You are on page 1of 32

Tekstong

impormatibo
Bakit nga ba kailangan
natin ng mga
impormasyon?
Ano ang Tekstong Impormatibo?
Ang tekstong impormatibo ay uri ng
babasahing di-piksiyon. Isinulat ito sa
layuning makapaghatid ng impormasyon sa
mga mambabasa. Maaari itong mabasa sa
mga magasin, mga batayang aklat, mga
aklat sanggunian, at iba pa.
May layunin din itong maging
daluyan ng makatotohanang
impormasyon sa mambabasa.
Halimbawa ng mga sulatin o akdang
pampanitikan na naglalaman ng
tekstong impormatibo
 Mga sangguniang aklat tulad ng mga ensayklopediya, almanac, batayang aklat, at dyornal.
 Ulat
 Pananaliksik
 Artikulo
 Komentaryo
 Polyeto o brochure
 Suring-papel
 Sanaysay
 Mungkahing proyekto
 balita
Layunin ng tekstong impormatibo
na alisin at bigyan ng tamang
paglilinaw ang mga katanungan,
agam-agam, o pag-aalinlangan na
bumabalot sa isipan ng bumabasa
hinggil sa paksang tinatalakay.
Mga Elemento ng Tekstong
Impormatibo
Madalas gumagamit ng isa o ilan sa sumusunod na hulwaran ng
organisasyon ang tekstong impormatibo.

-kahulugan -pagsusuri
-sanhi at bunga -pag-iisa-isaa
-paghahambing -suliranin at solusyon
Gabay sa pagbasa ng
tekstong impormatibo
Layunin ng may-akda
 Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
 Malinawbang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda na
makapagpaliwanag o magbigay ng impormasyon?
 Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa?
Mga pangunahin at suportang ideya
 Tungkol saan ang teksto?
 Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
 Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?

Hulwarang organisasyon
 Paano inilahad ang mga suportang ideya?
 Ano ang hulwaran ng organisasyon na ginagamit sa paglalahad ng mga
detalye sa teksto?
 Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit ang mga
hulwarang organisasyon sa pagbasa?
Talasalitaan

 Gumamit ba ng mga salita o terminolohiya na di-karaniwang


ginagamit sa normal na pakikipag-usap at ginagamit lamang
sa nga teknikal na usapin? Ano-ano ito?
 Matapos mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang kahulugan
ng mga ginagamit na di-kilalang salita o terminolohiya?
 Ano-anong impormasyon kaugnay ng mga terminolohiyang
ito ang tinalakay sa teksto?
Kredibilidad ng mga impormasyong
nakasaad sa teksto
-Bagong kaalaman o impormasyon ba ang
ibinahagi ng teksto?
-Kung oo, sapat ba ang mga suportang detalye na
tumatalakay sa bagong kaalamang nito?
-Nabanggit ba sa teksto ang mga pinagkuhanan
ng ideya o impormasyon?
Mula ba sa kilala at
mapagkakatiwalaang materyal ang mga
nakasaad na impormasyon?
Kaya bang mapatunayan kung gaano
katotoo ang impormasyong nakasaad
sa teksto?
Paghahanda para sa
Pagsulat ng
Tekstong
Importmatibo
Mahalagang bahagi nito ang
pananaliksik upang masigurong
pawang mapagkakatiwalaan at
totoong impormasyon lamang ang
isusulat.
Mga sulating pananaliksik at balita

Masusi at kritikal ang pagdedesisyon bago


ilantad ng may akda ang mga datos. Tinitiyak
na may sapat na batayan ang mga ito upang
hindi makalito hindi makalito sa mambabasa,
kailangan ding maging matalino sa pagsusuri ng
teksto at lagging tiyakin ang katotohanan at
kredebilidad ng mga impormasyon.
Maingat na magsaliksik lalo na
tungkol sa mga ideyang sensitibo sa
larangan ng agham, teknolohiya,
kasaysayan, at mga araling
pilosopikal.
Sapat na batayan.
Gumamit ng wasto at angkop na
mga salita.
Halimbawa ng mga Tekstong Impormatibo

Ang MERS-CoV o Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus ay


isang viral na sakit sa paghinga na nakakamatay sa loob ng sampung
(10) araw o mahigit mula sa pagkahawa sa sakit na ito
(www.who.int). Ang MERS ay tinatawag din na ‘Novel Coronavirus’.
Ito ay isang beta na coronavirus. Ito ay unang iniulat noong 2012 sa
Saudi Arabia. Kakaiba ang virus na ito dahil bago pa lang na
natagpuan at hindi pa nangyari sa mga tao noon kaya pinag-aaralan
pa ng mga dalubhasa (CDC) ang tungkol sa MERS at ang lunas sa sakit
na ito.
Ang coronavirus ay hango sa salitang Latino ‘Corona’ na
ang ibig sabihin ay korona at dahil din sa itsura nito na
parang hubog ng araw. Ang coronavirus ay unang
natuklasan noong 1960s sa isang pasyente na may sipon
(human coronavirus). Naaapektuhan ang upper
respiratory at gastrointestinal tract.

Ang MERS-CoV ay hindi katulad ng SARS virus (Severe


Acute Respiratory Syndrome) noong 2003. Gayunpaman,
tulad ng SARS virus, ang MERS-CoV ay pinaka-katulad sa
coronaviruses na matagpuan sa mga paniki o bats. At
ayon sa pag-aaral, iniuugnay at maaaring pinagmulan
din ng MERS-CoV ay mga hayup tulad ng kamelyo.
Mga bansang nakumpirmang apektado sa
MERS-CoV mula pa noong April 2012 hanggang
sa ngayon ay ang mga bansa ng Arabian
Peninsula (Jordan, Kuwait, Oman, Yemen,
Qatar, Lebanon, UAE at Saudi Arabia), United
Kingdom, France, Italy, Netherlands, Greece,
Egypt, Tunisia, Malaysia, Philippines at USA.
Ayon sa WHO, 238 ang kumpirmadong kaso ng
MERS sa buong mundo at 92 na ang
namamatay mula noong September 2012.
Karamihan sa mga tao na nahawaan ng MERS-CoV ay
may mga sintomas ng mataas na lagnat, ubo na
maaaring humantong sa pulmonya, mahirap at
maigsing paghinga o shortness of breath, at
pagtatae. At kung mahina ang resistensiya,
maaaring magpakita ng iba pang kakaibang sintomas
tulad ng sakit sa bato. Halos kalahati ng mga
apektado ay namamatay. Ang ilang mga tao ay
iniulat na nagkaroon ng banayad na respiratory
illness lamang. Wala pang gamot o bakuna laban sa
MERS-CoV.
Patuloy pang nag-iimbento ang mga dalubhasa ng
vaccine laban sa sakit na ito. Ang supportive na
medikal na pag-aalaga ay makakatulong sa
pagbawas ng mga sintomas.
Ang MERS-CoV ay sinasabing nagkakahawaan kung
ang isang tao ay may close o malapitang contact sa
isang biktima ng MERS. Halos ang naglalabasang
balita ay ang mga healthcare personnel, kamag-
anak at iba pa ay nahawa ng apektadong pasyente
na may MERS sa pamamagitan ng hangin
sa respiratory droplets o mga pagbahing at pag-
ubo ng isang apektado na maaaring nalanghap ng
isang tao.
Nakakabahala ang MERS-CoV. Karamihan sa mga tao
na napatunayang may MERS at may impeksiyon ay
may malubhang karamdaman sa paghinga. Posibleng
kumalat ito sa maraming tao at mga bansa. Kaya
ibayong pag-iingat para sa mga OFW na nasa Middle
East lalo na sa mga nagtratrabaho sa hospitals.
Ayon sa NIC-ISS (National Influenza Centre at
the Istituto Superiore Sanità) sa Roma, ay
kumpirmadong nagkaroon ng unang
impeksiyon ng MERS-CoV sa isang babaeng
pasyente, 45 taong gulang, mula sa Florence
(Tuscany Region), Italy na nagbakasyon sa
Amman, Jordan (www.eurosurveillance.com).
Sa pamamagitan ng laboratory test
ng PCR (Polymerase Chain Reaction)
malalaman kung apektado sa sakit na
ito. Sa malalang situwasyon gaya ng
pulmonya, ay isinasagawa ang Chest X-
ray. Kailangan komunsulta agad sa
doctor para mabigyang lunas ang mga
sintomas dulot ng virus na ito.
Pinapayuhanang mga tao na sundin ang mga
sumusunod upang maiwasan ang sakit na MERS-
CoV.

 i) Hugasan ang iyong mga kamay ng mas madalas na


may sabon at tubig ng 20 segundo, at gawin din sa
mga bata. Kung walang sabon at tubig, gumamit
ng sanitizer o alcohol para malinisan ang kamay at
mapatay ang mikrobyo. 
ii)Takpan ang iyong ilong at bibig ng tissue
kapag ikaw ay umuubo o nababahin at
pagkatapos ay itapon ang tissue sa basurahan.
Iwasang bumahing sa dalawang kamay.
Bumahing sa braso o siko para di malagyan ng
virus ang kamay. 

iii) Iwasan ang pagkakalikot o pagkukusot ng


iyong mga mata, ilong at bibig dahil naililipat
ng mga maduduming kamay ang virus papasok
sa ating katawan. 
iv) Iwasan ang malapitang contact, gaya ng
halik, isahang paggamit ng baso, o pagshe-
share ng mga gamit sa pagkain at utensils lalo
na sa may sakit na tao.

v) Maglinis at mag-disinfect ng madalas sa mga


hinahawakang bagay tulad ng mga laruan
at doorknobs, elevators at pampublikong
sasakyan o taxi. 
vi) Magsuot ng mask kung kinakailangan lalo na sa
matataong lugar at pampublikong mga lugar kagaya
ng malls, groceries, buses, airports at hospitals. 

vii) Iwasang makihalubilo sa mga taong may sakit


na sipon, ubo, lagnat at flu-like symptoms. 

ix) Iwasang magpuyat. Matulog ng hanggang 8 oras.


Magbigay ng sapat na pahinga sa katawan para
lumakas ang resistensiya sa virus.
 x) Mag-ehersisyo.
viii) Uminom ng maraming tubig at ng mga
pampalakas ng katawan at resistensiya tulad
ng Vitamins, kumain ng mga masustansiyang
pagkain at mga prutas na mayaman sa
Vitamin C at gulay.
 

You might also like