You are on page 1of 10

Pagbasa at

Pagsusuri ng Ibat’
ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
ANG TEKSTO AT MGA URI NITO
Ano ang Teksto?

• isang uri ng babasahin o lathalaing puno ng mga ideya’t


impormasyon mula sa iba’t ibang tao

• maaaring nasa anyong kwento, nobela, tula, awit,


talambuhay, sanaysay, alamat at iba pa.
Ano ang Pagbasa?

• ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga mag-aaral


tungo sa paglinang at pagpapahusay sa mabisang pag-unawa.

• maaaring nasa anyong kwento, nobela, tula, awit,


talambuhay, sanaysay, alamat at iba pa.
• ang kritikal at masusing pag-unawa ay isang mahalagang
bahagi ng pagbasa.
Bakit mahalaga ang pagsulat ng
TEKSTO?

• sa pamamagitan nito’y makaaangat tayo sa iba bukod pa sa


ito’y katibayan ng ating edukasyon o pagiging literado.

• sa pamamagitan nito’y makapagbibigay tayo ng maayos at episyenteng


ulat, makapagtatala ng mga resulta ng pag-aaral o pananaliksik, at
makapagsusulat ng iba’t iang liham.

• magagamit din ito sa paggawa ng mga anunsyo, iskrip ng mga pelikula,


pagsagot sa mga kliyente at iba pang pakikipagtransaksyon nang hindi
kinakailangang magsadya ng personal.
Upang matagumpay ang pagbabasa ng teksto,
mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

Awtoridad ng
Manunulat

Lohika ng
Pagpukaw ng
Argumento ng
Atensyon ng
Manunulat
Mambabasa

Kritikal na
Pagbabasa
ng Teksto

Paggamit ng
Ideolohiyang Wika at Estilo
itinatanghal ng
ng teksto Paglalahad
1. Awtoridad ng Manunulat

• upang makuha ang respeto ng mga mambabasa.

• hudyat ng pagiging awtorisado ang kadalubhasaan niya sa


paksang kanyang isinusulat.

• ang mga naisagawang pag-aaral o pananaliksik at mga


akdang naisulat na umani ng maraming paghanga’t papuri ay
mga batayan din ng kanyang pagiging awtoridad bilang
manunulat.
2. Pagpukaw ng Atensyon ng Mambabasa
• Upang hindi mawalan ng saysay ang mensahe kung hindi ito
maging kawili-wili o makaagaw atensyon sa iyong awdyens.

TANONG:
• Paano kaya nakuha ng manunulat ang atensyon ng mambabasa?
• Paano niya pinanabik ang iyong kawilihan?
• Makatotohanan ba’t may katuwiran ang manunulat sa kanyang paksa?
• Nahuli ba niya ang iyong kiliti?
2. Paggamit ng Wika at Estilo ng Paglalahad
• Kung iaayon sa wikang nauunawaan ng marami o kaya sa local na
wikang kanilang ginagamit o iyong tinatawag na “mother tongue”
higit itong mabisanang libong higit kaysa paggamit ng mga di
madaluhirip na salitana magbibigay lamang ng kalituhan at
mayabang na impresyon sa iyong wadyens.
DAPAT TANDAAN:
1. Ang malamya at ordinaryong presentasyon ng mga ideya, kaalaman o
impormasyon ay kabagot-bagot sa awdyens lalo na sa panahong ang oras ay
kaantok-antok.
2. Bago simulan ang pagtalakay, mahalagang alamin muna ng awtor (kung
pasalita) o iangkop ang paksa(kung pasulat) ayon sa edad ngawdyens.

3. Mahalaga rin ang interes ng karamihan, katayuan sa buhay at husay sa


pagpili ng gagamiting salita lalo na sa mga sitwasyong ibig mong magpatawa
ngunit wala ni isang tumatawa o ngumingiti man lamang.
3. Ideolohiyang Itinatanghal ng Teksto

• Ang kahulugan ng binabasang teksto bagama’t


nauunawaan ay mahalaga rin na malinaw ang tinutukoy o
binibigyang-tuon na paniniwala at pagpapahalaga ng
manunulat.
4. Lohika ng Argumento ng Manunulat

• Sa paglalahad ng manunulat sa kanyang teksto, dapat nyang


tiyakin kung ang mga nakapaloob na argumento ay
makatwiran at katanggap-tanggap sa mga mambabasa kung
ang kanyang mga sinasabi bagama’t sariling opinyon ay
sinusuportahan ng mga katibayan o mga detalye.

You might also like