You are on page 1of 16

Filipino 10

1
Filipino – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 11: El Filibusterino: Isagani (Kabanata
2,14,15,22,24,27,35 at 37)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Agnes H. Villoso, Paula Micaela P. Adeza
Tagasuri: Aurora M. Reyes at Melinda P.Iquin
Editor : Albert C. Nerveza

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
2
Filipino 10
Ikaapat na Markahan
Modyul 11 para sa Sariling Pagkatuto
Isagani (Kabanata 2,14,15,22,24,27,35 at 37)
Manunulat: Agnes H. Villoso, Paula Micaela Adeza
Tagasuri: Aurora M. Reyes at Melinda P. Iquin/Editor: Albert C. Nerveza

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 11 para
sa araling El Filibusterino: Isagani (Kabanata 2,14,15,22,24,27,35 at 37) !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol sa El


Filibusterino: Isagani (Kabanata 2,14,15,22,24,27,35 at 37)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang


angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin / damdamin.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

1. Naipapahayag ang kanilang sariling paniniwala mula sa mga ipinahayag


na damdamin/saloobin ng tauhan.
2. Nabibigyang kahulugan ang nangibabaw na kilos / galaw ng tauhan sa
nobela.
3. Nabibigyang – katuwiran ang naging kapasyahan ng tauhan batay sa
pangyayari.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Kilalanin ang larawan sa pamamagitan ng paglalagay ng nawawalang
letra sa bawat patlang

1. 2. 3.

S__O_N _SA__NI BA_I_I_

4. 5.

PA_RE _ER_ANDEZ _AUL_T_

6
BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin ang salitang hiram na ginamit sa pangungusap.
__________ 1. Natuwa si Elsa nang bilangin ang laman ng kanyang alkansiya.
__________ 2. Sa panahon ng COVID-19, ipinagbabawal ang pananatili sa kalye.
__________ 3. Ayon sa kasabihan, matuto tayong maghigpit ng sinturon.
__________ 4. Tayo’y magsikap at magtipid sapagkat mahirap ang walang kuwarta
sa panahon ng kalamidad.
__________ 5. Naging tapat sa tungkulin ang sarhento kaya’t siya ay pinarangalan.

ARALIN

SI ISAGANI
Isang malalim na makata, mahusay makipagtalo. Matapang sa
pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw
niya sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin ng butihing si
Padre Florentino at kasintahan ni Paulita.
KATANGIANG TAGLAY NI ISAGANI:
 Isang marangal na mag- aaral na makata. Maituturing na mapalad na
tauhan na pinagkakatiwalaan ni Rizal upang ipahayag ang kanyang
magagandang simulain na nais niyang mailantad sa kanyang akda.
 Matindi ang pagsuporta sa hangarin na magkaroon at maaprubahan ang
Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.
 Masigasig sa pakikipag- usap sa mga taong maaaring makatulong gaya ni
Ginoong Pasta sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.
 Isa siyang Pilipinong may tamang paninindigan sa buhay at may
mabuting puso sa kanyang kapwa (nalaman niya kay Basilio ang maaaring
mangyari sa kasal ni Paulita kaya’t inagaw niya ang lampara at itinapon sa
dagat bago sumabog sa pinagdarausan ng kasal.)
 Hindi mapaghiganti (nagpakasal ang kanyang kasintahan na si Paulita kay
Juanito ngunit hindi siya nagbalak o gumawa ng anumang kaguluhan).
 Isa siyang simpleng binata (pangarap niyang makasama sa hinaharap si
Paulita at manirahan sa nayon kung saan malayo sa ingay at polusyon.

7
MGA KABANATANG MAY KAUGNAYAN SA BUHAY NI ISAGANI:

KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA


Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Doon masikip sa pasahero.
Mayroong dalawang estudyante – Si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay
na manggagamot; at si Isagani, isang makata na katatapos lang sa Ateneo. Kausap
ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap si
Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, sabi ni Padre Irene na tagapayo ng kapitan.
Napaling ang usapan sa balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng
Wikang Kastila.Ayon kay Kapitan Basilio hindi raw ito magtatagumpay. Lumayo
ang Kapitan. Napag- usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na
ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ang kanayng
tiyahin ay si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang
asawang si De Espadana, na nasa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata,
nagtatago. Dumating si Simoun mula sa itaas ng kubyerta at kinausap ang
magkaibigan. Ipinakilala ni Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya
nadadalaw ang lalawigan nila sapagkat ang lalawigan nila ay mahirap at di
makabili ng alahas.Matigas na tumutol si Isagani at aniya’y “Hindi kami namimili
ng alahas dahil di naming kailangan”.Napangiti si Simoun at nasabi niyang dukha
ang lalawigan , dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun sa pag- inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon
kay Simoun, sinabi ni Pari Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil
palainom ng tubig at di serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio, “Sabihin ninyo kay
Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip na serbesa ay marahil
mawawala ang sanhi ng mga usap –usapan.”
Dumagdag si Isagani:
“Lumulunod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit
ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan”
Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre
Camorra kung kalian magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni
Isagani: “Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak watak
ay magkakasama sama sa kailalimang hinuhukay ng tao”
Binigkas ni Basilio ang isang tula niya ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa
pagpapatakbo sa makina. Ayon kay Simoun pangarap daw dahil hahanapin pa ang
makina.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang
mag –aalahas na tinawag niyang “Kardinal Moreno”. May dumating na utusan .
Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Ngunit nakita nakita ng Kapitan si
Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

KABANATA 14 – SA BAHAY NG MGA ESTUDYANTE


Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral.
Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Pinuno rin siya ng mga
mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
Inanyayahan ni Macaraig sina Sandoval, Pecson, Pelaez at Isagani sa isang
pagpupulong. May positibong pananaw si Isagani at Sandoval na papapyagan ang

8
kanilang panukala habang duda naman si Pecson kaya nagkaroon sila ng
pagtatalo.

Ibinunyag ni Macaraig na ipinagtanggol daw ni Padre Irene sa kanilang


plano.Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio na isa sa mga
bahagi ng lipon ng paaraaln, sa pamamagitan ni Ginoong Pasta na isang
manananggol at si Pepay na isa naming taga- aliw ng parehong malapit daw sa
pari.
Napagkasunduan ng mga mag- aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng
tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang proseso ng
pagkumbinsi nila sa prayle. Si Isagani ang napili nilang lumapit sa manananggol
dahil naging kamag- aral daw ito ni Padre Florentino.

KABANATA 15: SI GINOONG PASTA


Bilang pagtupad sa kanilang misyon, Tumungo si Isagani sa tanggapan ni
Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking
katalinuhan. Lumalapit ang mga pari sa kanya upang maghingi ng payo kung nasa
isang gipit na sitwasyon.
Nakipag-usap si Isagani sa kay Pasta tungkol sa kanilang balak. Nais niyang
kausapin ng Ginoo si Don Custodio at mapasang-ayon ito.
Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig
naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan
ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga
salita niya sa Ginoo.
Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ni G. Pasta ang kaniyang pasya. Ayaw
niya raw makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at
mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito.
Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ni Ginoong Pasta.
Alalahanin ninyong ang pagkakawanggawa ay sa sarili ng tao nagmumula. Huwag
kayong maging Don Quijote.Tiyak na maalala ninyo ako pag nagkauban na nag
inyong buhok katulad ng sa akin.
“Ginoo” ,ani Isagani “pag ako’y nagkaroon ng mga ubang tulad niyan , at sa
paglingon ko sa kahapon ay makita kong pawing pangsarili ang aking napag –
ukulan at walang para sa bayang nagkaloob sa akin ng lahat, bawa’t uban ay
ituturing kong tinik sa akin at sagisag ng kahihiyan” Pagkasabi nito’y magalang
na yumukod at umalis.

KABANATA 22: ANG PALABAS


Marami sa mga nanonood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi
mawaring kahulugan ng wikang Pranses. Matagal na naantala ang pagsisimula ng
dula dahil sa pagdating ng Heneral na napakatagal. Napuno na ang lahat ng palko
na nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na nakalaan para kay Simoun.
Nabigla ang mga kabataan sa pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si
Don Custodio. Ang matapang depensa nito ay inutusan siya ng mga kinauukulan
para magsilbing ispiya.
Masaya ang lahat nang mag-umpisa ang palabas pero habang ito ay
tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin ay
hindi nakakaintindi ng wiang Pranses.

9
Mas lalo pang nagkalituhan nang tangkaing isalin ang dula ng ilan sa
wikang Kastila. Marami kasi sa mga nagsasalin ay pawang nagmamagaling lamang
pero sa totoo lang, hindi rin nila lubos maintindihan ang wikang Pranses.
Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral sa
kalagitnaan ng dula.

KABANATA 24 – MGA PANGARAP


Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang kanyang nawawalang asawa na
si Don Tiburcio ay nasa pangangalaga ni Isagani na tiyuhin niya. Kumalat sa
bayan ang usapin na biglang nagkasakit si Simoun. Naging mailap siya sa mga tao
at hindi halos tumatanggap ng sinumang panauhin sa loob ng kanyang tahanan.
Sa kabilang dako naman ay matiyagang naghihintay si Isagani sa Luneta
kay Paulita.Habang naghihintay aaay sumagi sa kanyang isipan ang mga pangarap
niya para sa Pilipinas.
Dahilsa matagal na paghihintay ay naisipan na niyang umuwi nang dumating ang
karwahe lulan sina Juanito, Paulita at Donya Victorina.Magiliw siyang tinanong ng
matanda kung mayron siyang balita kay Don Tiburcio. Sinagot naman ito ni
Isagani na kunwari ay walang alam.
Nagkapalitan sila ng pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon
manirahan. Pinaka-iibig daw niya ang bayang iyon. Bago pa raw niya nakita si
Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang- maganda
para sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Paulita ay ay naging parang may
kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang kay Paulita.
Ngunit ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga
bundok, ang ibig niyang maglakbay sa pamamagitan ng tren.

KABANATA 27: ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO


Nasa tanggapan ni Padre Fernandez ang mga mag-aaral na si Isagani, Inusig
ng pari ang binata sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung
kasama ba nito sa hapunan. Tinatapat siya ng binate na hinahangaan naman ni
Padre Fernandez dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si
Isagani kung ano raw ang mag- aaral ay dahil daw iyon sa mga pari.
Nagpalitan ng papuri ang prayle at binate sa kabila ng palitan ng
argumento. Naisa –isa gayunpaman ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa
pagiging guro.Sinabi naman ng prayle na malabis na ang sinasabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Isagani at sinabing kasama ang kalayaan at karunungan sa
pagkatao ng nilalang. Nagwika din ang binata ukol sa gawain ng mga pari na
pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino para maging maginhawa lamang. Hindi
makapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pagkatalo
ng isang estudyanteng Pilipino.

KABANATA 35: ANG PIGING


Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong
kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob rin ng bulwagan si Padre Salvi ngunit
ang heneral ay hindi dumating.
Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang pampasabog na lampara.Nang
mga oras na iyon, nag iba ang pananaw ni Basilio at nais niyang maligtas ang mga
tao sa loob sa nakatakdang pagsabog mula sa lampara pero hindi siya pinapasok
dahil sa madungis ang kanyang anyo at kasuotan.

10
Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod- pinto upang
magpugay sa mag-aalahas. Mabilis ding lumayo si Basilio. Ngunit may nakita
siyang isang lalaking tatanaw tanaw sa bahay.Si Isagani !Niyaya niya itong
lumayo.Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan.Nagpilit si Basilio.”Bakit ako
lalayo…bukas ay hindi na siya ang dati.”May hapdi ang tinig ni Isagani
.Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan.Hinila niya si Isagani.Tumutol
ito.Mabilis na lumayo si Basilio.
Sa loob ay nakatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito
ang nakasulat

“MANE THACEL PHARES” JUAN CRISOSTOMO IBARRA


Isa daw biro ngunit nangangamba ang ilan na gaganti si Ibarra, Sinabi ni
Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kay binitawan nila ang kasangkapan
sa pagkain. Nawalan naman ng ilaw ang lampara, itataas sana ang mitsa ng ilawan
nang pumasok ang isang anino. Kinuha niya ang lampara at itinapon sa ilog mula
sa aotea.

KABANATA 37: ANG HIWAGA


Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang
balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si Chichoy
na nagdala ng alahas kay Paulita.
Kanya-kanya nang hula ang mga tao kun sino ang salarin. May nagsasabi
na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si
Isagani ng may-ari ng tinutuluyan pero hindi ito nakinig.
Nagpatuloy ang mga usapan ukol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga
naroon nang maisip nila si Simoun.
Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin raw
ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat. May mga nagsabi
naman na baka mga prayle o si Quiroga o si Makaraig ang nagpasabog.Pero buo
ang isip nila na si Simoun dahil nawawala ito ngayon at pinaghahanap na ng mga
sundalo.
“Hindi nga mabuting kumuha ng di sa kanya ,” ani Isagani na mahiwagang
nakangiti.”Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang
nilalayon…kung siya sana ay nakapag-isip-isip …tiyak na di niya gagawin ang
gayon.Pantayan man ng kahit ano…hindi ako tatayo sa kanyang kalagayan!”
Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang
amain.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.
_______1. Nainis si Isagani kay Simoun
A. Kakampi ito ng mga prayle
B. Lagi siyang sinasalungat nito.
C. Ininsulto ang kanilang lalawigan.
D. Hindi niya ito makumbinsi sa paaralang nais itatag.
11
_______2. Nagtipon ang mga mag-aaral sa bahay nina Macaraig.
A. Para magsalo-salo
B. Pag –usapan ang hinaing sa mga prayle.
C. Pag- usapan ang paaralang nais nilang itatag
D. Gumawa ng masamang plano sa pamahalaan
_______3. Hindi pinayagan ni Ginoong Pasta ang kahilingan ng mga mag-aaral
A. Pababalikin sa Espanya.
B. Takot mawalan ng trabaho.
C. Pinagbantaan siya ng mga prayle.
D. Matanda na siya at ayaw niyang madamay pa.
_______4. Hindi pinapasok sa loob ng handaan si Basilio
A. Hindi siya imbitado
B. Maruming anyo at kasuotan
C. Baka gumawa siya ng kaguluhan
D. Sinabihan ni Simoun ang mga sibil na huwag itong papasukin
_______5. Nakipagtalo si Isagani kay Padre Fernandez
A. Pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
B. Sa pagmamahal sa sariling bayang sinilangan.
C. Pakiusapang tulungan sila binabalak na himagsikan.
D. Pagkakait sa mga mag-aaral ng karunungan at kalayaan.
Pagsasanay 2:
Panuto: Kilalanin kung sino ang nagsabi ng mga sumusunod na pahayag.
Hanapin ang letra ng tamang sagot sa kahon sa ibaba.
A. Basilio C. Isagani E. Padre Fernanadez
B. Ginoong Pasta D. Padre Camorra F. Padre Salvi

_____1. ”Kaya tamad ang mga Pilipino ay palainom ng tubig at di serbesa.”


_____2. ”Aariin kong tinik ang ubang iyan kapag di ko nagamit sa kabutihan”
_____3. ”Sobra na binata ang iyong paratang sa aming mga prayle.”

_____4. ”Mahal kong kaibigan ,kailangang lumayo na tayo sa lugar na ito bago
mahuli ang lahat.”
______5. ”Masyadong maselan ang usaping iyan ,mas makabubuting ipaubaya na
lamang natin sa pamahalaan ang usaping iyan.”

Pagsasanay 3:
Panuto: Punan ng tamang letra ang mga kahon upang mabuo ang tinutukoy sa
mga sumusunod.

1.Nais manirahan ni Isagani.

N Y N
2. Lugar na nagkita sina Isagani at Paulita

U N T

12
3.Bagay na tinapon sa ilog
L A P A

4.Ipinagkakait ng mga prayle sa mga mag-aaral


K A U N U G N

5.Wikang ginamit sa palabas


R A S S

PAGLALAHAT
Panuto: Piiin sa loob ng kahon ang letra ng mga katangiang taglay ng
sumusunod na tauhan.

A. Makabayan F.Mapanghusga
B. Makasarili G. Mapaghiganti
C. Makatao H. Mapagmalasakit
D. Maunawain J. Maprinsipyo
E. Mapangarapin K. Matalino

13
PAGPAPAHALAGA

Bilang pagpapahalaga, subukan mong isa- isahin ang mga bagay na


maaaring magawa ng isang kabataan para sa kabutihan ng bayan at mga
maaaring maging hadlang dito.

Panuto: Itala ang mga gawain ng mga kabataan sa kasalukuyan. Gumawa ng


dalawang talahanayan para rito. Sundin ang sumusunod na pormat.

MGA GAWAIN NG MGA MGA GAWAIN NG MGA KABATAAN


KABATAAN SA KABUTIHAN NG NA HADLANG SA KAUNLARAN
BAYAN

1. ______________________ 1. ______________________

2. ______________________ 2. ______________________

3. ______________________ 3. ______________________

4. ______________________ 4. ______________________

5. ______________________ 5. ______________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto : Isulat ang letrang T kung Tama ang pahayag at M naman kung Mali.
_____1. Labis ang suporta ni Paulita sa mga pangarap ni Isagani para sa bayan.

_____2. Naantala ang pagsisimula ng palabas dahil sa pagdating ng Kapitan


Heneral.
_____3. Nagsisi si Isagani sa ginawa niyang pagkuha ng ilawan.

_____4. Sumasang- ayon ang mga prayle sa paaralang nais itatag ng mga mag-
aaral.

_____5. Sinabi ni Basilio kay Isagani ang lihim ng lampara.


14
15
Paunang Pagsubok: Pagsasanay 3:
1. Simoun 1. Nayon
2. Isagani 2. Luneta
3. Basilio 3. Lampara
4. Padre Fernanadez 4. Karunungan
5. Paulita 5. Pranses
Balik-Aral Paglalahat:
1. alkansiya 1. G- F
2. kalye 2. A- J
3. sinturon 3. K- H
4. kuwarta 4. B -E
5. sarhento 5. C- D
Pagsasanay 1: Panapos na Pagsusulit:
1. C 1. M
2. C 2. T
3. B 3. T
4. B 4. M
5. D 5. T
Pagsasanay 2:
1. D
2. C
3. E
4. A
5. B
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

https://philnews.ph/2020/02/04/el-filibusterismo-mga-buod-ng-bawat-
kabanata-ng-nobela-ni-jose-rizal/

https://brainly.ph/question/1377317

Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo


Ni Thomas Ongoco
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ni Lorna T.Reyes

https://www.google.com/search?q=mga+tauhan+sa+el+filibusterismo&source
=lmns&bih=625&biw=1366&rlz=1C1GCEA_enPH824PH824&hl=en&sa=X&ved=
2ahUKEwiJkuKhwffrAhUswIsBHTW3B9oQ_AUoAHoECAEQAA

16

You might also like