You are on page 1of 14

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 1: Awiting -Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rouisa Kay V. Italia at Therese Joy A. Tamayo
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyo


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 7
Ikalawang Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Awiting-Bayan
Manunulat: Rouisa Kay V. Italia at Therese Joy A. Tamayo
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino/Editor: Cindy C. Macaso
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 1 para sa
araling Awiting Bayan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 1 ukol sa Awiting-bayan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo


pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Maraming mahuhusay na panitikan ang nagmula sa Kabisayaan, ilan


sa mga ito ay ang awiting-bayan na kakikitaan ng makukulay nitong
kultura, tradisyon at kaugalian. Ang modyul na ito ay makatutulong upang
higit na makilala at maunawaan ang kanilang paniniwala, at uri ng
pamumuhay na kaiba sa panitikan ng ibang rehiyon.

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Maipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating ng napakinggang awiting-bayan, bahagi ng akda, at teksto tungkol
sa Kabisayaan.
2. Makikilala ang kahulugan ng ilang salitang Bisaya.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ito ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kalauna’y
nilapatan ng himig.
A. awiting-bayan C. salawikain
B. bugtong D. sawikain

_____2. Pinalaganap sa pamamagitan ng pagpapasalin-salin ng pasalitang


tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon.
A. epiko C. mitolohiya
B. maikling kuwento D. pasalindilang panitikan

_____3. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:


A. materyal na kayamanan ng isang bayan
B. pagdurusang dinanas ng isang bayan
C. kultura’t kaugalian ng isang bayan
D. politika ng isang bayan

_____4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:


A. pagiging masipag
B. pagiging masayahin
C. pagiging mapamahiin
D. pagiging matampuhin

_____5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga panitikang pasalindila?
A. bugtong C. sanaysay
B. salawikain D. sawikain
BALIK-ARAL
Panuto: Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng hakbang at panuntunan
sa pagsasagawa ng “travel brochure”. Isulat ang tamang sagot sa loob ng
kahon gamit ang letrang A-D.

1.Pagbuo ng 2.Pagpili ng mga 3.Pagbuo ng 4.Pananaliksik


burador para sa larawang isasama aktuwal na at pagsulat ng
iyong travel brochure. sa travel brochure. travel brochure. nilalalaman ng
travel brochure.
(ang mga larawan ay mula sa google)

ARALIN

Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon ng ating mga


ninuno bago pa man ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ang mga panitikang
pinalaganap sa pamamagitan ng pagpapasasalin-salin ng pasalitang tradisyon
mula sa iba’t ibang henerasyon. Ang ilan sa mga uri ng panitikang lumaganap sa
pamamagitan ng pasalindilang pamamaraan ay ang mga salawikain, sawikain,
bugtong, awiting-bayan, at mga bulong.
Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma
subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong
paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito.
Hindi man nasusulat ay nasa isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at
naisatitik ang mga awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ito.
Tungkol pa rin sa awiting-bayan o kantahing bayan – Pasalitang
pagpapahayag ito ng damdamin ng mga katutubo. Naglalaman ng pangaral at
payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa kabataan
kaugnay ng mga dapat ikilos at gawin. May iba’t ibang uri ito batay sa sitwasyon o
layunin ng pagkakabuo nito.

Awiting-Bayan Mula sa Kabisayaan

Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t


tradisdyon na lalo pang pinaniningning ng mga katutubong panitikan. Sa araling
ito ay bibigyang-pansin at itatampok ang mga awiting-bayang Bisaya o Visayan
folksongs. Sa ibaba ay mababasa at maaari ring sabayan ang iba’t ibang awiting-
bayang nasusulat sa tatlong wikang Bisaya – ang Waray-waray ng Samar at Leyte,
ang Hiligaynon ng pulo ng Panay, at ang Sugbuwanon ng Cebu at Negros. Halina’t
tuklasin ang kagandahan ng mga awiting-bayang Bisaya.

Si Felimon, Si Felimon Si Felimon, Si Felimon


(Awiting-Bayan ng Cebuano) (Salin sa Tagalog)

Si Felimon, Si Felimon Si Felimon, Si Felimon


Namasol sa karagatan; Nangisda sa karagatan,
Nakakuha, nakakuha, Nakahuli, nakahuli
Sang isdang tambasakan, Ng isdang tambasakan

Guibaligya, guibaligya Pinagbili, pinagbili


Sa merkado nga guba, Sa isang munting palengke
Ang halin puros kura, Ang kaniyang pinagbilhan
Ang halin puros Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.
Igo ra i panuba.

Ili-Ili Tulog Anay Batang Munti Tulog na


(Oyayi sa Iloilo) (Salin sa Tagalog)

Ili-ili Batang munti,


Tulog anay, matulog na
Wala diri Wala rito
Imong nanay, ang iyong nanay,
Kadto tienda Siya’y bumili
Bakal papay, ng tinapay
Ili-ili Batang munti,
Tulog anay, Matulog na.

Dandansoy Dandansoy
(Awiting-Bayan mula sa Negros (Salin sa Tagalog)
Occidental)
Dandansoy, iiwan na kita
Dandansoy, bayaan ta ikaw Babalik ako sa Payao
Pauli ako sa Payao Sakaling ika’y mangulila
Ugaling kung ikaw hidlawon Sa Payao ikaw ay tumanaw.
Ang Payao imo lang lantawon.
Dandansoy kung ako’y iyong susundan
Dandansoy, kung imo apason Kahit tubig huwag ka nang magbaon
Bisan tubig di ka magbalon Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Ugaling kong ikaw uhawon Sa daan, gumawa ka ng munting balon.
Sa dalan magbubon-magbubon.
Baisa, Ailene G., Lontoc, S. Nestor, Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma (2014). Phoenix Publishing House,
Inc. pp. 142-148.
Ay Kalisud Ay Kalisud
(Awiting-Bayan ng mga Ilonggo) (Salin sa Tagalog)

Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan Ay, ay kalisud, kay saklap ng iniwanan
Adlaw gab-i firmi kita guina tangisan Gabi’t araw ang mata ay laging luhaan
Ay! Ay! Inday nga walay sing kapalaran, Ay, ay irog ko, ang sampu’y bakit
Walay guid, walay guid sarang ko nalimutan?
kalipayan. Buhat ng iyong iniwan laging sa
kalungkutan.
Ay cielo azul abao! Diin ka na, bala
Buligui tabangi ang nabilanggo sang O aking mahal, nahan ngayon ang iyong
gugma habag?
Mayad pang mamatay kung halos Bakit di mo lingapin ang pusong
mamatay nagdurusa?
Agud di ako maka dumdum nga ako Aanhin ang buhay kung di ka
walay kalipay. matanaw?
Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan kong buhay.
Adlaw gab-I firmi kita guina tangisan
Ay, ay! Inday nga walay sing kapalaran, O aking mahal, nahan ngayon ang iyong
Walay guid, walay guid sarang ko habag?
kalipayan. Bakit di mo lingapin ang pusong
nagdurusa?
Aanhin ang buhay kung di ka
matanaw?
Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
kong buhay.

http://www.kabisig.com/philippines/folk-songs-ay-
ay-kalisud-tagalog-version_12html

MGA PAGSASANAY

Ilang salita sa Bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa


katumbas nitong salitang Tagalog. Makikilala mo kaya ang salitang katumbas sa
bawat isa?
A. Panuto: Kilalanin ang katumbas na kahulugan ng ilang salita sa Bisaya.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

___ 1. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kanyan bangka at
pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay….
A. lumangoy B. naligo C. nangisda

___ 2. Sinabihan siya ng kanyang asawang si Aling Selya na magbalon para


hindi gutumin. Ang magbalon ay…
A. magbaon B. maghukay ng balon C. magsaing
___ 3. Ang mga huli niya ay guibaligya niya sa mga kapitbahay.
Ang guibaligya ay…
A. ipinagbili B. ipinadala C. ipinamigay

___ 4. Nagluto siya ng sinigang. Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom.
Ang aslom ay…
A. asim B. init C. pait

___ 5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang gihigugma.


Ang gihigugma ay…
A. binabantayan B. hinihintay C. minamahal

B. Bilugan ang letra ng tamang sagot at saka ipaliwanag ang kaisipang nais
iparating ng mga Awiting-Bayan.

1. “Si Felimon, Si Felimon, nangisda sa karagatan,


Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan
Isinasaad ng mga linyang ito na…
A. isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda.
B. libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda.
Ito ang kaisipang napili ko dahil __________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke


Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.”
Isinasaad ng mga linyang ito na…
A. ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba.
B. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
Ito ang kaisipang napili ko dahil ___________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Batang munti, batang munti, matulog ka na,


Wala rito ang iyong ina,
Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti, matulog ka na.
Isinasaad ng awiting-bayang ito na….
A. ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya
B. ang pag-awit sa sanggol ay paraan para maging mahusay na mang-
aawit.
Ito ang kaisipang napili ko dahil ___________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ay, ay! Kalisud, kay saklap ng iniwanan
Gabi’t araw ang mata ay laging luhaan
Isinasaad ng awiting-bayang ito na….
A. masakit ang mabigo sa ngalan ng pag-ibig.
B. ang pagluha ay isa sa mga katangian ng tao.
Ito ang kaisipang napili ko dahil ___________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. “Dandansoy, iiwan na kita


Babalik ako sa payaw
Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw.”
Isinasaad ng awiting-bayang ito na….
A. pinaglalapit ng isang awit ang dalawang magkalayong nagmamahalan.
B. napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang
nagmamahalan.
Ito ang kaisipang napili ko dahil ___________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Baisa, Ailene G., Lontoc, S. Nestor, Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma (2014). Phoenix Publishing House,
Inc. pp. 151-152.

C. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na ideya mula sa akda. Isulat ang tsek
(/) sa kolum kung sumasang-ayon ka o hindi at pagkatapos ay ipaliwanag ito.

Ideya Sang- Di-Sang- Paliwanag


ayon ayon
1. Ang mga awiting-bayan ay
dapat laging inaawit

2. Malaking tulong ang mga


awiting-bayan upang makilala
natin kung paaano namuhay at
namumuhay ang mga taga-
Visayas.

3. Bawat linya o taludtod ng


awiting-bayan ay makahulugan
sa paglalarawan ng kultura ng
mga taga-Visayas.

4.Salamin din ng kagandahang


asal ang awiting-bayan.
PAGLALAHAT

 Dugtungan ang pahayag:

 Nalaman ko na _________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

 Bilang kabataan sa makabagong panahon, paano mo mapahahalagahan


ang awiting-bayan ng Visayas?

__________________ ___________________
__________________ ___________________
__________________ ___________________
__________________ ___________________
__________________ ___________________
______ _
https://www.google.com/search?q=backgrou
ndmusicalelementbackground.pinterest.com

PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat


pangungusap. Isulat sa patlang ang kasagutan.

_______ 1. Ang pasalindilang panitikan ay lumaganap sa panahon ng mga


Espanyol.

_______ 2 Ang awiting-bayan ay kuwento batay sa pamumuhay, tradisyon at


dayalekto ng isang partikular na lugar sa Pilipinas.

________ 3. Nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma ang mga awiting-
bayan.
_______ 4. Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapaalala sa kabataan ang kantahing bayan.

_________5. Nabibilang sa pasalindilang panitikan ang mga salawikain, sawikain


at bugtong.

B. Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang letra ng


tamang sagot.

_____1. Sa ating bansa ay maraming genre ng akdang pampanitikan, alin sa


mga akdang pampanitikan na inaawit ng ating mga ninuno noong unang
panahon ang lumitaw sa anyong patula na sumasalamin sa mga kultura
at paniniwala ng mga Pilipino?
A. awiting-bayan C. tula
B. kuwentong bayan D. nobela

_____ 2. Sa linya ng awit na “Ang benta niya’y nawala. Ang benta niya’y nawala,
ibinili ng tuba”. Ipinakita sa pahayag na ang tauhan ay may katangiang
________.
A. maadhika sa buhay C. mahilig kumain ng isda
B. marunong sa negosyo D. mahilig uminom ng alak

_____ 3. Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat ng etnikong Pilipino.


Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa Hilagang-Silangan
ng Mindanao. Anong katangian ng mga Bisaya ang masasalamin sa
awiting-bayang “Ili-ili Tulog Anay”?
A. Pagmamahal ng ina sa kanyang anak
B. Pagiging maadhika sa buhay
C. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
D. Pagkakaroon ng mga bisyong masama

_____ 4. Piliin ang tamang pares ng awiting-bayan at mensaheng ipinababatid


nito.
1. Si Filemon, si Filemon– maling paraan ng pamumuhay
2. Ili-ili Tulog Anay– pagmamahal ng magulang sa anak
3. Lawiswis Kawayan– pagmamahal ng magulang sa anak
4. Ili-ili Tulog Anay– maling paraan ng pamumuhay

A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 3 at 4 D. 1 at 4

_____ 5. Paano masasalamin ang kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan


ng awiting-bayang: “Ang nuno nating lahat, sa kulog di nasindak”?
A. nagpapahayag na pahalagahan ang kalikasan
B. kahit kulog ay haharapin ng ating mga ninuno
C. nagpapahayag ng katapangan ng ating mga ninuno
D. nagpapakita na kailangang makipagpaligsahan sa kulog
SUSI SA PAGWAWASTO

5. B
4. A
3. A
2. B
B. 1. A
5. C
4. A
3. A
2. A
A. 1. C
MGA PAGSASANAY
5. C 4. A
4. A 3. D
3. A 2. B
2. D 1. C
B. 1. A BALIK-ARAL
5. Tama 5. C
4. Tama 4. B
3. Tama 3. C
2. Mali 2. D
A. 1. Mali 1. A
PANAPOS NA PAGSUSULIT UNANG PAGSUBOK

Sanggunian
Baisa, Ailene G., Lontoc, S. Nestor, Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma
(2014) Phoenix Publishing House, Inc. pp. 140-153.
Panitikang Rehiyunal (Kagamitan ng mga Mag-aaral) pp. 88-95
https://creatly.com/blog/diagrams/types-ofgraphics-organizers/.
Scribd.com/document/426981323/awitingbayan-queenly8naquines

https://www.google.com/search?q=backgroundmusicalelementbackground.pintere
st.com

You might also like

  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Marylyn Blanker
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Trazhell Cruz
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Ap 8 Q1 M4
    Ap 8 Q1 M4
    Document15 pages
    Ap 8 Q1 M4
    Jam Barte
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Jerry Angelo Magno
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Document13 pages
    Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Iyce Tayo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Ap7 Q4 M17
    Ap7 Q4 M17
    Document10 pages
    Ap7 Q4 M17
    Joemar De Pascion Novilla
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    100% (1)
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Ap7 Q2 M1-1
    Ap7 Q2 M1-1
    Document16 pages
    Ap7 Q2 M1-1
    Catbagan TiffanyKate
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Arts 5 Q3 ML4
    Arts 5 Q3 ML4
    Document12 pages
    Arts 5 Q3 ML4
    Kring Sandagon
    50% (2)
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Gladzangel Loricabv
    50% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    APPLE GRACE LEONES
    No ratings yet
  • EsP4 Q3 M1 DONE
    EsP4 Q3 M1 DONE
    Document15 pages
    EsP4 Q3 M1 DONE
    Lord Jazzer Francisco
    No ratings yet
  • FIL7-Q1-M1 Lesson 1
    FIL7-Q1-M1 Lesson 1
    Document15 pages
    FIL7-Q1-M1 Lesson 1
    Jr Antonio
    No ratings yet
  • M3 Kakayahang Lingguwistiko at Wika
    M3 Kakayahang Lingguwistiko at Wika
    Document16 pages
    M3 Kakayahang Lingguwistiko at Wika
    Mhaye Maranan
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Arts 4 Q1 M2 PDF
    Arts 4 Q1 M2 PDF
    Document17 pages
    Arts 4 Q1 M2 PDF
    Jerson Dela Torre
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Mary Grace Y. Pabiona
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet