PAGBASA MORTIMER ALDLER AT CHARLES VAN DOREN (1973)
How to Read a Book
PRIMARYA •Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagabsa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at espisikong impormasyon gaya na petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa isang teksto. MAPAGSIYASAT • Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari rin itong basahin nang mas malaliman. ANALITIKAL •Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. SINTOPIKAL -Syntopicon ( A Syntopicon: An Index to The Great Ideas, 1952) •Tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkaka-ugnay. •Sa sintopikal na pagbasa, sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. PAGKILALA SA OPINYON AT KATOTOHANAN •Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirical na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon. •Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko,” “para sa akin,” “gusto ko,” o “sa tingin ko”. HALIMBAWA: •Si Pangulong Benigno Aquino III ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas. •Para sa akin, si Pangulong Benigno Aquino III lamang ang kaisa-isang pangulo na sumusugpo sa korupsiyon sa gobyerno ng Pilipinas. A. Isulat ang K kung katotohan ang pahayag at O kung opinyon. 1.Si Benigno Aquino III ang nag-iisang pangulo ng Pilipinas na sumusugpo sa suliranin ng korapsyon 2.Sa tingin ko ay may malaking pananagutan sa insidente sa Mamasapano si Pangulong Aquino. 3.Napakahusay ng pagganap ni Eugene Domingo sa pelikulang “Babae sa Septic Tank.” 4.Pinaka-guwapong artista si James Reid. 5.Napatunayang nagnakaw ng kaban ng bayan ang dating Pangulong Joseph Estrada. 6.Nandaya sa eleksyob noong 2004 si dating Pangulong Gloria Arroyo kaya natalo si Fernando Poe Jr. 7. Ayon sa Saligang Batas, ang pangulo ng Pilipinas ay awtomatikong magsisilbi bilang Commander-in-Chief ng PNP at AFP. 8. Ipinakita ng mga Pilipino ang katapangan at kabayanihan nang magkaisa sila sa pagpapatalsikng isang diktador. 9. Maraming magagandang babasahin sa Wattpad kahit pa sinasabi ng marami na mababaw ang mga kuwento rito. 10. Maaaring magsulat ang kahit sino at ilathala ito sa Wattpad. B. TUKUYIN KUNG ANG SUMUSUNOD NA KASANAYAN AY GINAGAWA BAGO, HABANG, O PAGKATAPOS MAGBASA. PILIIN SA KAHON ANG WASTONG SAGOT SA BAWAT AYTEM AT ISULAT SA PATLANG A.BAGO MAGBASA B.HABANG NAGBABASA C.PAGKATAPOS MAGBASA 1. Pagbuo ng mga biswal na imahen 2. Previewing ng teksto o mabilis na pagsususri sa genre at halaga nito sa layunin ng pagbasa. 3. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong nakuha sa teksto. 4. Muling pagbasa sa mga hindi naunawaang bahagi. 5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkuoan ng aklat. 6. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat. 7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa iba pang impormasyong ibinibigay ng teksto. 8. Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda. 9. Paghihinuha 10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa