You are on page 1of 6

1.

Sanaysay

Partido State University


Goa Camarines Sur
College of Education
A/Y: 2012-2013
by: Hennecy B. Cabrejas 
BSEd 2-B,Filipino Major
henzcabrejas@gmail.com

How to Prepare Handouts

from:kaspil123.wordpress.com

"Ang sanaysay ay isang pampanitikan daan sa pagpapahayag ng halos lahat tungkol sa


kahit anuman." 
-Aldous  Huxley  

  Sanaysay

  isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro


ng may-akda.
  Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karansan ng isang
sanay sa pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay
at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro,
damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa, ng manunulat hinggil sa isang
makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
  Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sa pagkat natututo ang
mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang
manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng
pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman sa paksa.

ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY

  1580-nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at


damdamin ni Michael de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais. -sa mga
nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga
pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akda.
  1597 -nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng
mga saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin
siya bilang “ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Inlges “.
   1700 -kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na
sundan ang mga yapak ni Bacon. Isa naritosina:Sir Thomas Izaak Walton– sumulat
ng aklat na pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa
pamimingwit at pakikipagkaibigan.

Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y
masusi niyang inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial. 

John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay


kinalugdang basahin ng mga nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit.
Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics
Poesy.

  1800 –sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison,


Samuel Johnson, Oliver Smith atb.

  1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. –bukod sa panitikan at


sining naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. –nanaluktok sa
panahong ito ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew
Arnoldatb.
Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang
bansa ni Montaigne. Binigyan lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing
na Gintong Panahon ng Panitikang Pranses. -ang mga sanaysay na isnilat ni Francois
de Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa
naimpluwensyahan ay siVoltaire. -noong ika-19  dantaon sumikat ang mga pangalang
Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France.

Sa EstadosUnidos -napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch


Book na nailathala noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga
mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo sa pagkat higit na matimpi ang
istilo ni Irving. -nakilala rin angmgasanaysayninaRalph Waldo Emerson, John
Burroughs, atb. At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi lamang
mahusay sa makata’t manunulat kund iisa ring institusyon sa larangan ng pagsulat ng
sanaysay.

Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at


James Russell.-lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing naglathatla
ng mga sanaysay ng ilang piling manunulat, ang The Atlantic Monthly at ang
Harper’s Magazine.

  Sa Pilipinas - ang kasaysayan ng sanaysay saTagalog bilang sangay ng panitika ay


nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino
People at The Philipines. - ang A Century Hence niMarcelo H. del Pilar ang naging
patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nangunasap angkat ng
mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose
Burgos, at Apolinario Mabini.

 Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The


College Folio at Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang
mahhusay na mananaysay sa panahong ito sina I. V. Mallari, Francisco B.
Icasiano, Salvador P. Lopez,atb.

Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklakan nina Pascula Poblete, Lope k. Santos,


Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong
iyon ang magasing Liwayway nanaglalthalang maiklingkwento at sanaysay bago
makidigma ang mga sanaysay ay kina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang
kinagiliwan ng mga tao.

  Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo,


Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso,
Epifanio Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla,
Narciso G. Reyes at Vito C. Santos.

Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga
Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat
sa AmingSulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y isang Tinig ni Genoveva Edroza.
Sa mga aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala nasa
sanaysay tulad ng DiwangGinto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa
Mataas na Paaralan

  Sa mga magasin na nalathala ay angPanitikanni Alejandro G. Abadilla at Free Press na


naglalaman ng mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na pinamagatang
“  Lubos na Sumasainyo” Si Direktor Ponciano ng Surian ngWikang Pambansa ay
may aklat na naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng kanyan ilang piling
sanaysay na karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling pangwika. Naging
masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos
Memorial Awards For Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga
sanaysay na nagwagi ay yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang
sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ng“Palanca” sina Pedro
L. Ricarte, VirgilioAlmario, RuelAguila, Rosario Torres, atb.

Dalawang Uri ng Sanaysay

         Pormal o Maanyo


o   Ang sanaysay na pormal o baguhan – sanaysay na tinatawag din na
impersonal – Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa
ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maanyo rin ito kung
turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang
pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan,
matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong
panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng
may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walanghalong
pagbibiro. Elementong Sanaysay: Panimula, Katawan at Wakas.

         Impormal o Di-pormal


o   Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang
araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilalang personalidad ng
manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito ditto
ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa
kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o
kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang
pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-
akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig, kaya
magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya
pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan.
Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-
akda ang pananaw.

Sangkap ng Sanaysay

         Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa
dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi.

         Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap
sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na
pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa
sa sanaysay.

         Wika at Istilo – ang uri at antas ngwika at istilong pagkakagamit nito ay nakaaapekto
rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at
matapat na mga pahayag.

          

Bahagi ng Sanaysay
     1.      Panimula -ang pinakamahalagang bahagi ng isang
sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mababasa, dapat
nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda.

     2.      Katawan -sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang


pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat
ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang magiging
mambabasa

     3.      Wakas -nagsasara sa talakayang naganap sa


katawan ng sanaysay; sa bahaging ito
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay ng
sanaysay.

Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting


Mananaysay:

 May malawak nakaalaman o karanasan sa paksa.


 Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
 Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya.
 Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman
ukol sa paksa.
 May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa.

Sanggunian:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay
Francis, Shandy (2007). http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/20/Sanaysay
Lionheart Inc. http://blogger-pinoy.blogspot.com/2011/12/sanaysay.html
me9i(2011) http://www.slideshare.net/me9i/ang-sanaysay
Eugenio, Paul (2012). http://www.scribd.com/doc/101740005/Ano-Ang-Sanaysay

You might also like