You are on page 1of 14

Filipino

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
11
Pananaliksik

1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 13: Anyo, Kahulugan at Katangian ng
Pagpapahayag
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng


Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Vicente L. Tirados Jr
Editor: Vida Bianca M. Laus
Tagasuri: Vida Bianca M. Laus
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Department of Education – Dibisyon Ng Pasig City
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: E-mail Address:ordoveza.davidchristian@yahoo.com

2
Filipino 11
Quarter 3
Modyul 13
Anyo, Kahulugan at Katangian ng
Pagpapahayag
Manunulat: Vicente L. Tirados Jr
Editor: Vida Bianca M. Laus/ Tagasuri: Vida Bianca M. Laus

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11-Pagbasa at Pagsusuri


ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Modyul 13 para sa araling Anyo,
Kahulugan at Katangian ng Pagpapahayag!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Magandang araw sa iyo aking mag-aaral! Kumusta ka na?
Kasabay ng panahon ng tinatawag nating “new normal” ay ang bagong
estratehiya natin sa talakayan sa klase. Kayat sa pamamagitan ng modyul na
ito, inaasahan kong punumpuno ng interest at kasiglahan mong babasahin
ang modyul na ito para sa iyong pagkatuto na tila ba katulad ng talakayan din
natin nang personal sa klase. Inaasahan ko na magiging tapat ka rin sa iyong
pagsagot mula sa paunang pagsubok hanggang sa panapos na pagsubok.
Hiling ko ay mayroon kang sariling kwaderno at panulat na siyang maari mong
gamitin sa pagtatala, pagbabalangkas ng mahahalagang detalye at maging sa
pagsagot sa mga pagsusulit, gawain at pagsasanay na aking inihada para sa
iyo.
Pagbutihin mo bata!

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11-Pagbasa at Pagsusuri


ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Modyul 13 para sa araling Anyo,
Kahulugan at Katangian ng Pagpapahayag!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo


pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga


na unang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat


sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na


dapat bigyang-halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

5
MGA INAASAHAN

Sa ating pakikipagtalastan at pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao


marapat lamang na tayo ay mahusay sa iba’t ibang kaparaanan ng
pakikipag-usap sa kanila upang maipabatid natin ang ating saloobin at
damdamin. Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag;

2. nakikilala ang pagkakaiba-iba ng mga paraang ginagamit sa


pagpapahayag; at

3. nagagamit sa pagbuo ng teksto ang mabisang paraan ng


pagpapahayag.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Tukuyin ang mga paraan na ginagamit upang mailahad ang mga

sumusunod na palabas.

_________ __________ _________

_________ ____________ __________

6
BALIK-ARAL
Mukhang handa ka na sa ating talakayan. Bago tayo dumako sa ating
aralin Subukin muna natin ang iyong unang natutunan.

Panuto: Tukuyin kung subhektibo o obhektibo ang paraang ginamit sa mga


sumusunod na pahayag.

__________ 1. Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at


mga matang taglay na halina sa sinumang makakita. Ang
maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng taos-pusong
pagbati ang bawat makasalubong sa kanya ay dagling
nakukuha ang atensiyon at tiwala.

__________ 2. May malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng


hagdang-hagdang palayan na pinagmumulan ng patubig sa
mga nakatanim na palay.

__________ 3. Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag
magkasama kami ay lumalakas di ang loob ko. Isa siyang
sandigan na nagpapatatag sa akin sa mga panahong
maraming suliranin ang pamilya.

__________ 4. Magaling magturo ang guro namin sa Araling Palipunan.


Malakas ang boses niya at mahusay magpaliwanag ng paksa.

__________ 5. Ayon kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, tila isang hindi
maaasahang President si Pangulong Benigno Aquino III kapag
nagsalita. Dagdagpa niya, maaaring makasama sa
imahen ng Pilipinas ang mga pahayag ng kasalukuyang
pangulo tungkol sa insidente ng Mamasapano, sa Maguidanao

ARALIN
Anyo, Kahulugan at Katangian ng Pagpapahayag!

Paglalarawan ay isang paraan ng pang-araw-araw na pagpapahayag


na dapat nating matutunan. Ang paglalarawan ay nauuri ayon sa pakay o
layunin ng pagpapahayag na inihahatid naman ng instrumentong ginamit
natin sa paglalarawan.

7
Uri ng Paglalarawan:
-Karaniwang Paglalarawan
Ang layunin ay makapaghatid o makapagbigay ng dagdag na
kaalaman
-Masining na Paglalarawan
Ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang
buhay na buhay na larawan.

Hakbang na Dapat Tandaan Tungo sa Mabisang Paglalarawan


1. Pagpili ng Paksa-isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o
pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo
ng sulatin, ang paksa ang laging unag isinasaisip.

2. Pagbuo ng Pangunahing Larawan-ito ang pangkalahatang


kabuuan ng isang tao, hayop, bagay, pook o pangyayari na nais
agad maitanim sa isip.

3. Pagpili ng Sariling Pananaw-pansariling pagtingin ng


tagapaglarawan.

4. Pagkakaroon ng Kaisahan-bawat detalyeng babanggitin sa


paglalarawan dapat ay tumutulong sa pagbuo ng kabuoan ng
isang pangunahing bagay.

5. Pagpili ng Angkop na Pananalita-may kasanayan sa pagpili ng


mga salitang maaaring magpagalaw ng imahinasyon ng kanyang
tagatanggap.

Pagsasalaysay ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang


magkakaugnay, katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na
pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang
alamat, epiko at mga kwentong bayan.
Katangian ng Salaysay

 Kaakit-akit na pamagat may orihinalidad, makahulugan at di


pangkaraniwan
 Mahalagang paksa, makabuluhan, may mabuting aral at kaisipan
 Makatawag-pansin sa simula, gumagamit ng iba’t ibang teknik
tulad ng salitaan, pagtatanong, paglalarawan sa tauhan, lugar o
pangyayari

8
 Angkop na pananalita gumagamit ng mga salitang babagay sa salaysay,
dapat nakadarama o nararanasan ng bumabasa ang isinasalaysay
 Maayos na pagkakasunod-sunod o pagkakabuo ng salita may sapat na
dahilan ang bawat pangyayari, gumamit ng mga upang maging kaakit-
akit tulad ng parang patumbalik (flashback) sa pag-uusap

 Kasukdulan kapana-panabik na bahagi ng isang salaysay.

 Magandang wakas na nag-iiwan ng magandang aral, kakintalan at di


agad mahuhulaan ang huling bahagi o ilang mga eksena.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1: Tukuyin kung anong anyo ng pagpapahayag ang mga
sumusunod.
__________ 1. Nagpapahayag ng sapat na detalye
__________ 2. Kawil-kawil na pangyayari
__________ 3. Pinakamasining na paraan ng pagpapahayag
__________ 4. Makabubuo ng larawang mental sa isipan ng mambabasa o
tagapakinig
__________ 5. Nagpapahayag ng mga magkakaugnay na pangyayaring may
tiyak na pinagmulan.

Pagsasanay 2: Ilahad ang mga bagay na maaaring may kaugnayan sa larawan.

1. Paglalarawan_____________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9
2. Pagsasalaysay____________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Dugtungan Tayo: Dugtungan ang pahayag na ito batay sa napag-aralan.

Mahalaga sa isang tao na siya ay mahusay sa pagpapahayag sapagkat:


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Dugtungan ang pahayag.

Ang kaalaman at kahusayan sa pagpapahayag ay makatutulong sapagkat:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

_______1. Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkakaugnay


at kawil-kawil na pangyayari.
a. Paglalarawan
b. Pangangatwiran
c. Pagsasalaysay
d. Paglalahad

_______2. Layuning makapaghatid o makapagbigay ng dagdag na kaalaman.


a. Karaniwang Pagsasalaysay
b. Karaniwang Paglalarawan
c. Mahusay na Paglalarawan
d. Mahusay na Pagsasalaysay

_______3. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagsasalaysay maliban sa:


a. Kaakit-akit na pamagat
b. Mahalagang paksa
c. Mahusay na Pagsasalaysay
d. Angkop na Pananalita

_______4. Ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang


isang buhay na larawan.
a. Masining na Paglalahad
b. Masining na Pangangatwiran
c. Masining na Paglalarawan
d. Masining na Pagsasalaysay

11
_______5. Nauuri ayon sa pakay o layunin ng pagpapahayag upang makilala
ng mga tagapakinig.
a. Paglalahad
b. Pangangatwiran
c. Pagsasalaysay
d. Paglalarawan

_______6. Ito ang palaging unang isinasaisip upang maging mabisa ang
paglalarawa.
a. Angkop na Larawan
b. Pagpili ng Paksa
c. Sariling Pananaw
d. Pangunahing Kaisipa

_________7. Ang mga salitang dapat gamitin ay angkop upang mapagalaw


Ang imahinasyon ng tagatanggap.
a. Pagpili ng Paksa
b. Pangunahing Larawan
c. Angkop na Pananalita
d. Pagpili ng saruiling Pananaw

__________8. Pangunahing layunin nito na mailahad ang detalyeng kalakip


ng isang pangyayari sa isang maayos at sistematiko.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatwiran

___________9. Itinuturing ito na pinakamasining at tampok na paraan ng


pagpapahayag.
a. Pangangatwiran
b. Pagsasalaysay
c. Paglalarawan
d. Paglalahad

___________10. Sinasabing ito ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag.


a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatwiran

12
SUSI SA PAGWAWASTO

13
Sanggunian

https://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag
https://en.wikipedia.org/wiki/Tunay_na_Buhay
https://www.slideshare.net/GinoongGood/anyo-ng-pagpapahag
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?n=784
https://www.scribd.com/document/420707409/Ang-Pagsulat-Ng-Paglalarawan-
Ay-Maaaring-Subhetibo-o-Obhetibo
https://int.search.myway.com/search/GGmain.jhtml?n=7849ed55&p2=%5EHJ%5
Expw150%5ETTAB03%5EPH&ptb
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/1/10/Debate_with_Pare_at_M
are_title_card.jpg/250px-Debate_with_Pare_at_Mare_title_card.jpg
https://prezi.com/p/uhbq1lfy0hl5/tekstong-
deskriptibo/https://int.search.myway.com/search/GGmain.jhtml?enc=0&n
=7849ed55&p2=%5EHJ%5Expw150%5ETTAB03%5EPH&pg=GGmain&pn=1
&ptb=15C7A314-E1D3-4B10-A

14

You might also like