You are on page 1of 9

Tatlong Uri ng Tekstong Deskriptibo

Nahahati sa tatlong uri ang mga tekstong


deskriptiv ayon sa ginagamit at sinusunod na
paraan ng pagbibigay katangian sa isang bagay, tao,
lugar, o pangyayari.
1. Deskripsyong Teknikal

Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang


detalyado at gumagamit ng mga eksaktong salita sa
pagbibigay ng katangian.
Tatlong piraso na lamang ng tsokolate ang laman ng pulang
kahong ibinigay ni Benedicto.

Si Aling Cora ay ang babaeng kulot ang buhok at mayroong


tindahan ng school supplies sa kanto ng Mabini.

Hinahanap niya si Josie, ang batang mula sa ikapitong baitang na


ipinaglaban sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay.
2. Deskripsyong Karaniwan

Ito naman ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan


ng pagbibigay ng impormasyong pangkalahatan at
marami tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong
katangian.
Si Benedicto ay mapayat na matangkad.

Ang eskinita na iyon ay masikip, madilim, at mayroong hindi


magandang amoy.

Dumalaw ang isang kulot na lalaki sa anak mo kanina.


3. Deskripsyong Impresyonistiko

Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng


pansariling pananaw, opinyon, o saloobin sa isang tao. Ito
ay karaniwang iba sa kaniyang kapuwa at hindi itinuturing
na lubhang totoo dahil ito subhektibong pananaw lamang.
Namamalditahan ako sa anak na panganay ni Aling Marta
dahil ramdam kong hindi totoo ang kaniyang pagngiti sa
atin.

Minamalas ang mga taong iyan dahil hindi sila marunong


magbigay ng biyaya sa kanilang kapuwa at madadamot sila.

Naku, bagay na bagay talaga sina Alden at Maine dahil


pareho silang mabait sa kanilang mga fans.
Layunin at Kahalagahan ng Tekstong
Deskriptibo
Katulad ng ibang uri ng teksto, mayroong mahalagang
layunin ang tekstong deskriptibo para sa mga
manunulat at mababasa. Ito ay ang iparating ang
katangian ng isang tao, bagay, hayop, pangyayari,o
lugar. Ang pagkilala sa katangian ng mga ito ay
nakatutulong upang mas matandaan ang mga ito.
Mahalaga ring pag-aralan at mabasa ang mga
tekstong deskriptib sapagkat malaking bahagi ng
ating pag-unawa sa kapwa ay pag-alam sa mga
katangian nito. Kapag nalaman o natukoy ang
katangian, magbubunga ito ng mas malawak na pang-
unawa sa iba.

You might also like