You are on page 1of 12

Pagsusuri sa Metodo at

Pagsunod sa Etika sa Ilang


Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ikaapat na Markahan•Modyul 2

JONALYN D. ESTOLANO
Tagapaglinang

1
Aralin 2: Pagsusuri sa Metodo at Pagsunod sa Etika
sa Ilang Pananaliksik MGA INAASAHANG MATUTUHAN:
Magandang araw sa iyo!

Malugod na pagbati sapagkat natapos mo na ang unang modyul. Ngayon ay


sisimulan mo na ang ikawalong modyul. Mahalagang magpatuloy ka pa rin sa iyong
pagpupursigeng matuto ng mga aralin sa Pagsulat ng Pananaliksik.

Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa pagsusuri sa metodo at pagsunod sa


etika sa ilang pananaliksik.

BALIKAN
Bago ka magpatuloy, magbalik-tanaw ka muna sa mga araling natapos sa
nakaraang pagtalakay

PANUTO: Suriin at isaayos ang mga nagulong titik o letra upang mabuo ang kaisipan
tungkol sa katangian at laynunin ng pananaliksik.GUMAMIT NG HIWALAY NA
SAGUTANG PAPEL.
1. SAKMALAW
2. TIKOMATESIS
3. KOLIHO
4. MARPOR
5. TAGINMA
6. KALKRITI
7. YAMANPAPAM GN PANSIIPAN
8. WAKLAMALU NGA RAKANASAN
9. AGP-SASIUU
10. PAMARINU

TUKLASIN
Kaugnay sa naunang gawain, mahalagang malaman natin na sa pamamagitan
ng pag-alam sa mga gamit at layunin ng pananaliksik ay malalaman natin na ang
gawaing pananaliksik ay hindi basta-basta.
Basahing Mabuti ang sumusunod na teksto at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

2
Larawang kinuha ni Gregory John Smith
(Mula sa www.gmanetwork,Setyembre 22, 2013)

Pamilyar ka ba sa larawang nasa itaas? Isalaysay mo ang kuwento sa likod ng


larawang ito at magbigay ng opinyon.
Naging kontrobersyal ang larawang ito na nagkamit ng unang gantimpla sa 2nd Calidad
Humana National Essay Photography Competetion nang ilahok ito ni Mark Joseph Solis,
isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, noong Setyembre 2013.
Binigyan ni Solis ng titulong “The Mettle of Filipino Spirit” ang larawang ‘di umano ay
kinuhanan niya sa isang komunidad ng mga mangingisda sa Zamboanga. Ayon sa
kaniya, tungkol ito sa isang batang tumutulong sa kaniyang ama na manguha ng
halamang-dagat. Kalaunan ay pinabulaanan ni Gregory John Smith, isang social worker
at isa sa mga nagtatag ng Children at Risk Foundation, ang orihinalidad ng larawang
inilahok sa paligsahan ni Solis. Ayon sa kaniya, kinuha niya ang larawan sa Brazil noong
2006 at inilagay sa Internet, na siya naming kinuha at inangkin ni Solis
Umamin sa nagawang kasalanan si Solis. Personal siyang gumawa ng liham kay Smith
at sa harap ng publiko ay sinabing isasauli niya ang anomang napanalunan sa paligsahan
sa orihinal na may-ari ng larawan. Pagkatapos ng imbestigasyon ng Unibersidad ng
Pilipinas, kung saan kasalukuyang nag-aaral ng MA Public Administration si Solis,
pinaspasiyahan ng lupon na nag-imbestiga sa kaso na tuluyan na siyang paalisin sa
unibersidad.

Naunawaan mo ba ang maikling sanaysay sa kaso ni Mark Joseph Solis? Upang


mailahad ang mga reaksyon at tugon sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sa tingin mo ba ay may pagkakamaling nagawa ang mag-aaral? Pangatuwiranan kung
anong paglabag ang ginawa niya.
______________________________________________________________________
2. Tama ba ang naging desisyon ng Unibersidad ng Pilipinas hinggil sa kaparusahang
tinamo ng mag-aaral?
______________________________________________________________________
3. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng mga mag-aaral upang maiwasan ang
ganitong uri ng pagkakamali?
______________________________________________________________________

3
SURIIN
Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa buong proseso
ng pagsasagawa ng pananaliksik. Ang Pag-alam sa metodo o proseso ng pananaliksik
ay makapagbibigay sa mananaliksik ng sapat na pundasyon at kakayahan sa pagtuklas
ng impormasyong bubuo sa pananaliksik

Sa bahaging ito, isa-isahin nating talakayin ang mga metodo o pamamaraan ng


pananaliksik na angkop gamitin sa bawat pagdulog ng pananaliksik . Sa susunod din na
bahagi ng modyul ay matutunghayan ang mga mahahalagang gabay sa pagsasagawa
ng etikal na pananaliksik upang maiwasan ang katulad ng pagkakamaling nagawa sa
itaas. Alamin ang kaugnayan ng kasong ito sa pagsasagawa ng makabuluhang
pananaliksik na tapat at may paggalang sa kapwa.

Pagdulog na Kuwalitatibo at Kuwantitatibong Pananaliksik 1. Kuwantitatibo

Ang kuwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na


imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
kompyutasyon. Kadalasang ginagamitan din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na
pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at pagsusuring
estadistikal. Kapaki-pakinabang ang kuwantitatibong pananaliksik sa mga mananaliksik
na nais mag-aral at mag-imbestiga ng mga malakihan at pangkalahatang padron ng
pagkilos at pag-uugali ng tao.

2. Kuwalitatibo

Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat


na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang
dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang
pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan
nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao
na hindi maaaring mabilang o masukat.

Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang metodolohiya ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso


ng imbetigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik. Nagmula
ito sa Latin na methodus na nangangahulugang patakaran o alituntunin at logia na
ngangangahulugang larangan ng pag-aaral.

Ang metodo ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas; ito rin ay kalipunan at


pagkakaayos ng mga kalaamang ito. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay mababasa ang
sumusunod :

4
I. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Lilinawin sa bahaging ito ang angkop na disenyo ng pananaliksik at ang mga


pamamaraan kung paano ito maisasakatuparan. Kung ang disenyo ay tumutukoy sa
kabuoang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik, ang pamamaraan naman ay kung
paanong mabibigyang-katuparan ang disenyo. Narito ang ilang batayang pamamaraan
na pagpipilian.

A. Sarbey- Ito ang gagamitin kung mangalap ka ng datos sa sistematikong


pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik. Pamilyar na sa atin
ang mga sarbey sa opinyon. Ang sarbey ay ginagamit din sa mga siyentipikong layunin
tulad ng marketing research, sikolohiya, kalusugan, medisina at sosyolohiya. Ang
tagumpay nito ay batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon
(sampling). Kadalasang ginagamitan ng payak na questionnaire ang sarbey na
hinahayaang sagutan ng mga kalahok.

B. Pakikipanayam o interbyu- Kung kukuha ka ng impormasyon sa isang kalahok


na may awtoridad o di kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik.
Naglalayon ang pakikipanayam na kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula
sa taong kakapanayamin. May dalawang pamamaraan sa pakikipanayam, ito
binalangkas o di-binalangkas.
i. Binalangkas na Pakikipanayam ( Structured Interview ) - May mga
permanenteng tanong o gabay na tanong . Minsan lamang ito pwedeng itanong hindi
maaaring ulitin.

Halimbawa: Gaano kaepektibo ang paggamit ng kagamitang pagtuturo?


Napakaepektibo, epektibo o hindi epektibo
ii. Di-binalangkas na pakikipanayam (unstructured interview) - May kalayaan
ang tagapagtanong at kapanayam na ulitin, balikan at talakayin ang mga mahahalagang
punto sa panayam
Halimbawa: Sa iyong opinyon, kailangan pa bang bumuo ng kagamitang pampagtuturo
sa larangan ng edukasyon? Ipaliwanag.
C. Obserbasyon- Maaaring gamitin ito sa deskriptibo o eksperimental na imbestigasyon.
Nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan. Maaaring di-pormal
o pormal ang gagawing obserbasyon.
i. Di-pormal na obserbasyon – Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang
limitasyon sa mga impormasyon ii. Pormal na Obserbasyon – Itinatala rito kung ano
lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay binabalangkas.
Limitado ang impormasyon ngunit sistematiko
D. Dokumetaryong Pagsusuri- Ito ang pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit
upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng
pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na
komunikasyon at nga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Madalas na
ginagamit ito bilang sekondaryang pamamaraan sa pagsusuri ng mga kaugnay na
literature o kaya pangunahing pinagmulan ng resulta ng pananaliksik.

5
Ang mga uri ng dokumentong maaaring pagmulan ng pagsusuri ay mga pampublikong
tala, iba’t ibang uri media, biyograpiya, katitikan ng mga pulong o tala ng mga pangyayari
sa isang kumperensiya o kongreso, mga ulat at plano, iba’t ibang genre ng panitikan at
maging mga biswal na dokumento gaya ng sining biswal at iba pa.

II. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik


Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa
kalahok ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito kung sino, tagasaan, o kaya ay kung anong
institusyon o organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ibinibigay ang batayang
impormasyon gaya ng propesyon, edad, at kasarian depende sa pangangailangan ng
pananaliksik.
Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang proseso ng sampling na pinagdaanan at kung ano ang
dahilan o pinagbatayan ng pamimili ng kalahok. Ilalagay rin sa bahaging ito kung saa
gagawin ang pananaliksik.
III. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Sa bahaging ito ng metodolohiya, ilalahad ang uri ng kaangkapan o instrumentong
gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo
at pamamaraan ang instrument.
IV. Paraan sa Paglikom ng Datos
Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng
datos. Maaaring gumawa ang mananaliksik ng dayagram upang maipakita ang mga
hakbang sa pangangalap ng datos o kaya ay ilahad na lamang ang mga ito.
V. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang
estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung
kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang
mga kategorya o maliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap.

Etikal na Pananaliksik at mga Responsibilidad ng Mananaliksik Mga Gabay sa


Etikal na Pananaliksik

Ang mga gabay sa etikal na pananaliksik ay nagpapakita ng mga kritikal na isyu sa iba’t
ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinutukoy na mahahalagang prinsipyo sa
etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for
social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang
manannaliksik sa anomang larangan. Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:

1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga ideya sa Panaliksik

Gaya ng unang nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay


maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa
mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa particular na
paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa
iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong

6
pananaliskik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga
mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok

Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondent sa pagbibigay ng


impormasyon o anomang partisipasyon, eksperimento, kailangang maging malinaw
muna sa mga tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o
inaasahang peligro ng eksperimento at kailngang buong-loob ang kaniyang paglahok sa
kabila nito.

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok

Kailangang ipaunawa sa mga kalahok ang anomang impormasyon na magmumula sa


kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan
ng mananaliskik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasgot lalong-lalo na sa
mga pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangan isapupliko
ang resulta ng pananaliskik o kaya’y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa
ring ipagpaalam at hingiin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan
ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik

Mahalagang ipaalam sa tagasagot ang sistematikong pagsusuri nmananaliksik sa


kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong
mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos
at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilan-ngilan
lamanbg na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan
ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang
mahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makbubuti kung ipaalam ito sa
kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na
institusyong pinag-aaralan.

5. Plagiarism

Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang
paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o
pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng Plagiarism. Org (2014) ang iba pang anyo ng
plagiarism gaya ng:
• Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
• Hindi pagalalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
• Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
• Pagpapalit ng mga salit sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit
pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala; at
• Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan ng
halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito

7
PAGYAMANIN
Gawain 1: Tukuyin ko!
Panuto: Suriin kung anong pamamaraan sa pananaliksik ang tinutukoy sa sumusunod
na sitwasyon. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa patlang.

A. Sarbey C. Dokumentaryong Pagsusuri


B. Pakikipanayam D. Obserbasyon

_____1. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang likas


na kapaligiran ang ginagawa ng mga mag-aaral upang makuha ang tamang datos.
_____2. Ang tagumpay ay batay sa husay ng sampling o pamimili ng representatib ng
isang tiyak na populasyon.
_____3. Madalas na ginagamit sa mga deskriptibong pananalisik na naglalayong bumuo
ng mga pangkalahatang kongklusyon mula sa malakihang populasyon.
_____4. Kadalasang ginagamitan ng estadistikal na pagsusuri.
_____5. Naglalayong kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa isang
taong may personal na pagkaunawa sa paksa.
_____6. Ang mga mag-aaral ay nagsagawa nga puspusang pagtatanong sa kanilang ina
at ama kung ano ang mga paraan sa pagkakaroon ng magandang samahan sa pamilya.
_____7. Nagsagawa ng kritikal na pagsusuri ang mga pangkat ng manggagamot sa mga
ilang tala na may kaugnayan sa kanilangn ginagawang pananaliksik.
_____8. Nagpasagot ng mga talatanungan ang mga mag-aaral para malaman kung
anoano ang epekto ng pandemya sa mental na abilidad ng mga mag-aaral na nasa
ikapitong baitang.
_____9. Ang mag-aaral ay nagsagawa ng puspusang pagmamasid sa mga kaugaliang
ipinamalas ng mga batang isang taon nng nasa loob ng bahay dahil sa pandemya.
_____10. Nakikisalamuha at nakikisali sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng
mga tao sa isang komunidad ang mananaliksik.

Gawain 2: Sariling Polisiya ko!


Panuto: Lumikha ng sariling polisiya tungkol sa plagiarism sa pamamagitan ng pagbuo
ng maikling islogan. Isulat ito sa dayagram na nasa ibaba.
Sariling Polisiya ko!

Rubric sa Pagsulat ng Islogan


Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (3) Katamtamang husay (2)

8
Pagkamalikhain Lubos na Naging maikhain sa Hindi gaanong naging
nagpamalas ng pagsulat subalit may malikhain sa pagsulat
pagkamalikhain kakulangan na 1-2
kaisipan mula sa
temang naibigay
Organisasyon Buo ang kaisipan, May kaisahan at may Konsistent, may kaisahan,
kumpleto ang sapat na detalye at kulang sa detalye at hindi
detalye at malinaw na intensiyon gaanong malinaw ang
napakalinaw intensiyon
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong angkop ang
Paksa ang mga salita o salita o islogan sa mga salita sa paksa
islogan sa paksa. paksa
Kabuoan

ISAISIP
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na kaso sa pananaliksik at tukuyin kung may
naganap na paglabag sa pananaliskik. Pangatuwiranan ang inyong sagot sa bawat
kaso. (10 puntos ang bawat bilang)
1. Nanaliksik si Brian tungkol sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naiisip niyang
basahin ang aklat ni Paulo Freire na Pedagogy of the oppressed upang makatulong sa
kaniyang pagsusuri, ngunit nahihirapan siyang maghanap ng kopya. Nabasa niya sa
isang pananaliksik ni Dr. Laura Sy na ginamit na tala ang isa sa mahalagang bahagi ng
libro ni Freire. Ginamit niya ang sipi ni DR. Laura Sy at binanggit ang dalawang awtor sa
tala. Sa sanggunian, kapuwa rin niya binanggit ang libro ni Freire at artikulo ni Dr. Sy.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng Eraserheads. Nataggap
ito para sa publikasyon sa isang journal ng mga pananaliksik sa kulturang popular. Hindi
na niya ipinagpaalam sa bandang Eraserheads ang paggamit niya ng mga kanta nito sa
kniyang pananaliksik. Ang katuwiran niya ay matagal na itong naisapubliko at
nagkawatak-watak na ang banda.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ISAGAWA
Panuto: Gawain 1: Suriin ko at Pangatwiranan ko!

9
Panuto: Tukuyin kung anong metodolohiya ng pananaliksik ang binabanggit ng bawat
pahayag at pangatwiranan ang naging kasagutan.
1. Ang Pag-aaral ay nasa disenyong deskritib-kwantitatib. Kwantitatib sapagkat sinukat
nito ang antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino at deskriptibo sapagkat inlarawan ang mga antas na ito.
Gayundin, inilarawan kung ang mga suliraning kinakakaharap ng mga guro sa
integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa kanilang pagtururo.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ang mga tumugon ng Pananaliksik ay nagmula sa Kagawaran ng Filipinosa ilalim ng


Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Pamantasan ng San Luis na nagtuturo ng
Asignaturang Filipino 2 (Pagbasat at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) sa ikalawang
semester ng taong pampaaralan 2010-2011. Kinabibilangan ito ng 21 na guro, dalawang
lalaki at labinsiyam na babae, na bumubuo sa kabuoang bilang ng kaguruan ng
Kagawaran ng Filipino.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Gumamit ng talatanungan para sa mga guro na nagtuturo ng pananaliksik na siyang


nagtasa sa antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa kanilang
pagtururo ng asignatural. Gayundin, katulad na talatanungan ang ipinamahagi sa mga
mag-aaral na sumukat sa antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon batay
sa kanilang persepsiyon sa pagtuturo ng kanilang mga guro.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Bilang panimula, isinagawa ng mananaliksik ang reability test ng mga instrumenting
ginamit sa pananaliksik. Sa hanay ng mga mag-aaral, humingi ng pahintulot ang mga
mananaliksik sa ilang mga guro upang payagang mamahagi ng talatanungan sa kanilang
mga klase.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Ang mga pagsusuring nahalaw mula sa pagsukat ng antas ng integrasyon ng
transpormatibong edukasyon sa nilalaman at pamamaraan, makabuluhang ugnayan ng
dalawa at antas ng kabuluhan ng suliranin ng mga guro sa integrasyon ay naging batayan
sa pagbuo ng programang ekstensiyon sa Kagawaran ng Filipino.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Pamantayan sa Sariling Pagpapaliwanag
Pamantayn Napakahusay (10) Mahusay (6) Katamtamang Husay
(4)

10
Wastong gamit Lubos na nagamit Nagamit nang wasto ang May 4- 5 higit pang
ng salita nang wasto ang mga mga salita subalit may 1-3 mga salita ang hindi
salita na nakitaan ng pagkakamali nagamit nang wasto
sa paggamit ng salita
Pagkamalikhain Ubod nang husay ang Mahusay ang ipinakitang May 3-5 na di kangkop
naipamalas na pakamalikhain may 1-2 di angkop na ginamit
pagkamalikhain angkop na ginamit sa____ sa____? ng
ano ang gagawin nila dito pagkamalikhain
adding na gawain
Nilalaman Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay 1-2 na Ang nilalaman ay 3- o
akmang akma sa hindi akma na mensahe sa higit pahindi akma na
paksa paksa mensahe sa paksa
Kabuoan

TAYAHIN
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na inilaan bago ang bilang.

Panuto: Isulat ang T kung wasto ang ideya ng ga sumusunod na pahayag at M kung
hindi.
_____1. Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag sa tagasagot
ang layunin ng pag-aaral.
_____2. Makabubuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok ng
pananaliksik.
_____3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya kung
nakuha naman ito sa hindi kilalang blogsite sa internet.
_____4. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isasalin naman ito
sa ibang wika.
_____5. Makabubuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan ng
pagaral.
_____6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-tanggap na hindi
na balikan ang mga taong naging kalahok sa pananaliksik.
_____7. Kialangan mulat na sumang-ayon ang mga kalahok sa pananaliksik. _____8.
Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang magmukhang
malalim ang pananaliksik.
_____9. Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa dalawang
refereed journal upang tiyak na matanggap ito.
_____10. Hindi kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang resulta ng
pananaliksik.

11
_____11. Mahalagang tukuyin muna ang disenyo bago ang layunin ng pag-aaral.

_____12. Ang kuwantitatibong pananaliksik ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang


pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong
pinagyayarihan.
_____13. Sa pamimili ng disenyo, tinitiyak ng mananaliksik na lohikal na masasagot
ang mahahalagang tanong ng pananaliksik.
_____14. May pagkakatulad at pagkakaiba ang disenyong deskriptibo at eksploratori.
_____15. Ang metodo at metodolohiya ay walang pagkakaiba.

12

You might also like