You are on page 1of 39

Modyul 1

Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig at sa Pilipinas

Bunga ng Pagkatuto:

1. Napahahalagahan ang kasaysayan ng pagsasalin sa bansa at daigdig .

I. Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig


Ang kinikilalang unang tagasalin ay si Andronicus na siyang nagsalin ng Odyssey ni Homer sa
anyong patula (240 B.C.) Sinundan ito nina Naevius at Ennius, gayon din nina Cicero at Catulus.
Sa pagdaraan ng maraming taon ay dumami nang dumami ang mga tagasaling-wika na siyang
nagdulot ng malaking pag-unlad ng mga bansa sa Europa at Arabya. Nakilala ang lungsod ng
Bagdad bilang isang paaralan ng pagsasalingwika sa pamamagitan ng isang pangkat ng mga
iskolar na nakaabot sa Bagdad at isinalin sa Arabiko ang mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galea,
Hippocrates at iba pa. Pagkaraan ng tatlong siglo, Toledo naman ang sumibol sa larangan ng
pagsasalingwika. . Ang mga tanyag na tagapagsalin ay sina Adelard at Retines. Ang sinasabing
pinakataluktok na panahon ng pagsasalingwika ay ang panahon ng pagsasalin ng Bibliya.

Ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin ni Martin Luther (1483-1646).
Ang kinikilalang “Prinsipe ng Pagsasalingwika” sa Europa ay si Jacques Amyot na siyang
nagsalin ng “Lives of Famous Greeks and Romans” (1559) ni Plutarch sa wikang Aleman.

Si John Dryden ay ibinibilang din na isang mahusay na tagapagsalin dahil pinag-uukulan niya
ng maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin sapagkat naniniwala siyang ang pagsasalin ay
isang sining.
Noong 1792, sa aklat na “Essay on the Principles of Translation” ni Alexander Tyler, binigyang
diin ang tatlong panuntunan sa pagsasalin. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Ang isang salin
ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa; Ang istilo at paraan ng pagsulat ay
kailangang katulad ng sa orihinal; Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng “luwag at dulas”
ng pananalitang tulad ng sa orihinal upang hangga’t maaari ay magparang orihinal. Ayon naman
kay Matthew Arnold ang isang salin ay kailangang magtaglay ng bisang katulad ng sa orihinal.
Ang paniniwalang ito ay sumasalungat sa paniniwala ni F.W. Newman na ang isang salin ay
kailangang matapat sa orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kanyng binabasa
ay isang salin at hindi orihinal. Sa pagsapit ng ikadalawampung siglo ay isa na lamang
karaniwang gawain ang pagsasalingwika kaya naman ang uri ng mga nagsisunod na salin ay
mababa sa uring nararapat.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 1
A. Ang mga Pagsasalin sa Bibliya
Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya ay sinasabing wala na. Ang kauna-unahang
teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang pinaniniwalang pinagmulan ng
salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag na Septuagint gayon din ang salin ni
Jerome sa wikang Latin.

Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay Jerome (Latin), ang kay
Luther (Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera). Samantalang ang kauna-unahang
salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wyclif. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano
ay nakilala sa tawag na Douai Bible. Sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya,
naging panuntunan na ang pagsasalin ay maging matapat sa orihinal na diwa at kahulugan ng
Banal na Kasulatan, dito nga nakilala ang “Authorized Version”. Ang maituturing naman na
pinakahuling salin ng Bibliya ay ang “The New English Bible” (1970) na inilimbag ng Oxford
University. Sa dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa rin ang
muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan: (1) Marami nang mga natuklasan ang
mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin; (2)
Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang naging daan ng
pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya; (3) Ang sinaunang wikang ginamit sa
klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng kasalukuyang mambabasa bukod sa
kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

B. Ang mga Pagsasalin sa mga Akdang Klasika

Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal na nasusulat sa Griyego
at Latin, ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin mang salin ay hindi makakapantay sa
orihinal sapagkat ang wikang Griyego ay isang wikang maugnayin, mabisa, tiyak at waring may
aliw-iw na nakaiigayang pakinggan.
Dalawang pangkat ang mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang Griyego, ito ay ang
makaluma o Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Ang layunin ng mga makaluma ay
maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian
ng kanilang isinasalin kaya naman pinapanatili nila ang paraan ng pagpapahayag, at balangkas
ng mga pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa wikang pagsasalinan. Kasalungat naman
ito ng paniniwala ng mga makabago na nagsasabing ang salin ay dapat nahubdan na ng mga
katangian at idyoma at nabihisan na ng kakanyahan ng wikang pinagsalinan.
Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin ng mga Akdang Klasika
1.Gaya ng pagkakaalam natin, ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga
orihinal na nasusulat sa Griyego at Latin. Sa pagpasok sa ika-20 siglo, ang daigdig ng
pagsasaling-wika ay halos umiinog lamang sa pagsasalin sa Ingles ng mga literatura ng Griyego
at Latin.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 2
2.Ayon kay Woolf, ang wikang Griyego ay isang wikang may pang-akit na waring
napakamakapangyarihan. Ito aniya ay maugnayin, mabisa, tiyak, at waring may aliw-iw na
nakaliligayang pakinggan.
3.Mapapangkat sa dalawang ang tagasaling-wika sa Ingles ng Panitikang Griyego.
4.Maraming henerasyon ding nangibabaw ang wikang Griyego sa lipunan ng mga iskolar at pala-
aral. Sa katotohanan, haggang sa mga unang taon ng kasalukuyang siglo, ang kaalaman sa
wikang Griyego sa dakong Europa at maging sa ilang dako ng daigdig ay kinikilalang tatak ng
isang taong may mataas na pinag-aralan.
5.Ang panitikang Griyego ay laging babalik-babalikan ng mga iskolar at mananaliksik sa buong
daigdig sapagkat malaki ang naging impluwensya nito sa panitikan ng lahat halos ng wika.
Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangang maging literal hangga’t
maaari maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa kalikasan ng wikang pinagsasalinan.
Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang istilo ng awtor kung ang isang
mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Sa kabila ng magkasalungat na opinyong nabanggit
ay may ikatlong opinyong lumitaw, ito ay ang paniniwalang hindi makatwirang piliting ipasok sa
wikang pinagsasalinan ang mga kakanyahan ng wikang isinasalin. Pareho naman ang paniniwala
nina Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng mga akdang klasika ay dapat
maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain. Sa mga pagsasalin ni
F.W. Newman sa mga akda ni Homer, pinilit niyang mapanatili ang kakanyahan ng orihinal
hangga’t maaari dahil naniniwala siya na kailangang hindi makaligtaan ng isang mambabasa na
ang akdang binabasa ay isa lamang salin at hindi orihinal. Sumasalungat naman sa paniniwalang
ito si Arnold na tagapagsalin din ni Homer. Ayon sa kanya, ang katapatan sa pagsasalin ay hindi
nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin. Samantala,
unti-unting nahalinhan ng Roma ang Atenia bilang sentro ng karunungan nang mga panahong
iyon.
Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng “Aeneid” ni Virgil (na siyang pinakapopular sa
panulaang Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng tagapagsalin ang tono at damdamin,
kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.

II. Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas


Ang kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas ay mahahati sa limang yugto: Panahon ng
Kastila; Panahon ng Amerikano; Panahon ng Patakarang Bilinggwal; Panahon ng Pagsasalin ng
Panitikang Di-Tagalog at Panahon ng Afro-Asian Literature
A. Unang Yugto – Panahon ng mga Kastila
Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nagsimula sa pangangailangang mapalaganap ng mga
mananakop na Kastila ang relihiyong Iglesia Catolica Romana. Kinailangan ang pagsasalin sa
Tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga dasal at mga akdang panrelihiyon. Ngunit hindi
naging konsistent ang mga Kastila sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 3
kanilang karanasan sa pananakop, higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga katutubo at naging mas katanggap-
tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika
sa pagtuturo ng salita ng Diyos. Ang ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga Kastila
ay ang pangamba na kung matuto ang mga Pilipino ng wikang Kastila ay maging kasangkapan
pa nila ito sa pagkamulat sa totoong kalagayan ng bansa. Sa paglisan ng kapangyarihang
Espanyol sa Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang nasa wikang Kastila.
B. Ikalawang Yugto – Panahon ng mga Amerikano
Sa panahong ito, naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga akdang klasikang
nasa wikang Ingles. Edukasyon ang pangunahing patakarang pinairal ng Amerika kaya naman
“bumaha” sa ating bansa ang iba’t ibang anyo at uri ng karunungan mula sa Kanluran lalo na sa
larangan ng panitikan. Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di-tuwiran, ibig
sabihin ang isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin.

Isa sa mga tagasaling marami ang naisaling klasikong akda ay si Rolando Tinio. Ang mga dulang
isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa Kamaynilaan lalo na CCP.Isang magandang
proyekto rin ang isinagawa ng National Bookstore (1971) kung saan ipinasalin ang mga popular
na nobela at kwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa paaralan. Ang ilang halimbawa
ay ang mga kwentong “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”, “The Little Red Hen” at iba pa.
Ang Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina
Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa. Ang Children’s Communication Center naman ay nagsalin at
naglathala ng mga akdang pambata tul ad ng “Mga Kuwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at
Sita”, Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at iba pa.
C. Ikatlong Yugto ng Kasiglahan – Patakarang Bilinggwal
Ang ikatlong yugto ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat
sa Ingles tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa. Kaugnay ito ng
pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Ayon sa Department
Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.
Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin ang mga pagsasalin sa Filipino ng
mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles. Ang ilan sa mga halimbawang isinalin sa
panahong ito ay ang mga gabay pampagtuturo sa Science, Home Economics, Good Manners
and Right Conduct, Health Education, at Music. Isinalin din ang Tagalog Reference Grammar,
Program of the Girl Scouts of the Philippines at iba pa.
D. Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan – Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di-
Tagalog
Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo ng
panitikang pambansa. Ang tinatawag nating “pambansang panitikan” ay panitikan lamang ng
mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-
etniko ng bansa. Upang maisakatuparan ito nagkaroon ng Proyekto sa Pagsasalin ang LEDCO
(Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary Language Teacher
Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng Ford Foundation. Inanyayahan sa isang
kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing
GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino
Luzchel L. Du, LPT 4
wika ng bansa (Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan.
Pinagdala sila ng piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang magamit sa
pagsasalin. Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature,
Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa.

Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano. Pumili ang mga
manunulat na Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco at isinalin sa Filipino,
pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at tinawag na KURDITAN. Sa pamamagitan ng
pagsasalin, ang mga kwentong orihinal na sinulat sa Iloco ay nalagay na sa katayuan upang
mapasama sa pambansang panitikan sapagkat meron nang bersyon sa wikang pambansa.
E. Ikalimang Yugto ng Pagsasalin – Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian
Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang Afro-Asian. Kinailangan ang
pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng
Afro-Asian.
Ayon kay Isagani Cruz, “Para tayong mahihina ang mga matang mas madali pang makita ang
malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa natin.” Ang pagsasama sa kurikulum ng panitikang
Afro-Asian ay masasabing pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong mga nakaraang
panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin ng panitikang Kanluranin at hindi ng panitikan ng
mga kalapit na bansa.

Kaugnay nito nagkaroon ng pagsasalin ng isang pangkat ng mga manunulat ng mga piling
panitikan ng mga kalapit na bansa (pinondohan ng Toyota Foundation at Solidarity Foundation)
na tinawag na Transalation Project.
Pinangunahan naman nina Rolando Tino at Behn Cervantes ang pagsasalin ng banyagang
akdang nasa larangan ng drama.
Samantala, may ilan ring pangkat o institusyong nagsasagawa ng mga proyektong pagpapaunlad
ng wikang pambansa, ito ay ang NCCA (National Commission on Culture and Arts) at PETA
(Philippine Educational Theatre Association). Isinalin naman ng Komisyon sa Wikang Filipino ang
mga karatula ng iba’t ibang departamento at gusali ng pamahalaan, dokumento, papeles para sa
kasunduang panlabas, Saligang Batas at iba pa. Sa kabila ng mga kasiglahang nabanggit, ang
pagsasaling-wika bilang isang sining ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang kuna o duyan,
lalo na kung ihahambing sa antas ng kaunlaran sa larangang ito sa ibang kalapit-bansa natin sa
Silangang Asia. Ang isa pang hindi naisasagawa hanggang sa ngayon ay ang paghahanda ng
isang talaan ng mga tagapagsaling-wika o registered translators. Maaaring isagawa ng Komisyon
sa Wikang Filipino ang paghahanda ng kinakailangang mga instrumento sa pagsusulit at sistema
o prosedyur sa pagwawasto at iba pang bahagi ng proseso. Ang pagtatatag ng samahan sa
pagsasaling-wika ay maaaring makatulong nang malaki sa pagpapasigla ng mga gawain sa
larangang ito.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 5
Pagsusulit #1:
Essay:

1. Ibuod ang kasaysayan ng Pagsasalin sa daigdig. (15 puntos)


2. Ibuod ang kasaysayan ng Pagsasalin sa Pilipinas. (15 puntos)

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 6
Modyul 2
Pagsasaling Pampanitikan at Pagsasaling Teknikal

Bunga ng Pagkatuto :
1. Natutukoy ang uri, kahulugan at katangian ng pagsasaling pampanitikan at teknikal.

Pagsasaling Pampanitikan
Ang pagsasaling pampanitikan ay isang uri ng pagsasaling naiiba sa pangkaraniwan at
pangkalahatang konsepto ng pagsasalin. Sinasalamin ng pagsasaling pampanitikan ang
imahinasyon, matayog na kaisipan, at ang intuitibong panulat ng isang may-akda. Sa katunayan,
natutukoy kung ano ang isang akdang pampanitikan dahil sa taglay nitong estetika.

KAHULUGAN NG PAGSASALING-WIKA
Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat mula sa wika sa pang wika. (English tagalog
dictionary ni Fr. Leo james English). Ito’y paglilipat ng isang teksto mula sa isang wika tungo sa
teksto ng isa pang wika. (“A linguistic Theory of translation’ ni J. Clifford). Ito’y ang ang paglilipat
sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad sa
wikang sinalin. (Dr. Alfonso Santiago sa kanyang “Sining ng pagsasaling wika). Binuod ni Belhaag
(1997: 20) ang mahahalagang katangian ng pagsasaling pampanitikan:
Ekspresibo- ginagamit para sa layuning pagpapahayag ng nadarama.
Konotatibo- proseso ng pagpapahiwatig ng karagdagang kahulugang literal.
Pragmatiks- ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.
Simbolikal- mga simbolong kumakatawan sa letra, imahe o kaya’y kumpas na may
natatagong kahulugan
Nakapokus sa anyo at nilalaman
Subhektibo - pumapanig sa damdamin at paniniwala sa damdamin ng may akda.
Bukas sa iba’t ibang pagpapakahulugan o interpretasyon
Hindi kumukupas at may katangiang unibersal
Gumagamit ng mga natatanging pamamaraan upang itampok ang bisang
pangkomunikatibo isang pagkiling sa intensiyong humiwalay sa mga alituntuning
pangwika/panggramatika.

Mga Uri Ng Pagsasalin


1. Sansalita-bawat-sansalita
Ito ang tinatawag sa ingles ng word-for-word translation. Isa sa isang pagtutumbas ng
kahulugan ng salita. Maganda itong gawain bago gawan ng pinal pagsasalin lalo na sa mga
mahihirap unawaing teksto.
Orihinal:

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 7
Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education.
Salin:
Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa
pamamagitan edukasyon.

2. Literal
Sa pagsasaling literal ang pahayag ay isinalin sa pinakamalapit na gramatikal na
pagkakabuo sa pinagsalinang wika. Kung minsan nagiging masalita ito at nagiging mahaba ang
pahayag. Tulad ng unang paraan, labas sa konteksto at literal na isinalin ang salita. Maaaring
gamiting panimulang hakbang o pre-translation process.

Orihinal:
Father bought Pedro a new car.
Salin:
Ang tatay ay ibinili si Pedro ng isang bagong kotse.

3. Adaptasyon
Ang saling adaptasyon ay itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin. Madalas gamitin
sa salin ng dula at tula, na kung minsan ay tila malayo na sa orihinal.

Orihinal:
Ah, woe! Celestial king who mortal from dost keep, would rather than be sovereign be
shepherd of thy sheep?
Salin:
Kay lungkot! O hari ng sangkalangitan, nagkakatawang-tao’t sa lupa’y tumahan, hindi mo
ba ibig na haring matanghal kundi pastol naming na kawan mong mahal?

4. Malaya
Gaya sa taguri nito, Malaya ito at walang control at parang hindi na isang salin.
Orihinal:
For the last twenty years since he burrowed into this one-room apartment near Baclaran
Church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakerwater which
stretched from a sandy bar into the murky and oil-tinted bay.
Salin:
GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino
Luzchel L. Du, LPT 8
Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa
simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin
at malangis.

5. Matapat
Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na kahulugang konntekstuwal ng
orihinal bagaman may suliranin sa estrukturang gramatikal na nagsilbing hadlang sa pagkakaroon
ng eksaktong kahulugang kontekstuwal

Orihinal:
And like the old soldier of that ballad, I know close my military career and just fade away,
an old soldier who tried to do this duty.
Salin:
At tulad ng matandang kawal sa kuwentong-awit na iyon , itiniklop ko na ang aklat ng
aking pagiging lingkod sa hukbo, upang mawalang dahan-dahan , isang matandang kawal na
sumubok manuparan sa kaniyang tungkulin.

6. Idyomatikong Salin
Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. Hindi nakatali sa anyo,
ayos o estruktura ng isinasalin bagkus inaangkop ang bagong teksto sa normal at natural sa anyo
ng pagsasalin.

Orihinal:
Still wet behind the ears
Salin:
May gatas ka pa sa labi
7. Saling Semantiko
Sa paraang ito ng pagsasalin ay pinagtutuunan nang higit ang aesthetic o halagang
estetiko, gaya ng maganda at natural na tunog, at iniiwasan ang anumang masakit sa taingang
pag-uulit g salita o panyig sa pagsasaling ito.

Orihinal:
O Divine master, grant that I may not so much seek to be understood: to be loved as to be love;

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 9
Salin:
O Bathalang panginoon itulot mong naisin ko pa ang umaliw kaysa aliwin umunawa kaysa
unawain; magmahal kaysa mahalin.

8. Komunikasyong Salin
Sa komunikasyong salin, isinasalin ang eksaktong kontekstwal na kahulugan n g orihinal
sa wikang katanggap tanggap at madaling maunawaan.

Orihinal:
all things bright and beautiful
all creatures great and small
all things wise and wonderful
the Lord God made them all.
Salin:
ang lahat ng bagay, maganda’t makinang
Lahat ng nilikhang dakila’t hamak man
may angking talino at dapat hangaan
lahat ay nilikha ng poong maykapal.

IBA PANG URI NG PAGSASALIN

1. Intralingguwal na Pagsasalin- uri ito ng pagsasalin na kung saan isinasalin ang akda gamit
ang kaparehong lengguwahe sa orihinal.
2. Interlingguwal na Pagsasalin- ang akda ay isinasalin gamit ang ibang lengguwahe. Ito rin
ay kilala sa tawag na “translation proper”
3. Intersemiotic- isang uri ng pagsasalin na gumagamit ‘gesture’ o ‘mathematical or musical
systems’ bilang paraan ng pagsasalin.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 10
Pagsasaling Teknikal

Mula sa Griyegong techne na maaring katumbas ng “sining” o kasaysayan sa pagsasaling


teknikal.Epektibong paglilipat ng naturang espesyalisadong impormasyon upang pakinabangan
ng mga teknisyan, manedyer na teknikal, opereytor ng mga makina, o mga mananaliksik sa
TL.Binabasa ang tekstong teknikal dahil may gustong matutunan ang isang tao. Ito rin ang
kailangang maging epekto ng pagsasaling teknikal sa mambabasa ng Tl. Napakahigpit ang
pangangailangan na ang isinasaling impormasyon, lalo na't teksto sa pagtuturo, ay ganap na
maipaloob ng tagasalin sa mga tuntunin at pamantayang pangwika at pangkultura ng kaniyang
target na mambabasa.
Kalimitan, nakatali sa mga tekstong teknikal ang pagpapakahulugang ibinibigay sa
pagsasaling teknikal. Dahil itinuturing na informative/ referential ang mga tekstong teknikal ,
inaasahan na ang pagsasalin ay maging “teknikal” din ang dating; ibig sabihin, dapat “walang
puso;” o ayon nga sa isang kaibigan, dapat ay “wakabu” o walang kabuhay-buhay; o sa isang
salita, “boring”. Sinasabing kinakailangan na ang pag sasalin ng mga tekstong teknikal ay hindi
mabahiran ng anumang damdamin; hindi dapat magkaroon ng katangiang expressive o affective.
Maisalin lamang nang tama ang mga impormasyon-- “sapat na.”

Mga halimbawang website na mapagkukuhanan ng sapat na impormasyon


www.translatorsbase.com
www.odesk.com
www.freelancer.ph
www.elance.com
www.proz.com
www.translatorcafe.com

Magpa hanggang ngayon, wala naman kasing anumang licensing agency sa bansa ng
pagsasalin at wala ring anumang mekanismo sa kasalukuyan na maaring magsilbing
tagapagbantay o tagapangalaga ng kapakanan ng mga nag nanais na magtangka at sumabak
sa gawaing pagsasalin.

Mula sa Tagging ng mga teksto hanggang sa pagbabantay ng QA ( Quality Assessment ) ng salin


ng mahigit 500,000 salita upang magsilbing korpus ng software na aayon sa itinakdang
pamantayan ng National University of Singapore na katuwang ng pamantasan para sa
pagsasagawa ng proyekto, at hanggang sa mahikayat ang dalawang departamento ang Filipino
at Natural Language Processing na maging totoong “partners ” o magkatuwang sa adhikaing ito,
maituturing kong totoong mabagal ang pagsulong ng MT. Oo, pero patuloy ito at masigasig na
nakikilahok ang mga naturang technical experts at language experts.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 11
Totoong hanggang sa kasalukuyan ay wala pa tayong maituturing na matino at marangal
na MT sa Filipino kung kaya't marami ang nagsusulong lalo na mula sa larang ng MT o Machine
Translation na makalinang ng mga naturang kagamitan sa pagsasalin na inaasahang
makatutulong nang pagsasalin- teknikal man o pampanitikan.

Mga Uri Ng Tekstong Teknikal

“Kinakailangang maging malay ang isang tagasalin sa realidad na kung tutuusin, wala
naman talagang maituturing na tekstong teknikal dahil hindi naman ito isang genre; sa halip, ang
mayroon lamang ay ibat’ ibang uri ng mga tekstong gumagamit sa teknikal na lengguwaheng, at
mga tekstong nag-uugat sa ibat' ibang disiplina”- Zethsen (2001)
Narito ang ilang kalimitang halimbawa ng mga alam na nating tekstong teknikal:

1. Mga teksbuk
2. Gabay at/o manwal
3. Encyclopedia
4. Mga artikulong syentipiko at akademiko
5. Mga patakaran o pamamaraan

Narito naman ang iba't iba pang uri ng mga materyal na maituturing ding may katangiang teknikal:

1. Mga dokumentong legal


2. Technical reports
3. Brochures
4. Mga liham
5. Mga katitikan ng pulong
6. Mga taunang ulat/ annual reports
7. Manuskrito ng mga talumpati at panayam
8. Survey forms

Bagama't kadalasang tinutukoy ang mga tekstong teknikal batay sa mga espesyalisadong
termino o “register” na tgalay nito, at sa katangian ng estrukturang gramatikal ng materyal gaya
ng:

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 12
1. Laging nasa ikaytlong panauhan.
2. Mahahaba at komplikado ang mga pangungusap
3. Mahihirap ang mga salitang ginagamit at/o malalim ang mga konseptong tinatalakay, at
4. Kalamitang gumagamit ng mga di-karaniwang anyo ng pangungusap, hindi maikakaila na higit
pa sa mga nabanggit ang katangian ng inaasahang produksiyon ng mga tekstong teknikal.

Pagsasalin ang mga halimbawa ng isang abstrak ng isang artikulong isinabmit para sa
publikasyong Malay ng DLSU:
Ang paggamit ng Trigram Ranking bilang Metrong Pansukat sa Similaridad ng mga Wika/
Using Trigram Ranking as Metric for Language Similarity
Nathaniel Oco, Racquel Sison-Buban, Leif Romeritch Syliongka, Rachel Edita Roxas, Jocel Ilao.

PANGUNAHING KONSIDERASYON SA BERSIYONG SALIN SA PUBLIKASYON

1. Pragmatiks ng salin
- Pansinin na ang estilo ng salin sa pampublikasyong bersiyon ay umaayon sa kahingian
ng estruktura ng pangungusap na nasa karaniwang ayos sa Filipino. Hangga't maaari, iniwasan
ang paggamit ng panandang pangkayarian na “ay” upang maging maikli, natural at madulas ang
salin. Samakatwid, lihis ang ekstruktura ng mga pangungusap sa bersiyong ito sa estruktura ng
wikang Igles. Sa ibang salita, mas ginagamit ang estilo ng lengguwaheng ng wika ng target na
mambabasa kaysa sa estilo ng lengguwaheng ng may-akda.
2. Konteksto ng salin
- Ang saliksik-papel na isinumite ay bunga ng pag-aaral na kolaboratibo ng mga lumahok
sa paglikom at paglilinis ng datos na ginagamit para masubok ang trigram ranking.
Kinakailangang matiyak at masunod ang mga kahingian sa anumang pananaliksik gaya ng
rekisitos sa pagbubuo ng Abstrak ng pag-aaral na may limitasyon sa bilang ng mga salita at
pagbabalangkas ng mga bunga ng pag-aaral. Dapat ding ikonsider ang mga teknikal na salita no
rehistrong panlarangan sapagkat dapat ding isaisip na ang mismong pag-aaral ay may
pinanggagalingang disiplina at may itinakdang pamantayan ang publikasyong piniling mamahagi
ng bunga ng pananaliksik.
3. Intensiyon ng orihinal na awtor/salin
- Layunin ng grupo ng nagsagawa ng pananaliksik at nagsulat ng artikulo na mailathala at
nang sa gayon ay mapalaganap ang iba't ibang pananaliksik na isinagawa ugnay sa MT software
development para sa Wikang Filipino ay kinbakailangang ma-disseminate at maipaabot sa
kaalaman hindi lamang ng mga technical expert/s na maka-Ingles, kundi higit sa lahat, nararapat

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 13
na maging ang mga guro at praktisyoner ng wikang Filipino ay maabot ng naturang kabatiran o
apdeyt pangkaalaman. Ang usapin ng adbokasiyang pang-akademiko vs adbokasiya ng
popularisasyon ay mataman pang sinisipat at hinihingan ng payo mula sa iba't ibang larang.
4. Target na mambabasa ng salin
- Inaasahang ang mga magbabasa ng salin (kung sakali man at ilathala ng publikasyong
Malay) ay sinumang marunong magbasa sa wikang Filipino, mga guro at praktisyoner ng wikang
Filipino na maaring nasa Pilipinas at/o ibang bansa. Kung gayon, makatwiran lamang na mas
bigyang-konsiderasyon ang estilo ng pagwiwika ng mga inaasahang target na mambabasa
bagama't hindi maikakailang sa wikang Ingles kadalasang nakaangkla ang disiplina ng
teknolohiya.
- Ayon nga kay Wills (1969:95), “The notion of translaion competence, is aptly assessed in
transfer situations that require at least some degree of adaptation to new and challenging textual
demands.”
Ayon nga kay Wills (1969:95), “The notion of translaion competence, is aptly assessed in
transfer situations that require at least some degree of adaptation to new and challenging textual
demands.”
Dagdag pa niya, kailangan ng tagasalin na matutong ikonsider ang mga tinatawag na
“accomodatory situations”, na maaring mangailangan ng tinatawag na “structural adjustments” at
kung kadalasa'y “textual manipulations”.
Mga Hamon Sa Pagsasaling Teknikal
✓ Maingat sa pagunawa sa gamit ng bawat salita sa SL upang mabigyan ng angkop na
katapat sa TL.
✓ Mahalaga din naman ang pagsisikap na maglista ng mga ginagamit na pantumbas sa
mga terminolohiya sa bawat disiplina upang maging palagiang sanggunian sa pagsasalin
para sa layuning maging konsistent.
✓ Mga terminolohiya sa isang partikyular na propesyon. Tuntunin ng KWF (Komisyon ng
Wikang Filipino) ang pagpapanatili ng orihinal na salitang siyentipiko at teknikal-- Ingles
man, Espanol, German, o Latin.
✓ Sapat na kaalaman sa paksa.
Mga Katangiang Kailangan Ng Tagasaling Teknikal
1. Kaalaman sa paksa
2. Mga kasanayan sa saliksik.
3. Mga kasanayan sa Pagtuturo
4. Mga kasanayan sa pagsulat.
KONKLUSYON
Sa mga iniharap na talakay at mga halimbawa, nabuo ang sumusunod na mga paniniwala:
(1) Hindi lamang pagsasalin ng nilalaman at impormasyon ang inaasahan sa anumang
pagsasaling teknikal; mahala ga rin ang kakawing nitong tungkuling pangkomunikasyon na may
pagsasaalang-alang sa konteksto at intensiyon ng salin, nagpapasalin, at target na mambabasa

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 14
ng salin sapagkat ang mga salik na ito ang magbibigay-pahiwatig sa magsasalin kung ano ang
lengguwahengng kanyang gagamitin sa kanyang salin;
(2) Hindi lamang suliranin sa pagtutumbas sa mga terminolohiya at kaaalaman sa mga
wikang kasangkot sa pagsasalin ang maituturing na suliranin sa pagsasalin; mahalaga ring
mabigyan ng karampatang atensiyon at pagpapahalaga ang mga usapin ng kawastuang
pansemantika, kabisaan ng estilo ng mga pangungusap, at pagpapahayag na gagamitin sa salin,
kahalagahan ng teksto bilang materyal na isinasalin, at mga kaakibat na daynamiks ng mga
sitwasyong pangkomunikasyon nito;
(3) Walang iisa o tiyak na estilo ng pagsasalin o lengguwaheng ng pagsasalin ang
makapagbibigaygarantiya sa pagsasaling teknikal; sapagkat ang isang materyal ay maaaring
mabago, madagdagan, batay sa kahingian ng pag-aangkop sa sitwasyong pangkomunikasyon
ng mga target na mambabasa; ang pagsasaling teknikal ay hindi usapin ng tekstong teknikal;
kundi, usapin ito ng paggamit ng lengguwahengng teknikal;
(4) Tulad ng pagsasaling pampanitikan, maituturing ding isang malikhaing gawain ang
pagsasaling teknikal. Mahalaga ang kakayahang pangwika, subalit mahalaga rin ang kahusayan
o kompetensi ng isang tagasalin sa paghanap ng iba’t ibang pamamamaraan ng pagpapaliwanag
sa kahulugan, pagtitiyak ng layunin sa pagpapakahulugan, pagtutumbas sa mga terminolohiya,
at pahayag na kultural; at higit sa lahat;
(5) Kinakailangan, higit kailanpaman, ngayon ang panahon upang magkaroon ng isang
ahensiya o isang sangay ng gobyerno na maaaring tumayo bilang tagapagbantay,
tagapagtaguyod, tagapagingat, at tagapangasiwa sa mga usapin na may kinalaman sa programa
at gawaing pagsasalin at ng mga nagsasalin. Totoong mabigat ang kahingiang ito sa usapin ng
pagsasalin, subalit, isaalang-alang na ang papel ng wikang Filipino sa pagtataguyod ng
intelektuwalisayong pangwika ay hindi matatawaran kung titingnan natin ito sa konteksto ng
globalisasyon.

Pagsusulit # 2

Essay:
1. Matapos mabasa ang mga uri ng pagsasalin, kung ikaw ay pagsasalinin ng isang akda ano
ang iyong pipiiling uri at bakit ito ang iyong napili? (20 puntos)
2. Bilang mag-aaral sa kolehiyo,paano mo nakita ang kahalagahan ng pagsasalin sa Pilipinas?
(15 puntos)

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 15
Modyul 3
Pagsasalin at Pambansang Kaunlaran

Bunga ng Pagkatuto:

1. Nakabubuo ng naratibo hinggil sa pagsasalin at pambansang kaunlaran batay sa wikang


katutubo, rehiyunal na material, kaalamang bayan at industriya.

Ang Wikang Katutubo sa Pilipinas


Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan ang pinakabagong
dalawampung pisong papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakasaad doon ang
“Filipino as the National Language 1935” ngunit itinatanong ng ilan ang katumpakan ng gayong
pahayag.Hindi totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang
pambansa. Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at
magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika” (akin ang diin). Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o
magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring napipili noong
1935 kung aling katutubong wika ang magiging batayan ng pambansang wika.Mababatid lamang
ang halaga ng pambansang wika kapag isinaalang-alang na ang Espanyol at Ingles noon ay
umiiral bilang mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Ang siniping probisyon sa Saligang Batas
ng 1935 ay ipinaglaban ng mga delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tagalog.
Kabilang sa pangkat sina Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines
Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto
Romualdez (Leyte). Si Romualdez na dating batikang mahistrado ang sumulat ng Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre
1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang
nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng
lahat.”Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na
mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng
isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang
pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang
tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang
napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at
kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano),
Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio
Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng
nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga
lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa
kapansanan; samantalang si Butu ay namatay nang di-inaasahan.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 16
Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.” Ngunit magkakabisa
lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.
Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at pagpapalathala ng A
TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang
Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang
Wikang Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas
pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap
ng Filipinas [Philippine Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na
ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan.
Nagwakas ang gayong ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon. At muling
ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at
negosyo. At upang matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring seminar ang
idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP (1941–1946). Halimbawa,
iminungkahi ang paglalaan ng pitak o seksiyon para sa wikang pambansa sa mga pahayagang
pampaaralan nang masanay magsulat ang mga estudyante. Pinasimulan noong panunungkulan
ni Julian Cruz Balmaseda ang Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga talasalitaan sa mga
espesyalisadong larang ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at
heometriya. Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago naging
opisyal noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong 1950. Ipinatupad ang Linggo ng
Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto. Itinampok ang
lingguwistikang pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Filipinas noong
panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa ang mga
palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog
Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo. Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng
Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang
Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino”
alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino
alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng
mga salita mula sa mga dayuhang wika.” Sa panahon ni Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay
nagbunsod ng mga pananaliksik na may kaugnayan sa sosyo-lingguwistika, bukod sa
pagpapalakas ng patakarang bilingguwal sa edukasyon. Naipalathala ang mga panitikan at salin
para kapuwa mapalakas ang Pilipino at iba pang katutubong wika.
Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa
naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.” Kung paniniwalaan
ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin
nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika.”

Ano ang maaaring ipakahulugan nito? Na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang ahensiyang
pangwika na magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na ang “Pambansang
Wika” na nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang pangangailangang
payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa ang tinatanggap na
mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang pambansang wika ay

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 17
kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may mandatong higit sa itinatakda ng
“pagsusuri” ng mga wika.

Kaya naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon
Aquino nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit sa SWP. Malulusaw
pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito
ang pagtatatag ng isang komisyon ng pambansang wika. Naisakatuparan ito nang maipasa ang
Batas Republika 7104 noong 14 Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang makapagmumungkahi ng mga hakbang, plano,
patakaran, at gawain hinggil sa mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang pambansang
wika. Maihahalimbawa ang kasong isinampa ni Inocencio V. Ferrer noong 1965 laban kay
Direktor J.V. Panganiban at mga kagawad ng SWP; o kaya’y ang kasong isinakdal ng Madyaas
Pro-Hiligaynon Society laban sa SWP upang pigilin itong isakatuparan ang gawaing bumuo ng
pasiyang pangwika na labag umano sa Saligang Batas. Nagwagi ang panig ng SWP na kinatigan
ng korte, at sinabing may batayang legal ang pag-iral ng nasabing tanggapan, bukod sa kinilalang
ang “pagdalisay” at “pagpapayaman” ng katutubong wika [i.e., pagpapakahulugan at talasalitaan]
ay kaugnay ng proseso ng “pagtanggap” o “pag-angkin” ng mga salita o impluwensiya mula sa
banyagang wika na siyang magpapatunay na ang Filipino ay buháy na wika.

Higit pa rito, inilantad ng nasabing mga usapin ang pangangailangang paghusayin ang paglinang
at pagpapaunlad ng wika, sagutin punto por punto ang mga argumento ng gaya ni Geruncio
Lacuesta laban sa tinawag niyang “Manila Lingua Franca,” alinsunod sa matalinong paraang
nakasandig sa masusing pag-aaral at pananaliksik. Dapat lamang linawin dito na ang pagiging
pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa rehiyon ng Katagalugan, kahit pa sabihing
ginawang batayan ang Tagalog sa pagbuo ng pambansang wika. Ang Filipino, na patuloy na
nilalahukan ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang panrehiyon at pandaigdigan, ay
sumasailalim sa ebolusyong hindi lamang limitado sa gramatika at palaugnayan kundi maging sa
mga pahiwatig at pakahulugan. Ginagamit na ang Filipino hindi lamang sa panitikan o sa Araling
Panlipunan, bagkus maging sa pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya, inhinyeriya at
medisina, batas at matematika, at iba pang larang. Bagaman ang Departamento ng Edukasyon
(DepEd) ay nagpalabas ng bagong kautusan hinggil sa pagsasakatuparan ng Edukasyong
Multilingguwal, ang nasabing patakaran ay hindi basta-basta maipatutupad hangga’t hindi
nababago ang Saligang Batas. Kinakailangang baguhin muna ang probisyon ng Saligang Batas
hinggil sa bilingguwalismo na nagsasaad na tanging Filipino at Ingles ang “mga opisyal na wika
sa komunikasyon at pagtuturo,” at ang KWF ay malaki ang tungkulin sa pagpili kung aling
hakbang ang makabubuti sa pagsusulong ng anumang panukalang polisiya hinggil sa wika.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 18
Mga Probisyong Pangwika Saligang Batas

Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng
Pilipinas.
Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting
mga wikang opisyal.
Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawagingFilipino.

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA

SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon.

SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum
ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 19
EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA

Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang
Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng


pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang pangguro sa
buong bansa.

Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang
Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang
mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

1987 – Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na


nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong
sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.

EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO

Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o
Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong
Romano.
1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng, o,
p, r, s, t, u, w, y.

Oktubre 4,1971 – pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng


31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z

Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na may 28
letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 20
2001 – muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na
pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at
pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng
alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF, ang DepEd
ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng
“2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.

Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

Ayon sa Department Order No 16 series of 2012 pinapamagamit ang 12 wika

1. Tagalog - Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa katimugang


bahagi ng Luzon. Ginagamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal,
Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro,
Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing
wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.

2. Kapampangan - Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon partikular na sa


Pampanga, timog Tarlac, at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.

3. Pangasinense - Malimit ding tawagin sa maling pangalan na Panggalatok. Isa sa mga


pangunahing wika ng Lalawigan ng Pangasinan.

4. Ilokano - Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang
Luzon lalo na sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng Rehiyon III.

5. Cebuano - Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya." Pangunahing wika ng


lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi ng
Mindanao.

6. Hiligaynon - Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa pinakakilalang diyalekto
nito mula sa Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika ng Kanlurang Visayas lalo na sa Iloilo, Capiz,
Guimaras, kabuuan ng Negros Occidental, at sa timog-silangang Mindanao tulad ng Lungsod ng
Koronadal.

7. Waray - Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika ng Silangang
Visayas partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-silangang Leyte, at ilang bahagi ng Biliran.
Sinasalita sa Lungsod ng Tacloban.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 21
8. Bikolano - Pangunahing wika (lingua franca) ng mga naninirahan sa Tangway ng Bicol sa
timog-silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.

9. Chavacano - Cavite

10. Maranao – Sa lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur

11. Tausug – Sulu

12. Maguindanaon – Maguindanao Province

Rehiyunal na materyal sa Pilipinas

PAGSASALIN SA REHIYONAL NA WIKA

“…isang konstitusyonal at makabayangtungkulin sa pagpapayaman ng wikangpambansa. Sa


anumang pagkakataon,kailangang tupdin muna ito bago isaisip angpaghiram at paglikha. Isang
paggalang ito atpagtitiwala sa kakayahan ng wikangpambansa at ng ibang katutubong wika sa
Pilipinas.” (Almario, 1997, 97-98)

Ito ay ang mga materyales na nasulat mula sa iba’t ibang rehiyon na maaring isalin sa wikang
Filipino.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan
Ang maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang pagsasalin sa filipino
ng mga materyales, pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng aklat , patnubay, sanggunian,
gramatika at iba pa. Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang
wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang. Sa pagtutumbas ng mga salita, hindi maiiwasan ang
natural na penomenon sa karanasang pangwika. Sa pagsusuri sa pananaliksik na ito, ginamit
ang paraan sa panghihiram sa pag-aaral ni Enriquez (1985) na may kaugnayan din sa
pamamaraan ng panghihiram sa kategorya nina Haugen,Weinriech,Rodman at Bynon.
-Hiram, ganap, saling angkat, direktang pag-aangkat, tahasang panghihiram (Direct
borrowing/Loan words)
-Hiram paimbabaw,saling paimbabaw (surface assimilation)
-Saling panggramatika (grammatical translation)

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 22
-Saling hiram, hiram salin (Loan translation o calque)
-Hiram sanib, salitang sanib (Loan blending/amalgamated translation)
-Saling likha, hiram likha (Loan shift/creations or coinage/invention)
- Salitang daglat ( Acronym or abbreviated words)
- Salitang tapat (parallel translation)
-Salitang taal, saling angkop (indigenous concept-oriented translation.

HALIMBAWA

LUZON (mindoro)

Kaw danga maglumi Huwag ka ngang umiyak


Kita madnugan kuti Bakâ magising ang pusa
Kuti gin sa siyangi Pusang mula pa sa siyangi
Mag-ingaw magyangyangi Ngumiyaw at mag-ingay
Kita ud may ibawi Wala kitang pambugaw
Kantam bangkaw nabari Sibat natin ay nabali
Kita utak nalumbi. Itak natin ay nabingaw.

Karunungan o Kaalamang Bayan

Ito tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikang idinadaan samaraming paraan ng pagsasagot o
paghuhula gaya ng paraang gawin ito sa bugtong nakailangan ng malalim na pagiisip at pwede
rin itong idaan sa panitikang salawikain omaga idyomatikong salita na may mas malalim na
kahulugan kesa sa literal nakahulugan nito
Tula o Awiting Panudyo

Uri ng tula na kadalasan ang layunin ay ang manlibak, manukso o mang-uyam.Kilala rin sa tawag
na pagbibirong patula.Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may sukat at
tugma.Ang layunin nito ay mambuska o manudyo.Nagpapakilala ito na ang ating mga ninuno ay
may makulay na kamusmusan.
Salawikain

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 23
– Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda,nagbibigay ng mabubuting
payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sabatas ng mga kaugalian at
karaniwang patalinhaga.Isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong
unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
Padre Gregorio Martin at Mariano Cuadrado - unang nagtipon ng mga salawikaing Tagalog.
Damiana Eugenio- gumawa ng masusing pag-aaral tungkol sa mga salawikain ng Pilipinas.
Pangkat ng Salawikain:
Nagpapahayag ng panlahat na paningin sa buhay at sa batas ng buhay.
Nagpapahayag ng mabuting asal.
Nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao.
Nagpapahayag ng panlahat na katotohanan sa buhay at kalikasan ng tao.
Nakapagpapatawa

Katangian ng Salawikain
-Maikling pangungusap
-Payak
-Karaniwang mga pananalita
-Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
-May tugma ang karamihan
-Pag-uulit ng mga salita

Halimbawa ng Salawikain
1.) Naghangad ng kagitnaIsang salop ang nawala.
2.) Kapag aali-aligid ang lawinTangkang may daragitin
3.) Kapag taimtim sa loob,Nagiging mabisa ang paghulog.
Sawikain
-Ito ay mga patalinghagang pananalita. Ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan
ng tao.Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.
Halimbawa:
-Hulog ng langit – biyaya o suwerte

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 24
-Maluwang ang turnilyo – luko-luko
-Makati ang dila – madaldal
-Bukambibig – laging sinasambit
-Anak pawis – dukha

Bugtong
– Inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ngmabisang pag-iisip.
- pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli at
may sukat at tugma.

1.) Binaltak ko ang baging Nagkakarang ang matsing.


(Kampana)
2.) Ang manok kong pula
Umakyat sa puno ng sampaka
Ng umuwi ay gabi na.
(Araw)
3.) Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
(Saging)

Palaisipan
– Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong,ito ay
nangangailangan ng talas ng isip
- Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.

Halimbawa.
´May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola na di man lang
nagalaw ang sumbrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero

Bulong

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 25
-Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag may nadadaanang punso sa lalawigan na
pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga duwende o nuno.
Halimbawa:
´Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol lamang, ang sa ami’y napag-utusan.
Kasabihan
- ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o
Nursery Rhymes. Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang isinasaad
na kahulugan.
Halimbawa:
Putak ng putak batang duwag, matapang ka’t nasa pugad
Kawikaan
- kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa buhay.
Hal. Ang taong matiyaga anuman ay nagagawa.
Awiting-bayan
-Ang matandang awit ay anyong patula rin ngunit ang tugtugin at indayog ay ayon sa damdamin,
kaugalian at himig na saunahin. Ito’y naglalarawan ng kalinangan ng tinalikdang panahon. Ang
nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t-ibang pamumuhay, pag-uugali, kaisipan at damdamin ng mga
tao. Ipinakikilalang ang diwang makata ay katutubo sa mga Pilipino.
Halimbawa:
Oyayi - awit na pampatulog sa bata
Kundiman-awit ng pag-ibig ng mga tagalog
Diona- awit ng pag-ibig ng mga bisaya
Kumintang- awit sa pakikidigma
Indulin- awit na panlansangan
Talindaw- awit sa pamamangka
Soliranin- awit sa paggaod ng bangka
Hiliraw- awit na pandigma
Tingad- awit ng pantahanan
Sambotani- awit ng tagumpay
Tigpasin- awit ng paggaod sa dagat

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 26
Industriya
-Ito ay ang pagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makagawa ng bagong produkto.

Kahalagahan ng Industriya
1. Nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
2. Nagsusuplay ng yaring produkto.
3. Nagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
MGA SEKTOR NG INDUSTRIYA

1.PAGMAMANUPAKTURA- Ito ay ang gawain sa hilaw na materyal upang maging bagong


produkto.

2.KONSTRUKSIYON- Ito ay isang prosesong binubuo ng paggawa,pagtatayo, o pagbubuo ng


imprastraktura.
3.PAGMIMINA- Ito ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga yamang mineral mula
sa lupa.
4.PAGSASAKA- Isa itong gawain na nakatuon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at
pananim. Ang pangunahing pagkain sa ating bansa tulad ng bigas ay nagmumula sa gawaing ito.
5.PAGTOTROSO- Ito ay ang pagputol, pagkalso, pagproseso at pagkarga ng mga puno.
6.TEKNOLOHIYA- Ito ay ang mga makinarya o kagamitang ginagamit upang mapadali ang
produksiyon, komunikasyon, at iba pang gawain ng tao.
7.GAS- Ang pinakamahalaganag gatong upang mapaandar ang makina.
8.KURYENTE- Ito ay isang pagdaloy ng kargang elektriko sa pamamagitan ng isang midyum na
kuntador.

Pagsusullit #3
Essay
1. Paano mapapayabong ang paggamit ng wikang katutubo? (20 puntos)
2. Isalaysay ang kahalagahan ng mga karunungang-bayan sa makabagong panahon ng mga
kabataan ngayon. (30 puntos)

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 27
Modyul 4
Katangian at Gampanin ng isang Tagasalin

Bunga ng Pagkatuto:

1. Naiisa-isa ang katangian at gampanin ng tagasalin.

Mga Katangian ng tagasalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


Ang kakarampot na kaalaman sa alinman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay
magiging mapanganib. Kailangan-kailangan dito ang kahusayan sa gramatika, wastong paggamit
ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunod-sunod at iba pa. Subalit hindi pa rin garantiya
ang mga iyan upang siya’y makapagsalin nang maayos, lalo na kung ang isasalin ay mga
malikhaing uri ng akda. Kailangan pa rin dito ang sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan
ng pagpapahayag.
2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

Nakalalamang na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit
na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. Halimbawa: Ang
isang gurong hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng
akdang tungkol sa Biology kaysa gurong nagtuturo nito.

3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles
ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang Filipino
ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At dahil sa pagkakaiba ng kultura ng
dalawang bansang kasangkot sa pagsasalin, hindi tayo dapat magtaka kung may mga
pagkakataong hindi maisalin nang maayos ang isang bahagi ng materyal na Ingles. Ang dahilan
ay ang pagkakaiba sa kultura at hindi dahil sa ang Filipino ay mahinang klase ng wika.

Tungkulin ng Tagasalin
May mga nagsasabi na ang mga tagasalin ay karaniwang “writer manque” o bigong
manunulat.Maraming tagasalin na makapagsisinungaling sa birong ito, mga kilalang manunulat
at makata na may sariling pangalan sa paglikha ng orihinal na akda ngunit pumalaot pa rin sa

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 28
pagsasalin. Bakit? Marahil, sapagkat nakikita nilang isang hamon ang mailipat sa ibang wika ang
matatayog na kaisipan at maririkit na pananalita ng ibang awtor. O kaya’y ibig nilang ibahagi ang
kasiyahang pampanitikan sa ibang hindi nakakabasa ng wika ng orihinal na awtor.
Ano man ang dahilan sa pagsasalin, batid ng isang responsableng tagasalin na may mga
tungkulin siyang dapat tuparin kung nais niyang maging tagumpay ang kanyang salin.
Tatlo ang tungkuling ito: tungkulin sa kanyang awtor, tungkulin sa kanyang mga
mambabasa, at tungkulin sa kanyang sining.
Tungkulin ng tagasalin na maging tapat sa kanyang awtor, na ang pagiging tapat ay
nangangahulugan ng paglilipat sa wikang pinagsasalinan ng tunay na mensahe at kahulugan ng
awtor. Walang karapatan ang isang tagasalin na bawasan o dagdagan ang sinasabi ng kanyang
awtor. Maaari siyang magdagdag ng salita, o magdagdag ng paliwanag, ngunit hindi niya saklaw
ang kahulugang ibig ipaabot ng orihinal na awtor.
Tungkulin din ng tagasalin na maging tapat sa kanyang mga mambabasa, na ang
pagiging tapat ay nangangahulugan ng pagsisikap na maihatid dito ang tunay na kahulugan ng
orihinal na awtor. Sapagkat ang mga mambabasa ng salin ay hindi nakakabasa o hindi
nakakaintindi ng wika ng orihinal, nasa mga kamay ng tagasalin ang buhay ng isang akda –
magiging maganda lamang ito sa ibang wika kung tapat ang tagasalin sa kanyang tungkulin sa
kanyang mga mambabasa.
Ang pangatlong tungkulin ay ang tungkulin ng tagasalin sa kanyang sining. Ang
pagsasalin ay hindi lamang isang siyensiya o agham, kundi isa ring sining, lalo pa kung
pampanitikang akda ang isinasalin. Nakaatang sa balikat ng tagasalin ang tagumpay o pagkabigo
ng isang salin” tungkulin niya, samakatwid, na lumikha sa isang panibagong wika ng isang
panibagong likhang sining. Sabi nga ni Dante Gabriel Rosetti, “to endow a fresh nation, as far as
possible, with one more possession of beauty.” Sa ganitong paraan, ang isang tagasalin ay
nagiging isang tagalikha, tulad din ng orihinal na awtor.

Pagsusulit #4:
Essay
1. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon maglahad ng mga katangian at tungkulin ng isang
tagasalin ano-ano ito at bakit? (30 puntos)

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 29
Modyul 5
Metodo ng Pagsasalin

Bunga ng Pagkatuto:
1. Kronolohikal na naipaliliwanag ang hakbang sa pagsasalin

Mga Hakbang sa Pagsasalin

I. Preliminaryong Gawain

A. Paghahanda
Ang tagasalin ay dapat na:
1. may sapat na pag-aaral sa linggwistika
2. handa at pamilyar sa tekstong isasalin
ang tekstong isasalin ay maaring:
• mga materyal teknikal o siyentipiko
(agham, teknolohiya, karunungan)
•di teknikal o malikhaing panitikan
(tula, maikling kwento, nobela)
habang binabasa ang teksto ay dapat na: markahan ang mga bahaging may kalabuan at
magsagawa ng pag-aaral sa background material na makukuha:
-may-akda;
-kalagayan habang isinusulat ang teksto;
-layunin sa pagkakasulat, kultura ng tekstong isasalin; -kung para kanino ang teksto.
B. Pagsusuri (Analysis)
habang binabasa ang teksto ay dapat:
1.maingat sa pag-aaral sa mga key word.
2.pag-ukulan ng pansin ang pagkilala sa simula at wakas ng teksto sapagkat dito mahuhulaan
ang paksang-diwa.
3.tuklasin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga ginamit na cohesive devices pang-ugnay.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 30
4.kilalanin ang pinakamahalagang bahagi.
5.bigyan ng angkop na katumbas sa wikang pagsasalinan na may diin sa bahaging
binibigyanghalaga ng may akda.
6.inaalam ang lahat ng pangyayari at kalahok.
7.pansinin ang iba pang kahulugan, mga matalinhagang kahulugan at mga tungkuling
pangretorika ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.

II. Aktwal na Pagsasalin

A. Paglilipat (Initial Draft)


1. nagaganap sa isip ng tagapagsalin.
2. paglilipat ng kahulugan sa ikalawang wika.
3. mga pamamaraang pantalinhaga o panretorika ng simulaang wika.
4. mga anyong panggramatika ang gagamitin upang higit na masabi ang tamang kahulugan.

B. Pagsulat ng Unang Burador


1.basahin muli ang ilan sa mga bahagi o tingnan muli sa diksyunaryo. Mapapansin dito ang anyo
ng tekstong isinasalin.
2.ang burador na kaniyang isusulat ay dapat lilitaw na natural o malinaw nang hindi tinitignan ang
simulaang lenggwahe.
3.iwasto ang mga nawalang impormasyon.

C. Pagsasaayos ng Unang Burador

1.Higit na mabuti kung hindi galawin ang burador ng isa or dalawang linggo sapagkat sa ganitong
paraan nagkakaroon ng bagong pagtingin.
2.Pagbabasa ng manuskrito ng malakas
a. Mga bahagi na masyadong may maraming salita
b. Mga maling anyong panggramatika o malabong kayarian
c. Maling kaayusan
d. Mali ang koneksyon
e.Collocational clashes

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 31
f. Malabo/Di maintindihan
g Istilo

3. Tingnan ang kawastuhan ng kahulugan


a. May nawala
b.May nadagdag
c. Iba ang kahulugan
d. Walang kahulugan
4. Malinaw na lumulutang ang paksang-diwa o pangunahing kaisipan

III. Evalwasyon ng Pagsasalin

1. Paghahambing ng salin sa orihinal


Ang layunin nito ay upang tingnan kung pareho ang nilalamang impormasyon ng dalawa at
matiyak na ang lahat ng impormasyon ay nailipat sa salin.
Hindi dapat pareho ang salin sa forms (paimbabaw na istruktura o ang mga salita parirala,
sugnay, pangungusap na sinasalita o sinusulat) ng Simulaang Wika.
2. Balik-salin (Back-translation)
Isang taong bilinggwal sa mga wikang kasangkot sa pagsasalin. Kailangan hindi nabasa ang
source text o tekstong isasalin.Bago ang back-translation mayroon munang Literal rendering ng
salin. Isa-isang tumbasan upang maipakita ang kayarian o structure ng salin.
Halimbawa:
What is your name?
salin: Ano ang iyong pangalan?
Literal rendering: What the your name?
Balik-salin: What is your name?
3. Pagsubok sa pag-unawa
Ang layunin nito ay upang malaman kung ang salin ay naiintindihan nang wasto o hindi ng mga
katutubong nagsasalita ng wikang pinagsalinan.
Tester | Respondent
1.Higit na mabuti kung ang tester ay hindi ang taong nagsalin.
2.Alam ng respondent na hindi siya ang sinusubok kundi ang salin.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 32
3.Itinatala ng tester ang lahat ng mga sagot ng respondent.
4. Magsasagawa ng evalwasyon ang tester at ang tagasalin.
1.Overview. Ipinapasalaysay sa respondent ang materyal na binasa. -upang matiyak ang
pangunahing pangyayari/paksang-diwa ay maliwanag.
2.Pagtatanong tungkol sa salin. Dapat ito’y nakahanda, napag-isipan ng maayos. Upang
makapagbigay ng impormasyon tungkol sa istilo, tema, o detalye ng akda.
3. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin (Naturalness Test)
4. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin (Naturalness Test)
Ang layunin nito ay upang matiyak na ang anyo ng salin ay natural at nababagay ang estilo.
Madaling basahin at malinaw ang mensahe.
• Ginagawa ito ng review (manunulat/skilled writers, bilinggwal)
• Handang mag-ukol ng panahon para basahin ng mabuti Paraan:
1.Babasahin ng reviewer ang buong salin upang tingnan ang daloy at pangkalahatang
kahulugan.
2.Mamarkahan ng reviewer ang mga bahaging mahirap basahin/hindi malinaw.
3.Babalikan niya ang mga bahaging minarkahan niya.
4.Magbibigay siya ng mga mungkahi sa nagsalin gaya ng pagpili ng tamang salita,
wastong gramatika.

5. Pagsubok sa Gaan ng Pagbasa (Readability Test)


Ito’y isinasagawa ng mga nagsalin o tester sa pamamagitan ng pagbasa ng isang tagabasa sa
isang bahagi.
Ang readability test ay maari rin maapektuhan ng formatting matters.(tipo, bantas, baybay, laki
ng marjin, at puwang sa pagitan ng linya)
6. Pagsubok sa Konsistent (Consistency Test)
•May kinalaman sa nilalaman ng salin
•May kinalaman sa teknikal na detalye ng presentasyon o paggamit ng pananalita.
Maaaring hindi na naging konsistent ang tagasalin sa paggamit ng mga leksikal na katumbas
para sa ilang mga key terms.

Pagsusulit #5:
Essay
1. Paano binigay ang maayos na pagkakakasunod-sunod ng mga metodo sa pagsasalin?(15 pts)

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 33
Modyul 6
Saliksalin sa Piling Industriya Bunga ng Pagkatuto: Napaghahambing ang kalagayan ng
pagsasalin sa iba’t ibang industriya

Isang makabuluhang sangay ng pagpapayaman sa wika at maaaring gamitin sa


pagsasalin ang paglikha ng salita. Panghuli ito sa tinatalakay na mga hakbang sa pagsasalin sa
patnubay na ito pagkaraan ng paghahanap ng katumbas at panghihiram. May pagkakataon na
higit itong kanais-nais na gawin bago ang panghihiram.
Sa katunayan, may isang panahon na higit na binibigyang-diin ang paglikha kaysa
panghihiram. Waring bahagi ng mapagpalayang damdamin na mula sa panahon ng Katipunan at
Himagsikang Filipino hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay masipag sa paglikha ang
mga pangunahing alagad ng wikang pambansa. May paniniwala si Almario na likha ang laya/
kalayaan para itapat sa libertad. Bahagi diumano ng adhikaing makabansa laban sa
kolonyalismong Espanyol ang higit na pananalig sa likha kaysa patuloy na paghiram ng salita
mula sa Espanyol.

Higit na sumigla ang gawaing ito sa unang bahagi ng ika-20 siglo kahit sa ilalim ng pananakop
ng mga Amerikano. Maraming kalugod-lugod na likha, ani Almario, ang binuo at pinalaganap sa
panahon ng pananakop ng Hapones. Sa panahong ito nabuo ang mga sumusunod na salita:
kasarinlan ka+sarili+ an
paaralan pa+aral+an
pamahalaan pa+bahala+an
pangulo pang+ulo
bantayog bantay-na-matayog
banyuhay bagong-anyo-ng-buhay
Sa panahon ding ito isinilang ang “kawani” at nagkaroon ng modernong kahulugan ang
“agham”.Pinakamalaking proyekto sa paglikha ang Balarila ni Lope K. Santos. Ito rin ang kaisa-
isang matagumpay na ganitong proyekto sa kasaysayan ng Filipinas.Balarila ni Lope K. Santos
Narito ang pamamaraan ng istandardisasyon sa istilong LKS:
1. Isang magandang tuntunin sa ispeling ang itinakda na abakada na totoo rin sa alibata: “kung
ano ang bigkas siyang sulat, alalaong baga’y kung ano ang tunog ay siyang titik, at kung ano ang
sulat ay siyang basa”.
2. May mga tuntunin din tungkol sa paggamit ng gitling, kudlit, at iba pang bantas, lalo na sa
pantulong sa pagbigkas.
3. Nawala ang mga letra buhat sa tradisyong Kastila maliban sa salitang pantangi a salitang hiram
sa Ingles. Sa panghihiram, nagkaroon ng istandardisasyon at tumbasan ng mga letra, gaya ng
mga sumusunod:

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 34
circulo=sirkulo (c k) afritada=apritada (f p)
coche=kotse (che tse) piña=pinya (ñ ny)
cebollas=sibuyas (ll y) queso=keso (q k)
Maugnaying Wika ni Gonzalo Del Rosario
Taong 1979, bumuo ng isang grupo ang mga Pilipinong may dakilang hangaring maisalin ang
mga salitang banyaga na hindi naman mapipigilang pumasok sa ating bansa at gamitin ng
mamamayan. Sa pangunguna nina Gonsalo del Rosario at Dr. Rogelio N. Relovana.

Narito ang ilan sa mga halimbawa:

Lahatang Sugnayaning Katawagan General Terminology in Physics


Lahatang Sipnayang Katawagan General Terminology in Mathematics
Lahatang Kapnayaning Katawagan General Terminology in Chemistry
Lahatang Haynayaning Katawagan General Terminology in Biology
Ulnayan Social Sciences
Batnayan Philosophy

Purisimo Wika
Ayon kay Almario, ang paglikha ang naging sandata ng mga naghabla sa wikang
pambansa nitong matatapos ang dekada ‘60. Ginamit na ebidensya ang paglikha upang
patunayan ang naganap at umiiral na “purisimo” sa wika. Kaya diumano mabagal ang pag-unlad
ng wikang pambansa at patuloy na nakabatay sa Tagalog. Tinuya ng mga kalaban ng wika ang
gawaing paglikha sa pamamagitan ng gawa-gawang “salumpuwit” at “salipawpaw”. Ayaw
diumano ng Surian ng Wikang Pambansa na hiramin ang “eroplano” at “silya” kaya inembento pa
ang naturang katawagan. Pinaniniwalaan ng mass media at kahit ng mga akademista ang
naturang paratang. Ni hindi sinaliksaik na wala sa alinamang diksyunaryo ang mga naturang
imbensyon. Totoo, may “salipawpaw” ngunit hindi para itapat sa “eroplano”. Isang salitang
Tagalog ito na kasingkahulugan ng aksiyong paimbulog at palipad. Samakatuwid, PANDIWA
hindi PANGNGALAN.
May positibong resulta ang naganap na pagtuligsa sa wikang pambansa. Bagama’t
eksaherado ang mga paratang, ang hablang “purisimo” ay nakapagbukas sa isip ng mga
nangangasiwa sa SWP upang siyasatin ang sariling palatunugang pangwika. Nangangahulugan
ito ng pagbabago sa pangalan ng wikang pambansa, mula sa Pilipino tungo sa Filipino. Bahagi
rin ng epekto ng paglilitis ang modernisasyon ng abakada para tanggapin ang bagong walong
titik gayundin ang kasalukuyang imbestigasyon sa gramatika.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 35
Ngunit, ani Almario, nakalumpo naman ito sa malikhaing pag-imbento ng salita. Naging bantulot
ang mga eksperto ng wika mismo sa pagsulong ng paglikha bilang paraan ng pagpapayaman sa
wika.Higit na nadidiin sa kasalukuyan ang panghihiram lalo na sa mga disiplinang akademiya.
Isang mahalagang tuntunin sa gawaing ito ang pagbuo ng salita na malapit sa kahulugan
nito. Ito ang bighani at aliw ng mga likha noong panahon ng Amerikano na nabuhay hanggang
ngayon. Kung babalikan halimbawa ang “talambuhay”, totoo namang makukuha o mahuhulaan
agad sa salita ang kahulugan nito: tala-sa-buhay.
Hindi katulad “biyograpiya” na bukod sa banyagang Espanyol ay nangangailangan ng dagdag na
kaalaman sa ugat nito sa wikang klasikal ng Europa.

Iba’t ibang Wika ng Salin


Dahil sa kasaysayan ng pagkalantad ng mga Filipino sa wikang Espanyol at sa Ingles gayundin
sa mga konserbatibong layunin para mapalusog ang wikang pambansa ay hindi biro ang hirap
sa paghanap ng tumpak na wika sa pagsasalin.
Iba’t iba ang “timpla” ng mga salita ang maaaring lumabas sang-ayon sa dami ng
gagamiting katutubo, hiram at likhang salita. Sa gayon, maaaring magkaroon ng iba’t ibang salin
ang isang simpleng talata sa Ingles.
His plane leaves at five this afternoon. But the traffic at EDSA is terrible today. To reach the airport
on time, he has to leave Quezon City before lunch.
• Kung ang timpla ng salin ay makiling sa katutubo at likhang salita:
Ikalima pa ngayong hapon ang lipad ng kaniyang sasakyang panghimpapawid. Ngunit
napakahigpit ng daloy ng sasakyan sa EDSA ngayon. Upang makaabot siya sa paliparan sa
takdang panahon, kailangan niyang umalis ng Lunsod ng Quezon bago mananghalian.
• Ganito naman ang salin kung ang timpla ay makiling sa Espanyol:
Alas-singko ang alis ng kaniyang eroplano ngayong hapon. Pero terrible ang trapiko sa EDSA
ngayon. Para siguradong makarating siya sa eropuwerto sa eksaktong oras, dapat siyang umalis
ng Siyudad ng Quezon ante almuwerso.
• Kung makiling naman sa Ingles ang timpla, ganito ang lalabas:
Five p.m pa ang flight niya. But terrible ang traffic sa EDSA ngayon. Para makarating sa airport
on time, mas safe umalis siya ng Quezon City bago mag-lunch.
Tumpak lahat ng naturang salin.
Sasabihin marahil na mas natural ang pa-Ingles kung ituturing itong usapan ng mga edukado at
tagasiyudad ngayon. Hingit namang magugustuhan ang pa-Espanyol ng mga nakatatandang
sektor ng lipunan. Ngunit mawawalan ng tagapagtanggol ang saling higit na gumagamit ng
katutubong salita. Posible namang may iba pang bersyon o timpla na higit na itinuturing na
angkop sa mas maraming mambabasa.
Gayunman, higit na hihigpit ang pamantayan kapag tunay na tekstong pang-akademiya o
pampanitikan ang nasasangkot sa pagsasalin. Magandang halimbawa sa kasong ito ang
pagsasalin ng akda ni Rizal.
GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino
Luzchel L. Du, LPT 36
Narito ang panimulang talata sa unang kabanata ng nobela:
A fines de Oktubre, don Santiago delos Santos, conocido popularmente bajo elnombre de
Capitan Tiago, daba una cena, que sin embargo de haberlo anunciado aquella tarde dan solo
contra su costumbre, en tros arrabales y hasta en Intramuros. Capitan Tiago pasaba entonces
por el hombre mas ramboso y sabiase que su casa, como su pais, no cerraba las puertas a nadie,
como no sea al comersio o a toda idea nueva a atrevida. Cual una sacudida electrica corrio la
noticia en el mundo de los parasitos, moscas o colados, que.
Dios crio en su infinita bondad, y tan cariñosamente multiplica en Manila. Unos buscaron
betun para sus botas.; ostros botones y corbatas, peo todos preocupados del mondo como
habian de saludar mas familiarmente al dueño de la casa, para hacer creer en antiguas
amistades, o excusarse, si di mano viene, de no haber podido acudir mas temprano.
• Pinakaunang salin (Huag ang Salangin Nino Man)
Salin ni Patricio Mariano (1913)
“Una reunion” (Isang Piging)
Nang magtatapos ang Oktubre, si D. Santiago delos Santos, na kilala sa tawag na Kapitan
Tiyago, ay nagdulot ng isang hapunan, na kahi’t noong hapon lamang niya ibinalita, bagay na
laban sa kaniyang ugali, ay siya nang tanging sanhi ng usap-usapan sa Binundok, sa iba pang
arabal hanggang sa loob ng Maynila. Nang kapanahunang yaon ay kinikilala si Kapitang Tiyago,
ang isang taong pinakamagilas, at nalalamang ang kaniyang bahay, gaya ng kaniyang bayan ay
hindi marunong magsara ng kaniyang pintuan sa kaninuman, liban na sa pangangalakal o sa
anumang bago o mapangahas na balak.
Ang balita’y sumabog na wari’y kidlat sa mga lipunan ng mga dapo, langaw o colado na
nilikha ng Diyos, dala ng kaniyang walang hanggang kabutihan, at nagpakadami-daming lubos
sa Maynila. Ang ilan ay humanap ng betun sa sapatos, ang iba ay mga bitones o corbata, nguni’t
ang lahat ay nag-iisip nang kung papaano babati sa may-bahay upang maipahayag ang wari’y
malaong pagkakilala, o kung magkabiso pa’y huminging-tawad sa di pagkakadalong maaga.
• Ang bersiyon nina Domingo D. De Guzman, Francisco Laksamana at Maria Odulio de
Guzman (1947):
Noong mga huling araw ng Oktubre, si don Santiago delos Santos, na lalong kilala sa
tawag na Kapitan Tiyago, ay naghanda ng isang hapunan. Bagama’t nang hapon lamang niya
ipinaalam, bagay na di karaniwang ginagawa niya, ay siya nang naging paksa ng lahat ng usap-
usapan di lamang sa Binundok at Intramuros, kundi rin naman sa iba’it ibang dako ng Maynila. Si
Kapitan Tiyago noo’y siyang pinakamagilas na maginoo dahil sa kaniyang pagka-mapagbigay at
pagkabukas- palad, at dahil din naman sa kaniyang bahay na gaya ng alam ng madla, ay laan sa
lahat , maliban na lamang sa pangangalakal at sa mga makabago at mapangahas na isipan.
Parang isang koryente elektrika na biglang kumalat ang balita sa mga tahanan ng mga lintang-
panlipunan, bangaw o kantanod na nilalang ng Diyos sa kaniyang walang hanggang awa, at
walang sagabal na pinararami sa Maynila. Ang ilan ay humanap agad ng betun para sa kanilang
sapatos, ang iba ay mga butones at kurbata. Sa isang dako ang lahat ay nababahala sa pag-iisip
ng paraan upang mabati nang buong kapalagayan ang may-bahay at nang sa gayo’y
makapagpanggap na sila’y dati nang kakilala o kaya’y makapagdahilan kung kailangan ukol sa
di pagkakadalo nang lalong maaga.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 37
Nang lumaon, nagkaroon ng saling mas pinagaan o pinaikli, bukod sa mga dagdag na
paliwanag, synopsis at talababa para sa mga mag-aaral.
Narito ang “isang interpretasyon” para sa mga naturang target na mambabasa:
Isang hapunan ang inihanda ni Don Santiago delos Santos isang gabing matatapos na ang
Oktubre noong mga taong 1880. Nang hapon lamang inihayag ang handaan, ngunit ito na ang
paksa ng mga pag-uusap sa lahat ng dako ng Maynila. Kilalang Kapitan Tiyago – ang titulo ay
nangangahulugang minsa’y naging kapitan sa isang bayan – bukas ang kaniyang palad, at
tahanan maliban sa pangangalakal at alinmang mapangahas na idea.
Parang kuryenteng kumalat ang balita sa mga sipsip at istambay na noon din ay naghanda ng
maisusuot at ng mga sasabihin upang mapalitaw na malapit sa mayhanda.
Narito pa ang salin na hayagang “isinaayos na pampaaralan”
Ang walang kaabug-abog na paghahanda ni Don Santiago de los Santos ng isang hapunan
noong isa sa mga huling araw ng Oktubre ay naging paksa ng usap-usapan sa lahat ng dako ng
Maynila. Si Don Santiago, na kilala sa bansag na Kapitan Tiyago, ay may bukas-palad at tahanan
para sa lahat, maliban sa mga mahilig sa pangangalakal at mapangahas na balak. Higit sa lahat
natuwa sa balitang ito ay ang kulado o kantanod na naghanda ng kanilang mga isusuot upang
dumalo.
Pagsusuri
Gaano nga ba kawasto at katumpak ang salin ng isa sa pinakatanyag at dakilang katha
ng nobelang Noli Me Tangere? Kung ihahambing ba ang mga sipi ng aklat na ginagamit ng mga
mag-aaral na pinaikling bersiyon ay hindi ba nalalayo sa mga orihinal na mga pangyayari sa
akda?
Narito pa ang ilang mga pagsususuri:
• Ang rumboso ba ay nangngahulugang pinakamagilas na maginoo dahil sa kaniyang
pagka-mapagbigay at bukas- palad?
• Alin ang wastong salin sa los parasitos, moscas o colados o;
dapo, bangaw o colado o;
lintang- panlipunan, bangaw o kantanod o;
limatik, langaw o kalatog- pinggan?
• Ang arrabal ba ay karatig-pook?
• Ang atrevida ba ay nangangahulugang “mapangahas” gaya ng pinagkaisahan ng
nagsalin?
Paano sa ideya?
=isipan, balak, idea o kaisipan?
• Angkop ba ang pagtitipon sa reunion na ginamit ng lahat ng bagong salin o ang “piging”
ni Mariano?

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 38
• Ang salitang colado ay nangangahulugang taong mapangahas na pumasok sa handaan
kahit hindi imbitado base sa pagkakagamit ng mga bagong tagapagsalin. Ngunit sa idyomatikong
tagalog ay tinatawag itong “mahaba ang paa” na hiniram mula sa Espanyol at pinanatili ang
baybay.
• Kina De Guzman, ginamit ang likha noong “kantanod”, samantalang sa iba ay lumabas
ang “istambay” mula sa salitang Ingles na stand by.
• Sa isa pa, ginamit ang tambalang-likha na
• “kalatog-pinggan” na tukso noon sa mga taong matatakaw at nagigising kapag nakaririnig
ng ingay ng plato o senyas ng pagkain.
Paglalagom
Ang gawaing pagsasalin ay may dakilang layuning pagbuklurin ang tao sa mundo at ang
mundo sa tao. Nararapat lamang na ito ay maging matapat kung saan man ito hinalaw.
Gayunpaman, nakapaloob din sa dakilang layuning ito na mailapit ang hinalaw sa target nito
sapagkat ito ang tungkulin ng tagapagsalin – ang mailapit ang mambabasa sa mundo ng may-
akda maging sa panahon kung kalian, paano at bakit niya ito isinulat.
Mahalagang higit munang maunawaan ng isang tagapagsalin ang lahat ng mahahalagang bagay
na ukol sa obra maestrang kaniyang isasalin nang sa gayon ay maging mabisa at higit na kapaki-
pakinabang at hindi mawalan ng saysay ang kaniyang dakilang layunin.

GEED 10113 – Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


Luzchel L. Du, LPT 39

You might also like