You are on page 1of 13

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 10: Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Sanita R. Santos, Maxima J. Conahap at Joy P. Villanueva
Tagasuri: Aurora M. Reyes at Melinda P. Iquin
Editor: Albert C. Nerveza

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10

Ikatlong Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
Maikling Kuwento
Manunulat: Sanita R. Santos, Maxima J. Conahap at Joy P. Villanueva
Tagasuri: Aurora M. Reyes at Melinda P. Iquin / Editor: Albert C. Nerveza

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 10 para sa
araling Maikling Kuwento!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 10 ukol sa Maikling


Kuwento!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may
paksang katulad ng binasang akda

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Nasusuri ang tema o kaisipan na ipinahihiwatig ng napanood na pelikula.


B. Naiiugnay ang nilalaman ng napanood na pelikula sa mga akdang nabasa.
C. Nakapag-uugnay ng mga karanasang nakapaloob sa akda sa totoong buhay
sa kasalukuyang panahon.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Isulat sa patlang ang MK kung ang pangungusap ay may kaugnayan
sa maukling kuwentoat WK kung wala.

1. Maaring hango sa tunay na buhay o katha lamang.


2. Nahahati sa mga kabanata, maraming tauhan at tagpuan.

3. Nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa mga mambabasa.

4. Naglalahad ng mga kaisipang maaring pormal o di pormal.

5. Nagtataglay ng matatalinghagang salita at simbolismo.

BALIK-ARAL
PANUTO: Piliin ang mga salita o lipon ng mga salita na pupuno sa patlang.

1. Ang ____ ay uri ng tula na punung-puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad


ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, tagumpay at iba pa.

A. Dalityapi o Liriko C. Patnigan


B. Malaya D. Tuluyan
2. Isang akdang pampanitikan na naglalarawaran ng buhay, batay sa guniguni,
kaisa ng ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw
ang _____________.
A. Dagli C. Nobela
B. Dula D. Tula
3. Batay sa kayarian, ang akdang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” ay uri ng
tulang ___________.
A. Malayang taludturan C. Pasalaysay
B. May sukat at tugma D. Tuluyan o Prosa

6
4. Ang ____ ay elemento ng tula na tumutukoy sa malinaw at di-malilimutang
impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa.
A. Kariktan C. Talinghaga

B. Sukat D. Tugma

5. Ang nagsalin sa Ingles ng tulang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” ay si


___________.
A. Jack H. Driberg C. Roselyn T. Salum

B. Roderick P. Urgelles D. Virginia Hamilton

ARALIN
MAIKLING KASAYSAYAN NG APRIKA
Ang Aprika ay lupang sakop o lawak na 30.244.050 km2 (11,677,240 mi2) at
bilang ng populasyon na umaabot ng 922,011,000. Ang tao rito ay tinatawag na
Aprikano o Aprikana. Halos mahigit na 1,000 katutubong wikang Aprikano
kabilang ang ilang mga wika na sinasalita ng milyon – milyong katulad ng Igbo,
Swahili, Hausa, Amharic at Yoruba. Dagdag pa nito ang Arabe, Ingles, Prances,
Potuges Afrikaans, Kastila, mga wikang Indiyano, at iba pa.
Ang naitalang kasaysayan ng maagang kabihasnan ay lumitaw sa Sudan, at
mamamayan sa sinaunang Ehipto, ang sahel, ang Magreb at ang Sungay ng
Aprika. Sa panahon ng Gitnang kapanahunan, ang Islam ay kumalat pa kanluran
mula sa Arabia hanggang sa Ehipto, tumawid ng Mangreb at ng Sahel.
Sa silangang Aprika nagsimula ang paglitaw ng mga unang makabagong tao
o mga Homo sapiens at nagpapatuloy sa kasalukuyan bilang isang tagpi-tagpi ng
mga magkakaiba at umuuland na pulitikal na mga estadong bayan. Dito rin nag
simula ang kalakalan sa pagitan ng mga Indian, Arabe at Aprikano. Dahil dito na
likha ang kultura sa aspektong Islamiko, Asyano at Aprikano. Nagtataglay ng
maiitim na balat ang mga Melanisians.
Ang pagsasaka,pangangaso, pangingisda at pangangalap ng pagkain ang
kanilang kinabubuhay at bayanihan ang sambahayan kapag panahon ng
pagsasaka o pagtatayo ng bahay. Natuto silang mag -alaga ng hayop kaya nag
karoon ito ng lipunang pastoral.
Ang bawat lungsod o estado ay may sariling pinuno, pamahalaan, batas,
sistema ng pagbubuwis at pangangalaga sa kaayusan. Patrilineal ang kanilang
lipunan. Maluwag ang pamumuhay at malaya ang tao na sumamba sa anumang
relihiyon.
MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha sa paraang masining
upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang tungkol sa
buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari.Taglay
nito ang pagkakaroon ng (1)iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang
may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon (3) tumatalakay sa
isang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalgang tagpuan (5) may kawilihan
hanggang sa kasukdulan na agad na susundan ng wakas. Si Edgar Allan Poe ay

7
isang amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na
mga maiikling kuwento at mga tula.Tinaguriang” Ama ng Maikling Kuwento ng
Ingles” Samantalang, si Deogracias Rosario naman ay isang
mangangatha,mamamahayag at makata.Kinilala siya bilang “Ama ng Makabagong
Maikling Kuwentong Tagalog”. Naging bahagi siya ng pahayagang “Ang
Demokrasya” noong 1912 at ng satirikong magasing Buntot pagi noong 1914.
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang Kuwento ng tauhan –ang
binibigyang diin ay ang ugali o ang katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong
iyong binasa ay nakatuon sa paglalarawan sa katangian ng tauhan.

Iba Pang Mga Uri ng Maikling Kuwento


1. Katutubong Kulay – binibigyang-diin sa uring ito ang kapaligiran ng isang pook
o tagpuan. Inilalarawan ang mga bagay-bagay hinggil sa mga pangyayaring
nagaganap sa isang particular na lugar o pook, ang kanilang pamumuhay, mga
gawi, mga kaugalian at mga paniniwala.

2. Kapaligiran – sa uring ito ang tagpuan o ang nangingibabaw na kapaligiran ang


binibigyang – pansin. Maaaring ang pisikal na kapaligirang may kasayahan,
kalungkutan, pangamba, pagkapoot at iba pang damdamin.

3. Tauhan – ang tauhan o mga tauhan sa kuwento ang binibigyang-pansin.

4. Banghay – tinatawag din ang uring ito na kuwentong makabanghay.


Binibigyang-diin ay ang magandang pagkakabuo ng balangkas ng pangyayari,
magandang estruktura o balangkas o maayos na pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.

5. Talino – ang may-akda ay lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula


upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras
ng paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa sa uring ito ng kuwento ay ang
pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang mga tauhang gumaganap.

6. Katatawanan – may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga


pangyayari sa kuwentong ito. Layunin nito na magpatawa o magbigay ng aliw
sa mambabasa.

7. Kababalaghan – binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito ang ating pananabik


sa mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan.
Karaniwang likha lamang ng mayamang guniguni ng may-akda ang ganitong
uri ng kuwento.

8. Katatakutan – ang damdamin, sa halip na kilos ang binibigyang diin ng uring


ito. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at
kaisahan. Binibigyang – diin nito ang mga nakakatakot at nakasisindak na mga
pangyayari.

8
9. Sikolohiko – inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang
suliranin ng may-akda ay maipadadama sa mambabasa, ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari.

10. Salaysay – ang uring ito’y walang katangiang nangingibabaw, timbang na


timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t masaklaw, maluwag
ang pagsasalaysay at hindi apurado.
11. Apologo/Pakikipagsapalaran – ang kawilihan ng kuwento ay nasa balangkas sa
halip na sa mga tauhan ng kuwento. Ang kawilihan ay nababatay sa
pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kuwento.

12. Madulang Pangyayari – binibigyang – diin ay nasa mga mahalaga, madula at


pambihirang panyayaring nakakapagpabago sa kilos o sa isipan ng tauhan.

Basahin ang isang halimbawa ng maikling kuwento ng tauhan na isinapelikula


noong taong 2019.

UNFORGETTABLE
Isinulat nina Jun Lana at Perci Intalan
Nakatira si Jasmine (Sarah Geronimo) sa Baguio kasama ang kanyang lola
Olive (Gina Pareño) na siyang nagpalaki sa kanya simula nang mamatay ang
kanyang mga magulang. Hindi pangkaraniwan si Jasmine - mayroon siyang
photographic memory at taglay din niya ang mga kilos at gawi na maituturing na
katangi-tangi o special gaya nang sensitibo siya sa ingay at malakas na tunog at
kung minsan din ay nagtamtrums o nagwawala nang walang malinaw na dahilan.
Hindi rin siya maaring makapag–isa dahil sa kanyang kalagayan. Nang magkasakit
ang kanyang Lola Olive, kinailangan ni Jasmine na mamalagi muna sa Maynila
kasama ang kapatid na sina Dahlia (Ara Mina) at Violet (Meg Imperial). Dito siya
nagkaroon ng bagong kaibigan – isang aso na pinangalanan niyang Happy dahil
kamukha ito ng laging ikinukuwentong aso ng kanyang lola noon. Ito rin ang
nagpagaling sa kanyang lola nang ito’y nagkasakit. Naisip ni Jasmine na baka si
Happy ang maging daan sa paggaling ng kanyang Lola. Iyon nga lang, hindi
magiging madali para sa kanya ang pumunta sa Baguio sapagkat tutol ang
kanyang mga kapatid. Dahil pursigido, pipilitin ni Jasmin na makarating ng
Baguio kahit na mag-isa kasama si Happy sa anupamang paraan.
Ang relasyon ni Jasmine sa asong si Happy ay naglalarawan ng pagiging
magkakaugnay ng lahat ng nilalang. Ipinakita rin sa pelikula ang kahalagahan ng
dasal at pananampalataya. Nariyan din ang matibay na pagkakaibigan at ang
pagpapahalaga sa pamilya. Dalisay ang puso ni Jasmine at talaga namang
ipinakita kung paanong ang mga katulad nila ay biyaya at anghel sa lupa.
Kahanga-hanga ang pagpupursige ni Jasmine sa kabila ng lahat. Marahil kung ang
lahat ng tao ay magiging katulad niya na walang takot sa paggawa ng mabuti,
magalang, madasalin at mapagmahal, magiging tunay na Unforgettable sa
kabutihan ang lipunang ating ginagalawan. Puno ng inspirasyon at hitik sa
kabutihang-asal ang pelikula at maging mga batang manonood ay maraming
mapupulot na aral sa pelikulang ito.

9
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat pahayag. Isulat
ang letra ng tamang sagot.

_______1. “Hindi ko na kaya! Hindi pa nga ako nanananghalian.”


A. Nagagalit C. Naiinis
B. Nagsisi D. Nalilito
_______2. “Kailangang madala ko si Happy kay Lola.”
A. Nababahala C. Nanghihinayang
B. Nagagalit D. Nasisiyahan
_______3. “Kaya ikaw apo…maging mabait ka lagi sa tao, sa hayop..bumabalik
one million times ang kabutihan.”
A. Nag-aalala C. Nagmamakaawa
B. Nagbibigay-payo D. Nagmamalasakit
_______4. “Teka! Hindi ko kaya…huwag n’yo akong iwan.”
A. Nagmamakaawa C. Nagmamalaki
B. Nagmamalabis D. Nagsisisi
_______5. “Doggie…lalapit ako, huwag mo akong kakagatin.”
A. Naiinis C. Nakikiusap
B. Nagbibigay-babala D. Natatakot

PAGSASANAY BLG.2
PANUTO: Isulat ang T kung tumpak ang mga pangungusap at DT kung di
tumpak.

1. Sobrang hirap ng mga tao sa Aprika.


2. Sa Silangang Aprika nagsimula ang paglitaw ng makabagong tao o “Homo
Sapiens”.
3. Kabilang sa 1,000 na katutubong wikang Aprikano ay Wikang Igbo,
Swahili, Hausa, Amharic at Yoruba.
4. Sa Aprika, malaya ang tao na sumamba sa anumang relihiyon.
5. Halos mahigit isang libong wikang Aprikano ang kanilang sinasalita.

PAGSASANAY BLG.3
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang kasagutan sa bawat bilang.
A. Kuwento ng Kababalaghan D. Kuwento ng Madulang Pangyayari
B. Kuwento ng Katatakutan E. Kuwento ng Tauhan
C. Kuwento ng Katatawanan

1. Layunin ng uring ito ay magpatawa o magbigay ng aliw sa mambabasa.


2. Binibigyang-diin ay ang mga nakakatakot at nakasisindak na mga
pangyayari.
3. Binibigyang-diin naman sa kuwentong itong ang ugali o katangian ng
tauhan.

10
4. Ang mga mahalaga, madula at pambihirang panyayaring
nakakapagpabago sa kilos o sa isipan ng tauhan ang binibigyang-diin ng
uring ito.
5. Binibigyang kasiyahan ng uri ng kuwentong ito ang ating pananabik sa
mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan.

PAGLALAHAT

PANUTO: Magbigay ng limang (5) paghahambing sa pagkakaiba at


pagkakatulad ng pelikulang napanood at kuwentong nabasa batay sa paksa,
nilalaman, tauhan o tagpuan at iba pa gamit ang Venn Diagram sa ibaba.

PELIKULANG NAPANOOD KUWENTONG NABASA

PAGKAKATULAD

1. 1.
1.
2. 2.
PAGKAKAIB2.
3. 3.
3.
4. 4.
4.
5. 5. 5.

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

PAGPAPAHALAGA

Upang higit mong mapahalagahan ang iyong natutuhan sa araling ito, subukin
mong dugtungan ang di-tapos na pangungusap sa ibaba.

Ang maikling kuwento ay nakatutulong sa pagkakaroon ng pandaigdigang


kamalayan sa lipunan sa pamamagitan ng

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Pagtapat-tapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang tamang letra.

Hanay A Hanay B

1. Katutubong Wikang Aprikano A. Lipunang Pastoral

2. Unang makabagong tao B. Melanisians

3. Lipunan ng Aprika C. Wikang Igbo

4. Maitim na balat D. Homo Sapiens

5. Mag-alaga ng hayop E. Patrilineal

12
13
Filipino 10 (Modyul ng Mag-aaral) p.28
www.academia.edu>ibat –ibang uri ng maikling kuwento
pc pinoy collection.com.maiklingkuwento
maikling kuwento-slideshare
www.slideshare.net mobile
Sanggunian
MODYUL 10
ARALIN 3.5 MAIKLING KUWENTO
Paunang Pagsubok Paglalahat
1.MK - Sariling sagot ng mag-aaral
2.WK
3.MK
4.WK
5.WK
Balik Aral Pagpapahalaga
1.A - Sariling sagot ng mag-aaral
2.D
3.A
4.A
5.A
Pagsasanay Blg.1 Panapos na Pagsusulit
1.A 1. C
2.A 2. D
3.B 3. E
4.A 4. B
5.C 5. A
Pagsasanay Blg.2
1.DT
2.T
3.T
4.T
5.T
Pagsasanay Blg.3
1. C
2. B
3. E
4. D
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like