Professional Documents
Culture Documents
1. TULDOK (.)
- Ito ay ginagamit na pananda. Ginagamit din sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos o
pakiusap.
4. KUWIT (,)
- Ginagamit ito upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na
palagyong panawag.
Halimbawa: A. Nene, ano ang ginagawa mo?
B. Pedro, ganito ang pagsulat nang tama.
- Ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita, mga parirala at mga sugnay na
sunud-sunod.
Halimbawa:
A. Nanguha ako ng bayabas, mangga, at santol.
- Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa:
A. “Mag-aral kang mabuti,” ang sabi ng ina.
- Ginagamit sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga
pangungusap.
Halimbawa:
A. Si Nita, na aking kapatid, mananahi.
- Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig
1
pagdamdam at kung siyang simula ng pangungusap.
Halimbawa:
Oo, pupunta ako sa inyo. Hindi, kailangan niyang magpahinga.
5. KUDLIT („)
- Ito ay ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga
letrang nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng
dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita:
Halimbawa:
A. tuwa at hapis - tuwa’t hapis
B. kaliwa at kanan - kaliwa’t kanan
6. GITLING (-)
- Ito ay ginagamit sa loob ng salita sa sumusunod na pagkakataon: Sa pagulit ng salitang-ugat o mahigit
sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
A. araw-araw, isa-isa, apat-apat C. masayang-masaya
B. dala-dalawa, sari-sarili, kabi-kabila
- Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng
2
isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa baybay.
Halimbawa:
A. maka-Diyos, maka-Rizal, maka-Pilipino
B. pa - Baguio, taga - Luzon, taga - Antique
C. mag – PAL (Philippine Airlines), maka - Johnson, mag - Sprite
D. mag - Corona, mag - Ford, mag - Japan
3
hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa: A. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
B. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niyang humingi ng payo.
4
- Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.
Halimbawa: Kung ika’y maliligo sa tubig ay aagap upang…
PAGBABAYBAY
1. Pagbaybay na Pasalita- Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang
ibig sabihin, isa- isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang
mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, mga inisyal, at
simbolong pang-agham.
A. Tiyak na mga gamit ng “nang” at lima (5) lámang ang mga tuntunin.
- ginagamit ang “nang” na kasingkahulugan ng “noong.”
Halimbawa: “Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha ang
sakit ni Pedro.”
5
Halimbawa: “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa puso
ng mga kababayan. Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.”
B. Gamit ng Walong Bagong Titik- Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang
paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa modernisadong alpabeto.
Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga
salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F, J ,V, at Z ay napakaimportante
upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng
abakada na ang “Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan.” Narito
pa ang ilang halimbawa: Mga katutubong salita na nararapat baybayin ayon sa tunog nito,Vakul
(Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bilang pananggalang sa ulan at init ng araw,
payyo (Ifugaw) pangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugaw , safot (Ibaloy) sapot ng
gagamba ,masjid (Tausug, Maranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga
Muslim,falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan, kuvat (Ibaloy) digma,
feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo, jalan (Tausug) daan o kalsada, zigattu (Ibanag)
silangan, vuyu (Ibanag) bulalakaw.
Ano ang buod? ito ay ang pagsasalaysay ng mga pangyayri na naganap sa isang kuwento sa paraang mas
madali itong maintindihan ng mga mambabasa.
1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti ang mga
panggitnang kaisipan.
2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na kaisipan.
3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraang madaling
maunawaan ng babasa.
4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.
5. Huwag maglagay ng mga detalye,halimbawa at ebidensya.
6. Makakatulong ang signal words o mga salitang nagbibigay-transisyon ng mga ideya gaya ng –
gayunpaman, kung gayon, pagkatapos, bilang pangwakas, at iba pa.
7. Huwag magsingit ng sariling opinyon.
6
KABANATA IV
Si KABESANG TALES
Sa mga nakabasa rin ng unang parte ng kwentong ito, matatandaan nila noon ang isang matandang
mangangahoy na nakatira roon sa loob ng kagubatan. Buhay pa si Tandang Selo at kahit naging
Puti na lahat ang buhok nito, napanatli nito gayunpaman ang magandang kalusugan. Hindi na siya
nagpupunta roon para mangaso o para pagputol ng mga puno. Dahil umaasenso na ang kanyang
kalagayan, inilaan na lamang niya ang oras sa paggawa ng mga walis. Unang nagtrabaho ang kanyang anak
nasi Tales ( palayaw ng Teleforo ) bilang katiwala sa mga lupain ng mga kapitalista pero, nitong huli,
dahil nagkaroon na ng dalawang kalabaw at ilang daang piso, ginusto nitong magsarili sa
pagtratrabaho sa tulong ng kanyang ama, kabiyak at tatlong mga anak. Hinawan at pagkatapos ay
nilinis nila ang isang bahagi ng gubat na nasa gilid ng baryo at inakala nilang walang may ari nito
kahit sino. Sa kanilang paghuhukay at paggawa ng mga kanal sa mga lupa, isa –isang nagkasakit
ang buong pamilya, nagkaroon ng lagnat at bumigay sa pagkakasakit na ito ang ina at ang panganay na
anak, si Lucia , na nasa kasibilan. Kahit na natural na ganoon ang mangyayari bunga ng paglitaw ng
dumi dahil sa pagbubungkal ng lupang mayaman sa ibat – ibang organismo , inatribyut nila ito sa
paghihiganti ng mga espiritu ng kagubatan, nagpaubaya sila at nagpatuloy sa pagtratrabahong sa
paniniwalang hindi nagalit ang mga espirtung ito. Nang anihin na nila ang unang mga bunga,
nagreklamo ang isang relihiyosong korporasyon na may lupain sa katabing baryo na kanila ang
lupaing iyon, sinasabing nakadikit iyon sa bawnderi na kanilang lupain, at para patunayan ang
ganoong sinasabi ay naglagay din sa oras na iyon ng mga palatandaan. Gayunpaman, dahil sa
pakikipagkapwa tao, papaya ang administrador ng mga prayle na isurender na ang kanilang
makukuhang benepisyo sa mga lupain kung magbabayad si Kabesang Tales ng isang maliit na
halaga bawat taon, isang renta, mga bente o trenta pesos. Isang mapayapang tao at kaaway ng
demandahan gaya ng karamihan,at sumusunod sa mga prayle gaya ng maliliit na tao, dahil hindi
ihahampas ang isang palayok kontra sa kawali, gaya nga ng sabi niya ( para kay Tales, mga
7
lalagyang bakal ang mga pari, at siya ay palayok ), nagkaroon si Kabesang Talesng kahinaan na
tanggapin ang ganoong kasinungalingan, iniisip na hindi niya alam mag-Kastelyano at wala siyang
ibabayad sa mga abogado. Dahil sa lahat ng ito, sinasabi sa kanya ni Tandang Selo: “Pasensya! mas
marami kang gagastahin sa loob ng isang taong demandahan kaysa kung magababayad ka ng
sampung beses ng hinihingi ng mga putting pari. Hm! Siguro babayaran ka na lang nila ng mga
misa. Isipin mo nalang na natalo ang trenta pesos mo sa sugal, o kaya, nahulog mo iyon sa ilog at kinain
ng buwaya.” Naging maganda ang ani, naging mabuti ang kanilang pagbebenta at naisip ni Tales na
gumawa ng isang bahay na yari sa kahoy sa baryo ng Sampang sa bayan ng Tiani, na malapit sa San
Diego. Nakaraan ang isang taon, dumating na naman ang isang magandang ani, at dahil dito o sa
iba pang motibo, iniutos ng mga prayle na singkwenta pesos ang ibabayad ni Tales – na binayaran
ni Tales para wala na lang away at dahil nagging maganda naman ang pagbebena ng asukal.
“Pasensya! Isipin mo nalamang na lumaki ang buwaya,” ang pagbibigay – konswelo ng matandang
Selo. Nang taong iyon, natupad sa wakas ang kanyang pangarap,: ang tumira sa poblasyon, sa isang
bahay na yari sa kahoy, sa baryo ng Sagpang at nangarap ang mag – ama na pag-aralin ang
dalawang magkapatid, lalo na ang babae, si Juliana o Juli gaya ng tawag sa kanya, dahil mukhang
magiging maganda at kahali-halina ang dalaga. Nag-aaral na nang panahong iyon sa Maynila si Basilio, ang
batang kaibigan ng pamilya, at galing ang binatang iyon sa isang pamilya na kasing hirap nila. Pero parang
nakadestino na hindi magkatotoo ang kanilang pangarap. Ang unang gagawin ng lipunan kapag
nakitang unti – uning gumaganda ang buhay ng isang pamilya; ang panganay, si Tano ay katorse
anyos lamang. Kaya ginawang kabesa si Tales, na kailangang magpagawa ng isang tsaketa, bumili
ng isang sombrero na yari sa felt at maghandang gumastos. Para hindi makaaway ang kura o ang gobyerno,
nag–abono siya mula sa sariling bulsa para mabayaran ang mga indios at inaabonohan ang mga
namatay, nag aksaya ng maraming oras sa kanyang pangulekta at pagbibiyahe patungo sa kabisera.
“Pasensya! Isipin mo nalang na dumating na ang mga magulang ng buwaya para dumalo sa
handaan,” ang sabi ng Tandang Selo, payapang nakangiti. “ Sa darating na taon, magdadamit ka ng yari
sa cola at pupunta ka sa Maynila para mag –aral gaya ng ibang mga dalaga sa kabayanan!”ang
laging sabi ni Kabesang Tales sa kanyang anak na babae tuwing naririnig niyang ikinikwento nito
ang progreso ni Basilio sapag – aaral. Pero hindi dumating ang susunod na taon at napalit sa lugar
nito ang pagtataas ng bayad; naging seryoso si Kabesang Tales at nagkamot ng ulo. Ibinibigay ng
palayok ng baryo ang kanin sa kaldero. Nang itinaas ang buwis sa halagang dalawang daang piso, hindi na
bumulong ito at nag protesta. Sinabi ng prayleng administrador na kung hindi nila kayang magbayad,
may ibang maaaring makinabang sa mga lupaing iyon. Maraming interesado sa lupaing iyon ang
nagpiprisinta. Naniniwala si Kabesang Tales na nagbibiro ang prayle pero sinabi ng prayle na siya ay
seryoso at sinenyasan ang isa sa kanyang mga utusan para angkinin ang mga lupain. Namutla ang
pobreng si Kabesang Tales, umugong ang mga tainga at isang pulang ulap ang tumaas sa harap ng
magmata nito, at Nakita niya roon ang kanyang kabiyak at anak, mapuputla, mapapayat, naghihirap,
mga biktima ng walang tigil na lagnat! At pagkatapos, nakita niya ang kagubatang malawak, na
ginawang tanimang nababakuran, nakita ang mga tumatagaktak na pawis na ipinandidlig sa mga lupang
inararo, nakita roon ang kanyang sarili mismo, ang kawawang si Tales, nag-aararo sa gitna ng araw,
sinusugatan ang mga paa dahil sa mga bato at mga nakausling mga ugat, samantalang dumaang
nakasakay sa karwahe ang leyman na iyon, at iyong magmamana sa lupa, nakasunod na parang
isang alipin sa likod ng kanyang amo. Ah, hindi! Hinding – hinding – hindi! Lumubog na sana
silang lahat ng nasa lupaing iyon sa kailaliman ng lupa at mabaon na sana silang lahat. Sino ba
ang banyagang iyon para magkaroon ng karapatan sa kanyang kanyang mga lupa? Napagod ba itong
nagpunta sa kanyang bayan nadala maski isang dakot na mga lupang iyon? Nabaluktot bani isang
daliri nito para magbunot ni isang ugat sa kanyang pag- aararo? Sawang – sawa na sa mga
pananakot ng prayle na nagpapanggap na dapat masunod ang kanyang awtoridad anuman ang
mangyari sa harap ng iba pang mga tenant na naroon, nagrebelde si Kabesang Tales , tumangging
8
magbayad ng isang kusing at , lagging nakikita sa kanyang harap ang pulang ulap, sinabi na
ibibigay lang niya ang mga lupang iyon sa unang magdidilig sa mga ito ng dugong galing sa
kanyang ugat. Hindi nagtangka ang matandang Selo na banggitin ang tungkol sa buwaya, nang
makita ang mukha ng anak, pero inisip nitong kalmantehin ang anak sa pagsasabi rito tungkol sa mga
palayok at pinaalala sa anak na, maghihirap ito, manalo man ito sa korte.“ Sa lupa tayo babalik, Tatay,
at wala tayong kamisa nang ipinanganak tayo!” kanyang sagot. Hindi talaga nagbayad si Kabesang
Tales o nagsuko ni isang dangkal ng kanyang lupain hanggat hindi napatunayan ng mga prayle ang
legalidad ng kanilang pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagpapakita ng anumang dokumento. At
dahil walang maipakita ang mga prayle, nagkaroon ng demandahan, at tinanggap ito ni Kabesang Tales na
naniniwalang mayroong ilan, kung hindi man lahat, na nagmamahal sa hustisya at iginagalang na
mga batas.“ Nagsilbi ako at nagsilbi ako ng maraming taon sa hari sa pamamagitan ng aking salapi
at aking pagod ,” ang sabi niya sa mga taong umaawat sa kanya.“ Ngayon hinihingi ko sa kanya na bigyan
niya ako ng hustisya at dapat na ibigay niya iyon sa akin.” At pinahirapan ng isang sawing
kapalaran at nandoong isugal niya sa demandahan ang lahat ng kanyang kinabukasan at ng kanyang
mga anak, ginasta niya ang kanyang mga naipon sa pagbabayad sa mga abogado at mga klerk, at
hindi pa kasama rito ang mga opisyal at mga klerk na sinasamantala ang kanyang sitwasyon at
pagiging ignorante. Pabalik – balik siya sa kabisera, pinadaan ang mga araw na hindi kumain at
mga gabi na hindi natutulog, tungkol lang sa mga manuskrito, presentasyon at pag – aapila at iba
pa ang kanyang bukang bibig. Nalantad kung gayon ang isang pagtunggali na hindi pa nakikitang
nangyari kailanman sa ilalim ng kalangitan ng Pilipinas, isang pobreng Indiyo, ignorante at walang
mga kaibigan, naniniwala sa kanyang karapatan at pagiging tama ng kanyang ipinaglaban,
nakikipaglaban sa isang napakalakas na korporasyon na hawak sa kwelyo ang hustisya at dahil dito„ ay
ibinababa ng mga huwes ang timbangan ng hustisya at isinuko ang espada. Ah, impresibo ang
palayok na ito na determinadong ihampas ang sarili sa kaldero at mabasag sa maraming piraso:
taglay nito ang kahanga- hangang katapangan ng isang desperado. Ginamit niya ang mga libre niyang
araw na hindi siya nagbibiyahe sa pagpapatrolya ng kanyang lupain na may dala – dalang riple,
sinasabing may mga tulisan na umaaligid at kailangang ipagtanggol ang mga para hindi mahulog sa
kamay ng mga bandido at tuloy ay matalo siya sa kaso. At para lalong gumaling sa pag – aasinta,
nagsanay siya sa pag-asinta sa mga ibon at ang mga prutas tinitira ang mga paruparo, kaya hindi
na nagtangkang pumunta ang leygo-administrador sa Sagpang nang walang kasamang mga gwardiya sibil,
at nang maaninagan ng alilang tagamana sa malayo ang nakakatakot na anyo ni Kabesang Tales na
nagpapatrol sa kanyang mga lupain na parang isang sundalo sa kanyang kampo, isinurender nang lahat
nito ang anumang pagnanasang maagaw ang pag – aari ni Kabesang Tales dahil takot. Pero ang mga
huwes ng kapayapaan at yaong nasa kabisera ay hindi naglakas – loob na bigyan si Kabesang Tales
ng katarungan, takot na mawalan ng trabaho, nabigyan na ng halimbawa sa pagkakatanggal sa
trabaho ng kanilang pinalitan. At hindi masasama sa totoo lang ang mga huwes na ito, mga tao
silang may konsensya, alam nila ang tama at may, mabubuting mamamayan, magagaling na mga
padre de pamilya, mababait na mga anak ……at mas naiiintindihan nila ang sitwasyon ni Kabesang
Tales kaysa si Kabesang Tales mismo. Marami sa kanila ang nakakaalam sa pundasyong siyentipiko at
historical sapag – aari ng lupa, alam nila na hindi pwedeng mag- ari ng mga lupa ang mga prayle
dahil sa kanilang posisyon, pero alam din na galing sa malalayo ang mga praylemg ito, tinawid ang
mga dagat para sa isang destinong narating kapalit ng malaking paghihirap, na ang magligtas ang
pangunahing layunin kaya nagpunta rito, at masasayang lang ito dahil sa isang Indiong naniniwalang
ang hustisya na dapat pairalin sa lupa ay yaong hustisya na pinairal sa langit! Isang biro , hindi ba ? Naku,
hindi ba‟t nakakapagtaka kung ganoon nga nangyayari?! Mayroon silang mga pamilya at dapat na
siguruhin nila ang kanilang mga pamilya bago ang Indio na ito: ang isa ay may isang
pensyonadong ina at anong bagay ang mas sagrado kaysa pakainin ang isang ina? Ang isa naman
ay may mga kapatid na dalagang pwede nang magpakasal; ang isa pa ring huwes ay maraming
9
maliit na anak na naghihintay sa pagdating ng pagkain na parang mga sisiw sa isang pugad, at
tiyak na namamatay sa gutom kapag magkamali ang huwes na ito at matanggal sa trabaho; at hindi
pahuhuli ang isa naman na may isang asawang malayo, napakalayo sa kanya, napakalayo, na
pwedeng magipit at malagay sa alanganin, kapag hindi niya mapalhan ng pera…. Kaya naniniwala ang
mga ito, ang mga huwes na itong may mataas na konsensya kaysa karamihan at may mas mataas
na moralidad, ginawa nila ang pinakamabuti sa kalagayang iyon nang pagpayuhan nila si Kabesang
Tales na makipagkasundo na sa mga prayle at bayaran ang ano mang dapat bayaran. Pero hindi matinag si
Kabesang Tales, na tulad ng lahat na may simpleng pag –iisip, sa kanyang desisyon, nang
makapagdesisyon na itong hustisya ang gusto niyang makamit. Humingi siya ng mga ebidensiya,
mga dokumento, mga papeles, mga titulo at walang maipakita ang mga prayle kahit na ano, at ang
tanging maipapakita lamang ay ang mga ginawang pagbabayad ni Kabesang Tales bilang renta sa mga
lupa. Pero sumagot si Kabesang Tales: “Kung araw- araw akong naglilimos sa isang pulubi para
lamang hindi niya ako buwisan, sino ang makakapilit sa akin na bigyan pa siya ng limos matapos
niyang abusuhin ang aking kabaitan?” At walang makapagbago sa kanyang ganoong paniwala, at walang
pananakot ang nakakatakot sa kanya. Bigo si Gobernador M….. na nagpunta talaga sa probinsya para
kausapin at takutin si Tales. Ang lahat ay sinagot ni Kabesang Tales: “Gawin ninyo ang gusto
ninyong gawin, Señor Gobernador, ako‟y ignorante at walang lakas. Pero natanim ko na ang mga
lupaing iyon. Namatay ang aking kabiyak at ang aking anak doon dahil sa pagtulong sa akin na
hawanin ang mga lupang iyon,.at hindi ko ibibigay ang mga lupain ng iyon sa mga taong hindi
mapapantayan ang aking mga ginawa…. Kailangan muna niyang ipandilig doon ang kanyang dugo at
mailibing niya roon ang kanyang asawa at anak!‟‟
GABAY NA TANONG:
1. Sino si Kabesang Tales?
2. Paano ipinakita ni Kabesang Tales ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya?
3. Ano ang katangiang taglay ni Kabesang Tales bilang ama?
4. Ano ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong mabasa ang nasabing akda?
5. Paano napa –unlad ni Kabesang Tales ang kanilang pamumuhay?
10