You are on page 1of 42

Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng wika

1. Ano ang wika?

Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang kahulugan natin ito


bilang sining ng komunikasyon. Sa malawak na pagtanaw rito, ang wika ay hindi lamang
nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kina Sampson et al. ( 1995:4) ang wika
ay isang obra maestra ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven. o di kaya'y ang
kahanga-hangang pagtatanghal ng mga dyimnast sa Olimpyada. Totoong ang wika ay
"makikita" sa mga produktong pagsulat ng mga mag-aaral o maririnig sa kanilang
pagsasalita, ngunit higit pa rito ang nasasaklawan ng wika.

Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na kabatiran sa
mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matatas sa paglalahad ng
kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirag ito. Kaya sa pagtuturo ng wika,
nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba't ibang makatotohanang gawain
upang "iparanas"sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming
babasahmg aklat at mga magasin, palikhain ng tula na malalapatan ng himig. pasulatin ng
isang maikling dula , paguhitin ng magagadang tanawin, pasalihin sa mga interaktibong
talakayan lahat ng mga karanasang ito'y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon
ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

2. Ang mga batang mag-aaral at ang pagtuturo ng wika

Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika. maging Filipino o Ingles man,


palagi ng nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila nagtuturo.
Mayroon nga ang banggit tungkol sa mga mag-aaral. subalit mga palipad hangin lamang. Sa
katunayan, mas mahalagang isipin muna natin ang tungkol sa mga batang ating tinuturuan:

1. Sino Sila?
2. Saan sila galing?
3. Ano ang alam nila?
4. Anu-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?
5. Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?

6. Paano sila natuto ng wika?

Samakatuwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating mga


paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan, pati na
ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung paano natutuhan ang wika ,
una o pangalawang wika man, at ang mga proseso sa pagkatuto nito.
Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng pangalawang
wika ang mga bata kaysa may edad nang mag-aaral. Sa mga ganitong paniniwala,
nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon.

Una. hindi totoong mas madaling matutuo ng pangalawang wika ang mga bata. May
mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap at ginagawa upang matutuhan ang
kanilang una at pangalwang wika (Brown, 1994). Ang kaibhan sa pagkatuto ng wika sa
pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay nakabatay sa likas at natural na paraan
ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng
wikang sasabihin. Samantalang sa isang may edad na nag-aaral ng wika, tahasang
binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng
wikang kanyang sasalitain.

Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit na
kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo ng higit
na maraming talasalitaan kaysa Inga bata. Maaari silang gumamit ng mga prosesong
deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at iba pang konseptong panlinggwistika
kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng
wika. maaaring magkaroon sila ng problema sa pag-aaral ng pangalawang wika.

Ikatlo, hindi maliwanag ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa lamang nag-
aaral magsalita sa mga batang pre-pubescent. Lumilitaw sa maraming pagkakataon na
may mga batang totoong hirap sa pagtamo ng pangalawang wika sa maraming
kadahilanan. Pangunahin sa Inga kadahilanan ay may kinalaman sa mga salik na personal,
sosyal, kultural. at politikal.

Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan ng


pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum. Kailangan ng guro ng
tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung may edad na mga magaaral ang tuturuan
niya.

Inilahad sa ibaba ang limang kategorya na may kinalaman sa paglaki at pagunlad ng


mga mag-aaral na maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal na teknik at
istratehiya sa pagtuturo ng wika.

I. Intelektwdna pag-unlad- Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa
ganitong edad ay nasa yugto pa rin ne túnatawagg ni Piaget na conrete operations, dapat lamang
na isaalang-alang ang kanilang mga limitasvon. Ane mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa
wika ay kailangang gamitin nang mav ibayong pagiingat Hindi masvadong pinahahalagahan ng
rnga bata sa ganitong yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad ng "kawastuhan at lalong higit
na hindi nila mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong
panlinggwistika. Ilang mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:

> lwasan ang paggamit ng mga teknikal na Salita sa pagpapaliwanag ng isang kaalamane
pambalarila. (e.g ponolohiya, morpema, at iba Pa).

> lwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-aaral.


2. Tagal ne Pagkawili (Attention Span) - Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may edad sa
mga bata ai,' ang tagal ng panahon ng kanilang pagkawili.. Mahalagang maunawaan ng guro ang
kahulugan ng tagal ng panahan ng pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na
ang palabas ay ang paborito nilang cartoons at asahan walang tatayo ni isa man Sa kanila
hanggang hindi natatapos ang palabas. Kava't hindi ka maaaring magbigav ng isang paglalahat
na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng mga bata. Mangvayari lamang ang
maikling panahon ng pagkawili kung ang pagkaklase av nakasasawa at walang kabuhay-buhay.
Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-aaralan sa wika. Tungkulin mong gawin itong kawili-
wili, buhay, at masaya. Paano mo ito gagawin?

> Mag-isip ng mga gawaing may kagvat na kawilihan para Sa mga bata

>Maglahad ng mga makabago at iba't ibang gawain.

>Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-acting dahil kailangan ito ng
mga bata para sila'y maging gising at listo.

>Tuklasin ang kiliti mg mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang
kawilihan,

>lsaalang-alang ang pagiging palatanong 0 kurvusidad ng mga bata upang mapanitili ang
kanilang kawilihan.
3. Pakilusin ang iba't ibang Padamdam (Sensory Input)

> Maglaan ng mga gawaing magpapakilos Sa mga bata tulad ng roje Play at mga laro

> Gumamit ng iba't ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatbay ng mga


kaisipang natamo.

> Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language


4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)
> Iparamdam Sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa Sila ng pagkakamali sa
pagsasalita, pagbabasa. at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.

> Maging mapagpaumanhin at ibigay lahat ng suporta upang magkaroon ng åwala sa sarili
ang bawat mag-aaral, ngunit maging mattyak sa mga inaasahang matatamo ng Wong mag-
aaral,

> Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo't higit Wong
mga tahimik sa klase upang mabigyan Sila ng maraming pagkakataon na subukin ang iba•t ibang
gawain sa pag-aaral ng wika.
5. Awtentiko, Makabuluhang Wika
> Iwasan ang pag gamit ng mga salitang hindi awtenttko at di makahulugan. Magaling ang
mga bata sa paghalata ng wikang di awtentko; dahil dito, iwasan hangga't maaari ang mga de
kahon o di natural na paggamit ng wika.

> Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang nakapaloob sa isang
konteksto, Gumamit ng mga kwento, sitwasyon, mga tauhan, at mga ugpang pamilyar Sa
karanasan ng mga mag-aaral upang mapanaili ang kanilang atensyon at mapatatag ang
kanilang retensvon.
> Iwasan ang paghahati-hati ng Wika sa maliliit nitong mga sangkap mga sangkap dahil
mahihirapan ang mga batang makita angkabuuan nito. Bigyang-diin din ang paguugnayan ng
mga kasanayan sa pakikinig , pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.

Hindi biro ang maging epektibong guro ng wika. Inaasahang sa pagdaraan ng mga
araw. makatutulong sa mga guro kahit bahagya ang mga inilahad na patnubay lalo't higit
samga baguhang guro sa paaralan.

Ang Mga May Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika

Bagama•t maraming tuntunin sa pagtuturo ng mga bata na maaaring ilapat kung may
edad na mag-aaral ang tuturuan. dapat pa ring alalahanin na maraming pagkakaiba ang
dalawang pangkat na ito ngmag-aaral na kailangang alam ng isang guro . Mas higit ang
kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa mga batang mag-aaral kaya't maaaring mas
magiging matagumpay Sila sa ilang mga gawaing pangwika sa loob ng klasnrm.
Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang Inga pandamdam ("imahinasyon" Sa
pagsamyo ng bulaklak vs. totoong pag-amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata,
Maaaring pareho ang antas ng kanilang pagiging mahiyain pero higit na may tiwala sa
sarili ang mga may edad na mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang sa
pagtuturo ng Wika sa mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-alang
kung may edad na mag-aaral ang tuturuan.

1. May kakavahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga konæpto at mga tuntuning mahirap
unawain pero kailangan pa rin ang oag-iingat. Maaaring kainisan ng mga ito ang masyadong
mahirap at masyadong madali na paglalahat at tuluvan Silang mawalan ng interes Sa pag•aaral

2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli at ayon
sa kanilang interes hindi kaligtaan.

3. Hangga't maaari'v gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang ang klase•y maging masigla
at laging buhay.

4. May taglay rin silang kaunting tiwala sa sarili kaya•t hindi masvadong kritikal ang kanilang
pagiging maramdamin. Subalit hindi dapatiwaksi ang mga Salik emosvunal na kaugnav ng
kanilang pag-aaral ng wika.

Implikasyon sa Pagtuturo ng Pag-alam ng Pagkakaiba ng mga Bata at mga May-


Edad na Mag-aaral ng Wika

I. lgalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral la10 na iyong medyo mahina sa
pagkatuto.

2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral


2-1 Huwag silang tawagin na "mga bata"
2-2 Iwasan ang pagkausap Sa kanila na parang bata.
3. Bigyan Sila ng maraming pagkakataon para makapamili at makapagbigay ng sariling desisvon
hinggil Sa kung ano ang maaari nilang gawin Sa 1000 at labas ng klasrum.
4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung may lumabas Sa suliraning
pandisiplina (di-paggalang, pagtawa, pag-aabala, sa klase at, iba pal laging
ipalagay na may edad ang iyong tinuturuan at mav kakayahan silang umunawa at
magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na ipinapakita nila sa loob at labas ng klasrum.

3. Ang Mga Tinedyer At Ang Pagtuturo ng Wika

Mahalaga ring isaalang-alang sa alinmang pagtuturo ang pangkat ng mga mag-aaral


na nagbibinata o nagdadalaga na. Mga tinedyer o "bagets" na may edad mula 12-19 ang
tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa sekundarya

"Sakit ng ulo" ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong edad.
Ito ang yugto ng paglaki na sila'y lito, kimi, at kakikitaan ng maraming pagbabago sa
kanilang anyong pisikal at intelektwal. Ito ang edad tungo sa pagbibinata at
pagdadalaga. Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng mga konsiderasyon
kung ang ganitong pangkat ng mag-aaral ang iyong tuturuan. Bagama't kakaunti kung
mayroon man tayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa ganitong
edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng pansin ang ilang paalala:

1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa
abstraktong pag-iisip kaya't maaari na silang ilayo nang unt-unti mula sa kongkretong
paglalahad ng mga gawain tungo sa supostikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit
mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektwal ay
nakasalalay sa antas ng kawillihan o atensyong ibinibigay rito; kava nga kung ang isang
mag-aaral av maraming pinagkakaabalahan tulad ng barkada, pagpapaganda sa sarili, disco,
parti, at iba Pa, maaaring ang gawaing pangklase at mga bagay hinggil sa kanilang pag-aaral
ay maaaring maisantabi.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng
kahustuhan ng kanilang pag-iisip suballit maaari itong maging panandalian din dahil sa
maraming pabagu-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.
3, Maglaan din ng iba't ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong
kailangan ito ng mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa vugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng kanilang
pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibo sa kanilang mga naririnig na puna lalo't
higit tungkol sa kanilang pagbabagong pisikal, mga emosyon, at kanilang kakayahang
pangkaisipan. Isa sa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang
mapanattling mataas ang pagpapahalagang pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa
parnamagitan ng mga sumusunod:

> Pag iwas na ipahiya sila sa klase;

> Pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at kalikasan;

>Pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa pagkaklase;

> Pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-pagkakaunawaan; at


> Paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maaari silang
makipagsapalaran sa paglahok na hindi totoongmagiging kahiya-hiya kung magkamali
man sila sa gagsagot,
4. Paano natututuhan ang Wika?

• Prescriptive Grammar

Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga pag-
aaral-wika. Maging ang mga mambabalarilang Ingles ay totoong nanalig din dito. Di
nila binigyang pansin ang mga sintaktikong kaibahan sa pagitan ng wikang Ingles at
Latin at pilit na inilipat ang deskripsyong Latin sa Ingles. Karagdagan pa, sa lubos na
pangongopya mula sa balarilang Latin, nilimitahan nila ang kanilang sarili sa paggamit
ng klasikong balarila sa pag-aatas kung paano dapat ginagamit ang wika. Hindi sila
nagsikap na ilarawan ang kalikasan ng wika o kung paano ito ginagamit sa aktual na
pakikipagtalastasan (Kitzhaber et al., 1970).

Halos ganito rin ang nangyari sa unang balarila ng wikang Filipino. Noong
unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila ng
wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang
pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala noong unas kung ano
ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino.

Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika ay


naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito, ang mga
mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan. mga anyo ng pandiwa
at mga pangngalan. Pangunahing gawain sa klase ang pagsasalin ng mga nakasulat na teksto.
Hindi inaasahang nasasalita ng guro ang wikang itinuturo. Ang mahalaga ay may malawak
siyang kaalaman sa sa mga tuntuning pambalarila.

Ang terminong prescriptive grammar ay tumutukoy sa mga set ng gawi o panuntunan


hinggil sa tama at hindi tamang paggamit ng wika. Nagsisilbi itong gabay sa kung paano ang
nararapat na baybay. bantas at marami pang iba.
Alinsunod nito ay ang ipinalabas ng KWF na "Binagong Gabay sa Ortograpiya ng
Wikang Filipino" na naglalatag ng mga alituntunin hinggil sa tamang gamit ng e at i, r
at d, ng at nang, gitling at marami pang iba.

• DescriptiveLinguistics

Noong mga siglo labingwalo at labingsiyam, nagsimulang pagtuunan ng pansin ng


mga isklar ang pagkakatulad na masasalamin sa matandang wika. Sa kanilang pag-aaral ng
mga nakasulat na dokumento ng mga unang wika , nagawa nilang matunton ang
pinagmulan ng mga tunog at salita at maroon na rin ang pagtatangkang maipakita ang
partikular na mga pagbabagong pinagdaanan ng mga wika saloob ng mahabang panahon
at ang ugnavang pangkasaysayanng mga wikang ito. Sinuri ng mga naunang lingwist ang
mga yunit ng tunog ng isang wika, kung paano nabuo ang mga ito, at nailarawan din nila
ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo
sa pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo
ng isang salita, at ng pagsusuri ng mga anyo ng pangungusap.

Sumibol ng panahong ito ang pagbabalangkas 0 dayagraming bilang gamiting paraang


pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Ang pagsusuri ng mga pangungusap ay nagsisimulasa
paghahati ng mga pangungusap sa dalawang bahagi at bawatisa nito ay hahatiin pang muli
hanggang sa masuri ang maliliit na komponent na bumubuo sa pangungusap. Ang ganitong
sistema sa pag -aaral ng wika ay pinaniniwalaang mailalapat din sa pag-aaral ng pangalawang
wika. Bukod pa rito, marami rin ang umaayon na ang ganap na pag-unawa sa mga ponetikong
komponent ng unang wika ay makatutulong sa paghahambing ng palatunugan ng una at ng
target na wikang pinag-aaralan. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang
kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipaliwanag ang target na wika
(W2) sa tulong ng kaalaman sa kayarian ng unang wika

Teoryang Behaviorist

Bagama•t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang naging
umpluwensiya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.

Ipinahahayag ng teowang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may


kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin pamamagitan ng
pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay
mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatbay rito. Binigyang-diin
ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangan "alagaan" ang pag-unlad na
intelekwal sa pamamgitan ng pagganyak at pagbibigav-siglat at pagpapatibay sa anumang
mabuting kilos o gawi. Avon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng
pangagava, paulit-ulit napagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at
positibong pidbak.

May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain
kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa
lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang
doktor 0 isang abugado. Unti-unting ihahanda ang bata sa mga bagay at gawaing kaugnay
nito at palagi nang may angkop na pagpapatibay. Ang mga gurong umaayon na sa
paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring: "Magaling." "Tama
ang sagot moo. "Kahanga-hanga ka." "Sige ipagpatuloy mo."

Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain
at mga pamaraang madalign isagawa sa pagtuturo. Ang Audio Lituua/
Method (ACM) nanaing popular nooong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang
behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba:

> Binibigyang•diin ang mga kasanavang pakikinig at pagsasalita;


> Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
Paggamit lamang ng target na wika;
>Kagvat na gantimapal/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
> Kagvat na pagwawasto ng kamalian; at
> Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro Teoryang
Innativist
Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay
ipinanganak na may "likas na talino" sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang
habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang
nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigvang•hugis ng sosyo-kultural nakapaligiran
kung saan ito nabubuo. Ito'y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may interaksyong
nagaganap sa kapaligiran.

Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologicajly programmed para sa pagkatuto ng
wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano malilinang ang iba pang
tungkuling bayolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa
niva ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa malaya siyang
nakakikilos at nakagagalaw. Hindi na siya dapat pang turuan sa paglalakad. Lahat ng bata ay
nag-uumpisang maglakad sa halos na magkakatulad na edad at ang gawaing ito ay
nararamdaman ng mga batang normal ang paglaki at pagedad. Para kay Chomsky, ganitong-
ganito rin ang pagtatamo ng wika.

Inilahad pa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi blangkong papel na
kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang naririnig sa
paligid. Sa halip, inihayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad a tuklasin sa
kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa isang sistema ng wika.

Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition


Device (LAO). Ang aparatong ita ay karaniwang inilalarawan bitang isang likhang-isip na
"black box" na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Tinatayang naglalaman ang "black
box" ng lahat at tanging iyon lamang mga simulaing panlahat na taglay ng mga wika ng lahat
ng tao, at ito ang humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang daan sa kanyang pagtuklas
ng mga tuntunin ng wika. Upang gumana ang CAD, kailangan lamang ng bata na may
pagkakataon siyang mahantad sa mea halimbawa ng wikang kanyang sasalitain o pag-aaralan.

Ang mga halimbawang ito ang mga nagbibigay-daan upang gumana ang aparato. Sa oras na
gumana na ito, magagawa na ng batang tuklasing 53 kanyang sarili ang istruktura ng wikang
pag-aaraaaaalan sa pamamagitan ng paglalapat ng kanyang taglav na kabatiran sa batayang
gramatika ng isang partikular na wika sa kanyang kapaligiran.

Sa kasalukuyan, inilaglag ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalíg ang terminong LAD;


sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang•isipan na taglay ng
lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

• Teoryang Cognitive
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong
dinamiko kung saan ang nag-aaral ngwika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing
may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na
tuntunin. at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang
isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin
ang mga mag-aaral ng wika o di kaya nama'y nailalapat nang mali ang mga ito. Dahil dito,
malimit na nagaganap ang mga kamalian sa paggamit ng wika. Ayan sa mga cognitivist, ang
pagkakamali av isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimenatyson at hindi ita kagyat at
tuwirang iwinawasto. Tinatanaw ng mga cognitivist ang pagkakamali bilang isang integral na
bahaging pagkatuto

Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pangklaseng batay sa teoryang cognitive


Nakapukos ito sa patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at
pabuod. Sa dulog na pabuod , ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang
tiyak na halimbawa at ipasusuri niva ang mga ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat.
Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na
pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat 0 pagbubuo ng tuntunin; ang
dulog na pasaklaw naman ay nagsisimula sa pa
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga hallimbawa. Ang teoryang cognitive ay palaging
nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong pangkaisipan. Sa ganitong
pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon kung saan ang mga
impormasyong ito'y maiugnay ng rnga mag-aara I sa kanilang umiiral na istrukturang
pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang himukin ng guro
ang mag-aaral na mag-isip nang may kamalavan at pagusapan ang Wika upang mapag-ibayo ang
kanilang kakayahan sa paggamit nito.

Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong


pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao aV ipinanganak na may likas na
kakayahan upang matutuhan ang isang Wika (Page at Pinnel, 1979). Ang tanging pagkakaiba ng
dalawang teoryang ito•y may kinalaman sa implikasyon sa pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga
innativist na hindi kailangang suportahan ang mga bata sa pagtatamo ng Wika dahil likas niva
itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga cognittvist, kailangan ang pagtuturo at mga
kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng Wika

Bilang Isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng rnga bata
at kung paano sila natututo . Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga ito ang
magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo. Ang paglilinaw ng iyogn posisyon hinggil sa
mga teoryang ito'y hindi ang isa-isang pagbabanggit ng ngalan ng teorya o pagsaulo ng mga
paliwanag hinggil dito. Ang mahalaga ay ang sarili mong paniniwala hinggil sa kung paano
natuto at kung nakapagtatamo ng Wika ang bata,

• Teoryang Makatao
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na
pandamdamin at emosyunal. Ito'y nananalig na ang pagtatagumpav sa pagkatuto ay mangyayari
lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawiliha ang mga mag-aaral at may positibong
saloobin sila sa mga bagong kaataman at impormasyon. Kung ang mga kondisyong hindi
matutugunan, ang anumang paraan 0 kagamitang panturo aV maaaring hindi magbunga ng
pagkatuto,

Kaya nga, sa larangan ng øag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin ang mga
mag-aaal sa wikang pinag•aaralan, sa mga gumagamit ng Wika at sa mga guro ng wika.
Tungkulin ng guro na magiaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang
pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at
malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan. Kailangan ding Iinangin ng
guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mega mag-aaral.

Pangunahing binibigyang-pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa anumang


proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga magaaral sa pagpili ng
nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto.

Ilan sa mga metodo ng pagtuturo ng Wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon


aV ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni
Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.

5. Pagkatuto vs Akwisisyon ng Wika


Nagbigay si Krashen ( 1981 ) ng magandang paliwanag hinggil sa pagkakaiba ng
pagkatuto at akwisisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan
pinag-aaralan ang wika sa isang organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na
programa o sila bus. Ang ganitong pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga tuntunin
sa paggamit ng wika at pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa isang sistematiko
at pormal na

Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi namamalayan at


katulad ito halos kung paano natutuhan ang ating unang wika. Ito ay nagaganap sa isang
sitwayon na ang mag-aaral ay nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na ginagamit
ang wika. "Pinupulot" ng mag-aaral ang wikang kanyang naririnig na sa palagay niya 'y
kailangan sa pakikłpag-usap sa mga tao sa kanyang paligid.

Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika Ialo't higit kung
pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang dalawang ito sa isa't łsa.

Kung sisilipin natin ang nangyayari sa 100b ng klasrum at sa 100b ng tahanan


hinggil sa pagkatuto ng wika. makikita natin ang ganitong tanawin. Sa 100b ng klasrum,
ipinalalagay na kailangang ituro sa mga bata ang mga tuntunin para matutuhan angwika. Sa
halip na ihantad ang bata sa mayamang kaligiran ng wikang sinasalita, ang input ay may
hangganan at inihahanay nang may kontrol ayon sa paniniwala ng humuhubog ng
kurikulum. Ang pag-aaral ay nagsimula sa paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa
pagbuo ng salita. Ang pokus ng pagaaral ay ang wika sa halip ng mga makabuluhang
gawain o konteksto na kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng mga bata. isa ng mahigpit na
batas na ang sagot ay sa kompletong pangungusap.

Sa 100b ng tahanan, malaya ang bata sa kanyang pagkatuto. Walang mga tuntunin
na kailangan sundin. Walang kontrol ang dami ng wikang naririnig. Hindi ang pagkatuto ng
magkahiwalay na tunog at salita ang kanilang natutuhan kundi mga natural na wika na
kanilang naririnig at ginagamit araw-araw. Positibo palagi ang pidbak at walang nagsasabi
sa kanila na ••ulitin mo nga sa kompletong pangungusap.” Ayon kay Krashen, ang ganitong
kaligiran sa pag-aaral ng wika ay may "low affective filter” kaya ang pagkatuto ay madali at
mablis.

Ano ang implikasyon ng mga senaryong inilahad sa pagtuturo ng wika? Sa


epektibong pagtuturo ng wika. hindi sapat ang pag-alam lamang sa iba 't ibang pamaraan sa
pagtuturo. Dapat ay may sapat na pagkaunawa ang guro sa mga teoryang linggwistika at
sikolohiya na pinagbabatayan ng mga pamaraan sa pagtuturo.

6. Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika


Ang matagumpay na pagkatuto ng Wika

Pagnilayan

Naggigitgitan ang mga magulang. nagsisiksikan. nagtutulakan. at kung minsan ay


nagkakapikunan mapabilang lang ang kanilang pitong taong gulang na anak sa kalse sa
unang baitang ni Mrs. Quirit. Nangyayari ang ganito dahil maraming magaganda at
kapana-panabik na sandali sa kanyang pagkaklase. Alam din ng mga magulang na kung
ang kanilang anak ay mapapailalim sa pagtuturo ni Mrs. Quirit, magtataglay ito ng mga
pangunahing kaalaman at kasanayan na mahalaga sa pagtuklas ng mas lalong malawak
na karunungan. Batid din ng mga magulang na ang mga tinuturuan ni Mrs. Quirit ay
mahihilig sa pagbabasa ng libro at masisipag sa pag-aaral.

Masasalamin sa katauhan ni Mrs. Quirit ang likas niyang pagmamahal sa mga bata, ang
masaya niyang pagtuturo at pagkamahiligin sa pagbabasa. Kung makapapasok ka sa loob ng
kanyang klasrum, makikita mong masasayang gumagawa ang mga bata. May mga batang nasa
isang sulok ng klasrum na tahimik na nagbabasa. Ang ilan ay abala sa pagpili ng mga aklat na
kanilang babasahin, samantalang may mga batang tahimik na nagsusulat sa kani-kanilang
desk. May mga bata ring gumagawa na kasama si Mrs. Quint. Sa isa pang sulok ng klasrum ay
makikita ang tatlong batang sumusulat ng isang kwento na kanilang ibabahagi sa klase. At sa
isa pang bahagi ng klasrum ay may mga bata namang gumagawa ng puppet na kanilang
gagamitin sa isang palabas sa klase.

Magandang pagmasdan ang nagaganap sa klasrum ni Mrs. Quirit. Ang mga bata ay
malayang nakagagawa ng mga gawain na di alintana ang pagkakamali. Hindi rin sila
natatakot na sumubok ng mga gawaing bago sa kanilang pananaw.
Subalit hindi dapat isipin na ang ganitong kaligiran ay basta na lamang nagaganap. Si
Mrs. Quirit ay isang master titser. Kilala niya ang kanyang mga mag-aaral at
iginagalang niya ang kanilang pagkakaiba-iba. Ginagamit din niya ang kanyang napag-
aralan sa paglaki at pag-unlad ng mga bata at isinasaalangalang ang mga teorya sa
pagkatuto upang makalinang ng isang kaligiran na komportable ang mga bata at naroon
ang sigasig sa pagtuklas ng karunungan.

Isinasaalang-alang din ni Mrs. Quirit ang dignidad ng bawat bata at naroon palagi
ang respeto sa kanyang mga tinuturuan. May sapat din siyang kamalayan sa mga mag-
aaral hinggil sa kaibahan ng lalaki sa babae at tinitiyak niyang magkapantay ang mga
hamon at mga pagganyak na inilalaan sa mga ito. Hindi rin makakaligtas sa kanya ang
mga batang mapanukso o iyong mga nang-aapi ng kapwa. Humihingi siya ng tulong sa
mga magulang kung kailangan at palagi niyang iniuulat sa kanila ang progreso sa pag-
aaral ng kanilang mga anak.

Kataka-taka bang isipin kung maraming mga magulang ang nangangarap na


magkaroon sana ng clone si Mrs. Quirit para lahat ng batang papasok sa unang
baitangay magkaroon ng kawili-wiling karanasan sa pagkatuto?
Siguro ikaw nangangarap ka ring maging Mrs. Quirit sa darating na araw. Kaya mo
iyan! Lamang. bukod sa likas mong hilig sa pagtutuo Iagi mong isasaisip ang mga
mahahalagang bagay upang mapagtagumpayan ng mga bata ang
lahat ng kaalaman sa pagkatuto na iyong inihanda . Nasa ibaba ang ilang kaisipang
dapat mong balik-balikan lalo na't mapapansin mong nananamlay ang mga bata sa
kanilang pag-aaral.

• Motibasyon Hindi mapasusubalian na ang motibasyon ay napakahalagang Salik sa


matagumpay na pagkatuto. Sa isang klase na halos magkakapantay ang antas ng
karunungan ng mag -aaral, pakaasahan na may mas higit ang pagtatagumpay sa pagaaral
dahil mataas ang kanilang motibasyon. Samantalang ang mga mag-aaral na mababa ang
mohbasyon o hindi seryoso sa pag-aaral ay mapapansing makapasa ma'y pilił o di kap ay
pasang-awa.

May dalawang uri ng Motibasyon:

1. Panlabas na Motibasvon (Extrinsic motivation) ang motibasyong itoay bunga ngmga panlabas
na Salik tulad ng:

a. Integratibong Motibasyon (pagkagustong makahalubilo sa isang


kultura ng mga taong Filipino ang sinasalita)

b. Motibasyong Instrumental ( pag-asam na makatuntong sa isang


kolehiyo o pamantasan o kaya ay pagkakaroon ng isang trabaho na mataas ang pasahod
dahil kaalaman sa Wika)

c. pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pagkilala mula sa kapwa


mag- aaral o mga guro

2. Motibasyong Intrinsik ( Intrinsic Motivation). iło ang likas na kagustuhan sa


pagkatuto ng isang Wika. Halimbawa. ang isang mag-aaral na galing sa isang
pamilya na may positibong saloobin sa wikang Filipino ay maaasahang
magkakaroon ng ibayong interes sa Filipino at magkakaroon ng pagkagusto upang
masterin ang Wika.

Ang mga Guro -psychic earnings

Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at


pagkatuto ng Wika. Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa
pagtuturo ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan
ng mga bata sa pag-aaral ng Wika.

Maraming tungkulin o "papel” na ginagampanan ang guro sa loob ng klasrum. llan


sa mga iło ay ang mga sumusunod:

pagbibigav impormasyon at paglalahad ng kaalaman; paglalaan ng patnubay at tulong sa


mag-aaral upang pagsanayan ang natamong kaalaman pagbibigay ng angkop na
pagganyak sa pamamagitan ng paglalaanng ibait iba at nakawiwiling gawain na magbibigay
ng pagkakataon upang magamit ang wikang natutuhan; pagbubuo ng makabuluhang
gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang gawain sa isang kaligiran na
walang pangamba 0 pagkabahala;
binibigvang sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga papuri ("Magaling
ang ivong sagot, Sige ipagpatuloy mo"). Ito•v nagbibigay ng lugod sa mga bata dahil kinikilala
ang kanilang kakayahan sa klase; at palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika.

Ang mga Mag-aaral

I-along magiging matagumpay ang Isang guro sa kanyang pagtuturo kung may
kabatiran at nauunawaan niya ang mga katangian ng kanyang mag-aaral. Sa isang pag-aaral
nina Rubin at Thompson ( 1983), nagtala sila ng mga katangian ng isang magaling na
estudyante ng wika. Ito'y ang mga sumusunod•

Nagagawa nivang manghula hinggil sa kayarian ng wikang pinag-aaralan at sinusubukan niya


ang mga ito sa pamamagitan ng pangangalap at pag-iipon ng mga impormasyon sa isang
mabisang paraan. Gumagarnit din Siva ng mga hudyat (cues) na maririnig, makikita niya sa
paligid. Idinagdag pa ni Rubin na ang magagaling na manghula ay gumagamit ng kanilang
"pandaman hinggil sa balangkas na pambalarila, hudyat mula mga kalabisan sa isang mensahe.
Isinasaalang-alang din nila ang mga palatandaang di-berbal, ugnayan ng mga salita, ilang
kabatiran tungkol sa pamavanan, at ilang pagkakatulad sa kanilang unang wika. Hindi sila
nababahala sa mga maling hula at agad nila itong iwinawasto mula sa susunod na mga konteksto.
URI NG MAG- MGA ESTRATEHIYANG KINGIGILIVV AN SA
Mataas ang kanyang mot-ibasyon upang makipagtalastasan at humahanap siya ng mga posibleng
istratehiva para maparattng sa iba ang kanyang naiisip at nadarama. Isang istratehiya na
ginagamit niya ay ang paggamit ng sirkumlokyusvon (circumlocution), halimbawa, pagsasabi na
ivon bang ginagamit kapag umuulan kung Hindi niya alam ang salitang pavong o kapote.
Gumagamit din siya ng sariling pagpapakahulugan
(paraphrase) sa pagpapaliwanag ng iba't ibang kahulugan ng isang teksto. Malimit din Sivang
gurnagamit ng mga signal na di•berbal tulad ng pagkumpas o paggalaw ng katawan,
ekspresyon ng mukha, at iba pa.
Hindi rin niya pinipigilan ang kanvang sarili na makipagsapalaran sa paggamit ng wika.
Tinatanggap nip ang kanyang kalagavan bilang linguistic toddler at tanggap nivang magmukhang
hangal para lamang maunawaan sivang mabuti ng kanyang kausap. Humahanap siya ng mga
pagkakataon upang magamit ang wika at nangunguna 5iya sa pagsisimula ng [sang usapan sa
kanyang guro at mga kaklase at palaging sinasamantala ang mga pagkakataong makapagsalita sa
klase.

7. Mga Istilo sa pagkatuto

Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanan na mas higit na gusto ng
mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Si Willing ( 1988 at binanggit kay Nunan) ay nagsabi
na ang isangguro na sensitibo at isinasaalang-alang ang mga gustong istilo sa pag-aaral ng
mga estudyante ay makatutulong sa pagkakaroon ng isang matagumpay at mabisang
pagkatuto. Sa isang pag-aaral ni Willing, nagawa niyang pagpangkat-pangkatm ang mga
mag-aaral at inuri niya ito sa apat na kategorya. Nagtala rin siya ng mga pinapaborang
istratehiya sa bawat uri ng magaaral.

Tingnan ang talahanayang inilahad sa ibaba:

Mga Uri ng mag-aaral at mga Gustong Istratehiya sa Pag-aaral


AAR.XL PAC,-AARAL
Mga Iaro

Mga larawan

3. Video clips

Pair work

Mag-aaral na "concrete 5. Pa sasana n wika sa labas n klase


Mag-aaral na Pag-aaral ng Balarila
"analytical"
2. Pag-aaral ng maraming aklat sa wika

3. Pagbabasa ng mga Pahayagan

4. Pag-aaral ng mag-isa

5. Pag-alam at pagsusuri ng mga kamalian sa wika

6. Pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning


inilahad n
Mag-aaral na Pagmamasid at pakikinig sa mga taal na tagapagsalita
"communicative" ng wika

2. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang


pinag-aaralan

3. Panonood ng programa sa TV sa wikang pinagaaralan

4. Pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng


pakikinig dito at paggamit sa aktuwal na pakikipagusa

I. Mas gusto na ang guro ang magpapalivvanag ng lahat


tungkol sa wika

2. May sariling batayang aklat

3. Isinusulat ang lahat ng impormasyon sa notbuk

4. Pinag-aaralan ang balarila

5. Nagbabasa para matuto


Mag-aaral na
6. Natututuhan ang mga bagong salita kung makikita an
"authority oriented" m a ito
Maaaring matagpuan sa isang klase na binubuo ng 40-60 mag-aaral ang apat na
uring ito ng mag-aaral ng wika, At dapat asahan na magkakaroon sa klase ng iba't ibang
pagkagusto hinggil sa mabisang istratehiya sa pagkatuto. Sa ganitong kalagayan ,
kailangan maglaan ang guro ng angkop na pakikibagay sa iba't ibang istratehiya na
tutugon sa pngangailangan ng bawat mag-aaral

8. Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika

Ayon sa pag-aaral ng mga linggwist, hindi raw basta ginagaya ng mga bata ang
wikang kanilang naririnig. Pinipili at iniaakma nila ang kayarian ng mga bahagi ng
pananalita na makahulugan sa kanila. Samakatuwid, ang mga bata ay active learnrers at
hindi passive learners gaya ng paniniwala nang maramt. Sinusuring magaling ng mga
bata ang wikang naririnig at pinipila nila ang bahaging may kahulugan sa kanila. Ang
intonasyon ng wika ang unang hulwarang natutuhan ng mga bata. Mula rito ay pinipili
nila ang salita at mga hulwaran ng mga makahulugang tunog gaya ng: mama, dada,
dede. Ang mga salitang ito ay nakakabit sa mga kongkretong bagay at pangyayari. Sa
simula, ang mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan, pandiwa. at
pang-uri. Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang huli na
natutunan

Sa ganitong paraan binubuo ng bata ang wikang kanilang naririnig. Sa katunayan.


umiimbento sila ng sarili nilang balarila, sariling tuntunin na nababago batay sa modelo,
dalas ng paggamit. at pidback. Pare-pareho ang istratehiyang ginagamit ng lahat ng bata
sa pagkatuto ng kanilang wika.

Ang mga modelong inilahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa proseso ng


pagkatuto ng wika na konsistent sa ilang pananaliksik ( Brooks, Goodman, 1976; Brown
at Bellugi. 1961 i. Sa modelong ito. ang pagkatuto ng wika ay hinati-hati sa iba't-ibang
yugto. Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay may mga bata na pumapasok
sa mas mataas na yugto bago pa man nila namamaster ang mas mababang yugto ng
pagkatuto. Ang pangyayaring ito ay may kinalaman sa kanilang pagkakaiba. Ang mga
edad na inilahad sa bawat yugto ay mga kalkulasyon lamang.

Unang Yugto: Pasumala (Random)

Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin nila sa
pagsasalita sa mga darating na araw. Kasama sa mga likhang tunog na ito ay iyong
bunga ng kanilang vocalizing, cooing, gurgling, at babbling. Ang mga tunog na nililikha
ng mga bata ay marami at iba-iba at ito'y tinatanaw ng mga matatanda bilang mga
ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog sa pagsasalita). Karaniwan nang ang babbling
ng bata ay' binubuo ng magkakalapit na tunog gng katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o
Da Da Da, Ang mga unang likhang tunog na ito'y tinatanggap ng magulangn nang may
lugod at kagalakan. Bagama't talagang hindi mawawaan ang mga likhang tunog na ito.
tinatanaw naman ng maraming magulang na ang mga ito'y nangangahulugan ng Mama
at Daddy dahila para sa kanilang sarili, nakapagsasalita naang kanilang bunso. Uulit-
ulitin nila
ang mga ito at bibigyan nila ng kaukulang atensyon at gantimapala ang mga bata sa
tuwing mabibigkas nila nang maayos ang mga tunog na kanilang ipinanrinig. Ang mga
ginagayang pagbigkas at pagsasalita ay karaniwang tinatawag na echoic speech.

Ikalawang Yugto: Unitary

Sa yugtong unitary, patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit ng tunog ang mga


bata na limitado sa isang pantig, Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naaayon
sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo
sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang
(maturation) ay magkasabay na nagaganap. Halimbawa. ang batang isang taong gulang
ay limitado lamang sa pagbigkas ng isang salita na maaari niyang ulit-ulitin, Ang
isahang salitang ginagamit ng mga bata sa yugtong ito'y isang pagpapaikli sa kung
paano nila tinatanaw ang isang sitwasyong komunikatibo. At karaniwang ang isang
salita na kanilang binibigkas ay pagpapahayag ng iba't ibang kaisipan. Halimbawa:
Ang "sali" ay maaaring mangahulugang "Sali ako" o "Sali Ikaw". Ang paggamit ng
mga bata ng isang salita upang magpahayag ng mga ideya ay tinatawag na holophrastic
speech.

Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod sa ilang payak


na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, at iba pa at mapaghuhulo na maaari na silang
magsimulang sumagot sa kabuuang ponemikong konpigurasyon ng mga salita at mga
parirala

Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo, at balarila ay matagal at


mahirap kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis. Natutuhan
ng mga bata ang ponema ng kanyang wika sa pamamagitan ng untiunting proseso ng
pag-iiba-iba. Sa una, ang mga salitang binigkas niya ay masasabing katulad ng mga
salita ng nakatatanda na ipinalalagay na ginaya, pero ang katunayan. ito'y
pagpapatibay na maging sa panahong ito. taglay na ng mga bata ang kanilang sariling
phonemic system kahit na di pa maayos. Halimbawa: nagrararo, tatain, tatayaw, at iba
pa. Sa paglaon, natutuhan ng mg abata ang mga ponemang eksaktong katulad ng sa
matanda.

Ikatlong Yugto: Ekspanyon at Delimitasyon

Sa yugto ng ekspansyon at delimitasyon, ang pagsasalita ay umuunlad mula isahan


o dalawahang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda.
Humigit-kumulang. sa edad na 18 hanggang 20 buwan, lumalabas na ang kanilang
dalawahang salita. Ang mgasalitang gamit dito ay may dalawang klase. Ang una ay
tinatawag na pivot class na kalimita'y maikli. at ito iyong malimit nilang bigkasin at
maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Ang posisyon ay iyong kinalalagyan ng salita
sa isang pangungusap. Ang ikalawa ay iyong isa pang salita na tinatawag itong open
class. Halimbawa: "Kain baby" "Kain Mommy", "Kain ato" (Kain ang pivot word). Sa
mga halimbawang "Dede ko". Dede tata", "Dede Mama", ang dede ang pivot word. Sa
mga halimbawang
"Tuya alit", "Mommy alit". "Daddy alit". alit (allis) ang pivot word at mapapansing ito
ay nasa ikalawang posisyon. Ilan sa mga dalawahang salitang pagsasalita ay maaaring
magtaglay ng maraming kahulugan ayon na rin sa
layunin ng pagsasalita. Halimbawa. ang "Mommy raro" ay maaaring pakahulugan ng
"Naglalaro si Mommy" o "Gusto kong makalaro si Mommy".

Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang kognitibong
kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawasa mga bagay,
pangyayari, at mga tiyak na pangalang ng mga ito. Magiging palatanong na ang mga
bata at malinut na marinnig ang mga taongna "Ano to?", " Ano yan"? at maraming
"Bakit?"

Upang hind "malunod" ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita, iwasan
ang pagbibigay ng maraming mensahe ng batang nagsasalita . Kailangan gumanap
bilang mga salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa mga bata.

Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural

Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at


paparaming mga abstraktong ideya at mga damdamin. kailangan makaratingsila sa
yugtong kamalayang istruktural. Ito'y mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat
at matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan sa pagsasaltia. Habang patuloyna
nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil
bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsan ay hindi pinapansin ang
mgaeksepsyon. Halimbawa: "nikain" vs. "kinain".

Ikalimang Yugto: Otomatik

Sa yugtong ito. ang bata'y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may wastong


pagbabalarila kaya magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya at damdamin
kagaya ng mga matatandang tagapagsalita ng wika. Ang mga batang nasa yugtong ito ay
may kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten.

Ikaanim na Yugto: Malikhain

Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang


wika. Bagama't ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila
ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga
kaibigan at mga tao sa paligid.

Sa mga talakay sa itaas, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa


pamamagitan ng I ) pag-uugnay (pagtatambal ng tunay na bagay sa tunog ng Salita),
2) pagpapatibay (anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang ulitin
ang anumang tugon), 3) panggagaya (paggagad sa anumang tunog na naririrnig sa
matatanda), at 4) elaborasyon (pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng
pangungusap).
ISANG MODELO NG MGA YUGTO SA PAG-UNLAD NG WIKA

You might also like