You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division Office - Bulacan
PRENZA NATIONAL HIGH SCHOOL
Prenza I, Marilao, Bulacan
SENIOR HIGH SCHOOL

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

ARALIN (Modyul 4) Katangian at Pananagutan ng Mananaliksik

Katangian at Pananagutan ng Mananaliksik


Ang isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa mga pamamaraan
ng pananaliksik.Kailangan niya ring maglaan ng sapat na panahon sa pangangalap ng kanyang mga datos.
Sadyang hindi biro ang maging isang mananaliksik.May mga katangian siyang dapat taglayin at mga
pananagutang dapat isaalang-alang.Sa kanyang pananaliksik, dapat niyang isaalang-alang na may pananagutan
siya sa kanyang mga hanguan, sa kanyang mga mambabasa at sa lipunan sa kabuoan.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Mananaliksik


1. Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik.
Ang mga kasapi ng pangkat ay maaaring may tiyak na tungkuling gampanan sa kanilang pananaliksik (hal.,
paggawa ng panimula, pagbibigay ng talatanungan sa sarbey, atbp.) o maaaring maging kabahagi sa paggawa
ng lahat ng bahagi. Anuman ang kanyang
tungkulin, mahalaga ito sa pagkompleto ng pananaliksik kaya dapat niyang isakatuparan nang buong kahusayan.

2. Obhetibo
Dapat panatilihin ang resulta ng pananaliksik kahit itoy taliwas sa inaasahan. Hindi dapat makaimpluwensiya sa
proseso ang pansariling
mga kagustuhan ng mga mananaliksik, gaya ng pagpapahiwatig sa mga respondent na piliin ang isang partikular
na sagot o pagdadagdagbawas sa mga resulta para mapaboran ang gustong mangyari. Ang interpretasyon ay
dapat ding ibatay sa mga datos o ebidensiyang nakalap at hindi sa pansariling pakiramdam lang.

3. Maingat sa anumang pagkakamali at hindi pabaya.


Dapat tiyakin ang kawastuhan ng gawa, simula sa pagbaybay ng mga salitang isinulat hanggang sa katumpakan
ng kaliit-liitang numero na itinatali sa resulta ng sarbey. Dapat ding maingat na kilalanin ng mananaliksik ang mga
impormasyong hinango niya sa ibang sanggunian (hindi niya sariling gawa) at paulit-ulit na basahin ang bawat
bahagi hanggang matiyak na iyon na ang pinakamahusay na magagawa.

4. Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya.


Kapag may ideyang naisip na lalong magpapataas sa kalidad ng pananaliksik kahit dagdag itong trabaho, dapat
muna itong isaalangalang bago agad humindi, gaya ng aktuwal na pagpunta sa comedy bar para mapayaman pa
ang kaalaman tungkol dito kahit may ginawa nang sarbey. Dapat ding pag-isipan ang mga puna, maganda man o
pangit, nakatutuwa man o nakasasakit ng damdamin, kung mapabubuti nito ang gawa.

5. May paggalang sa intelektuwal na pag-aari.


Kinikilala ng mananaliksik ang awtor na pinagkunan niya ng ideya at hindi inaangkin ang kaisipan niya bilang
sariling gawa. Kung sisipi
man siya ng pahayag mula sa ibang tao, iniiba ng mananaliksik ang paraan ng pagkakasabi nito at hindi
inilalahad ang impormasyon nang sakto sa kung paano ito isinulat (liban na lamang kung direct quotation ang
gagamitin).

6. Mapagkakatiwalaan ang mananaliksik sa mga kasunduan.


Tumutupad ang mananaliksik sa mga bagay na napagkakasunduan ng kanilang grupo, gaya ng paggawa ng
bahaging naitalaga o pagdating sa tagpuan sa takdang oras. Kapag nangako rin sa mga respondent na itatago
ang kanilang pagkakakilanlan o bibigyan sila ng kopya ng resulta, dapat itong tuparin dahil kung wala sila ay hindi
rin magagawa ang riserts.

7. May paggalang sa mga kasamahan.


Anuman ang pagkakaiba-iba nila sa talino’t kakayahan, dapat matutong tumanggap ng ideya ng iba ang isang
mananaliksik at hindi
laging igiit na siya lang ang tama. Kung talagang hindi makakatulong ang kaisipan o gawa ng isang kapangkat,
dapat itong upuan para pagusapan at mapabuti, hindi bastang itapon o sabihan ng masasakit na salita. Bahagi rin
ng paggalang ang pagtupad sa mga dedlayn upang hindi maabala o mapako ang ibang kasamahan.

8. Responsable sa lipunan.
Laging dapat isipin na ang pananaliksik ay naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng tao o madagdagan ang
kaalaman. Samakatuwid, hindi ito dapat gamitin sa pagsira sa reputasyon ng ibang tao o institusyon. Sapat nang
sabihin na ang Underground River sa Palawan ay kulang sa mga lifeguard na titiyak ng kaligtasan ng mga turista,
ngunit ang pagsasabi na wala namang kakaiba rito para maging karapat-dapat sa New Seven Wonders of the
World ay isang paninira.

9. Hindi nagtatangi.
Lahat ng tao ay maaaring makibahagi o makinabang sa pananaliksik. Sa pagsasarbey ng sampung romantikong
lugar na madalas puntahan ng magsising-irog, dapat magbigay ng talatanungan sa sinumang may kasintahan
basta’t kabilang sa sabdyek ng pag-aaral(hal., nasa ikaapat na taon). Hindi maaaring lumapit lamang sa
magagandang lalaki o babae, o sa isang respondent na mukhang mayaman at may kakayahang makipag-date.

10.May kahusayan.
Bilang nagsisimulang mga mag-aaral, hindi inaasahang pulido agad ang ipapasang pananaliksik, gaya ng
pagiging malalim ng analisis o
kawalan ng anumang pagkakamali sa gramatika. Gayunpaman, inaasahang pagbubutihin ng mananaliksik ang
bahaging naitalaga sa kanya sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip, pagsubok na makagamit ng malinaw na
pananalita at paulit-ulit na pagpapayaman ng gawa hanggang maabot nito ang pinakamakinis na bersiyon.

Mga Pananagutan ng Mananaliksik


Katapatan ang pangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ang katapatang iyo ay kailangan niyang
maipamalas sa pagkilala ng pagkukunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o impormasyon sa kanyang
pananaliksik.

A. Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan ng datos.


B. Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala.
C. Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kung hindi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang na pagkilala.
D. Hindi siya nagkukubli ng mga datos para lamang palakasin o pagtibayin ng kanyang mga argumento o ikiling
ang kanyang pag-aaral
sa isang partikular na pananaw. (Atienza, et al., 1996).

Paalala:
Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw at sinungaling. Kung matuklasan na ang isang mananaliksik ay
nangopya at hindi kumilala sa kanyang pinagkunan, sapat na ito para mabura ang lahat ng iba pa niyang
pinagpaguran. Hindi na kapani-paniwala ang kanyang saliksik at hindi mapagkakatiwalaan pa ang kanyang
gawain. Parang sinisira na rin niya ang kanyang pangalan at kinabukasan Paalala Alalahaning kung madali para
sa isang estudyante na mangopya, magiging madali rin para sa kanya ang gumawa ng korapsiyon kapag siya ay
nagtatrabaho na. (Atienza, et al., 1996).

Pagsasanay
PANUTO: Tingnan sa mga sitwasyon kung anong katangian ng mananaliksik ang tinutukoy. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
A. Obhetibo B. Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya. C. May paggalang sa intelektuwal na pag-aari

D. Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik E. May paggalang sa mga kasamahan

_D_1. Ang bawat kasapi ng pangkat ni Pedro ay binigyan niya ng tungkulin. Napunta kay Nena ang paggawa ng
panimula ng pananaliksik.
_A_2. Nakatanggap sina Micay at Michael ng maganda at pangit na puna sa kanilang ginawang pananaliksik pero
hindi sila nagdamdam sapagkat alam nilang mas mapapabuti nito ang kanilang gawa.
_B_3. Nakikinig si Paul sa mga ideya ng kaniyang mga kasama at hindi niya iginigiit na siya lang ang tama.
_C_4. Laging pinapaalala ni Myra sa kaniyang kasamahan na kung kukuha ng ideya sa iba ay ilagay din ang
pangalan ng awtor.
_E_5. Hindi kailanman nagdagdag-bawas ang grupo nila cheska sa resulta ng pananaliksik para mapaboran ang
gusto nilang
mangyari.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Ibigay ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat sa kwaderno ang


iyong sagot.
Maingat sa anumang pagkakamali at hindi pabaya 1. Dapat tiyakin ang kawastuhan ng gawa, simula sa
pagbaybay ng mga salitang isinulat.
Mapagkakatiwalaan ang mananaliksik sa mga kasunduan 2. Kapag nangako sa mga kalahok na itatago ang
kanilang pagkakakilanlan o bibigyan sila ng kopya ng resulta ay dapat itong tuparin.
Responsable sa lipunan 3. Ang pananaliksik ay hindi ginagamit sa pagsira sa reputasyon ng ibang tao.
Hindi nagtatangi 4. Hindi maaaring lumapit lamang sa magagandang lalaki o babae.
May kahusayan 5. Inaasahang pagbubutihin ng mananaliksik ang bahaging naitalaga sa kanya sa pamamagitan
ng kritikal na pag-iisip.
May paggalang sa mga kasamahan 6. Bahagi rin nito ang pagtupad sa mga dedlayn upang hindi maabala o
mapako ang ibang kasamahan.
Mapagkakatiwalaan ang mananaliksik sa mga kasunduan 7. Tumutupad ang mananaliksik sa mga bagay na
napagkasunduan ng kanilang grupo.
Maingat sa anumang pagkakamali at hindi pabaya 8. Dapat maingat na kilalanin ng mananaliksik ang mga
impormasyong hinango sa ibang sanggunian.
Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik. 9. Anuman ang tungkulin, mahalaga ito sa
pagkompleto ng pananaliksik kaya dapat niyang isakatuparan nang buong kahusayan.
Obhetibo 10. Ang interpretasyon ay dapat ding ibatay sa mga datos o ebidensiyang nakalap at hindi sa
pansariling pakiramdam lang.

You might also like