You are on page 1of 12

Introduksyon

sa
Pananaliksik
Ano ang pananaliksik?

 Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa


mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa
o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong
paghahahanap ng mga esensyal na impormasyon o datos
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin
at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga
nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang
esensyal na gawain – ang paghahanda ng kanyang ulat-
pampananaliksik.
Katangian ng isang magaling
na mananaliksik
 Masipag
 Ito ang kaunaunahang puhunan ng isang mananaliksik. Dapat tandaan ng isang
mananaliksik na siya dapat ang humanap ng datos na kanyang kakailanganin dahil
hindi ang datos ang lalapit sa kanya.
 Matiyaga
 Dapat itong taglayin ng isang mananaliksik upang makuha niya ang impormasyong
hindi niya basta-basta makukuha. Kaakibat nito ang pagiging masinop at pagkakaroon
ng lakas ng loob.
 Organisado
 Makatutulong ito sa isang mananaliksik upang mapagaan ang kanyang gawain at hindi
siya paulit-ulit sa mga bagay-bagay.
 Sistematiko
 Halos katulad ito ng pagiging organisado. Kailangan lamang niya sumunod sa isang
proseso o prosedyur upang mas maging makabuluhan ang kanyang mga gawain.
Katangian ng isang magaling na
mananaliksik

 Kritikal
 Hindi lahat ng datos na nakukuha ay dapat isama sa sinusulat na papel. Kailangan
ng isang mananaliksik na maging kritikal sa kanyang pagpili ng mga datos na
isasama upang makasiguro na ang lahat ng datos ay may kaugnay sa
isinasagawang pananaliksik.
 Maingat
 Kailangan ng isang mananaliksik na maging maingat sa mga datos na kinukuha.
Dapat niyang masigurado na ang lahat ng ito ay wasto at may basehan.
 Mahaba ang pasensya
 Kakailanganin ng isang mananaliksik ang haba ng pasensya dahil hindi nagagawa
sa isang maikling panahon ang pamanahong papel. Ito ay pinaggugugulan ng oras
at panahon upang maisagawa ito ng tama at maayos.
Katangian ng isang mahusay na
Pananaliksik

 Ang pananaliksik ay sistematik


 Ito ay kontrolado.
 Ito ay empirikal.
 Ito ay obhetibo, lohikal at walang kinikilingan.
 Ito ay gumagamit ng mga istatistikal na metodo.
 Ito ay isang orihinal na akda.
 Ito
ay isag tumapk na imbestigasyon at
obserbasyon.
Ano ang plagiarismo?

Ang plagiarismo ay ang hindi


awtorisadong paggamit o maging
malapit na limitasyono pangongopya
sa wika at mga ideya ng iba pang
awtor at ang representasyon nila
bilang sariling orihinal na gawa o likha.
Ano ang mga katawagan sa
bawat kabanata

Ang Suliranin at Kaligiran nito


Mga Kaugnay na Literatura
Mga metodolohiya sa Pananaliksik
Ang analisis at Interpretasyon ng
Datos
Konklusyon
Ano ang mga dapat makita sa
bawat kabanata?
 I. Saligan ng pagaaral
 Dito nakikita ang suliranin ng pananaliksik at kaligiran ng pag-aaral.
 a. Panimula
 b. Saligan ng Pga-aaral
 c. Balangkas Konseptwal
 d. Balangkas Teoretikal
 e. Paradaym ng Pag-aaral
 f. Paglalahad ng suliranin
 g. Haypotesis
 h. Kahalagahan ng Pag-aaral
 i. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
 j. Katuturan ng Katawagan
II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
 Ditonakapaloob ang mga artikulo, pag-aaral,
at iba pang mga babasahin na naisagawa at
naisulat na may kaugnayan sa kasalukuyang
pagaaral
 Mga Kaugnay na Literatura
 Mga Kaugnay na Pag-aaral (banyaga)
 Mga Kaugnay na Pag-aaral (Lokal)
III. Pamamaraan ng Pananaliksik
 Dito nakalahad ang mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik
at ang mga hakbang upang isagawa ang buong pananaliksik,
mula sa pagbuo ng inisyal na pangangalap ng datos hanggang sa
maisagawa ang sarbey, eksperimento, imersyon o ano pa mang
pamamaraan upang maisagawa ang mga kinakailangang mga
hakbang upang makalap ang mga kakailanganing datos upang
mabigyang tugon ang mga suliraning inihain sa unang kabanata.
 Paraan ng Pananaliksik
 Mga Respondenteknik at Instrumento
 Pagbibigay Halaga sa Datos
IV. Paglalahad, pagsusuri, at
Interpretasyon ng Datos
Dito nakapaloob ang mga presentasyon
ng datos na nakalap mula sa
pamamaraang ginamit at ang
interpretasyon ng mga mananaliksik dito.
V. Buod ng Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
 Ang huling kabanata kung saan muling ilalahad ng
mananaliksik ang mahahalagang impormasyon sa
pananaliksik, pamaraan ng pangangalap ng datos at ang mga
resulta ng pag-aaral at interpretasyon ng mga resulta.
 Lagom ng Natuklasan
 Kongklusyon ng Pag-aaral
 Mga Rekomendasyon
 Talasanggunian
 Apendiks

You might also like