You are on page 1of 3

PANGALAN________________________________ ISKOR_______________

1. Ang dula ayon kay_________ Ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.


a. Sauco b. Rubell c. Aristotle d. schiller
2. “Ang mundo ay isang teatro…” sabi ni:________
a. . Aristotle b. schiller c. Shakespeare d. Madame De Staele
3. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na
bahagi ng kasaysayan ng bayan.
a. Tula b. dula c. nobela d. kasaysayan
4. Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa
tanghalan.
a. Sinakulo b. melodrama c. parodya d. dula
5. Gaya ng ibang panitikan,karamihan sa mga _______ itinatanghal ay hango
satotoong buhay
a. Sinakulo b. melodrama c. parodya d. dula
6. Inaangkin nito ang lahat ngkatangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga
suliranin.
a. Sinakulo b. melodrama c. parodya d. dula
7. Sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi at
pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan ng tunggalian.
a. Tunggalian b. kasukdulan c. kalutasan d. kakalasan
8. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.
a. Tunggalian b. kasukdulan c. kalutasan d. kakalasan
9. Ayon kay__________Ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay
ng makabuluhang mensahe sa manonoodsa pamamagitan ng kilos ng
katawan,dayalogo.
a. Sauco b. Rubell c. Aristotle d. schiller
10. Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang
a. galaw b. kilos o galaw c. gawin o kilos d. gawin
11. Dito nawawaksi atnatatapos ang mgasuliranin at tunggaliansa dula.
a.Tunggalian b. kasukdulan c. kalutasan d. kakalasan
12. Ang unti-unting pagtukoysa kalutasan sa mgasuliranin at pag-ayos samga
tunggalian
a. Tunggalian b. kasukdulan c. kalutasan d. kakalasan
13. Pagpapakilala sa problemang kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan, o
kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa.
a. Saglit na Kasiglahan b. Sulyap sa Suliranin c. tagpuan d. kalutasan
14. Ito ay ang saglit napaglayo o pagtakas ngmga tauhan sa suliraning nararanasan
a. Saglit na Kasiglahan b. Sulyap sa Suliranin c. tagpuan d. kalutasan
15. Ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinasaad
a. Saglit na Kasiglahan b. Sulyap sa Suliranin c. tagpuan d. kalutasan
16. Ito ang pinakakaluluwa ngisang dula
a. Iskrip b. dayalogo c. karakter d. tanghalan
17. Ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip
a. Iskrip b. dayalogo c. karakter d. tanghalan
18. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.
a. Iskrip b. dayalogo c. karakter d. tanghalan
19. Ang anumang pook napinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
a. Iskrip b. dayalogo c. karakter d. tanghalan
20. Ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, damit at ng
mga tauhan.
a. Manonood b. deriktor c. tema d. dayalogo
21. Saksi sa isang pagtatanghal.Hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtanghal kung wala ito.
a. Manonood b. deriktor c. tema d. dayalogo
22. Ito ang pinakapaksa ng isangdula.
a. Manonood b. deriktor c. tema d. dayalogo
23. Ito’y magkahalong lungkot at saya at kung minsan ay eksaheradoang eksena,
sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala ang
damdamin ng manonood.
a. Parsa b. parodya c. melodrama d. proberbyo
24. Tawanan at walangsaysay ang kwento, at ang mga aksyon ay puro “Slapstick”
a. Parsa b. parodya c. melodrama d. proberbyo
25. Dula na hango sabukambibig na salawikain, ang kwento ay pinaiikot dito
upangmagsilbing huwaran ng tao sakanyang buhay.
a. Parsa b. parodya c. melodrama d. proberbyo
26. Ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang
isang anyo ngkomentaryo
a. Parsa b. parodya c. melodrama d. proberbyo
27. “Ang__________ ng dula ay siya namang nagtuturo sa atin ng pagyari ng isang
akdang pandulaan o paghahanda ng akdang tatanghalin
a. Sining b. agham c. tema d, dayalogo
28. May_______ sapagkat ang kaisipan at damdamin ng tao, ang mga pangyayari
sa kanyang buhay, ang kanyang pagkilos, kaanyuan,pagsasalita.
a. Sining b. agham c. tema d, dayalogo
29. Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
a. Senakulo b. panuluyan c. salubong d. tibag
30. Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng
Pagkabuhay.
a. Senakulo b. panuluyan c. salubong d. tibag
31. Dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng
pansamantalang tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem.
a. Senakulo b. panuluyan c. salubong d. tibag
32. Pagsasadula ito tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa nawawalang krus na
pinapakuan kayJesus
a. Senakulo b. panuluyan c. salubong d. tibag
33. Ang banghay nito ay tungkol sa paglalabanan ng mga Kristiyano at mga “Moro” o
Muslim
a. Komedya b. sarswela c. tibag d. salubong
34. Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng mga Pilipino
a. a. Komedya b. sarswela c. tibag d. salubong
35. Ito ay binubuo ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsulat at
pagtatanghal
a. Sining b. agham c. Legitimate d. Illegitimate
36. Kabilang dito ang mga stageshows ang stageshow ay kombinasyon ng mga
pagpapatawa, musika,mga sayaw at dulashows.
a. Sining b. agham c. Legitimate d. Illegitimate
37. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo
a. Saynete b. parsa c komedya d. melodrama
38. kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na
bahagi
a. Saynete b. parsa c komedya d. melodrama
39. layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang
katawatawa
a. Saynete b. parsa c komedya d. melodrama
40. Sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan
gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang
kinakaharap
a. Dayalogo b. kaguluhan c. paglalahad d. kakalasan
41. Sa bahaging ito luluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan
o ng mga pangayayari
a. Dayalogo b. kaguluhan c. paglalahad d. kakalasan
42. Ito ay ginagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga
nangyayari na ang mangyayari pa.
a. Dayalogo b. kaguluhan c. paglalahad d. kakalasan
43. Ang pagbibitiw ng nito ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita.
a. Dayalogo b. kaguluhan c. paglalahad d. kakalasan
44. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon, tunggalian at
ang maaring maganap sa kabuuang aksyon
a. Banghay b. paglalahad c. kaguluhan d. kakalasan
45. Binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula
a. Banghay b. paglalahad c. kaguluhan d. kakalasan
46. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap nito ay ginagad sa suot ng mga kawal na
Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay.
a. Senakulo b. panuluyan c. salubong d. tibag
47. Ito’y walang tiyak na anyo, ang pagkantay malaya at imahitibo
a. Panuluyan b. salubong c. sarswela d. tibag
48. Isinadulang buhay ni Hesukristo.
a. Senakulo b. panuluyan c. salubong d. tibag
49. Ito ay itinaguyod ng mga Kastila noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap ito ng
mga katutubo sa ilang bahagi ng Luzon. Lumaganap din ito sa ibat ibang rehiyon
ng Visayas at Mindanao, sa pamamagitan ng pagpapakalap ng Kristyanismo
a. Panuluyan b. salubong c. sarswela d. tibag
50. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa nito na ang obrang ito ay tuluyan
nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo.
a. Saynete b. parsa c komedya d. melodrama

You might also like