You are on page 1of 16

10

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 2.1
Paggamit ng Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay
Filipino – Baitang 10
Kwarter 1 – Modyul 2.1: Paggamit ng Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng


Batas Pambansa Bilang 8293. Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang
akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad
na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand names o trademarks, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari upang magamit ang mga akdang
ito. Hindi inaaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-
akda ang karapatang-aring iyon.

Binuo ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod


Tagapamanihala: Gladys Amylaine D. Sales
Kawaksing Tagapamanihala: Michell L. Acoyong

Mga Bumuo ng Modyul

May-akda: Lorenzo C. Magsipoc


Tagarebyu/Editor: Aldrin G. Vingno
Taga-anyo: Lorenzo C. Magsipoc
Lupong tagapamahala: Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Aldrin G. Vingno

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lungsod ng Bacolod

Office Address: Rosario-San Juan Streets, Bacolod City


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

II
10

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 2.1
Paggamit ng Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga
guro at ibang larangan ng edukasyon na mag email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Lungsod ng Bacolod sa
bacolod.city@deped.gov.ph

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

III
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy:
Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga mag-
aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na maaring
gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal. Pinaalalahanan ang
mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot sa pauna,
pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay magiging gabay ng mo upang matamo ang kasanayan


sa pangangailangan sa kanilang pagkatuto. Babasahin ng mag-aaral ang bawat aralin
at sasagutin ang mga katanungang inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat
gawaing inihanda mula sa modyul na ito. Ang gawain ay mula sa topikong pang-ugnay
na ang layunin ay nakagagamit ng mga pang-ugnay sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari, nakikilala ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsisimula,
pagpapatuloy,pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas, nakasusulat nang
isang salaysay na may angkop na pang-ugnay ayon sa gamit nito
. Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Alamin, Subukin,
Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, at Karagdagang
Gawain.
Sa bahaging:

 Alamin - nakasaad dito ang topiko at layunin ng nilalaman ng modyul;

 Subukin - naglalaman ng paunang pagsusulit;

 Balikan - binabalikan ang nakaraang pinag-aralan;

 Tuklasin - ang topikong pag-aaralan sa modyul;

 Suriin - diskusyon at pagsusuri sa topiko;

 Pagyamanin - makikita rito ang mga karagdagang gawain at


panukatang gawain;

 Isaisip - makikita dito ang mga dapat matutunan ng mag-aaral;

 Isagawa - makikita dito ang gawain upang magamit ang kasanayang


natutunan;

 Tayahin - mga katanungang susukat sa pagkatuto ng mag-aaral; at sa

 Karagdagang Gawain - mga karagdangang gawain upang


mapayaman ang natutunan.

IV
Alamin

Sa iyo mahal naming mag –aaral, sa modyul na ito ay iyong matutunan


ang aralin tungkol sa paggamit ng angkop na mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay.
Sa modyul na ito ay mapag-aaralan mo ang tungkol sa paggamit ng
angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas). F10WG-Ib-
c-58
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahan na taglay mo na ang sumusunod
na kasanayan:
1. nakagagamit ng mga pang-ugnay sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari;
2. nakikilala ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsisimula,
pagpapatuloy,pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas; at
3. nakasusulat nang isang salaysay na may angkop na pang-ugnay ayon
sa gamit nito.

Subukin

Subukin mong punan ng angkop na pang-ugnay ang puwang sa loob ng


pangungusap at isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Nasuspende ang klase sa Lungsod ng Bacolod malakas na


ulan.
A. para sa C. tungkol sa
B. dahil sa D. hinggil sa

2. Pinagbawalan ang mga tao na gumala sa pampublikong lugar


marami pa ang positibo sa sakit na COVID-19.
A. at C. sapagkat
B. para D. pati

3. Umuwi ang mga OFW sa kani-kanilang probinsiya tumaas


ang mga naging positibo sa COVID-19.

1
A. para C. tungkol sa
B. kaya D. hinggil sa

4. Nabasa ako ng ulan nakarating ako sa bahay nang


maaga.
A. pero C. pati
B. dahil D. para sa

5. Matutulog ako nang maaga hindi ako mahuli sa klase.


A. para C. ngunit
B. dahil D. sapagkat

6. Maghugas ng kamay at magsuot ng face mask maiwasan


mahawa sa COVID-19.
A. ngunit C. upang
B. sapagkat D. dahil

7. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketball bawal lumabas.


A. dahil C. para
B. kahit D. at

8. Naghihirap ang mga opisyales sa gobyerno na masugpo ang


COVID-19 hindi naman ito sinusunod ng mga
mamamayang Pilipino.
A. para sa C. ngunit
B. dahil sa D. samantala

9. Hindi matutuloy ang klase ngayong taon wala pang vaccine


sa COVID-19.
A. upang C. para
B. kung D. at

10. Makiisa sa pagsugpo ng COVID-19 bumalik sa dati ang


karaniwang pamumuhay ng bawat isa.
A. para C. samantala
B. dahil sa D. hinggil sa

2
Paggamit ng Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay

Bagong aralin naman ngayon ang iyong mapag –aaralan. Ito ay tungkol
sa paggamit ng angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay. Ano ang
pang-ugnay?

Balikan

Balikan natin ang dating ninyong kaalaman.

Hanapin ang pang-ugnay na ginamit sa loob ng pangungusap at isulat sa


sagutang papel ang tamang sagot.
1. Patuloy ang pagsugpo sa pandemyang COVID-19 saka ang paglaban
sa bumababang ekonomiya ng bansa.
2. Binuksan ng gobyerno ang pagbukas ng malls sa panahon ng Modified
General Community Quarantine gayon din ang pagsasagawa ng misa
sa simbahan.
3. Dahil sa pandemiyang COVID-19, maraming mga Pilipino ang nawalan
ng mga trabaho.
4. Umabot sa 15,000 ang naging positibo sa pandemyang COVID-19
nitong ika-27 ng Mayo, 2020 kung kaya naging mahigpit ang gobyerno
sa patakaran kontra COVID-19.
5. Pinagbawalan ang mga senior citizen na lumabas sa bahay pati ang
mga batang may edad na 21 pababa sa panahon ng General
Community Quarantine.

3
Tuklasin

Ngayon ay bigyan natin ng malinaw na kahulugan ang pang-ugnay sa


pagsasalaysay.

Ito ay ang mga salita o pariralang ginagamit upang pagsasama-samahin


o pag-uugnayin ang isang ideya sa mga kasunod na ideya.

Sa pagsasalaysay, gumagamit ng mga pang-ugnay na


nagdaragdag o nag-iisa-isa ng mga impormasyon o pangyayari.

Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o


maaaring kinalabasan ng pangyayari..

Basahin ang talata sa kabilang pahina. Hanapin sa talata ang mga pang-
ugnay na ginamit sa pagsasalaysay at sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan sa ilalim. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

4
“Una, ang carrot ay kumakatawan sa taong malalakas sa una

sapagkat nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? Gayon din, tulad

ng itlog na nagkaroon ng tigas ng kalooban dahil sa mga dinadaanang

pagsubok sa tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan. O maging tulad ng

isang butil ng kape na nakapagpapabago sa kumukulong tubig? Kapuna-

puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang

kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa

oras ng pagsubok. Sa dakong huli, ikaw mismo ang magpapabago sa mga

pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwang ng ama.

(halaw mula sa Gabay ng Guro sa Filipino 10

Department of Education, Philippines, 2014.)

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang unang inilarawan ng ama sa kuwento?
2. Ano ang idinagdag na sangkap ang inihalintulad ng ama sa buhay?
3. Bakit nagbabago ang kalooban ng isang tao?
4. Paano naging kapuna-puna ang butil ng kape kung maiuugnay sa
buhay ng tao?
5. Paano isinalaysay ang mga pangyayari sa binasang teksto?

Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi,madali


ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob sa teksto. Ngayon, suriin mo
ang bawat gamit ng mga pang-ugnay na pagsasalaysay.

5
Suriin
Magaling! Inyong naunawaan ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
pagsasalaysay. Narito ang mga mahahalagang gamit nito at mga halimbawa
kung paano ginamit ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay:

PANG-UGNAY SA PAGSASALAYSAY

Pagdaragdag at pag-iisa-isa Pagpapahayag ng mga


ng mga impormasyon kaugnayang lohikal

Ginagamit ang Kabilang dito


pang-ugnay sa Ginagamit ang Kabilang na
ang mga pang-ugnay sa
bahaging ito sa salitang; pang-ugnay sa
paglalahad ng bahaging ito ng bahaging ito
pagkatapos, paglalahad ng
pagkakasunod saka, unang, ang dahil sa,
-sunod ng mga dahilan at sapagkat, at
sumunod na bunga, paraan
pangyayari o araw, sa kasi.
pag-iisa-isa ng at layunin, Samanatalang
dakong huli, paraan at
mga pati, isa pa, sa paglalahad
impormasyon resulta maging ng bunga at
at gayon din sa resulta
pagpapahayag ginagamit ang
Una, ang carrot ay ng kondisyon at pang-ugnay na
kumakatawan sa kinalabasan. kaya, kung
taong malalakas sa kaya, kaya
una sapagkat nang naman, tuloy
dumating ang Una, ang carrot ay at bunga.
pagsubok ay naging kumakatawan sa
mahina? taong malalakas sa
una sapagkat nang
Gayon din, tulad ng dumating ang
itlog na nagkaroon pagsubok ay naging
ng tigas ng mahina?
kalooban dahil sa
mga dinadaanang Gayon din, tulad ng
pagsubok sa tulad itlog na nagkaroon
ng sigalot sa ng tigas ng
pamilya o mga kalooban dahil sa
kaibigan. mga dinadaanang
pagsubok sa tulad
Sa dakong huli, ng sigalot sa
ikaw mismo ang pamilya o mga
magpapabago sa kaibigan.
mga pangyayari sa
paligid mo.

6
Pagyamanin
Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa parabulang “Ang Tusong
Katiwala” at pillin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

Gawain 1

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng


kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag
niya ang katiwala at tinanong.
2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na
isandaang tapayang langis.
3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
4. (Gayon din, Dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walumpong
kabang trigo mula sa isandaang trigo.
5. (Dahil sa, Upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang
tusong katiwala.

Gawain 2
Pumili ng paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o pangyayari.
Gamitin ang mga pang-ugnay na nakalahad sa loob ng kahon at
salungguhitan ang mga ito.
Mga Paksang pagpipilian:

1. GENERATION X
2. SOCIAL MEDIA
3. COVID-19
saka unang sumunod na araw sa dakong huli
pati kaya naman tuloy
bunga nito dahil sapagkat

Gawain 3

Sumulat nang maayos na paliwanag tungkol sa alinman sa mga paksa.


Gumamit ng mga pang-ugnay sa puntong pinag-uusapan o paksa. Pumili
lamang ng isa.

Epekto ng
Depresiyon sa mga
Anti-terrorism Bill pandemiyang COVID-
kabatan
19

7
Isaisip

Ang pang-ugnay ay ang mga salita o pariralang ginagamit upang


pagsasama-samahin o pag-uugnayin ang isang ideya sa mga kasunod na
ideya. Sa pagsasalaysay, gumagamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o
nag-iisa-isa ng mga impormasyon o pangyayari. Kabilang din sa
pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng
pangyayari.

Isagawa

Basahin at piliin sa loob ng kahon ang angkop na sagot sa sumusunod


na mga pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

kaya saka gayon din


kung kaya sa dakong huli

1. Idineklara ng Pangulong Duterte ang paglabas sa bahay


bumaba ang bilang ng mga positibo sa COVID-19.
2. Pinagbawalan ang pagbukas ng mga malls sa panahon ng Enhanced
Community Quarantine ang pagdadaos ng misa sa
simbahan.
3. ang pagpasok sa kani-kanilang trabaho.

4. Marami ang naging negatibo sa pagpapatupad ng ECQ sa bansa


nagprotesta ang ibang grupo laban dito.

5. naging epektibo din ang resulta sa pagpapatupad


ng ECQ sa ating bansa.

8
Tayahin

Basahin ang sanaysay. Piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang tamang


sagot sa mga patlang at kilalanin ang gamit nito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

COVID-19

Isa sa pinakatatakutang sakit sa buong mundo ang COVID-19.

Malaki ang naging pinsala nito sa ating lugar (1) sa ibang bansa.

Lahat ay nag-aalala sa sakit na dulot ng COVID-19 (2) wala pa

itong gamot o lunas. Hindi lamang pangkalusugan ang epekto nito sa atin

(3) ang ekonomiya ng ating bansa. (4) , maraming

Pilipino ang nawalan ng trabaho sa pangyayaring ito. (5) ,

kailangan natin mag-ingat nang doble para maiwasan ang sakit na ito.

sa dakong huli dahil sa


gayon din saka kaya naman

Karagdagang Gawain
Ipaliwanag sa loob ng sampung pangungusap gamit ang iba’t ibang
pang-ugnay at salugguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa
pangungusap.

Paano nakakatulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang


mabisang maunawaaan ang mensaheng nakapaloob dito?

9
Susi sa Pagwawasto

Krayterya sa Pagsulat ng Maikling Pagsasalaysay

Malinaw na inilahad ang paksa – 10


Angkop ang ginamit na pang-ugnay – 10
Wasto ang baybay, bantas, at gramatika – 10

Kabuoan = 30 puntos

10
Sanggunian
1. Gabay ng Guro sa Filipino 10
Department of Education, Philippines, 2014.

11
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Bacolod City

(Office Address) Rosario – San Juan Streets, Bacolod City

Telefax: (034) 704-2585

Email Address: bacolod.city@deped.gov.ph

12

You might also like