito sa pamamagitan ng paglalahad ng
maikling kwento na pinamagatang Aanhin Ninyo Yan? Ni Villas Manwat.

C. Abstraction
1. Sino si Nai Phan? Bakit siya sikat sa kanilang lugar?
2. Ano-anong paniniwala ang kahanga-hanga kay Nai Phan?
3. Bakit nagulat ang batang holdaper sa reaksyon ni Nai Phan?
4. Ano-anong mga paniniwala ng batang holdaper ang binago ni
Nai Phan?
5. Anong pinakamahalagang kaisipan ang iniiwan ng kuwento ni Nai Phan
sa mga mambabasa?
D. Application
Magkakaroon ang mga bata ng indibidwal na gawain kung saaan ay nagpapakita ito
ng paggawa ng kabutihan sa kapwa , pamilya o kaibigan sa kabila ng mga pagsubok
na kanilang pinagdadaanan. Maaaring ito ay bidyo o sa paraang naratibo na may
kalakip na mga patotoo. Ipapasa ito sa pamamagitan ng kanilang mga Genyo account.

IV. Assessment:

Sasagutin ang mga katanungan na nakatalaga sa bawat Genyo account ng mga bata.

V. Assignment:

1. Ano ang mga katangian ni Nai Phan na kailangan na taglayin at isabuhay ng ibang tao?

2. Paano mo maituturing na mabuting tao ang iyong kapwa?

Prepared by: Noted by:

Jaymond Neil B. Subol Rhandell M. Guirre, LPT, PhD


Filipino 9 Teacher School Principal

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON

Taysan High School


and Child Development Center
Taysan, Batangas

Banghay- Aralin sa Filipino Baitang 9

Agosto 16-20, 2021

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng talakayan ay inaasahan ang mga magaaral na;

1. Nalalaman at naipaghahambing ang mga tulang Hapon na Haiku at Tanka


2. Makapagbabahagi ng sariling opinyon o kaalaman sa talakayan
3. Nakahahabi ng tig-iisang halimbawa ng haiku at tanka

II. Nilalaman:

A. Paksa: Haiku at Tanka: Mga Natatanging Tula Mula sa Bansang Hapon


B. Sanggunian: Bulwagan 9 p. 91-92, https://www.youtube.com/watch?
v=7vYXJuh7SZw
C. Kagamitan sa Pagtuturo: Powerpoint, Laptop

III. Procedure:

A. Activity
Tumingin sa paligid ng inyong tahanan at pagmasdan ng maayos ang kalikasang
nakapaligid sa inyo.

B. Analysis
1. Nagagandahan ka ba sa kalikasan? Ano ang iyong impresyon?
2. Aling bahagi ng kalikasan ang pinakagusto mo?
3. Kung papasulatin ka ng tula tungkol sa kalikasan, ano ang iyong magiging paksa
at paano mo ito isusulat
4. Magpapabasa ang guro ng dalawang halimbawa ng magkaibang tula sa mga
piling mag-aaral.
C. Abstraction
Sa pamamagitan ng isang video ay tatalakayin ang mga patungkol sa haiku at tanka.
Ang kaligiran nito at mga taong sangkot sa pagkakabuo nito.
https://www.youtube.com/watch?v=7vYXJuh7SZw

D. Application
Humabi ng isang halimbawa ng haiku at isang halimbawa ng tanka sa pamamagitan
ng malayang pagsulat sa Genyo E- Learning. Siguraduhing sinusunod nito ang mga
bilang ng bawat taludtod at sukat, gayon din ang tema ng mga ito.

IV. Assessment:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano- anong konsepto sa mga tula ang natutuhan mo?
2. Ano ang madalas na paksa ng haiku? Sa iyong palagay, bakit ito ang madalas na
paksa ng haiku?
3. Ano ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng haiku at tanka?
4. Para s aiyo, sapat ba ang paggamit ng iilang salita lamang sa pagsulat ng isang tula?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
5. Ano anong katangian ang dapat taglayin ng isang makata sapagsulat ng mga tulang
tulad ng haiku at tanka?.
V. Assignment:

1. Sa pamamagitan ng venn diagram pagkumparahin ang dalwang tulang hapon na haiku


at tanka.

2. Magsaliksik patungkol sa tulang Tanaga.

Prepared by: Noted by:

Jaymond Neil B. Subol Rhandell M. Guirre, LPT, PhD


Filipino 9 Teacher School Principal

You might also like