You are on page 1of 55

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Pagsusuri ng Ilang Halimbawang
Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin,
Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik

CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa
Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo at Etika sa Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Niño T. Cansicio, Glaiza B. Dela Peña
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana T. Macalagay, Helen Magnaye, Jaime G. Caro, Jr., Felanie J. Rodriguez,
Jericho G. Santiago, Ricardo R. David III, Waela Ahmed Khalif D. Al Ayed
Tagaguhit: Mark Anthony L. Paunlagui
Tagalapat: Reden M. Cruzado, Danny S. Barba
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr.
Ramonito O. Elumbaring
Reicon C. Condes
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Rosemarie D. Torres
Ivan Brian I. Inductivo
Glenda DS. Catadman
Feliz A. Tayao
Josephine P. Canlas

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Pagsusuri ng Ilang Halimbawang
Pananaliksik sa Filipino Batay sa
Layunin, Gamit, Metodo at Etika
ng Pananaliksik
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang Labing-
isa ng Senior High School. Ito ay kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan,
Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, at Karagdagang Gawain na
lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-
aaral ng Modyul na ito, inaasahang malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng ilang
halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik.

Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,


metodo, at etika ng pananliksik (F11PB-IVab-100)

Layunin:

A. Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik


B. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin at
gamit
C. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa metodo at etika
ng pananaliksik

Ako si Titser O na iyong makakasama. Naríto ako upang


tumulong sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na
makatutulong sa iyong pag-unlad.

1 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Subukin

Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,


gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Isulat sa iyong sagutang papel kung
LAYUNIN, GAMIT, METODO at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.

__________1. Ang ginamit na disenyo sap ag-aaral na ito ay deskriptib at analitik na


pananaliksik.

__________2. Ang paraang ginamit sap ag-aaral ay ang Correlational Studies kung
saan ikukumpara ang dalawang batyabols upang malaman kung
mayroong positibo o negatibong epekto ang isa’t isa.

__________3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

__________4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang interpretasyon ang


balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong
baiting.

__________5. Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibo at kwasi-eksperimental


na uri ng pananaliksik.

__________6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik


layunin at implikasyon.

__________7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondent sa


pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik.

__________8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo


ng asignaturang Filipino.

__________9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga


seminar upang umunlad ang mga kakayahan sa pagtuturo.

__________10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

__________11. Pagiging Kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.

__________12. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.

__________13. Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay


makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang
pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na pang-akaemiko.

__________14. Mapabasa at matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbasa gamit ang


Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni Tysel.

__________15. Sukatin ang bias ng komiks bilang alternatibong kagamitang


pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang

2 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Modyul Pagsusuri ng Ilang Halimbawang
Pananaliksik sa Filipino Batay sa
1 Layunin, Gamit, Metodo, at Etika
ng Pananaliksik

Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino

Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pag-aanalisa upang mapag-


aralan at mabigyang kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo na ginagamit kung
nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-aaral. Dito hinihimay ang
paksa sa mas maliit na bahagi at maunawaang mainam ang bawat detalyeng
nakapaloob dito.

Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa


pagbuo ng isang saliksik.

May apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik:

1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung


ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa.
Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung
nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang
layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa
paksa.

2. Gamit - Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong


kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.

3. Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at


pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa
pamamagitan ng sarbey, interbyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba
pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya
ng empirikal, komparatib, at iba pa.

4. Etika - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa


iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang
prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at
ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga
nagsisimulang mananaliksik sa anomang larangan.

3 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Balikan

Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang


pananaliksik. Makakatulong sa pag-iisa-isa ang mga panandang
pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1 2

4 3

5 6

1. Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.

2. Paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin,


linawin at tukuyin.
3. Ang pagsasama-sama ng hinangong ideya mula sa ibat ibang pinagkunan ng
impormasyon at mga datos.

4. Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama


ang pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na
dapat isulat.

5. Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at isaayos ang mga
datos.

4 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
6. Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos; maaaring marebisa
nang mas maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin
at makapagdaragdag pa ng mas mabisang ideya.

7. Inilalahad ang kabuuang isinagawang pananaliksik batay sa wastong pormat


kawastuhan ng mga pamamaraan at dokumentasyon.

Mahusay! Natukoy mo ang mga hakbang sa pananaliksik.


Ngayon, iyong tuklasin ang mga ilang halimbawa ng
pananaliksik. Para sa iyo yan!

Tuklasin
Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang
Layunin, 2 ang Gamit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik. Kopyahin
at isulat ang wastong bilang sa inyong sagutang papel.

A.

__________ Mangangalap ng tala sa Internet, aklat, at journal at makikipanayam sa mga


doktor.

__________ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang


brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng
halamang gamot bilang gamot sa COVID19.

__________ Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng


mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit
ng halamang gamot.

__________ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

B.

__________ Tutukuyin ang mga epekto ng Quarantine sa mga batang nasa preschool.

__________ Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na preschool


tungkol sa epekto ng Quarantine.

__________ Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nasa preschool

5 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
__________ Sa mga mag-aaral, nakakatulong nito upang malampasan ang Psychological
First Aide.

C.

__________ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask maaaring maging


basehan ng isang artikulo na tumatalakay sa bagay na ito.

__________ Mananaliksik sa Internet, gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong isuot ng


mga frontliners at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na medical
frontliners kung bakit nila paboritong isuot ang facemask. Kapanayamin din
ang ilang manufacturers ng facemask.

__________ Sa mga frontliners, ang magagawa ng pag-aaral na ito nakilatisin muna ang
uri ng materyales ng facemask bago ito gamitin
__________ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga frontliners.

D.

__________ Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makakatulong ang paggamit ng


camera at editing app ng smartphone upang makagagawa ng isang maikling
pelikula.

__________ Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling pelikula gamit


lang ang camera at editing app ng smartphone.

__________ Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-oobserba sa


proseso ng paggawa ng ganitong pelikula.

__________ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

E.

__________ Aalamin ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng
nagkakasakit ng COVID19.

__________ Magsasaliksik ng mga nakasalamuhang tao sa pamamagitan ng


pakikipanayam sa mga taong nagkaroon ng COVID19.

__________ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

__________ Sa ahensya ng gobyerno, magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon


ng eksaktong bilang ng nagkakaroon ng COVID19.

Kumusta ka na? Natapos mo ba ang mga gawaing inilaan ko para


sa iyo? Kung hindi pa, tapusin na ‘yan para makamove- on ka na!

Masaya akong natapos mo ito kaya simulan mo na itong kasunod!

6 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Suriin

LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK

Layunin

Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng


pananaliksik. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan,
mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bilang mga
pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa
pananaliksik.

Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang
mga layunin at siguruhing natupad o nagawa nga ang mga ito. Kung hindi nasagot
sa kongklusyon ang mga layunin, maaaring hindi nasunod ang wastong proseso,
lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhin nito.

Paano bumuo ng layunin?

Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag


ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit
sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik, mahalagang
isaalang-alang ang sumusunod:

1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang


dapat gawin at paano ito gagawin

2. Makatotohanan o maisasagawa

3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring


masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:

Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik,


makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag-
organisa, makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto, mailahad,
maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa, magamit/makagamit, makapagsagawa,
at makatalakay.
Gamit ng Pananaliksik

Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at


impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang
bagong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang tao
batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartPhone at Internet. Ayon sa pag-aaral
ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababad sa Internet at
paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang tao.

7 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
1. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang
lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng
panibagong imbensiyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik. Halimbawa,
noong una ay pinupuri ang pagkatuklas ng paraan upang mapabuti ang
produksiyon ng ilang uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically modifed
organism o GMO. Ngunit ngayon, iniuugnay sa ilang sakit ang pagkonsumo ng mga
pagkaing sumailalim sa modipikasyon o GMO.

2. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.


Halimbawa nito ang mga bagong tuklas na benepisyo ng marijuana upang
malunasan ang ilang karamdaman. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi
sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng marijuana.

3. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at


katotohanan ng isang datos o ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral
ang isang umiiral na katotohanan.

Metodo
Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang
pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang
instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang
gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang
isang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa
obserbasyon, o kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan. Kailangang
Iaging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga suliranin
ng pananaliksik.

Etika ng Pananaliksik
Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:

1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa


unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang
pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami
nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at
pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at
iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan
ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may
malasakit at iisang layunin.
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang
sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey,
pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga
tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang
bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang
paglahok sa kabila nito.

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.


Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na
magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.

8 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan
ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong paksa. Sa mga
pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya'y ibahagi
sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingín ang permiso
ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa


mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-
aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa
komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at
pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilan-ngilan
lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahokang
kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o
iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung
ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad
o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

Tandaan na may apat na bahagi ang pagsusuri ng


pananaliksik. Kaya’t huwag iwawaglit sa iyong isipan.
Malaki ang maitutulong nito sa mga susunod na mga
gawain. Good luck!

9 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Pagyamanin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na


nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga
kasunod na tanong.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA:


ISANG PANANALIKSIK

Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia


BS in Psychology

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang
mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal,
mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim
sa quantitative method at ginamitan ng non-random convenient sampling, kung saan
ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na
labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.
Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik
kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag
igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag
igrinupo sa estadong marital.

Sanggunian: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang
Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, http://lpulaguna.edu.ph/wp-
content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG- BATANG-INA-ISANG-
PANANALIKSIK.pdf

10 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
EPEKTO NG PAGGAMIT NG KOMPYUTER SA AKADEMIK PERPORMANS NG
MGA MAG-AARAL
SA TAONG 2014-2015

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino


St. Bridget College
M.H Del Pilar St. Batangas City

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang bigyang pansin kung gaano


kalupit ang epekto ng paglalaro ng mga kompyuter games, facebook, at sa panonood
ng mga videos sa porn site sa kalusugan at pag-aaral ng isang tao upang
maipaliwanag ang kahalagahan ng buhay ng isang tao.
Sa panahon ngayon, mapapansin natin na mas maraming tao, lao na ang mga
kabataan na nahuhumaling sa paglalaro ng mga online game at pagsusurfing sa
internet. Kaya napili naming magsagawa ng pananaliksik ay upang makakuha ng
karagdagang datos at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa ating komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng IT
sa St. Bridget College- Batangas City ukol sa Epekto ng kompyuter sa akademik
performans ng mga mag-aaral sa taong 2014-2015. Kasama rin dito ang mga
posibleng maging kahinatnan ng sobrang paggamit ng internet.
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptib o panlarawang
pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay nagtatangkang ipakita ang isang tumpak na
larawan ng mga bagay-bagay sa kasalukuyan. Sa pamamaraaang ito ginagamit ang
mga datos na nagmumula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid
Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod:
pananaliksik sa iba’t ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga website
sa internet.

Sanggunian: Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik


Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERN
ET_SA_AKADEMIK_PERPORMANS_NG_MGA_MAG_nn

1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga abstrak
nito? Pangatuwiranan ang sagot.
Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________

2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?


Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang ginawang


saliksik?
Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________

11 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Panuto: Mula sa mga nabasa mong abstrak kanina, may mga salita ba na bago
sa iyong paningin na kinailangan mong ihanap ng kasingkahulugan
habang ikaw ay bumabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa
ikalawang hanay naman ilagay ang angkop na kasingkahulugan nito
gamit ang diksyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung
saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap

12 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Panuto: Muling balikan ang dalawang abstrak na iyong nabasa sa itaas.
Ipagpatuloy ang iyong pagsusuri sa mga ito gamit ang tsart sa ibaba.
Huwag kalimutang ang pagsusuri sa isang sulating pananaliksik ay
hindi lamang pagpuna sa mga mali at kakulangan nito. Bahagi pa rin ng
pagsusuri ang pagbibigay papuri sa magagandang naisulat, nagawa, o
kombinasyon nito. Tandaan na kailangang suriin ng obhetibo ang mga
pananaliksik batay sa nilalaman ng papel at hindi batay sa personal na
dahilan. Isulat ang gagawing pagsusuri sa sagutang papel.

Pamagat ng papel-pananaliksik: _______________________________________________


Pangalan ng manunuri: _______________________________________________________

Komendasyon Rekomendasyon

13 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Isaisip

PAGSASANAY 1
Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon na nasa ibaba na may kinalaman sa
etika ng pananaliksik. Sagutin ang kasunod na tanong sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang talata. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Isang mapanghamong gawain ang pagbuo ng sulating pananaliksik. Sa


paghanap pa lamang ng mga sanggunian ay mauubos na ang iyong oras. Sa iyong
paghahanap ay nakakita ka sa internet ng isang gawaing pananaliksik na hawig
sa iyong paksa, pumasok sa isip mo na kung ito ay iyong kokopyahin ay
mapapadali ang paggawa mo ng iyong proyekto ngunit naisip mo ring kung
gagawin mo ito ay hindi mo naman matututuhang gumawa ng sulating
pananaliksik. Isa pa, ito ay tahasang paglabag sa copyright law.

Itutuloy mo ba ang una mong naisip? Ipaliwanag ang iyong sagot.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

14 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
PAGSASANAY 2
Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik
sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik.
Punan ang talahanayan na nasa ibaba. Kopyahin at sagutan sa inyong
sagutang papel.

ABSTRAK

A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng


pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang basehan ng interbensyon
at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Mayroon animnapu't
isang (61) respondente ang pananaliksik na ito at gumamit ng pamaraang
palarawang disenyo. Ang resulta ay nagpapakita na ang pangunahing estilo ng
pagkatuto ng mga mag-aaral na lalaki ay kinestetik na may frequency na 409 0 36.65
na bahagdan, samantalang awditori ang sa mga mag-aaral na babae na may
frequency na 374 0 34.63 na bahagdan. Ang natamong X2 value na 1.7 ay mas
mababa sa 5.99 na critical value sa 0.05 level of probability table gamit ang degree
of freedom na 2. Ang Null hypothesis na nagsasabing walang significant relationship
o malaking kaugnayan ang estilo ng pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral
ay tinanggap.

Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Learning Action Cell (LAC) session para
sa guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, lalo na sa kinestetik at
awditori upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo
upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral ngayong
21st century.
Bata, Bata, Paano Ka Matututo?
Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang sa Paaralang
Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016
Ribecca B. Fenol, ANG GURO Ikaapat na Edisyon,Vol.7,2017

LAYUNIN GAMIT METODO ETIKA

15 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
B. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/ pagsasanay
at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro na nagtuturo
ng asignaturang Filipino.Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng
Correlational Studies na inilahad sa Input - Process - Output (IPO) na pamamaraan
at ang metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptib na uri ng pananaliksik o pag-
aaral. Mula sa 435 guro sa Filipino mula sa iba't ibang antas, kumuha ng
walumpung (80) kalahok bilang kinatawan ng dalawampung bahagdan (20%) ng
populasyon upang gamitin sa pag-aaral.
Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang naging masusi at
napatunayan na may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at
pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro. Sa value ng r na 0.67, naipakita ng
istatistiko na mayroong korelasyon (katamtaman) ang mga baryabol.Tinatayang ang
pag-aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga punongguro at tagamasid
upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay
para makatulong sa pagtuturo ng mga gurong Filipino sa elementarya at
sekundaryang antas.

“Plan Pagmamasid: Kahinaan At Kalakasan Ng Mga Guro Sa


Proseso Ng Pagtuturo Ng Filipino”
Elpidia B. Bergado, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5(2015-2016)

LAYUNIN GAMIT METODO ETIKA

16 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
C. Layunin ng pananaliksik nito na maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral
sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon , 2) kahandaan ng mga mag-aaral
sa K to 12 batay sa na pang-akademiko, pinansyal at kaisipang panghinaharap,
3)kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na estratehiya at kailanan pagkatuto
ng mga aralin at 4) makabuo ng suplementaryong panuntunan sa implementasyon
ng K to 12 batay sa awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon.Ang
deskriptib na pananaliksik na ito ay may 30 respondent na pinili sa pamamagitan
ng purposive sampling. Ang mga instrumentong ginamit ay questionnaire at
interview. Binilang ang frequency at kinuha ang bahagdan ng kasagutan. Ang mga
pananaliksik ay umabot sa konklusyon na ang mga mag-aaral ng ADM-OHSP ay
may kaalaman, kahandaan at kakayanan sa pagharap sa K to 12. Mahalaga ang
pananaliksik na ito upang maipakita ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagbabago
ng kurikulum. Isa rin itong paraan upang malaman ng mga stakeholders ng
edukasyon ang awtentikong kaganapan sa 100 ng silid aralan at maging sa
Alternative Delivery Mode- Open High School Program.
“Ang KKK Sa K To 12: Kaalaman, Kahandaan At Kakayanan Ng Mca
Mag-aaral Mula Sa Alternative Delivery Mode-Open High
School Program Ng San Pedro National High School Sa Bagong Kurikulum”
Maria Celita B. De Leon, Jezreel M. Margaallo And

Louiegrace G. Margallo, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5(2015-


2016)

LAYUNIN GAMIT METODO ETIKA

17 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
D. Nabuo ang pag-aaral na ito upang matulungan ang mga mag-aaral na
pataasin ang antas ng pag-unawa sa pagbasa gamit ang mga isinakomiks na
teksto interbensyong kagamitan. Kaya naman sinikap ng pag-aaral na alamin
kung ano-ano ang mga pantulong na kagamitang pampagtuturo sa
kasalukuyan ang ginagamit ng mga guro. Ipinabalida ang isinakomiks na
teksto batay sa paksa, larawang-guhit at wikang ginamit kung naaayon ba ito
sa antas ng mga mag-aaral sa baitang walo. Inalam ang iskor ng mga mag-
aaral sa karaniwang at isinakomiks na teksto, kinuha ang makabuluhang
pagkakaiba ng iskor ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit sa
karaniwan at isinakomiks na teksto.
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptib at kwasi-experimental na disenyo
upang maipakita ang kabuluhan ng komiks bilang pantulong na kagamitang
pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8. Ang mga datos ay inilahad sa
pamamagitan ng paglalarawan at nagsagawa naman ng eksperimento upang
matugunan ang mga suliranin. Eksperimental naman ang pagpapagamit ng komiks
kung ito ay magiging mabisa bilang pantulong na materyales na maiangat ang antas
ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Kaugnay ng pag-aaral natuklasan ra bahagyang
sapat lamang ang pantulong na kagamitang pampagtuturo mayroon ang paaralan
ng Mambugan National High School, lubos na sumasang-ayon ang limang guro
Baitang 8 na balido ang komiks batay sa paksa, larawang-guhit at wikang ginamit
mas mataas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aarat sa komiks kumpara sa
karaniwang teksto, at may makabuluhang pagkakaiba ang iskor na natamo ng mga
mag-aaral sa komiks kumpara sa karaniwang teksto.

“Komiks: Mungkahing Pantulong na Kagamitang Pampagtuturo para sa Filipino, Baitang 8”


Ma. Rosario W. Carson, ANG GURO: Saliksik
(Bertud ng Edukador), Vol.6(2016)

LAYUNIN GAMIT METODO ETIKA

18 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
E. Ang guro ay laging tumutuklas ng mga paraan para may matutunan ang mga
mag-aaral dahil sila ang tunay na sentro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Nilalayon ng pag-aaral na ito na makita ng guro bilang isang mananaliksk kung
tunay nga bang may kaugnayan ang pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino. Aksiyong pananaliksik ang modelong ginamit dahil
ito ang paraan para sa pagkilos ng mananaliksik upang makabuo ng mga agarang
solusyon para sa nakitang suliranin sa pagtuturo sa asignaturang Filipino. Gumamit
ng assessment tool, frequency counts at pagkuha ng bahagdan ang mananaliksik.
Ang kinalabasan ng pag-aaral ay may tunay na kaugnayan ang pangkatang gawain
sa pagkatuto ng mag-aaral sa asignaturang Filipino. Lumabas na may 58.2% ang
lubos na sumang-ayon sa pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng
mga mag-aaral at 30.8% naman ang sumang-ayon dito. Gayon man may 8.6% ang
may pag-aalinlangan pa rin at may 2.4% na hindi sumang-ayon.Ang pananaliksik
na ito ay magsisilbing batayan ng guro kung paano pa mapapaunlad ang pangkatang
gawain at mahasa ang mga mag-aaral sa pakikitungo, pakikiisa at
pakikipagtulungan sa kanyang kapangkat upang matamo ang pagkatuto sa
asignaturang Filipino.

“Kaugnayan ng Pangkatang Gawain sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa


Asignaturang Filipino”
Ma. Teresa T. Rojas, ANG GURO: Saliksik
(Bertud ng Edukador), Vol.6(2016)

LAYUNIN GAMIT METODO ETIKA

19 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Isagawa

Panuto: Maghanap ng isang halimbawa ng pananaliksik sa aklat o internet.


Gamit ang tseklist na nasa ibaba ay suriin ang papel-pananaliksik na
nakuha mo kung gaano kahusay at katibay ang mga bahagi nito batay
sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔)
kung ito ay nakasunod sa wastong paraan ng pagsulat ng pananaliksik
batay sa mga tanong at ekis (❌) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Ang pananaliksik
Ang ba ay obhetibo
pananaliksik kung saan ang mga
Sumasagot Nakakatulong ba ay datos at
ba ito sa ba ito sa mga gumagamit impormasyon na
Pamagat ng
isang tiyak suliraning ng wastong nakalahad ay
Papel-
na pansarili o pamamaraan pawang
Pananaliksik
tanong? panlipunan? sa katotohanan at
(Layunin) (Gamit) pangangalap dumaan sa
ng datos? maingat na pag-
(Metodo) aanalisa?
(Etika)

20 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Tayahin

Panuto: Suriin ang bawat pahayag na nasa ibaba na sinipi mula sa ilang
pananaliksik. Isulat ang G kung ito ay tumutukoy sa gamit, L kung layunin, M kung
metodo, at E kung ito ay etika. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____________1. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational Studies


na inilahad sa Input - Process - Output (PO) na pamamaraan at ang
metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o
pag-aaral.

____________2. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/


pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan
ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.

____________3. Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang


naging masusi at napatunayan na may epekto ang seminar at
workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro.

____________4. Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating


mga Punongguro at tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang
pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para makatulong sa
pagtuturo ng mga gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang
antas.

____________5. Ang deskriptiv na pananaliksik na ito ay may 30 respondent na pinili


sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga instrumentong
ginamit ay questionnaire at interview.

____________6. Mahalaga ang pananaliksik na ito upang maipakita ang karanasan


ng mga mag-aaral sa pagbabago ng kurikulum.

____________7. Kaugnay ng pag-aaral natuklasan na bahagyang sapat lamang ang


pantulong na kagamitang pampagtuturo mayroon ang paaralan ng
Mambugan National High School, lubos na sumasang-ayon ang limang
guro Baitang 8 na balido komiks batay sa paksa, larawang-guhit at
wikang ginamit mas mataas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-
aarat sa komiks kumpara sa karaniwang teksto, at may makabuluhang
pagkakaiba ang iskor na natamo ng mga mag-aaral sa komiks
kumpara sa karaniwang teksto.

____________8. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibo at kwasi-


experimental na disenyo upang maipakita ang kabuluhan ng komiks
bilang pantulong na kagamitang pampagtuturo sa asignaturang
Filipino, Baitang 8.

21 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
____________9. Maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa
salik layunin at implikasyon, 2) kahandaan ng mga mag-aaral sa K to
12 batay sa na pangakademiko, pinansyal at kaisipang
panghinaharap, 3) kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na
estratehiya at kailanan pagkatuto ng mga aralin at 4) makabuo ng
suplementaryong panuntunan sa implementasyon ng K to 12 batay sa
awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon.

____________10. Gumamit ng assessment tool, frequency counts at pagkuha ng


bahagdan ang mananaliksik.

____________11. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing batayan ng guro kung paano


pa mapapaunlad ang pangkatang gawain at mahasa ang mga mag-
aaral sa pakikitungo, pakikiisa at pakikipagtulungan sa kanyang
kapangkat upang matamo ang pagkatuto sa asignaturang Filipino.

____________12. Nabuo ang pag-aaral na ito upang matulungan ang mga mag-aaral
na pataasin ang antas ng pag-unawa sa pagbasa gamit ang mga
isinakomiks na teksto interbensyong kagamitan.

____________13. Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga


sumusunod: pananaliksik sa iba’t ibang pahayagan at aklat, mga
sample ng thesis at mga website sa internet.

____________14. Lumabas na may 58.2% ang lubos na sumang-ayon sa


pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral
at 30.8% naman ang sumang-ayon dito. Ganun pa man may 8.6% ang
may pag-aalinlangan pa rin at may 2.4% na hindi sumang-ayon.

____________15. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang


estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang
basehan ng interbensyon at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa
asignaturang Filipino.

22 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Karagdagang Gawain

PAGSASANAY 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga datos na nasa ibaba. Isulat ang A sa patlang
kung ito ay nagpapakita ng kalidad (qualitative data) at ang B kung
nagpapakita ng kailanan (quantitative data). Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Ang Rehiyon ng NCR


 638.55 km2 ang lawak
 11,855,975 ang populasyon
1. ___________  19,000/km2 ang density
 16 ang lungsod
 1 ang bayan o munisipalidad

Si Jose Rizal
 kilalang bayani
2. ___________
 makabayan at matapang
 mahusay na manunulat
 matalino at matulungin

Ang Kapeng Barako


3. ___________  itim dahil hindi ginamitan ng
creamer
 mainit at umaaso pa
 amoy na amoy ang samyo ng
matapang na kape

Ang karaniwang silid-aralan


4. ___________  puti ang pintura
 maaliwalas ang paligid
 may malalapad na blackboard
 maliwanag ang ginamit na
ilaw

Mga mag-aaral sa Grade 11


5. ___________  135 na mag-aaral
 75 ang babae, 60 ang lalaki
 17 ang bumagsak sa
matematika
 25% ang pasok sa honor roll

23 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
PAGSASANAY 2

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng mga katangian na kailangang mahasa sa


pagsulat ng pananaliksik. Ipaliwanag ang napiling katangian. Isulat sa
sagutang papel.

matiyaga mapamaraan sistematiko maingat

analitikal kritikal matapat responsable

1. Katangian:__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Katangian:__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Katangian:__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Katangian:__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

5. Katangian:__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

24 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Module 1
CO_Q4_PPIITTP SHS 25
Pagyamanin Isagawa Tayahin
Pagsasanay 1 (Sariling sagot) 1. M
(Sariling sagot) 2. L
3. E
Pagsasanay 2 Karagdagang 4. G
(Sariling sagot) Gawain 5. M
6. G
Pagsasanay 3 Pagsasanay 1 7. E
(Sariling sagot) 1. B 8. M
2. A 9. L
3. A 10. M
4. A 11. G
5. B 12. L
Isaisip 13. M
Pagsasanay 2 14. E
Pagsasanay 1
(Sariling sagot) 15. L
(Sariling sagot)
Pagsasanay 2
(Sariling sagot)
Balikan Tuklasin Subukin
1. Pagpili at paglilimita A. 3124 1. Metodo
ng paksa B. 1342 2. Metodo
2. Pagbuo ng C. 1324 3. Etika
konseptong papel D. 2134 4. Metodo
3. Paggamit ng iba’t E. 1342 5. Metodo
ibang sistemang 6. Layunin
dokumentasyon 7. Etika
4. Pagbuo ng balangkas 8. Layunin
5. Pagkuha, paggamit 9. Layunin
at pagsasaayos ng mga 10. Etika
datos 11. Etika
6. Pagsulat ng burador 12. Etika
7. Pagsulat ng Pinal na 13. Gamit
Sipi 14. Layunin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Anatacio Heidi.C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales. Pagbasa at Pagsusuri ng


Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2016.

Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma (Kto12)Pagbasa


at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,2016.

De laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store,2016

Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing
Sevices .2017

Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing
Sevices .2019

Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St.
Clair Printing Sevices Vol.5 Issue No.1.2015-2016

Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila:
St. Clair Printing Sevices Vol.6 Issue No.1.2016

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:


Batayang Aklat.Quezon City: Vibal Group, Inc.,2016

Taylan, Dolores R., Jayson D. Petras at Jonathan V. Geronimo. Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Unang Edisyon.Quezon City: Rex Book
Store,2016

B. SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang
Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, http://lpulaguna.edu.ph/wp-
content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-
PANANALIKSIK.pdf

Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans


ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_S
A_AKADEMIK_PERPORMANS_NG_MGA_MAG_nn

26 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Pagbibigay Kahulugan sa mga
Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik

CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay
ng Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lina M. Munar, Jeselle Anne Claire V. Sarito
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Elma H. Ilagan, Lawrence Aytona, Jaime G. Caro, Jr. Felanie J. Rodriguez,
Jericho G. Santiago, Ricardo R. David III, Waela Ahmed Khalif D. Al Ayed
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras, Julienne F. De Mesa
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan, Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr.
Ramonito O. Elumbaring
Reicon C. Condes
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Rosemarie D. Torres
Ivan Brian I. Inductivo
Glenda DS. Catadman
Feliz A. Tayao
Josephine P. Canlas

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Pagbibigay Kahulugan sa mga
Konseptong Kaugnay ng
Pananaliksik
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Pagbati at naging mahusay ang iyong pagsusuri sa ilang halimbawang pananaliksik


sa Filipino. Halina’t ipagpatuloy natin ang paglalakbay sa mundo ng pananaliksik.
Katulad ng unang modyul, ito rin ay kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan,
Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, at Karagdagang Gawain na
lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang.
Sa modyul na ito ay inaasahang malilinang ang kasanayan mo sa pagbibigay ng
kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng pananaliksik tulad ng balangkas
konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.

Kasanayang Pampagkatuto:

 Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik


(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal,
atbp.) (F11PT-IVcd-89)

Layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal,


datos empirikal, atbp.
2. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan
nito.
3. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa kahulugan nito.

Ako si Titser _________ na iyong makakasama. Naríto ako upang


tumulong sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang
kaalaman at impormasyon na tiyak na makatutulong sa iyong pag-unlad.

1 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Subukin

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng


dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik na maaaring sa obserbasyon,
pakikipanayam, at ekperimentasyon o iba pang pamamaraan.
A. Datos Empirikal
B. Datos Numerikal
C. Sarbey
D. Talang Marhinal

2. Ito ay paglalarawan sa datos sa paraang patalata.


A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstwal

3. Paglalarawan ito sa datos gamit ang biswal na representasyon katulad ng line


graph, pie graph, at bar graph.
A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstwal

4. Gumagamit ito ng istatistikal na talahanayan sa paglalarawan ng datos.


A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstwal

5. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik


hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.
A. Datos Empirikal
B. Datos na Tekstwal
C. Balangkas Konseptwal
D. Balangkas Teoretikal

6. Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t


ibang larang na may kaugnayan o repleksyon sa layunin o haypotesis ng
pananaliksik.
A. Datos Empirikal
B. Datos na Tekstwal
C. Balangkas Konseptwal
D. Balangkas Teoretikal

2 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
7. Ito ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing.
A. Bar graph
B. Line graph
C. Pictograph
D. Pie graph

8. Ito ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o


numero sa haba ng panahon.
A. Bar graph
B. Line graph
C. Pictograph
D. Pie graph

9. Isang bilog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang


pagkakaiba-iba ng bilang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-
aaral.
A. Bar graph
B. Line graph
C. Pictograph
D. Pie graph

10. Ayon sa isang eksperto sa pananaliksik, ang mga sumusunod ay ilan lamang
sa mga punto na maaaring gamitin sa paghahanda ng teoretikal na
balangkas, maliban sa isa, alin ito?
A. Pagbabasa at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng
iyong paksa
B. Pagtatala ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa
paksa
C. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
D. Pagwawalang bahala sa pagtukoy sa pangunahing layunin ng
paksa
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng balangkas konseptuwal at balangkas
teoretikal. Isulat sa iyong sagutang papel ang BK kung ang pahayag ay tumutukoy
sa Balangkas Konseptwal at BT naman kung ito ay tumutukoy sa Balangkas
Teoretikal.

11. Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng


pananaliksik.
12. Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng manunulat batay sa suliranin
ng pananaliksik na ginagawa.
13. Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na
larang upang masagot ang katanungan.
14. Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya.
15. Ito ay ginagamit upang subukin ang isang teorya.
16. Mahusay ang pagkakabuo, disenyo, at tinatanggap na.
17. Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng manunulat batay sa suliranin
ng pananaliksik na ginagawa.
18. Modelong binuo ng mananaliksik batay sa mga baryabol ng papel.
19. Mas malawak ang mga nilalatag na ideya.
20. Mas tiyak ang mga ideya.

3 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Aralin Pagbibigay Kahulugan sa
1 mga Konseptong Kaugnay
ng Pananaliksik
Sa modyul na ito inaasahang magtutuon tayo sa pagbibigay kahulugan sa mga
konseptong kaugnay ng pananaliksik.

Ang pagbibigay kahulugan ay isang eksposisyon na tumatalakay o naglalahad ng


depinisyon o kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglillinaw sa kahulugan ng isang
salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larang ay may mga jargon o
teknikal na katangian na kinakailangan ng paglilinaw o pagpapaliwanag.

Balikan

Ngayon ating balikan ang iyong mga natutunan sa Modyul 1.

Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang
Layunin, 2 ang Gamit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik.
Kopyahin at isulat ang wastong bilang sa inyong sagutang papel.

__________ Magsasagawa ang mga mananaliksik ng panayam at magbibigay rin ng


sarbey upang malaman ang naging epekto ng pandemya sa kanila.

__________ Tutukuyin ang mga epekto ng COVID-19 sa mga kabataang mag-aaral.

__________ Hihingi ng pahintulot sa mga magulang ng mga respondente bago gawin


ang mga panayam at pagbibigay ng sarbey.

__________ Ang impormasyong makukuha sa saliksik ay makatutulong upang

matugunan ang mga positibo o negatibong epekto nito sa mga kabataan.

Mga Tala para sa Guro


“Magaling! Nasuri mo ang mga bahagi ng pananaliksik. Ngayon
naman ay muli mo akong samahan upang maipagpatuloy natin
ang pagtuklas sa mundo ng pananaliksik.”

4 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Tuklasin

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba. Sagutan sa sagutang papel ang mga tanong.

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya


ni Jac Sarito

Isa sa kinahaharap ngayon ng bansa ay ang hamon nang muling pagsisimula


ng klase sa Agosto 24, 2020 batay na rin sa isinaad ni Gng Briones, Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon.

Hati ang saloobin ng mga Pilipino hinggil sa naging panukala ng kalihim. May
sumasang-ayon, may tumatanggi at umusbong ang maraming agam-agam at mga
katanungan dahil sa muling pagbubukas ng klase sa panahon ng pandemya dulot
ng COVID-19.
Sa kabila nito, naglahad ng mga solusyon ang Kagawaran ng Edukasyon
upang maipakitang kakayanin ang hamon o suliraning ito. Inilatag ng kagawaran
ang pagkakaroon ng iba’t ibang pamamaraan o modalities ng pagkatuto: Online
Learning, Blended Learning, Modular Learning, telebisyon, at radyo, binigyang
diin na hindi kailangan ang Face to Face Learning hangga’t hindi pa ito
pinahihintulatan ng pamahalaan at hindi pa ligtas lalo na sa mga mag-aaral.
Bukod dito, upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at
magulang sa enrollment o pagpapatala, nagbigay ng iba’t ibang paraan ng
pagpapatala katulad ng online enrollment, pagpapadala ng mensahe/text,
pagtawag/call, at kung talagang hindi kakayanin ang mga naunang paraan saka
lamang pupunta sa paaralan. Ito ay isasagawa batay sa ligtas na pamamaraan.

Habang papalapit ang klase, patuloy ang paghahanda ng mga guro,


administrasyon at mga ahensya upang masiguro ang maayos na pagbubukas ng
paaralan.

Sa kabila ng suliranin, may mga solusyon upang ang edukasyon ay


sumulong, kailangan lamang ang pakikiisa upang ito ay maging matagumpay.

Bigyang-pagsusuri ang binasang teksto at sagutin ang mga sumusunod na


tanong:

1. Ano ang suliranin sa teksto? _______________________________________________

Pansinin ang mga nakadiin (bold) na salita, paano nito nabigyan ng solusyon ang
suliranin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Suriin

Pagbati at naging mahusay ang iyong pagsusuri sa ilang halimbawang


pananaliksik sa Filipino. Halina’t ipagpatuloy natin ang paglalakbay sa mundo ng
pananaliksik. Katulad ng unang aralin, ito rin ay kinapapalooban ng pagtalakay at
mga Gawaing Pampagkatuto na lilinang sa mga kasanayang inaasahan sa mga mag-
aaral sa ikalabing-isang baitang. Sa aralin na ito ay inaasahang malilinang ang
kasanayan mo sa pagbibigay ng kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng
pananaliksik tulad ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal,
atbp.
Ang pagbibigay kahulugan ay isang eksposisyon na tumatalakay o naglalahad
ng depinisyon o kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglillinaw sa kahulugan ng
isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larang ay may mga jargon
o teknikal na katangian na kinakailangan ng paglilinaw o pagpapaliwanag.

Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa dyornal ni Adom (2018), ang balangkas
ay nagsisilbing ‘blueprint’ o gabay sa pananaliksik. Ito ay mahalagang bahagi ng
pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel
at maiwasan ang paglihis sa paksang napili. Ang balangkas na ito ay makatutulong
sa mga mananaliksik bilang pundasyon ng tila binubuong gusali.

Balangkas Teoretikal

Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t


ibang larang na may kaugnayan o repleksyon sa layunin o haypotesis ng
pananaliksik (Adom, 2018)

Isinaad din ni Akintoye (2015) sa parehong dyornal na mahalaga ang


teoretikal na balangkas upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa
angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan
o layunin ng saliksik na ginagawa. Sa pamamagitan nito mas binigyang lalim at
paglalapat ang ginagawang saliksik.

Ayon kina Simon at Goes (2011) narito ang ilan sa mga punto na maaaring
gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas:
1. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
2. Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
3. Pagbabasa at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
4. Pagtatala ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
5. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
6. Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
7. Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nito sa iyong papel
8. Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling
teorya
9. Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya

6 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Isang halimbawa ng teorya ay Attachment Theory ni John Bowlby (1971) na
ginamit sa pananaliksik na pinamagatang Mga Batas ukol sa Child Abuse ni
Abadejos. Napili nila ang teorya sapagkat ito ang sumasagot sa baryabol nilang child
abuse na pumapaksa sa pagkawalay sa ina bilang isang dahilan ng pagkakaroon ng
pang-aabuso sa mga bata.

Kung iyong mapapansin, ang Attachment Theory na ginamit sa papel ay isang


subok na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas. Ito rin ay sumasagot sa kung
bakit nga ba nagkakaroon ng pang-aabuso sa baryabol na “child abuse”.

Balangkas Konseptwal

Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik


hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng
pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng
pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.

Isinaad naman nina Grant at Osanloo (2014) na ito ay naglalahad ng


estraktura na nagpapakita kung paano binibigyang kahulugan ng mananaliksik ang
pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang
pananaliksik (Adom, 2018).
Ito rin ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang
maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik (Imenda, 2014).
Sapagkat ito ay magkakaugnay na konsepto, ito ay dapat na nakaayos sa lohikal na
estruktura sa tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga
idea (Grant at Osanloo, 2014).

Halimbawa, ang iyong paksa ay ukol sa “Mga Paraan sa Pag-iingat sa


Kalikasan”, mula rito, ito ang iba’t ibang konsepto na nabuo ng mga mananaliksik
upang masukat ang kanilang baryabol ukol sa “paraan sa pag-iingat”.

“Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan”

Replace

Reduce
Indibidwal na
Gawain (4R)
Recycle

Pag-iingat sa Recycle
Kalikasan

Proper
Lokal na Batas
Segregation

Mga Batas na
Batas Pambansa mangangalaga
sa kalikasan

7 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Kung iyong susuriin, mapapansing nagtataglay ito ng IBA-IBANG konsepto
upang matugunan ang baryabol o suliranin hinggil sa kalikasan. Totoong ang ilan
dito ay mula sa kilalang batas o pantas ngunit ito ay ISINAMA sa iba pang konsepto
at nabuo ng mananaliksik ang konseptong ito na ipinakikita sa dayagram.

PAGKAKAIBA NG BALANGKAS NA TEORETIKAL AT KONSEPTWAL (Adom, 2018)

Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptwal


Mas malawak ang mga nilalatag na idea Mas tiyak ang mga idea
Nakabatay sa mga teoryang umiiral na Nakabatay sa mga konseptong may
subok at may balidasyon ng mga pantas kaugnayan sa pangunahing baryabol ng
pananaliksik
Isang modelo batay sa isang pag-aaral Modelong binuo ng mananaliksik batay sa
mga baryabol ng papel.

Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o


mga teorya na aakma sa layunin ng
pananaliksik
Mahusay ang pagkakabuo, disenyo at Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni
tinatanggap na ng mananaliksik batay sa suliranin ng
pananaliksik na ginagawa
Ito ay may focal point para sa dulog na Balangkas na nagtataglay ng lohika kung
gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na paano masasagot ang mga katanungan ng
larang upang masagot ang katanungan ginagawang saliksik
Ito ay mga teorya na magkakaugnay Pinagsasamang mga konsepto na
para sa proposisyon ng papel magkakaugnay upang masagot ng
mananaliksik ang suliranin o layunin ng
papel
Ito ay ginagamit upang subukin ang Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya
isang teorya

DATOS EMPIRIKAL
Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng
dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o
ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayan
na totoo o hindi, makabuluhan o hindi.

TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL

1. Tekstwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata.


Halimbawa:

Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang


naapektuhan nang dahil sa 2019 N Corona Virus sa buong mundo at 28
milyon naman ang naapektuhan sa Pilipinas.

8 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
2. Tabular. Paglalarawan sa datos gamit ang istatistikal na talahanayan.
Halimbawa:

Ilang Online Television Radio Modular Blended


Lalawigan Learning Learning Learning
sa Cavite
Bacoor 3046 398 120 5700 6900
Imus 4025 1098 370 7098 8929
Dasmariñas 3098 1209 405 9091 10,901

3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gamit ang biswal na representasyon katulad


ng line graph, pie graph, at bar graph.

Line Graph. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol
o numero sa haba ng panahon.

Ang Bilang ng mga Kabataang Nagpositibo ng Covid-19


3

2.5

1.5

0.5

0
Marso Abril Mayo Hunyo

Ang Bilang ng mga Kabataang Nagkakaroon ng Covid-19

Pie Graph. Isang bilog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita
ang pagkakaiba-iba ng bilang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong
pag-aaral.

Iba't Ibang Paraan ng Pagkatuto

30% 29%

17%
24%

Biswal Pandinig Pagbasa at Pagsulat Kinestetic

9 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing.

Halimbawa:

Bilang ng mga mag-aaral sa Bawat Track sa SHS


600,000

500,000

400,000

300,000

200,000

100,000

0
Luzon Visayas Mindanao

Academic Technical-Vocational-Livelihood Sports and Arts

Tandaan na may tatlong konsepto ng pananaliksik tayong tinalakay, ang


Balangkas Teoretikal, Balangkas Konseptwal at Datos Empirikal kaya’t
huwag iwawaglit ang mga ito sa iyong isipan. Malaki ang maitutulong
nito sa mga susunod na mga gawain.
Pagbutihin mo!

10 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Pagyamanin

PAGSASANAY A
Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nasa ibaba.
Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.

Mga Batas Ukol sa Child Abuse


Alynna Joyce S. Abadejos, Karl Cyrille D. Bello,
Stanley Lawrence B. Chua, at Katrina Ysabel L. Salita

*Ito ay ilang bahagi lamang ng kanilang pananaliksik.

Dalawang teorya ang pinagbasehan ng mga mananaliksik ukol sa


sanhi ng mga pang-aabuso sa bata upang magabayan sila sa riserts na
kanilang gagawin. Ang mga teoryang ito ay ang attachment theory at learning
theory.

Nagmula ang dogma ng attachment theory kay John Bowlby (1971)


noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ayon sa kaniya, ang pagkawalay ng
bata mula sa kaniyang ina sa unang limang taon ng kaniyang pagkabuhay
ay maaaring magkaroon ng nakapipinsalang epekto sa emosyonal na
aspekto ng bata na maaaring magbunga sa ilang sikolohikal at sosyal na
problema sa kaniyang paglaki, kagaya ng pagkawala ng interes sa mga
bagay-bagay at pagiging pabaya o delinkuwente.

Ang learning theory naman ay isang konsepto kung saan ang ugali ay
nasusukat, o natutunan sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng isang
indibidwal sa kalikasan at lipunan. Ayon kina Pavlov at Skinner, ang ugali
ay nagmumula sa mga external stimuli o mga bagay na nararanasan ng
isang indibidwal sa kaniyang paligid. Mula dito, napagtanto nila na kung ano
ang hindi nakikita ng isang indibidwal ay hindi umiiral sa totoong buhay.

Sanggunian: De La Salle University Manila, “Mga Batas


Ukol sa Child Abuse”, Nakuha noong Hunyo 10, 2020,
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/53835582/Child_Ab
use.pdf?1499851670=&response-content-
disposition=inline%3B+filename%3DMga_Batas_Ukol_sa_C
hild_Abuse.pdf

11 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
PAGSASANAY B

Pananaliksik Ukol sa Depresyon at Pagkabahala

*Ito ay ilang bahagi lamang ng pananaliksik.

Ang mga karaniwang nagiging biktima ay ang mga mag-aaral sa


kolehiyo subalit mayroon ding ilang nasa sekondarya. Isa sa mga tinitingnang
dahilan sa mga insidenteng ito ay ang dami ng mga gawaing pang akademiko
na naiipon sapagkat hindi binibigyang-halaga ang oras. Karamihan sa mga
mag-aaral ay pinipiling gawin ang sabay-sabay na mga gawain isang linggo
bago ang itinakdang panahon o mas mababa pa sa isang linggo. Dahil
dito, hindi nila maiwasang mabahala na kalauna’y maaaring
magbunga ng depresyon. Bukod pa rito, ang mga problemang kinahaharap ng
bawat isa ay hindi rin natin maaaring isantabi. Ang bugso ng mga gawaing
pang-akademiko, ang mga problemang kinahaharap sa pisikal, emosyonal,
mental, pinansyal, at marami pang iba ay nakadaragdag ng posibilidad upang
ang isang tao ay makaranas ng sinasabing depresyon. Datapwat, hindi dapat
nating alisin sa ating pag-iisip na ang buhay ay tunay ngang punong-puno
ng pagsubok. Mga pagsubok na maaaring magpalakas o maging
dahilan ng ating pagbagsak

Sanggunian: Pananaliksik ukol sa Depresyon at


Pagkabahala. Binuksan noong Hunyo 11, 2020,
https://pdfslide.net/documents/pananaliksik-ukol-
sa-depresyon-at-pagkabahala.html

1. Ano ang balangkas na ginamit upang masagot ang suliranin o layunin ng


pananaliksik?

Pagsasanay 1: _____________________________________

Pagsasanay 2: _____________________________________

2. Ipaliwanag ang iyong naging sagot.

Pagsasanay 1: _____________________________________

Pagsasanay 2: _____________________________________

12 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
PAGSASANAY C
Pumili ka ng isang suliranin o paksa sa ibaba. Mula sa napili mong suliranin
magsaliksik ka ng mga teorya o pamamaraan upang mabigyan mo ito ng solusyon
o lunas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Pagiging Laging Huli o Liban sa Klase


B. Pagkakaroon ng Mababang Marka
C. Pisikal o Birtwal (Cyber) na Pambubulalas (Bullying)
D. Pagharap sa Hamon ng Covid-19
E. Depresyon: Dulot ng Covid-19
F. Mga Nawalan ng Trabaho Dahil sa Covid-19
G. Buhay na Kakaharapin ng mga Umuwing OFW dahil sa COVID-19

PAKSANG NAPILI: __________________________________________________

TEORYA o MGA KONSEPTONG NAPILI: _____________________________

13 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Isaisip

Batay sa iyong natutunan sa ating talakayan, suriin mo ang mga sumusunod


na aytem at ilagay ito sa tamang hanay ng konsepto na may kaugnayan dito.

1. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong


katao taon-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.
2. Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o mga teorya na aakma sa layunin
ng pananaliksik.
3. Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng
pananaliksik.
4. Sa paglalarawan sa datos, maaaring gumamit ng biswal na representasyon
katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.
5. Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa proposisyon ng papel.
6. Isang modelo batay sa isang pag-aaral.
7. Ang line graph ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa
baryabol o numero sa haba ng panahon.
8. Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na
larang upang masagot ang katanungan.
9. Ito ay nakabatay sa mga teoryang umiiral na subok at may balidasyon ng mga
pantas.
10. Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng mananaliksik batay sa
suliranin ng pananaliksik na ginagawa.

Datos Empirikal Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptwal


(A) (B) (C)

14 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Isagawa

Ang pananaliksik na ito na may paksang Ang Epekto sa Paggamit ng ICT sa Pagtuturo
sa Senior High School sa Paliparan III Senior High School ay binigyan ng balangkas
konseptwal upang higit na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral
na ito.

Ano kaya ang mga konseptong maaaring maging laman nito upang mabuo ang daloy
ng konseptwal na balangkas? Pumili ng sagot sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa kahon
ang tamang sagot.

A. Mga mag-aaral ng baitang 11 at 12 senior high school (respondente)


B. Paggamit at pagkatuto sa paggamit ng ICT
C. Estratehiya sa Pagtuturo
D. Guro
E. Mga Kagamitan sa ICT
F. Resulta

Paliparan III Senior High School

1 2

4
3

Resulta

Konklusyon

15 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Tayahin

A. Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong


sagutang papel.

____1. Ito ay nagtataglay ng pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang


maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik.
____2. Ito ay nakabatay sa teoryang umiiral na subok at may balidasyon ng mga
pantas.
____3. Impormasyong nakalap mula sa ginawang pangangalap ng datos.
____4. Uri ng datos na patalata ang paraan ng paglalarawan.
____5. Nagsisilbing “blueprint”o gabay ng pananaliksik

B. Suriin ang bawat pahayag tungkol sa mga konsetong ating tinalakay. Isulat
ang TAMA kung wasto at MALI kung hindi ang pahayag.

____6. Maaaring gumawa ng sariling estruktura upang mabuo ang balangkas


konseptwal.

____7. Katuwang ng mananaliksik ang balangkas teoretikal at konseptwal upang


masagot ang suliranin o maipaliwanag ang baryabol ng pananaliksik.

____8. Ang Pie Graph ay maaaring gamitin upang ipakita ang pagbabago sa paglipas
ng panahon.

____9. Maaaring lumikha ng sariling teorya sa ginagawang pananaliksik

____10. Subok na ng mga pantas ang binubuong sariling balangkas konseptwal ng


mga mananaliksik.

____11. Ang balangkas konseptwal ay ginagamit upang mapaunlad ang teorya.

____12. Ang bar graph ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkakahiwalay ay ipinaghahambing.

____13. Mahalagang maging tapat ng paglalahat ng datos empirikal batay sa naging


resulat ng pananaliksik.

____14. Maaaring gawin ang pananaliksik nang hindi gumagamit ng balangkas.

____15. Ang mga konseptong pananaliksik ay nariyan upang maging gabay sa


binubuong pananaliksik.

16 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Karagdagang Gawain

Sa iyong nabuong Balangkas Konseptuwal tungkol sa pananaliksik na Ang Epekto


sa Paggamit ng ICT sa Pagtuturo sa Senior High School sa Paliparan III Senior High
School gawin ang mga sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot.

1. Magtala ng mga kagamitan na may kaugnayan sa ICT ang ginagamit ng


iyong guro sa patuturo.

2. Alin sa mga ito ang sa palagay mo ay nakutulong sa iyong pagkatuto?

3. Ilapat sa isang grapikong representasyon ang iyong sagot.

4. Buuan mo ng balangkas konseptwal at teoretikal ang paksa ng pananaliksik.


Ibatay ito sa inyong paaralan.

17 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Module 2
CO_Q4_PPIITTP SHS 18
Tayahin
UNANG BAHAGI:
1. Balangkas
Konseptwal
2. Balangkas
Teoretikal
ISAISIP ISAGAWA 3. Datos Empirikal
4. Tekstwal
1. A 1. D 5. Balangkas
2. C 2. A
3. C 3. C IKALAWANG
4. A 4. B BAHAGI:
5. B 5. E 6. Tama
6. B 7. Tama
7. A 8. Mali
8. B 9. Mali
9. B 10. Mali
10. C 11. Tama
12. Tama
13. Tama
14. Mali
15. Tama
Subukin Balikan Pagyamanin
1.A 3 UNANG LINGGO:
2.D 1 1. Pagsasanay
3.A 4 A. balangkas
4.C 2 teoretikal
5.C
6.D Pagsasanay B:
7.A Balangkas
8.B konseptwal
9.D Tuklasin
10.D 2. (sariling sagot
11. BK 1.Pagbubukas ng ayon sa talakayan sa
12. BK Klase sa kabila ng Suriin)
13. BT Pandemya o COVID-
14. BK 19 IKALAWANG
15. BT 2. (sariling sagot) LINGGO:
16. BT Paksa:
17. BK (napiling paksa)
18. BK Teorya o Konsepto:
19. BT (sariling sagot)
20. BK
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Abadejos, J., Bello, K., Chua, S., Salita, K., Sison, E., Mga batas ukol sa child abuse.
(di-nailimbag na manuskrito) Manila :De La Salle University, 2016.
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/53835582/Child_Abuse.pdf

Adom, D. Theoretical and conceptual framework: Mandatory Ingredients of A Quality


Research. International Journal of Scientific Research 7 January 2018. (1):438-441.
Binuksan noong Hunyo 10, 2020 sa
https://www.researchgate.net/publication/322204158_THEORETICAL_AND_CON
CEPTUAL_FRAMEWORK_MANDATORY_INGREDIENTS_OF_A_QUALITY_RESEARC
H

Bruchh96, Pagbibigay-kahulugan o depenisyon.docx-Pagbibigay, 2019. Binuksan


noong Hunyo 10, 2020 ang
https://www.coursehero.com/file/44142703/pagbibigay-kahulugan-o-
depenisyondocx/
CountPuppyMaster2026.,. Datos empirical at iba pa.docx-pagsulat na ng
pananaliksik, 2019. Binuksan noong Hunyo 10, 2020 sa
https://www.coursehero.com/file/44623575/DATOS-EMPIRIKAL-AT-IBA-PAdocx/

Imenda, S., Is there a conceptual differences between theoretical and conceptual


frameworks? 2014, Kamla-Raj: J Soc Sci, 38 (2), ph 185-195. Binuksan noong Hunyo
10, 2020 sa https://academicguides.waldenu.edu/library/conceptualframework

Pananaliksik ukol sa Depresyon at Pagkabahala. Binuksan noong Hunyo 11, 2020,


https://pdfslide.net/documents/pananaliksik-ukol-sa-depresyon-at-
pagkabahala.html

Southville International School and Colleges-Las Piñas. Ang konseptuwal na


balangkas at naglalaman ng konsepto. Binuksan noong Hunyo 10, 2020 sa
https://www.coursehero.com%2Ffile%2Fp4r8rac%2F

19 CO_Q4_PPIITTP SHS
Module 2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like