You are on page 1of 17

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 11: Maikling Kuwento: Ang Alaga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Agnes H. Villoso at Joy P. Villanueva
Tagasuri: Aurora Reyes at Melinda P. Iquin
Editor: Albert C. Nerveza

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul11 para sa Sariling Pagkatuto
Maikling Kuwento: Ang Alaga
Manunulat: Agnes H. Villoso at Joy P. Villanueva
Tagasuri: Aurora Reyes at Melinda P. Iquin / Editor: Albert C. Nerveza

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul para sa
araling Maikling Kuwento: Ang Alaga !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol sa Maikling


Kuwento: Ang Alaga !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang


pangyayari sa lipunan.
2. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
3. Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Nauunawaan ang kahalagahan ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari


sa lipunan.
B. Naiaayos ang mga salita batay sa kaugnayan ng bawat isa
C. Naibibigay ang damdaming nangibabaw mula sa pahayag ng mga tauhan sa
akda.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Tukuyin ang mga salita mula sa kahon na may kaugnayan sa


kahulugan nito sa bawat bilang.

Gugugulin Nagtatampisaw Naninimot


Naghahalukay Namamayani Tumilapon

1. ______________________ - ilalaan; maglalaan ng oras/panahon


2. ______________________ - naglalaro sa tubig; naliligo
3. ______________________ - nangingibabaw; naghahari
4. ______________________ - naghahanap sa kumpol ng mga bagay
5. ______________________ - tumalsik; tumapon; humagis mula sa sasakyan

BALIK-ARAL
PANUTO: Piliin ang mga salita o lipon ng mga salita na pupuno sa patlang.
1. Ang elemento ng Maikling Kuwento na naglalahad ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa kuwento ay _____________.

A. Banghay C. Tauhan
B. Kasukdulan D. Tagpuan

6
2. Sa ____________ na bahagi ng Aprika ang sinasabing nagsimula ang paglitaw
ng mga unang makabagong tao o mga Homo Sapiens.
A. Hilaga C. Silangan
B. Kanluran D. Timog
3. Bukod sa pagiging manunulat, si Deogracias Rosario, ang tinaguriang “Ama
ng Maikling Kuwentong Tagalog”, ay nakilala sa larangan ng _______________.
A. pagpipinta C. pamamahayag
B. pagtuturo D. politika
4. Kung ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig, ang
____________ ang pumapangalawa rito.
A. Amerika C. Aprika
B. Antartika D. Australia
5. Ang mga sumusunod ay kabilang sa labindalawa (12) uri ng Maikling
Kuwento maliban sa _______________.
A. Banghay C. Kababalaghan
B. Katatakutan D. Sosyolohikal

ARALIN
Ang manunulat na si Barbara Kimenye ay isa sa pinakatanyag at
pinakamahusay na manunulat ng mga akdang pambata sa East Africa. Naibenta
niya ang kanyang aklat na may higit sa isang milyong mga kopya, hindi lamang sa
Kenya, Uganda at Tanzania maging sa buong Africa. Naisulat niya ang higit sa 50
mga serye ng kanyang aklat na “Moses” na may iba’t ibang pamagat.
Siya ay nakilala bilang ang "nangungunang manunulat ng literaturang
pambata sa Uganda", at napabilang siya sa mga manunulat na kababaihan sa
unang “Anglophone Ugandan” na inilathala sa Central at East Africa. Ang kanyang
mga kuwento ay patuloy na tinatangkilik sa Uganda at iba pang karatig na bansa.
At ginagamit din ito sa mga paaralan sa Aprika.
Sa akdang ito inilahad ang pagmamahal na iniukol ng isang tao sa
kanyang alagang hayop na naging kasama niya at naging kaagapay sa kanyang
buhay.

Mga Tauhan :
1.Kibuka – isang mapagkakatiwalaang kawani ng Ggogombola Headquarters na
nag –alaga ng baboy.
2. Musisi –hepe ng Ggogombola Headquarters
3.Yosefu Mukasa –matalik na kaibigan ni Kibuka

4.Apo ni Kibuka –nagbigay ng alagang baboy kay Kibuka.


5.Daudi Kulubya –isang taong nagmalasakit ng minsang pipilay- pilay na
naglakad si Kibuka dahil sa pamamasyal niya sa alagang baboy.
6.Nathaniel Kiggundu- drayber ng motorsiklo na nakasagasa kay Kibuka at sa
alaga niyang baboy.
7. Muriamu – kaibigan ni Kibuka na masarap magluto.

7
Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson
Maikling Kuwento mula sa East Africa

“Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.” “Maaari
po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti sana
kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa
klase ng klima ngayon.” Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na
kainin ang alagang hayop. Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang
alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang
barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga.
Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa
bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga
kapitbahay sa namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing
alaga. Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at
ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng
baboy ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang
nag-asikaso sa namatay na baboy. Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan,
ginamot niya ang kaniyang balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa
anumang sakit na nararanasan niya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa.
Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa
kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya
pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis
na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay
Yosefu at Miriamu. “Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba
ninyong sumabay na sa akin pagpunta roon?” Pumayag si Kibuka na makisabay.
Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na dinala sa kaniya ni Musisi. “Sa
iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.” Kinuha ni Miriamu ang
pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng
naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang
dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si
Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu.
Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang pagkain nila ng
pananghalian. “Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka
habang naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.” “Napakalambot ng
karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap pa,” pahayag
naman ni Miriamu. May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na
karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali
lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan.
Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at
sa halip makakatulog na siya nang maayos.

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang


mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw,
may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan
upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod

8
na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na
siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.

Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa


kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang
tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong.
Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at
napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan,
nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na
hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong
sitwasyon tila walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa
nito ang pakikipag-usap sa telepono habang napaliligiran ng ilang babae.

Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati
niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.

Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng
ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang
haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay
nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na
siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-
iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng
tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang
alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo,
mataas, payat, at kaboses ni Kibuka.

Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.

“Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako


ng maiinom na tsaa.”

“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang
katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”

“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay


lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya
magagandang naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan.

“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya
mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”

Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.

Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung


minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na
mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka
sa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang
biik.

Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si


Miriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-
uwi ni Yosefu.

9
Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang
sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito
umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.

Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang


pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas
ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha
ng matoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.

Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon,


hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga
niyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa
bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang
makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-
anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.

Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil
dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na
ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang
paglaki ng alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat,
napamahal na iyon kay Kibuka.

Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming


problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain
at hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag
wala nang makain ang baboy, pupunta ito sa shamba ng mga kapitbahay at
kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili
niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy.

Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy
gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na
nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal
ay ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno.

Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap
na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang
makapagsasabi.

Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog.

Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw


ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang
agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang
baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka
paglaruan ang alagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at
dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.

Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy
na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga
tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy
habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit

10
ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang
baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak
niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang
lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya
siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng
isang oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.

Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap


ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang
pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.

Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang


naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang
pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang
motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at
alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya
sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit
at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu
na tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa
kaniyang mukha at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa
kaniyang tuhod.

Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni
Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang
baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay
Kibuka ang aksidente na nag-iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan.
Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang
kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka
at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang
titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni
Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang
sasakyan upang iuwi sa bahay niya.

“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan
ng pahayag. Magpahinga muna kayo.”

“Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.”

“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas
mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring
magtagal sa klase ng klima ngayon.”

Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop.


Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya
na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip
niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya
tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na
bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang
alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.

11
Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-
hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy ay
pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-
asikaso sa namatay na baboy.

Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng


gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan niya.
Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa
magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang
pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming
buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang
tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.

“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na
sa akin pagpunta roon?”

Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy


na dinala sa kaniya ni Musisi.

“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”

Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga
detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na
mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni
Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-
usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging
masarap ang pagkain nila ng pananghalian.

“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang


naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”

“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap


pa,” pahayag naman ni Miriamu.

May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal
niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy
pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at
alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na
siya nang maayos.

12
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY BLG.1
PANUTO : Punan ng tamang letra ang mga kahon upang mabuo ang tinutukoy
sa mga sumusunod na pangungusap.
1.Lugar na pagdadalhan ng biik.

M R K A S S
2. Pagkain ng baboy na hinihingi ni Kibuka sa kanyang kapitbahay.

A T O K
3.Kaibigan ni Kibuka na masarap magluto.

M I I A M
4.Madalas pasyalan ni Kibuka at alagang baboy.

K L N S A A

5. Hepe ng Ggogombola Headquaters.

U S I S

PAGSASANAY BLG. 2
PANUTO : Punan ng tamang sagot ang bawat patlang upang mabuo ang diwa
ng talata.Hanapin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon sa itaas.

a. apo c.itim e.mamatay g. puti


b.Headquarters d.kawani f. motorsiklo

Dating 1.______sa Ggogombola 2.____ si Kibuka. Naawa siya sa kanyang sarili


kaya gusto na niyang 3.______.Niregaluhan siya ng kanyang 4._____

ng isang 5._____ na biik.Minahal niya ito at inalagaan . Sa kasawiang palad ito ay


nasagasaan ng 6.______ at namatay.

13
PAGSASANAY BLG.3
PANUTO : Isulat sa patlang ang letra ng damdaming namamayani sa sumusunod
na tauhan sa akda.

A. Panghihinayang B.Pagkagalak C.Pagkalungkot

D.Pagkainis E.Pag-aalala

____1. “Mahal ko ang aking trabaho, ayoko pa sanang magretiro.”


____2. “Napakabuti mo, aking apo, ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa
ay lubha kong ikinatuwa.”
____3. “Napalakas namang maghilik ng baboy na ito, napuyat tuloy ako.”

____4. “Mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lamang kayo
kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.”

____5. “Kailanman ay hindi pumasok sa aking isipan na kakainin ko ang aking


alagang hayop.”

PAGLALAHAT
Bilang Paglalahat sa iyong natutunan sa ating aralin, Bigyang pansin
natin ang mahahalagang pangyayari , tauhan, at tagpuan sa araling ito.

PANUTO: Punan ng mga salita o parirala ang mga pangungusap. Isulat sa


patlang ang letra ng tamang sagot.

1. Ang katungkulan ni Kibuka sa Ggogombola Headquarters bago siya nagretiro ay


_____________.
A. Guro C. Kawani
B. Kalihim D. Tagapamahala

2. Ang _______________ ay isang uri ng hayop na kadalasan matatagpuan sa


kagubatan na naging alaga ni Kibuka.
A. Itim na baboy C. Tupa
B. Kambing D. Unggoy

14
3. Ang Hepe ng Ggogombola Headquarters na nag-asikaso ng namatay na alaga ni
Kibuka ay si ______________.
A. Miriamu C. Musisi
B. Mmengo D. Yosefu
4. Sina ____________________ ang mga kaibigan ni Kibuka na binigyan niya ng
bahagi ng kanyang alaga.
A. Miriamu - Musisi C. Musisi – Mmengo
B. Mmengo - Yosefa D. Yosefu – Miriamu
5. Ang dahilan ng pagkakaaksidente ni Kibuka at pagkamatay ng kanyang alaga
ay ______________________________________.
A. Nahulog habang sakay ng motorsiklo.
B. Nahulog sa lambak habang namamasyal.
C. Nalunod habang naliligo sa ilog Kalansada.
D. Nasagasaan ng isang motorsiklo

PAGPAPAHALAGA
Upang higit mong mapahalagahan ang iyong natutuhan sa araling
ito, Subukin mong ilahad ang naging kahalagahan ng akdang ito sa sarili
at epekto nito sa pandaigdigang nangyayari sa lipunan.

PANUTO: Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa sarili, lipunan, at


pandaigdig. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng mga
kaisipan.

SARILI LIPUNAN

DAIGDIG

15
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO : Ayusin ang story board upang mabuo ang kuwento . Isulat ang
bilang 1- 6 sa patlang na inilaan,

1 2 3

4 5 6

16
17
https://images.app.goo.gl/6JqxYmJhdyeNZHyw8
pp.291 -296 Filipino 10
Sanggunian
MODYUL 11
ARALIN 3.5 MAIKLING KUWENTO (Ang Alaga)
Paunang Pagsubok Pagsasanay 3
1. gugugulin 1.C.
2.nagtatampisaw 2.B.
3.namamayani 3.D
4.naghahalukay 4.E.
5.tumilapon 5.A.
Balik- Aral Paglalahat
1. C. 1. C.
2. C., 2.A.
3. C. 3.C.
4. C. 4.D.
5 D.. 5.D.
Pagsasanay 1 Panapos
1. Markansas 1. 3
2.Matoke 2. 2
3.Miriamu 3. 6
4. Kalansada 4. 1
5.Musisi 5. 5
Pagsasanay 2 6. 4
1. D.
2. B.
3.E.
4. A.
5.C.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino 9
    Filipino 9
    Document14 pages
    Filipino 9
    JANINE TRISHA MAE O. PAGUIO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Mary Grace Y. Pabiona
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Mary Grace Fahimno
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document22 pages
    Filipino
    manilamidwest26
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Twin Afable Rivera Miralpes
    No ratings yet
  • Fil3 Q1 M3 Final
    Fil3 Q1 M3 Final
    Document17 pages
    Fil3 Q1 M3 Final
    Maria Christina Tenorio
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • FIL8
    FIL8
    Document13 pages
    FIL8
    Rhian Kaye
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet