You are on page 1of 2

ELEMENTO NG PELIKULA

SEQUENCE ISKRIP
 Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula
 Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento

SINEMATOGRAPIYA
 Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla
ng ilaw at lente ng kamera
 ito ay tumutukoy sa masining at matagumpay na pagsasalarawan ng nilalaman at daloy ng pelikula nagagawa ito sa
pamamagitan ng tamang pag-iilaw,maayos nagalaw ng kamera,iba’t ibang istilong may kaugnay sa teknik

TUNOG AT MUSIKA
 Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
 Pinupukaw ang interes at damdamin ng manood
 Ang epektong pantunog naman ang siyang nagpapalitaw sa kahulugan ng tagpo o damdamin,pinatitingkad nito ang
atmospera at damdamin,umaayon sa ritmo at daloy ng pelikula

PANANALIKSIK o RESEARCH
 Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng pelikula

DISENYO PAMPRODUKSYON
 Pook na ginanapan ng pelikula. Marapat na akma ito sa ibig ipakita at ilahad ayon sa mga pangyayaring ibig isakatuparan
 Kaanyuan ng mga magsisiganap. Akma dapat ang gagamiting kagamitan ng mga artista.
 Pagpapanatili na kaangkupan ng lugar,eksena,pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento

PAGDIDIRIHE
 Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kwento sa telebisyon o pelikula

DIREKTOR
 Malaki ang papel na ginagampanan sa paghabi o pagbuo ng pelikula
 Siya ang pinakabuhay ng pelikula

GAWAIN NG DIREKTOR
>Nabibigyang-buhay niya ang isang dulang pampelikula
>nagagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang
elemento ng pelikula
>nakapapamili ng angkop na artista na siyang gaganap sa tauhang ibig likhain
>nagagawa niyang makatotohanan ang mga tagpo at kaganapan ng pelikula
>naipalalabas niya ang galing ng mga artista upang magampanan ang mga bahagi nito

PAG-EEDIT
 Ito ay pagpuputol,pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa eksenang nakunan na

KAHUSAYANG GRAMATIKAL
WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

NANG
 Karaniwang ginagamit na pangatnig na nag-uugnay ng punong sugnay sa katulong na sugnay.
Ito ang siyang panimula ng katulong na sugnay
Halimbawa: Dapat tayong sumunod sa mga pangaral ng ating mga magulang nang hindi tayo
 Ginagamit na pang-abay.
Ang nang ay nagbuhat sa na na inaangkupan kaya naging nang
Halimbawa: Malubha nang talaga ang sakit ni Lucy.

NG
 Ginagamit na panandang pangkayarihan na sumasama sa tuwirang layon ng pandiwa.
Halimbawa: Humihingi kami ng awa sa Diyos.
 Ginagamit na panandang pangkayarihan na sumasama sa tagaganap ng pandiwang nasa tinig
balintiyak
 Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian

MAY
 Kapag sinusundan ng pangngalan
Halimbawa: Si amy ay may minimithi sa buhay

 Kapag sinusundan ng pandiwa


Halimbawa: May nag-iingay sa labas
 Kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa: Ang taong masipag ay may magandang kinabukasan
 Kapag sinusundan ng panghalip
Halimbawa: Tayo ay may kanya-kanyang problema.
 Kapag sinusundan ng panandang pangkayarian mga.
Halimbawa: May mga tanong na mahirap ihanap ng kasagutan
 Kapag sinusundan ng pang-ukol na sa.

MAYROON
 Kapag may paningit na kataga o mga kataga sa sumusunod na pangngalan, pandiwa, panghalip, at
panandang pangkayariang mga at sa.
Halimbawa: Mayroon ding pangarap sa buhay si Juan.
 Kapag sinusundan ng panghalip na panao
Halimbawa: Mayroon siyang kaunting salaping naimpok sa bangko.
 Kapag nangangahulugan ng pagkakaroon ng bagay o mga bagay na itinatanong.
Halimbawa: Mayroon ka bang ganitong aklat?mayroon.

PAHIRIN
 Kapag may paningit na kataga o mga kataga sa sumusunod na pangngalan, pandiwa, panghalip, at
panandang pangkayariang mga at sa.
PAHIRAN
 Kapag may paningit na kataga o mga kataga sa sumusunod na pangngalan, pandiwa, panghalip, at
panandang pangkayariang mga at sa.
SUBUKIN
 Nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa lakas o kakayahan ng isang bagay o tao.
SUBUKAN
 Nangangahulugan ng tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao.
DIN/ DAW
 Ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
RIN/RAW
 Ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y
SUNDIN
 Nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral
SUNDAN
 Nangangahulugan ng gayahin ang ginagawa ng iba.
PINTO
 Bahagi ng daanan na isinasara at binubuksan.
PINTUAN
 Bahaging daanan kapag bukas ang pinto.
HAGDAN
 Mga baitang na inaakyat at binababaan sa bahay o gusali.
HAGDANAN
 Bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan
WALISIN
 Pagwawalis ng bagay
WALISAN
 Tumutukoy sa lugar

You might also like