You are on page 1of 9

TULA

FILIPINO 10 – PANITIKANG PANDAIGDIG


KAHULUGAN

Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa


malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at
estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan
ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang
isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan
o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
ELEMENTO NG TULA
FILIPINO 10 – PANITIKANG PANDAIGDIG
SAKNONG

Ang saknong ay ang element ng tula na tumutukoy


sa mga grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay
maaring magsimula sa dalawa o higit pang
taludtod
SUKAT

Ang sukat ng tula ay tumutukoy sa bilang ng


pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang
pangkaraniwang tula ay may walo hanggang
labindalawang pantig sa bawat taludtod.
TUGMA

Ang tugma ang elemento ng tula na tumutukoy sa


pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat
taludtod ng tula. Ito ay isang element ng tula na
nagbibigay dito ng himig at indayog.
TALINGHAGA

Ang talinhaga ng tula ay tumutukoy sa paggamit


ng mga tayutay at matalinhagang pananalita
upang pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.
KARIKTAN

Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa


pagtataglay ng mga salitang umaakit o
pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
TONO

Ang tono o indayog ng tula ay tumutukoy sa paraan ng


pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang
pataas o pababa.

You might also like