You are on page 1of 40

ANG SANAYSAY

Panimula
Isang uri ng sulatin o komposisyon na naglilinaw, nagpapaliwanag, nagbibigay
ng impormasyon na gumagamit ng alinman sa mga sumusunod na paraan: pagbibigay
ng depinisyon, klasipikasyon o dibisyon, paghahambing at pagkokontras, sanhi-bunga,
analisis ng proseso. Ang ekspositori ay karaniwan nang nagagamit sa mga sanaysay,
editorial, mga tanging lathalain, balita at iba pa.

Ang sanaysay ang pinakagamitin sa lahat ng uri ng sulatin na naglalahad,


nagpapaliwanag, nagbibigay ng depinisyon o kahulugan.

Ang sanaysay ay isa sa komposisyong naglalahad sa paraang pasulat at


pasalita. Ang pagsasalita at pagsulat ay mga kasanayang ekspresibo at prodaktibo o
mga kasanayang ginagamit sa pagpapahayag ng ideya o kaalaman at damdamin o
emosyon.

Sa limang makrong kasanayan nangunguna ang pagsasalita dahil ito ang kauna-
unahang natutuhan ng tao na maipahayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama
sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap

Layunin
 Maibibigay ang kahulugan, uri, bahagi at katangian ng sanaysay
 Mabigyang-halaga ang mabisang pagbasa ng mga piling sanaysay
 Mapagtutuonan ng pansin ang komposisyong pasulat

Pagtalakay

I.ANG SANAYSAY: Ano ito?


 Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay tumutukoy sa salaysay ng
taong sanay o kwento ng taong mahusay.
 Ang sanaysay o essay sa wikang ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay
naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may-akda. Sa ganitong paraan,
naipapahapayag ng may-akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. Isa

1
rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipababatid ang
iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
 Ito ay isang personal o impersonal na sulatin na naisusulat sa pormal o di-pormal
na pamamaraan na nagbibigay kalagayan sa manunulat na piliin ang paksa,
haba at estilong gagamitin sa pagsulat.

Maaaring paksain ng sanaysay ang mga seryosong paksa na nangangailangan ng


sapat ng panahon upang mabuo. Mahalagang isama rin dito ang gawaing pananaliksik
upang ganap na matalakay ang paksa.

Sa loob ng klasrum, ang sanaysay ang madalas na sulatin o komposisyon na


ipinagagawa ng mga dalubguro. Bagama’t limitado ang oras, ang pag-oorganisa ng
iyong mga ideya ay hamon sa iyong iskil at talino sa pagsulat. Kailangan maging
maingat at iwasang mag-panik sa panahong pinasusulat ka ng iyong guro- ipaplano
(iguhit sa isip) ang gustong sabihin, tiyakin ang layuning masagot ang ispesipikong
tanong nang may katapatan at marebyu ito kahit sandali para maalis ang mga di
mahalaga at malabong pangungusap.

Ang sanaysay na persweysiv (pangungumbensi) ay naglalayong pakilusin ang


tao pagkatapos papaniwalain samantalang ang argumentative (panganatwiran) ay
naglalayong papag-isipan ang tao hanggang sa tuluyang mabago ang kayang “tayo”
(stand) o paniniwala (belief). Ang dalawang ito (persweysiv at argumentative), ay kapwa
nakaiimpluwensya sa paniniwala at pagkilos.

May mga paksang di nangangailangan ng argumento. Ang mga halimbawa nito


ay ang mga paksang nasasagot na dahil ito ay nagpapahayag ng isang katotohanan at
mga paksang pampersonal. Bagama’t kung panrelihiyon, ang pagtatalo ay magiging
mahirap sa pagitan ng isang di-naniniwala sa Diyos (atheist) at sa isang relihiyoso.

Halimbawang sanaysay:

Ang kultura ay iba-iba sa maraming panig ng mundo. Sa Pilipinas, ang Pilipino


ay nagmamano, nagsasabi ng po at opo, nag-aalaga ng mga lolo’t lola. Kapansin-
pansin ang mahigpit na pagsasamahan ng pamilya, nag-iistima at nag-aalok kumain

2
sa bisitang dumating at gumagamit ng kamay kapag kuimain. Masaya ang bayan
kapag may pista. May bayanihan at sari-saring festival din dito.

Samantalang sa ibang panig ng mundo, ang mga intsik ay nabubuhay sa


maraming pamahiin, matipid at karamiha’y mangangalakal. Ang mga Hapones ay
lubhang patriyarkal-domenante ang karakter ng lalaki, malinis sila sa kapaligiran,
nagyuyuko ng ulo bilang paggalang.

Maaaring mag-asawa ang Muslim ng higit sa isa, hindi sila tumitikim ng karne ng
baboy, nag-aalis ng sapin sa paa kapag pumapasok sa mosque.

II. URI NG SANAYSAY


1. Pormal- tumatalakay ito sa seryosong paksa na nagtataglay ng masususing
pananaliksik ng sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol
sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang tono nito ay seryoso at walang
halong biro. Isang uri ng pormal na sanaysay ang editorial sa mga pahayag. Ang
editorial ay tungkol sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.
2. Di-Pormal- tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang-araw-araw
na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang
mga bagay-bagay at karanasan ng mgay-akda sa isang paksa kung saan
mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya
sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan. Sa madaling sabi,
tungkol sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang paksa ng di-pormal na
sanaysay.

III. BAHAGI NG SANAYSAY


1. Simula/ Panimula
Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung
ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay
dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.
2. Gitna/ Katawan
Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang
isinulat ng sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang pinag-uusapan.
3. Wakas
3
Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan
ng sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang pinag-uusapan.
Mga Halimbawa ng Sanaysay
 Tungkol sa Pag-ibig
 Tungkol sa Pamilya
 Tungkol sa Kahirapan
 Tungkol sa Kaibigan
 Tungkol sa Wika
 Tungkol sa Kalikasan

IV. KATANGIAN NG SANAYSAY


 Dapat tandan na ang isang magaling na sanaysay ay mayroong malakas na
panimulang talata. Hindi bababa sa tatlong mahusay na naisulat na talata na
mayroong malakas na sumusuportang detalye o ebidensya. Ito ang pinakabuod
sa katangian ng sanaysay na dapat isaisip lagi.

V. PAANO GUMAWA NG SANAYSAY?


a. Isulat ang iyong pangalan at mahahalagang impormasyon
b. Tamang Palugit at Bantas.
c. Simulan sa Pamagat
Isulat mo ang iyong pamagat sa gitna ng iyong papel, o kung sa MS Words mo
ito isusulat, seguraduhing naka-gitna ang iyong pagsulat. Ang iyong pamagat ay dapat
may kinalaman sa ibinigay na paksa, dapat itong kaagaw-agaw ng pansin at ang
malakas ang dating nito. Kumbaga sa isang tao, ang pamagat ay ang mukhang iyong
sanaysay. Ito ang unang makikita ng mga taong babasa ng iyong sanaysay kaya’t
dapat pamagat palang panalo na!

Seguraduhin ring maayos ang capitalization ng iyong pamagat. Ang mga mahahaba at
importanteng mga salita ay nag-uumpisa sa malaking titik. Ang pangalan, pandiwa,
pang-abay, pang-uri ay dapat na-capitalize (Halimbawa: Juan, Matangkad). Ang mga
maikli at di importanteng mga salita tulad ng mga ingklitik (conjuctive adverbs),
pangatnig (transitional devices) ay nag-uumpisa sa maliit na letra, not unless ito ang
unang salita ng iyong pamagat (Halimbawa: raw, lang, nang atbp.)

4
VI. ANG EKO-SANAYSAY AT EKO-KUWENTO
A.EKO-SANAYSAY
Ito ay malikhaing anyo ng paggamit ng wika na nagpapaliwanag o nagpapahayag
ng sariling kaisipan tungkol sa isang pangyayari, bagay, tao at iba pa.Binuo ang
salitang ito ni ABADILLA (Lumbera, 2000,p.4), mula sa sanay at salaysay na
nangangahulugan namang pagsasalaysay ng isang sanay (Arrogante, et al,1991). Ang
sanaysay ay isang anyo ng panitikan na ipinapahayag sa anyong pagpapangungusap o
tuluyan. Karaniwang paksa nito ang tungkol sa kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan
gaya ng politika, ekonomiko, mga palabas sa media at iba pa. Ayon kina Arrogante, et
al, ito ay koposisyon na taglay ang tatak ng panlasa at hilig, reaksyon at palagay,
saloobin at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan at kaalaman ng bawat may
akda.

Ang pagbabasa ng sanaysay ay hindi nakakulong lamang sa taktak ng


personalidad ng manunulat. Pangunahaing isinasaalang-alang dito ang paghahanap sa
kabuluhang nais ibahagi ng akda sa mamababasa. (Lumbera). Sa larang ng
ekokritisismo at ekokritiko, ang paghahanap ng kabuluhan ng akda ay nakasentro sa
talakay tungkol at para sa kalikasan at kapaligiran. Nagpapaliwanag ito tungkol sa
halaga at epekto ng palibot sa isang tao at ang epekto ng palibot sa isang tao at ang
epekto ng tao sa kanyang palibot.Nagbigay si Lumbera ng katangian ng sanaysay na
magagamit sa pagbabasa nito para sa pagdukal ng nilalaman ng akda.

Ito ang katangian ng sanaysay ayon kay Lumbera:


a. May Boses ang Sanaysay
Ito ay tungkol sa tamang pagtuon o pagbibigay ng pansin sa akda. Pagkilala ito
sa boses ng sanaysay sa pamamagitan ng pag-alam kung sino ang taong
kumakausap sa atin. Ang awtor ang tagapagsalita ng sanaysay na nagsisiwalat
sa mga mambabasa ng damdaming personal. Tinitingnan dito kung ano ang
karanasan nan ais iparating ng awtor. Mga karanasang bunga ng patuloy na
pakikihalubilo niya sa kanyang kapaligiran.
b. May Tono ang Sanaysay
Nagmumula ito sa boses ng awtor. Ang tono na tinutukoy nito ay maaaring
makukuha sa pamamagitan ng anyong pag-uutos, pagsusumamo, pangangaral.
O pagsasalitang nagsasaad ng kawalang pakialam. Ito ay mapapansin mula sa
pagpili ng salita, pamamaraan ng paglalahad at uri ng pagpapaliwanag ng awtor.
5
c. May Ugnay ang Sanaysay
Ito naman ay pag-alam sa nilalaman at estilo ng sanaysay.Itinuturing din dito na
ang sanaysay ay laging umuugnay sa mga tao sa lipunan at sa mga usaping
panlipunan.
d. May Kuro-kuro sa Sanaysay
Taglay ng sanaysay ang kaisipan at ideya tungkol sa paksang tinatalakay. Ito
ang dahilan para kailangang paraanin sa palitang-kuro mula sa iba pang
nababasa nito. Ang pagkakaroon ng palitang ideya tungkol sa sanaysay ay hindi
lagging nagmumula sa kaisipang inilahad ng awtor. Ang talakayan na gagawin
ay maaaring nakasentro at itinuon sa pagkain at sa mga sinasabi tungkol sa
paksang ito.

Gawain:
Panuto: Tukuyin ang titik ng tamang sagot at ipasa sa google platform.

1.Nagmula sa dalawang salita ang sanay at pagsasalaysay isang piraso ng salita na


kadalasang naglalaman ng punto de vista ng may katha. Pagpuna, opinion,
impormasyon, kuro-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, alaala ng nakaraan at
pagmumuni-muni ng isang tao.
A. Talumpati B. Sanaysay C. Maikling Kuwento D. Nobela

2. Ito ay tumatalakay sa mga seryosong paksa na naglalaman ng mahahalagang


kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunod-sunod upang lubos na
maunawaan ng bumabasa ang mga salita, inaakma sa piling isyu at kadalasang may
terminong ginagamit na kaugnau ng tungkol sa asignaturang ginawa ng pananaliksik.
A. Pormal B. Di Pormal C. Talumpati d. Sanaysay

3. Tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal. Ito


ay karaniwang nagtataglay ng opinion, kuro-kuro at paglalarawan ng isang may-akda.
Naglalarawan ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga
pangyayari na nakikita at nararanasan ng may-akda.
A. Pormal B. Di Pormal C. Talumpati d. Sanaysay

4.Tumutukoy sa pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang unang


titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
6
A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. Kasukdulan
5. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sat
ema at nilalaman ng sanaysay.
A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. Kasukdulan

6. Bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.


A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. Kasukdulan

7. Elemento ng sanaysay na ang nilalaman ng isang sanaysay ang itinuturing na paksa


dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinabahagi.
A. Tema at Nilalaman B. Kaisipan C. Anyo at Estruktura D. Paksa

8. Elemento ng sanaysay na naglalahad ng mga ideyang nabanggit na kaugnay o


panlinaw sat ema.
A. Tema at Nilalaman B. Kaisipan C. Anyo at Estruktura D. Paksa

9. Elemento ng sanaysay na naglalahad ng maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya


o pangyayari.
A. Kaisipan B. Tema at Nilalaman C. Anyo at Estruktura D. Paksa

10. Elemento ng sanaysay na naglalahad na dapat ay mabuting gumagamit ng simple,


natural at matapat na pahayag.
A. Wika at Estilo B. Kaisipan C. Tema at Nilalaman D. Paksa

VII. ANG PAGTUTURO NG SANAYSAY


Tandaan ng ang sanaysay ay binabasa, inuunawa at nilalasap, kung baga sa
pagkain ninamnam. Upang makuha ang linamnam, binabasa ang kabuoan ng
sanaysay, hinahango ang pangunahing larawan o pangunahing kaisipan. Pagkatapos
ay babasahing muli, sa pangalawang pagkakataon, na hindi na kasimbilis ng unang
pagbasa nang sa gayo’y manguyang Mabuti, maisipsip ang katas. Sa unang
pagbabasa, nakakatulad ang isang mambabasa sa isang panauhin sa isang tahanan
na tumatawag pa lamang ng “TAO PO.” Sa ikalawang pagbasa para na siyang
nakatuloy sa loob ng tahanan, unti-unti nang nabubuo sa pangmalas ang kaanyuan ng
loob ng tahanan, unti-unti ring nagkakaroon siya ng pagpapahalaga. At habang

7
nagtatagal siya sa loob ng bahay, napapalagay ang kanyang loob sapagkat nadama
niya ang init ng pagtanggap at magiliw na pakikipag-usap at pagtuturing ng kausap.
Kailangang may kawilihin ang guro sa sanaysay upang maituro niya ito nang may
kawilihin. Sinasabing hindi maituturo ang pagpapahalaga, maaari lamang maihawa.
Sabi nga Appreciation cannot be taught. It can only be caught. Kaya ihahawa lamang
ng guro sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga. Aakayin natin ang mga mag-aaral kung
paano nila mapapahalagahan ang isang partikular na sanaysay.

Una, tiyaking may kahandaan na sila sa gagawing pagpapahalaga. May sanligang


kabatiran ba sila kung bakit isinulat ng awtor ang sanaysay. Ang mga mahihirap na
salita sa loob ng sanaysay ay kailangan munang pag-aaralan. Kung hindi ay magiging
sagwil ito sa pagkaunawa sa nilalaman ng sanaysay at makababawas ang sagwil na ito
sa kawilihan ng mag-aaral.

Sumusunod, ipabasa ang buong sanaysay at hanapin ang pangunahing diwa o


kaisipan. Ipabasang muli ang sanaysay, at tuklasin ang kaisipang taglay ng bawat
talata. Alamin ang pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan ng bawat talata.

Maaaring pagawain ng payak na balangkas ang klase at sa tulong ng balangkas na ito


ay lagumin ang diwa ng binasa. Hingan ng reaksyon ang klase batay sa kaisipang
nakalahad sa sanaysay. Akayin ang mga mag-aaral na makabui ng sari-sarili nilang
palagay at pagkukuro hinggil sa paksang tinalakay sa sanaysay.

Mga Mungkahing Patnubay sa Pagtuturo ng Sanaysay


1. Pagbasa ng Sanaysay para sa Pangkalahatang Impresyon.
Akayin ang mag-aaral na mapansin ang sumusunod:
A. Ang tono ng pagsasalita, anong salik ng lenggwahe ang nagbibigay ng ganoon
at ganitong impresyon?
B. Sino ang parang kinakausap sa sanaysay?
C. Ano sa Palagay mo ang nag-udyok sa awtor upang sulatin ang sanaysay?

2. Pag-unawa sa nilalaman. Bahagi sa pagtuturo ng sanaysay ang mga gawaing


talakayan, pagpapaliwanagan, pakikipagtalo, magandang bunga ng talakayan
ang pagbuo ng mga mag-aaral at ng kanilang guro ng palagay.

8
Maraming iba-ibang paraang magagamit sa pagtuturo, tulad ng pagbabalangkas sa
suliranin, pagsasanib ng paksa sa tunay na buhay, pagpapasulat ng reaksyon. Maaari
ring gumamit ng semantic webbing, paraphrasing, imagining, valuing, panel discussion,
information mapping at iba pa.

Kung pamilyar o di-pamilyar naman ang sanaysay na pinag-aaralan, maaaring kunin sa


pag-aaral ang sumusunod:
1. Ang pangunahing diwa o sentral ideya
2. Ang paraang ginagamit sa paglalahad
3. Ang iba pang inilalahad na kaisipan
4. Ang estilo ng manunulat
5. Ang kayarian ng sanaysay
Anupa’t sa pagtuturo ng sanaysay o anumang sangay ng panitikan, maaaring maakay
ng isang malikhaing guro ang mga tinuturuan sa dako pa roon sa pamamagitan ng sarili
na rin niyang kaparaanan at estratehiya. Lubos na madarama ng mga mag-aaral ang
kariktan ng seleksyon, at malalasap nang buong kasiyahan ang malinamnam na katas
ng panulat ng malikhaing manunulat.

Gawain:
Ano-ano ang mga dapat angkinin ng guro upang epektibo niyang maituro ang
sanaysay?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9
VIII. ANG PANITIKANG TULUYAN SA PANAHON NG KASTILA
Tinatawag na mga akdang tuluyan ang mga anyo ng panitikang nakasulat sa
karaniwang mga pangungusap. Ang kabuoan nito ay nahahati sa mga talata.

Ang akdang tuluyan na dinatnan dito ng mga Kastila ay sa anyo ng mga alamat,
pabula, at kuwentong -bayan. Ang mga salaysaying ito ay hindi lamang nagsilbing
libangan ng ating mga ninuno kundi ito ay nakapagpapaliwanag pa rin ng mga bagay-
bagay na nakikita nila at nararanasan sa panahong iyon. Bukod sa nakalilibang ang
mga salaysaying ito ay nagbibigay din ng mga kaalaman tungkol sa relasyon ng tao sa
tao sa kanyang kapaligiran kaya’t nakikintal ang mga ito ng diwa at mga kaisipang
umaakit sa mabuting pakikipagkapwa.

Ang mga pahiwatig at pag-akit na ito sa pagpapabuti ng pagkatao ay nagging


tuwirang pagsesermon sa panahon ng mga Kastila. Tahasang ginagamit ito ng mga
misyonero sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Binagao nila ang mga ito
upang makatulong sa kanilang layunin. Ang mga tuluyan sa panahong ito ay nabasa sa
anyo ng mga sanaysay, anekdota, platikas, maikling kuwento, nobela at mga dula.
Katulad din ng tula, nagging pangunahing paksa ng tuluyan ang relihiyon o Kristianismo
at kagandang-asal.

Anekdota- noong panahon ng Kastila ang mga maiikling salaysay ng buhay na


punong-puno ng mga aral na karaniwang ginagamit ng pari sa kanilang mga sermon.

Sermon- paksa ng mga sermon ay tungkol sa pagliligtas ng kaluluwa at ang huling


paghuhukom. Ito ay anyo ng panitikang tuluyan naa nagsasaad ng mga aral. Si Padre
Modesto de Castro ang paring lalong nakilala dahil sa kanyang mahuhusay na sermon.
Si Joaquin Tuazon ay mababanggit din dahil sa kanyang sinulat na Tagobilin sa Mga
Babayingbauo.

Platicas o Platikas- ay mga sermon na humuhubog ng kagandahang-asal. Ang


Katipunan ng mahuhusay na sermon ni Padre Modesto de Castro ay tinatawag niyang

10
“Platicas Doctrianles”. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na sermon ni Padre Modesto
de Castro samantalang siya ay kura paroko sa Kawit, Cavite.

Sanaysay- ang mga sanaysay sa panahong ito ay sa anyo ng mga anekdota at liham.
Ang liham ay isang uri ng akdang tuluyan na nagiging daan ng pag-uunawaan ng
dalawang taong magkalayo. Isang magadang halimbawa ng sanaysay sa anyo ng liham
na nasulat sa panahong ito ay ang Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na sina Urbana
at Feliza ni Modesto de Castro.

Ang Maikling Kuwento. Ang mga kuwentong-bayan ng matandang panahon ay


nagbagong anyo sa panahon ng Kastila. Nakilala ang mga ito sa anyo ng mga
lathalaing ang paksa ay buhay ng mga santo at santa na ipinakalat ng mga
misyonerong prayleng Kastila noong panahon ng pagpapalaganap ng relihiyon. Ginawa
nilang halimbawa ang mga buhay ng mga santo at santa na nagpapakita ng labis na
pagpapakasakit upang huwag mahulog sa kasalanan at nang hindi mapunta sa
impiyerno. Maibibigay na halimbawa ng mga akdang tulad nito ang mga sumusunod:
1. Vida de Rita (1747) ni Francisco Bencuchillo
2. Buhay ni San Francisco ni Joaquin Tuazon
3. Buhay at Novena ni San Juan de Dios (1889) ni Valencia

Isang mahabang salaysay ang itinuturing na pinagmulan ng mga maikling kuwento


natin sa kasalukuyan. Ito ay pinamagatang “Mga Buhoc na Nangungusap” ni Padre
Alonso de Andrade. Bahagi ito ng kanyang isinulat na Henerario Historical na nalimbag
sa Barcelona nang mga taong 1684. Ang kabuohan ng salaysay na ito ay pangangaral
laban sa pagiging mapag-imbot ng isang tao. Nagpapakilala rin ito na ang panunumpa
sa kapwa tao ay gawaing hindi Mabuti.

Ang “Mga Buhoc na Nangungusap” ay tungkol sa isang senyorang mahilig dumalaw sa


mga paryente sa ospital upang a;iwin ang mga iyon at bigyan ng kaunting tulong. Sa
pamamasyal ng Senyora sa ospital isang araw ay may napansin siyang
napakagandang babae na may malago at magandang babaeng pasyente kaya
nakiusap ang Senyora sa nag-aalaga nito na kung mamamatay ang pasyente ay ibigay
sa kanya ang buhok. Nangyari ang kanyang kahilingan. Napasa Senyora ang malago at
magandang buhok. Ginawa niya itong piluka. Ngunit ng gagamitin na ito ng Senyora ay
hindi niya maiayos ang buhok sa kanyang ulo hanggang sa mawalan siya ng tiyaga at
11
pasensya. Inihagis niya ang buhok dahil sa matinding inis at kanya pa itong isinumpa.
Nagsalita ang buhok at sinabi nitong huwag na siyang isumpa dahil sa isinumpa na siya
ng Diyos. Gayon na lamang ang takot ng senyora nang marinig na nagsasalita ang
buhok. Sa tindi ng takot, nagkasakit at namatay ang Senyora.

Ang Nobena- ay seremonyang isinasagawa sa pagdaraos ng mga pagdiriwang na may


kaugnay sa pagpapasalamat sa magandang ani o paghingi ng ulan, pagpapaalis ng
sakit na namumuksa sa pamilya at komunidad at paglilibing sa mga yumao. Ang
Nobena ay Katipunan ng mga panalangin na kailangang gawin sa loob ng siyam na
araw, maaaring sunod-sunod na araw o tuwing Miyerkoles (9 na miyerkoles o biyernes)
depede sa santo o santang pinipintakasi.

Gawain:
Basahin ang buong Sanaysay na Urbana at Feliza ni Modesto de Castro.
1. Pagkatapos mong mabasa ang sanaysay, IBUOD mo ito.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Pagkatapos mong mabuod ang sanaysay, BUMUO ka ng 10 tanong na pagpipili
(multiple choice questions). Ang bawat tanong ay dapat may apat na opsyon na
may bilog ang bawat tamang sagot.

IX. MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PANITIKAN


1. Dugtungang Pagkukuwento- ang pagkukuwnento ay maaaring simulan ng guro o
ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral ang magsasagawa nito hanggang sa
12
matapos at mabuo ang kuwento.Matapos masabi ng isa ang kanyang bahagi,
hahawakan niya ang kamay ng katabi at tatantanin ito bilang tandan a siya ay
tapos na.
2. Picture Frame
A. Pagsusunod-sunurin ng mag-aaral ang mga larawan. Ito ay iaayon sa
pagkaganap ng mga pangyayari. Pagkatapos, ito ay igagawa ng buod.
B. Bibigyan ng sitwasyon at ito ay isasagawa ng mga mag-aaral.
3. Pakwadrong Pagsasalaysay- Ito ay paglalahad ng kuwento na may tugtugin
habang binabasa ang kuwento o magpatugtog ng mga awiting instrumental.
Kwadro 1- Tagpuan= ang kuwento ay nagaganap sa_______________
Kwadro 2- Tauhan= ang mga tauhan ay sina__________________
Kwadro 3- Simula= nagsisimula ang kuwento sa pamamagitan ng__________
Kwadro 4- Pananabik= ano ang mga saglit na kasiglahan o pananabik?
________
Kwadro 5- Tunggalian= ano ang gusot ng kuwento?__________________
Kwadro 6- Kasukdulan= tukuyin ang kasukdulan ng kuwento_____________
Kwadro 7- Wakas= ibigay ang katapusan ng kuwento____________

X. DISKURSO
Ang diskurso at kultura ay may ugnayan. Ayon sa depinisyon ni Byram (2008) ng
kultura, ito ay mga pinagsasama-samang paniniwala, pagpapahalaga at pag-uugali ng
isang lipunan mula sa pinakamaliit nay unit ang pamilya tungo sa makrong pangkat ng
bansa. Para naman sa wika na isa sa instrumento ng kultura, tatalakayin natin sa
modyul na ito ang anyo ng diskurso, teorya ng diskurso, konteksto ng diskurso,
estratehiya ng diskurso at batayang uri ng diskurso.

Ayon kay Kramsch (2009) ang wika ay ginagamit hindi lamang instrumento ng
pagpapalitang impormasyon, subalit bilang isang sistema ng mga simbolo na may
kapangyarihang lumikha at humubog ng mga simbolikong realidad, gaya ng
pagpapahalaga, pananaw, at mga identidad sa pamamagitan ng diskurso.

Ayon kay Izaak Walton “good company and good discourse are the very sinews of
virtue.” Makakamit ang ano mang mithiin sa buhay kung ang isang tao ay magaling sa
pakikipagdiskurso. Ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o
13
pasalita. Sa karaniwang pagpapakahulugan, ang diskurso ay pakikipagtalastasan,
pakikipag-usap o ano mang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

Bawat araw, iba’t ibang uri ng sinasalitang wika ang ginagamit ng indibidwal. Iba kapag
nasa loob ng tahanan at nag-uusap-usap ang magkapamilya. Iba ang lenggwahe ng
nanay sa anak, ng tatay sa anak, at ng anak sa kanyang mga magulang. Sa
pamantayang kultural ng lipunang Pilipino, maaari namang mangatwiran ang anak
subalit ang tono at tinig ay dapat na mas mababa sa mga magulang at hindi paangil.

Ang gamit ng sinasalitang wika ay nakadepende rin sa uri ng hanapbuhay ng


isang indibidwal at kung ano ang pangangailangan na ginagamit ng
pakikipagtalastasan.

A. Ano ang Diskurso?


Si Michel Foucault ay isang Pranses, kinikilala siya dahil sa kanyang di
matatawarang ambag sa larangan ng pilosopiya, at pagsusuri ng diskurso. Litaw sa
kanyang mga akda ang interes sa kaalamang taglay ng bawat tao at ang
kapangyarihang taglay at nagpapakilos sa mga ito. Isa siya sa mga nagbigay ng
matibay na sandigan sa teorya at praktika ng diskurso.

Ang diskurso, ayon sa Diksyunaryong Ingles-Filipino (1984) ay


nangangahulugang magsulat o magsalita nang katagalan o kahabaan. Ayon naman sa
Webster’s News World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang porma na pagtalakay
sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Sa karaniwang pagpapakahulugan, ito ay
pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o ano mang paraan ng pagpapahayag ng ideya
tungkol sa isang paksa.

Ang diskurso ay maaaring nasa anyong pasalita o pasulat. Bagama’t maituturing


na magkatulad ang layunin ng pasalita at pasulat na diskurso, ang makapaghayag ng
kaisipan, may pagkakaiba ang dalawa. Mayroong ilang kahingian ang bawat anyo na
naiiba sa isa. Ayon nga kay Bernales (2017), may kaniya-kaniyang kalikasan at
pangangailangan ang bawat isa at mahalagang taglayin ng mga partisipante nito ang
komunikatibo at linggwistikang kompitens.

14
Sa pasalitang diskurso, karaniwang magkaharap ang mga participant kung kaya’t
bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuonan din ng bawat
participant ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono,
diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na
maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang mensahe.

Sa kabilag banda, sa pasulat na diskurso, higit nap ag-iingat ang isinasagawa ng


manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang isinulat na diskurso ay
nakarating sa tagatanggap at ito’y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang mga naisulat. Maaaring ulit-ulitin ng mambabasa ang ano
mang nakasulat na mensahe. Sakaling mayroong mga pagkakamali sa gramatika man
o sa mismong nilalaman, maaaring maging simula ito ng miskomunikasyon.

Sa paghahanda para sa isang pasalitang diskurso, higit na maluwag ang daloy


ng talastasan kung ihahambing sa pasulat na nito. Agad na nakatatanggap ng pidbak
kung kaya’t agad na nakakapagpasya ang bawat partisipante ng diskurso kung
epektibo ba o hindi ang kanilang isinasagawang palitan.

Sa kabilang banda, higit na mas mahabang panahon ang inilalaan sa


paghahanda para sa pasulat na diskurso. Maingat na pinipili ang bawat salitang
inilalapat sa papel. May mga pagkakataon na makailang beses itong nirerebisa upang
matiyak na malinaw ang mensahe at ito’y mababatid ng tagatanggap. Tinitiyak din ng
manunulat na kanyang nasusunod ang wastong tuntunin sa pasulat, ito man ay isang
liham, sanaysay, ulat, tesis a anupaman. Laging iniisip ng manunulat na maaaring balik-
balikan ng mambabasa ang kanyang naisulat at sakaling may hindi wasto na naisulat,
mayroong magagamit na ebidensya ang mambabasa laban sa kanya dahil mayroong
tekstong nakalimbag. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang komunikatib at
linggwistik kompitens ng bawat partisipante sa isang diskurso. Hindi lamang mga salita
ang nagpapahatid ng mensahe. Bukod sa salita, pinagtutuonan din ng pansin ang ibang
salik. Kung harapan at pasalita ang diskurso, mahalaga ang wastong asal tuwing
nakikipag-usap. Mahirap nang mabansagang bastos! Sa pasulat naman na diskurso ay
kailangang maingat sa mga salita at baka makasuhan ng libelo.

B. Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay

15
Sa lahat ng pagkakataon, laging isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa
ay may kani-kaniyang kalakasan at kahinaan. Bilang mga mapanuring mag-aaral,
kailangang pagsumikapan ninyong suriin nang kritikal ang mga positibo at negatibong
element ng bawat isa.
Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang
mga teoryang ito ay maaaring maging susi sa ganap nap ag-unawa sa proseso ng
pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong upang tayo ay
maging konseptwal at prediktibo. Samakatwid, ang isang tao ay maaaring makagawa
ng mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon batay sa mga saliksik
ng mga teorista.

Pinakapopular na teorya ay ang speech act theory and ethnography of


communication.
1. Ang speech act theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things
wirh Words ni J.L. Austin (1975). Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay
isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon. Wika ng ani
John Seale, all linguistic communication involves linguistic acts. Ayon sa mga
naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistika ay hindi ang
simbolo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga
simbolo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

Hinati ni Austin ang mga aktong linggwistika na ito sa tatlong komponent.


Ang una ay ang aktong lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang
ikalawa, ang aktong ilokyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi
ng isang bagay. Ang ikatlo ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang
bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa
damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig ng ispiker o maging ng ibang tao.
Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa ay may pwersa at ang ikatlo’y
may konsikwens.

2. Ang ethnography of communication ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,


padron at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang
pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang
partikular na komunidad. Halimbawa, kung nais nating pag-aralan ang glossolalia
(speaking in tongues) na karaniwang makikita sa mga Kristiyanong sekta, kailangan
16
nating dumalo sa mga pagtitipon ng isang sektang Kristiyano, makisalamuha sa kanila
at kung maaari’y maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa
pamamagitan lamang niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo’y magiging pamilyar sa
konteksto ng glossolalia upang maipaliwanag ang tungkuling sosyal nito.

May iba’t ibang Teknik na maaaring magamit sa partisipant-obserbasyon:


1. Introspection o ang paggamit ng intuition,
2. Detached Observation o ang di-partisipantoryong obserbasyon ng interaksyon sa
komunidad,
3. Interviewing o ang istraktyurd na interaksiyong berbal sa mga miyembro ng komunidad,
4. Philology o ang paggamit ng mga pasulat na materyales,
5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural,
6. Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding
diskurso analisis ng mga linggwista at ang,
7. Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang
penomenolohikal.

Sa website na http://www.mcgraw-hill.com, pahapyaw na tinalakay ang iba pang mga


teorya. Dalawa sa mga ito ay ang communication accommodation theory at ang teorya
ng narrative paradigm.
1. Communication Accommodation Theory, sinusuri ang mga motibasyon at konsikwens
ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon.
Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay
nagtatangkang iakomodeyt a i-adjust ang kanilang estilo kapag nakikipag-usap sa iba.
Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang paraan: divergence and
convergence. Ang mga grupong may malakas na pagmamalaking etniko ay madalas na
gumagamit ng divergence upang bigyang-diin ang kanilang identidad. Samantalang ang
convergence ay nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa
social approval. Ang gumagawa nito madalas ay mga indibidwal na walang
kapangyarihan.
2. Narrative Paradigm ay naglalarawan naman sa mga tao bilang storytelling animals. Ang
teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyonal na
lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katuwiran ay
nagmumungkahi na husgahan ang kredebelidad ng isang ispiker batay sa kohirens at
pediliti ng kanilang istorya. Isang demokratikong paghuhusga di umano ito sapagkat
17
hindi naman kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghikayat upang makalikha ng
paghuhusga batay sa kohirens at pediliti.

C. Konteksto ng Diskurso
Masalimuot na usapin ang diskurso dahil sa lawak ng saklaw nito. Ito rin ay pag-
aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at konteksto nito. Sinasaklaw rin ng paksang ito
ang semiotika, sikolohiya, antropolohiya, at sosyolohiya. Pinag-aaralan ng mga
eksperto ang wika habang ginagamit sa lahat ng mga nasusulat na teksto; mula sa
pinakasimbling paraan ng pagpapahayag hanggang sa pinakamataas na genre ng
komunikasyon (McCarthy,1991).
Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa ano mang oras, espasyo at
konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na
kombinasyon ng mga taong bummubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay maaring interpersonal, paggugrupo,
pang-organisasyon, pangmasa, intercultural at pangkasarian:
1. Kontekstong Interpersonal. Ito ang kontekstong umiiral sa mga sitwasyong
kinasasangkutan ng dalawa o iilang tao tulad ng usapan ng magkaibigan at
pagpapalitan ng chat messages ng magkaibigan sa Facebook.
2. Kontekstong Panggrupo. Ito ang mga kontekstong umiiral sa mga sitwasyong
kinasasangkutan ng pangkat ng mga tao tulad ng pulong ng pamunuan ng isang
samahang pangmag-aaral at palitan ng mga miyembro ng chat messages sa
kanilang chat group.
3. Kontekstong Pang-organisasyon. Umiiral sa loob ng mga institusyon o
tanggapan tulad ng pagsasagawa ng team building ng mga empleyado ng isang
opisina at paglabas ng memorandum ng pangulo ng isang kumpanya para sa
lahat ng mga empleyado.
4. Kontekstong Pangmasa. Umiiral sa mga sitwasyong nasasangkot ang publiko
tulad ng pagtatalumpati ng isang politico sa harap ng mga botante at
paglalathala ng mga balita sa dyaryo.
5. Kontekstong Interkultural. Umiiral sa pagitan ng mga taong may magkakaibang
kultura tulad ng pagpupulong ng mga pinuno o kinatawan ng mga pangkat etniko

18
(halimbawa: Igorot, Mangyan, Badjao) at paglathala ng aklat na Basic Filipino
para sa mga dayuhang mula sa iba’t ibang bansa.
6. Kontekstong Pangkasarian. Umiiral sa mga sitwasyong kailangan ng maingat na
pagsasaalang-alang sa mga katangiang pangkasarian tulad ng pag-uusap ng
mga kababaihan tungkol sa menstruation at paglalathala ng mga magasing
panlalaki.

Sa mabisa at epektibong paglalarawa, karaniwang pang-uri at mga pang-abay


ang ginagamit upang mabigyan-buhay ang ano mang inilalarawan. Sa pamamagitan ng
mga ito, nagiging malinaw sa isipan ng tagatanggap ang anumang bagay nan ais
maipabatid ng iba.
Ang pagsusuri at pag-aaral ng diskurso ay isang larangang pinagtutuonan ng
pansin ng mga dalubwika. Sa ating pag-aaral ng masining na pagpapahayag, ating
pagtutuoonan ng higit na pansin ang apat (4) na Batayang Uri ng Diskurso: (1)
Paglalarawan o Deskripsyon, (2) Pagsasalaysay o Narasyon, (3) Paglalahad o
Eksposisyon, (4) Pangagatwiran o Argumentasyon.
(1) Paglalarawan o Deskripsyon- ay isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng
sapat na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya
upang ang isang mambabasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang
mental kung ano man ang inilalarawan. Kung ang isang pintor ay gumagamit ng
iba’t ibang kulay upang maisabuhay ang isang larawan, gayon din ang isang
manunulat. Gumagamit siya ng mga salita na ngiging daan upang mabuo ang
larawan sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Ang paglalarawan ay bunga ng
kakintalang likha ng ating limang pandama ayon nga kina Tumangan, et al
(1997).
Mahalaga ang deskripsyong diskurso dahil ito ay isang daan upang
makilala ang isang tagpagpahayag. Sa pamamagitan ng kanyang pagbibigay-
katangian sa ano mang kanyang inilalarawan, nagkakaroon ng ideya ang
tagapakinig o mambabasa kung ano ang kanyang panlasa tungkol sa mga
bagay-bagay, kung paano siya mag-isip at kung paano niya binibigyan ng
katawagan o leybel ang mga bagay sa kanyang kapaligiran. Sa ganitong
pamamaraan din ay napapagalaw niya ang sariling imahinasyon maging ng
kanyang mambabasa o tagapakinig.
Layunin ng paglalarawan ang makalikha ng imahen sa isipan ng kanyang
mambabasa upang maging sila ay maranas din ang naranasan ng manunulat.
19
Ang paglalarawan ay karaniwang isinasagawa upang makahikayat ng kapwa.
Isang halimbawa ay ang paglalarawan ng mga pook-pasyalan upang
makahikayat ng mga turista. Isa pa ay ang paglalarawan ng isang bagong
produkto upang makahikayat ng mamimili.
(2) Pagsasalaysay o Narasyon- ay isang anyo ng diskursong nagpapahayag ng
mga magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na simula tungo sa isang tiyak at
makabuluhang wakas. Ang narasyon sa simpleng pananalita ay pagsasalaysay.
Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang particular na
pangyayari upang maibabahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o
kaya ang mga bagay na ating nasaksihan, nabasa o napakinggan.

Mahalaga ang diskursong naratib sa ating pang-araw-araw na pamumuhay dahil


na tin sa tayong mga tao ay may likas na kaugaliang makipagkapwa-tao at ang
pagbabahagi ng mga bagay-bagay na nangyayari sa ating buhay o maging sa
buhay ng iba ay isang karaniwang gawaing pantao. Ang kapanganakan ng isang
sanggol, pagtatapos ng isang anak, pagkapanalo sa isang patimpalak o maging
ang pagkawala ng isang natatanging bagay ay ating itinuturing na mga
makabuluhang pangyayari na binabahagi sa kapwa.

(3) Paglalahad o Eksposisyon- ay anyo ng diskurso na nagpapahayag ng mga


ideya, kaisipan, at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa
isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaraoon
ng bago o dagdag na kaalaman ng isang tao.
Mahalagang diskurso ang eksposisyon dahil ito ay nagiging daan sa
pagkakaroon ng bago o karagdagang kaalaman ng tao kaugnay ng mga bagay
na nagaganap sa kanyang kapaligiran. Ang mga kaalamang ito naman ay
nagiging daan sa pagpapabuti ng kanyang pagkatao at nagpapaangat ng antas
ng pamumuhay ng ibang tao. Ang tao ay laging may mga katanungan na
kanyang ninanais na matugunan kung kaya’t madalas siyang naghahanap ng
paraan upang mabigyan ng sagot ang mga ito.
Ang pangunahing layunin ng diskursong ekspositori ay upang
makapagbigay ng impormasyon. Nilalayon ng diskursong ito na maragdagan ang
kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran.
Ang kasalukuyang antas ng pamumuhay ng tao ay bunga ng mga pag-aaral na
isinagawa ng mga tao noong unang panahon at sa pamamagitan ng
20
pagpapaliwanag, naging daan ito upang maisalin sa mga susunod na
henerasyon upang patuloy na mapakinabangan ng susunod na henerasyon at
mapaunlad ang antas ng kanilang buhay. Ayon kina Bernales, et al (2006)
layunin ng eksposisyon na gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling
na pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao. Sa
patuloy na pagsasaliksik ng mga tao, ang mga katanungang nabuo sa kanilang
isipan ay isa-isa ring nabibigyan ng katugunan at sa pagpapaliwanag sa mga
tao, ang mga kaalaman ay napakikinabangan.
(4) Pangagatwiran o Argumentasyon. Ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa
pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. Mahalaga ang
argumentasyon dahil sa ating pagpapahayag ng ating mga pananaw hinggil sa mga
isyung ating kinakaharap, nagkakaraoon ng ideya ang mga tao sa ating paligid hinggil
sa ating pagkatao base sa ating mga paniniwala na masasalamin sa ating mga
paninindigan. Mahalagang magroon tayong matibay na paninindigan sa ating mga
pinaniniwalaang tama. Kung tayo ay madalas na pabagu-bago ang isipan, malamang
sa hinaharap ay hindi na tayo paniwalaan ng ating kapwa.

Gawain:
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
1. Magkliping ng iba’t ibang uri ng eksposisyon at uriin ang bawat isa.
2. Magsaliksik hinggil sa isang napapanahong isyung panlipunan o pandaigdig.
3. Sumulat ng isang komposisyong deskriptibo hinggil sa taong iyong nais
kananayamin tungkol sa COVID-19. Gawing masining ang deskripsyon.

EBALWASYON:
Sagutin ito sa hiwalay na sagutang papel.

I. Piliin kung aling uri ng diskurso ang tinutukoy ng sumusunod.


1. Naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mga mambabasa
______________________________________________________________________
2.Naglalayong makakumbinsi ng pagsang-ayon hinggil sa isang opinion o katwiran
______________________________________________________________________
3. May layuning masalaysay p magkwento ng mga magkakaugnay-ugnay na
pangyayari
21
4.Tinatawag na paglalahad sa maraming aklat sa Filipino
______________________________________________________________________
5.Layuning gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag
sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao
______________________________________________________________________
6.Pabuod at pasaklaw ang dalawang uri nito
______________________________________________________________________
7.Sanaysay at editorial ang mga mahusay na halimbawa nito
______________________________________________________________________
8.Ang nahuhuli sa apat na uri ng diskurso
______________________________________________________________________
9.Kailangan ng mabisang panghikayat at di-mapasusubaliang pagsisiwalat ng mga
prinsipyo o paninindigan
______________________________________________________________________
10.Katulad ng manunulat nito ang pintor na pumipili ng mga sangkap na kasama sa
pagguhit upang makalikha ng isang buhay na larawan
______________________________________________________________________
11. Makapangyarihan ang wika. Maaari itong maging kasangkapan ng pang-aalipin
kung paano ginamit ng mga Amerikano ang wikang ingles nang alipinin nila ang ating
bansa may ilang dekada na ang nakalilipas.
______________________________________________________________________
12. Dahil sa pagsulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang
kasaysayan ng isang bansa. Ang mga nasusulat na tala ay mababasa ng salinlahi
kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang bansa.
______________________________________________________________________
13. Bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay…mabuhay nang mapayapa, mabuhay
nang marangal at mabuhay nang maunlad. Magagawa lamang natin ito kung ang
wikang ating ginagamit sa araw-araw ng ating buhay saan mang larangan ay ang
wikang Filipino. Naniniwala ako na ang wikang Filipino ang isa sa mga susi upang di na
makawala pa sa ating mga kamay ang mga karapatang ito.
______________________________________________________________________
14. Ang tunay na lunas sa aking palagay ay ang wastong edukasyon sa mga nais mag-
asawa. Ang pag-aasawa nang hindi handa’y ay dapat tukuying mali. Ngunit kung
pahintulutan ang diborsyo, mawawalan ng saysay ang ganitong edukasyon. Inaalis ng
22
diborsyo ang pangangailangang magpataw ng disiplina sa sarili, ang pangangailangang
magkaroon ng prinsipyo sa buhay. Ito ang mga mabigat na dahilang moral laban sa
diborsyo.
______________________________________________________________________
15. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa labas ng
kanilang maliit na dampa. Namatay ang mga halaman. Natuyo ang lupa at walang tubig
sa batis at ilog. Lumaganap ang tag-gutom. Dumating ang panahon na nagluwal ng
sanggol ang babae kaya’t napilitan silang maghanap ng pagkain. Nilibot nila ang
kagubatan, pinasyal ang burol at inakyat ang tuktok ng bundok. Sa kanilang pagkagulat
ng makita sila roon ng isang kakaibang halaman. May manipis na dahoon at may maliit
na bunga iyon. Ngayon lamang sila nakakita ng ganoon.
______________________________________________________________________

II.Tukuyin kung tama o mali ang diwa ng bawat kasunod na pahayag.


______21.Ang diskurso ay maaaring nasa anyong pasalita at pasulat.
______22. Ang mga teorya ng diskurso ay naiiba sa mga teorya ng komunikasyon.
______23. Ang speech act theory ay nakabatay sap remis na ang wika ay isang mode
of
action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon.
______24. Ang Philology ay pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, padron at tungkulin ng
pagsasalita.
______25. Inilalarawan ng communication accommodation theory ang mga tao bilang
storytelling animals.
______26. Kontekstong interpersonal ang umiiral sa mga sitwasyong kinasasangkutan
ng dalawa o ilang tao tulad ng usapan ng magkakaibigan.
______27. Kontekstong interkultural ang umiiral sa nga sitwasyong nasasangkot ang
publiko.
______28. Sa paglalahad ng layunin ng diskurso, iminumungkahing maging ispesipiko
hangga’t maaari.
______29. Ang tisis ay tinatawag ding sentral o susing ideya, ang pangungusap na
lumalagom sa mensahe.
______30. Madali lamang ang paglikha ng estratehiyang pandiskurso.

ANG SINING NG PAGTATALUMPATI


23
“ Ang Talumpati ay isang pormal na pahayag sa harap ng publiko at
pormal
na pagtalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig.”-UP
Diksyonaryo

Sining ng Pagtatalumpati
Ang pagtatalumpati ay isang sining. Kung ito’y itinuturing na sining, dapat na
matanghal ito nang masining. Sa mga timpalak talumpatian ay hindi nawawala ang mga
puna at batikos, madalas kasing maipaghambing ang declamation sa oration o ang
pagtatalumpati sa isahang pagbigkas. Pagpapatunay lamang na hindi malinaw sa
nagtatalumpati at maging sa gurong tagapagsanay ang kahulugan, katangian at paraan
ng pagtatanghal ng talumpati.
Ayon kay Deveza (1976), ang pananalumpati ay isang agham at sining tungkol
sa pagpapaniwala. Ito ay isang agham sapagkat ang tunay na pakay nito ay ang
paghubog ng isang kadalubhasaan. Kung gayon, hindi lamang pagbibigay-aliw sa mga
nakikinig ang tunay na layunin nito kundi sa paggising sa madla ng pagnanais na
isagawa ang isang bagay.

Ang kahulugan ng talumpati o pagtatalumpati


1. Ang pagtatalumpati ay sining ng maayos na paghahanay ng mahahalagang
kaisipan at mabisang paraan ng paghahatid ng mga impormasyon sa mga
tagapakinig.
2. Ang pagtatalumpati ay agham at sining tungkol sa pagpapaniwala.
3. Ang pagtatalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap ng mga tao ukol sa
isang mahalaga at napapanahong paksa.

Ang mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati


Sa aklat na Talumpati, Debate at Argumentasyon (2000) ni Villafuerte ay
inilahad ng awtor ang tatlong mahahalagang elemento na dapat isaalng-alang sa
pagtatalumpati:
1) Ang mananalumpati. Ang mananalumapti ang nakaharap sa maraming tao
upang maglahad ng kaisipan, paniniwala o saloobin ukol sa isang bagay;
a. Siya ay nagpapaliwanag sa paksang kanyang napiling talakayin.
24
b. Siya ang malayang nakapangungusap o nakapagtatanong sa kanyang
mga tagapakinig.
c. Siya ang nagpapakita ng iba’t-ibang kumpas ng kamay, ekspresyon ng
mukha at galaw ng katawan habang malinaw niyang ipinaliliwanag ang
kabuuan ng kanyang mga sinasabi.
d. Siya lamang ang may karapatang magturo, pumuna, pumuri,
humikayat, lumibang, bumatikos, magsiwalat, magalit at mangako sa
mga sandaling iyon sa kanya nakatutok ang atensyon ng kanyang mga
tagapakinig.
2) Ang talumpati. Ang alinmang akdang tuluyan na binasa o binibigkas ng isang
tao sa harap ng publiko ay tinatawag na talumpati. Nakapaloob dito ang paksa at
nilalaman ng kanyang sinasabi.
3) Ang tagapanood / tagapakinig. Ang pagmasid at pandinig ng publiko ang susi
sa kaganapan ng isang mahusay na pagtatalumpati. Kung paksa ay
napapanahon at natatalakay nang buong husay ng mananalumpati, hindi karaka-
rakang iiwan ng mga tagapanood o tagapakinig ang taong nagpapaliwanag sa
kanilang harapan. Makatitiyak na nagustuhan ng mga tagapanood at tagapakinig
ang pagtatalumpati sa pamamagitan ng reaksyon ng kanilang mukha at sa
katapusan ng programa ay ang malakas nilang pagpalakpak.

Uri ng Talumpati o Pagtatalumpati


1. Biglaan o Daglian (impromptu).
Ang ganitong uri ng talumpati o pagtatalumpati ay hindi nangangailangan
ng paghahanda. Dahil dito, masasabing, walang paghahandang ginawa ang
mananalumpati at napili lamang ang mananalumpati na magbigay ng
mensahe sa publiko ukol sa okasyong nagaganap sa mga programang
pampaaralan o pantanggapan gaya ng salu-salo para sa isang natatanging
selebrasyon. Halimbawa: gaya ng kasal, promosyon at pagtanggap sa isang
gawad o premyo, atb.
Ang mga hakbang sa talumpati o pagtatalumpati biglaan o daglian
a. Hakbang sapunto. Sa puntong ito, dapat sabihin ng mananalumpati ang puntong
nais niyang ipahayag. Halimbawa: Narito ako upang ipaliwanag ang panukalang
multilinggwalismo sa pagtuturo sa mga paaralan mula sa una hanggang sa
ikaapat na baiting.

25
b. Hakbang sa dahilan. Sa hakbang na ito ay dapat magbigay ng balidong dahilan
ang mananalumpati ukol sa paksang kanyang tinatalakay.
Halimbawa: Sa pamamagitan ng pagsasalin, lalong napapayabong ang isang
wika at maaari itong magamit sa iba’t ibang diskursong pinaggagamitan nito.
c. Hakbang sa ebidensya. Sa hakbang na ito ay maaaring gumamit ang
mananalumpati ng mga kagamitang makatutulong sa kanyang pagpapaliwanag
gaya ng mga ilustrasyon, paghahambing, siniping pangungusap mula sa kilalang
tao, at estadistika. Halimbawa: Ang usapin tungkol sa pag-aaral ng wikang Ingles
ay pinatutunayan naman ni Castillo (1974). Natuklasan niya na ang mga
magulang ay mahalaga sa ikatututo ng kanilang mga anak ng pangalawang
wika. Gayon din naman ang Ingles sa Pilipinas ay iniugnay hindi sa ikagagaling
ng mga saloobin ng mga Amerikano kundi upang ipakilala na ang Pilipino ay
marunong din magsalita ng Ingles.
d. Hakbang sa pagpapahayag. Sa hakbang na ito, tiyaking maliwanag ang
gagawing pagpapahayag ng mananalumpati upang higit na kalugdan ng mga
tagapakinig. Halimbawa: Nagpahayag ng pagkadismaya ng Pinagkaisang
Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa aniya’y papisu-
pisong rollback ng mga kumpanya ng langis.

2) Maluwag.
Ang katumbas nito sa Ingles ay extemporaneous. Sa mga patimpalak
ng talumpatian sa mga paaralan ay higit na kinalulugdang panoorin ang maluwag
na pagtatalumpati. Ito’y hindi mahirap gawin dahil bago pa man dumating ang
mananalumpati sa pook na pinagdarausan ng patimpalak ay (1) alam na niya
ang tema ng programa (2) naihanay na nya sa kanyang isipan ang
mahahalagang puntong dapat niyang maisama sa kanyang talumpati. Sinusunod
sa uring ito ang mga sumusunod na hakbang:
a. Ang mga kalahok ay pabubunutin ng isang nakarolyong papel na
kinasusulatan ng paksang kanilang lilinangin na may kaugnay sa paksa ng
isang programa.
b. Binibigyan ng ilang minute ang kalahok upang linangin ang paksa.
c. Sa oras ng kanyang pagtatalumpati ay saka niya ilalahad ang mga punto o
mahahalagang impormasyong kanyang nais iparating sa kanyang mga
tagapanood / tagapakinig.
Ang kalakasan at kahinaan ng talumpating maluwag
26
1. Kalakasan. Sa mga okasyong hindi sadyang pinlano, ang mananalumpati at
ang mga tagapanood / tagapakinig ang nabibigyan ng pagkakataong
magamit ang nalalabing oras. Bukod dito, walang pag-aalinlangang
nakapamimili ang mananalumpati ng alinmang pyesang kanyang gagamitin
sa pagtatalumpati.
2. Kahinaan. Nasa pamamaraan ng pagtatalumpati na masubaybayan ang
kahinaan ng talumpating maluwag. Ang baguhang mananalumpati na walang
karanasan sa pagtatalumpati ay hindi nakasusunod sa lohikal na
kongklusyon, kaya’t kapansin-pansing nagpapaulit-ulit at nagpapabalik-balik
lamang siya ng pagpapahayag at paikut-ikot lamang ang nilalaman ng
paksang kanyang tinatalakay.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGTATALUMPATI


1. Wasto at malinaw na pagbigkas ng mga salita
 Huwag kainin ang iyong sinasabi
 Gumamit ng tamang bilis o bagal sa pagsasalita
 Bigkasing malinaw at may pagkakaiba-iba ang mga patinig at katinig
 Bigkasing malinaw ang mga salita at bigyang diin ang mga salitang
nagpapalutang ng kaisipang nais pangimbabawin

2. Tinig
 Magkaroon ng varayti sa lakas ng boses
 Gawing buo at Dalisay ang boses
 Kontrolin ang paghinga at iwasan ang paninigas ng leeg, pagalingin ang tinig sa
dayapram
Katangian ng Tinig:
Uri, Timbre, Bolyum

3. Tindig- ito ang unang nakatatawag ng pansin ng mga tagapakinig


 Tumindig na may pagtitiwala sa sarili
 Maging relaks at natural
 Iwasan ang tindig military at tindig mayabang
 Tindig sa Entablado: Pag-akyat o Patungo
- Lumakad ng masigla

27
- Lumakad nang may tiwala sa sarili
- Maging natural
 Pagdating sa Entablado
- Tumayong matuwid
- Huwag agad magsalita
- Masayang ngumiti sa mga tagapakinig
- Ituon ang diwa sa mensahe na ipararating bago magsimula

4. Galaw o Kilos
 Dapat ay maging natural at walang pagkukunwari
 Iwasan ang labis na paggalaw
 Tandaan na ang bawat galaw ay may kahulugan
 Panatilihin ang eye contact sa mga tagapakinig

5. Kumpas
 Ang bawat kumpas ng kamay ay may layuning linawin, patingkarin o bigyang-diin
ang isang kaisipan o damdaming ipinapahayag.
 Nakatutulong sa pagpapalutang ng kaisipan kung ito’y:
- Nasa tamang panahon, hindi una, hindi huli
- Maluwag, maginhawa at natural
- Angkop sa diwang inilalarawan
- Tiyak, may buhay at hindi matamlay
 Kahulugan ng Kumpas
a. Palad na nakalahad sa harap, bahagyang nakabukas ang dalawang bisig
- Dakilang Damdamin
b. Palad na nakataob at ayos na patulak
- Pagtanggi o hindi pagsang-ayon
c. Palad na nakataob at ayos na padapa
- Ginagamit kung pinalalamig ang kalooban ng tagapakinig
d. Palad na nakayukom
- Nagpapanayag ng masidhing damdamin

MGA GAWAIN
Pagsasanay I. Subukin ang Natutunan...

28
Ipaliwang ang mga sumusunod na mga katanungan batay sa iyong
natutunan.
1. Ano ang layunin ng pagtatalumpati?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano sa tingin mo ang mga kalakasan at kahinaan sa pagsulat ng talumpati?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang mahatak ang atensiyon ng nakikinig o nanonood ng


talumpati?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Paano mapapanatili ang interes ng tagapakinig?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
29
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Bakit mahalaga ang pokus sa pagtatalumpati?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pagsasanay II. Ilapat ang Natutunan Mag-Online...
Pakinggan ang ipababasa ng guro. Ito ay ang sipi ng talumpati ni Lourd
de Veyra na kaniyang binigkas sa harap ng mga nagsipagtapos sa UP Kolehiyo ng
Pangbansang Komunikasyon noong 2012. Makikita ito sa
www.interaksyon.com/article/30190/lourd-de-veyras-graduation-speech-for-up-
masscomm-class-of-2012. Pagkatapos pakinggan, sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano-ano ang mahalagng kaisipan sa talumpati ni de Veyra?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa isang pangungusap,ano ang mensahe ng kaniyang talumpati?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
30
3. Ano ang naramdaman mo habang pinakikinggan at pagkatapos pakinggan ang
talumpati?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Paano ginamit ni de Veyra ang lengguwahe sa kaniyang talumpati?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Sa kabuuan, base sa pinakinggan halimbawa, naging matagumpay ba para sa


iyo ang talumpati ni de Veyra? Bakit o bakit hindi?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagsasanay III. Ilapat ang Natutunan Sa Tunay na Buhay


Magdaraos ang inyong paaralan ng isang patimpalak sa pagtatalumpating
pampubliko. Ang tema ay tungkol sa Martial Law sa Mindanao sa panahon ng
pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagpasiya ang inyong guro na mamili ng isa
na kakatawan sa inyong klase. Dahil isa ka sa mga pinaka-competitive sa klase, hindi
31
mo pinalagpas ang pagkakataong sumali sa patimpalak. Kailangan mo munang
magsulat ng tatlong pahina ng iyong talumpati tungkol sa isang partikular na paksa na
may kaugnay na may kaugnayan sa Martial Law. Tatayain ng guro ang isinulat mong
talumpati ayon sa kaangkupan sa tema, gamit ng lenguwahe, organisasyon, at
grammar. Ang mismong talumpati namang binigkas mo sa harap ng klase ay tatayain
ng isang guro ayon sa tindig, galaw ng katawan, kalidad ng boses, at pakikisalamuha
sa tagapakinig.

MGA PIYESA NG TALUMPATI


1. Batas ng Kagitingan at ng Kagandahang Asal
Si Panguling Manuel L. Quezon ay nagbigay ng ilang gabay para mapabuti
ang ating kalagayan bilang mabuting mamayan. Kabilang dito ang mga
sumusunod:
1. Manalig kang may Dakilang Lumikha na siyang namamatnugot sa kapalaran ng
mga tao at mga bansa.
2. Ibigin mo ang iyong tinubuan lupa sapagka’t iyan ang tahanan ng iyong
kaligayahan at kaginhawaan. Kauna-unahan mong tungkulin ang siya’y
ipagtanggol. Humanda ka sa lahat ng sandali na magpakasakit at mamatay nang
dahil pa kaniya kung kinakailangan.
3. Igalang mo ang Saligang-Batas sapagka’t iyan ang katuturan ng
makapangyarihan mong kalooban. Ang pamahalaan ay pamahalaan mo. Itinatag
iyan alang-alang sa iyong ikaliligtas at ikapapanatag. Tupdin mo ang mga batas
at sikaping matupad din ang lahat, at mga punong-baya’y magsisiganap ng
kanilang mga tungkulin.
4. Magbayad kang kusa at maagap ng iyong buwis. Ang pagkamamayan ay
nangangahulugan di lamang ng mga karapatan, kundi ng mga tungkulin man.
5. Ipagsanggalang mo ang kalinisan ng paghahalal at igalang ang mga
kapasiyahan ng nakararami.
6. Ibigin mo at igalang ang iyong mga magulang. Tungkulin mong sila’y
paglingkuran nang buong-puso at kasiyahan.
7. Pahalagahan mo ang iyong dangal gaya ng pagpapahalaga mo ng iyong buhay.
Mahalaga ang karukhaang may karangalan kaysa kayamanang walang dangal.
8. Magpakatapat at magpakalinis ka sa iyong mga iniisip at ikinikilos. Maging
makatwiran ka at mapagkawang gawa, mapitagan ngunit marangal sa iyong
pakikipagkapwa-tao.
32
9. Magpakalinis at magpakatamtam sa pamumuhay. Huwag kang mag-aksaya ng
panahon sa walng kabuluhan at sa pagpalalo. Huwag kang magmarangya sa
pananamit at magmagaslaw sa pag-uugali.
10. Mamuhay ka ng sang-ayon sa mga dakilang kasaysayan ng ating bayan.
Mamitagan ka sa gawa at sa ngalan ng ating bayani. Ang kabuhayan nila’y
siyang nagtuturo ng landas ng tungkulin at karangalan.
11. Magpakasakit ka. Huwag mong katakutan ni ikahiya ang pangangatawan sa mga
gawaing-bahay.

2. Panunumpa ng Katapatan sa mga Watawat ng Pilipinas


Ako ay Pilipino
Buong Katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng Sambayanang
Makatao at makabansa

3. Panunumpa ng Lingkod Bayan


Ako’y isang lingkod bayan.
Katungkulan ko ang maglingkod nang buong katapatan at
Kahusayan at makatulong sa katatagan at kaunlaran ng aking bayan.

Sisikapin kong patuloy na maragdagan ang aking kaalaman.


Magiging bahagi akon ng kaayusan at kapayapaan sa pamahalaan.

Susunod at tutulong ako sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas


At alituntunin nang walang kinikilingan.

Isaalang-alang ko ang interes ng nakararami sa antas ng kabuhayan ng mamamayan.

Aktibo akong makikibahagi sa mga dakilang layunin sa lipunan.

Hindi ako magiging bahagi at isisiwalat ko ang anomang katiwalian na makaabot sa


kaing kaalaman.
33
Gagawin kong kapaki-pakinabang ang bawat sandal. Sa lahat ng panahon, sisikapin
kong makatugon sa mga hamon sa lingkod-bayan.

Ang lahat ng ituro para sa ating Dakilang Lumikha at sa ating bayan.

Kasiyahan nawa ako ng Diyos.

4. Kabataan kong ang Palad ay Ano?

Parang kailan lamang. Naroroon ako. Hinahabol ang paruparo. Binabalibagang


bubot na mangga. Tinitirador ang kilyawan. Ngayon, ang lahat ay bahagi na lamang ng
kahapon. Talagang hindi mapipigil ang mabilis na paglipas ng mga oras, ang matuling
paglayo ng mga araw. Sa isang iglap, natakasan ko na pala ang daigdig ng
kamusmusan. Salamat sa kahapong yaon. Nasunod ko ang maraming pagbabawal.
Natutuhan ko ang kahulugan ng oo o hindi pwede at huwag akong pakialaman .
Natuklasan ko ang hiwagang makakubli sa maraming bakit at paano. At higit sa lahat,
naranasan ko ang tunay na layang pakikipag-umpukan ng pakikipagtudyuhan at kung
minsa’y pakikipagbabag. Heto ako ngayon. Binatilyo nang ganap. Pero bakit ganito?
Bakit hindi ko maipaliwanag ang mga pagbabagong nagaganap sa aking sarili? Sa
aking tinig? Sa pamimintog ng aking bisig? Sa kakaibang siglang nadarama? Ngunit
hindi lamang ako ang nagbabago. May natutuklasan akong kahiwagahan sa aking
paligid. Palaisipan sa akin ang mga nakikita ko, naririnig ko, at nadarama ko. Nais kong
makibahagi sa mga pagbabagong iyon. Gusto kong makialam at makisangkot. Sa
pagwawasak sa luma at maling tradisyon upang baguhin at iwasan. Sa pagkalas
samakalumang paniniwala upang palayain ang napapanahong damdamin. Hindi ba’t
ganito ang buhay? Ang mabuhay sa daigdig ay isang pagbubuo, isang pagwawasak
upang muling buuin tungo sa isang napapanahong pagbabago. Hungkag ang buhay ng
sinumang nilikha ng walang tungkuling ginagampanan sa daigdig. Gaano man kaliit ang
tungkulin, ito ay dapat tupadin. Ito ang tanging sukatan ng tao upang mabuhay sa
daigdig. Lakas! Sipag! Tiyaga! Tatag ng loob. Ito ang puhunang nagagawa ko sa aking
pakikisangkot. Kailangan kong gumawa at tupadin ang isang pananagutan para sa
aking sarili, sa kapwa, sa bayan at sa daigdig.

5. Ang Pinoy…Sulong sa Globalisasyon


34
Global warming… Peso devaluation…Economic Sabotage…Oil prices
increase…Destabilization…World market…ilan lamang ang mga ito sa kinakaharap na
problema hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng malalaking bansa sa buong
daigdig. Ngunit paano malulutas ang mga suliraning nabanggit?
Bukambibig ngayon ang katawagang globalisasyon.Sa diksyunaryo, ang
kahulugan ng globo ay daidig, at ang global ay sinomang nauukol sa daigdig, kaya ang
globalisasyon ay pagiging daidig.
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang pagtutulungan ng mga tao at
pag-uugnayan ng mga bansa tungo sa mabilis na pag-unlad lalo na sa larangan ng
pangangalakal, teknolohiya at agham. Sa panahon ng globalisasyon, nakaabang at
Magtatagumpay ka kaya?
Ang tao ang humahanap ng kanyang kapalaran. Totoong magalaga ang
pananalig sa Dakilang Lumikha ngunit iaasa na lang ban g tao ang kanyang
kaparalaran sa Diyos? May nga tayong mga Pilipino na “Nasa Diyos ang awa nasa tao
ang gawa”. Ngunit napakarami ng tungkulin ang Diyos sa kanyang mga nilikha. At
napakarami na ng mga tao sa kanyang kahilingan sa Diyos, sana’y isinasantabi na
lamang muna niya ang kanyang kahilingan alang-alang sa mga taong higit na
nangangailangan tulong at kalinga. Ngunit ang Diyos kaya’y wala ring kapaguran sa
pagtugon sa mga humihiling sa kanya ng atensyon? Paano kung magising na lamang
tayo isang umaga at sabihin ng Diyos sa atin na “Hindi mo dapat iasa sa akin lahat ng
bagay na kaya mong makamit. Para ano pa at pinagkalooban kita ng mga matang
magagamit mo sa pagtanaw mo sa mga bagay na makatutulong sa iyong sarili upang
makamit mo ang iyong minimithi? Para ano pa at pinagkalooban kita ng mga labi
upang magmit mo sa pakikipag-usap at pagpapahayag ng nais sabihin makatulong sa
pag-unlad ng iyong katauhan? Para ano pa at pinagkalooban kita ng isip at ng puso
upang magamit mo nang may katalinuhan at kabutihan na siyang susi ng iyong
tagumpay? Ang mga kamay at paa mo, hindi ba’t magagamit mo rin ang mga ito sa
lalong maaliwalas na pagtahak mo sa landas .

Kung minsan nga, may mga lumapit sa akin, karamiha’y mga nagging
estudyante ko sa dalubhasang pinagtuturuan ko. Ipasok ko raw sila ng trabaho. Kahit
daw saan. Kahit daw ano kung walang bakanteng paaralan na mapagtuturuan.
Nakapanghihinayang. Apat na taong silang nagsunog ng kilay sa dalubhasaan kung
minsa’y higit pa sa apat pero hanggang sa makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa

35
kolehiyo at unibersidad na hindi nagagamit ang kursong kanilang natapos. Ngunit ito ba
ang sukatan upang talikuran nila ang uri ng edukasyong kanilang natamo?
May isa nga akong nagging estudyante na sa pagkakaalaala ko’y nabigyan ko ng
mataas na marka sa Malikhaing Pagsulat, isang asignatura para sa
nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ngunit nang minsan magkita kami ay kapwa kami
nagulat sa isa’t isa. Ikinagulat ko ang trabahong kinasadlakan niya, at marahil iyon din
ang ikinagulat niya nang ako’y kanyang makita. Nagsilbi siya bilang teller sa isang
malaking department store sa Harrison Plaza. Walang masama sa trabahong ito. Ngunit
ang Makita kong kahanay niya ang mga empleyadong hindi nakatapos ng pag-aaral ay
parang may punyal na tumarak sa aking dibdib.
Naalala ko tuloy ang isang artikulong nabasa ko tungkol sa Yurnaong Bridge.
Hen.H. M. Menzi nang ginunita nito ang kanyang kabataan. Ganito ang
pagkakapahayag niya:
“Maaga akong naghahanap buhay,” aniya.“Nang panahon namin ay kailangang
magsikap ka upang ikaw ay mabuhay. Ngayon, karamihan sa kailangan ng mga
kabataan ay halos inaabot lang sa kanila. Napakalapit naman ng paaralan ngunit
sumasakay pa sila sa halip na maglakad na lang.”
Ayon sa magiting na heneral, ang bagay na iyon ay sagwil sa pagiging malikhain
ng isang tao. Lagi na lang daw umaasa sa kabuting ipinagkakaloob ng mga bagay para
sa kanyang sarili. Walang kaparaanan.Paano nga ba naman umunlad ang isang taong
katulad ng kanyang nabanggit?
May mga tao nang mas marami pang nasasabi kaysa sa nagagawa. Kaya ko
iyon. Marating ko iyon. Yayaman din ako. Ito ang madalas nilang sabihin, pero hindi
naman kakikitaan ng pagkilos. Walang hakbang na ginagawa para maging
matagumpay sa buhay.
Sa aking palagay, malaki ang nagagawa ng ating kultura sa di pagtatagumpay
ng isang tao. May mga kilala akong nais umunlad ng buhay. Pupunta raw sa Saudi
upang humanap ng kapalaran. Ngunit bakit hindi naisasakatuparan ang mithiing ito?
Una, tiyak na pipigilin ng mga mahal sa buhay, kung hindi man ang asawa ay ang mga
magulang. Ganito ang kadalasang sasabihin ng mga moralistang kasama sa bahay:
“Matanda na ako. Matitiis mo ba akong di mo makita kung sakaling dumating na ang
huling sandali ng aking buhay? Saka paano ang mga anak mo, ang mga kapatid mo?”
Madaling makapanghina ng loo bang sinasabi ng ilang matandang kasama natin
sa bahay. Ang labis na close family ties, para sa akin ay ugat sa di pag-unlad ng tao,
gayon din ng bayang ating sinilangan. Hindi kaya maaaring takasan ito sandali upang
36
maging maunlad naman ang buhay ng ating kapwa? Isipin na lamang na ang
pangingibang-bansa ay di nangangahulugang itakwil mo ang bayang iyong pinagmulan.
Ito’y hindi pagtakasil sa liping iyong kinagisnan. Manapa’y ito ang landas ng kaunlaran.
Landas tungo sa iyong pananagumpay. Isipin pang karamihan sa mga kababayan
nating nagtatrabaho sa Saudi ay yaong di man lamang nakatuntong nang mataas na
antas ng pag-aaral. Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang edukasyon. Ngunit
nakapanlulumong mabatid na kung sino pa yaong kaunti ang napag-aralan ay siya
pang buo ang loob na suongin ang mapanghamong buhay. Handang iwan ang pamilya
upang kumita, maging ito’y landas sa labas ng bansa. At sa kanyang pagbabalik, higit
pang malaki ang kanyang naipon. Higit pang marami ang kanyang naipundar na gamit
kaysa sa mga taong kung tawagin ay propesyunal. Ang tanging puhunan ay ang lakas
ng loob, determinasyon at ambisyon. Samahan pa ng sipag, talino at tiyag. Magandang
mga puhunan para makamit ang tagumpay.

GAWAIN
Pagsasanay I
Gawain A. Bumuo ng sariling panimula at pangwakas na pahayag na alinsunod
sa nilalaman ng bawat piyesa ng talumpati.

Panimula:________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
._______________________________________
Batas ng Kagitingan at ng ___________________
Kagandahang Asal Pangwakas:_____________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Panimula:________________________________
37
________________________________________
________________________________________
________________________________________
._______________________________________
Kabataan kung ang Palad
ay Ano?

Pangwakas:_____________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Panimula:________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
._______________________________________
___________________
Ang Pinoy…Sulong sa
Globalisasyon Pangwakas:_____________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Panimula:________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
._______________________________________
Magtatagumpay ka kaya? ___________________

Pangwakas:_____________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Gawain B. Patimpalak sa Pagtatalumpati


Panuto: Magsagawa ng pagtatalumpati gamit ang alin man sa mga sumusunod na
piyesa:
38
a. Batas ng Kagitingan at ng Kagandahang Asal
b. Kabataan kung ang Palad ay Ano?
c. Ang Pinoy…Sulong sa Globalisasyon
d. Magtatagumpay ka kaya?

Note: Time Limit: 2 hanggang 5 minuto lamang. Ibedyu ang talumpati at ipasa online.
Pamantayan sa Paghahatol

Katapatan 15% 30%


Piyesa 15%
Pagbubigay-diin
Hikayat 30%
Dating sa Madla 5%
Kakanyahang Pantanghalan 5%
Kilos, galaw, kumpas 15%
Ekspresyon ng mukha 5%
Tinig 20%
Lakas 5%
Taginting 5%
Kaangkupan ng diwa atdamdamin 10%
Bigkas 20%
Matatas at maliwanag 10
Wastong Pagbubukod ng salita 5%
Diin/Himig 5%
KABUUAN 100%

SANGGUNIAN
Austero, Cecilia S., et al. 2013. Retorika at Masining na Pagpapahayag. Sta. Mesa,
Manila: Rajah Publishing House.
Bernales, Rolando A., et al. 2007. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2018. Retorika at Diskurso sa Wikang Filipino. Malabon
City:
Mutya Publishing House., Inc.

39
Hufana, Nerissa L., et al. 2018. Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City:
Mutya Publishing House., Inc.
Sanchez, Remedios A., et al. 2014. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Intramuros,
Manila: Unlimited Books Library Services & Publishing Inc.

https://www.youtube.com/watch?v=b-Yrb3VqvDE
https://www.youtube.com/watch?v=Gvfrlo-6-vI
https://www.youtube.com/watch?v=XVF39RZmFgU
https://www.youtube.com/watch?v=2rwb4CArsKo
https://www.youtube.com/watch?v=puansWk7U54
https://www.youtube.com/watch?v=Qu1c2s2WcTE
https://www.youtube.com/watch?v=5YcsfZcrgWA
https://www.youtube.com/watch?v=RrfmId1EuZ0
https://www.youtube.com/watch?v=vX1T5tsNh_o

40

You might also like