You are on page 1of 2

BUOD NG IBONG ADARNA

Masayang namumuhay ang mga tao sa kaharian ng Berbanya hanggang sa


nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando. Ito ay dahil nakita
niya ang bunsong anak na pinatay ng dalawang buhong at inihulog ito sa
malalim na balon.

Inutusan ng hari ang panganay na si Don Pedro ngunit ito ay hindi na nakabalik.
Inutusan naman niya ang pangalawang anak na si Don Diego ngunit ito rin ay
nabigo rin. Masakit man sa loob ngunit iminungkahi ni Don Juan na siya nalang
ang hahanap sa ibong adarna.

Tinulungan si Don Juan ng isang ermitanyo kaya naligtas nito ang dalawang
kapatid. Naiingit si Don Pedro kung kaya’t pinagtaksilan nila si Don Juan,
binugbog nila ito at iniwang nakahandusay sa gitna ng daan pagkatapos ay
umuwi na sila tangan ang ibong adarna.

Tinulungang muli ng ermitanyo si Don Juan kaya ito ay nakabalik sa Berbanya.


Nalaman ng Hari ang pagtatagksil na ginawa ng dalawa ngunit inihingi ito ng
tawad ni Don Juan kaya ito’y agad ding pinatawad.

Lumaon ay nawili ang hari sa ibon at sa takot na makawala ito, ang tatlo niyang
anak ang pinagbantay niya dito.

Gumawa na naman ng kataksilan ang dalawa, pinalaya nila ang ibong adarna. Sa
pag-aakalang si Don Juan ang may kasalanan sa pagkawala nito, siya ay lumayo
upang takasan ang kasalanag ginawa.

Napadpad ang prinsipe sa Armenya at doon naman ay sinundan siya ng dalawa


niyang kapatid. Natuklasan ng tatlo ang isang mahiwagang balon at si Don Juan
lamang ang matapang na nakababa rito.

Doon niya nakilala sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Dito rin ay ginapi ng
prinsipe ang higante at ang serpyente. Tinakas ni Don Juan ang dalawang
prinsesa.
Nang makalabas na ang tatlo, naalala ni Prinsesa Leonora na naiwan ang kanyang
dyamanteng singsing kung kaya’t binalikan ito ni Don Juan. Ngunit noong
nakababa na sa balon si Don Juan ay pinutol ni Don Pedro ang lubid kaya ito ay
nahulog.

Pinatulungan ni Prinsesa Leonora sa kanyang oso si Don Juan. Habang pabalik na


ng Berbanya ni Don Juan ay muli niyang nakita ang Ibong adarna. Sinambit ng
ibon na pumunta ito sa Reyno de los Cristales.

Tinulungan ang prinsipe ng ermitanyo upang makarating sa nasabing kaharian at


doon nakilala si Maria Blanca. Upang masungkit ang pag-ibig nito, dumaan siya
sa sunud-sunod na pagsubok at sa huli ay nabigo pa rin ito kaya naisipan ng
dalawa na tumakas nalang.

Sa labis na galit sinumpa ng Hari si Maria Blanca na pagtataksilan siya ni Don


Juan pagdating nito sa Berbanya. Natupad na ang sumpa ni Haring Salermo at
nakatakda nang ikasal si Don Juan at Prinsesa Leonora.

Ngunit ito ay hindi matanggap ni Maria Blanca kung kaya’t ito ay nagpanggap
biglang isang emperatris upang ipaalala kay Don Juan ang kanilang pag-iibigan.
Nahirapan man ngunit nakamit ni Maria Blanca ang kanyang nais.

Doon di’y nalaman ng Hari ang muling pagtataksil ng dalawang prinsipe ngunit
muli na namang inihingi ng tawad ni Don Juan kaya agad na pinatawad.

Si Don Pedro at Prinsesa Leonora na ang itinalaga biglang hari at reyna sa


kaharian ng Berbanya habang si Don Juan at Maria Blanca naman ay ang bagong
hari at reyna ng Reyno de los Cristales.

You might also like