You are on page 1of 2

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region V
Division of Camarines Sur
VICTOR BERNAL HIGH SCHOOL
San Vicente Ogbon, Nabua, Camarines Sur

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


IKATLONG MARKAHAN
Pangalan: ________________________________________ Petsa: __________________
Seksyon: ________________________________________ Iskor: __________________

I. PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang puwang sa bawat bilang kung ang pahayag ay nagsasaad
ng gamit ng mitolohiya at ekis (X) kung hindi.

______1. Ipinapaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig


______2. Ipinapaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
______3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon.
______4. Maipaliwanag ang kasaysayan.
______5. Magturo ng mabuting aral.

II. PANUTO: Tukuyin ang tiyak na kahulugan ng bawat pahayag at bilugan ang tamang salin nito
sa wikang Filipino.

6. Sleep soundly
a. matulog nang mahimbing c. matulog ng maingay
b. matulog nang matunog d. lahat ng nabanggit

7. Fall in line
a. mahulog ka sa linya c. pumila ng maayos
b. hulog sa linya d. lahat ng nabanggit

8. Sing softly
a. umawit ng mahina c. umawit ng malambot
b. kumanta ng malambot d. wala sa nabanggit

9. Sleep tight
a. matulog nang mahimbing c. matulog nang mahigpit
b. matulog sa mahimbing d. wala sa nabanggit

10. Take a bath


a. kumuha ng paliguan c. maligo
b. kuhanin ang banyo d. wala sa nabanggit

III. (11-25) Panuto: Punan ang bawat kolum ng angkop na salita batay sa uri ng panlapi na
hinahanap.
SALITA UNLAPI GITLAPI HULAPI KABILAAN LAGUHAN
1. aral
2. basa
3. alis
4. laya
5. linis

III: MARAMIHANG-PAGPIPILIAN (26-35)


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng bawat matalinhagang salita at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang aming ina ay Bala’t sibuyas kahit sa mga maliliit lamang na bagay.
a. iyakin c. sakitin
b. matapang d. masungit

2. Di-makabasag pinggan ang bago naming kaklase na si Angela.


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
Division of Camarines Sur
VICTOR BERNAL HIGH SCHOOL
San Vicente Ogbon, Nabua, Camarines Sur

a. mahinhin c. maingay
b. malikot d. mabait
3. Ang utang ni aling Mara ay ibinaon na sa hukay.
a. binayaran c. inilista
b. kinalimutan d. tinakbuhan
4. Dahil sa pagkatanggal sa trabaho butas ang kanyang bulsa.
a. hindi tinatahi c. walang makain
b. mahirap d. walang pera
5. Ang aking kapatid ay pantay na ang paa
a. natutulog c. patay na
b. nananaginip d. nakatayo
6. Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat
niya.
a. gitna c. wakas
b. katawan d. simula
7. Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito inaasahan kung ipagpapatuloy ng mambabasa
ang kanyang binabasang sulatin.
a. gitna c. wakas
b. katawan d. simula
8. Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o ideya ukol sa paksang
pinili at sinulat ng may-akda.
a. gitna c. wakas
b. katawan d. simula
9. Ito ay tumatalakay ito sa mga seryosong mga paksa na nagtataglay ng
masusing na pananaliksik ng taong sumulat.
a. pormal c. wakas
b. di-pormal d. simula
10. Tumatalakay naman ito sa mga topikong karaniwan, personal, at pang-araw-araw na kasiya-
siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa.
a. pormal c. wakas
b. di-pormal d. simula

IV. (36-40) Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung TUWIRAN (may
ebidensya) o DI-TUWIRAN (opinyon) ang pahayag na ginamit.

__________________1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga
lalaking Pilipino.
__________________2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas
maraming tao ang magutom.
__________________3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Anti-
Terror Law sa Senado.
__________________4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang
inaakalang maliit na kakayahan ng kapwa.
__________________5. Isa ang Bulkang Mayon sa pinagmamalaking tanawin dito sa
Bicol. Patunay nito ang pagdaragsa ng mga turista galing ibang
bansa.

Inihanda nina:

JELY T. BERMUNDO
VANESSA V. LANUZO
Guro sa Filipino

Pinagtibay ni:

IRVIN CARLO A. NOBLE


Ulong-Guro

You might also like