You are on page 1of 29

FAR EASTERN UNIVERSITY

GENERAL EDUCATION

COURSE COMPLETE MODULE


GED0116

RETORIKA
Unang Semestre (2021-2022)

1
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Modyul 4: Tekstong Ekspositori


May Nangyari sa Villa Lois
ni Kenneth Roland Guda

Awit ng Hinagpis at Galit


ni Joi Barrio

Sa Aking Panahon ni Rey Valera

Mga Layunin

1. Matukoy ang kahulugan at katangian ng tekstong ekspositori.


2. Mailahad ang mahahalagang babasahin na nauuri sa anyong ekspositori.
3. Makapagsuri ng isang artikulong ekspositori batay sa ibinigay na balangkas.
4. Makapagpahayag ng opinion hinggil sa mahahalagang isyung panlipunan.
5. Malinang ang kasanayan sa kritikal na pagpapahayag at pagsusulat.

II. Panimulan Gawain

A. Ang bawat araw ay panahon ng bagong pangyayari. Ang lunan ng pangyayari ay


ang lipunan. Sa lipunang ito ay may kani-kaniyang pangkat ang tao.

Paano tayo nakikisangkot sa mga pangyayari sa ating paligid? Paano natin nalalaman
ang mga bagong pangyayaring nagaganap sa ating bansa man o sa ibang panig ng daigdig?

Hindi na ito problema sa ating modernong panahon. Hindi na TV lang ang


pinanggagalingan ng mga datos at balita, mas madalas, sa panahong ito, na sa internet na tayo
sumasagap ng mahahalagang pangyayari sa ating paligid. Sa loob at labas man ng bansa.

2
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Bumuo ng sariling konsepto,kung ano para sa inyo ang balita

N BALITA
W

Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang mga pangunahing inaalam natin sa isang balita?


2. Bakit mahalaga sa bawat tao o mamamayan ang balita?
3. Paano natin sinusuri ang katumpakan ng mga detalye sa isang balita?

B. Panoorin at pakinggang mabuti ang isang video clip ng balita.

Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang balita?
2. Anong mahalagang impormasyon ang makukuha sa napakinggan/napanood?
3. Gaano kahalaga sa isang tao ang makakalap ng ganitong klase ng
impormasyon?

3
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

III. Pagtalakay:

1. Basahin ang artikulong May Nangyari sa Villa Lois ni Kenneth Roland R.


Guda.(Tingnan sa folder ng Tekstong Ekspositori).

Sino? Ano?

Saan? Bakit?

Kailan? Paano?

2. Gamit ang pamamaraang Eye Witness balita, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan upang mailahad ang mahahalagang impormasyong isinasaad sa balita
3. Ilahad nang detalyado at may masusing pagsusuri kung ano pangunahing isyu sa
balita.
4. Bakit nangyari ang gayong uri ng pagkilos ng awtoridad? Ipaliwanag.
5. Pangatwiranan kung tama ba ang pagkilos ng awtoridad laban sa mga
mamamayang kasangkot sa raid at sa mga mamahayag ng nasabing panulatan.
6. Ilahad ang inyong opinyon hinggil sa usapin ng pagsikil sa kalayaan sa
pamamahayag.
7. Paano inilahad sa artiklulo ang halaga ng usapin tungkol sa karapatang pantao?

4
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Tekstong Expositori

Ang paglalahad ay ang pagpapahayag o pagbibigay ng mga kaalaman o mga


kabatiran at kuro-kuro.
Ang tekstong ito ay may layuning magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon at ideya.
Sa pamamagitan ng paglalahad, naibabahagi ng tao ang kaniyang ideya,
damdamin, hangarin, paniniwala at kuro-kuro sa mga pangyayari, bagay, lugar o
kapwa-tao.
Ito ay maaaring sumagot sa mga tanong na: Ano ito?, Ano ang kahulugan
nito?, Saan ito nagmula?, Papaano ito nangyari?, Ano ang problema? at Paano ito
mabibigyan ng solusyon?

Katangian ng Tekstong Ekspositori:


• Obhetibo ang pagtalakay sa paksa
• Sapat na mga kaalamang ilalahad
• Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya
• Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at datos

Mga Katangian ng Mahusay na Ekspositori

1. Kalinawan - Kinakailangang maunawaan ng nakikinig o bumabasa ang


anumang pahayag.
2. Katiyakan - Dapat nakatuon lamang sa paksang tinatalakay.
3. Kaugnayan - Kailangang may kaugnayan ang lahat ng bahagi ng talata o
pangungusap at nagkakaugnay sa bagay na pinag-uusapan.
4. Diin - Dapat may wastong at malinaw na pagpapaliwanag sa pagtatalakay.

5
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Mga Bahagi ng Ekspositori

1. Panimula - Kailangang may magandang panimula, na makatatawag-pansin sa


mambabasa.

Mga Paraan sa Pagbuo ng Maayos na Panimula.


a. Magsimula sa pamamagitan ng tanong.
Halimbawa: Gaano kahalaga ang pag-ibig sa isang tao?

b. Magsimula sa pangungusap na makatawag-pansin.


Halimbawa: Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig!

c. Magsimula sa pamamagitan ng isang kuwento.


Halimbawa: Hindi matatawaran ang naging pag-ibig nina Florante at Laura.

d. Magsimula sa isang diyalogo.


Halimbawa: “Alam mo, gusto kong laging nakikita ang crush ko.”

e. Maaaring gumamit ng tuwirang sipi.


Halimbawa: “O pagsintang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama'y iyong
nasasaklaw, pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat
masunod ka lamang.”

f. Gumamit nang malalim na pangungusap na


taglay ang kaisipan at daan sa pagbukas ng paliwanag.
Halimbawa: Pag-ibig, nagsisilbing salamin sa buhay ng tao.

g. Magsimula sa tuwirang paksa.


Halimbawa: Pag-ibig, isang bagay na mahalaga sa bawat tao.

2. Gitna / Katawan

6
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Kaugnay ng panimula. Ito ang nagbibigay ng detalye ng isang paksa.

3. Pangwakas
Sa bahaging ito matatagpuan ang pangungusap o mga pangungusap na magtatapos
sa paliwanag tungkol sa paksa o kaisipan.

Istruktura ng Tekstong Ekspositori:

1. Sanhi at Bunga
Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay nagging resulta ng mga naunang
pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa
dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay
(sanhi) at ano ang resulta nito (bunga). Narito ang isang halimbawa ng
impormatibong tekstong nasa estrukturang sanhi at bunga.

7
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

2. Paghahambing
Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga
pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.
Narito ang isang halimbawag teksto na naghahambing sa sinaunang paniniwalang
political ng mga bansang Tsina at Hapon.

8
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

9
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

10
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

3. Pagbibigay-depinisyon

Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto.


Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng isang
hayop, puno, o kaya naman ay may abstraktong mga bagay gaya ng katarungan,
pagkakapantay-pantay, o pag-ibig. Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo,
mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o konotatibo. Narito ang
isang halimbawang teksto na maglalahad ng iba’t ibang depinisyon ng
imperyalismo.

11
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

4. Paglilista ng Klasipikasyon
Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking
paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng Sistema ang
pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang
klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. Kung sa naunang halimbawang teksto ay
naipaliwanag ang depinisyon ng imperyalismo, ipakikita naman sa susunod na
teksto and iba’t ibang klasipikasyon nito batay sa teritoryo.

12
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

13
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

14
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Mga Uri ng Tekstong Naglalahad/ Expositori:

1. Pangulong-tudling / Editoryal
Ito ay sariling kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag na naglalagay ng kanilang
sarili sa katayuan ng mga mambabasa.

Layunin nito ang magpaliwanag, magbigay-puri, magpahalaga, magtanggol o


manuligsa.

15
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

2. Suring-basa
Dito matatagpuan ang kuro-kuro, palagay, damdamin at sariling kaisipan ng
sumulat sa binibigyang suri.

16
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

3. Panuto
Ito ang nagbibigay-patnubay o direksiyon sa paggawa ng isang bagay.

17
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

4. Paggawa ng Tala
Dito maaaring isulat sa maikling salita pangungusap, parirala o pabalangkas. Sa
pamamagitan ng paggawa ng tala mapagtutuunan ng pansin ang isang bagay na
nangangailangan ng oras o panahon.

18
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

5. Sanaysay
Ito ay pagsasalaysay ng isang sanay. Ginigising nito ang damdamin ng isang tao
tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu.

19
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

6. Balita
Ito ay isang uri ng paglalahad kung saan nalalaman ang pangyayari sa loob at labas

ng bansa.

20
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

7. Buod - Tinatawag din itong lagom ng pinaikling akda o katha.

21
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

9. Pitak
Isang uri pa rin ng paglalahad na makikita sa mga pahayagan o magasin.
Tinatawag ring kolum.

22
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

IV. Pagtataya

Pormatibo #1 para sa FINALS

Mekaniks:

Bilang pagtataya, bumuo ng grupo na may 3 miyembro at pumili ng isa sa mga sumusunod
na gawain na magpapakita ng kaalaman at kasanaya na naunawaan mula sa nagign talakayan
sa katangian at kalikasan ng tekstong ekpositori

1. Paglikha ng Patalastas tungkol sa isang partikular na paksa

A. Ang patalastas na ito ay maaaring sa pamamagitan ng video o polyeto.

B. Anumang porma ng patalastas ang piliin.

C. Kailangang naglalaman ito ng mga impormasyon at kampanya ukol sa


paksang napili.

D. Ang video ay kailangang tumagal lamang ng isa hanggang dalawang


minuto habang ang polyeto naman ay nakaaayos depende sa haba ng
impormasyon na nais ipahayag tungkol sa partikular na paksa.

E. Tatayain ang patalastas sa pamamagita ng sumusunod na batayan:

Batayan Napakahusay (5) Mahusay (3) Karaniwan (1)


Datos/Impormasyon Tumpak na tumpak Angkop ang mga Hindi angkop ang
ang mga datos at datos at mga datos at
impormasyong impormasyong lahad impormasyong lahad
inilahad

Paksa/Tema Napapanahon at May kapakinabangan Hindi nakitaan ng


kapaki-pakinabang ang napiling paksa kapakinabangan ang
ang napiling paksa napiling paks

Kaayusan/ Maayos na maayos Maayos at lubhang Hindi maayos at may


Organisasyon at napakalinaw ng malinaw ang lahad kaguluhan ang lahad
paglalahad ng ng detalye ng mga ng detalye ng mga
detalye ng mga bahagi bahagi
bahagi

23
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Kabuuang impak Napakamalikhain at Malikhain at maayos Hindi nakitaan ng


napakaayos ang ang kabuuang pagkamalikhain at
kabuuang presentasyon ng kaayusan ang
presentasyon ng datos presentasyon ng
datos datos

Pagtugon sa Nakatugon sa mga Ilan sa mga Hindi nakatugon sa


mekaniks mekaniks na lahad mekaniks ang lahad na mekaniks
natugunan
Kabuuan = 25

2. Pagsasagawa ng isang Panel Discussion

F. Ang mga grupong pipili ng gawaing ito ay kailangang magpalitang-kuro


kung anong paksa ang pag-uusapan sa panel discussion

G. Kailangang mahalaga at napapanahon ang paksa na mapipili.

H. Itakda ang pokus ng talakayan ng bawat miyembro at iba ang gawain para sa
presentasyon.

I. Ang bawat grupo ay may hanggang 15 minuto upang maisagawa ang


talakayan.

J. Tatayain ang panel discussion sa pamamagitan ng sumusunod na batayan:

Batayan Napakahusay (5) Mahusay (3) Karaniwan (1)


Datos/Impormasyon Tumpak na tumpak Angkop ang mga Hindi angkop ang
ang mga datos at datos at mga datos at
impormasyong impormasyong lahad impormasyong lahad
inilahad

Paksa/Tema Napapanahon at May kapakinabangan Hindi nakitaan ng


kapaki-pakinabang ang napiling paksa kapakinabangan ang
ang napiling paksa napiling paks

Kaayusan/ Maayos na maayos at Maayos at lubhang Hindi maayos at may


Organisasyon napakalinaw ng malinaw ang lahad kaguluhan ang lahad
paglalahad ng ng detalye ng mga ng detalye ng mga
detalye ng mga bahagi bahagi
bahagi

24
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Kabuuang impak Napakalinaw at Malinaw at maayos Hindi nakitaan ng


napakaayos ang ang daloy ng kaayusan ng
daloy ng pagkakaugnay-ugnay kabuuang talakayan
pagkakaugnay-ugnay ng kabuuang
ng kabuuang talakayan
talakayan

Kabuuan = 20

Pormatibo #2 para sa FINALS

Suriin ang mga sumusunod na awit batay sa sumusunod na balangkas:


I. Paksa
II. Mga katibayan/ebidensyang inilahad
III. Katotohanan ng mga detalye
IV. Sariling kuro at opinyon
V. Paninindigan at lenggwahe ng mang-aawit

RUBRIKS NG PAGMAMARKA:

1. Nilalaman – 40 puntos
2. Paglalahad ng mga argumento – 20 puntos
3. Istruktura at Gramatika – 20 puntos
4. Kaisahan ng mga pahayag - 20 puntos

Nilalaman – 40 Paglalahad ng mga Istruktura at Kaisahan ng mga


argumento – 20 Gramatika – 20 Pahayag – 20

Mahusay ang Malakas, malinaw at Mahusay ang Mahusay ang


pagbuo sa mga mahusay ang pagkakasulat sa kabuuang talakay sa
pahayag at mahusay pangangatwiran. kabuuan ng paksa. Lutang na
ang pagpapaliwanag Malalim ang sanaysay. Nagamit luting ang iisang
tungkol dito. pagtalakay sa paksa nang tama ang mga tindig sa isinulat na
Malaman ang mga at mga detalye. titik, salita at bantas. pagsusuri. Malinaw
detalyeng inilahad. Mahusay na nailatag Maayos ang ang kaisahan ng mga
Malinaw na ang mga argumento talataan. Mahusay payahag at makinis
napangatwiranan batay sa ang pagkakabuo at ang pagkakabuo sa
ang mga pahayag na pinaniniwalaang pag-uugnay sa mga sulatin. 15-20

25
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

binanggit. Malalim panig. 15-20 pangungusap. 15-20


ang pagtalakay
tungkol sa paksa.
31-40
Naipaliwanag nang Mahusay na Nakasusulat nang Maayos ang
maayos ang mga nailahad ang mga maayos na sanaysay. paglalahad ng mga
punto bagaman hindi pangangatwiran May talataan at detalyeng isinulat
gayon kalawak ang batay sa piniling nagagamit nang bagaman, may mga
pagtalakay sa mga pahayag. May maayos ang mga puntong nailahad na
detalye. May kaukulang bantas at salita bahagyang
tangkang tindigan pagpapaliwanag bagaman napapalihis sa panig
ang pangangatwiran. ngunit nangangailangan pa na tinitinidgan. May
May mga nangangailangan pa ng ilang pagkikinis ilang mga payahag
pagbanggit sa mga ng karagdagang mga sa paggamit ng mga na hindi nakakawing
detalyeng kaugnay detalyeng susuporta iyon. 9-14 sa tono at tindig ng
sa paksa. sa pagtalakay. May pagsusulat. 9-14
21-30 mga maidaragdag at
mapabubuti pa ang
paglalahad ng mga
argumento na may
kaugnayan sa paksa.
9-14
Maayos ang mga Nakapangangatwira Nakasusulat ng Nakapagpapahayg
isinagawang n ngunit ang mga sanaysay ngunit may ng mga detalye
pahayag, bagaman pahayag ay mga dapat isaayos at batay sa
may kakulangan sa nangngailangan iwasto sa pinaniniwalaang
mga detalye ng pang pagbutihin at pagkakagamit ng panig ngunit walang
pagpapaliwanag. palakasin. mga mga kaisahan ang
Maraming Kailangang pangugusap, talataan kabuuan ng
kakulangan sa mga dagdagan ang mga at palabantasan. pagsusulat. Hindi
detalyeng kailangan detalye at kinisin 1-8 naipakita ang lakas
mailahad kaugnay ang mga ng tindig at
ng paksa.11-20 pagpapahayag ng pangangatwiranan.
kaisipan. 1-8. Kailangan pang
paghusayin ang
pagsulat. 1-8
Nakapagpapahayag
ngunit hindi
masyadong
naipaliwanag ang
mga detalyeng dapat
talakayin. Mahina
ang pagtalakay.
Nangangailangan pa
ng mga karagdagang
pagpapaliwanag. 1-
10

26
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

AWIT NG HINAGPIS AT GALIT


ni Joi Barrios
Dumating sa bayan salot na malupit
Sa bawat mahawak dumapo ang sakit
Ang utos sa tao sa bahay' magkulong
Checkpoint at sundalo baril ang solusyon

Kawawang bayan 'tong lider ay hangal


Malakas ang testing sa pila unahan
Pabida sa picture politikong hambog
Sukat pang sabihin sila'y mapaglingkod

Emergency kasi, emergency kasi


Akin daw ang powers, let all belong to me
Nasaan ang plano? Amin lang matanong
Sistema ang hanap sa ating pagsulong

Magniil ka bayan, magsuri't magbantay


Saan napupunta bilyones sa kaban
Ang dapat ayuda baka maibulsa
Kahit ang kontrata ay magkanya-kanya

Mangusap ka kabayan, dapat mong ihayag


hindi ka papayag sa gawaing palasak
sa baba, sa itaas, iba-ibang batas
hindi lamang sakit salot na kaharap

Lumaban ka bayan kahit nagluluksa


ngayon ay kaharap,
ngayon ay kaharap,
ngayon ay kaharap,
kakaibang digma.

Maaari itong pakinggan sa: https://www.facebook.com/watch/?extid=SEO----


&v=2930571923932421

27
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

SA AKING PANAHON ni Rey Valera

Ang aking bayan mahal ng kalikasan


Palaging may araw maghapon ang kwentuhan
Sa aking panahon may formalin na ang gulay
Mangidnap ng tao parang hanapbuhay
Mayro'n kaming xerex gigisignin ka sa sex
Moral naming babang-baba nangre-rape pati bata
Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aking panahon
Kung maaalala mo kami
Ito ang aking panahon

Sikat ang Pinatubo umalis mga kano


Ngunit ang isip namin G.I.Joe pa rin
Pagkatapos mag-aral takbo ay Amerika
Tingin namin sa bayan ay walang pag-asa
Salitang pagkakaisa ay narinig na namin
Ngunit di alam ang gagawin at kung anong ibig sabihin

Ito ang bayan ko ngayon


Ito ang aking panahon
Kung maaalala niyo kami
Ito ang aming panahon

Sa aking panahon uso ang mag-Saudi


Pag-uwi ay mayrong TV may blue seal ang barkada
May ilang linggo magbebenta na ulit
Pinayaman ibang bayan pamilya'y iiwanan
Kung marami sanang maka-Diyos sa gobyerno
At hindi na Diyos ang pera baka mayro'ng pag-asa

Ito ang bayan ko ngayon


Ito ang aking panahon
Kung maaalala niyo kami
Ito ang aming panahon

Kung maaalala (sana nga)


niyo kami (kabataan)
Ito ang aming panahon

28
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Pormat ng Pagpapasa ng Papel

1. Sukat: letter size / short coupon bond


2. Font type: Arial
3. Font size: 12
4. Margin: Normal
5. Line spacing: 1.50
6. Alignment: Justified
7. Maaaring nasa Word o PDF
8. File name kapag in-upload na sa Canvas
(SURNAME_Sec_GED0116_Ekspositori_Pamagat)
Halimbawa: SANTOS_Sec1_GED0108_Ekspositori_ Pilipinas, Saan Ka Patungo?

V. Sintesis:

Ang Tekstong ekspositori na naglalahad ng mga katotohan tungkol sa tiyak at


napapanahong paksa, ay magiging gamitin at kapaki-pakinabang sa inyong mga mag-aaral
upang patuloy kayong maging mapanuri at kritikal sa paglalatag ng mga argumentong
pinaniniwalaan at ng mga impormasyong nakalap. Nagiging gabay ito sa matalinong pagsipat
sa anumang usaping nangangailangan ng maingat na pangangatwiran at masusing pag-aaral
upang humantong sa isang makatarungang paglalagom o konklusyon.

29

You might also like