"Ang sanaysay ay isang pampanitikan daan sa pagpapahayag ng halos lahat tungkol sa kahit anuman." -Aldous Huxley. -isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal nakuru-kuro ng may-akda. “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” - Alejandro G. Abadilla nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa, ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sa pagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman sa paksa. DALAWANG URI NG SANAYSAY Pormal o Maanyo sanaysay na tinatawag din na impersonal – Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag- aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walanghalong pagbibiro, nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. inaakay ng manunulat ang mga mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos Impormal o Di-Pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilalang personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
Idinidiin nito ditto ang mga bagay-bagay ,mga
karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan.
Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang
tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw. Mga Sangkap ng Sanaysay 1. Tema at Nilalaman anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi. 2. Kaisipan mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema 3. Anyo at Istruktura ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay. 4. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilong pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag. 5. Himig - naipahihiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin. 6. Damdamin - naihahayag ang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhansa paraang may kalawakan at kaganapan Mga Bahagi ng Sanaysay 1. Panimula o Simula ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda. 2. Gitna/ Katawan sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang magiging mambabasa 3. Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.