Professional Documents
Culture Documents
1. FONETIKS/ PALATINIGAN
Ang tawag sa sangay na ito ng lingwistiks. Pinag-aaralan dito ang mga katangian ng
mga tunog ng wika at kung paano binibigkas ang mga ito.
Ang layunin ng Fonetiks ay kilalanin at ilarawan ang mga tunog sa isang partikular na
wika o sa mga wika sa pangkalahatan. Dahil ang mga tunog sa pagsasalita ang ginagamit para
maghatid ng impormasyon, pwedeng tingnan ang mga tunog na ito mula sa Tatlong
Perspektib:
2. FONETIK NA TRANSKRIPSYON
Karaniwan, hindi sitematik na nirerepresent ang mga tunog ng mga salita sa Ortografi
ng maraming wika. Siguro masasabing pumapangalawa lamang ang wikang Ingles sa wikang
Franses sa pagiging komplikado sa bagay na ito.
Bahagi ng Dila
Tip - makitid na erya sa dulo
Bleyd - parteng kasunod ng tip
Katawan - pangunahing bahagi
Likod - pinakalikod na bahagi
Ugat - parteng nakakabit sa lalamunan
1. Lebyal – sinasabing lebyal ang anumang tunog na ginagawa ng makasara ang mga labi.
Baylebyal ang tawag sa mga tunog na gamit ang dalawang labi.
Labyodental naman ang tawag sa mga tunog kung nilalapit ang ibabang labi sa mga ngipin
sa itaas.
2. Dental – Sa paggawa ng mga tunog na dental, tinatamaan ng tip o bleyd ng dila ang likod
ng mga ngipin sa itaas.
Interdental- ang tawag sa mga tunog kung nilalagay ang tip ng dila sa pagitan ng mga
ngipin.
3. Alvyolar - tinatawag na alvyolar ang mga tunog kung tinatamaan ng tip o bleyd ng dila ang
alvyolar–rij.
5. Palatal - Ang ngalangala ang pinakamataas na parte ng loob ng bibig. Palatal ang tunog
kapag tumatama o lumalapit dito ang dila. (ň) (y) / ( j)
7. Uvular - ang nakalawit na laman sa may velum ay tinatawag na uvula o Tag. Tilao/
tilaukan. Kapag tumatama o lumalapit dito ang likod ng dila , tintawag ang tunog na
uvular. Hal. ( rouge), (prẻtre - priest)
8. Farinjal - ang faringks ang erya sa lalamunan sa pagitan ng uvula at ng laringks. Farinjal
ang tunog kapg inuurong ang ugat ng dila o di kaya ay sinisikipan ang faringks.
Matatagpuan ang mga ganitong tunog sa ilang mga wikang Semitik at Arabik. Hal. Arab
hamala
9. Glotal - maliban sa voysing nagagawa rin sa pag-impit ng glotis ang tinatawag na glotal
ng mga tunog.
Oral na Tunog - ang nagagawa kung sa bibig lamang dumadaloy ang papalabas na hangin.
Tunog na Nesyal - resulta kung dumadaloy ang hangin sa neysal–kaviti kapag nakababa ang
velum at pinalalabas ang hangin sa ilong.
Mga Stap (Stop) - ganap na pagpigil o pagbara ng daloy ng hangin sa bibig sa paggawa ng
mga stap (minsan tintawag na plosiv)
Mga Frikativ (Fricative) - pinapadaloy ang hangin sa masikip na daanan ngunit tuloy-tuloy
pa rin ang daloy nito at nagkakaroon ng hagod parang sumsagitsit ang hangin dahil sa makitid
na daanan nito.
Mga Afrikeyt (Africate) - may pagpipigil ng hangin sa simula at sinusundan kaagad ng
pagbibitiw nito tulad ng frivative.
MGA SUPRASEGMENTAL
1. Tono - Isang iskala mula mababa hanggang mataas depende kung gaano kabilis mangatal
ang vokal –kord. Kapag mas mabilis ang panginginig, mas mataas ang tono ng boses, kung
‘di gaano ang panginginig mas mababa naman ito. Tinatawag na tono at intonasyon ang
dalawang klase na kinokontrol na pitch movement sa wika. Tonal ang isang wika kapag
nababago ang kahulugan ng isang salita kapag binago ang tono nito.
2. Haba - Sa maraming wika, may mga vawel o consonant na binibigkas nang mas mahaba
kesa sa ibang mga vawel o consonant. Masasabing doble ang mga haba nito kaysa sa
karaniwan. . Sa palatinigan transkripsyonipinahihiwatig ang haba ng kolon [:] pagkatapos
ng mahabang segment o di kaya’y dinodoble ang symbol ng tunog. Ang German, Cree, at
Yap ang ilan sa mga wikang may mahahaba at maiikling mga Vawel. Ang Italyano, Turkish
at ilang mga WP tulad ng Ilokano, Ibanag, Itawes, Gaddang, Yogad, Inabaloi at Bagobo
naman ay may mahahaba at maiikling konsonant. Parehong may mahahaba at maiikling
vawel at konsonant ang ilang wika tulad ng Hungarian, Finnish at Hapon.
3. Stres - Sa maraming wika binibigkas ang ilang mga silabol o mga vawel na may pagbabago
sa tono (karaniwang mataas): binibigkas ang mga ito nang malakas at mas mahaba kesa sa
ibang mga vawel sa salita o sentens. Tinatawag na stres –vawel/silabol ang mga ito.