You are on page 1of 35

Pagtukoy at pagpapahayag ng

mahalagang kaisipan/pananaw 10
Filipino
Unang Kuwarter- Modyul 1

www.clipartkey.com

ROVELYN C. UMINGLE
Gumawa

Kagawaran ng Edukasyon. Schools Division Office- Ifugao


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Cordillera Administrative Region
Dibisyon ng Ifugao
Lagawe, Ifugao
Inilathala ng:

Learning Resource Management System

KARAPATANG ARI
2020

Nailaan sa Seksyon 9, Atas ng Pangulo Blg. 49. S. 1972:

“Walang gawa sa pamahalaan ng Pilipinas na hindi kinikilala ang karapatan ng may-


akda. Ngunit, kung may pahintulot ang opisina ng ahensya ng pamahalaan na kung
saan ginawa ang gawain upang gamitin ito para kumita.”

Ang kagamitang ito ay nagawa bilang pagpapatupad sa K-12 Kurikulum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division-Learning Resource Management
System (LRMS). Maaari itong maparami para sa pang-edukasyong layunin ngunit
kinakailangang makilala ang gumawa nito. Sa paggamit ng nasabing gawain kasama
na rito ang pagbabago ng salin, pagpapaganda o pagdaragdag sa gawain ay
pinahintulutan kung ang lahat ng orihinal na ginawa ay kinikilala at iniuukol ang
karapatan nito. Walang gawaing hinalaw sa mateyal na ito para ibenta o kumita.

ROVELYN C. UMINGLE
Gumawa

PAUNANG SALITA

Ang kagamitang pampagtuturong ito ay proyekto ng mga tagapagtupad ng


kurikulum sa Dibisyon lalong-lalo na ang pangkat ng Learning Resource Management
System (LRMS), Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Ifugao bilang tugon sa
pagpapatupad sa K-12 na Kurikulum.

Layunin ng modyul na ito na maiangat ang kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-


10 baitang sa asignaturang Filipino.

Petsa ng Paggawa : Ika-27 ng Mayo, 2020


Lokasyon : Mataas na Paaralan ng Lawig, Distrito ng Lamut,
SDO- Ifugao
Asignatura : Filipino
Antas : 10
Uri ng Kagamitan : Modyul
Lenggwahe : FIlipino
Kwarter/Linggo : Unang Kwarter, Unang Linggo
Pag-aaral na Kompetensi/ Koda : Naipapahayag ang mahalagang
kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya/ F10PN-Ia-b-62

PASASALAMAT
Ang manunulat ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang
tumulong at sumuporta upang maisakatuparan ang paggawa ng kagamitang-
pampagtuturo na ito:

MARILOU T. YOGYOG, EPS-Filipino para sa pagpapasimuno sa pagsasagawa


at pagtataya sa modyul na ito;

JANET T. BELINGON at ANITA N. PATNAAN, mga Punong Guro, sa


masigasig na pagsusuri sa modyul na ito;

PANGKAT NG DIBISYONG TAGASURI NG MODYUL, para sa pagsusuri,


pagtataya, at pagbibigay komento para maiwasto ang materyal na ito;

Sa kanyang asawa’t anak na naging inspirasyon ng manunulat para


mapagtagumpayan niyang tapusin ang modyul na ito; at

Higit sa lahat, sa mapagpalang Panginoon na nagbigay ng lakas ng loob at


talino para mabuo ang kagamitang pampag-aaral na ito.

Maraming salamat.

PANGKAT NG DIBISYONG LRMS

SHAILA S. TAKINAN NANCY G. NALUNNE


Librarian-II PDO-II

JOVITA L. NAMINGIT
EPS-LRMS

MGA KASANGGUNI

MARCIANA M. AYDINAN, Ph D.
Hepe, Dibisyon ng Kurikulum Implementasyon

GERALDINE B. GAWI, Ed D.
OIC-Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

BENEDICTA B. GAMATERO
OIC- Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
TALAAN NG NILALAMAN
Karapatang-Ari……………………………………………………………………….. ii
Paunang Salita……………………………………………………………………….. iii
Pasasalamat………………………………………………………………………….. iv
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………. v
Pamagat na Pahina………………………………………………………………….. vi
Alamin…………………………………………………………………………………. 1
Subukin………………………………………………………………………………... 2
Balikan………………………………………………………………………………… 4
Tuklasin……………………………………………………………………………….. 10
Suriin…………………………………………………………………………………... 11
Pagyamanin…………………………………………………………………………... 13
Gawain 1………………………………………………………………………. 13
Pagtataya 1…………………………………………………………………… 14
Gawain 2………………………………………………………………………. 14
Pagtataya 2…………………………………………………………………… 14
Gawain 3………………………………………………………………………. 16
Pagtataya 3…………………………………………………………………… 17
Isaisip…………………………………………………………………………………. 18
Isagawa……………………………………………………………………………….. 18
Tayahin………………………………………………………………………………... 19
Karagdagang Gawain……………………………………………………….………. 23
Susi sa Pagwawasto sa Subukin…………………………………………………… 25
Susi sa Pagwawasto sa Pagtataya………………………………………………… 26
Susi sa Pagwawasto sa Karagdagang Gawain…………………………………… 27
Talasanggunian………………………………………………………………………. 28

Pagtukoy at pagpapahayag ng
mahalagang kaisipan/pananaw 10
Filipino
Unang Kuwarter- Modyul 1
www.clipartkey.com

ROVELYN C. UMINGLE
Gumawa

Kagawaran ng Edukasyon. Schools Division Office- Ifugao


Alamin

Magandang buhay kaibigan!

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansariling pagkatuto at pag-


unlad. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito, malilinang at matutugunan mo
ang mga sumusunod na kasanayan:
a. nakikilala ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat; at
b. natutukoy ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa teksto.

Madali lamang ang mga aralin kung maglalaan ka ng oras at konsentrasyon sa


pag-aaral.

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?

Bago mo simulan ang paggamit ng modyul na ito, basahin mo muna ang mga
tuntunin kung paano gamitin ito.
1. Basahin at unawain ang mga nakasulat sa modyul.
2. Kung mayroong nais linawin tungkol sa mga gawain, magtanong sa guro o sa
taong may sapat na kaalaman.
3. Ang lahat ng iyong mga sagot ay isusulat mo sa isang malinis na papel, hindi
maaaring sulatan ng kahit ano ang modyul. Panatilihing itong malinis.
4. Magtala ng mahahalagang impormasyon at kaisipan. Makatutulong ito sa
iyong paglalakbay-aral.
5. Pagkatapos mong isagawa ang mga pagsusulit maaari mo ng makuha sa
guro ang mga tamang sagot.

Hangad ko ang iyong tagumpay.


Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga Aykon sa modyul na tutulong sa iyo
upang mas maunawaan ang mga bahagi nito, kung ano ang babasahin at isasagawang
gawain.

AYKON LABEL DESKRIPSIYON


Alamin Isinasaad sa bahaging ito ang nilalaman
ng modyul, mga panuto para sa mga
guro at mga mag-aaral. Nakasaad din
dito ang mga layunin na kailangang
maisagawa.
Subukin Ito ang paunang pagtataya para sa iyo
upang subukin ang iyong kaalaman sa
paksang tatalakayin.
Balikan Ipinapahayag dito ang nakaraang paksa
na inuugnay sa bagong paksa.

Tuklasin Ipinakilala ang bagong paksa sa


pamamagitan ng isang gawain.

Suriin Maikling talakayan sa paksa.

Pagyamanin Mga gawain na isinasagawa upang


makita kung maunawaan ang paksa.

Isaisip Isinasaad dito ang buod ng napag-


aralan.

Isagawa Ipinapakita sa bahaging ito ang


pagsasagawa o paglalapat sa buhay
batay sa napag-aralan.

Tayahin Ang pangwakas na gawain o pagtataya


batay sa paksang napag-aralan.

Karagdagang Mga karagdagang gawain na


Gawain matutulungan ka upang madagdagan
ang kaalaman tungkol sa paksa.

2
Subukin
Ano na ba ang alam mo?

Bago ka tumungo sa mga gawain, kailangang maipakita mo muna kung ano na


ang mga taglay mong kaalaman. Sagutin mo ang paunang pagsusulit. Tandaang
gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

A. Panuto: Unawaing mabuti ang mga aytem na nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot
upang mabuo ang nais ipahayag nito.

1. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may akda tungkol sa


teksto?
a. detalye b. paksa
c. pamagat d. pangunahing ideya / kaisipan

2. Ang ___________ ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung


tungkol dsaan ang teksto.
a. detalye b. kaisipan c. mensahe d. paksa

3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa


_______ ng teksto.
a. detalye b. mensahe c. paksa d. pamagat

4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto.


a. paksa b. pamagat
c. pangunahing ideya / kaisipan d. pansuportang detalye

5. Ang mga _________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang


maunawaan ito ng lubos.
a. paksa b. pamagat
c. pangunahing ideya / kaisipan d. pansuportang detalye

B. Panuto: Hanapin sa mga pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang may


salungguhit. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Hindi niya mapigilan ang paghikab habang nakikinig sa pahayag.


a. inaantok b. pagkabagot c. pagtulog d. pangingimi

3
2. Si Ray ay nangangatog sa takot dahil sa biglang paglitaw ng isang asong
ligaw.
a. nahihilo b. namumula c. nanginginig d. nauutal

3. Maraming ritwal ang isinasagawa ng mga katutubo pagkatapos ng anihan


bilang pasasalamat sa diyos sa bagong ani.
a. handaan b. kasiyahan c. programa d. seremonya

4. Nalugod ang diyos ng ani nang mag-alay ng ritwal ang mga katutubo dahil sa
kanilang masaganang ani.
a. naabala b. nabahala c. nagalit d. nasiyahan

5. Nag-usisa ang reporter tungkol sa nangyaring nakawan sa bangko ngunit


hindi na sumagot ang pamunuan ng bangko.
a. nagalak b. nagtanong c. nagulat d. naguluhan

C. Panuto: Tukuyin kung ano ang paksa at ang pangunahing kaisipan na nakapaloob
sa bawat talata.

1. Sa Pilipinas, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang


naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang
nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan
ang mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-
etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga
naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

2. Base sa WHO, ang mga karaniwang sintomas na dulot ng COVID-19 ay


lagnat, pagkapagod, at dry cough. Ilan sa mga pasyente ay nakararanas
ng sipon at baradong ilong, sore throat, o diarrhea. Habang isa lamang sa
anim na pasyente ang nagkakaroon ng hirap sa paghinga at nagiging
malubha ang kalagayan.

3. Maliban sa kanyang idinudulot na mabuti sa usapang panturismo, ang


hugis din ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue ay isang matipid na
paraan ng pagsasaka. Ito ay dahil matipid ito sa lupa at pinapabagal nito
ang agarang pagdaloy ng tubig sa paanan ng bundok. Bukod dito, ang
mala-hagdang hugis din nito ay napipigilan ang pagguho, at nagaalok ng
mainam na kondisyon para sa mga pananim na tulad ng palay. Ang mga
puno kagubatan sa tuktok ng mga bulubundukin ay sumasalo ng ulan,
upang ang tutulong tubig na dadaan sa sinaunang irigasyon na ginawa ng
mga katutubo ay mineralisado.

4
Pagkatapos sagutin ang pagsasanay, buklatin ang pahina 25 at iwasto ang
mga kasagutan. Paalala, maging tapat!

Ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito kung may mali sa iyong mga
kasagutan. Kapag tama lahat ang iyong mga sagot ay maaaring huwag nang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito.

Balikan
Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong
paglinang ng iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa. Inilalahad
sa araling ito ang ilang tiyak na teknik para sa mabisang pagtukoy sa paksa ng teksto
sa tulong ng pamagat, pangunahing kaisipan at pansuportang detalye.

Halina’t basahin mo at unawaing mabuti ang mga paliwanag ko tungkol dito.

Bilang isang mahusay na mambabasa, ano ang unang ginagawa? Pagkilala ba


sa mga tauhan? Ang unang ginagawa ng mahusay na mambabasa ay pagtukoy sa
paksa ng tekstong binabasa.

Ano ang paksa? Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng
pansin.
Paano? May mga paraan upang matukoy mo ang paksa ng teksto, isa na rito
ang pagsusuri sa pamagat. Kapag nakuha mo ang paksa, madali nang makuha ang
pangunahing ideya.

Iyan ang ituturo ng modyul na ito kaya magpatuloy sa pag-aaral.

May mga teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa at pangunahing


kaisipan. Isa-isahin natin ang mga ito.

1. Pagkilatis sa Pamagat

Ang isang teknik na makatutulong sa pagtukoy sa paksa ay ang pagkilatis


sa pamagat. Maraming mambabasa ang hindi gaanong nagbibigay-pansin sa
pamagat ng teksto. Sa katunayan, malimit na ipinahihiwatig ng pamagat ang
paksa ng isang teksto.

5
Tunghayan ang halimbawa.

PH naitala ang unang kaso ng bagong coronavirus


Abs-Cbn News

Ano sa palagay mo ang paksa? Siguro ay ang unang kaso ng Covid19 sa Pinas.

Basahin mo ang teksto at tingnan kung tungkol nga sa unang kaso ng bagong
coronavirus sa Pinas.

Nakumpirma ng Pilipinas ang pinakaunang kaso nito ng bagong uri ng


coronavirus sa isang babaeng Chinese galing Wuhan, ang lungsod sa China na
pinagmulan ng sakit, sabi ngayong Huwebes ni Health Secretary Francisco Duque III.

Dumating nitong Huwebes ang lab test results galing Australia na nagpakitang
positibo sa 2019 novel coronavirus ang isang 38 anyos na Chinese na dumating sa
bansa noong Enero 21, ayon kay Duque.

Galing Wuhan ang pasyente at dumating sa Pilipinas mula Hong Kong, ani
Duque. Na-admit umano siya sa hindi tinukoy na government hospital matapos
magreklamo ng ubo.

Asymptomatic na umano ang nasabing pasyente sa ngayon, o wala nang


ipinapakitang sintomas ng virus, ayon kay Duque.

Tama ba ang hula mo? Tungkol nga sa unang kaso ng coronavirus ang paksa ng
teksto. Malinaw nga na natukoy ang paksa ng teksto sa tulong ng pamagat.

2. Ano ang tungkol sa paksa?

Pagkatapos mong matiyak ang paksa ng isang teksto, ang susunod na


dapat mong itanong sa sarili ay ganito:

“Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?

Ang sagot sa tanong na ito ay ang pangunahing ideya o kaisipan ng


teksto.

Ang pangunahing ideya/kaisipan ay ang pinakamahalagang kaisipan


tungkol sa paksa ng isang teksto.

6
Magiging madali ang pagtukoy sa pangunahing ideya o kaisipan ng isang
teksto kung itatanong ang sumusunod na mga tanong.

Ano ang paksa o tapik?

Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa? (Ang pangunahing


ideya ang sagot sa tanong na ito).
Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang teksto
para sa lubusang pagunawa nito.

Balikan natin ang teksto sa itaas, ano ang nais ipaunawa ng paksa? Tama
ka, ang pangunahing kaisipan nito ay tungkol sa impormasyon ng unang biktima
sa coronavirus.

3. Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano?

Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng


mga pansuportang detalye. Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw
sa pangunahing ideya upang maunawaan ito nang lubos.

Ang mga pansuportang detalye ay nagtataglay ng mahahalagang


impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang
tekstong binasa.

Gayundin nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong


sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan
ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos, istatistika
at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa pangunahing
ideya.

Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy sa paksa, pangunahing ideya /


kaisipan at mga pansuportang detalye ng isang teksto ay isang magandang simula
upang ikaw ay maging epektibong mambabasa.

Naging malinaw ba sa iyo ang mga ipinaliwanag ko? Tingnan natin. Heto pa ang
isang teksto. Basahin mong mabuti at alamin ang paksa o tapik. Tukuyin o buuin ang
pangunahing ideya / kaisipan nito, pagkatapos.

Hagdan-hagdang Palayan
Aurora F. Mambiar

Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugao ay gumugol ng


mahigit 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa
pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga

7
kamay at katutubong teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit na 6,000 taong
gulang na.

Makikita ang kamangha-manghang kaalaman at kasanayan ng mga katutubo sa


pagsasaka, arkitektura at engineering. Ang bawat baitang ay nakaayos sa isang
istratejik na anggulo upang ang mga tanim na palay ay ganap na masikatan ng araw
(Enriquez). Bagama’t libu-libong taon nang naitayo ito, ang mga patubig ay sapat at
nananatiling mataba pa rin ang lupa sa kabila ng mga pag-ulan at natural na
kalamidad.

Maraming katawagan ang ibinigay ng mga dayuhan sa kamangha-manghang


likhang - pinoy na ito. Ang iba ay tinawag itong hagdanan patungo sa langit, ang iba
naman ay tinawag itong hagdan patungo sa paraiso, sapagkat ang mga katutubo raw
noon ay hindi naglakbay upang maghanap ng pagkain. Sa halip ginamit nila ang
kalikasan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan. Nanatili ang mga
katutubo sa lugar na ito at hindi na bumaba sa kapatagan. Nagsilbing paraiso sa
kanila ang likhang kamay na ito. Ang iba naman ay tinawag itong Pacific Grand
Canyon at may mga dayuhan ding nagsasabi na matatagpuan sa Pilipinas ang
nalalabing hanging garden of Babylon ngunit tinawag itong Pa-yo ng mga Ifugao na
lumikha nito.

Ang Pa-yo ang magpapatunay at mangungusap sa lahat kung gaano kayaman


ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

O kaya mo bang ibigay ang sagot sa tanong na, “Tungkol saan ang teksto?”
Tama. Tungkol ito sa hagdan-hagdang palayan. Iyan ang paksa.

Masasabi mo ba kung ano ang pangunahing ideya? Ang nais ipaunawa ng


paksa ay ang pagkakaayos ng lugar na kakikitaan ng kaalaman sa pagsasaka,
arkitektura at engineering ng mga Ifugao.

Anong karagdagang impormasyon ang nais na ipabatid ng may- akda upang


lubusan mong maunawaan ang pangunahing ideya? Ang tanong na ito ay madali mong
masasagot kung bubuo ka ng isang tanong na maglalahad ng pansuportang detalye
tulad ng tanong na ito:

Ano ang masasalamin sa hagdan-hagdang palayan ng mga


katutubong Ifugao?

Pag-aralan mo ang mga sagot sa tanong na ito kung tumutugon sa pangunahing


ideya ng teksto.

Masasalamin sa hagdan-hagdang palayan ng mga katutubong Ifugao ang:

1. sama-samang paggawa ng mga katutubo

8
2. kamangha-manghang kaalaman
3. kasanayan ng mga katutubo sa pagsasaka, arkitektura at engineering
4. magpapatunay at mangungusap sa lahat kung gaano kayaman ang kultura at
kasaysayan ng Pilipinas

Tandaan na kahit maikli o mahaba ang teksto, agad mo itong mauunawaan kung
tutukuyin mo muna ang paksa nito, ang pangunahing ideya/kaisipan at ang mga
detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan.
Narito pa ang isang teksto. Basahin mo itong mabuti. Itala sa iyong sagutang
papel ang pangunahing kaisipan at ang mga detalyeng sumusuporta dito.

1. Ano nga ba ang sinabi ng mga pyramid ng Ehipto, magagarang templo at


monumento, tulad ng Taj Mahal ng India, Angkor Wat ng Cambodia, Ananda
Temple ng Burma ( Myanmar) at Borobudur ng Indonesia kung ihahambing sa
ating Pay-yo? Isang buhay na simbolo na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa
kalayaan. Naitayo ito sa pamamagitan ng kolektibo at kooperatibong paggawa at
hindi tulad ng ibang pandaigdigang pamanang kultural na naitayo dahil sa may
naghahari at may inaalipin sa lipunan. Hindi ito itinayo dahil lamang sa
kaligayahan at kapakinabangan ng isa o iilang tao, kundi ito ay itinayo dahil sa
kabutihan at kapakinabangan ng mamamayan. Upang makatugon sa
pangunahing pangangailangan ng buong bayan.

2. Ang proseso ng pagma-mummified ay nagsisimula sa pagpapainom ng


napakaalat na inumin sa isang taong malapit nang mamatay. Kung patay na ito,
hinuhugasan ang kanyang katawan at pinauupo sa silya na yari sa bato na
napaliligiran ng mga baga upang lumabas ang lahat ng tubig sa katawan.
Kinakailangan ding bugahan ng usok ng tabako ang bibig nito upang matuyo ang
internal organ ng bangkay. Madalas umaabot ng ilang linggo o buwan bago ito
maging mummy. Bago ito dalhin sa kweba pinupunasan ang tuyong katawan nito
ng mga halamang gamot.

Ganito ba ang sagot mo?

1. Ang motibo ng mga Ifugao sa pagtatayo ng Pay-yo.


2. Proseso ng pagma-mummified sa Pilipinas.

Binabati kita kapag nakuha mo nang tama ang mga sagot. Kung hindi balikan
muli ang teksto.

Tandaan mo na napakahalaga ang detalyeng nakapaloob sa iyong binabasa,


sinusuportahan ng mga detalyeng ito ang pangunahing ideya / kaisipan ng teksto.

Sa kabuuan ng araling ito, madali mong mauunawaan ang tekstong iyong


binabasa kung susundin mo ang dayagram na nasa ibaba.

9
Tuklasin

Matapos mong mabasa at maunawaan ang pagtukoy ng paksa at pangunahing


kaisipan, gawin ang sumusunod na gawain upang lubos na maintindihan ang aralin.

Panuto: Basahin ang tekstong nasa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong tungkol sa iyong binasa. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.
1. Ano ang paksa?
2. Ano ang pangunahing kaisipan?

1. Ang mitolohiya ay isang halos magkakarugtong-rugtong na tradisyonal na kwento


o mga mito, mga kwentong may kaugnayan sa relihiyon o paniniwala na
kadalasang tumatalakay sa mga diyos at diyosa na nagbibigay ng paliwanag

10
hinggil sa mga likas na pangyayari. Mahalaga ang mitolohiya sapagakat nilikha
ang mga ito upang maaliw ang mga tagapakinig o tagapagbasa sa mga
magagandang kwento, mamangha sa mga hiwaga, mapalawig ang kanilang
imahinasyon at matuto ng mabubuting aral mula sa mga ito.

2. Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na


nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang
panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay itinuring ng
mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga
elementong mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol
sa politika at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang
kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang
nagbibigay linaw sa mga kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano,
ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip na teolohiya o
kosmogoniya. Ang mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang
Aenid ni Virgil, kasaysayan ni Livy, Fasti ni Ovid, isang anim na tulang
nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at ikaapat na aklat ng
mga elehiya ni Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga
dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura partikular
sa mga relief.

3. Bago dumating ang mga sina-unang Pilipino ay mayroon na ng mga sariling


relihiyon tulad ng Animismo; ang pagsamba sa kalikasan, at Paganismo. Ang mga
paniniwala nila ay inipluwensiyahan ng mga banyaga lalo na ang mga Indiyano,
Malay at Indones at ibang mga Asyano na lumahok sa pangangalakal sa Pilipinas.
Si Bathala ay may pagkakatulad sa diyos ng mga Indones na si Batara Guru at ng
mga Indiyano na si Shiva, habang ang Indiyanong Epiko na Ramayana at
Mahabharata ay isinalin sa katutubong wika ng Pilipino at maraming salin ito sa
iba't ibang relihiyon ng mga katutubong Pilipino. Ang mga impluwensiya na ito ay
idinala ng mga nangangalakal mula sa karatig na mga bansa noong nabuhay pa
ang Indiyanong kaharian sa Thailand, Malaysia at Indonesia. Ang mga diyos sa
mitolohiyang Pilipino ay bahagyang dahan-dahan na nawala sa pagdating ng mga
Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mga Espanyol ay naging agresibo
sa kanilang kampanya laban sa mga katutubong relihiyon na naging resulta sa
diskriminasyon sa mga hindi Kristyano. Inutos ng Simbahang Katoliko na isunog
at itapon ang mga anito ng mga Pilipino at lahat ang mahuhuli na sumasamba sa
mga anito ay susunugin o kaya paparusahan. Sa modernong panahon ngayon
marami pa rin ang naniniwala.

11
Suriin
Isa-isahin natin ang mga sagot at pagpapaliwanag upang lubos mong
maunawaan.

Ano ang paksa ng unang teksto? Mitolohiya ang paksa ng unang teksto
sapagkat tinatalakay niya ang katuturan. Ang pangunahing kaisipan naman nito ay
tungkol sa kahlagahan ng mitolohiya. Ano ang mga pansuportang detalye upang
masabing ito ang pangunahing kaisipan?
…maaliw ang mga tagapakinig o tagapagbasa
…mamangha sa mga hiwaga
…mapalawig ang kanilang imahinasyon
…matuto ng mabubuting aral

Ito ang mga pantulong na detalye na nagpapatunay na kahalagahan ng


mitolohiya ang pangunahing kaisipan nito.

Sa ikalawang teksto, ano naman ang paksa at pangunahing kaisipan nito? Tama
ka, ito pa rin ay mitolohiya ngunit ito’y tumutukoy sa mitolohiya ng mga Romano. Ang
mga keyword na magpapatunay sa kahalagahan nito ay ang mga sumusunod:
…kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at moralidad na naayon sa batas ng
kanilang mga Diyos
…ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano
…ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon
… pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil

Tama ka, ang pangunahing kaisipan ay ang katangian ng mitolohiya ng mga


Romano.

Ano naman ang paksa at pangunahing kaisipan sa ikatlong teksto? Tumutukoy


naman sa mitolohiyang Pilipino at ang mga pantulong na detalye naman na
tumatalakay sa pangunahing kaisipan nito ay mga

12
…bago dumating ang mga sina-unang Pilipino ay mayroon nang mga sariling relihiyon
…ang mga paniniwala nila ay naimpluwensiyahan ng mga banyaga
…ang mga diyos sa mitolohiyang Pilipino ay bahagyang dahan-dahan na nawala sa
pagdating ng mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo,

Kaya ang pangunahing kaisipan nito ay tungkol sa kasaysayan ng mitolohiyang


Pilipino.

Pagyamanin

Inaasahan kong maipapamalas mo ang iyong natutunan sa mga susunod na


gawain.

Gawain 1: Basahin ang sumusunod na teksto. Tukuyin ang mensahe / kaisipan nito.
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. “Pag may isinuksok, may madudukot” sa panahon ngayon na kung saan ay
nakararanas tayo ng kahirapan, itaga natin sa bato na ang bawat sentimong
ating ginagastos ay napakalaking bagay upang tayo’y mabuhay. Huwag nating
hayaang mabutas ang ating bulsa nang dahil lamang sa walang kabuluhang
paggastos ng sa gayo’y mabawasan na ang mga taong naghihirap sa ating
bansa.

a. Hanggat may panggastos dapat lang na bilhin anuman ang naisin.


b. marami ng taong naghihirap dahil sa labis na paggastos
c. matutong magtipid upang hindi makaranas ng paghihirap
d. naghihirap ang bayan dahil sa hindi makatarungang paggasta

2. Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang magsunog ng


kilay para sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon, pinatutunayan lamang na
ang bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga sa edukasyon. Edukasyon na
siyang magagamit upang maging maayos ang pamamalakad ng ating bansa.

13
a. Ang edukasyon ay mahalaga.
b. ang mga pilipino ay may likas na pagpapahalaga sa edukasyon
c. ang pag-aaral ay karangalan ng bansa
d. dapat magsunog ng kilay sa pag-aaral

3. Sa bawat pagtahak natin sa buhay, dumarating ang pagkakataon na


nangangailangan tayo ng tulong sa ating kapwa. Tulong na ang kapalit ay ang
simpleng “pagtanaw ng utang na loob.” Hindi ba’t isa rin ito sa mga
pinahahalagahan nating kaugalian? Sinasabi ngang “Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”

a. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat na magpakatatag.


b. ang pagiging pilipino ay kakambal ang pagiging matulungin
c. ang pagtanaw ng utang na loob ay isa sa mga kaugaliang pinahahalagahan
natin
d. tumulong sa nangangailangan upang ikaw din ay tulungan kung
mangailangan

4. Po at Opo. Mga katagang tila isang magandang musika sa pandinig ng mga


nakatatanda sa atin.Musikang sinasaliwan ng isang magandang hakbang tulad
ng pagmamano. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga gawaing nagpapakita ng
paggalang hindi lamang sa mga matatanda kundi pati na rin sa ating sarili.

a. Ang musikang Pilipino ay magandang pandinig sa mga matatanda.


b. ang po at opo tulad ng pagmamano ay mga ugaling nagpapakita ng
paggalang
c. magandang buhay ang naidudulot nang pagiging makatarungan
d. maraming kabataan sa ngayon ang di gumagamit ng po at opo

5. “Colonial Mentality” ito’y isa pang kaugaliang hindi maiwasan ng mga Pilipino. Ika
nga “imported eh, kaya matibay, sikat!” Minsan nakakalimutan na nating
tangkilikin ang sariling atin. Ang mga mata nati’y nakatuon na lamang sa mga
produktong dayuhan at kung magkakagayon, mas mauunahan pa nila tayong
umunlad. Pero bago mangyari ‘yon, “Tangkilikin ang sariling atin.”

a. Ang mga produktong Pinoy ay mas maunlad na.


b. basta’t imported matibay
c. iba pa rin ang gawang dayuhan
d. tangkilikin ang sariling atin upang tayo ay umunlad

14
Ganito rin ba mga sagot mo sa unang gawain? Kung tama lahat, binabati kita.
Ipagpatuloy sa susunod na gawain.
1. c 2. b 3. c 4. b 5. d

Gawain 2: Basahin ang mga sumusunod na piling bahagi ng mitolohiya. Ibigay ang
paksa at pangunahing kaisipan.

1. Si Demeter ay diyosa ng lupa.  Siya ang namamahala sa pagtatanim at pag-aani


ng mga magsasaka.  Kung minsan ay tinatawag siyang Inang-Lupa.  Nakatira
siya sa magandang pulo ng Sisilya sa piling ng kanyang anak na si Proserpina.
Si Proserpina ay isang dalagang magandang-maganda.  Katulong siya ng
kanyang ina sa pangangalaga sa mga halaman sa lupa.  Kung minsan ang mag-
ina ay namimitas ng mga bulaklak sa basa pa ng hamog kung bukang-liwayway.
Kung minsan naman ay nakikipagsayaw si Proserpina sa kanyang mga kapwa
dalaga sa gitna ng parang.  Masaya ang buhay ng mag-ina.
a. Ano ang paksa?
b. Ano ang pangunahing kaisipan?
Naunawaan ba ang mito? Ano/ Sino ang pinag-uusapan sa teksto? Tama ka! Ang
pinag-uusapan ay ang mag-inang sina Demeter at Proserpina. Ano naman ang nais
ipaunawa ng teksto tungkol sa paksa? Tama, ang pangunahing kaisipan ay
paglalarawan sa katangian/ katauhan ng mag-ina.
Ipagpatuloy ang pagsagot sa sumusunod pang mga teksto.

2. Nang mga panahong yaon ay malungkot si Pluto.  Nag-iisa siya sa kanyang


kaharian sa ilalim ng lupa.  Ibig niyang magkaroon ng reyna.  Marami nang
dalaga ang kanyang pinaghandugan ng mga mahal at magaganda niyang hiyas,
ngunit isa man ay walang mahikayat na tumira sa kanyang kaharian.

a. Ano ang paksa?


b. Ano ang pangunahing kaisipan?

3. Naging matigas ang puso ni Demeter dahil sa kalungkutan. Sinabi niya sa mga
tao na hangga’t hindi niya nakikita ang kanyang anak ay hindi niya maaasikaso
ang mga gawain niya sa lupa. Naghanap siya nang naghanap. Nang wala na
siyang pag-asa ay lumapit siya kay Zeus. Hiniling niya sa diyos ng mga diyos na

15
ibalik sa kanya si Proserpina. “Kung siya’y ibabalik sa akin ay muling
magkakaroon ng masaganang ani sa lupa,” ang sabi ni Demeter kay Zeus.

a. Ano ang paksa?


b. Ano ang pangunahing kaisipan?

Ihambing mo ang mga sagot sa ibaba. Kung tamang lahat ang sagot mo,
binabati kita. Kung hindi balikan mo muli ang teksto.
1. Paksa: Si Demeter at Proserpina
Pangunahing Kaisipan: Ang katangian at katauhan ng mag-ina
2. Paksa: Si Pluto
Pangunahing Kaisipan: Ang kalungkutan ni Pluto dahil sa kawalan ng
katuwang sa buhay.
3. Paksa: Si Demeter
Pangunahing Kaisipan: Ang pagdadalamhati ni Demeter sa pagkawala ng
kanyang anak.

Gawain 3: Basahin at unawain ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
Batas ng Lansangan
Manilyn A. Sison Ang Sulo,
Mataas na Paaralang Torres
Disyembre, 2002

Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew mula


ika-10 ng gabi hanggang ikaapat ng umaga sa may 897 barangay sa anim na distrito
ng Maynila sa mga kabataang 17 taong gulang pababa batay sa City Ordinance
No.8046 na itinakda ni manila 6th District Councilor Julio Logarta.

Layunin ng ipinatutupad na curfew na mapangalagaan ang mga kabataan sa


masasamang elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa mga ipinagbabawal na
gamot at mga marahas na pangkat na gumagala sa lansangan tuwing gabi.

Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito- ang pangalagaan ang mga


kabataan at maiiwas sa pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng
alak, paninigarilyo at pagsusugal, mailayo sa maimpluwensiyang barkada at lalo’t
higit sa lumalalang karahasan sa bansa na karaniwang nagaganap tuwing gabi.

Kaugnay nang pagpapatupad na ito, may mga kaparusahan sa mga


mahuhuling kabataang nasa labas ng bahay sa ganitong oras ng gabi.

Tunay na malaking tulong ang barangay curfew sa paghubog ng mga pag-asa


16
ng bayan. Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang
makapagpapaunlad sa kanilang katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng
mamamayan ng bansa.
Ano ang paksa ng teksto? Tama ka kaibigan, ang paksa ng teksto ay ang
pagpapatupad ng curfew na agad na matatagpuan sa unang talata ng teksto.
Ano naman ang pangunahing ideya nito? Di ba, “Isang makabuluhang hakbang
ang pagpapatupad ng curfew sa Lungsod ng Maynila.”

Ang mga sumusunod na talata ay nagbigay sa atin ng mga pansuportang detalye


sa pangunahing ideya. Piliin ang bilang ng mga pansuportang detalye.

1. Mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng


pagtutulak at pagkalulong sa bawal na gamot.
2. Mabawasan ang mga kabataang nagkakalat sa kalye.
3. Maiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal ang mga kabataan.
4. Mailayo ang mga kabataan sa impluwensiya ng barkada.
5. Mapalaki ang kita ng mga panggabing negosyo.
6. Ipatutupad ang curfew sa 897 barangays sa anim na distrito ng Maynila.
7. Ang curfew ay para lamang sa mga kabataan sa mga baranggay na sakop ng
ika-anim na distrito ng Maynila.
8. Ang mga kabataang 17 taong gulang pababa ay sakop ng curfew.
9. Mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ipatutupad ang curfew.
10. May mga kaparusahan sa mga kabataang lalabag sa ordinansa.

Ihambing dito ang sagot.


Ang mga bilang na ito ang dapat na pinili mo.
Ito ang mga pansuportang detalye sa tekstong binasa.
1 3 4 6 8 9 10
Anong mga tanong ang babagay sa bawat pansuportang detalye?
Ganito ba ang sagot mo?
1. Ano ang layunin ng pagpapatupad ng curfew?
2. Saan ito ipatutupad?
3. Sinu – sino ang maapektuhan nito?
4. Kailan ito ipatutupad?
5. Paano magiging makabuluhan ang ordinansang ito sa Maynila?

17
Kung nasagot mo ang mga tanong, binabati kita. Pwede mo nang ipagpatuloy
ang pag-aaral sa modyul na ito. Kung hindi, balikan mo ang aralin.

Isaisip

Narito ang mga dapat laging tandaan;


1. Ang pagtukoy sa paksa ay mahalagang hakbang sa pag-unawa, ngunit
kailangang tiyakin na alam at nauunawaan mo rin ang kahulugan ng pamagat ng
tekstong binabasa.

2. Huwag isipin na maibibigay mo agad ang pangunahing ideya / kaisipan ng isang


teksto sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap
nito. Kailangang basahin mong mabuti ang kabuuan ng teksto upang matiyak
ang pangunahing ideya.

3. Tandaan na ang pangunahing ideya / kaisipan ay ang pinag-uusapan sa


alinmang teksto. Ito ang iniikutan ng talakay. Mahalagang basahin nang may
pang-unawa ang anumang teksto upang matukoy ang pangunahing ideya nito.

Isagawa

Sagutin ang pagtataya upang matiyak natin ang iyong natutunan sa modyul na
ito.

Panuto: Bumuo ng talatang nagsasalaysay batay sa mga salita o pariralang nasa


kahon. Tandaan na dapat isaalang-alang ang mga hakbang na napag-aralan upang
madaling madaling matukoy ang pangunahing kaisipan nito.
Base sa WHO, karaniwang sintomas, COVID-19, lagnat, pagkapagod, at dry
cough. Pasyente nakararanas ng sipon at baradong ilong, sore throat, o diarrhea,

18
hirap sa paghinga,malubha ang kalagayan.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiya ng mga Ifugao pagkatapos ay
sagutin ang mga sumusunod na gawain.

NAGKAROON NG ANAK SINA WIGAN AT BUGAN


Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si


Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga
diyos ang ating mga panalangin!”

Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-momma tayo
at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”

Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan na


magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ang
mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”

Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa


Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog ng
Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong
siya nito “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para
maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.”
Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika ng nito. “Sige magtungo ka sa
silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”

Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos.


Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit ka
naririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng
lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang

19
buwaya at nagsabing, “Hindi kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.”
Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng
kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya
ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo na ako.  Kaming mag-asawa ay walang anak.
Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak.”

Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda
mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong
paglalakbay.” Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad
patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na
sina Ngilin, Bumabakker, at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya
sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.

“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang
hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na
nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya
habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.

“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon
ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.

“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si


Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.

Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy,
manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin tuturuan ng
ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at pamumuhay.”

Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng
panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni
Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang
buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok
sa sinapupunan ni Bugan.

I. Panuto: Salungguhitan ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob


ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Antok na antok si Mila kaya di niya napigilan ang biglang paghikab


habang nanonood ng telebisyon sa sala.

20
2. Itinuturo pa rin sa mga Hapones ang pagsusuot ng tradisyunal na damit
na Kimono at Obi,ang detalyadong ritwal sa pagsasagawa ng seremonya
Sa Tsaa at Pag-aayos Ng Bulaklak o Ikebana.Dinudumog pa rin ng
milyong Hapones ang mga Dambanang Shinto at Templong Budhhist.
3. Ibayong nginig ang kanyang naramdaman habang tinatahak niya mag-isa
ang madilim na eskinita. Bigla siyang napasigaw nang bigla may humablot
sa kanyang bag at tumakbo palayo. Hindi na niya nahabol ang kawatan
dahil sa pangangatog ng kanyang tuhod.
4. Namigay sila ng regalo sa mga bata kaya labis ang katuwaan na
nakapinta sa kanilang mga mukha. Sa loob-loob niya, hindi niya
maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya.
5. Gigil na gigil akong nag-usisa sa kapatid ko tungkol sa mababa niyang
grado ngunit nanatili lang siyang tahimik sa sulok at iniiwasan ang
pagtatanong ko.

II. Panuto: Sa tulong dayagram, ibigay ang paksa, pangunahing kaisipan at


mga pansuportang detalye mula sa mitolohiyang nabasa.

21
III. Panuto: Batay sa mga pariralang nakatala sa ibaba, bumuo ka ng maikling
pagbubuod patungkol sa araling iyong napag-aralan.

a. mahusay na mambabasa

b. pagtukoy sa paksa

c. pagsusuri sa pamagat

d. pangunahing kaisipan

e. pansuportang detalye

Karagdagang Gawain
Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Yakap, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagmamahalan

Napakagandang kaugalian ito ng lahat ng bansa. Tunay na ipinadarama


nila ang kanilang emosyon... malungkot o hindi sa mahigpit na yakap.

Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang


libong salita. Para sa mga sanggol at matanda ang yakap ay pahiwatig ng
pagmamahal subalit sa magkalaguyo ay hindi pagmamahal kundi nakaw na pag-
ibig.

Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng nagmamahalang mga puso


ay nadarama ang higpit ng yakap.

Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. Naroon


ang matinding yakap na nakaaalis ng sugat ng puso. Ang yakap ay
nangangahulugan ng pagpapatawad. Iyong dibdib sa dibdib na yakap ay
nakaaalis ng sama ng loob, galit, inggit, hinanakit at marami pang iba.

22
Sa isang ama na nawala nang maraming taon at naroon sa hapag-kainan
makikita ang amang puno ng luha. Naroon ang kanyang mag-ina na hindi
umaasa na darating ang isang araw na makapiling nila ang kanilang ama.

Sa isang ina na nagbalik pagkatapos iwan ang kanyang mag-aama nang


mahabang panahon ay mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang matinding
pagkagiliw sa kanyang mga mahal sa buhay.

Ang yakap ay simbolo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay,


pagpapatawad at pagsisisi. Ito ay pahatid ng Poong Maykapal sa mga pusong
nagmamahalan

I. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang paksa ng teksto ay ______________.


a. init b. pagkakaisa c. pagmamahal d. yakap

2. Ang mainit na yakap ng nawalay na ina ay hudyat ng matinding pagkagiliw sa


kanyang mahal sa buhay. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng….
a. kalungkutan b. pagkaawa c. kaligayahan d. kasawian

3. Ang pangunahing kaisipan ng tekstong binasa ay matatagpuan sa _____ talata.


a. una b. huli c. ikatlo d. ikaapat

4. Ang luha sa mata ng ama na matagal na nawalay sa mahal sa buhay ay


nagpapahayag ng….
a. kaligayahan b. kalungkutan c. kasawian d. katapatan

5. Nais ipabatid ng teksto sa mambabasa na ang yakap ay nangangahulugan ng...


a. pakikiramay b. pagmamahal c. pagpapatawad d. lahat ng mga
ito

II. Panuto: Piliin ang letra ng mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing


kaisipan ng teksto.

a. Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang


libong salita.
b. Mahalagang mayakap palagi ang mga mahal sa buhay.
c. Ang mahigpit na yakap sa kaaway aynagpapahayag ng pakikipagkasundo.
d. Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng mga nagmamahalang puso
ay nadarama ang higpit ng yakap.

23
e. Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso.
f. Ang luha sa mata ay nagpapahayag nang matagal na pagkawalay sa mahal
sa buhay.
g. Ang yakap ay nangangahulugan ng pagpapatawad.
Iwasto mo na ang iyong sagot sa pahina 27.

Ano, nasagutan mo bang lahat? Kung maraming mali, balikan mo ulit ang mga
aralin.

Maraming salamat sa iyo kaibigan. Sana ay may naitulong sa iyo ang mga aralin
sa modyul na ito.

24
Susi sa Pagwawasto

Subukin
A.
1. d
2. d
3. d
4. c
5. d
B.
1. a
2. c
3. d
4. d
5. b
C.
1. Paksa: Mitolohiyang Pilipino
Pangunahing Kaisipan: Katangian ng mitolohiyang Pilipino

2. Paksa: COVID-19
Pangunahing Kaisipan: Mga sintomas na dulot ng COVID-19

3. Paksa: Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue


Pangunahing Kaisipan: Ang pagkakagawa ng palayan ng mga katutubong Ifugao

25
Tayahin
I.
1. antok na antok, paghikab
2. ritwal, seremonya
3. nginig, pangangatog
4. katuwaan, saya
5. nag-usisa, pagtatanong

II.
Paksa: Sina Wigan at Bugan

Pangunahing Kaisipan: Ang masalimuot na paglalakbay ni Bugan sa kagustuhang sila’y


magkaroon ng anak.
Suportang Detalye:

Sino: Sina Wigan at Bugan

Ano: Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga Diyos

Saan: Sa silangan

Kailan: Noong unang panahon

Bakit: Siya’y naglakbay upang humingi ng tulong sa mga diyos upang sila’y mabigyan
ng anak.

Paano: Tinuruan sila ng diyos ng ritwal na buad na kanilang isinagawa at nabiyayaan


sila ng anak.

III.

Ang unang ginagawa ng mahusay na mambabasa tungo sa pag-unawa ay ang pagtukoy sa paksa
ng tekstong binasa. Ano ang paksa? Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin.

Alam mo ba ang paraan para matukoy mo ang paksa ng teksto? Isa na rito ang pagsusuri sa
pamagat. Kapag nakuha mo ang paksa, madali nang kunin ang pangunahing ideya.

Ang isang teknik na makatutulong sa pagtukoy sa paksa ay ang pagkilatis sa pamagat.


Pagkatapos mong matiyak ang paksa ng isang teksto, ang susunod na dapat mong itanong sa sarili ay
ganito: “Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?
Ang sagot sa tanong na ito ay ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.

Ang pangunahing ideya / kaisipan ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang
teksto.

Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang teksto para sa lubusang pagunawa
nito.

Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pansuportang detalye.
Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito nang
lubos.

26
Karagdagang Gawain
I.
1. D
2. C
3. B
4. B
5. D
II.
A D E G

27
Talasanggunian

Ambat, Vilma C. Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan. Retrieved on June


25, 2020 from http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/nagkaroon-ng-anak-sina-
wigan-at-bugan.html

Anonymous (2015). Modyul 9 Pagsusuri at Pagtukoy sa Kaisipan, Mensahe at


Damdamin ng Teksto. Retrieved on June 19, 2020 from
https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-9.pdf

Anonymous. Modyul 14 Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan at Pagbuo ng


Hinuha. Retrieved on May 27, 2020
fromvhttps://www.yumpu.com/xx/document/view/21610715/modyul-14-pagtukoy-ng-
pangunahing-kaisipan-at-pagbuo-e-turo

Anonymous. Sandigan. Retrieved on June 25, 2020 from


https://hellopoetry.com/words/sandigan/

https://news.abs-cbn.com/news/01/30/20/ph-naitala-ang-unang-kaso-ng-bagong-
coronavirus

Jocson, Magdalena O. et.al (2015). Pantikang Pandaigdig 10 Modyul para sa


Mag-aaral, Pasig City, Vibal Group Inc.

28
Para sa anumang katanungan at mungkahi, maaaring sumangguni
sa website na ito, depedcarifugao.

29

You might also like